MALAPIT nang matapos ang office hour nang sabihin ni Anthony kay Selena na mag-oovertime sila. Akala niya ay work related talaga ang pupuntahan nila kaya pumayag siyang sumama dito at iwanan ang kanyang sasakyan sa opisina. Nangunot ang nuo niya nang mapansing palabas na sila ng Maynila.“Saan tayo pupunta?” Nag-aalalang tanong niya rito. “Nagpareserve ako ng room sa hotel sa Maynila. Mainam na ring marelax tayo. . .”Bigla siyang nahigh blood dito. Hindi siya nakapag-paalam kay Aling Lagring tungkol dito. “Hindi ka dapat nagdedesisyon ng hindi mo muna ako tinatanong!” Mainit ang ulong sabi niya, “Ibalik mo ako sa opisina,” giit niya rito. “Kailangan kong makauwi!”“Hey, I’m sorry. Gusto lang sana kitang i-surprise total naman ay deserve rin naman nating makapagpahinga. Besides, gusto kong makasama ka ng matagal at. . .”“Ibalik mo ako sa opisina!” Iyon lang ang tanging isinagot niya rito.“Ano bang problema mo? Bakit? Dahil kikitain mo si Archie, ha?” Tila napipikon nang tanon
NANG MATIYAK na maayos na ang lagay ni Anika at makabalik na sila sa kanyang apartment ay saka hinarap ni Selena ang mga tanong ni Anthony. Kinuha niya ang DNA result at walang imik na iniabot niya iyon dito.Kunot-nuo namang kinuha iyon ni Anthony at binasa. Maya-maya ay waring hindi makapaniwalang tiningnan siya nito, “A-anak ko si Anika?” Tanong nito, hindi niya mabasa ang expression sa mukha nito habang nakatingin sa kanya.Tumango siya.“May anak pala tayo at gusto mong ilihim sa akin ang lahat?” Hindi niya alam kung galit ba ito sa kanya.Huminga siya ng malalim saka mahinahon na nagpaliwanag, “Nang mamatay si Papa, wala na akong ibang mapuntahan dahil pinalayas na ako ng madrasta ko at hindi ko alam kung saan ka hahagilapin kaya nagpasya akong lumuwas ng Maynila para duon makipagsapalaran. Saka ko nalamang buntis ako. Nang bumalik ako sa Sta. Isabel, saktong araw ng kasal mo.”Natigilan si Anthony. Siya naman ay parang mapapaiyak habang naalala kung gaano kasakit ang araw
“ANO ITO?” KUNOT-NUONG tanong ni Selena kay Anthony nang may bagong sasakyang dumating para sa kanya.“Para sa inyo ni Anika. Gusto kong komportable ang sasakyan mo. . .”“Anthony, hindi ko kailangan ng sasakyan. Okay naman na iyong. . .” bago pa niya maituloy ang sasabihin ay tinakpan na nito ng hintuturo ang kanyang bibig.“Shh, kailangan mo ito lalo na at may anak tayo. Hindi kita palaging masasamahan. Paano na lang kung kasama mo ang bata at masiraan ka sa daan? Besides, sa kaibigan mo naman yang ginagamit mo. You need your own car, Selena. Hayaan mo naman akong sa ganitong paraan man lang, kahit na paano ay makabawi ako sa mga panahong pinag-isipan kita ng kung anu-ano.”Napatitig siya kay Anthony, ramdam niyang sincere ito sa kanya. Hindi na siya nakipagtalo pa. Pero hindi niya magagamit ang sasakyan papasok ng trabaho lalo pa at mainit ang mga mata ng tao sa kanila.“Alam mo naman sigurong binabantayan na nila ang bawat galaw natin,” paalala niya kay Anthony, “Baka. .
