THE ONE-YEAR CONTRACT
CHAPTER SIXAPPLE'S POVKanina pa ako napapaiyak dahil sa panggigigil. Hindi dapat ako ang kumakain ng niluto ko! Hindi ba't trabaho ng maid ang magluto? At dapat ang amo ang kakain hindi ang katulong!"Tsss. Hurry up. You still have a lot of things to do."Nanlilisik ang aking mga mata na tumingin sa kan'ya. Pinatayo n'ya naman ang kutsilyong hawak n'ya sa lamesa saka pinaikot-ikot. Naiinis ako! Hindi lang dahil sa pinilit n'yang kainin ko ang pagkain na dapat ay sa kan'ya kundi dahil na rin sa kanina pa s'ya English ng English kaya hindi ko s'ya maintindihan!Huhuhu! Hindi kita bati teddy bear na may karas! Nang dahil sa'yo naghihirap ako ng ganito! Ayoko nang patagalin ito! Gusto ko nang umuwi at bumalik na sa pagtitinda ng ice candy!"Pwede bang—""Eat," putol n'ya sa sinasabi ko sabay tutok sa akin ng kutsilyo. Isinubo ko ang kaning sunog na may sunog na itlog. Makakaganti rin ako sa'yong h*******k ka.Walang ano-ano'y tumunog ang cellphone n'ya. Kinuha n'ya iyon mula sa kaniyang bulsa at tiningnan kung sino ang tumatawag."Don't you dare to say a single word or else," sabi n'ya na may halong pagbabanta at pagtutok pa ng kutsilyo.Ano ba? Anong sabi n'ya? Ipagpatuloy ko lang ang pagkain ko? Huwag akong makikinig sa usapan ng may usapan? E bakit kasi hindi s'ya pumunta ng sala at doon kausapin ang tumatawag sa kan'ya?"Good morning, 'lo. How are you?" unang sabi n'ya matapos sagutin ang tawag. Pinagpatuloy ko lang ang pagkain kahit na nasusuka na talaga ako. Umayos ka, Apple! Matibay ang sikmura mo hindi ba? Matibay ang—Hhmmm. Teka. Alam ko na.Napatingin ako kay Drav at nginisian s'ya. Mwehehehe. Akala mo ha."Nah, I'm doing great, lolo even though I'm living in here alone. Can I go there to visit you?""Psst," paninitsit ko sa kan'ya saka ngumisi, pero hindi n'ya ako pinansin."T-That was me, lolo. I just saw a cat and uh—""Psst, I love you," pang-aasar ko pa sa kan'ya, na ikinadilim na naman ng aura n'ya. Lolo n'ya pala ang kausap n'ya ngayon. Hmp. E ano naman? Magulo na ang buhay n'ya kung magugulo. Ginulo n'ya rin naman ang buhay ko."T-That was m-mom. She's with me right now.""Wala man lang bang I love you too, langga?" sabi ko ulit at sa pagkakataong ito, nilakasan ko na. May sinabi s'ya na walang boses na lumabas bago agad na tumayo at nagtungo ng sala. Dahil atat na atat na akong makaganti, binuhat ko ang plato at sinundan s'ya."No Lolo! I mean, not now. It's, a bit, messy in here. B-By the way—""Langga naman, tikman mo naman itong niluto ko para sa'yo. Alam kong napagod ka kagabi," singit ko sa pag-uusap nila. Pumuwesto ako sa unahan n'ya at itinapat sa kaniyang bibig ang kutsarang may kanin at itlog na sunog. "Ahh ka na, daaliii.""Lolo, I'll call you back."Ibinaba na n'ya ang cellphone at tinapon iyon sa sofa. Kinuha n'ya rin ang plato na hawak ko at nilapag sa lamesa n'yang gawa sa salamin. Bigla n'ya akong binuhat na parang sako, dahilan para magsisigaw ako."Hoy! Ano ba?! Ibaba mo nga ako! Takte ka Drav! Timang ka! Kanibal! Demonyo!""Kung ayaw mong mapaaga ang pagkawala mo sa mundo, manahimik ka!""Aahh! Tulong! Gagahasain n'ya akooo! Aaahhh!"Pumalag ako ng pumalag, hanggang sa hinawakan na n'ya ang mga binti ko para hindi ako makagalaw. Pinalo-palo ko s'ya sa likod. Yawa, ang tigas! Narinig kong binuksan n'ya ang pinto, at natigilan din ako nang bigla s'yang magsalita."L-Lolo?" biglang saad n'ya."Uh, your gate isn't locked, so, I...came in."