THE ONE-YEAR CONTRACT
CHAPTER 11
APPLE'S POV
"Aahhh! S-Sino kkkaaa?!" mangiyak-ngiyak na tanong ko. "T-Totoo nga ang naiisip ko?! Na—aaahhhh! Sinasabi ko na nga ba! Ipapakatay n'yo na ako pero hindi sa hospital?! Saan?! Sa abandonadong bodega?!"
Hahawakan n'ya sana ako pero tinapik ko na ang kamay n'ya.
"Calm down, Shantall. The name's Kairo. Your brother told me that he already messaged you about me. Your brother has an important matter to take care of, that's why he requested me to—"
"Huwag ka nang magsalita! Hindi kita kilala! Saka anong brother? Kuya 'yan hindi ba?! 'Ni wala nga akong kuya! Saka sinong Shantall?! Pababain mo na ako rito! Nagkakamali ka lang! Isa itong malaking pagkakamali!"
Titig na titig lang s'ya sa'kin habang nagsisisigaw ako. Shemay naman! Bakit ang gwapo?! Namimilog ang mga mata n'ya, tapos bagay na bagay sa kan'ya kapag kumukunot ang noo. Dapat palagi nalang s'yang nakakunot ang noo!
"So, you are saying that—"
"Magtagalog ka! Bakit ba puro nalang kayo English ng English?! Ibaba mo na ako!"
"Sinasabi mong hindi ikaw si Shantall?"
"Ayan! Nakuha mo rin! Akala ko isa ka ring miyembro ng organisasyon ng mga timang! Kaya ibalik mo na ako sa hospital dahil sa malamang hinihintay ka na ng Shantall na sinasabi mo at ako naman hinihintay na ni Hiro!"
Natigilan s'ya, tila malalim ang iniisip. Pwede bang mamaya ka na maghukay?! Ibalik mo na ako kay Hiro!
"Tsss. Mang Gary," sabi n'ya saka tumingin na sa driver. Hays. Sa wakas naman. Madali naman palang pakiusapan ito huhu!
"Babalik na ba tayo sa hospital, Kairo? Nagkamali nga yata tayo," mukhang nag-aalala nang tanong ng driver.
"Opo! Talagang napakamali ng mga nangyayaring ito—"
"No. His brother told me a lot about her. He even warned me about this," lumingon s'ya sa'kin at ngumisi, "Hindi mo na ako maloloko, Ms. Shantall. Alam ko nang palusot mo lang iyan. Magaling ka sa ganoon, hindi ba? Tsss. Iuuwi kita sa inyo, sa ayaw o sa gusto mo."
W-Wwwaaa! Mammaa!
"K-Kuya naman! Isa nga lang itong malaking pagkakamali! Apple ang pangalan ko! Ap-pol! Apple Martinez! Ang layo ng Apple sa Shantall!" mangiyak-ngiyak nang sambit ko sa kan'ya, samantalang s'ya naman ay umiling-iling lang saka bumalik na sa pwesto n'ya kanina. Parang matutulog na naman ang klase.
Saan ba talaga ako dadalahin nito?! Iuwi n'yo na ako! Iuwi nyo na ako kina Hiro, Kio, at Drav! Hindi bale nang ang kasama ko ay mga timang, kaysa naman katayin nila ako dito ng buhay!
"Mang Gary! Maniwala kayo! Hindi talaga ako si Shantall! Mga sira ba kayo?! Kamukhang kamukha ko ba talaga ang Shantall na sinasabi n'yo at ayaw n'yo akong pababain?! Hhaa?!"
"Kairo, baka nga talagang nagkakamali lang tayo. Bumalik tayo sa hospital."
"Nah, don't worry Mang Gary. She has all of Dravidous' descriptions. This is just one of her mechanisms to escape," pag-E-English na naman no'ng Kairo nang hindi ako tinitingnan. Ayaw n'yo talaga akong ibaba ha? Pwes, maghahalo ang balat ng lupa sa balat ng kalangitan!
Dali-dali kong binuksan ang bintana ng van, saka doon nagsisigaw.
