Chapter 4: Masamang Kalagayan
"Marco, ano ba! Huminahon ka nga. Kung ganyan ka ng ganyan ay baka wala ng makipag-usap ng matino saatin at tulungan tayo sa paghahanap ng anak natin."
Pagpapakalma ni Eleonora sa kanyang asawa matapos masigawan nito ang pulis na tumutulong sakanila para mahanap si Gaia. Kakalabas lamang nila ng presinto para humingi ng update pero pare-pareho lamang ang sinasabi ng mga ito sakanila.
"Paano ako kakalma, Ele? Eh ngayon na lamang nga tayo bumalik dito para alamin kung ano na ang kalagayan ng paghahanap nila pero wala pa rin ang sagot nila. Mga walang kwenta."
Napailing na lamang si Eleonora, pinapakalma pa ang asawa.
"Umuwi na muna tayo," sambit niya at saka pumara ng tricycle na masasakyan nila pauwi.
Nang makarating sila sa kanilang bahay ay doon na naglabas ng loob ang kanyang asawa. Hinampas pa ang kanilang lamesa na gawa lamang sa kahoy.
"Mga walang silbi ang mga awtoridad ngayon! Ilang buwan na ang nakakalipas simula ng magreport tayo na nawawala si Gaia ay bakit naman hanggang ngayon hindi pa rin nila mahanap?!" Padabog itong umupo sa kahoy rin na upuan nila bago ituloy ang kanyang linya. "Gumagawaba talaga sila ng paraan Ele? Kumikilos ba talaga sila?!"
Binigyan ni Eleonora ng baso ng tubig ang kanyang asawa at nagpahayag din ng kanyang saloobin.
"Marco, mahal ko, nasisiguro kong gumagawa ng paraan ang mga pulis dahil iyon ang kanilang trabaho. Marahil ay magaling lamang magtago ang ating anak."
Hindi makapaniwalang napasinghap si Marco sa naging usal ng kanyang asawa. "Magtago? 'Yan ba ang pinaniniwalaan mo, Ele?"
Sasagutin na sana ng asawa nito ang kanyang tanong ngunit may kumatok sa nakabukas nilang pinto. Agad na tumayo Si Eleonora para tignan 'yon at nakita niya si Francis ang katrabaho ng kanyang asawa.
"Marco, hinahanap ka ni Francis. Halika dito at ikaw na ang kumausap sakanya." Pagtatawag nito sa asawa.
Tumunog naman ang upuan na inuupuan ni Marco senyales na umalis na siya sa pagkaka-upo at pumunta sa may pintuan para harapin ang kanyang kaibigan.
"Francis, halika doon tayo mag-usap sa kubo." Tinapik nito ang balikat ng kasamahan bago nagpa-una sa paglalakad para pumunta sa maliit na kubo nila na hindi naman kalayuan sa kanilang bahay. Sakop pa rin ito ng lupa nila.
"Magluluto muna ako ng maihahain. Sundan mo na ang asawa ko at baka may mahalaga kayong pag-uusapan."
Sumunod naman si Francis sa kubo at doon sila nag-usap ni Marco pero si Eleonora ay tumakas dumaan sa likuran ng kanilang bahay, at umakyat pa ng bakod para hindi mapansin ang kanyang pag‐alis, gayong malalaman din ni Marcos ang kanyang pag-alis. Naisipan niyang pumunta muna ng munisipyo at magbakasakali na makita ang Gobernador na nangako ng tulong sakanila.
Sumakay siya ng tricycle papunta roon pero wala siyang naabutan, lahat ng tao ay naka-lunch-break at wala rin ang mga opisyal dahil may inaasikaso sa ibang munisipalidad kaya napag-pasyahan niya na lamang na umuwi at hindi na siya nagulat ng matagpuan na nag-iinuman na ang kanyang asawa at ang katrabaho nito. Hindi naman na bago na makita niya ang kanyang asawa na nalulong sa pag-iinom, lumalala pa ng mawala ang kanilang anak.
Ni hindi man lamang siya nito napansin na umalis at bumalik na sa harapan na ng bahay dumaan.
