Share

Chapter 2

Author: Vhirgoe
last update Last Updated: 2022-05-17 23:03:28

Chapter 2: Paghahanap

Mula sa arawan ay halos matuyuan na ng laway ang ginang na kanina pa palakad-lakad sa palengke kung saan maraming tao para mamigay ng papel na mayroong mukha at pangalan ng anak niya na nawawala.

"Helena, baka nakita mo naman 'tong anak kong si Gaia." Pag-aabot ng babae sa tindera ng isda na tila ba hindi na bago sakanya ang linya ng babae.

"Hay naku, Eleonora. Ilang buwan mo bang hinanap yang si Gaia ha? Apat na buwan na ba? Ehh baka naman patay na yan at paulit-ulit ka lang naghahanap dito."

Tila nagpantig ang tenga ng babae tinawag niyang Eleonora kaya agad naman itong dumampot ng isda na tinitinda ng kaharap at agad na binato sa mukha.

Nasapol naman nito si Helena kaya agad napatigil sa pagbubugaw ng langaw na maaring dumapo sa kanyang mga isda bago bumaba sa upuan nito at hinarap si Eleonora.

"Napakabastos mong babae ka ha! Ano bang gusto mo ha?!" Panghahamon nito. Pati ang kanyang apron ay inalis niya sa kanyang katawan.

"Hindi patay ang anak ko!" Sigaw ni Eleonora pabalik.

Mapang-hamak naman na tinignan ni Helena si Eleonora. "Ahh. Nakakasiguro ka ba? Buksan mo yang mga mata mong matanda ka ha! Kung buhay man yang anak mong nawala ng parang bula, edi sana bumalik na yan sainyo at hindi na kayo nagpapakahirap maghanap sakanya!"

"Aba't! Palibhasa matandang dalaga ka at wala kang anak!"

Nanlaki ang mata ni Helena dahil sa sinabi nito. Agad naman na pumagitna ang isang tauhang kargador ni Helena para hindi na matuloy kong ano man ang pag-aawayan nila.

Ang paligid nila ay agad naman naging maayos. Luminga sila at makita ang dalawang bodyguard ng kanilang gobernador na nagpapaunang lumakad.

"Tumigil na po kayo. Nandiyan na si Gov." Bulong ni Carlos, ang kargador ni Helena.

Ang gobernador ay nakikipagsalamuha sa ibang tindera, minsan ay bumibili siya pero karamihan sa dala ng kanyang tauhan ay bigay lamang ng ibang tindera.

Di-hamak na sobrang mahal ng mga taga-Isla ang Gobernador kaya ganito na lamang siya kung ituring. Pagkatapos ng dalawang pang-umagang meeting niya ay pumunta siya dito para bumisita. Nakarating siya sa position nila Eleonora at Helena, medyo napailing na kamang siya ng mahihuna na mukhang may naganap na away sa pagitan ng dalawa dahil mahahalata pa ang umuusok na ilong mga ito.

"Magandang umaga ho sainyo, Aling Eleonora at Aling Helena." Magmamano sana ang Gobernador pagkatapos bumati pero hindi nila hinayaan na mangyari ito.

Subalit ang dalawang ginang ay tila ba yumuko para gumalang sa politikong kaharap nila.

"Magandang umaga rin ho Gov. Maaga kayo ngayon rito ah. Ano ho ba ang lulutuin niyo sa pananghalian?"

Pagtatanong ni Aling Helena na tila ba interesado siya sa ganap ng Gobernador pero isa lamang 'yong paraan ng kanyang pagbibiro kaya natawa lang ito ng marahan.

"Ipaghahanda ko po ng maasim na sinigang ang aking misis baka sakaling pansinin na ako." Sinakyan naman ni Stelo ang biro ng matanda. "Anyway, may nangyayari ba dito bago ako dumating? Mukhang may pinagdadaanan po kayo ni Aling Eleonora dito kanina." Dagadag pa nito kaya agad na nagkatinginan ang dalawang matandang babae, tila sinisisi ang isa`t-isa kaya sila nahuli.

