“KASAMA MO KAHAPON SI ARCHIE?” Iritadong tanong ni Anthony kay Selena nang pumasok siya sa trabaho kinabuksan. Ramdam niya ang selos sa boses nito habang nakatingin sa kanya.Matamis ang ngiting pinakawalan niya. “Sir, nagseselos ka ba?”“Alam mo ang sagot ko sa tanong na yan!” Pormal at walang kangiti-ngiting sagot ni Anthony sa kanya. Nagkibit balikat siya, “Binata si Archie, dalaga ako kaya. . .” bago pa niya matapos ang kanyang sasabihin ay nahila na siya nito sa isang sulok at biglang siniil ng halik sa mga labi.Manlalaban sana siya ngunit nang maalala ang ginawa sa kanya ni Christine ay mabilis niyang iniangkla ang kanyang mga braso sa balikat nito saka buong init niyang tinugon ang nag-aalab nitong mga halik. Pansamantalang tumigil sa ginagawa si Anthony at tiningnan siya ng matiim.“Ayokong makipaglaro, Selena. Damn, I’m serious.” Giit nito sa kanya, “Mahal kita at ayokong nakikipagkita ka pa or sumasama kay Archie.”Namumungay ang kanyang mga mata nang titigan ito, “May
“WALANGHIYA KANG MALDITA KA!” Hinila ni Christine ang kanyang buhok, “Ang kapal ng mukha mo. . .”“Stop it, Christine!” sabi ni Anthony habang inaawat ito, nilingon siya nito, “Umuwi ka na muna Selena.”Ngingiti-ngiting lumabas siya ng opisina ni Anthony. Wala siyang pakialam kung pagtsismisan man siya ng kasamahan niya. Sa lahat ng pinagdaanan niya sa buhay, kumapal na ang mukha niya at hindi na siya natatakot sa sasabihin ng ibang tao sa kanya.Tawa siya ng tawa habang nagmamaneho pauwi ng bahay. Hindi niya makakalimutan ang rumihistrong galit at pagkagulat sa mukha ni Christine nang makita siya kanina. Hah, kahit anong gawin nito, hindi nito maagaw ang puso ni Anthony sa kanya.Samantala ay nagwawala na sa galit si Christine, ni hindi ito maawat ni Anthony, lahat ng madampot ay sinisira.“Talagang garapalan na ang katarantaduhang ginagawa mo. Wala ka ng delikadeza na hayup ka!!! Ano pa bang gusto mong gawin ko? Hanggang dito sa opisina, dinadala ninyo ang kababuhayan ninyo!”
“MAY NANGYAYARI NA SA KANILA AT HANGGANG NGAYON wala ka pa ring ginagawa? Nangako ka kaya ibinibigay ko saiyo ang lahat. Nangako kang tutulungan mo akong maging maayos ang pagsasama namin ni Anthony!!!” Parang nasisiraan na ng bait na sabi ni Christine habang kausap si Don Narciso sa telepono.“Ginawa ko na ang lahat, pero hindi ko makokontrol ang puso ni Anthony,” sagot ni Don Narciso sa kanya.“Damn!!! Ginagago mo ba ako? Halos lahat ginagawa ko para mapaligaya ka kaya gawin mo ang parte mo!” Sigaw ni Christine sa matanda. Tuluyan na niyang nakalimutan na ito ang ama ni Anthony. Nagagalit siya at wala na siyang pakialam kahit na sino pa ang kausap niya. Besides, ang laki ng pakinabang nito sa kanya. Kahit masuka-suka siya para lang mapasaya ito ay ginagawa niya kaya dapat lang na sundin rin nito kung ano ang makakapagpaligaya sa kanya! “Kung wala kang gagawin, ako mismo ang magpapatay sa babaeng iyon!”“Yan ang wag na wag mong gagawin, Christine!” Matigas ang tonong sabi ni Do