GIGIL NA GIGIL na hinila ni Don Narciso si Christine at kinuyumos ng halik. “Ilang araw mo ng hindi sinasagot ang mga tawag ko. Nagtatampo ka pa rin ba sa akin, ha?” halos paanas na tanong nito sa babae, “Miss na miss na kita.”Para namang nandidiri si Christine sa bawat paglapat ng mga labi nito sa kanyang balat ngunit kailangan niyang tiisin ang lahat ng iyon alang-alang kay Anthony, “Ayaw mo kasi akong tulungan para matapos na ang problema ko sa babaeng iyon.”“Ang kulit mo kasi, nandito naman ako. Kaya ko namang ibigay saiyo iyong hindi ibinibigay saiyo ni Anthony. Bakit ba kasi ipinipilit mo ang sarili mo sa taong ayaw naman saiyo?” Tanong ni Don Narciso habang bumababa ang mga labi nito sa leeg ni Christine habang ang mga kamay naman nito ay gumagapang sa maseselang bahagi ng katawan ng babae. “Ang sarap-sarap mo. . .” Ikisnuskos nito ang bumubukol na pagkalalaki sa hita nito, “Ikaw lang ang hinahanap-hanap ng manoy ko.”Ipinulupot ni Christine ang mga braso sa leeg nito, “K
UMIIYAK NA NIYAKAP NI SELENA SI ANTHONY. HINDI kayang pangalanan ng mga salita ang damdaming lumulukob sa kanya habang hinahalikan ito.“What’s wrong?” Nagtatakang tanong nito nang mapansing umiiyak siya. Nasa bahay na sila at hinayaan niyang matulog ito sa kwarto niya ngayong gabi. Hindi naman pala siya dapat na maguilty sa kataksilang ginagawa nila. Nagmamahalan sila habang si Chistine ay namamangka sa dalawang ilog. Kung ano ang totoong motibo nito kay Don Narciso, hindi pa niya alam.“I love you and I’m sorry kung pinagdudahan ko ang nararamdaman ko para saiyo,” paulit-ulit na sabi niya rito.“Hey, ilang beses ka bang kailangang humingi ng sorry?” Napapatawang tanong nito sa kanya. Ginagap nito ang isang kamay niya at hinalikan, “Mahal na mahal na mahal na mahal kita at kahit na kailan, hindi ko tiningnan si Christine or kahit na sinong babae ng gaya ng pagtingin ko para saiyo. In fact wala nga akong pakialam sa kung anumang ginagawa ng babaeng iyon sa buhay nya. Bago pa m
HINDI MAKAPANIWALA SI ANTHONY sa ipinagtapat ni Selena. Awang-awang niyakap niya ito. Hindi niya alam na ganuon kasakit ang mga pinagdaanan nito, napapaiyak siya habang naiisip ang mga hirap na pinagdaanan nito, “Bakit ngayon mo lang sinabi ito sa akin?”“Natakot ako. . .akala ko kasi pinaglalaruan mo lang ako at. . .” hindi na nito maituloy pa ang sasabihin. Hinawakan ni Anthony sa magkabilang balikat si Selena.“Mananagot ang tumarantado saiyo. Isinusumpa kong pagbabayaran ng lahat ang nangyari saiyo. . .kahit si Daddy, kung may kinalaman sya dito, handa akong ipakulong sya,” pangako niya kay Selena saka muli itong niyakap nang mahigpit. “God, I can’t believe na pinagdaanan mo ang lahat ng iyon habang pinag-iisipan kita ng kung anu-ano at naniwala ako sa mga sinabi ng Karla na iyon. Pati ang babaeng iyon, kailangang maimbestigahan. “Hindi natin pwedeng palampasin ang pakikipagsabwatan niya.”Napakagat labi si Selena. Tama si Anthony. Kailangang maparusahan ang lahat ng mga nag
HINDI MAPAKALI SI CHRISTINE habang paikot-ikot siya sa kanyang kuwarto. Hinihintay niya ang lalaking gagawa ng trabaho niya para patayin si Selena. Kailangan na niyang kumilos. Hindi siya maaring magkamali. Si Selena ang nakita niya. Nasaksihan nito ang namamagitan sa kanila ni Don Narciso. Kailangang mawala na ang babaeng iyon bago pa kumalat ang sekreto niya.Nagsindi siya ng sigarilyo. Ang usapan nila ng hired killer niya ay alas nuebe ng umaga, tatawagan siya nito para sa detalye ng trabahong ibibigay niya ngunit alas-diyes na ay hindi pa siya nito tinatawagan. Hindi naman niya alam kung saan ito kokontakin dahil kahit kailan naman ay hindi nito ibinibigay ang number sa kanya. Maski ang source niya na nagrecommend ng hired killer sa kanya ay hindi rin alam ang number nito.Kaya inis na inis na siya. Mas lalo pang nadagdagan ang inis niya nang tawagan niya ang maid at sabihin nitong hind isa bahay nila umuwi si Anthony. Tiyak niyang magdamag na naman itong nagtampisaw sa
