Share

The Politician's Slave
The Politician's Slave
Author: Vhirgoe

Chapter 1

Author: Vhirgoe
last update Last Updated: 2022-05-17 23:02:53

Chapter 1

"Gov, tatakbo po kayo bilang senador ng Pilipinas?" Itinanong sakanya ng kanyang kanang kamay na si Raul para makumpirma kung ano man ang kanyang narinig sa labasan.

Walang pag-aalalinlangan naman na tumango ang kanyang amo sa kanyang tanong. Nasa opisina nag-uusap ang dalawa kaya walang makakarinig ng kanilang pag-uusapan. Lalo na at senstibo si Stefano, -o kilala sa tawag na Gov o Stelo-, ang kanyang amo sa ganitong usapan.

"Yes. I'll run. I'll try to have a position under the national government."

Napaawang ang bibig ng kanyang kanang-kamay sa sinabi nito.

"Pe...pero paano po si Miss Gaia?" Pagtatanong ulit nito kaya tinignan siya ng masama ni Stelo.

Dahil kanina pa nakatayo si Stelo sa harap ng malaking bintana na tanaw ang halos kalahati ng bayan na kanyang pinamumunuan ay umupo ito sa kanyang upuan.

"What about her?"

Hindi makapaniwalang natatawa ang kanyang kanang kamay. "Gov naman e. Hindi po ba delikado para sakanya ang tumakbo kayo para sa posisyong Senador? National election na yung papasukin niyo Gov e."

"Kung ano man ang gusto kong gawin sa buhay ko, at sa politika ay labas na siya." Walang pakialam na pagkakasabi nito bago sumimsim ng alak na nakahanda sa lamesa.

"Baka makasama rin po sainyo, Gov... Si Miss Gaia ay hanggang ngayon hinahanap pa rin po ng kanyang pamilya."

Isang ngisi ang ipinakita ni Stelo, tila hindi na siya nagulat sa sinabi ni Raul at parang inaasahan na niya ito.

"They won't stop. Just let them search for her. I want them to suffer just by looking for their daughter," pahayag nito.

Kahit na matagal na si Raul bilang kanang kamay ni Stelo ay hindi niya pa rin maiwasan na matakot dito paminsan-minsan lalo na kapag sobrang seryoso.

Nang tinignan ni Stelo ang lalaki ay napangiti na lamang ito ng pilit. Alam niya na hindi naman siya puwedeng tumaliwas sa kung ano man ang sinabi ng kanyang amo. Natural na sa pagkatao nito ang pagkawalan ng awa sa kahit sino.

"Kailan po pala kayo magpa-file ng candidacy, Gov? Dalawang araw na simula ng magbukas ang pagpa-file." Dahil sa kawalan ng masasabi ay minabuti na lamang ni Raul na ibahin ang kanilang usapan.

Inisang lagok ni Stelo ang bagong salin ng alak sa kanyang baso bago sumagot.

"Tomorrow. Prepare everything that we will be needing. I'll let you handle that and please remind me about that."

Tumango-tango sakanya si Raul bago binuksan ang dala nitong laptop at gumawa ng paalala para sa gagawin nila bukas. Sa katunayan ay puno pa ang schedule nito para bukas pero wala siyang magagawa sa naging desisyon ni Stelo. Bahala na lang pagkasiyahin ang lahat para bukas.

"Anyways, where's Gaia?"

Dahil sa tanong nito ay napaangat ang kanyang tingin, tila gulat pa nung una. "Nasa kwarto po, Gov."

Tumayo ang gobernador sa kanyang silya at inaya si Raul para puntahan ang babae.

"Come on, Raul. Show me what's her condition right now."

"Yes, Gov."

Madalian silang nakalabas at naabot ang kwarto ni Gaia. Walang katok-katok na pinihit ni Stelo ang busol ng pintuan ng kwarto ng babae at saka ito pumasok kasunod si Raul.

"Gaia!" Naging pagsigaw ni Stelo nang hindi niya kaagad mahanap ang babaeng gustong makita.

Si Raul naman na nasa tabi lamang ay halos mapatalon sa gulat dahil sa pagkabigla. "Gov, huminahon po kayo." Paaala na lamang nito.

"Mahinahon ako, Raul!"

Sa loob-loob ng kanyang kanang-kamay ay natawa ito dahil mahinahon daw pero sumisigaw naman.