"Tulong! Tulungan n'yo aakkoo! Kakatayin nila aakkoo! Kikidnapin nila aakkoo! Tulungan n'yo aakkoo! Aaahhhh!" sigaw ko ng ubod ng lakas sa bintana.
"Tumahimik ka nga, Ms. Shantall!" sigaw din ng Kairong lokong ito.
"Hindi ako tatahimik hangga't hindi n'yo hinihinto itong van at pinapababa ako! Aahhh!"
"Kairo, ihihinto ko na ba?"
Hinila n'ya ang damit ko para makalayo ako sa bintana, saka n'ya isinara kaagad. Nagpumiglas naman ako at humarap sa kan'ya. Nadali pa ang paa ko sa sandalan ng upuan ng drayber, pero ininda ko ang sakit. Kinuha ko ang nakatiklop na wheelchair na nakapwesto naman sa may likod ng upuan sa unahan, at agad na itinutok sa Kairong ito.
"Ihihinto mo ang van o gigilitan kita ng leeg gamit itong wheelchair?!" pagbabanta ko.
"Seriously?"
"Gago ka rin! Ihinto ang kotse! Ngayon din!"
Nakita kong umigting ang panga n'ya bago tumingin kay Mang Gary at may sinenyas, saka naman tumabi ang van at huminto.
"Baba! Holdap ito! Baba!"
Sa halip na bumaba ay kinuha n'ya ang cellphone n'ya at nagdutdot ng nagdutdot doon, saka n'ya itinapat sa tenga n'ya habang nakatingin sa'kin.
"Ang sabi ko, baba! Hindi ko sinabing magpakyut ka!"
"Tsss. I can't contact your brother."
"Brother na naman?! Wala nga Sabi akong kapatid—"
Napalingon kami sa bintana ng van sa gawi ko nang may kumatok. May lalaking hindi ko rin kilala na nakatingin sa akin. Para s'yang nag-aalala. Kumatok pa s'ya ng tatlong beses bago ko binuksan ang bintana. Pagkabukas ko niyon ay may sumunod namang pulis.
Huwaa! Thank you po Papa Jesus! Ligtas na ako!
"Sir, siya po yung babaeng sumisigaw kanina," ani lalaki doon sa pulis.
"Sir, this is just a misunderstanding. I know this girl—"
Pinutol ko ang pagsasalita ni Kairo nang sumingit na ako.
"Sir! Mamang pulis! Kikidnapin n'ya po ako! Nagpapanggap lang po iyang kilala ako pero 'ni hindi ko po iyan kilala! Tulungan n'yo po ako, please po?" umiiyak ko nang paliwanag sa pulis. Wala e! Takot na takot na talaga ako!
Lumabas si Mang Gary at parang kinausap 'yung pulis. Kinuha naman ng nasa likuran ko ang hawak kong wheelchair kaya napatingin ako sa kan'ya. Binuksan n'ya ang pinto ng van at lumabas, at nang pasunod na sana ako ay tiningnan n'ya ako ng masama.
"You'll pay for this, Shantall," pagbabanta n'ya bago isinara ang pinto ng van. Waaaa! Paano ako makakatakas nito kung nasa kan'ya ang wheelchair ko?! Sumilip ako sa bintana, at lumayo pa talaga sila mula sa'kin habang nag-uusap.
"Officer! Mamang pulis! Huwag po kayong maniniwala sa mga kasinungalingan n'ya! Huhuhu!" sigaw ko pa na ikinasama na naman ng tingin sa'kin ni Kairo. Kung marunong lang akong magmaneho e!
__________________________
Bakit ba ang tagal ng usapan nila? Pero hangga't nand'yan 'yung pulis, hindi ako nawawalan ng pag-asa. Maya't maya rin ang pagtawag ni Kairo sa kung sinumang tinatawagan n'ya, pero ibinababa n'ya rin agad. Napatingin ako sa mga paa ko at ginalaw ko iyon. Masakit pa rin huhu! Pero, kailangan ko na kasing makatakas dito! Kailangan ko nang makauwi kay Drav! Tutal malilom naman itong gilid ng kalsada, siguro, maggagapang nalang ako!