_________________________"Ahihihihihi.""And did he ate the food that you cooked?" sabi sa'kin ng lolo ni Drav. Waaaa! Spokening dollar na naman! Pwede bang tulungan n'yo na ako rito? Kanina pa naghihirap ang damdamin ko!"Ahm, y-yes? No."Oo. Sa kada sinasabi n'ya ay gan'yan lang ang itinutugon ko."Here you go, lolo," saad ni Drav nang makarating na s'ya rito sa sala mula sa kusina. Nilapag n'ya ang isang slice ng cake sa lamesang salamin saka isang baso ng juice.Bakit isa lang? Kinalimutan na naman n'yang nandito rin ako. Matutuwa na sana ako kung dinalhan n'ya rin ako ng cake. Mukhang masarap pa naman itong mas'yado."Thank you, apo," pagpapasalamat nito kay Drav.Hindi ba salamat ang ibig sabihin ng thank you? Wag n'yo akong kokontrahin, tama ako."By the way iha, tell me more about yourself."H-Ha?"Ah, y-yes? Ahihihi.""Hmm?" kunot-noong sambit n'ya."Ahh, n-no. T-Thank you. Ahihihihi.""Tsss, Lolo, she can't understand you," walang gana na namang saad ni Drav.Hhhaaa?"Oh, is that so? Why? Is she a Korean? Chinese?""Ahm, ahihihi? Ahihihi. Ahikhikhik. Agikgikgik.""Uh, what is she sayin', apo? I don't actually want to say this but, it's, kinda weird.""Nah. Just don't mind her. Ikakasira lang ho ng araw n'yo."Demonyo talaga ito.Pero minumura na kaya ako nito? Nilalait? Minamaliit?!"Hmm, bakit sa tabi ko ikaw uupo? You should sit beside her!" pagtataboy sa kan'ya ng lolo n'ya nang paupo na sana siya sa tabi nito."Lolo, you don't understand. Let me explain first. She's—""No need to explain, iho. I really admire your taste when it comes to women. You know what, naaalala ko ang lola mo sa kan'ya."Wait, taste? Hindi ba,Napalunok ako ng laway. L-Lasa yun hindi ba? Tapos ang women, b-babae!"I-Ibig po bang sabihin, i-iyang apo n'yo, k-kumakain talaga n-ng tao? At babae ang mga binibiktima n'ya?" takot na takot ko nang tanong. Tiningnan lang nila ako na mukhang takang taka na naman, saka biglang tumawa ang lolo n'ya. 'Yun bang tawa na parang kinikiliti ng sampung kamay? May pagpalo pa sa hita, samantalang si Drav naman ay tumayo, hinawakan ang kamay ko na siyang ikinabilis ng tibok ng aking puso.Akala n'yo may espesyal na ano? Normal na tibok lang iyan ng puso ko.Hinila n'ya ako hanggang sa makarating kami sa second floor. Matapos buksan ang pinto ng isang kwarto ay sapilitan n'ya akong pinapasok doon."Don't you dare to step out from this room—""Ikukulong mo ako dito hindi ba?""Mamaya tayo magtutuos," huling sabi n'ya bago isinara bigla ang pinto. Napahawak pa ako sa tenga dahil sa lakas ng lagabong. Nang dahil sa inis ay sinipa ko iyon. Ano ako?! Preso?! Huh! Nalilito na talaga ako kung anong tunay na gampanin ko sa istoryang ito.Katulong? Alila? Preso? Laruan? Aba! Isa-isa lang! Mahina ang kalaban!Sumandal ako sa pinto at naupo sa sahig, saka pinagmasdan ang buong silid. Hala! Teka, ito na kaya ang kwarto n'ya?Muli akong tumayo ako at inilibot ang tingin sa paligid. Ang aliwalas. Walang masyadong burluloy. Malawak din ang loob, saka wow. May sariling TV na nakadikit sa pader. Hmm. Ano kayang ipinandikit d'yan? Isang drum ng glue?Baka nga.Sinubukan kong umupo sa kama, at halos lamunin na ako nito sa sobrang lambot. Dahil labis akong natutuwa, tumayo ako doon at tumalon-talon. Ang ganda! Siguro hindi masakit sa likod dito? Hindi katulad sa sahig kagabi tapos banig lang ang latag ko. Ayoko kasing matulog sa sofa. Sa malamang ay ihahampas n'ya lang sa akin 'yun.Nang mapagod na ako sa kakatalon ay nahiga ako sa kama. Tumaas ako para makaunan sa unan n'yang ang lambot din. Dahil sa sobrang tuwa ay inamoy ko rin ito."Hmmm, ang bango naman."Biglang napagawi ang tingin ko sa magazine na nakatayong nakapatong sa mesang katabi nitong kama. Teka, parang pamilyar ito? Parang, nakita ko na yata ito?Nang dahil dito