"Go and look at her! Baka kung saan-saan na naman nagtatago ang babaeng 'yon. I should've just put her in the basement, not in this large bedroom."

Tahimik na naman na hinanap ni Raul ang babae mula sa ilalim ng kama, sa dressing room at sa banyo kung saan nila natagpuan ang dalaga na naglalagay ng cream sa kanyang mga pasa sa katawan.

Narinig niya ang sigaw ni Stelo pero isinawalang-bahala niya na lamang ito dahil alam niya na makikita rin naman siya nito.

"Miss Gaia..." pagtawag sakanya ni Raul kaya napalingon siya sa lalaki. Gusto niyang sabihin kay Stelo na huwag na lang muna ipaalam sa gobernador na nandoon siya sa loob ng banyo dahil lalabas na rin naman siya. Pero pagtingin nito sa likuran ng kanang-kamay ng gobernador ay nandoon na ang taong humahanap sakanya.

Agaran niya namang nabitawan ang cream na nasa kanyang kamay pero pinulot niya din ito, tinakpan at tinago bago humarap sa lalaki.

"Anong kailangan mo?" Tanging naitanong niya.

May pag-uyam na ekspresyon ang pinakita ni Stelo sakanya. "Ikaw."

Ngumisi naman ang dalaga binabagayan ang ekspresyon ni Stelo. "Hindi na bago yan. Ang gusto kong malaman kung anong kailangan mo saakin, kailangan mo ba ng masasaktan, mapagbubuntungan ng galit ngayon?"

Pagkatapos niyang maitanong yun ay lumabas na siya ng banyo at naglakad papunta sa mahabang stipa na nakalagay sa gitna ng kanyang kwarto.

"Iwanan mo muna kami Raul at ipahanda mo ang basement para sakanya." Pagu-utos ni Stelo kanang kamay na agad naman na tumalima sa kanya.

Napaawang ang bibig ni Gaia sa walang padalos-dalos na pagsasabi nito. "B-Basement?"

"Oo. From now on, doon ka na matutulog. I'm no longer treat you like a princess in my house. Well, in the first place you are not one... Hindi ba sainyo ay banig lamang ang ipinapangsapin niyo sa malamig na sahig? Kayang-kaya mo ang tumira sa basement kung ganun."

Kumuyom ang mga palad ni Gaia at lumalabas ang ilang ugat niya sa kamay dahil sa galit na nararamdaman sa lalaking kaharap.

"Are you mad? Bakit? Hindi ba tama ako? Tapos na ang pananatili at pagpapakasarap mo sa kwarto na 'to."

"Bakit ba hindi mo na lang ako hayaang umalis dito?! Wala ka namang mapapala saakin! Napakawalang-hiya mo!"

"If you can pay what your family did to me then go on, wala naman akong pakialam sayo!" Sigaw ng lalaki pabalik.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin malaman ng dalaga kung ano man ang laman mg parati nitong sinabi na ginawa ng pamilya niya sa kanya. Hindi niya malaman kung ano ang mali dahil mababait at malinis ang pamilya niya kahit mahirap sila.

"Pera ba? Pera ba ang kailangan kong pagbayaran sayo?! Hindi ka pa nakuntento sa yaman mo!"

"Wala akong pakialam sa pera. Hayaan mo at bibigyan kita ng pagkakataon na gastahin ang lahat ng iyon pero kung yun ay kung buhay ka pang napakadaldal mong babae ka!" Isang sigaw lamang ni Stelo at galaw ay tumilapon na ang babae sa gilid ng kama dahil sa malakas na pagtulak nito.

Hindi pa nakuntento si Stelo na makita na nasasaktan ang babae kaya naglabas ito ng baril mula sa suit na suot.

"Buhay. Buhay ang kailangan kong bayad mula sa pamilya mo, Gaia!" 

Nanggigil na itinutok ni Stelo ang baril sa babae bago siya nagsisigaw ulit.

