Makalipas ang ilang linggo, nakatanggap si Alona ng mensahe mula sa kanyang modeling agency. Isa itong balitang matagal na niyang hinihintay—tatanggapin siya para sa isa sa pinakamalaking proyekto sa kanyang karera, isang international campaign sa Paris. Ang kampanyang ito ay maaaring magbukas ng mas maraming oportunidad para sa kanya. Sa kabila ng sakit at mga alaala ni Neil, tila unti-unting bumabalik ang sigla sa kanyang buhay. Ginamit ni Alona ang kanyang trabaho upang makalimot, ngunit alam niyang kahit gaano siya kaabala, hindi nito tuluyang mabubura ang sugat sa kanyang puso.Habang nakatuon siya sa kanyang modeling career, ang tanging bagay na nagbibigay lakas sa kanya ay ang kalagayan ng kanyang ina. Patuloy pa rin ang paggamot nito sa Australia, at iyon ang nagiging dahilan upang patuloy siyang magsikap."Anak, napakasaya kong gumaganda ang takbo ng career mo. Malapit na bang matapos ang modeling gig mo?" tanong ng ina sa isang tawag mula sa ospital sa Australia. Mahina pa a
Sa gabing iyon, hindi na sila nagsalita pa. Pinili nilang pakiramdaman ang isa't isa—ang init ng kanilang mga katawan na tila pinagsamang pagnanasa at pangungulila. Sa huling pagkakataon, ipinaabot ni Alona ang kanyang pagmamahal kay Neil, alam niyang ito na ang huling beses na makakasama niya ang lalaking mahal niya.Habang nilalamon sila ng kanilang damdamin, nalimutan ni Alona ang isang bagay—ang pag-inom ng kanyang pills. Ngunit sa init ng gabing iyon, tila wala nang halaga ang lahat. Ang tanging iniisip niya ay ang maging kay Neil sa huling pagkakataon, kahit man lamang sa isang gabi.Matapos ang kanilang huling pagsasama, magkasama silang nahiga, tahimik at walang imik. Pareho nilang alam na bukas, magiging iba na ang kanilang mundo. Ang gabing iyon ang huling pagkakataon na magiging magkasama sila, at simula kinabukasan, magiging bahagi na lang sila ng nakaraan ng isa't isa.Si Alona ay nakaupo sa gilid ng kama, balot ng kumot ang kanyang hubad na katawan, habang si Neil ay tah
Ang gabi ay tahimik, tanging ang mahinang paghuni ng hangin mula sa labas ang nagbibigay ng buhay sa kwartong kanilang kinalalagyan. Matapos ang kanilang huling pagniniig, si Neil ay payapang natutulog sa tabi ni Alona, walang kamalay-malay sa bigat ng damdaming pinipilit itago ng babae. Nakayakap si Alona sa hubad na katawan ni Neil, pinipilit niyang itanim sa kanyang alaala ang bawat sandaling ito. Pakiramdam niya'y ito na ang huling pagkakataon na mararamdaman niya ang init ng kanyang minamahal, kaya't mahigpit ang kanyang pagkakayakap, parang ayaw na niyang pakawalan."Mahal na mahal kita, Neil," bulong niya, pilit pinipigil ang mga luha na nais bumalong mula sa kanyang mga mata.Napapikit si Alona, pinipilit itago ang sakit. Alam niyang ito na ang huling gabi na magiging sila. Wala nang kasunod, wala nang pag-asa. Alam niyang dapat na niyang itigil ito, pero paano mo pipigilan ang isang bagay na matagal mo nang pinaglalaban? Mahigpit niyang niyakap si Neil sa huling pagkakataon, i