Lumunok muna si Helena bao nagsalita. "Ito kasing si Eleonor Gov, hinahanap na naman dito ang kanyang anak na halos-halos niya naman na hinahap pero hindi naman nagpapakita sakanya. Sinabi ko na nga po sakanya na baka---"

"Nagbabaka sakali lang ako Gov kasi hindi po talaga natatahimik ang buhay namin ngayon ng asawa ko dahil po wala sa tabi namin ang aming unica hija." Pagputol ni Eleonora sa sinasabi ni Helena.

Napatingin naman sakanya si Helena na magsasalita pa sana ulit at ipipilit na baka patay na anak nito pero pumagitna na sakanila ang Gobernador.

Hinawakan nito sa balikat si Eleonora na tila ba alam niya ang pasakit na dinadala nito habang wala sa kanilang tabi ang kanilang anak.

"Kami po ay tumutulong na sa paghahanap sa inyong anak. Ang mga tauhan ko po pati na rin ang mga pulis dahil naireport naman na natin ang pagkawala ng inyong anak. Siguro po ay mas mabuti na hayaan mo na lamang po kaming maghanap sakanya para hindi na rin kayo napapagod." Paliwanag ni Stelo sakanya. Walang anu--ano ay niyakap na siya ng matanda na tila ba ay naluluha pa.

"Salamat ho, Gov."

Tumango lamang ito bago inalis sa pagkakaakap sakanyang katawan ang matanda at sinabing mauna na siya at magluluto pa siya ng pananghalian para sa kanyang asawa na hindi naman pinaniwalaan ng karamihan na nakarinig dahil ang alam ng ito ay wala pang babae ang nakakabihag sa puso nito. Sinasakyan na lamang nila ang mga pagbibiro ng Gobernador.

Nang makaalis sa palengke si Stelo ay umalis na rin si Eleonora para umuwi sa kanilang bahay para ipagluto ang kanyang asawa na uuwi galing sa trabaho niyang construction na malapit lamang sa kanilang bahay, pero pagdating niya ay nadatnan na lamang nito ang kanyang asawa na nakaupo sa kusina habang umiinom ng malamig na tubig.

Mababakas sa muha nito ang pagod na nadarama sa oras na iyon.

"Marco, nakauwi ka na pala. Ipagluluto kita ng pagkain." Agaran naman na kumilos si Eleonora para pagsilbihan ang kanyang asawa.

Agad nitong inilabas ang mga kakailanganin sa pagluluto ng marinig niya ang tanong ng kanyang asawa.

"Kamusta ang paghahanap sa anak ko?" Kahit na iyon lamang ang kanyang sinabi sa seryosong pamamaraan ay hindi maaalis ang pag-asa sa boses nito na may bagong balita na tungkol sa kanyang anak.

Huminga muna ng malalim ang ginang bago lakas na sinabi sa asawa ang mga salitang; "Ganoon pa rin. Wala pa ring nakakakita kay Gaia sa ating lugar simula ng mawala siya."

Nawalan ng konting sigla ang mata ni Marco dahil sa naging balita ng kanyang asawa.

"Nasaan na ba kasi ang anak natin? Baka kung ano na ang nangyari sakanya. Dapat ay naghahanap na siya ngayon ng trabaho." Bumuntong-hininga siya ng malalim bago inilagay sa kanyang balikat ang panunas na ginamit niya sa kanyang pawis kanina at tumayo siya para mag hugas ng kamay at tulungan ang asawa sa pagluluto ng makakain.

"Marco, paano kung napadpad na si Gaia sa ibang lugar? Paano kung may itinatago palang nobyo saatin ang ating anak at sumama siya roon?"

Natigilan ang lalaki. "Hindi. Nasisiguro kong wala siyang nobyo. Nababantayan ko noon pa man ang kanyang mga kilos. Nasisiguro kong nandito lamang siya at hahanapin natin siya!"