"Bakit hindi niyo hanapin sa Manila ang anak niyo kung ganun? Mas malaki ang tyansa na naroroon siya sapagkat maraming oportunidad doon, katulad ng anak ko na doon nakahanap ng trabaho."
Natigilan si Eleonora sa pag-lalakad dahil nais nitong marinig ang sagot ng kanyang asawa.
"Hindi aalis ang anak ko sa lugar natin Francis. Alam niya yun, ilang beses ko na siyang pinagsabihan. Hinding-hindi siya lalabas ng Manila hangga't hindi pa namin nakukuha ang aming gusto. Tutulungan niya pa ako bumawi." Napailing na lamang si Eleonora dahil matigas talaga ang ulo nito sa usaping pag-labas sa kanilang lugar.
"Ehh ano ba kasing nangyari bago mawala yang si Gaia? Hindi mo pa naku-kwento iyon."
Tumagay muna si Marcos, hindi pa naman lasing pero nahahalata na nakainom.
"Maghahanap ng trabaho."
Simple at totoo niyang sagot. Pagkatapos nun ay umalis na si Eleonora sa pakikinig sakanila at nagluto na lamang ng pagkain para sakanila.
Trabaho. Iyon lamang ang hinahanap ng kanilang anak pero, naglaho na lang ito ng ganoon.
***
"Let's end the meeting here..." anunsiyo ni Stelo sa kanyang mga kawani. "See you tomorrow. Have a good night everyone." Tumayo na ito at pinanood na lumisan ang kanyang mga kasamahan palabas ng kanilang meeting room.
Nagpatawag siya ng meeting pagkabalik na pagkabalik niya lamang galing sa kalapit na munisipalidad para bisitahin ang kalagayan ng kanyang pinausbong na proyekto roon.
Tinanguan naman niya si Raul, tanda na aalis na sila. Kinuha ni Stelo ang kanyang coat sa likuran ng kanyang upuan at nagpa-unang lumabas.
Halos lahat ng empleyado ay papauwi na sakanila, binati niya lamang ang mga ito ng paalam bago pumunta at sumakay sa kanyang kotse.
Sa daan nila pauwi ay may nakita siyang poster na hinahanap si Gaia, nakadikit ito sa poste ng ilaw kaya naman nakita niya. Wala sa loob niya ang napatawa ngunit hindi na lamang nagsalita si Raul.
"Huwag ninyong bigyan ng pagkain si Gaia. Hayaan ninyong mag-isa ang babae yun at magutom. Nararapat lang sakanya yun."
Anunsiyo ng gobernador pagkapasok niya ng bahay. Narinig naman ito ng mga katulog at mga guards, susundin nila ang gusto nitong mangyari kaysa ang mawalan sila ng trabaho.
"Kumain na kayong lahat at huwag niyo na akong hintayin pa." Pagpapatuloy niya bago umakyat ng kanyang kwarto. "Raul, makinig ka asikasuhin mo ang on-going projects natin sa bayan ng Nawaa, siguraduhin mo na maayos ang kalsada na nasira ng landslide sa lalong madaling panahon. Kay tagal na nun ay hanggang ngayon hindi pa rin naayos at hindi maganda ang pagkakagawa."
"Masusunod, Gov."
Magsasalita pa sana si Raul ng biglaang pumasok ang isang katulog na may takot sa kanyang mukha. Nanginginig pa at halata ang pagkabalisa nito.
"Gov, pasensya na pero hindi ko naman po sinasadyang makadaan sa kwarto ni Miss Gaia pero natagpuan ko po siyang walang malay sa sahig."
Nanlaki ang mata ni Stelo at agad na napatayo kasabay ni Raul ay pinuntahan nilang tatlo si Gaia sa kanyang kwarto.
Totoo nga na wala itong malay at mahina rin ang pulso nito. Dahil doon ay naalarma ang buong sistema ni Stelo.