Related chapters

  • The Politician's Slave   Chapter 2

    Chapter 2: PaghahanapMula sa arawan ay halos matuyuan na ng laway ang ginang na kanina pa palakad-lakad sa palengke kung saan maraming tao para mamigay ng papel na mayroong mukha at pangalan ng anak niya na nawawala."Helena, baka nakita mo naman 'tong anak kong si Gaia." Pag-aabot ng babae sa tindera ng isda na tila ba hindi na bago sakanya ang linya ng babae."Hay naku, Eleonora. Ilang buwan mo bang hinanap yang si Gaia ha? Apat na buwan na ba? Ehh baka naman patay na yan at paulit-ulit ka lang naghahanap dito."Tila nagpantig ang tenga ng babae tinawag niyang Eleonora kaya agad naman itong dumampot ng isda na tinitinda ng kaharap at agad na binato sa mukha.Nasapol naman nito si Helena kaya agad napatigil sa pagbubugaw ng langaw na maaring dumapo sa kanyang mga isda bago bumaba sa upuan nito at hinarap si Eleonora."Napakabastos mong babae ka ha! Ano bang gusto mo ha?!" Panghahamon nito. Pati ang kanyang apron ay inalis niya sa kanyang katawan."Hindi patay ang anak ko!" Sigaw ni

    Last Updated : 2022-05-17
  • The Politician's Slave   Chapter 3

    Chapter 3: Kung Alam Mo Lang Pagkarating ng Gobernador sa kanyang bahay ay agaran niyang tinawag ang babaeng nagngangalang Gaia. Ngunit hindi kaagad ito lumabas kaya naman ay bumakas sa kanyang mukha ang pagkairita. "Gaia!" Pagsigaw niya ulit. Nang ginawa niya 'yon ay iniwan na siya ng kanyang mga body guard ang naiwan na lamang sa kanyang tabi ay si Raul. Hinubad ni Stelo ang gamit na suit na sinalo naman ni Raul habang naglakad papunta sa kwarto ni Gaia si Stelo. Ang kanyang kanang-kamay ay napabuntong-hininga na lamang dahil alam na niya na hahanapin na naman nito sa Gaia at maaring pagbantaan ang dalaga kung hindi niya kaagad makita. Sumunod lamang si Raul hanggang sa kwarto ni Gaia at walang dalaga na nadatnan doon. Sisigaw na sana ulit si Stelo ng dumating sa kanyang harapan ang pinakamatagal niyang katulong na si Manang Lolita. "Iho, este, Sir, si Miss Gaia ay nasa likod lamang po ng inyong bahay. Magtatanim daw po siya roon sa bakuran." Pagpapaalam nito sa nito. Agad nama

    Last Updated : 2022-05-17
  • The Politician's Slave   Chapter 4

    Chapter 4: Masamang Kalagayan"Marco, ano ba! Huminahon ka nga. Kung ganyan ka ng ganyan ay baka wala ng makipag-usap ng matino saatin at tulungan tayo sa paghahanap ng anak natin."Pagpapakalma ni Eleonora sa kanyang asawa matapos masigawan nito ang pulis na tumutulong sakanila para mahanap si Gaia. Kakalabas lamang nila ng presinto para humingi ng update pero pare-pareho lamang ang sinasabi ng mga ito sakanila."Paano ako kakalma, Ele? Eh ngayon na lamang nga tayo bumalik dito para alamin kung ano na ang kalagayan ng paghahanap nila pero wala pa rin ang sagot nila. Mga walang kwenta."Napailing na lamang si Eleonora, pinapakalma pa ang asawa."Umuwi na muna tayo," sambit niya at saka pumara ng tricycle na masasakyan nila pauwi.Nang makarating sila sa kanilang bahay ay doon na naglabas ng loob ang kanyang asawa. Hinampas pa ang kanilang lamesa na gawa lamang sa kahoy."Mga walang silbi ang mga awtoridad ngayon! Ilang buwan na ang nakakalipas simula ng magreport tayo na nawawala si G

    Last Updated : 2022-05-17
  • The Politician's Slave   Chapter 5

    Chapter 5: Ang Ulat"Alisin niyo sa harapan ko ang babaeng ito." Pag-uutos ni Stelo ni sa kanyang maawtoridad na boses sa mga tauhang nakapaligid na sakanya ngunit wala pa ring kumikilos sa mga ito."Aalisin niyo ang babaeng ito sa harapan ko o kayo ang tatanggal ko ng trabaho?!" Iulit ni Stelo pero ngayon ay sumigaw na siya kaya kumilos ang mga ito, si Raul ang nanguna para buhatin si Gaia.Pinanood niya lamang ang mga ito na pagtulungan ang babae namaiangat mula sa sahig. Nang malapit ng makalabas ang mga ito ng kwarto ay tumigil sila, nabubulungan pa pero si Raul na ang naglakas ng loob para magsalita"Gov, saan po ba namin dadalhin si Miss Gaia?""Kahit saan basta ay huwag niyo muli yang ihharap saakn ng ganyan ang kalagayan, kundi kayo malalagot saakin!"Pang-huling sinabi ni Stelo bago nilisan ang kwarto ni Gaia, pumanhik naman siya sa kanyang kwarto pagkatapos makakuha ng maiinom sa kusina. Hindi man lang siya nabahala sa kung saan dinala ang babae na ikinulong niya sa kanyang