Dumasig ako sa may pinto at binuksan iyon. Dahan-dahan at buong ingat. Nang maibukas ko na iyon ay dahan-dahan din akong lumabas, pero inuna ko ang mga kamay ko. Bale dumapa muna ako sa upuan bago dahan-dahang gumapang palabas. Hindi ko pa maiitapak ang mga paa ko kaya kamay ko ang magsisilbing mga paa ko, pero hindi ibig sabihin ay maglalakad ako nang kamay ang gamit. Tulad nga ng sinabi ko, gagapang ako!
Nang makalabas na ako sa van ay nagsimula na akong gumapang palayo.
"Yes! Yes! Yes! Makakatakas na ako! Makakauwi na ako sa'yo, Drav! Mabilis ang paggapang ko. Nakalayo na ako! Yes! Yes! Malayo ka na mula sa mga kakatay sa'yo! Yes! Yes!"
Nang lingunin ko na ang likuran para makita kung gaano na kalayo ang narating ko, tsk.
'Ni hindi pa pala ako nakakalampas sa may van. Wengya naman! Pampalakas kasi ng loob kaya nasasabi ko iyon!
Ah basta, gumapang ka lang!
Gapang-gapang lang! Gapang-gapang-gapang lang! Gapang-gapang lang! Oh, gapang lang! Gapang-gapang lang! Masakit mang gumapang, kailangan mong makatakas!
Maya-maya ay bigla akong umangat mula sa semento. Naalala ko nung bigla rin akong umangat habang nagbubuhat ako ng sofa kagabi—
Wwwaaaa! Umangat aakkoo?! Nakakalipad na ak—
"Tumigil ka na."
"A-Aaahhh!"
Napasigaw na naman ako nang buhatin na n'ya ako na parang bagong kasal kami. S'ya na naamaann eeehh! Ibabalik na n'ya ba ako sa van tapos doon na ako kakataayyiinn?! Aaaahh!
"Ibaba mo ako! Ibaba mo ako! Draavv! Hirroo! Kkiioo! Dravour Ichigo Forestierr! Dravv!"
"Wait, Dravour Ichigo Forestier?" mukhang nagtatakang tanong ni Kairo nang matigilan s'ya sa paglalakad. Sasagutin ko na sana s'ya nang may marinig akong sumisigaw.
"Wait! Stop the car! Apple!"
Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko ang boses ni Drav. Si Drav iyon! Sigurado ako! Kaboses na kaboses n'ya kaya s'ya iyon!
"Drav! Draavv tuloongg!"
Biglang sumulpot sina Drav, Hiro, at may isang babae silang kasunod na hindi ko kilala kung sino. Nakasuot ito ng sombrero at scarf na kamukha ng sa akin. Waaaaa! Ito na! Iyon na si Shantall!
"Apple!" sabi n'ya saka agad na lumapit sa akin.
"Draaavv!" sigaw ko naman saka iniunat ang mga braso ko. Para akong bata na gustong magpakarga sa mama.
"Let go off her!" bulyaw n'ya pa kay Kairo saka s'ya lumapit sa akin at lumipat ako sa kan'ya. Napayakap ako sa batok n'ya at isinubsob ang ulo sa may gilid ng leeg n'ya. Matapos iyon ay hindi ko na napigilang mapaiyak. Parang nagkagulo pa mula sa inalisan namin pero hindi ko na pinakinggan kung anong meron doon. Basta. Ang alam ko lang takot na takot ako, pero sobrang saya ko rin kasi alam kong ligtas na ako.
"Damn. Bakit ka kasi sumasama sa hindi mo kilala?" sermon pa sa akin ni Drav na ngayon ay naglalakad na. Sa halip na sagutin s'ya ay mas hinigpitan ko ang yakap ko sa kan'ya, at mas isinubsob ko ang mukha ko sa leeg n'ya. Naaamoy ko na tuloy ang pabango n'ya. Ang bango huhu!
"And now you want to kill me? Tsk. Stop crying, will you?"
Mas napahagulhol ako, dahilan para tumigil s'ya sa paglalakad.
"Nasa akin ka na. Ano pang iniiyak-iyak mo?"
"Nagsasalita ka na naman kasi ng pang-alien huhu!"
"Fvck. Pang-alien? Kai—tsss. Fine! Simula ngayon ay magtatagalog na ako."
