Home / Romance / The Other Woman of the CEO / The Other Woman of the CEO Chapter 96

Share

The Other Woman of the CEO Chapter 96

Ilang sandali ang lumipas, tumawag si Penelope at kinukumusta ito. "Alona," malumanay na wika nito, puno ng pag-aalala. "Ayos ka lang ba?"

Pilit ngumingiti, ngunit hindi maitatago ang pag garalgal ng boses sa kakaiyak. "Ayos lang ako, Penelope," sagot niya nang paanas, habang pilit na itinatago ang pighating gumugulo sa kanyang isipan.

"Alam kong hindi ito madaling gabi para sa'yo," sagot ni Penelope. "Kung gusto mong umuwi na, ako nang bahala sa event at huwag mo na masyadong isipin."

Sandaling nag-isip si Alona, bago siya muling huminga nang malalim. "Hindi, kaya ko pa. Kailangan kong harapin ang lahat ng ito para sa kumpanya, para sa aking mga anak," wika niya nang may matinding determinasyon. "Ayokong magpadaig sa kahinaan ko. Kung para sa kanila, kailangan kong maging matatag."

"Alam mo, Alona, ang tapang mo. Hindi lahat ng babae ay kayang lampasan ang mga pinagdaanan mo." nag-aalalang sambit nito.

Ngunit sa kabila ng mga papuri, naroon pa rin ang lungkot sa mga mata ni Alona. H
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status