"Pero Marco naman, nalibot na natin ang buong lugar natin pero hindi natin siya makita! Napapagod na ako! Nakakabaliw na ito!"

Katahimikan ang bumalot sakanilang dalawa bago nagsalita ulit si Marco.

"Hindi bale nang mabaliw tayo ang importante ay ginagawa natin ang lahat para mahanap siya."

***

Napangisi naman si Stelo nang makalampas siya sa tingin ng mga tao sa palengke hanggang sa makarating siya sa kanyang sasakyan kasama ang mga bodyguard nito.

"Gov, bakit niyo po pinapaasa ang ina ni Miss Gaia ng ganun? Nahihirapan na po siya nakikita ko po sa kanyang mga mata."

Puna ng isa sa kanyang bodyguard na si Miguel. Isang nakakamatay na tingin lamang ang binato sakanya ni Stelo.

"Manahimik ka kung gusto mo pang magpatuloy sa trabaho na ito pati na rin ang buhay mo." Malalim at seryosong banta nito sa lalaki.

"Gusto ko lang naman malaman, Gov. Nakakaawa kasi sila."

"Well, you may be pity then but I'm enjoying this goddamn game." Isang nakakalokong ngisi ang tumapos sa kanilang usapan bago sila nakauwi.

Related chapters

  • The Politician's Slave   Chapter 3

    Chapter 3: Kung Alam Mo Lang Pagkarating ng Gobernador sa kanyang bahay ay agaran niyang tinawag ang babaeng nagngangalang Gaia. Ngunit hindi kaagad ito lumabas kaya naman ay bumakas sa kanyang mukha ang pagkairita. "Gaia!" Pagsigaw niya ulit. Nang ginawa niya 'yon ay iniwan na siya ng kanyang mga body guard ang naiwan na lamang sa kanyang tabi ay si Raul. Hinubad ni Stelo ang gamit na suit na sinalo naman ni Raul habang naglakad papunta sa kwarto ni Gaia si Stelo. Ang kanyang kanang-kamay ay napabuntong-hininga na lamang dahil alam na niya na hahanapin na naman nito sa Gaia at maaring pagbantaan ang dalaga kung hindi niya kaagad makita. Sumunod lamang si Raul hanggang sa kwarto ni Gaia at walang dalaga na nadatnan doon. Sisigaw na sana ulit si Stelo ng dumating sa kanyang harapan ang pinakamatagal niyang katulong na si Manang Lolita. "Iho, este, Sir, si Miss Gaia ay nasa likod lamang po ng inyong bahay. Magtatanim daw po siya roon sa bakuran." Pagpapaalam nito sa nito. Agad nama

    Last Updated : 2022-05-17
  • The Politician's Slave   Chapter 4

    Chapter 4: Masamang Kalagayan"Marco, ano ba! Huminahon ka nga. Kung ganyan ka ng ganyan ay baka wala ng makipag-usap ng matino saatin at tulungan tayo sa paghahanap ng anak natin."Pagpapakalma ni Eleonora sa kanyang asawa matapos masigawan nito ang pulis na tumutulong sakanila para mahanap si Gaia. Kakalabas lamang nila ng presinto para humingi ng update pero pare-pareho lamang ang sinasabi ng mga ito sakanila."Paano ako kakalma, Ele? Eh ngayon na lamang nga tayo bumalik dito para alamin kung ano na ang kalagayan ng paghahanap nila pero wala pa rin ang sagot nila. Mga walang kwenta."Napailing na lamang si Eleonora, pinapakalma pa ang asawa."Umuwi na muna tayo," sambit niya at saka pumara ng tricycle na masasakyan nila pauwi.Nang makarating sila sa kanilang bahay ay doon na naglabas ng loob ang kanyang asawa. Hinampas pa ang kanilang lamesa na gawa lamang sa kahoy."Mga walang silbi ang mga awtoridad ngayon! Ilang buwan na ang nakakalipas simula ng magreport tayo na nawawala si G