ay umupo muna ako at kinuha iyon. T-Teka! Oo nga! Ito 'yung magazine na hinablot ko kay Elena kahapon! At, ang mukha nung Dravour Ichigo kuno, nakita ko na naman.Pinagmasdan ko itong mabuti. Para talaga s'yang si Drav. Pero ayoko namang maniwala na s'ya at itong nasa litrato ay iisa lang. Wala pa namang ebidensya bukod sa parang magkamukha sila. Hindi kasi ako naniniwala sa 'To see is to believe' hangga't walang patunay.Nahiga ulit ako at pinagmasdan ang nasa litrato. Kung totoong ito nga at ang Drav na iyon ay iisa, ibig sabihin, sikat s'ya? Kasi sa pagkakaalam ko, ang mga nasa magazine ay mga kilalang tao, mga sikat.Pero hindi pa rin. Di'ba nga, kamag-anak s'ya ng isang GRAB rider?"Tsk. Sino ka ba talaga Drav? Bakit ba tayo nagkakilala? At saka, ano ba talagang magiging papel mo sa buhay ko?"Habang nakahiga ako at nagmumuni-muni ay nakaramdam ako ng antok. Nilapag ko ang magazine sa aking tabi, at magkukumot na sana ako pero hindi ko makita kung saan niya nilalagay ang nakatiklop na kumot. Napansin kong doble ang sapin niya sa kama, kaya tumayo muna ako, inalis ang nakapatong na latag dito saka humiga ulit at nagkumot. Tutal ayaw n'ya rin naman akong palabasin dito.Patulog na sana ako nang biglang bumukas ang pinto. Hindi na ako nag-atubiling tumayo. Ayokong makipagtalo. Pagod pa ako. Gusto kong matulog muna huhu!"Hey," sambit n'ya, pero hindi ko s'ya nilingon.Apple ang pangalan ko, hindi hey."Kung sinuman 'yang Hey na sinasabi mo, wala s'ya rito. Makakalabas ka na," walang ganang sagot ko sa kan'ya.Naghihintay pa ako ng sasabihin n'ya pero wala na ulit akong sagot na natamo, hanggang sa gumalaw ang kama, parang may umupo, kaya naman napatingin na ako sa kan'ya. Nakaupo s'ya sa may paahan ko, nasa dulo ng kama at nakatalikod sa'kin. Hmm. Hindi n'ya man lang ba ako paaalisin dito? Hindi ba s'ya galit ngayon? Bakit parang naninibago ako? Dapat sinisigawan n'ya na ako ngayon hindi ba?Naisipan kong ibato sa kan'ya itong magazine na nasa tabi ko kaya binato ko nga sa kan'ya. Tumama iyon sa ulo n'ya pero hindi pa rin s'ya gumagalaw. Nang hindi pa ako nakuntento, binato ko na s'ya ng unan. Tumama naman sa likod n'ya pero hindi n'ya iyon pa rin ako nilingon."Aba, nag-iba yata ang ihip ng hangin ngayon ah. Ha, Drav na timang?" pang-aasar ko, pero wala pa ring sagot. Bumaba ulit ako habang nakahiga pa rin at tinulak-tulak s'ya gamit ang paa ko."Huy! Mabait ka na talaga? Sigurado na 'yan? O napagalitan ka ng lolo mo? O baka naman nagsisisi ka na kasi inaway-away mo ako? Narealize mo na talaga palang nakakatakot ako kaya dapat hindi mo na ako inaaway?" sabi ko habang tinutulak pa rin ang likod n'ya. Nang wala talaga ay braso n'ya naman na nakapatong sa kama ang pinagtripan ko. Tinulak-tulak ko rin iyon gamit ang paa ko."Si Drav mga kababayan, tanggap na ang pagkatalo. Nanalo si Apple Martinez! Halina't magbun-ahh!"Napasigaw ako nang bigla n'yang hawakan ang paa ko at walang kahirap-hirap na hinila iyon gamit lamang ang isang kamay. Halos kalahati ng katawan ko ay nahulog sa kama samantalang ang dibdib ko hanggang ulo ay nanatili sa kama. Tumingin s'ya sa'kin, pero ito ay kakaiba.Hindi nanlilisik. Hindi nang-aasar. Hindi galit. Plain kumbaga. Hindi ko mawari kung anong tumatakbo sa isip n'ya. Dahil doon, hindi muna ako nagsalita. Hinintay ko kung may sasabihin ba s'ya. Magtatalumpati na naman kaya s'ya ng pagkahaba-haba na sa huli naman ay hindi ko rin maiintindihan?One.Two.Three.Four.Ten.Nginitian ko s'ya, pero wala pa rin. Ngumuso na ako ng mga tatlong segundo pero hindi pa rin s'ya gumagalaw. Sinamaan ko na ng tingin, nagduling-dulingan