HINAGOD NI ANTHONY ang likuran ni Selena upang ipaalala dito na nandito lang siya para dito. This time, gusto niyang iparamdam kay Selena na wala na itong dapat pangilagan at katakutan pa. Hinalikan niya ito sa nuo. Mahal na mahal niya ito at gagawin niya ang lahat para mapakulong ang lahat ng mga salarin. Kahit masira pa ang political career niya.“Basta wag na wag kang kikilos ng hindi ko alam. Hindi natin alam kung sinu-sino ang mga kalaban kaya dapat hindi na tayo maglilihim pa sa isa’t-isa.” Aniya kay Selena.Tumango ito sa kanya.“Dito lang muna kayo sa safe house. Aasikasuhin ko ang mga kailangang asikasuhin, wag na wag kayong lalabas. Anyway, kumpleto naman na ang mga kailangan nyo. Babalik rin ako mamaya. Tawagan mo lang ako kung may kailangan ka pa.” kabilin-bilinan niya rito saka iginala ang paningin sa kabuoan ng condominium, “Mahigpit ang security dito at saka kinabitan ko ito ng mga cctv para namo-monitor ko ang mga nangyayari dito kahit nasa labas ako.”Hinagod
PARANG MABABALIW SI ANTHONY HABANG hindi malaman kung nasaan si Selena. Kanina pa niya tinatawagan ang phone nito ngunit ‘can’t be reach’ iyon. Maski si Archie ay tinawagan na rin niya para magpatulong na hanapin si Selena. Kumikilos na rin ang lahat niyang mga tauhan para matukoy kung nasaan ito.Nagagalit siya sa kanyang sarili. Dapat ay twenty four hours siyang nasa tabi nito para hindi na maulit ang mga nangyari nuon. Sobra na siyang nag-aalala lalo pa at alas-nuebe na ng gabi ay wala pa rin ito sa bahay. Lahat na ng maari niyang mapagtanungan ay tinawagan na niya ngunit walang makapagsabi kung nasaan ito. Hindi na siya nagdalawang isip pa, kaagad niyang pinuntahan si Christine.“Nasaan si Selena?” Ulit niya sa tanong, nang hindi pa rin nito sinasagot ang tanong niya ay kinaladkad na niya ito papunta sa kanyang sasakyan. Nagwawala ito kaya itinali niya ang mga kamay nito at tiniyak na naka-seatbelt ito ng maayos saka nagmamadaling pinatakbo ang sasakyan, “Uulitin ko, saan
ISANG MALAKAS na sampal ang ibinigay ni Don Narciso kay Christine. Iyon ang kauna-unahang pagkakataon na napagbuhatan niya ito ng kamay. Hindi naman siya manhid, mas lalong hindi siya ilusyunado, alam naman niyang ibinibigay lamang ni Christine ang katawan sa kanya, kapalit ng mga ipinagagawa nito sa kanya. Ramdam naman niyang kahit anong gawin niya, hindi niya mapapalitan ang katotohanang si Anthony ang mahal nito.Pero masakit pa rin para sa kanya na sa bibig mismo nito manggaling ang mga salitang iyon lalo pa at may kasama pa palang pandidiri ang nararamdaman nito sa kanya. Napakuyom ang kanyang mga palad. Ang totoo, sa pagdaraan ng mga araw ay mas lalong lumalalim ang nararamdaman niya para dito. Ngunit hindi dahilan iyon para kunsintihin niya ang mga katarantaduhan nito.“Anong partisipasyon mo sa nangyaring panggagahasa kay Selena? Ikaw ba ang mastermind nuon?” Tanong niya rito. Hindi ito sumagot, sa halip ay napangisi lang ito sa kanya.Napahinga siya nang malalim. Hin
NILAPITAN SI SELENA NI RIGOR. Gumapang ang takot sa buong katawan ni Selena nang maamoy ang pamilyar na pabango nito. “I-ikaw ang gumahasa sa akin,” aniya habang hindi na napigilan ang pagpatak ng mga luha, “Ginahasa mo akong hayup ka!” nanlilisik ang mga matang sabi niya rito.Napangisi si Rigor, “Oo at simula nuon, hindi ko na nakalimutan pa ang napakasarap mong. . .”“Hayup ka!!!” Galit na galit na itinulak niya itong palayo sa kanya. Akmang tatakbo siya palabas ngunit mabilis siya nitong naharang.“Sa akala mo, papayagan pa kitang makatas ngayong alam mo na ang lahat? Saka, nasasabik akong matikman kang muli,” akmang hahalikan siya nito ngunit mabilis niya itong dinuruan sa mukha. Galit na galit na hinawakan siya ni Rigor sa mukha, “Putang ina mo! Huwag kang ng mag-inarte pa dahil natikman na kita ng paulit-ulit!” Singhal nito sa kanya.Kinikilabutan siya sa bawat paglapat ng mga labi nito sa kanyang balat. Umiiyak siya habang umiisip ng paraan kung paano makakatakas dito.