Napaalis ang pagkakayakap ko sa kaniyang batok at tumingin sa kan'ya. Pinunasan ko rin ang luha at sipon ko gamit ang palad bago umatsing at nagsalita.
"T-Talaga? Magtatagalog ka na parati?"
"Tsk. From now—tsss. Simula ngayon, huwag ka nang sasama sa kahit na sinong hindi mo kilala."
"E hindi ko naman kasi sinadya 'yung pagsama kanina kay Kairo! Sa malamang naman hindi ako sasama sa kan'ya kung alam kong hindi na pala si Hiro ang tumutulak sa—hala! 'Yung wheelchair! 'Yung wheelchair, na'kay Kairo!"
"Tsk. Itikom mo na ang bibig mo."
Pagkasabi n'ya niyon ay nagsimula na ulit s'yang maglakad. Nang makalapit na kami sa kotse ay biglang dumating si Hiro at binuksan ang pinto sa may tabi ng driver. Maingat akong iniupo ni Drav doon. Nang nasuotan na n'ya ako ng seatbelt ay umikot na s'ya at umupo sa tabi ko. Nakita ko ring ipinasok na ni Hiro ang wheelchair sa may likuran saka s'ya tumayo sa tapat ng bintana sa may kay Drav at may sinabi.
"Babalik ako sa hospital, Drav. Kukunin ko ang kotse ko," pagpapaalam ni Hiro kay Drav, na hindi naman pinansin ni Drav. Sa halip na sagutin si Hiro o kaya naman ay tumango ay pinaharurot na n'ya ang kotse.
"H-Hindi mo man lang sinagot si Hiro!"
"Nagugutom ka?"
"Tsk. Huwag kang pa-fall."
Sa amin kasi, pa-fall daw ang mga gan'yan. Kapag may nagtatanong sa babae ng "Kumain ka na ba?" o kaya "Nagugutom ka na?" o kaya naman kapag sinabihan ang babae ng "Kainin kita" e pafall daw. Nakakakilabot hindi ba? Lalo na kung sa huli ihuhulog ka lang pala sa malalim na balon tapos hindi na babalikan.
"Pa-fall?" tanong n'ya. Hindi ba uso sa kanila ang pa-fall? Sa Tondo lang ba mayroon no'n? Bruh.
"Hindi ako nagugutom."
"Then anong gusto mo?"
"Umuwi."
"Okay then. Matulog ka na muna."
Tumagilid ako ng upo. Bale nakaharap ako ngayon sa kan'ya. Pinagmasdan ko muna s'ya habang nag-iisip din kung bakit ang bait na naman yata n'ya sa'kin. Pangahin itong lalaking ito. Matangos ang ilong, ang puti at kinis ng mukha, saka 'yung kilay n'ya ang kapal. Ngayon ko lang napansin na ang haba ng mga pilikmata n'ya. Ang kyut nga eh. Ang labi n'ya ang ganda rin, lalo na kapag kaharap mo s'ya.
"Tingin sa unahan, hindi sa akin," sabi n'ya habang nakatingin sa unahan, na ikinatingin ko rin naman doon.
Eh? Puro sasakyan lang naman ang nandoon.
"Sinong kausap nito sa unahan?" bulong ko sa sarili ko habang nakakunot ang noong nakatulala sa unahan.
"Akala ko pa naman nakatulong ang pagkahulog mo sa hagdan," sabi n'ya na ikinatingin ko ulit sa kan'ya.
"Anong sabi mo?"
"Talaga bang gan'yan ka mag-isip? Para kang bata."
"Bakit? Bata pa naman talaga ako ah! Mukha na ba akong gurang? May problema ka na ba sa mata? So ikaw pala ay gurang na pero mukha lang bata pa? Umamin ka. May iniinom ka bang portion pampabata?"
"Portion? You mean, potion?"
"Portion! Saka isa pa ha, kung isip-bata ako edi sana puro ABCD ang nasa isip ko, e hindi naman ah! Ikaw kasi—"
"Kapag hindi ka pa tumigil, sasabog na talaga ang ulo mo," pagbabanta n'ya na ikinatahimik ko. Bakit ba kasi puro nalang sasabog? Pamilya ba sila ng mga tagagawa ng bomba?! Ano na ba talaga? Kamag-anak ng GRAB rider o tagagawa ng bomba?