na ako, tiniklop ang dila, pero hindi pa rin tumalab!Talaga bang hindi s'ya magsasalita? Ano ba kasing iniisip n'ya habang nakatulala lang sa akin nang hindi gumaga — hala!H-Hindi kaya, naging estatwa na s'ya?Habang nakatingin lang sa kan'ya ay sinundot ko ang binti n'ya. Wengya, naninigas!Napaayos na ako ng upo sa sahig pero s'ya ay nakatingin pa rin sa'kin."Sinasabi ko na nga ba! Naging estatwa ka na! Halat! Babanlian kita ng mainit na tubig nang bumalik ka sa dati!"Tatayo na sana ako nang hawakan n'ya ang likurang bahagi ng damit ko sa may leeg, kaya hindi ako nakatayo. Pinipilit kong makawala pero hindi n'ya binibitawan."Ano ba? Bitaw!"Hinila n'ya na naman ako kaya napaupo ako sa sahig, at napansin kong tumabi s'ya sa'kin. Umupo rin s'ya sa sahig pero hindi nakalapat ang pwetan n'ya. Mula sa gilid ay tiningnan n'ya ulit ako. Ano ba?!"Tsss. I really don't know what'll happen to us, but as of now, I'm really hoping that my search would finally ends up on you," Sabi n'ya bago binitawan ang aking damit at iniwan akong nakaupo sa sahig.Alam kong gasgas na itong linya kong ito pero sasabihin ko pa rin.Hhhhhaaaaaa?Ang ibig ba n'yang sabihin ay magpakulo na ako ng tubig nang maibuhos ko na sa kan'ya?Pero bakit pa? Hindi naman na s'ya estatwa!Pero nakakapanibago lang. Ano kayang naging usapan nila ng lolo n'ya at naging ganun s'ya kakalmado? Hmm. Siguro kailangan palaging pumupunta dito ang lolo n'ya para palagi s'yang ganun ka-kalmado."By the way, Dravour Ichigo Forestier. That's my full name," banggit niya sa pangalan ng lalaking nasa magazine nang saglit siyang bumalik na agad ding umalis.Dravour Ichigo Forestier. My...name. Pangalan ko.Haa? So talagang s'ya ang nasa magazine?Wweehhh? Hindi pa rin ako naniniwala.Maniniwala lang ako kapag nakita ko na s'ya mismo na kinukunan ng litrato."...I really don't know what'll happen to us, but as of now, I'm really hoping that my search would finally ends up on you."Aish! Tinapik ko ang aking sarili. Bakit ba bumalik pa iyon? Psh. Hindi ko rin naman nagets.THE ONE-YEAR CONTRACTCHAPTER 7APPLE'S POVDahil masyado na naman akong naiinip, naisipan ko nalang munang mag-imbestiga. Simula kasi ng umalis s'ya, nagsimula nang magtanong ng kung ano-ano ang isipan ko. At sa akin pa talaga nagparatanong sa halip na kay Drav. Tulad ng, ano ba talaga ang ibig sabihin ng kontrata kuno na pinermahan ko? Sinabi na n'ya sa'kin noon ang mga nakasulat doon pero hindi ko rin naman kasi naintindihan. Sa dinami-dami d'yan ng babaeng pwede n'yang kuning katulong? Bakit ako? Bakit ayaw n'ya akong paalisin dito? Bakit green ang blackboard? Bakit hindi lumilipad ang sky flakes? Bakit — ay mali. Nalisya na naman ako. Umalis si Drav kanina nang dumating sina Kio at Hiro. Gusto ko pa sanang makipag-kwentuhan at magtanong sa kanila pero hindi ko na nagawa. Kaya ngayon mag-isa na naman ako. Gusto ko sanang pagtripan ang mga gamit n'ya rito pero saka na. Kapag may nakita na akong clue kung bakit nga ba ako nandito.Sinimulan kong halughugin ang
THE ONE-YEAR CONTRACTCHAPTER EIGHTHiro's POV"Pst, Kio," tawag ko kay Kio na prenteng nakaupo sa waiting area dito sa hospital.Yeah. We're in this hospital because of Drav. He called the two of us earlier and pinasunod kami rito. And guess what? The reason was the girl who he resisted at first. Upon knowing his reason as well as while watching him walking from side to side, and even back and forth while waiting for the doctor to come out from the room, I know that there's something going on. I mean, this is not the usual him. Kanina lang lasing na lasing iyan. But now, parang nawala ang kalasingan."Kio!" pagtawag ko ulit kay Kio."What?!""Tsk. Anong oras na?""You have your own watch. Check it for yourself."Tsss. Sa aming tatlo talaga s'ya ang pinakamasungit. Dinaig pa ang girlfriend ko kapag may regla.Hindi, biro lang. Wala talaga akong girlfriend.I tsked before glancing at my