Chapter 5: Ang Ulat"Alisin niyo sa harapan ko ang babaeng ito." Pag-uutos ni Stelo ni sa kanyang maawtoridad na boses sa mga tauhang nakapaligid na sakanya ngunit wala pa ring kumikilos sa mga ito."Aalisin niyo ang babaeng ito sa harapan ko o kayo ang tatanggal ko ng trabaho?!" Iulit ni Stelo pero ngayon ay sumigaw na siya kaya kumilos ang mga ito, si Raul ang nanguna para buhatin si Gaia.Pinanood niya lamang ang mga ito na pagtulungan ang babae namaiangat mula sa sahig. Nang malapit ng makalabas ang mga ito ng kwarto ay tumigil sila, nabubulungan pa pero si Raul na ang naglakas ng loob para magsalita"Gov, saan po ba namin dadalhin si Miss Gaia?""Kahit saan basta ay huwag niyo muli yang ihharap saakn ng ganyan ang kalagayan, kundi kayo malalagot saakin!"Pang-huling sinabi ni Stelo bago nilisan ang kwarto ni Gaia, pumanhik naman siya sa kanyang kwarto pagkatapos makakuha ng maiinom sa kusina. Hindi man lang siya nabahala sa kung saan dinala ang babae na ikinulong niya sa kanyang
"Eleonora, ano ba?! Ang bagal mo naman. Dalian mo at baka kung ano pa ang mangyari sa anak natin!" Sigaw ni Marco sa asawa nito na sinasaraduhan pa ang kanilang pintuan."Ito na. May tricycle naman na nakaabang sa labas." Lumapit na ito sa asawa at sabay silang pumasok sa nakaabang na sasakyan na maghahatid sakanila sa sa Barangay Hirang Medical Center. Kung nasaan ang kanilang anak.Makalipas ang halos isang oras na byahe ay nakarating na sila. Agad naman silang sinalubong ng tauhan ng radyo paea makibalita pero hindi nila ito pinansin at lumunta na lamang sa nurse na nakabantay doon at tinanong kung nasaa ang kanilang anak. Iginaya naman sila nito sa hospital bed kung nasaan si Gaia na ngayon ay nagising na.Umawang ang kanyang bibig sa gulat ng makita ang kanyang mga magulang."Nay, Tay..."Bulong niya bago umupo sa kama mula sa pagkakahiga. Hindi niya maitatanggi na nanghihina pa ang kanyang katawan.Lumapit kaagad ang kanyang magulang sa kanya at agad siyang niyakap. Ngayon ay na
"Pa, ayaw ko ng kasi magtrabaho para kay Gov. Makakakuha naman po ako ng trabaho kahit hindi po ako doon. At isa pa po hindi ko naman po magagamit ang pinag-araln ko sakanya." Pagrereklamo ko kay Papa dahil pinipilit niya na akuin ko ang trabaho na inalok ni Stelo para saakin. Naiintindihan ko naman na sobrang gusto niya ang gobernador na yun pero hindi niya alam kung ano na ang ginawa saakin ng lalai na iyon. Ni hindi na nga niya ako tinanong kung bakit ako nawala sakanila ng ilang buwan, kung bakit ba nangyari yun, kung saan na ako napadpad, basta na lang nawala iyon ng dahil sa trabaho na inalok saakin. Ngayon nga ay andito kami sa kwarto at silang dalawa ni Mama ang nag-eempake ng gamit dahil bukas na bukas din ay susunduin ako ng tauhan ni Stelo para dalhin ulit sa bahay. Ayaw ko na doon, maayos nga ang tinutulugan ko pero hindi naman ako nakakatulong kaya wala ring silbi. "Pinapangunahan mo na ngayon ang desisyon ko, Alessandra Gaia? Matuto kang gumalang sa desisyon ng naka