Nagulat ako nang bigla nalang s'yang tumawa.
"I really can't believe you," sabi pa n'ya bago tumawa ulit. Wala na akong nagawa kundi ang lumunok at mang-ngrus.
"Panginoon, ilayo n'yo po ako sa kapahamakan," pagsusumamo ko nang napatingin ako sa kalangitan.
THE ONE-YEAR CONTRACTCHAPTER TWELVEAPPLE'S POV"Sumuko ka na, Hipolito! Wala ka nang kawala sa amin ni Dora!" sigaw ko kay Hipolito na may hawak na baril, habang ako naman ay may hawak na wand."Hinding hindi mo ako mapapasuko, Apple! Ibigay mo sa akin si Dalisay!""Wala na si Dalisay! Pumunta na ng Hawaii!"Pinutok ni Hipolito ang baril, pero nakalipad ako. Pinagbabaril pa n'ya ako pero ginamitan ko s'ya ng magic kaya siya'y naging hito. Nang dahil doon ay walang habas akong humagalpak."Akala mo matatalo mo ako Hipolito?! Huh! Mag-seminar ka muna sa Tondo!""Apple!"Umalingawngaw ang isang pamilyar na boses, na naging dahilan para mapatingin ako sa gawing kanan. Nakita ko si, teka, si Drav ba iyon? Nakasuot s'ya ng helmet tapos may katabi s'yang motor. Sabi na e! Kamag-anak talaga nito ay GRAB
THE ONE-YEAR CONTRACTCHAPTER THIRTEENAPPLE'S POVNapahawak ako sa aking labi saka kinagat ito.T-Totoo na ba iyon?...H-Hindi! 'Yung kanina guni-guni ko lang yata kaya ito, g-guni-guni ko lang din!Napapikit ako ng mariin saka nagsimulang sampalin ang sarili. Hindi pa ako nakuntento kaya ginawa ko rin ito sa kabilang pisngi. Gusto ko nang magising kung nananaginip man lang ako. At kung totoo nga ito, hala!Hindi pwedeng maging totoo ito!"Hindi nga kasi! Guni-guni mo nga lang kasi, okay? Hindi iyon totoo. Nananaginip ka lang ng gising habang nakatulala sa hangin. Nagsusumidhi lang ang iyong damdamin, kahit halik—urgh! Hindi! Hindi iyon totoo!"Isang malakas na sampal ang siyang tuluyang nakapagpagising sa aking diwa.
THE ONE-YEAR CONTRACTCHAPTER 14APPLE'S POV"Tik-tak-tik-tak-tik-tak-tik-tok-tuk-tak-tek-tik-tok-tuk.""Alelelele heyyuu! Aleleleleheyuu!""I don't wannnaa, talk about ittt, how you brrokkeee my heart? Uh! Ang sakit! Huhu! Nalimutan ko kasunod. Ano na ngang kasunod doon?""Drav.""Drraaaavvv!""Ddrrraavvv!"Hays. Hindi na ako magtataka kung bukas ay paos na ako. Simula kasi ng lumabas ako ng banyo kanina, hindi na n'ya ako pinansin. Bakit hindi na n'ya ako pinapansin? Tsk. Ayaw n'ya ba sa papansin?Hindi naman ako papansin, hindi ba? Psshh. Bahala ka na nga jan.Kinuha ko nalang ang dalawang saklay at sinubukan kong tumayo gamit iyon. Haysh. Nakakangalay palang gumamit ng saklay. Pero kailangan ko nang masanay. Alangan namang nakaupo lang ako palagi sa wheelchair. E pa'no pala kung abutan na naman ako ng tawag ng kalikasan tulad ng nangyari kanina? Tapos wala akong ibang kasama rito? Paano na ang buhay ko?Saka, kailangan ko ring gampanan ang tungkulin ko rito sa bahay.Pero bakit hi