THE ONE-YEAR CONTRACTCHAPTER NINEAPPLE'S POV"Handa ka na bang umuwi?" tanong sa'kin ni Hiro."Oo naman! Ako pa?! Uwi na tayo! Uwi na tayo! Uwi na—argh, aray..." daing ko nang mapalakas ang dali ng paa ko sa tapakan nitong wheelchair. Hays. Hindi pa ako makakalakad gawa ng paa ko na nabubog, kaya nakabalot ng benda ang magkabilang paa ko. Pati ulo ko meron, tapos nakasakay pa ako sa wheelchair. High-tech kaya ang wheelchair na ito? Yung tipong kapag inutusan kong, "Abante, abante!" ay aabante talaga tapos kapag inutusan kong "Atras! Atras!" ay aatras tapos kapag inutusan kong "Atras! Abante!" ay aatras-abante tapos ako ang magiging kauna-unahang tao sa buong mundo na nagchachacha nang nakaupo sa wheelchair?Ah! Naririnig ko na! Ang hiyawan nila habang sinisigaw ang pangalan ko. Ang sabi nila, "Apple! Apple! Nasaan ang lechon?""Apple, Apple, nasaan ang lechon? Apple, Apple, nasaan ang—"Natigilan ako nang map
THE ONE-YEAR CONTRACTCHAPTER 10HIRO'S POV"Uh, yeah Mr. Trevour. I'll say it right away to him.""Yes, please. We need him on this project. Just tell him to contact me as soon as possible.""Yes Mr. Trevour. I will.""Thank you, Hiro. And please tell him to get well soon. We need him here."Binabaan na n'ya ako ng phone kaya binaba ko na rin ang sa akin. Tsss. Why can't they do the photoshoot without Drav? Alam naman nilang hindi pa maayos ang lagay ni Drav dahil sa minor accident na kinasangkutan ni Drav.Tsk. I mean, ng naging away nila ni Apple sa kotse. Hindi namin sinabi ang tunay na dahilan kung bakit hindi s'ya naka-attend for photoshoot kahapon. Ang sabi lang namin is nagkaroon ng maliit na accident na kinasangkutan ni Drav. We requested them not to say it to the media nor release any statements about it since minor lang naman. Tss. Buti nalang naniwala sila.And because of that fight, Jeffrey
THE ONE-YEAR CONTRACTCHAPTER 11APPLE'S POV"Aahhh! S-Sino kkkaaa?!" mangiyak-ngiyak na tanong ko. "T-Totoo nga ang naiisip ko?! Na—aaahhhh! Sinasabi ko na nga ba! Ipapakatay n'yo na ako pero hindi sa hospital?! Saan?! Sa abandonadong bodega?!"Hahawakan n'ya sana ako pero tinapik ko na ang kamay n'ya."Calm down, Shantall. The name's Kairo. Your brother told me that he already messaged you about me. Your brother has an important matter to take care of, that's why he requested me to—""Huwag ka nang magsalita! Hindi kita kilala! Saka anong brother? Kuya 'yan hindi ba?! 'Ni wala nga akong kuya! Saka sinong Shantall?! Pababain mo na ako rito! Nagkakamali ka lang! Isa itong malaking pagkakamali!"Titig na titig lang s'ya sa'kin habang nagsisisigaw ako. Shemay naman! Bakit ang gwapo?! Namimilog ang mga mata n'ya, tapos baga
THE ONE-YEAR CONTRACTCHAPTER TWELVEAPPLE'S POV"Sumuko ka na, Hipolito! Wala ka nang kawala sa amin ni Dora!" sigaw ko kay Hipolito na may hawak na baril, habang ako naman ay may hawak na wand."Hinding hindi mo ako mapapasuko, Apple! Ibigay mo sa akin si Dalisay!""Wala na si Dalisay! Pumunta na ng Hawaii!"Pinutok ni Hipolito ang baril, pero nakalipad ako. Pinagbabaril pa n'ya ako pero ginamitan ko s'ya ng magic kaya siya'y naging hito. Nang dahil doon ay walang habas akong humagalpak."Akala mo matatalo mo ako Hipolito?! Huh! Mag-seminar ka muna sa Tondo!""Apple!"Umalingawngaw ang isang pamilyar na boses, na naging dahilan para mapatingin ako sa gawing kanan. Nakita ko si, teka, si Drav ba iyon? Nakasuot s'ya ng helmet tapos may katabi s'yang motor. Sabi na e! Kamag-anak talaga nito ay GRAB