ON THE WAY NA SA OPISINA si Selena nang makasalubong niya ang sasakyan ni Christine. Hindi siya napansin nito pero hindi ito nakaligtas sa kanyang paningin lalo pa at talagang kinabisado niya ang plate number ng sasakyan nito. Isa pa, ito lang ang may ganuon kagarang sasakyan dito sa Sta Isabel kaya makatawag pansin ang mamahaling sports car nito. Mabilis siyang nag-uturn para sundan ang sasakyan nito.Gusto niyang alamin ang mga pinagagawa ng babaeng iyon. Mabuti nang makilala niya itong mabuti para alam niya kung paano niya ito kakalabanin. After an hour ay tumatawag na si Anthony ngunit hindi niya sinasagot ang tawag nito. Hindi niya alam kung saan pupunta si Christine ngunit napansin niyang palabas ito ng kanilang probinsya. Mabuti na lamang at nagpa-full tank siya kahapon kaya ready siyang sundan ito. Napakunot ang nuo niya nang lumiko ang sasakyan nito papasok sa isang pribadong resort. Ipinarada niya sa labas ang kanyang kotse at nagsuot ng jacket at sombrero saka naglak
“BY THE WAY, NAKAUSAP KO NA ANG ABOGADO KO TUNGKOL SA DIVORCE na ipa-file ko. Kapag naayos ko na ang lahat, hindi na natin kailangang magtago pa.” Sabi ni Anthony nang lapitan niya si Selena. Kumunot ang nuo niya nang mapansing tila malayo ang itinatakbo ng utak nito, “Hey, what’s wrong?”Nakita niyang waring alanganin ito habang nakatingin sa kanya. Parang ang daming gustong sabihin ng mga mata nito.“Selena, kinakabahan ako sa pananahimik mong yan. Kung ang inaalala mo ay guguluhin ka ni Christine, wag kang mag-aalala. Kakausapin ko sya ng maayos. Sa umpisa pa lang, alam naman na nyang napilitan lang akong pakasalan sya dahil sa dinadala nya. But damn. . .”“Buntis sya nang ikinasal kayo?”Parang napapahiyang tumango si Anthony, “Pero sa maniwala ka at sa hindi, nangyari lang iyon nuong nawala ka at hindi ko alam kung anong gagawin ko. Lasing na lasing ako at parang wala na ako sa sarili. Ni hindi ko nga matandaan na may nangyari sa amin. Nagising na lang akong nasa iisang
NANGINGISAY SI SELENA habang sunod-sunod na nagtataas baba ang pagka***lalaki ni Anthony sa loob niya. Bawat pagtulos niyon ay napapaungol siya sa sarap na idinudulot niyon sa kanya. Pakiramdam niya ay tinatangay siya ng sensasyong hatid niyon sa ibang dimension.“Anthony. . .” sambit niya sa pangalan nito, napasabunot siya rito nang maramdamang sasabog na siya. Halos bumaon na ang mga kuko niya sa balikat nito, habang ito naman ay pabilis ng pabilis ang paglabas masok sa kanyang pagka***babae.“Selena,” tila daing na sambit nito habang ang mga labi ay hindi magkandamayaw sa pagsupsop sa kanyang kaliwa at kanang dibdib. “Ohh, Selena,” ramdam niya ang sumabog na katas nito sa kanyang loob. Ilang sandali pa ay sabay na nilang narating ang langit.Pero hindi pa ito huminto sa ginagawa. Muli nitong sinimulan ang pagromansa sa kanya. Mula ulo hanggang paa, mula paa hanggang ulo niya ay hinahalikan nito na parang sabik na sabik sa kanya.Nagpapaubaya lamang siya, buong puso, buong pag
“I’M SORRY ARCHIE pero wala talaga akong nararamdaman para saiyo. Aamin kong isa ka sa pinaghihinalaan ko kaya nakipaglapit ako saiyo. Alam kong mali ang ginawa ko at sana maintindihan mo kung bakit ko iyon ginawa.” Mahinahong sabi niya kay Archie nang tawagan siya nito, “Huwag sanang sumama ang loob mo.”“Wag kang mag-aalala. Naiintindihan ko naman ang lahat ng iyon. Hayaan mo, anuman ang mangyari, tutulong at tutulong pa rin ako para matukoy mo kung sino ang taong gumahasa saiyo.” Sabi ni Archie sa kanya.“Salamat.”“By the way, wala ka bang planong ipaalam kay Anthony ang mga nangyari?” Tanong nito sa kanya, “Maybe it’s about time na malaman nya ang pinagagawa ng asawa nya.”“Sa tamang panahon, malalaman rin nya ang lahat. Nangangalap lang ako ng matibay na ebedensya lalo pa at sa ngayon, puros hearsay pa lang naman ang lahat. Kung tutuusin, wala akong pinanghahawakang ebedensya laban sa kanya. Tanging mga ipinagtapat lang ni Karla ang pinanghahawakan ko. Nag-aalala akong b