    Last Updated : 2022-05-17
  • The Politician's Slave   Chapter 6

    "Eleonora, ano ba?! Ang bagal mo naman. Dalian mo at baka kung ano pa ang mangyari sa anak natin!" Sigaw ni Marco sa asawa nito na sinasaraduhan pa ang kanilang pintuan."Ito na. May tricycle naman na nakaabang sa labas." Lumapit na ito sa asawa at sabay silang pumasok sa nakaabang na sasakyan na maghahatid sakanila sa sa Barangay Hirang Medical Center. Kung nasaan ang kanilang anak.Makalipas ang halos isang oras na byahe ay nakarating na sila. Agad naman silang sinalubong ng tauhan ng radyo paea makibalita pero hindi nila ito pinansin at lumunta na lamang sa nurse na nakabantay doon at tinanong kung nasaa ang kanilang anak. Iginaya naman sila nito sa hospital bed kung nasaan si Gaia na ngayon ay nagising na.Umawang ang kanyang bibig sa gulat ng makita ang kanyang mga magulang."Nay, Tay..."Bulong niya bago umupo sa kama mula sa pagkakahiga. Hindi niya maitatanggi na nanghihina pa ang kanyang katawan.Lumapit kaagad ang kanyang magulang sa kanya at agad siyang niyakap. Ngayon ay na

    Last Updated : 2022-05-19
  • The Politician's Slave   Chapter 7

    "Pa, ayaw ko ng kasi magtrabaho para kay Gov. Makakakuha naman po ako ng trabaho kahit hindi po ako doon. At isa pa po hindi ko naman po magagamit ang pinag-araln ko sakanya." Pagrereklamo ko kay Papa dahil pinipilit niya na akuin ko ang trabaho na inalok ni Stelo para saakin. Naiintindihan ko naman na sobrang gusto niya ang gobernador na yun pero hindi niya alam kung ano na ang ginawa saakin ng lalai na iyon. Ni hindi na nga niya ako tinanong kung bakit ako nawala sakanila ng ilang buwan, kung bakit ba nangyari yun, kung saan na ako napadpad, basta na lang nawala iyon ng dahil sa trabaho na inalok saakin. Ngayon nga ay andito kami sa kwarto at silang dalawa ni Mama ang nag-eempake ng gamit dahil bukas na bukas din ay susunduin ako ng tauhan ni Stelo para dalhin ulit sa bahay. Ayaw ko na doon, maayos nga ang tinutulugan ko pero hindi naman ako nakakatulong kaya wala ring silbi. "Pinapangunahan mo na ngayon ang desisyon ko, Alessandra Gaia? Matuto kang gumalang sa desisyon ng naka

    Last Updated : 2022-05-21
  • The Politician's Slave   Chapter 8

    "Miss Gaia, gising na po. Isasama raw po kayo ngayon ni Sir Stelo sa kanyang pupuntahan."Pinilit kong buksan ang mata ko para makita si Manang na ginigising ako. Nang mabuksan ko ang mga mata ko ay nakita ko may inililigpit siya sa gilid na lamesa. Yung pinagkainan ko pala yun kagabi.Isang araw na mula nung nabalik ako dito sa puder ni Stelo at hindi ako lumalabas ng kwarto na ibinigay niya ulit saakin. Buong akala ko ay mas magiging marahas ang trato niya sa akin ngayon pero hindi pa naman. Siguro dahil na rin yun sa nakita niya nung sinundo niya ako saamin na umiiyak."Saan daw po, Manang Lolite?" Umiling lang siya at binitbit sa kanyang kamay ang tray na may pinagkainan ko. "Manang naman, sabihin niyo na po.""Eh hindi ko rin alam. Basta sabi niya gisingin ka at sabihan na sumama ka sa kanya ngayon."Tumango na lang ako at tumayo. Akala ko ay aalis na siya pero nagtaka ako na nandoon pa rin siya. Tinignan ko naman dahil baka may kailangan pa siya pero hindi niya nasasabi."May ka