Lumipas ang mga araw, at si Alona ay tila naging isang robot sa kanyang pang-araw-araw na buhay. Nakatuon ang isip niya sa trabaho, ginagawa ang lahat para takasan ang alaala ni Neil. Naging abala siya sa mga proyekto at campaign shoots, sinusubukang ilihis ang kanyang isip sa sakit na kanyang nararamdaman at napansin ni Alona ang kakaibang nararamdaman sa kanyang katawan. Madalas siyang makaramdam ng pagkahilo at pagod, ngunit hindi niya ito pinansin. Tila masyado siyang abala sa pag-iwas sa mga alaala ni Neil.Hanggang sa isang araw, napansin niyang hindi dumarating ang kanyang buwanang dalaw. Agad siyang kinabahan. Nakatingin siya sa salamin, hawak ang kanyang tiyan, tila hindi makapaniwala sa posibleng nangyayari.Kinuha niya ang isang pregnancy test, umaasang mali lang ang kanyang nararamdaman. Ngunit nang makita niya ang dalawang guhit sa test kit, halos bumagsak siya sa sahig.Buntis siya.Hindi niya napigilang maiyak. Hawak ang kanyang tiyan, naramdaman niyang may isang buhay
Hindi makapaniwala si Alona. Nakapagtatakang kahit papaano, sa kabila ng lahat ng sakit, sa kabila ng lahat ng pinagdaanan, naroon ang isang kakaibang saya. Ang mga luhang umaagos sa kanyang pisngi ay hindi lamang dala ng kalungkutan—naroon din ang pag-asa, isang bagong simula."Kaya ko ito," bulong niya sa sarili. "Kakayanin ko ito para sa kanila."Bagaman nawalan siya ng pag-ibig mula kay Neil, binigyan naman siya ng kapalit na higit pa sa inaasahan—ang pagkakataong magdala ng dalawang buhay. Pinilit niyang ngumiti, hinaplos ang kanyang tiyan, at naramdaman niya ang isang munting tibok ng pag-asa sa kanyang puso."Hindi ako nag-iisa," sabi niya. "May kasama ako."Pagkauwi ni Alona sa bahay, umupo siya sa sofa at tinitigan ang mga papeles sa kanyang kamay. May kopya siya ng ultrasound—ang dalawang maliit na tuldok na nasa monitor kanina, iyon na ang magiging mga anak niya. Ipinatong niya ang kamay sa kanyang tiyan, at isang munting ngiti ang sumilay sa kanyang labi.“Magiging mommy n
Lumipas ang ilang araw, at mas naging malinaw kay Alona ang kanyang desisyon. Alam niyang hindi siya pwedeng manatili sa Pilipinas, hindi pwedeng makita ni Neil o malaman ni Wilma ang kanyang sitwasyon. Ayaw niyang guluhin ang buhay ni Neil, at higit sa lahat, gusto niyang protektahan ang kanyang mga anak mula sa isang masalimuot na sitwasyon.Isang araw bago ang kasal ni Neil, nakatanggap si Alona ng tawag mula sa kanyang travel agent. Confirmed na ang kanyang flight papuntang Australia. Matapos niyang makausap ang ina, napagdesisyunan niyang doon muna magsimula ng bagong buhay kasama ang kanyang mga anak. Maghahanap siya ng paraan upang mabuhay nang mag-isa, malayo sa alaala ni Neil.Ngunit bago siya umalis, alam niyang kailangan niyang makita si Neil sa huling pagkakataon. Gusto niyang makita ang kasal nito—hindi para guluhin, kundi para masarado na ang kabanata ng kanilang kwento. Pagkatapos ng kasal na iyon, magpapakawala na siya. Babasagin na niya ang lahat ng tanikala ng kanyan
Sa araw ng kasal nina Neil at Wilma, puno ng mga bisita ang simbahan. Magarbo ang dekorasyon, mula sa mga bulaklak hanggang sa ilaw, tila isa itong wedding of the year. Naroon ang mga pamilya at kaibigan, lahat ay nagbubunyi sa pag-iisang dibdib ng dalawang matagumpay na tao. Ngunit sa kabila ng kasiyahan ng paligid, tila wala si Neil sa kanyang sarili.Habang naglalakad si Wilma sa aisle, ang bawat hakbang nito ay mabagal, parang sa pelikula. Nakangiti si Neil, ngunit may kakaibang damdamin siyang nararamdaman. Nang lumingon siya sa mga bisita, natigilan siya nang makita si Alona—nakatayo sa likod, tahimik na nakatingin sa kanya.Nanlamig ang buong katawan ni Neil. Bakit narito si Alona? Hindi niya inaasahan ang presensya nito. Lalong hindi niya inaasahan na may mararamdaman siyang kakaiba. Para bang may kirot sa kanyang puso na hindi niya maipaliwanag. Mabilis niyang iniwas ang tingin, ngunit naroon ang kabang hindi niya maintindihan.Habang lumalapit si Wilma sa altar, parang lumul