    Last Updated : 2022-05-17
  • The Politician's Slave   Chapter 5

    Chapter 5: Ang Ulat"Alisin niyo sa harapan ko ang babaeng ito." Pag-uutos ni Stelo ni sa kanyang maawtoridad na boses sa mga tauhang nakapaligid na sakanya ngunit wala pa ring kumikilos sa mga ito."Aalisin niyo ang babaeng ito sa harapan ko o kayo ang tatanggal ko ng trabaho?!" Iulit ni Stelo pero ngayon ay sumigaw na siya kaya kumilos ang mga ito, si Raul ang nanguna para buhatin si Gaia.Pinanood niya lamang ang mga ito na pagtulungan ang babae namaiangat mula sa sahig. Nang malapit ng makalabas ang mga ito ng kwarto ay tumigil sila, nabubulungan pa pero si Raul na ang naglakas ng loob para magsalita"Gov, saan po ba namin dadalhin si Miss Gaia?""Kahit saan basta ay huwag niyo muli yang ihharap saakn ng ganyan ang kalagayan, kundi kayo malalagot saakin!"Pang-huling sinabi ni Stelo bago nilisan ang kwarto ni Gaia, pumanhik naman siya sa kanyang kwarto pagkatapos makakuha ng maiinom sa kusina. Hindi man lang siya nabahala sa kung saan dinala ang babae na ikinulong niya sa kanyang

    Last Updated : 2022-05-17
  • The Politician's Slave   Chapter 6

    "Eleonora, ano ba?! Ang bagal mo naman. Dalian mo at baka kung ano pa ang mangyari sa anak natin!" Sigaw ni Marco sa asawa nito na sinasaraduhan pa ang kanilang pintuan."Ito na. May tricycle naman na nakaabang sa labas." Lumapit na ito sa asawa at sabay silang pumasok sa nakaabang na sasakyan na maghahatid sakanila sa sa Barangay Hirang Medical Center. Kung nasaan ang kanilang anak.Makalipas ang halos isang oras na byahe ay nakarating na sila. Agad naman silang sinalubong ng tauhan ng radyo paea makibalita pero hindi nila ito pinansin at lumunta na lamang sa nurse na nakabantay doon at tinanong kung nasaa ang kanilang anak. Iginaya naman sila nito sa hospital bed kung nasaan si Gaia na ngayon ay nagising na.Umawang ang kanyang bibig sa gulat ng makita ang kanyang mga magulang."Nay, Tay..."Bulong niya bago umupo sa kama mula sa pagkakahiga. Hindi niya maitatanggi na nanghihina pa ang kanyang katawan.Lumapit kaagad ang kanyang magulang sa kanya at agad siyang niyakap. Ngayon ay na

    Last Updated : 2022-05-19
  • The Politician's Slave   Chapter 7

    "Pa, ayaw ko ng kasi magtrabaho para kay Gov. Makakakuha naman po ako ng trabaho kahit hindi po ako doon. At isa pa po hindi ko naman po magagamit ang pinag-araln ko sakanya." Pagrereklamo ko kay Papa dahil pinipilit niya na akuin ko ang trabaho na inalok ni Stelo para saakin. Naiintindihan ko naman na sobrang gusto niya ang gobernador na yun pero hindi niya alam kung ano na ang ginawa saakin ng lalai na iyon. Ni hindi na nga niya ako tinanong kung bakit ako nawala sakanila ng ilang buwan, kung bakit ba nangyari yun, kung saan na ako napadpad, basta na lang nawala iyon ng dahil sa trabaho na inalok saakin. Ngayon nga ay andito kami sa kwarto at silang dalawa ni Mama ang nag-eempake ng gamit dahil bukas na bukas din ay susunduin ako ng tauhan ni Stelo para dalhin ulit sa bahay. Ayaw ko na doon, maayos nga ang tinutulugan ko pero hindi naman ako nakakatulong kaya wala ring silbi. "Pinapangunahan mo na ngayon ang desisyon ko, Alessandra Gaia? Matuto kang gumalang sa desisyon ng naka