THE ONE-YEAR CONTRACTCHAPTER THIRTEENAPPLE'S POVNapahawak ako sa aking labi saka kinagat ito.T-Totoo na ba iyon?...H-Hindi! 'Yung kanina guni-guni ko lang yata kaya ito, g-guni-guni ko lang din!Napapikit ako ng mariin saka nagsimulang sampalin ang sarili. Hindi pa ako nakuntento kaya ginawa ko rin ito sa kabilang pisngi. Gusto ko nang magising kung nananaginip man lang ako. At kung totoo nga ito, hala!Hindi pwedeng maging totoo ito!"Hindi nga kasi! Guni-guni mo nga lang kasi, okay? Hindi iyon totoo. Nananaginip ka lang ng gising habang nakatulala sa hangin. Nagsusumidhi lang ang iyong damdamin, kahit halik—urgh! Hindi! Hindi iyon totoo!"Isang malakas na sampal ang siyang tuluyang nakapagpagising sa aking diwa.
THE ONE-YEAR CONTRACTCHAPTER 14APPLE'S POV"Tik-tak-tik-tak-tik-tak-tik-tok-tuk-tak-tek-tik-tok-tuk.""Alelelele heyyuu! Aleleleleheyuu!""I don't wannnaa, talk about ittt, how you brrokkeee my heart? Uh! Ang sakit! Huhu! Nalimutan ko kasunod. Ano na ngang kasunod doon?""Drav.""Drraaaavvv!""Ddrrraavvv!"Hays. Hindi na ako magtataka kung bukas ay paos na ako. Simula kasi ng lumabas ako ng banyo kanina, hindi na n'ya ako pinansin. Bakit hindi na n'ya ako pinapansin? Tsk. Ayaw n'ya ba sa papansin?Hindi naman ako papansin, hindi ba? Psshh. Bahala ka na nga jan.Kinuha ko nalang ang dalawang saklay at sinubukan kong tumayo gamit iyon. Haysh. Nakakangalay palang gumamit ng saklay. Pero kailangan ko nang masanay. Alangan namang nakaupo lang ako palagi sa wheelchair. E pa'no pala kung abutan na naman ako ng tawag ng kalikasan tulad ng nangyari kanina? Tapos wala akong ibang kasama rito? Paano na ang buhay ko?Saka, kailangan ko ring gampanan ang tungkulin ko rito sa bahay.Pero bakit hi
THE ONE-YEAR CONTRACTCHAPTER 27KAIRO's POV"Wow.""So Ms. Vienna, this will be your training ground."Inangat n'yang masyado ang ulo n'ya para tingnan ako. She is wearing a black cap and a black shades, same as mine. For safety, as she insisted."Training ground? So, dito ako sa mall magp-practice?""Yeah. Is there something wrong with that?""Meron. Ang daming tao rito. Paano ako makakapagpractice rito? Isa pa, paano kapag nahalata nila na ikaw si Kairo Theodore Easton na nakikita nila sa magazine ng Bel Cíélo? Pagkakaguluhan ka. Tapos kasama mo pa ako. Mas pagkakaguluhan ka..."Natigilan s'ya, at muling yumuko. "Tapos...mapipicturan na naman tayo na magkasama tapos—"Bago pa man n'ya tapusin ang sinasabi n'ya ay hinawakan ko na ang kamay n'ya at nagsimulang maglakad. I am still getting bothered whenever she said such things, maybe because I want her to forget whatever the hell happened in the past three months, including Dravour. Why? Maybe because, I just care about her? But, why
THE ONE-YEAR CONTRACTCHAPTER 26KAIRO's POV—Evening, 7:00 PMI am reading some fitness guides nang mapansin ko si Vienna. Nasa isang sulok s'ya ngayon, tumitingki saka naglalakad. Inaayos n'ya rin ang posture n'ya. She's standing straight, chin up, stomach in, then walking in a tiptoe manner. Pfft. What is she doing, anyways? I mean, what's into her?I heard her as she cleared her throat, then started talking to the wall in front of her."Good evening. I am Ap—I mean, Vienna. I am 18 years old and I live in, uh," she stoped for a while and held her chin. "Ano nga palang sasabihin kong address? Saka apilyedo? Hindi naman pwede ang Tondo. Saka, hindi rin pwede ang Banana."She looked up and continued. I admit this is quite fascinating to watch. "Mama, hindi naman sa ikinakahiya ko ang lahi natin ha? Proud na proud ako na kasapi ako sa pamilya la'Banana pero kasi, hindi ba, kailangan ko nang magbagong buhay para maiwanan na ang madilim na nakaraan ko..."So, Banana talaga ang real surn