Habang nakasakay sa taxi, tahimik lang si Alona habang nakatingin sa boarding pass na hawak niya. Parang biglang bumigat ang mundo niya, pero alam niyang ito na ang tamang desisyon. Ito na ang simula ng bago niyang buhay, bilang isang ina—mag-isa, ngunit puno ng pag-asa. Tinitingnan niya ang labas ng bintana ng taxi, iniisip kung paano siya magiging isang mabuting ina sa kanyang magiging mga anak.Habang tinutulak ang kanyang bagahe papasok sa airport, hindi maiwasang bumalik sa kanyang isipan ang huling sandali nila ni Neil. Ang mga yakap, mga halik, at ang mga pangakong hindi kailanman binitawan ngunit alam niyang hindi rin matutupad. Ngunit alam niyang kailangan na niyang magpatuloy. Wala na siyang babalikan. Oras na para harapin ang hinaharap—ang bagong buhay kasama ang mga anak na nasa kanyang sinapupunan.Kinuha niya ang kanyang cellphone at tinawagan ang kanyang ina sa Australia. Masigla itong sinagot ng kanyang ina, ngunit ramdam ni Alona ang pag-aalala sa boses nito."Anak, n
Si Neil ay nakaluhod sa kanyang mga kamay at tuhod sa ibabaw ng kanyang asawa, hinahalikan siya at hinahawakan ang kanyang magandang mukha sa sandaling siya ay nilabasan. Nakatikim siya ng sarili niya sa kanyang mga labi at nagustuhan ito, sabik na pinapadulas ang kanyang dila sa kanyang mga labi at sa kanyang bibig upang makuha ang bawat patak. "Turn ko na?''tinatanong niya, umabot pababa at hinawakan ang harapan ng kanyang pantalon, hinawakan ang kanyang tigas na ari. "Gusto kong matikman ka ngayon." "Hindi"sagot niya "Kailangan ko ang puki mo, baby"Hindi siya magrereklamo, kahit na huwag kang magkamali, gustong-gusto niyang magbigay ng oral sex, pero pagkatapos ng trabaho ni Neil, kailangan niyang makantot, handa na siya. Ibinaba ni Neil ang kanyang pantalon at boxers, iniwan itong nakabundat sa kanyang mga bukung-bukong, hindi niya ito natanggal nang buo dahil sa kanyang mga sapatos. Inalis ni Alona ang panty na walang gitna (maganda at lahat pero nakakasagabal) at itinaas ang
Pagkatapos ng isang masayang gabi ng selebrasyon sa beach, handa na sina Neil at Alona para sa kanilang honeymoon—ang unang gabi nila bilang mag-asawa. Habang naglalakad sila papunta sa kanilang pribadong villa, ang dalampasigan ay tahimik, tanging ang alon ng dagat at ang malamlam na liwanag ng buwan ang naririnig.Sa bawat hakbang ni Alona, dama niya ang kakaibang init ng kagalakan na nagmumula sa puso. Tumingin siya kay Neil, at nakita niyang may kaligayahan din sa mga mata nito. “Hindi ko pa yata matanggap na tayo na,” sabi ni Alona, ang boses ay puno ng tuwa at konting kaba.“Talaga bang totoo na magkasama na tayo, Alona?” tanong ni Neil habang ipinapakita ang malalim na ngiti. “Naghintay ako ng matagal para sa araw na ito. At ngayon, magkasama na tayo—walang takot, walang pag-aalinlangan.”Habang papalapit sila sa kanilang villa, binuksan ni Neil ang pinto, at sumalubong sa kanila ang isang silid na puno ng mga rosas, kumikinang na ilaw, at ang bango ng mga pabango na bumabalot