    Last Updated : 2022-05-21
  • The Politician's Slave   Chapter 8

    "Miss Gaia, gising na po. Isasama raw po kayo ngayon ni Sir Stelo sa kanyang pupuntahan."Pinilit kong buksan ang mata ko para makita si Manang na ginigising ako. Nang mabuksan ko ang mga mata ko ay nakita ko may inililigpit siya sa gilid na lamesa. Yung pinagkainan ko pala yun kagabi.Isang araw na mula nung nabalik ako dito sa puder ni Stelo at hindi ako lumalabas ng kwarto na ibinigay niya ulit saakin. Buong akala ko ay mas magiging marahas ang trato niya sa akin ngayon pero hindi pa naman. Siguro dahil na rin yun sa nakita niya nung sinundo niya ako saamin na umiiyak."Saan daw po, Manang Lolite?" Umiling lang siya at binitbit sa kanyang kamay ang tray na may pinagkainan ko. "Manang naman, sabihin niyo na po.""Eh hindi ko rin alam. Basta sabi niya gisingin ka at sabihan na sumama ka sa kanya ngayon."Tumango na lang ako at tumayo. Akala ko ay aalis na siya pero nagtaka ako na nandoon pa rin siya. Tinignan ko naman dahil baka may kailangan pa siya pero hindi niya nasasabi."May ka

    Last Updated : 2022-05-23
  • The Politician's Slave   Chapter 9

    Hayop.Uri ng nilalang na hindi tao pero maaring gamitin para sa tao.Demonyo. Para sa mga tao na hindi nakaakyat sa langit pero ginagamit rin para sa taong nabubuhay. Ang dalawang salita na yan ay gagamitin ko para ilarawan ang mga lalaking muntik na akong babuyin. Mga hayop sila! Wala silang kaluluwa katulad ng demonyo! "Gaia! Lumabas ka na diyan kung ayaw mong masaktan." Si Stelo ay sigaw ng sigaw sa labas ng kwarto ko dahil hindi ko pinagbubuksan at ninakaw ko kay Manang Lolita ang spare key nito. Ayoko makipag-usap sakanya. Napakawalang hiya niya! Demonyo siya! Hayop siya!Kagabi lang nangyari yun at sigurado akong hindi ko makakalimutan.Yung mga kaibigan niya na akala mo ay inom lang ang inaatupag pati pala sa paghuhubad ng di nila kilalang babae ay ginagawa nila."Bro, ang bagal naman niyang bagong dala mo. Mukha na ngang manang, hindi pa alam ang gagawin.""Hubaran na yan!" Sigaw ng isa at agad na lumipad papunta sa harap ko. "Hey, Miss." Bulong niya at kumindat pa. Hal

    Last Updated : 2022-05-24
  • The Politician's Slave   Chapter 10

    Sa ilalim ng arawan natagpuan ako ng mga magulang ko na nagtatago sa mga halaman at umiiyak.Nang mag walk-out ako sa harapan ni Stelo ay hanggang labas ng gate niya ang inabot ko at nagtatago sa mga mayayabong na halaman na nakatanim doon."Anak? Mahabaging langit! Ano bang nangyari sayo at umiiyak ka ng ganyan dito sa labas?" Pinatayo ako nila ako na ginawa ko naman.Umiiwas lang ako ng tingin dahil ayoko magpaliwanag sakanila. "W-Wala po 'to. Namiss ko lang po kayo."Niyakap niya ako at naramdaman ko na hinalikan niya rin ang ibabaw ng ulo ko."Pwede ka mag-sabi saamin kung ano man yang iniiyakan mo.""Eleonora," pagtawag sakanya ni Papa kaya napatingin kaming dalawa sakanya. "Mahuhuli na tayo bilisan mo."Agarang nangunot ang noo ko. "Po? Saan po kayo mahuhuli? Aalisin po ba kayo?"Tumango silang pareho. "Oo, 'Nak e. Natapos kasi ang kontrata ko dito sa construction. Kaya lilipat kami sa kabilang isla para tumulong sa nagpapagawa doon ng bahay din. Mga isang buwan lang naman."Isa