MALAPIT nang matapos ang office hour nang sabihin ni Anthony kay Selena na mag-oovertime sila. Akala niya ay work related talaga ang pupuntahan nila kaya pumayag siyang sumama dito at iwanan ang kanyang sasakyan sa opisina. Nangunot ang nuo niya nang mapansing palabas na sila ng Maynila.“Saan tayo pupunta?” Nag-aalalang tanong niya rito. “Nagpareserve ako ng room sa hotel sa Maynila. Mainam na ring marelax tayo. . .”Bigla siyang nahigh blood dito. Hindi siya nakapag-paalam kay Aling Lagring tungkol dito. “Hindi ka dapat nagdedesisyon ng hindi mo muna ako tinatanong!” Mainit ang ulong sabi niya, “Ibalik mo ako sa opisina,” giit niya rito. “Kailangan kong makauwi!”“Hey, I’m sorry. Gusto lang sana kitang i-surprise total naman ay deserve rin naman nating makapagpahinga. Besides, gusto kong makasama ka ng matagal at. . .”“Ibalik mo ako sa opisina!” Iyon lang ang tanging isinagot niya rito.“Ano bang problema mo? Bakit? Dahil kikitain mo si Archie, ha?” Tila napipikon nang tanon
NAPAPAILING SI ROD habang pinapanuod si Becka na umiinom. Kanina pa niya ito inaawat pero mukhang gustong ubusin ang isang bote ng whisky. Hinayaan lang niya itong pakawalan ang lahat ng sama ng loob na nararamdaman nito. Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin niya maintindihan kung bakit nagawa itong ipagpalit ng ex nito sa pinsan nito, hindi hamak namang angat na angat si Becka kung pisikal na kaanyuan ang pag-uusapan.At saka ano bang nagustuhan ni Becka sa lalaking iyon? Kung itatabi ito sa kanya mukha lang sakong ng kanyang mga paa ang lalaking iyon. "Hindi ko alam na ganun pala kababa ang standard mo pagdating sa mga lalaki," patuya niyang sabi dito, "Saka bakit kailangan mong lunurin sa alak ang sarili mo sa ganung klaseng lalaki. Hindi ba dapat masaya ka na hindi mo nakatuluyan ang ganun? Imagine, kung hindi sa pinsan mo, hindi mo makikilala ang tunay na pagkatao ng lalaking iyon. . .""Alam mo ba kung bakit masama ang loob ko, ha? Dahil hindi man lang ako nakapaghanda.
KASALUKUYANG nasa shopping mall sina Rod at Becka para ipamili siya nito ng mga gamit nang matanawan niya si Edward, ang kanyang exboyfriend kasama ng pinsan niyang si Jean. Hindi niya alam na nakarating na pala ang mga ito mula sa pagha-honeymoon sa Amerika. Magtatago sana siya, pero nakita na siya ni Edward. At ewan kung bakit parang malalaglag ang puso niya ng mga sandaling iyon. Hindi nakaligtas kay Rod ang pagkabalisa sa mukha niya, napalingon ito sa tinitingnan niya.Kaagad na umakbay si Rod sa kanya, at tila nanadyang nilakasan pa ang boses, "Sweetheart, pumili ka lang ng kahit na ano, sky is the limit para saiyo," sabi nito sa kanya habang abot tenga ang ngiti, "Alam mo namang love na love kita."Bagama't may pagtataka, sinamantala niya iyon, "Ay ang sweet mo naman talaga sweetheart, ang swerte ko namang talaga saiyo. Mabuti na lang nakilala kita, ikaw ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko. Pano na lang pala kung hanggang ngayon, nagtitiyaga pa rin ako sa ex ko?" Sinad