"Miss Gaia, gising na po. Isasama raw po kayo ngayon ni Sir Stelo sa kanyang pupuntahan."Pinilit kong buksan ang mata ko para makita si Manang na ginigising ako. Nang mabuksan ko ang mga mata ko ay nakita ko may inililigpit siya sa gilid na lamesa. Yung pinagkainan ko pala yun kagabi.Isang araw na mula nung nabalik ako dito sa puder ni Stelo at hindi ako lumalabas ng kwarto na ibinigay niya ulit saakin. Buong akala ko ay mas magiging marahas ang trato niya sa akin ngayon pero hindi pa naman. Siguro dahil na rin yun sa nakita niya nung sinundo niya ako saamin na umiiyak."Saan daw po, Manang Lolite?" Umiling lang siya at binitbit sa kanyang kamay ang tray na may pinagkainan ko. "Manang naman, sabihin niyo na po.""Eh hindi ko rin alam. Basta sabi niya gisingin ka at sabihan na sumama ka sa kanya ngayon."Tumango na lang ako at tumayo. Akala ko ay aalis na siya pero nagtaka ako na nandoon pa rin siya. Tinignan ko naman dahil baka may kailangan pa siya pero hindi niya nasasabi."May ka
Hayop.Uri ng nilalang na hindi tao pero maaring gamitin para sa tao.Demonyo. Para sa mga tao na hindi nakaakyat sa langit pero ginagamit rin para sa taong nabubuhay. Ang dalawang salita na yan ay gagamitin ko para ilarawan ang mga lalaking muntik na akong babuyin. Mga hayop sila! Wala silang kaluluwa katulad ng demonyo! "Gaia! Lumabas ka na diyan kung ayaw mong masaktan." Si Stelo ay sigaw ng sigaw sa labas ng kwarto ko dahil hindi ko pinagbubuksan at ninakaw ko kay Manang Lolita ang spare key nito. Ayoko makipag-usap sakanya. Napakawalang hiya niya! Demonyo siya! Hayop siya!Kagabi lang nangyari yun at sigurado akong hindi ko makakalimutan.Yung mga kaibigan niya na akala mo ay inom lang ang inaatupag pati pala sa paghuhubad ng di nila kilalang babae ay ginagawa nila."Bro, ang bagal naman niyang bagong dala mo. Mukha na ngang manang, hindi pa alam ang gagawin.""Hubaran na yan!" Sigaw ng isa at agad na lumipad papunta sa harap ko. "Hey, Miss." Bulong niya at kumindat pa. Hal
Sa ilalim ng arawan natagpuan ako ng mga magulang ko na nagtatago sa mga halaman at umiiyak.Nang mag walk-out ako sa harapan ni Stelo ay hanggang labas ng gate niya ang inabot ko at nagtatago sa mga mayayabong na halaman na nakatanim doon."Anak? Mahabaging langit! Ano bang nangyari sayo at umiiyak ka ng ganyan dito sa labas?" Pinatayo ako nila ako na ginawa ko naman.Umiiwas lang ako ng tingin dahil ayoko magpaliwanag sakanila. "W-Wala po 'to. Namiss ko lang po kayo."Niyakap niya ako at naramdaman ko na hinalikan niya rin ang ibabaw ng ulo ko."Pwede ka mag-sabi saamin kung ano man yang iniiyakan mo.""Eleonora," pagtawag sakanya ni Papa kaya napatingin kaming dalawa sakanya. "Mahuhuli na tayo bilisan mo."Agarang nangunot ang noo ko. "Po? Saan po kayo mahuhuli? Aalisin po ba kayo?"Tumango silang pareho. "Oo, 'Nak e. Natapos kasi ang kontrata ko dito sa construction. Kaya lilipat kami sa kabilang isla para tumulong sa nagpapagawa doon ng bahay din. Mga isang buwan lang naman."Isa
Chapter 11"Raul! Bilisan mo na diyan at baka maharang pa tayo ni Mr. Calle! Ayoko na sa kanya, napaka bastos ng ugali!" bwisit na bwisit na hilatya ko at tiningnan ang huhangos na si Raul sa harapan."Kayo rin naman ho, Gov." pagsalita niya nasa hindi ko naman naiintindihan kaagad."Ano?!" tila ba ay naibalik sa kanya ang kaluluwa dahil tumayo na siya ng matuwid at diretso para pumasok sa kotse buksan ang makina at paandarin.Kakaupdate pa lang namin ng senado at naharang na ako ni Mr. Calle na gusto akong kunin sa partido. The guts of him! He saw me already filing a candidacy and yet he's urging me to be his side. His side is full of corruption and if he really has a brain he wouldn't offer me to be on his side on the day of my filling."Sir, gusto niyo po ba kumain?" Tinignan ko si Raul sa rearview nung tinanong niya ako.I shook my head. "Huwag na. Sa bahay na lang. I'm sure there's a cooked food in there."He smirked. "Alam niyo po talaga na si Miss Gaia ang magluluto ngayon.""H