    Last Updated : 2022-05-26

Latest chapter

  • The Politician's Slave   Chapter 45

    Kakatapos lang ulit ng meeting ni Stelo sa senado at hindi pa rin naso-solusyonan ang kanilang pinoproblema dahil maraming dumagdag na mga mungkahi at may ilan na gusto nila iyong sa kanila ang masusunod. Nang may biglang babae na sumalubong sa kanya ng buong ngiti.Estudyante sa kolehiyo ang babae dahil sa kanyang suot na uniporme at ID na nakasabit sa kanyang leeg."Senator!" Pagtawag niya at muntik pang magmano sa nakasalubong na lalaki. Nanlaki naman ang mata ni Stelo sa gulat at hindi agad alam ang maaaring sabihin sa estudyante kaya hinayaan niya itong makapagsalita. "Senator! Pasensya na po at sinadya kita rito pero hindi po ako matatahimik hangga't hindi ako nakakapagpasalamat sa iyo ng personal!""Ha? Bakit? Tungkol saan?""Ahhh dahil po sa batas na ipinatupad niyo nakita ko na po ang mga hinahanap kong magulang sa tulong nun. Kuya ko lang po kasi ang nagpalaki sa akin at ang lola ko. Simula po noong bata ay hinahanap ko na ang mga magulang ko pero wala naman pong sinasabi

  • The Politician's Slave   Chapter 44 (2/2)

    "I'm sorry Senator Reyes but I beg to differ. Yes, I know may point ka pero don't you think it's nonsense? Really? We are experiencing both poverty and inflation at the moment tapos sasabihin mo na we need to rise the taxes of the people habang tumataas ang mga bilihin sa bansa? We need a better solution than rising the people's taxes.""I agree.""He has point. Anyone who have suggestion for a better solution may now speak.""Senator Gallardo, ikaw naman ang nagsabi, pwede rin ata na ikaw na rin ang unang sumagot sa better solution mo na yan." Pag-segunda ni Senator Reyes.Napangisi si Stelo. Alam niya na maraming maiinit ang mata sa kanya sa senado at isa na roon si Senator Reyes."Well, I suggest for us do to the customs and import duties, and instead of generating individual tax we'll raise tax sa mga business industry."Nagkaroon ng pagkagulo na naging sanhi ng pag-ingay sa senado pagkatapos ng sinabi ni Stelo. Mayroong hindi sang-ayon sa sinabi niya pero natapos ang kanilang ses

  • The Politician's Slave   Chapter 44 (1/2)

    Sa clinic ng doktora ay halos himatayin si Stelo sa kanyang narinig na balita tungkol sa kalusugan ng anak. Exaggerated man ay iyon talaga ang totoo, mukhang ano mang minuto ay lilipasan ito ng malay-tao. Namumutla na kasi siya. Sa kanyang likod ay naroon si Raul na hinahawakan lamang ang kanyang balikat para pakalmahin siya. "Mr. Gallardo, you'll sign the waiver of consent first and we'll run the tests that needed," sinabi ng doktora bago ito tumayo at tinawag ang kanyang assistant para ayusin ang kanyang makailangan kasama ang isang nurse. "Okay, Doc.""Upo ka muna, Stelo." Iginaya niya na si Stelo para umupo dahil napatayo ito at mas lumapit sa doktorang nagpaliwanag sa sakit ng kanyang anak. Huminga ng malalim si Stelo para kalmahin ang kanyang sarili bago tinignan ang anak na naglalaro sa mini-playground ng clinic na pinalibutan ng puzzle mats at malalambot na bagay. "Anong gagawin ko, Raul? Paano na lang kung malala ang sitwasyon niya?""Huwag ka nga mag-isip ng ganyan! Magi