TINIYAK NI BECKA na nakalock ang pinto ng kanyang kuwarto lalo pa at hindi nakaligtas sa kanya ang namumukol na hinaharap ni Rod. Hindi na niya papayagang maulit pa ang nangyari sa kanilang dalawa. Wala siyang matandaan pero bakit pakiwari niya ay sumasayad sa kanyang katawan ang maiinit nitong mga labi? At bakit parang nag-iinit siya habang naiisip iyon?Kinilabutan siya. Pinilit niyang burahin sa utak niya ang mga naglalarong kung anu-ano duon. Ipinikit niya ang kanyang mga mata ngunit tila nanadyang nang-aasar sa utak niya ang mukha ni Rod kung kaya’t nagtalukbong siya ng kumot. Hindi niya alam kung kay Rod nga ba siya naiinis or sa kanyang sarili dahil hanggang sa kanyang pagtulog ay apektado siya ng lalaking iyon. Muli niyang naalala ang kanyang tatay. Talagang wala na itong natitirang kahit na anong pagmamahal sa kanya. Kapalit ng bisyo nito ay nagawa siya nitong traydurin. Napaiyak na naman siya sa sama ng loob. Naawa siya sa kanyang mga kapatid pero naiinis rin siya
HINDI MAKAPANIWALA SI BECKA na napapayag siya ng ama na magpanggap bilang asawa ni Rod. Kung hindi nga lamang ayaw niyang makuha ng lalaking ito ang bahay nila, hinding-hindi sya papayag sa kalokohang ito. Pero ito lang ang tanging paraan para maisalba niya ang bahay nila.Hindi siya makapapayag na ipagiba ni Rod ang bahay kung saan siya nagkaisip at lumaki. Napakaraming masasayang alaala ng bahay na ito. Ito na lamang ang mayroon sya. Hindi siya makapapayag na pati ito ay mawala pa sa kanya. Kaya kahit parang hinahalukay ang dibdib niya kasama ng lalaking ito, wala siyang nagawa sa gusto nito. Six months lang naman silang magasasama sa iisang bubong. Siguro naman ay kakayanin niya.Duon siya dinala ni Rod sa condo nito sa Makati. “Siguro naman alam mo na kung ano ang papel ng pagiging may bahay. Don’t worry hindi ako nagbe-breakfast. Lunch time naman madalas sa labas ako kumakain. Kaya make sure, masarap na dinner ang dadatnan ko sa gabi. Ayoko rin ng selosang may bahay. .
ILANG beses nang nakapagbanlaw ng katawan si Becka ngunit hanggang ngayon, pakiwari niya ay naamoy pa rin niya ang katawan ni Rod sa kanyang katawan. Kinikilabutan siya na hindi niya mawari habang naiisip na sa isang iglap, ibinigay niya ang kanyang pagkababae sa lalaking iyon. Muli na naman siyang napaiyak. Sumabay pa ang tatay niya na panay ang tawag dahil kailangan daw nito ng pera. Bakit ba pati tatay niya, naging pabigat na sa kanya?Feeling tuloy niya, pasan niya ang daigdig ng mga sandaling iyon. “Tay naman, bakit parang gusto nyong akuin ko ang lahat ng responsibilidad? Hindi ko naman kayang mag-isa iyon. Okay sana kung nakikita ko kayong nagsusumikap. Ang kaso, inuubos nyo lang sa bisyo nyo ang mga pinaghihirapan ko,” punong-puno ng hinanakit na sabi niya sa ama, “Tay, napapagod rin ako.” Kinagat niya ang pang-ibabang labi para hindi mapahagulhol, “Sa halip na ipapakain nyo na sa mga kapatid ko iyong iniaabot ko, ginagamit nyo pa sa sugal. . .kung kailan kayo tumanda
“ANONG GINAGAWA MO DITO?” Biglang napabalikwas si Becka mula sa kanyang kinahihigaan nang pagmulat ng kanyang mga mata ay mabungaran sa tabi niya si Rod, nakapatong pa ang mga kamay sa katawan niya. Maya-maya ay para siyang papanawan ng ulirat nang marealize na pareho pala silang hubo’t hubad.Hinatak niya ang kumot at itinakip sa hubad niyang katawan sabay sigaw ng makita ang kahubdan ni Rod, “Ehhhh!!!”Pupungas-pungas na bumangon si Rod, parang balewala lang ditong makita niya ang naghuhumindig na pagkalalaki nito, “Don’t tell me wala kang naalala?”“Ginahasa mo ako, walang hiya ka!” sigaw niya rito habang nakapikit ang mga mata. “Idedemanda kita.”“Uy, hindi ko ugali yan kaya wag mo kong pagbibintangan ng kung anu-ano. Let me remind you, tahimik akong umiinom nang bigla mo na lang akong lingkisin at halikan. Kung hindi ka naniniwala, halika, may cctv dun na magpapatunay sa nangyari!” sabi nitong hinatak ang mga braso niya.Sinipa niya ito, “Bitiwan mo akong hayup ka.” Hindi sinasa