    Last Updated : 2022-05-23
  • The Politician's Slave   Chapter 9

    Hayop.Uri ng nilalang na hindi tao pero maaring gamitin para sa tao.Demonyo. Para sa mga tao na hindi nakaakyat sa langit pero ginagamit rin para sa taong nabubuhay. Ang dalawang salita na yan ay gagamitin ko para ilarawan ang mga lalaking muntik na akong babuyin. Mga hayop sila! Wala silang kaluluwa katulad ng demonyo! "Gaia! Lumabas ka na diyan kung ayaw mong masaktan." Si Stelo ay sigaw ng sigaw sa labas ng kwarto ko dahil hindi ko pinagbubuksan at ninakaw ko kay Manang Lolita ang spare key nito. Ayoko makipag-usap sakanya. Napakawalang hiya niya! Demonyo siya! Hayop siya!Kagabi lang nangyari yun at sigurado akong hindi ko makakalimutan.Yung mga kaibigan niya na akala mo ay inom lang ang inaatupag pati pala sa paghuhubad ng di nila kilalang babae ay ginagawa nila."Bro, ang bagal naman niyang bagong dala mo. Mukha na ngang manang, hindi pa alam ang gagawin.""Hubaran na yan!" Sigaw ng isa at agad na lumipad papunta sa harap ko. "Hey, Miss." Bulong niya at kumindat pa. Hal

    Last Updated : 2022-05-24

Latest chapter

  • The Politician's Slave   Chapter 45

    Kakatapos lang ulit ng meeting ni Stelo sa senado at hindi pa rin naso-solusyonan ang kanilang pinoproblema dahil maraming dumagdag na mga mungkahi at may ilan na gusto nila iyong sa kanila ang masusunod. Nang may biglang babae na sumalubong sa kanya ng buong ngiti.Estudyante sa kolehiyo ang babae dahil sa kanyang suot na uniporme at ID na nakasabit sa kanyang leeg."Senator!" Pagtawag niya at muntik pang magmano sa nakasalubong na lalaki. Nanlaki naman ang mata ni Stelo sa gulat at hindi agad alam ang maaaring sabihin sa estudyante kaya hinayaan niya itong makapagsalita. "Senator! Pasensya na po at sinadya kita rito pero hindi po ako matatahimik hangga't hindi ako nakakapagpasalamat sa iyo ng personal!""Ha? Bakit? Tungkol saan?""Ahhh dahil po sa batas na ipinatupad niyo nakita ko na po ang mga hinahanap kong magulang sa tulong nun. Kuya ko lang po kasi ang nagpalaki sa akin at ang lola ko. Simula po noong bata ay hinahanap ko na ang mga magulang ko pero wala naman pong sinasabi

  • The Politician's Slave   Chapter 44 (2/2)

    "I'm sorry Senator Reyes but I beg to differ. Yes, I know may point ka pero don't you think it's nonsense? Really? We are experiencing both poverty and inflation at the moment tapos sasabihin mo na we need to rise the taxes of the people habang tumataas ang mga bilihin sa bansa? We need a better solution than rising the people's taxes.""I agree.""He has point. Anyone who have suggestion for a better solution may now speak.""Senator Gallardo, ikaw naman ang nagsabi, pwede rin ata na ikaw na rin ang unang sumagot sa better solution mo na yan." Pag-segunda ni Senator Reyes.Napangisi si Stelo. Alam niya na maraming maiinit ang mata sa kanya sa senado at isa na roon si Senator Reyes."Well, I suggest for us do to the customs and import duties, and instead of generating individual tax we'll raise tax sa mga business industry."Nagkaroon ng pagkagulo na naging sanhi ng pag-ingay sa senado pagkatapos ng sinabi ni Stelo. Mayroong hindi sang-ayon sa sinabi niya pero natapos ang kanilang ses

  • The Politician's Slave   Chapter 44 (1/2)