“KARLA, KAILANGAN mong tumistigo laban kay Christine. May mga nakalap na rin kaming mga ebedensya na makakatulong para madiin siyang mastermind sa nangyari kay Selena.” Sabi ni Anthony sa dalaga.Hindi makapagsalita si Karla. Bakas ang takot at pag-aalilangan sa mukha nito.“Kung hindi ka makakapagtulungan, ipakukulong rin kita sa pakikipagsabwatan mo kay Christine,” giit ni Selena dito. Takot na napatingin si Karla sa kanya. “Gagawin ko talaga iyon kung hindi ka makikipagtulungan sa amin!”Parang maiiyak si Karla, hindi nito malaman kung ano ang gagawin. “Malalagay sa alanganin ang pamilya ko kapag tumestigo ako laban kay Christine,” maluha-luhang sabi nito sa kanya.“Natatakot ka kay Christine pero sa batas hindi ka natatakot?” Matiim na tanong ni Anthony dito.Napahikbi si Karla. Napakurap kurap si Selena habang nakatingin dito. Hanggang ngayon ay hindi siya makapaniwalang nagawa nitong talikuran ang kanilang pagkakaibigan. Maya-maya ay tumunog ang kanyang phone. Si Archie
ISANG MALAKAS na sampal ang dumapo sa pisngi ni Christine. Nuon lamang siya nasaktan ng ama ng ganuon. Gulat na gulat na napatingin siya sa ama. Nagpupuyos sa galit na hinawakan siya nito sa magkabilang balikat, “Nakikipagrelasyon ka sa ama ni Anthony? Pumatol ka sa mas matanda pa sa akin?”“Papa. . .” napatungo siya dahil hindi niya magawang tingnan ng diretso sa mata ang ama. Hiyang-hiya siyang natuklasan nito ang kanyang pinakatatagong lihim. Maski siya, nasusuka kapag naiisip na pumatol siya sa ama ni Anthony, “K-kinailangan kong gawin iyon dahil. . .” Napaiyak siya, “Mahal na mahal ko si Anthony at iyon lang ang paraang alam ko para makontrol ko sya, ang kontrolin si Don Narciso,” pagtatapat niya sa ama.Muli siyang nasampiga nito. Sa lakas niyon ay bumagsak siya sa sahig.“Sana ako ang kinausap mo hindi iyong kumilos kang mag-isa! Hindi ko alam ang sasabihin ko kay Anthony nang malaman ko ang ginawa mong yan! Ngayon, may matibay na siyang ebedensya para makipaghiwalay sa
“KUMPADRE, anong kalokohan itong ginagawa ng anak mo sa anak ko?” Kaagad na kinumpronta ng ama ni Christine si Don Narciso, “Ano bang akala nya kay Christine, criminal?” Galit na galit na sabi ng matanda habang kausap sa telepono ang ama ni Anthony.Si Christine naman ay tahimik na tahimik habang pinag-iisipan ang susunod niyang mga hakbang. Ngayong nalaman na ni Anthony ang tungkol sa kanila ni Don Narciso ay tiyak niyang mas mahihirapan siyang maibalik muli ang tiwala nito sa kanya.Kagagawan itong lahat ni Selena. Ito ang sumira sa pagsasama nila ni Anthony kung kaya’t dapat lamang itong mawala.“Pa, saan ka pupunta?” Tanong niya nang mapansing paalis ito.“I’m going to see Anthony para maayos at mapag-usapan ninyo. . .”“Pa, kung may dapat kang unahin, iyon ay ang ipapatay ang kerida niya!” Aniya sa ama, napakunot ang nuo ng Papa niya.“Anak, talaga bang ganyan katindi ang galit mo para humantong sa ganyan ang naiisip mo? Malalagay tayo sa alanganin kapag ginawa mo yan. Ikaw an