Sa sandaling iyon, tahimik ang paligid. Tila ang lahat ng naroroon, maging ang alon sa dalampasigan at ang ihip ng hangin, ay naghintay sa bawat salitang binibigkas ni Alona.Napatingin si Neil kay Alona, at hindi niya mapigilang mapaluha sa sinseridad at lalim ng mga salitang kanyang naririnig. Ang pagmamahal na pinigilan niya noon ay ngayon ay malinaw na malinaw na naipadama ng babaeng nasa harap niya.Hinawakan ni Neil ang mga kamay ni Alona, at sa ilalim ng mainit na sikat ng araw, sinagot niya ito ng may kasiguruhan. "Alona, ikaw ang nagbigay ng kulay sa mundo ko. Sa mga panahon na akala ko'y wala nang halaga ang pagmamahal, dumating ka para ipakita sa akin na ang puso ay muling pwedeng magtiwala. Hindi ko alam kung paano ko magagawang ipakita sa'yo kung gaano kita kamahal, pero ang pangako ko ay bawat araw, gagawin ko ang lahat upang maging karapat-dapat sa'yo at sa ating pamilya."Nagpalakpakan ang mga bisita habang pinahid ni Neil ang luhang tumulo sa pisngi ni Alona.Sa kanil
Ang liwanag ng araw ay tila espesyal na handog ng kalangitan para sa araw na ito. Sa isang prestihiyosong beach resort na kilala sa taglay nitong kagandahan, ang buong paligid ay napuno ng ginto’t puting dekorasyon. Ang malamig na simoy ng hangin mula sa dagat ay tila nagdadala ng mensahe ng pag-ibig at kasiyahan habang ang mga bisita, bihis na bihis sa kani-kanilang mga magagarang kasuotan, ay nagtipon-tipon para saksihan ang engrandeng kasal nina Alona Adarna at Neil Custodio.Ang mga lamesa ay dinisenyo ng mga magagarang rosas, orchids, at eucalyptus leaves na lalong nagpa-elegante sa ambience. Sa gitna ng beach, itinayo ang isang mala-fairytale na altar na may arko ng mga bulaklak at kristal. Ang bawat detalye ng kasal ay maingat na pinlano—hindi lamang para maging isang selebrasyon, kundi isang simbolo ng pagmamahal na pinagtagumpayan ang lahat ng balakid.Isa-isang dumating ang mga espesyal na bisita. Si Ethan, ang pinakamatalik na kaibigan ni Alona, ay abalang kumukuha ng litra
"Neil... Salamat," sabi ni Alona, habang nararamdaman ang init ng kanyang mga luha na sumimot sa pisngi. "Hindi ko alam kung paano ko pasasalamatan ang lahat ng ginawa mo para sa amin... Para sa akin."Hinaplos ni Neil ang kanyang buhok at ngumiti. "Walang anuman. Kung anuman ang mangyari, ikaw at ang mga anak natin ang magiging dahilan ng lahat ng laban ko." Hindi na nagawang magsalita ni Alona, pero ang mga mata niya ay nagsasalita na. Sa bawat titig, damang-dama niya ang bigat at tamis ng pagmamahal ni Neil. Sa mga simpleng salitang iyon, tila isang buo silang dalawa. Magkasama silang haharapin ang lahat ng darating, ang mga pagsubok, ang mga tagumpay, at higit sa lahat, ang bagong yugto ng kanilang buhay bilang isang pamilya."Alona," patuloy ni Neil, habang dahan-dahang itinataas ang kanyang kamay upang punasan ang natirang luha sa mata ni Alona. "Hindi ko na kayang mawala ka pa. Lahat ng bahagi ng buhay ko, isasama ko na sa pagmamahal ko sa iyo."Ngumiti si Alona, isang ngiting
Sa mga salitang iyon, naramdaman ni Alona ang sakit at ligaya na nanatili sa loob ni Neil. Hindi na siya magtatanong pa o mag-iisip ng ibang bagay—alam niyang hindi madali ang proseso ng pagpapatawad at pag-move on. Ngunit sa kabila ng lahat ng ito, naramdaman niyang ang pinakamahalaga ngayon ay ang buhay nilang magkasama ni Neil—at ang magkasunod nilang pagharap sa mga bagong pagsubok at tagumpay.Habang nagpapaalam si Wilma at Joshua, napansin ni Neil na hindi na siya kasing bigat ng kanyang nararamdaman dati. Tumingin siya kay Alona at hinarap siya ng buo niyang puso. “Salamat, Alona,” sabi ni Wilma, ang mga mata niya ay puno ng pagpapahalaga at pagsisisi. “Kahit hindi tayo nagkaroon ng pagkakataon na makilala ang isa't-isa nang mas mabuti noon, masaya ako na makita kang masaya ngayon. Ang mga pagsubok at ang tunay na pagmamahal ang nagpapasaya sa atin.” Tumingin siya kay Neil, ang mga mata ay malalim, puno ng taimtim na kahulugan. “Masaya ako para sa inyo ni Neil. Ipinagdasal ko