    Sa clinic ng doktora ay halos himatayin si Stelo sa kanyang narinig na balita tungkol sa kalusugan ng anak. Exaggerated man ay iyon talaga ang totoo, mukhang ano mang minuto ay lilipasan ito ng malay-tao. Namumutla na kasi siya. Sa kanyang likod ay naroon si Raul na hinahawakan lamang ang kanyang balikat para pakalmahin siya. "Mr. Gallardo, you'll sign the waiver of consent first and we'll run the tests that needed," sinabi ng doktora bago ito tumayo at tinawag ang kanyang assistant para ayusin ang kanyang makailangan kasama ang isang nurse. "Okay, Doc.""Upo ka muna, Stelo." Iginaya niya na si Stelo para umupo dahil napatayo ito at mas lumapit sa doktorang nagpaliwanag sa sakit ng kanyang anak. Huminga ng malalim si Stelo para kalmahin ang kanyang sarili bago tinignan ang anak na naglalaro sa mini-playground ng clinic na pinalibutan ng puzzle mats at malalambot na bagay. "Anong gagawin ko, Raul? Paano na lang kung malala ang sitwasyon niya?""Huwag ka nga mag-isip ng ganyan! Magi

  • The Politician's Slave   Chapter 43

    Stelo's POV It sounds so selfish but I'm tired. I made a promise for myself that I will no longer pursue Gaia.Tangina, tama na. Pagod na ako."Stelo, baba na. Nandito na tayo. Nakauwi na tayo... Bakit ka ba natutulala diyan?"Natauhan ako sa kapapanood sa labas habang bumabyahe, inaantok ako pero hindi ako makatulog. Si Gaida ay pinaubaya ko naman kay Raul. I'm just too tired from everything but I know I needed to get a grip, pagod ako pero kailangan kong kumayod. Gawin ang mga nararapat na gawin. Sa isa kong bahay kami tutuloy ngayon dahil nalaman ko na naroon sila Mama Damiana sa malaking bahay. I just can't handle her in this time, hindi pa ako handa sa mga maari niyang italak sa akin. Pero ang iba naming gamit ay idederetso na roon para hindi na marami ang aming dala."Ahh. Sorry. I'm just too tired." Bumaba ako sa kotse bago binuksan ang pintuan ng bahay. Kaming tatlo ulit ang magkakasama, walang mga bodyguard, at walang mga katulong."Edi magpahinga ka muna. Natutulog naman

  • The Politician's Slave   Chapter 42 (2/2)

    Sa gitna ng pagkalasing ay parang nawala ang katinuan ni Cressida. Ang lalaking bumungad naman sa kanya ay talagang nanabik sa babae."Gaia..." huminga ng malalim si Stelo. Pinipilit na huwag patulan ang babae kahit na hinahalik-halikan na siya nito sa buong mukha niya. "U-Umuwi ka na siguro.""Gusto kita e. Ang gwapo mo kaya sa panaginip ko noong nakaraan..." humagikhik ang babae bago mariing kumapit sa balikat ni Stelo na hindi na alam ang gagawin sa kanya. Gusto niya man itong ihatid na dahil magkatabi lang naman ang kanilang bahay pero ayaw niyang malapit ito sa lalaki na kinakasama nito lalo na sa ganitong lagay."Gaia! Bakit ka ba nagkakaganito? Tumigil ka na!" "Gusto kita e..." Sinundot-sundot pa nito ang pisngi nito na pinigilan naman ng lalaki kaagad. Napiling na lamang si Stelo at ginaya ito paloob ng kanilang bahay, halos buhatin pa niya ito papunta sa kwarto dahil ni hindi nito inihahakbang ang paa.Nang marating nila ang kwartong ginagamit ni Raul ay agad na pinahiga ni

  • The Politician's Slave   Chapter 42 (1/2)

    Sa isang katok pa lamang ay binuksan na ni Stelo ang pintuan ng kanilang bahay dahil kanina pa siya naghihintay para sa babae. Malalim na rin ang gabi ng pumunta si Cressida. Hinintay niya pa kasing makatulog si Theodore bago niya lisanin ang kanilang bahay at mangapit-bahay kila Stelo."Magandang gabi," paunang pagbati niya na na halos bumulong na lamang siya. "Good Evening. Ask about what you want to know about and I'll talk about it."Nagulat ito sa inakto ng lalaki, mukhang gusto ng madaliin ang kanilang pag-uusap. Pagod na rin kasi ito sa mga ginawa maghapon at gusto nang magpahinga, hindi pa nakatulong na hindi siya nilulubayan ni Damiana. Gusto ng kanyang ina na matapos ang kanyang mga pinapagawa kaagad dahil kung hindi ay baka mahuli sila ng mga awtoridad kahit wala naman sa bansa ang kanilang 'negosyo'."Hindi mo man lang ba ako pauupuin?" Namungay ang mga mata ng lalaki nang makalimutan na parehas pa pala silang nakatayo."Ahh. Sorry. Upo ka..."Iginaya niya ito sa upuang