THE ONE-YEAR CONTRACTCHAPTER 14APPLE'S POV"Tik-tak-tik-tak-tik-tak-tik-tok-tuk-tak-tek-tik-tok-tuk.""Alelelele heyyuu! Aleleleleheyuu!""I don't wannnaa, talk about ittt, how you brrokkeee my heart? Uh! Ang sakit! Huhu! Nalimutan ko kasunod. Ano na ngang kasunod doon?""Drav.""Drraaaavvv!""Ddrrraavvv!"Hays. Hindi na ako magtataka kung bukas ay paos na ako. Simula kasi ng lumabas ako ng banyo kanina, hindi na n'ya ako pinansin. Bakit hindi na n'ya ako pinapansin? Tsk. Ayaw n'ya ba sa papansin?Hindi naman ako papansin, hindi ba? Psshh. Bahala ka na nga jan.Kinuha ko nalang ang dalawang saklay at sinubukan kong tumayo gamit iyon. Haysh. Nakakangalay palang gumamit ng saklay. Pero kailangan ko nang masanay. Alangan namang nakaupo lang ako palagi sa wheelchair. E pa'no pala kung abutan na naman ako ng tawag ng kalikasan tulad ng nangyari kanina? Tapos wala akong ibang kasama rito? Paano na ang buhay ko?Saka, kailangan ko ring gampanan ang tungkulin ko rito sa bahay.Pero bakit hi
THE ONE-YEAR CONTRACTCHAPTER 15APPLE'S POVInangat na ni Drav ang hita ko saka s'ya tumayo. Maingat n'yang ipinatong ang mga ito sa sofa at nagtungo s'ya sa gawing uluhan ko."Umupo ka," utos n'ya sa akin na agad kong sinunod. Inalalayan n'ya akong makaupo, at matapos iyon ay saka ko naramdamang tinatanggal na n'ya ang tali sa kamay ko. Nang natanggal na n'ya iyon ay sinunod ko kaagad ang scotch tape sa bibig ko. Binigla ko pa ng hila kaya napapikit ako sa sakit."I know that this is crazy but, did you two—""Kio, take her to my room," utos ni Drav."Y-Yeah."Nang akmang lalapit na si Kio sa akin ay itinuwid ko ang aking kanang paa para pigilan s'yang makalapit sa'kin."Anong nangyayari? Pwede bang ipaliwanag n'yo sa akin?" seryosong tanong ko."Tsk. Seriously Apple? You really don't understand what's happening right now?" sarkastikong sagot ni Hiro.G-Galit ba s'ya sa'kin?"Hiro," pagbabanta ni Drav pero napahilamos lang si Hiro sa mukha n'ya."Apple, listen. Because of that video
THE ONE-YEAR CONTRACTCHAPTER 16APPLE'S POV"Hhmmm, a-atsing!"Napakamot ako sa aking ilong nang bumahing ako. Wala namang lumabas na sipon, pero buong kulangot yata ay meron. Pakiramdam ko rin ay namamaga pa ang mga mata ko. Simula kasi nang umalis si Drav sa kwarto kanina ay hindi ko na napigilang hindi magparaisip.Tulad ng, makukulong kaya ako? Ipapakulong kaya ako ng kamag-anak ni Drav? Hindi ba 'yung mga nasasangkot sa scandal ay nakululong? Pero, hindi ba, hindi naman iyon scandal? Kasi ang alam kong iskandal, may nagaganap nang hubaran, e wala namang nangyaring ganoon sa pagitan namin ni Drav. S-Saka, ang alam ko kapag scandal, sa madaling salita ay bold na. E-E hindi naman kami gumawa ng bold!Tsk! Ah basta. Ang dami ko na ring ideyang naisip kanina para makatakas, tulad ng, tatalon ako sa bintana, aakyat ng bakod saka tatakas at hindi na magpapakita kay Drav. Pero sa tuwing naiisip ko naman na parang ang sama ko naman 'pag ganoon kasi parang iniwan ko pa s'ya sa ere nang na
THE ONE-YEAR CONTRACTCHAPTER 17APPLE’S POVMatapos basahin ang sulat ay dali-dali akong kumilos palapit ng lamesa. Nagdadalwang-isip ako kung bubuksan ko ba ito o hindi kasi baka niloloko lang niya ako na sa akin ito pero ang totoo naman ay hahanapin niya sa akin ang mga pagkain tapos pagagalitan na naman ako hanggang sa magkasigawan na naman kami. Hindi pa ako nakaka-move on sa mga nangyari kagabi, at hangga’t maaari ay ayaw ko na muna sanang magparaisip kahit na hindi naman talaga napipigilan ang pag-iisip. Hays.“Ano, Apple? Nagugutom ka na? Bakit kasi hindi ka kumain?” pagkausap ko sa sarili. Tiningnan ko ulit ang sulat na iniwan ni Drav saka binasa. Gusto ko munang makasiguro na para sa akin talaga ito.“At, naghanda na ako ng almusal mo. Tumingin ka sa kaliwa mo. Almusal ‘mo’, ibig sabihin ay sa akin nga talaga ito. Tsk. Okay, kakain na talaga ako.”Kumilos na ako ng mas malapit pa sa lamesa. Dahan-dahan pa rin dahil hindi pa tuluyang magaling ang aking paa. Nang makalapit na