"Miss Gaia, gising po. Umalis ka raw po dito."Pagkabukas ko ng mata ko si Saly, isa sa mga kasamabahay dito na halos kasing tanda ko lang ang bumungad saakin tila ba nagmamadali ito.Umupo na lang tuloy ako sa kama at tinanong siya. "Ha? Anong ibig mong sabihin? Aalis na ako dito? Pero dis oras ng gabi ah. Nahihibang ka na ba?""Hindi po, utos lang po ni Sir Stelo. Nandito po kasi yung girlfriend niya dito raw po papatulugin."Kumunot ang noo ko. "Ha? Bakit hindi sa kwarto niya?""Ehh basta po... Ito po susi sa basement, doon ka raw po muna. Pasensya na po Miss Gaia. Utos lang."Matapos niyang ilagay sa palad ko yung susi ay umalis na siya."Umalis na ba siya?" Narinig ko ang boses ni Stelo sa labas. Malamang tinatanong si Beth."Palabas pa lang po, Sir."Wala na along narinig na pag-uusap nila, at pagtingin ko sa pinto ay nakatayo na si Stelo.Naalala ko ang gabi na akala ko ay tatapusin niya na talaga ang buhay ko."Kung...kung papatayin mo man ako pwede bang ngayon na?" Tanong ko
Kakatapos lang ulit ng meeting ni Stelo sa senado at hindi pa rin naso-solusyonan ang kanilang pinoproblema dahil maraming dumagdag na mga mungkahi at may ilan na gusto nila iyong sa kanila ang masusunod. Nang may biglang babae na sumalubong sa kanya ng buong ngiti.Estudyante sa kolehiyo ang babae dahil sa kanyang suot na uniporme at ID na nakasabit sa kanyang leeg."Senator!" Pagtawag niya at muntik pang magmano sa nakasalubong na lalaki. Nanlaki naman ang mata ni Stelo sa gulat at hindi agad alam ang maaaring sabihin sa estudyante kaya hinayaan niya itong makapagsalita. "Senator! Pasensya na po at sinadya kita rito pero hindi po ako matatahimik hangga't hindi ako nakakapagpasalamat sa iyo ng personal!""Ha? Bakit? Tungkol saan?""Ahhh dahil po sa batas na ipinatupad niyo nakita ko na po ang mga hinahanap kong magulang sa tulong nun. Kuya ko lang po kasi ang nagpalaki sa akin at ang lola ko. Simula po noong bata ay hinahanap ko na ang mga magulang ko pero wala naman pong sinasabi
"I'm sorry Senator Reyes but I beg to differ. Yes, I know may point ka pero don't you think it's nonsense? Really? We are experiencing both poverty and inflation at the moment tapos sasabihin mo na we need to rise the taxes of the people habang tumataas ang mga bilihin sa bansa? We need a better solution than rising the people's taxes.""I agree.""He has point. Anyone who have suggestion for a better solution may now speak.""Senator Gallardo, ikaw naman ang nagsabi, pwede rin ata na ikaw na rin ang unang sumagot sa better solution mo na yan." Pag-segunda ni Senator Reyes.Napangisi si Stelo. Alam niya na maraming maiinit ang mata sa kanya sa senado at isa na roon si Senator Reyes."Well, I suggest for us do to the customs and import duties, and instead of generating individual tax we'll raise tax sa mga business industry."Nagkaroon ng pagkagulo na naging sanhi ng pag-ingay sa senado pagkatapos ng sinabi ni Stelo. Mayroong hindi sang-ayon sa sinabi niya pero natapos ang kanilang ses