Para kay Neil at Alona, ang sandaling iyon ay hindi lamang patunay ng kanilang pagmamahalan—ito ang kanilang pangako na hindi magwawakas ang ligaya nilang magkasama, anuman ang dumating na hamon sa buhay. Pagkatapos nilang magdesisyon tungkol sa mga detalye ng kanilang kasal at mag-usap sa wedding coordinator, nagdesisyon silang pumunta sa isang malapit na mall upang mamili ng grocery. Nais nilang mag-relax at mag-enjoy ng simpleng oras magkasama, malayo sa abala ng kasal at iba pang alalahanin.Habang naglalakad sila sa loob ng mall, masaya at abala sa kanilang pag-uusap, hindi nila inaasahan ang isang hindi magandang pagkikita. Sa isang sulok ng grocery store, napansin nila ang isang pamilyar na mukha—si Wilma, ang ex-asawa ni Neil. Kasama nito si Joshua, ang lalaki na naging dahilan ng kanilang paghihiwalay at ang kasalukuyan niyang asawa ngayon. Ang mas nakakagulat pa ay ang umbok ng tiyan ni Wilma—hindi maipaliwanag ang saya na nakabakas sa kanyang mukha. Walang ibang paraan kund
Bahagyang nag-isip si Alona. “Hmm… gusto ko sana ng maliit na lugar para sa intimate photoshoot kasama ang pamilya. Alam mo naman, gusto ko rin na espesyal ang moment na ‘yon para sa mga anak natin.”Napuno ng galak ang mga mata ni Neil. “Perfect. Gawin natin ‘yan.”Habang nakikinig ang wedding planner sa kanila, nakikita niya ang malalim na pagmamahalan ng dalawa. “Nakaka-inspire naman po kayong dalawa. Sir, Ma’am, kung may iba pa kayong requests, sabihin niyo lang po. Pero ngayon pa lang, sigurado akong magiging napakaespesyal ng araw na ito.”Napalingon si Neil sa kanyang magiging asawa. “Espesyal talaga, dahil ikaw ang pakakasalan ko.”Namula si Alona, pero hindi mapigilan ang ngiti. “Ikaw talaga, Neil. Hindi ka nauubusan ng paraan para mapangiti ako.”Nagtawanan sila, at ang wedding planner naman ay tahimik na iniwan sila pansamantala upang bigyan sila ng oras.Habang naghihintay, sinamantala ni Neil ang pagkakataon para magpasalamat kay Alona. “Alam mo ba, mahal, kung gaano ko k
Naging panatag na si Alona dahil ikakasal na sila ni Neil. Ito ang kanyang pangarap—makasal sa taong mahal niya. Wala na siyang hihilingin pa. Pagkatapos ng isang linggo, muling pumunta si Neil sa wedding events kasama si Alona. Ngayon, mamimili na sila ng tema ng kasal nila.Habang kausap ng wedding planner, tuwang-tuwa si Neil habang tinitigan si Alona. Ang saya sa kanyang mga mata ay hindi maikukubli. “Alona, anong kulay ang gusto mo?” tanong ni Neil, ang kanyang boses ay puno ng sigla.“Siguro, gusto ko ng pastel colors! Parang mapayapa at masaya,” sagot ni Alona, ang kanyang puso ay tumitibok nang mabilis sa saya. Ang kanilang mga ngiti ay nagsasalita ng labis na pagmamahal at pag-asa para sa kanilang hinaharap.Habang masiglang nag-uusap si Alona at ang wedding planner tungkol sa iba’t ibang wedding themes, hindi maiwasan ni Neil na titigan ang kanyang magiging asawa. Sa kanyang mga mata, si Alona ang perpektong babae—ang kanyang inspirasyon, lakas, at mundo. Tila napakabilis ng