THE ONE-YEAR CONTRACTCHAPTER 18APPLE'S POVDahil nabablanko na naman ako, hinawakan ko ang paa n'ya. Gustong gusto kong kunin ang cellphone n'ya pero hindi naman ako makatayo kaagad! At tulad ng inaasahan, ipiniglas n'ya ang paa n'ya. Nakasuot pa s'ya ng sandals na ang taas ng takong."Ano ba?! Bitawan mo ang paa ko! Hampaslupa!""H-Hindi! B-Bawal po kasi talaga kayo rito! Gagalitan po kayo ni Drav!""Urgh b*tch!"Gamit ang isang paa n'ya ay sinipa n'ya ang sikmura ko ng malakas, na naging dahilan para mamilipit ako sa sakit. Nakita kong lumayo s'ya sa'kin habang hindi mapakali at may kinakausap sa cellphone."Oh my gosh! Please, officers! Hurry up! I'm so scared right now! Please! Bilisan n'yo na!"Hindi ko maintindihan ang ibang sinasabi niya, at ang tanging nasambit ko na lamang ay..."D-Drav..."Hindi. Hindi pa ito ang katapusan ko. Aawayin ko pa si Drav kasi maalat 'yung sinangag niya kaya waa! Lumaban ka, Apple!Nang ibaba na n'ya ang kaniyang cellphone ay nagmadali ako sa pa
THE ONE-YEAR CONTRACTCHAPTER 27KAIRO's POV"Wow.""So Ms. Vienna, this will be your training ground."Inangat n'yang masyado ang ulo n'ya para tingnan ako. She is wearing a black cap and a black shades, same as mine. For safety, as she insisted."Training ground? So, dito ako sa mall magp-practice?""Yeah. Is there something wrong with that?""Meron. Ang daming tao rito. Paano ako makakapagpractice rito? Isa pa, paano kapag nahalata nila na ikaw si Kairo Theodore Easton na nakikita nila sa magazine ng Bel Cíélo? Pagkakaguluhan ka. Tapos kasama mo pa ako. Mas pagkakaguluhan ka..."Natigilan s'ya, at muling yumuko. "Tapos...mapipicturan na naman tayo na magkasama tapos—"Bago pa man n'ya tapusin ang sinasabi n'ya ay hinawakan ko na ang kamay n'ya at nagsimulang maglakad. I am still getting bothered whenever she said such things, maybe because I want her to forget whatever the hell happened in the past three months, including Dravour. Why? Maybe because, I just care about her? But, why
THE ONE-YEAR CONTRACTCHAPTER 26KAIRO's POV—Evening, 7:00 PMI am reading some fitness guides nang mapansin ko si Vienna. Nasa isang sulok s'ya ngayon, tumitingki saka naglalakad. Inaayos n'ya rin ang posture n'ya. She's standing straight, chin up, stomach in, then walking in a tiptoe manner. Pfft. What is she doing, anyways? I mean, what's into her?I heard her as she cleared her throat, then started talking to the wall in front of her."Good evening. I am Ap—I mean, Vienna. I am 18 years old and I live in, uh," she stoped for a while and held her chin. "Ano nga palang sasabihin kong address? Saka apilyedo? Hindi naman pwede ang Tondo. Saka, hindi rin pwede ang Banana."She looked up and continued. I admit this is quite fascinating to watch. "Mama, hindi naman sa ikinakahiya ko ang lahi natin ha? Proud na proud ako na kasapi ako sa pamilya la'Banana pero kasi, hindi ba, kailangan ko nang magbagong buhay para maiwanan na ang madilim na nakaraan ko..."So, Banana talaga ang real surn