Sa clinic ng doktora ay halos himatayin si Stelo sa kanyang narinig na balita tungkol sa kalusugan ng anak. Exaggerated man ay iyon talaga ang totoo, mukhang ano mang minuto ay lilipasan ito ng malay-tao. Namumutla na kasi siya. Sa kanyang likod ay naroon si Raul na hinahawakan lamang ang kanyang balikat para pakalmahin siya. "Mr. Gallardo, you'll sign the waiver of consent first and we'll run the tests that needed," sinabi ng doktora bago ito tumayo at tinawag ang kanyang assistant para ayusin ang kanyang makailangan kasama ang isang nurse. "Okay, Doc.""Upo ka muna, Stelo." Iginaya niya na si Stelo para umupo dahil napatayo ito at mas lumapit sa doktorang nagpaliwanag sa sakit ng kanyang anak. Huminga ng malalim si Stelo para kalmahin ang kanyang sarili bago tinignan ang anak na naglalaro sa mini-playground ng clinic na pinalibutan ng puzzle mats at malalambot na bagay. "Anong gagawin ko, Raul? Paano na lang kung malala ang sitwasyon niya?""Huwag ka nga mag-isip ng ganyan! Magi
Stelo's POV It sounds so selfish but I'm tired. I made a promise for myself that I will no longer pursue Gaia.Tangina, tama na. Pagod na ako."Stelo, baba na. Nandito na tayo. Nakauwi na tayo... Bakit ka ba natutulala diyan?"Natauhan ako sa kapapanood sa labas habang bumabyahe, inaantok ako pero hindi ako makatulog. Si Gaida ay pinaubaya ko naman kay Raul. I'm just too tired from everything but I know I needed to get a grip, pagod ako pero kailangan kong kumayod. Gawin ang mga nararapat na gawin. Sa isa kong bahay kami tutuloy ngayon dahil nalaman ko na naroon sila Mama Damiana sa malaking bahay. I just can't handle her in this time, hindi pa ako handa sa mga maari niyang italak sa akin. Pero ang iba naming gamit ay idederetso na roon para hindi na marami ang aming dala."Ahh. Sorry. I'm just too tired." Bumaba ako sa kotse bago binuksan ang pintuan ng bahay. Kaming tatlo ulit ang magkakasama, walang mga bodyguard, at walang mga katulong."Edi magpahinga ka muna. Natutulog naman
Sa gitna ng pagkalasing ay parang nawala ang katinuan ni Cressida. Ang lalaking bumungad naman sa kanya ay talagang nanabik sa babae."Gaia..." huminga ng malalim si Stelo. Pinipilit na huwag patulan ang babae kahit na hinahalik-halikan na siya nito sa buong mukha niya. "U-Umuwi ka na siguro.""Gusto kita e. Ang gwapo mo kaya sa panaginip ko noong nakaraan..." humagikhik ang babae bago mariing kumapit sa balikat ni Stelo na hindi na alam ang gagawin sa kanya. Gusto niya man itong ihatid na dahil magkatabi lang naman ang kanilang bahay pero ayaw niyang malapit ito sa lalaki na kinakasama nito lalo na sa ganitong lagay."Gaia! Bakit ka ba nagkakaganito? Tumigil ka na!" "Gusto kita e..." Sinundot-sundot pa nito ang pisngi nito na pinigilan naman ng lalaki kaagad. Napiling na lamang si Stelo at ginaya ito paloob ng kanilang bahay, halos buhatin pa niya ito papunta sa kwarto dahil ni hindi nito inihahakbang ang paa.Nang marating nila ang kwartong ginagamit ni Raul ay agad na pinahiga ni
Sa isang katok pa lamang ay binuksan na ni Stelo ang pintuan ng kanilang bahay dahil kanina pa siya naghihintay para sa babae. Malalim na rin ang gabi ng pumunta si Cressida. Hinintay niya pa kasing makatulog si Theodore bago niya lisanin ang kanilang bahay at mangapit-bahay kila Stelo."Magandang gabi," paunang pagbati niya na na halos bumulong na lamang siya. "Good Evening. Ask about what you want to know about and I'll talk about it."Nagulat ito sa inakto ng lalaki, mukhang gusto ng madaliin ang kanilang pag-uusap. Pagod na rin kasi ito sa mga ginawa maghapon at gusto nang magpahinga, hindi pa nakatulong na hindi siya nilulubayan ni Damiana. Gusto ng kanyang ina na matapos ang kanyang mga pinapagawa kaagad dahil kung hindi ay baka mahuli sila ng mga awtoridad kahit wala naman sa bansa ang kanilang 'negosyo'."Hindi mo man lang ba ako pauupuin?" Namungay ang mga mata ng lalaki nang makalimutan na parehas pa pala silang nakatayo."Ahh. Sorry. Upo ka..."Iginaya niya ito sa upuang