  • The Politician's Slave   Chapter 41

    Umuwing gulong-gulo ang isipan ni Gaia. Nakumpirma niya ang kanyang amnesia, hidi niya pwedeng pilitin ang sarili na makaalala dahil lang nasa sitwasyon siyang ganoon. Sabi nang doktor, ang kanyang mga panaginip ay maaari siyang tulungan noon pero huwag niyang sagarin na hindi na niya gugustuhin na magising pa dahil lang gusto niyang buuin ang panaginip nang makaalala."Ayos ka lang ba, mahal? May dala akong tanghalian mo para sayo. Lugaw na may tokwa."Hinayaan lang ni Cressida na asikasuhin siya nang asawa habang abala siya pagtitig dito. "Paano tayo nagkakilala, Theodore?" Biglang tanong niya kaya saglit na natigilan ang lalaki pero ilang segundo lamang iyon at inayos ang inihain na pagkain ng kanyang asawa. "Hindi ka nga talaga ayos, mahal ko. Nagkakilala tayo sa simbahan... Oh sige na. Kumain ka na bago ito lumamig."Kasinungalingan ulit. Hindi na nagtanong pa si Cressida at sinunod na lamang niya ang kanyang gusto, ang kumain siya. Hindi niya malaman kung bakit ba puro na lan

  • The Politician's Slave   Chapter 40

    "Tangina! Tangina talaga ng lalaki na 'yon. Sinasabi ko na nga ba't may mali sa kanya!" Pagsalita ni Raul habang pabalik siya sa lodging. Sinisipa-sipa niya pa ang mga bato na kanyang nadadaanan. Hindi siya makapaniwala sa narinig niya galing kay Theodore."May asawa na pala siya't lahat-lahat, bakit niya pa kinuha si Gaia?! Tangina niya!"Kahit na nakaisang sipa siya roon sa lalaki ay masama pa rin ang timpla ng kanyang mukha ng makarating sa lodging. Naabutan niya ang mag-ama na naglalaro habang pinapakain ni Stelo si Gaida ng biskwit na para sa bata.Agad na napansin ni Stelo kaya pinuna niya ito. "Anong nangyari sayo? Bakit ganyan ang mukha mo? Para kang aburido!""Bakit hindi?! Nalaman ko lang naman na may asawa na pala ang Theodore na iyon at nasa kanya pa si Gaia!" Halos mabitawan ni Stelo ang kanyang hawak na pagkain dahil sa ibinalita ng kaibigan. Si Gaida ay kuryoso naman na tumingin lamang sa kanyang ama at tiyo, pero may ngiti pa rin sa kanyang mga labi. "Ano?! Saan mo

  • The Politician's Slave   Chapter 39

    Nagising si Theodore na wala na sa kanyang tabi ang asawa nang hanapin niya naman ito sa loob ng kanilang bahay ay hindi niya ito makita. Naalarma siya kaya dali-dali siyang lumabas ng kanilang bahay at hinanap sa posibleng tindahan si Cressida ngunit wala rin iyon doon. "Tiya, nakita niyo ba si Cressida? Yung asawa ko?"Tinanong ni Theodore ang kanyang nadaanan na kakilala nila sa lugar na iyon. "Hindi, Iho."Nagpasalamat siya at naglakad ulit para magtanong pero walang nakakita rito. Sa kanyang paglalakad ay nagawi siya sa tindahan na malapit sa lodging kung saan nagpapalipas ng araw sila Stelo. Lumabas doon si Raul kasama si Gaida dahil bibili sila ng kape sa tindahan. Nakita ni Raul si Theodore at hindi niya maiwasan na suriin ang lalaki. Hindi sila nakita ni Theodore noong pumunta sila sa bahay nila, pero siya alam na niya ang mukha ng lalaking kaharap ngayon kasi iniimbestigahan niya na ito bago pa man sila nagtungo ng Lahyon."Magandang umaga," pagbati ni Raul na sinulyapan

DMCA.com Protection Status