  • The Politician's Slave   Chapter 43

    Stelo's POV It sounds so selfish but I'm tired. I made a promise for myself that I will no longer pursue Gaia.Tangina, tama na. Pagod na ako."Stelo, baba na. Nandito na tayo. Nakauwi na tayo... Bakit ka ba natutulala diyan?"Natauhan ako sa kapapanood sa labas habang bumabyahe, inaantok ako pero hindi ako makatulog. Si Gaida ay pinaubaya ko naman kay Raul. I'm just too tired from everything but I know I needed to get a grip, pagod ako pero kailangan kong kumayod. Gawin ang mga nararapat na gawin. Sa isa kong bahay kami tutuloy ngayon dahil nalaman ko na naroon sila Mama Damiana sa malaking bahay. I just can't handle her in this time, hindi pa ako handa sa mga maari niyang italak sa akin. Pero ang iba naming gamit ay idederetso na roon para hindi na marami ang aming dala."Ahh. Sorry. I'm just too tired." Bumaba ako sa kotse bago binuksan ang pintuan ng bahay. Kaming tatlo ulit ang magkakasama, walang mga bodyguard, at walang mga katulong."Edi magpahinga ka muna. Natutulog naman

  • The Politician's Slave   Chapter 42 (2/2)

    Sa gitna ng pagkalasing ay parang nawala ang katinuan ni Cressida. Ang lalaking bumungad naman sa kanya ay talagang nanabik sa babae."Gaia..." huminga ng malalim si Stelo. Pinipilit na huwag patulan ang babae kahit na hinahalik-halikan na siya nito sa buong mukha niya. "U-Umuwi ka na siguro.""Gusto kita e. Ang gwapo mo kaya sa panaginip ko noong nakaraan..." humagikhik ang babae bago mariing kumapit sa balikat ni Stelo na hindi na alam ang gagawin sa kanya. Gusto niya man itong ihatid na dahil magkatabi lang naman ang kanilang bahay pero ayaw niyang malapit ito sa lalaki na kinakasama nito lalo na sa ganitong lagay."Gaia! Bakit ka ba nagkakaganito? Tumigil ka na!" "Gusto kita e..." Sinundot-sundot pa nito ang pisngi nito na pinigilan naman ng lalaki kaagad. Napiling na lamang si Stelo at ginaya ito paloob ng kanilang bahay, halos buhatin pa niya ito papunta sa kwarto dahil ni hindi nito inihahakbang ang paa.Nang marating nila ang kwartong ginagamit ni Raul ay agad na pinahiga ni

  • The Politician's Slave   Chapter 42 (1/2)

    Sa isang katok pa lamang ay binuksan na ni Stelo ang pintuan ng kanilang bahay dahil kanina pa siya naghihintay para sa babae. Malalim na rin ang gabi ng pumunta si Cressida. Hinintay niya pa kasing makatulog si Theodore bago niya lisanin ang kanilang bahay at mangapit-bahay kila Stelo."Magandang gabi," paunang pagbati niya na na halos bumulong na lamang siya. "Good Evening. Ask about what you want to know about and I'll talk about it."Nagulat ito sa inakto ng lalaki, mukhang gusto ng madaliin ang kanilang pag-uusap. Pagod na rin kasi ito sa mga ginawa maghapon at gusto nang magpahinga, hindi pa nakatulong na hindi siya nilulubayan ni Damiana. Gusto ng kanyang ina na matapos ang kanyang mga pinapagawa kaagad dahil kung hindi ay baka mahuli sila ng mga awtoridad kahit wala naman sa bansa ang kanilang 'negosyo'."Hindi mo man lang ba ako pauupuin?" Namungay ang mga mata ng lalaki nang makalimutan na parehas pa pala silang nakatayo."Ahh. Sorry. Upo ka..."Iginaya niya ito sa upuang