Umuwing gulong-gulo ang isipan ni Gaia. Nakumpirma niya ang kanyang amnesia, hidi niya pwedeng pilitin ang sarili na makaalala dahil lang nasa sitwasyon siyang ganoon. Sabi nang doktor, ang kanyang mga panaginip ay maaari siyang tulungan noon pero huwag niyang sagarin na hindi na niya gugustuhin na magising pa dahil lang gusto niyang buuin ang panaginip nang makaalala."Ayos ka lang ba, mahal? May dala akong tanghalian mo para sayo. Lugaw na may tokwa."Hinayaan lang ni Cressida na asikasuhin siya nang asawa habang abala siya pagtitig dito. "Paano tayo nagkakilala, Theodore?" Biglang tanong niya kaya saglit na natigilan ang lalaki pero ilang segundo lamang iyon at inayos ang inihain na pagkain ng kanyang asawa. "Hindi ka nga talaga ayos, mahal ko. Nagkakilala tayo sa simbahan... Oh sige na. Kumain ka na bago ito lumamig."Kasinungalingan ulit. Hindi na nagtanong pa si Cressida at sinunod na lamang niya ang kanyang gusto, ang kumain siya. Hindi niya malaman kung bakit ba puro na lan
"Tangina! Tangina talaga ng lalaki na 'yon. Sinasabi ko na nga ba't may mali sa kanya!" Pagsalita ni Raul habang pabalik siya sa lodging. Sinisipa-sipa niya pa ang mga bato na kanyang nadadaanan. Hindi siya makapaniwala sa narinig niya galing kay Theodore."May asawa na pala siya't lahat-lahat, bakit niya pa kinuha si Gaia?! Tangina niya!"Kahit na nakaisang sipa siya roon sa lalaki ay masama pa rin ang timpla ng kanyang mukha ng makarating sa lodging. Naabutan niya ang mag-ama na naglalaro habang pinapakain ni Stelo si Gaida ng biskwit na para sa bata.Agad na napansin ni Stelo kaya pinuna niya ito. "Anong nangyari sayo? Bakit ganyan ang mukha mo? Para kang aburido!""Bakit hindi?! Nalaman ko lang naman na may asawa na pala ang Theodore na iyon at nasa kanya pa si Gaia!" Halos mabitawan ni Stelo ang kanyang hawak na pagkain dahil sa ibinalita ng kaibigan. Si Gaida ay kuryoso naman na tumingin lamang sa kanyang ama at tiyo, pero may ngiti pa rin sa kanyang mga labi. "Ano?! Saan mo
Nagising si Theodore na wala na sa kanyang tabi ang asawa nang hanapin niya naman ito sa loob ng kanilang bahay ay hindi niya ito makita. Naalarma siya kaya dali-dali siyang lumabas ng kanilang bahay at hinanap sa posibleng tindahan si Cressida ngunit wala rin iyon doon. "Tiya, nakita niyo ba si Cressida? Yung asawa ko?"Tinanong ni Theodore ang kanyang nadaanan na kakilala nila sa lugar na iyon. "Hindi, Iho."Nagpasalamat siya at naglakad ulit para magtanong pero walang nakakita rito. Sa kanyang paglalakad ay nagawi siya sa tindahan na malapit sa lodging kung saan nagpapalipas ng araw sila Stelo. Lumabas doon si Raul kasama si Gaida dahil bibili sila ng kape sa tindahan. Nakita ni Raul si Theodore at hindi niya maiwasan na suriin ang lalaki. Hindi sila nakita ni Theodore noong pumunta sila sa bahay nila, pero siya alam na niya ang mukha ng lalaking kaharap ngayon kasi iniimbestigahan niya na ito bago pa man sila nagtungo ng Lahyon."Magandang umaga," pagbati ni Raul na sinulyapan