NANG NAGMAMANEHO na si Becka pauwi ay saka niya pinakawalan ang lahat ng mga nararamdamang sakit sa dibdib. Kanina ay nagkukunwari lang siya kay Selena. Ayaw naman kasi niyang sirain ang mood nito lalo pa at masayang-masaya ito sa piling ni Anthony ngayon. But deep inside, gusto na niyang humagolhol lalo pa at nalaman niya mula sa bangko na isinanla pala ng tatay niya ang bahay niya at ngayon ay malapit na itong mailit ng bangko.Wala siyang kaalam-alam kung hindi pa dumating ang sulat mula sa bangko. Ang masaklap, kulang ang naitago niyang pera para matubos ang bahay. Pinahid niya ang kanyang mga luha. Sa halip na lumuwas ng Maynila ay naisipan niyang mag-check in na lamang sa isang resort dito sa Sta. Isabel kahit pa nga ang gusto sana ni Selena ay duon na siya mag-stay sa bahay ng mga ito.Ang totoo, gusto niyang mapag-isa kahit tatlong araw lang para umiyak nang umiyak. Samantala ay nangunot ang nuo ni Rod nang makitang lumiko sa isang resort si Becka. Curious na sinundan
NAGISING SI ROD na nasa ibabaw na niya si Eloisa, ang kanyang ex-girlfriend na kahit ilang beses na niyang hiniwalayan ay gumagawa at gumagawa ng paraan para muling makipagmabutihan sa kanya. Pero pinal na ang desisyon niya, hinding-hindi na siya makikipagbalikan sa babaeng ito simula nang mahuli niyang pinagtataksilan siya. Bigla siyang napabalikwas, “Hey, anong ginagawa mo dito?” Iritadong sabi niya, halos maihagis niya ito sa palabas ng kanyang kuwarto. “Damn Eloisa, hindi ka na nakakatawa!”Kailangan palang palitan na niya ang susi ng kanyang condominium at ipaban ang babaeng ito sa building para hindi na ito makabalik pa dito. Mabuti na lamang at hindi niya ito nabuntis kung hindi’y magkakaroon pa siya ng pananagutan sa babaeng ito.“Rod, mahal na mahal kita. Isang beses lang akong nagkamali, hindi mo na ba talaga ako mapapatawad?” Parang naiiyak na tanong nito sa kanya, “Pinagsisihan ko na ang lahat ng nagawa ko saiyo, Rod. I’m so sorry.”“I’m so sorry rin Eloi, pero ilang
LALABAS na sana siya sa banyo nang tumawag ang kinakasama ng tatay niya. As usual, humihingi na naman ito ng pera para sa panggatos sa mga anak nito sa tatay niya. “Kakapadala ko lang sa inyo ng pera last week ah. Naubos nyo na ho kaagad iyon?”“Aba, kung magsalita ka parang hindi mo kapatid ang mga anak ko ah?” Sita nito sa kanya, “Uy, pasalamat ka, inaalagaan ko ang tatay mo. At kahit ano pang sabihin mo, kahit kailan hindi nagawa ng nanay mo ang serbisyong naibibigay ko sa tatay mo!”“Eh paano ho magagawa iyon ni Nanay, duon na nga sya tumanda at namatay sa kulungan!” sagot niya rito, “At saka hindi ko naman obligasyon ang mga kapatid ko. Kayo ni tatay ang may obligasyon sa kanila. Kaya sana pasalamat na lang kayo kapag may naitutulong ako,” iritadong sabi niya. Ang totoo, pinaglalaanan niya palagi ng budget ang kanyang mga kapatid. Pero lately ay napapansin niyang napapadalas na ang paghingi ng pera sa kanya ng Tatay niya at ng kinakasama nito. Hanggang magsumbong sa kanya