  • The Politician's Slave   Chapter 41

    Umuwing gulong-gulo ang isipan ni Gaia. Nakumpirma niya ang kanyang amnesia, hidi niya pwedeng pilitin ang sarili na makaalala dahil lang nasa sitwasyon siyang ganoon. Sabi nang doktor, ang kanyang mga panaginip ay maaari siyang tulungan noon pero huwag niyang sagarin na hindi na niya gugustuhin na magising pa dahil lang gusto niyang buuin ang panaginip nang makaalala."Ayos ka lang ba, mahal? May dala akong tanghalian mo para sayo. Lugaw na may tokwa."Hinayaan lang ni Cressida na asikasuhin siya nang asawa habang abala siya pagtitig dito. "Paano tayo nagkakilala, Theodore?" Biglang tanong niya kaya saglit na natigilan ang lalaki pero ilang segundo lamang iyon at inayos ang inihain na pagkain ng kanyang asawa. "Hindi ka nga talaga ayos, mahal ko. Nagkakilala tayo sa simbahan... Oh sige na. Kumain ka na bago ito lumamig."Kasinungalingan ulit. Hindi na nagtanong pa si Cressida at sinunod na lamang niya ang kanyang gusto, ang kumain siya. Hindi niya malaman kung bakit ba puro na lan

  • The Politician's Slave   Chapter 40

    "Tangina! Tangina talaga ng lalaki na 'yon. Sinasabi ko na nga ba't may mali sa kanya!" Pagsalita ni Raul habang pabalik siya sa lodging. Sinisipa-sipa niya pa ang mga bato na kanyang nadadaanan. Hindi siya makapaniwala sa narinig niya galing kay Theodore."May asawa na pala siya't lahat-lahat, bakit niya pa kinuha si Gaia?! Tangina niya!"Kahit na nakaisang sipa siya roon sa lalaki ay masama pa rin ang timpla ng kanyang mukha ng makarating sa lodging. Naabutan niya ang mag-ama na naglalaro habang pinapakain ni Stelo si Gaida ng biskwit na para sa bata.Agad na napansin ni Stelo kaya pinuna niya ito. "Anong nangyari sayo? Bakit ganyan ang mukha mo? Para kang aburido!""Bakit hindi?! Nalaman ko lang naman na may asawa na pala ang Theodore na iyon at nasa kanya pa si Gaia!" Halos mabitawan ni Stelo ang kanyang hawak na pagkain dahil sa ibinalita ng kaibigan. Si Gaida ay kuryoso naman na tumingin lamang sa kanyang ama at tiyo, pero may ngiti pa rin sa kanyang mga labi. "Ano?! Saan mo

  • The Politician's Slave   Chapter 39

    Nagising si Theodore na wala na sa kanyang tabi ang asawa nang hanapin niya naman ito sa loob ng kanilang bahay ay hindi niya ito makita. Naalarma siya kaya dali-dali siyang lumabas ng kanilang bahay at hinanap sa posibleng tindahan si Cressida ngunit wala rin iyon doon. "Tiya, nakita niyo ba si Cressida? Yung asawa ko?"Tinanong ni Theodore ang kanyang nadaanan na kakilala nila sa lugar na iyon. "Hindi, Iho."Nagpasalamat siya at naglakad ulit para magtanong pero walang nakakita rito. Sa kanyang paglalakad ay nagawi siya sa tindahan na malapit sa lodging kung saan nagpapalipas ng araw sila Stelo. Lumabas doon si Raul kasama si Gaida dahil bibili sila ng kape sa tindahan. Nakita ni Raul si Theodore at hindi niya maiwasan na suriin ang lalaki. Hindi sila nakita ni Theodore noong pumunta sila sa bahay nila, pero siya alam na niya ang mukha ng lalaking kaharap ngayon kasi iniimbestigahan niya na ito bago pa man sila nagtungo ng Lahyon."Magandang umaga," pagbati ni Raul na sinulyapan

DMCA.com Protection Status