THE ONE-YEAR CONTRACTCHAPTER 14KAIRO's POV"Uy, may pupuntahan ka pa ba?" tanong ni Xenon nang pumasok na rin s'ya sa dressing room ko. Ah. At last. Another tiring day of work is fcking over."Nah. I'll go home now. Magpahinga ka na rin. Sa malamang ay hinihintay ka na ni Melody."Melody is Xenon's girlfriend."Sus, hayaan mo 'yun. Malaki na 'yun.""Pfft. Don't be too harsh to your girl, man."He laughed. "S'yempre biro lang. Alam ko namang hindi ko matitiis iyon. Kahit na maya't maya ang talak 'nun ay mahal na mahal ko iyon."I couldn't help but smile again upon hearing that. Such a cliché, cheesy remark coming from a hulk like him."At ikaw naman, Kai," he said with a teasing tone."What about me now, Xenon?""Akala mo ba hindi ko napapansin? Simula nang mag-hire ka ng maid dalawang linggo na ang nakalilipas ay halos hindi ka na mapakali pagkatapos ng photoshoot. Atat na atat umuwi palagi. Ang sabi mo sa akin noon ayaw na ayaw mo ng maids pero anong meron sa maid na ito at parang
THE ONE-YEAR CONTRACTCHAPTER 24DRAVOUR's POVThree months later."Yes, mom? Good morning," I greeted her over the phone."Good morning, my dear son. How's your sleep? Nakatulog ka ba ng mahimbing? Kumain ka na ba? Sabi ko naman kasi sa'yo dumito ka na muna sa bahay.""Don't worry, mom. I'm fine. In fact, I'm getting ready for work."I placed my phone on the table for a while and turned on the speaker, then continued fixing my suit."Are you really sure that you're ready for work now?""Yes, mom. I had enough rest. Time for me to get back on business.""Glad to hear that. I'll call you later, okay? Take care, honey. I love you.""I love you too, mom."I ended the call and put my phone in my pocket. After fixing myself in front of the mirror, I sighed deeply."You'll gonna be fully fine soon, Drav," I said while staring to myself."I'm sorry, mom, I... I can't..."I can't give her up, yet, I also can't bear to see my mom in such situation..."W-What do you mean, y-you can't? You are c
THE ONE-YEAR CONTRACTCHAPTER 23DRAVOUR's POV"Tsss. Drav, hindi tayo nararapat para sa isa't isa. Hindi tayo ang nakatadhana—"I hold her hands as tight as I could and stare directly into her eyes."No, Apple. I won't believe in anything that you'll say. Maniniwala lang ako sa katotohanang ikaw at ako ay—""Katotohanang ikaw at ako ay gawa-gawa mo lamang. Paalam na, Drav. Hanggang sa muli nating pagkikita."My tears fall even harder when she starts to gradually disappear. She smiles weakly at me before uttering the word 'bye' without voice."No! Apple! The h*ck! You can't do this to me!""Drav—""No!"Napaupo ako sa kama. My heart aches so bad along with my heavy breat,h, that's why I even put my palm on my chest to catch my breath. I feel something that lands on my shoulder. Gumalaw din ang kama, animo'y may umupo sa tabi ko."Drav, please calm down. You're at home now."I face her, and I am right. She's the girl at the hospital. She's staring at me which makes me to focus my eyes