HINDI NA NAGULAT PA SI DON NARCISO nang makarating kay Anthony ang namamagitan sa kanila ni Christine. Actually, nuon pa ay gusto na niyang sabihin sa anak ang nangyayari sa kanila ng asawa nito dahil gusto na niyang magsama sila ni Christine, total naman ay alam niyang kahit na kailan ay hindi naman ito minahal ng anak niya. Pero ang ikinagulat niya ay ang inaakusa ni Anthony laban kay Christine.Ipinagahasa nito si Selena? Hindi niya akalaing kailangang humantong sa ganuon ang lahat. Muli ay naisip niya ang sinabi nito sa kanya, gusto nitong ipapatay si Selena para masolo na nito si Anthony.“Anak, patawarin mo ako pero talagang hindi ko alam na may ganuon palang nangyari,” aniya kay Anthony nang makapag-usap sila ng sarilinan habang si Christine ay pinainom ng pampakalma ng mga nurse dahil hindi na ito mapigilan sa pagwawala. Kasalukuyang natutulog na si Christine sa kwarto nito.Nag-aalala siya sa kalagayan ni Christine ngunit mas matimbang pa rin para sa kanya ang nararamdam
HINAGOD NI ANTHONY ang likuran ni Selena upang ipaalala dito na nandito lang siya para dito. This time, gusto niyang iparamdam kay Selena na wala na itong dapat pangilagan at katakutan pa. Hinalikan niya ito sa nuo. Mahal na mahal niya ito at gagawin niya ang lahat para mapakulong ang lahat ng mga salarin. Kahit masira pa ang political career niya.“Basta wag na wag kang kikilos ng hindi ko alam. Hindi natin alam kung sinu-sino ang mga kalaban kaya dapat hindi na tayo maglilihim pa sa isa’t-isa.” Aniya kay Selena.Tumango ito sa kanya.“Dito lang muna kayo sa safe house. Aasikasuhin ko ang mga kailangang asikasuhin, wag na wag kayong lalabas. Anyway, kumpleto naman na ang mga kailangan nyo. Babalik rin ako mamaya. Tawagan mo lang ako kung may kailangan ka pa.” kabilin-bilinan niya rito saka iginala ang paningin sa kabuoan ng condominium, “Mahigpit ang security dito at saka kinabitan ko ito ng mga cctv para namo-monitor ko ang mga nangyayari dito kahit nasa labas ako.”Hinagod
HINDI MAPAKALI SI CHRISTINE habang paikot-ikot siya sa kanyang kuwarto. Hinihintay niya ang lalaking gagawa ng trabaho niya para patayin si Selena. Kailangan na niyang kumilos. Hindi siya maaring magkamali. Si Selena ang nakita niya. Nasaksihan nito ang namamagitan sa kanila ni Don Narciso. Kailangang mawala na ang babaeng iyon bago pa kumalat ang sekreto niya.Nagsindi siya ng sigarilyo. Ang usapan nila ng hired killer niya ay alas nuebe ng umaga, tatawagan siya nito para sa detalye ng trabahong ibibigay niya ngunit alas-diyes na ay hindi pa siya nito tinatawagan. Hindi naman niya alam kung saan ito kokontakin dahil kahit kailan naman ay hindi nito ibinibigay ang number sa kanya. Maski ang source niya na nagrecommend ng hired killer sa kanya ay hindi rin alam ang number nito.Kaya inis na inis na siya. Mas lalo pang nadagdagan ang inis niya nang tawagan niya ang maid at sabihin nitong hind isa bahay nila umuwi si Anthony. Tiyak niyang magdamag na naman itong nagtampisaw sa