CHAPTER 22KAIRO's POV*Flashback*___________"May sarili ka rin palang driver? Pare-parehas pala kayo ni Drav. Si Kio ba meron ding driver?"__________"Hiro, talaga bang nakainom ka ng muriatic acid tapos nasunog na lalamunan mo kaya hindi ka na nagsasalita d'yan?"___________"Aaaahhhh! S-Sino kkkaaaaa?!"____________"T-Totoo nga ang naiisip ko?! Na—aaaahhhhh! Sinasabi ko na nga ba! Ipapakatay n'yo na ako pero hindi sa hospital?! Saan?! Sa abandonadong bodega?! Aaaahhhhhh!"______________"Huwag ka nang magsalita! Hindi kita kilala! Saka anong brother? Kuya ‘yan hindi ba?! ‘Ni wala nga akong kuya! Saka sinong Peachie?! Pababain mo na ako rito! Nagkakamali ka lang! Isa itong malaking pagkakamali!"_____________"H-Hindi po totoo ang mga kumakalat na balita tungkol sa sc*ndal na sinasabi nila. ‘Y-Yung tungkol po sa video, h-hindi po si Mr. Dravour ang kasama ko no’n. B-Boyfriend ko po iyon. At ‘yung t-tungkol po sa mga litrato, e-edited lang po iyon. A-Ang totoo po, hindi ko p-po s
THE ONE-YEAR CONTRACTCHAPTER 21APPLE’s POV"Tsss. Kapag nakalabas na tayo, I'll teach you some basic English, nang hindi na ako natat*nga sa'yo,” saad niya na ikinairap ko."At ikaw pa talaga ang nat*tanga sa'kin? Ako nga ang dapat na nat*tanga sa'yo kasi ako ang madalas na hindi nakakaintindi sa'yo. Una, sabi mo mananagalog ka na, at kailan pa naging Tagalog ang English, aber? Ikalawa. Wala ka na ba talaga sa tamang katinuan at pumayag kang magpakulong? At ikatlo. Naliligaw ka pa nga talaga pagdating sa pagmamahal. Hindi kasi iyan hinahanap. Kusa iyang dumarating. A-Ako, kailan mo lang ako nakilala. Saka, h-hinanap mo ako. Kaya hindi ako ang—""If that's really the case when it comes to love, then kusa kang dumating. Sleep now. Good night."If that's really the case when it comes to love, then kusa kang dumating...Ako? K-Kusang duma—"Tsk! Hindi mo naman ako makikilala kung hindi mo ako pinahanap hindi ba? Kung hindi mo ako hinanap? Kaya hindi iyon kusang dumating. Magkaiba ang hi
THE ONE-YEAR CONTRACTCHAPTER 20APPLE’s POVPiniga na niya ang tuwalyang hiniram niya sa mga mamang—este papang pulis kanina. Papa kasi mga lalaki sila. Humiram din s'ya ng planggana na may tubig saka sabon. Nang tinanong ko s'ya kanina kung maliligo ba s'ya dito sa loob, pinitik n'ya lang ang noo ko at nat*nga na naman ako. Ang tino n'ya talagang kausap. Sa sobrang tino ay ang ganda-ganda n'ya nang ipapatay.Akmang pupunasan na sana niya ng tuwalya ang mukha ko nang pigilan ko s'ya."Tsss. Ako na. Kaya ko na. Hindi na ako bata," walang emosyon kong saad sa kan'ya. Hindi ba ang sabi ko kanina ay magtitino na ako? Hindi na ako magpapat*nga-t*nga? Sisimulan ko na ngayon, at kay Drav ko sisimulan.Kinuha ko ang tuwalya sa kan'ya at tinalikuran siya. Humarap ako sa pader habang pinupunasan ang mukha ko ng tuwalya. Tsk. Bakit nga ba nagpahid ako ng uling sa mukha?Ah. Kasi gusto kong hindi n'ya ako makilala. Kaso sablay. Dapat kasi idinikit ko nalang sarili ko sa kisame.Pero, marami pa r
THE ONE-YEAR CONTRACTCHAPTER 19PEACHIE's POV"I really can't believe it, tita. I-I already saw that girl, actually. And sa unang tingin ko palang sa kan'ya, I already knew that she's not good," I said to tita Georgia, Drav's mom na sobrang malapit sa akin ever since mga bata pa kami.Actually, this is not the visit that I've planned. Balak ko sanang bisitahin sila ni Drav after ng contract signing to surprise tita na rin since she doesn't know na nandito na ako sa Pilipinas one week ago pa. Actually, walang nakakaalam sa kanilang lahat. And pati yata si Drav ay hindi pa alam. ‘Ni hindi nga niya ako nakilala there in the hospital eh. Tsss. Did I have a major transformation para hindi n'ya ako makilala? Mas naging sexy lang naman ako, blooming, and uh, prettier."So you'd seen her already? Where? When?""Uhm, it's, actually a long story, tita. Don't worry na. What's important is that she's in the hands of the authority now. Pagbabayaran na n'ya ang mga kasalanan n'ya kay Drav."She si