THE ONE-YEAR CONTRACTCHAPTER 14KAIRO's POV"Uy, may pupuntahan ka pa ba?" tanong ni Xenon nang pumasok na rin s'ya sa dressing room ko. Ah. At last. Another tiring day of work is fcking over."Nah. I'll go home now. Magpahinga ka na rin. Sa malamang ay hinihintay ka na ni Melody."Melody is Xenon's girlfriend."Sus, hayaan mo 'yun. Malaki na 'yun.""Pfft. Don't be too harsh to your girl, man."He laughed. "S'yempre biro lang. Alam ko namang hindi ko matitiis iyon. Kahit na maya't maya ang talak 'nun ay mahal na mahal ko iyon."I couldn't help but smile again upon hearing that. Such a cliché, cheesy remark coming from a hulk like him."At ikaw naman, Kai," he said with a teasing tone."What about me now, Xenon?""Akala mo ba hindi ko napapansin? Simula nang mag-hire ka ng maid dalawang linggo na ang nakalilipas ay halos hindi ka na mapakali pagkatapos ng photoshoot. Atat na atat umuwi palagi. Ang sabi mo sa akin noon ayaw na ayaw mo ng maids pero anong meron sa maid na ito at parang
THE ONE-YEAR CONTRACTCHAPTER 24DRAVOUR's POVThree months later."Yes, mom? Good morning," I greeted her over the phone."Good morning, my dear son. How's your sleep? Nakatulog ka ba ng mahimbing? Kumain ka na ba? Sabi ko naman kasi sa'yo dumito ka na muna sa bahay.""Don't worry, mom. I'm fine. In fact, I'm getting ready for work."I placed my phone on the table for a while and turned on the speaker, then continued fixing my suit."Are you really sure that you're ready for work now?""Yes, mom. I had enough rest. Time for me to get back on business.""Glad to hear that. I'll call you later, okay? Take care, honey. I love you.""I love you too, mom."I ended the call and put my phone in my pocket. After fixing myself in front of the mirror, I sighed deeply."You'll gonna be fully fine soon, Drav," I said while staring to myself."I'm sorry, mom, I... I can't..."I can't give her up, yet, I also can't bear to see my mom in such situation..."W-What do you mean, y-you can't? You are c
THE ONE-YEAR CONTRACTCHAPTER 23DRAVOUR's POV"Tsss. Drav, hindi tayo nararapat para sa isa't isa. Hindi tayo ang nakatadhana—"I hold her hands as tight as I could and stare directly into her eyes."No, Apple. I won't believe in anything that you'll say. Maniniwala lang ako sa katotohanang ikaw at ako ay—""Katotohanang ikaw at ako ay gawa-gawa mo lamang. Paalam na, Drav. Hanggang sa muli nating pagkikita."My tears fall even harder when she starts to gradually disappear. She smiles weakly at me before uttering the word 'bye' without voice."No! Apple! The h*ck! You can't do this to me!""Drav—""No!"Napaupo ako sa kama. My heart aches so bad along with my heavy breat,h, that's why I even put my palm on my chest to catch my breath. I feel something that lands on my shoulder. Gumalaw din ang kama, animo'y may umupo sa tabi ko."Drav, please calm down. You're at home now."I face her, and I am right. She's the girl at the hospital. She's staring at me which makes me to focus my eyes
CHAPTER 22KAIRO's POV*Flashback*___________"May sarili ka rin palang driver? Pare-parehas pala kayo ni Drav. Si Kio ba meron ding driver?"__________"Hiro, talaga bang nakainom ka ng muriatic acid tapos nasunog na lalamunan mo kaya hindi ka na nagsasalita d'yan?"___________"Aaaahhhh! S-Sino kkkaaaaa?!"____________"T-Totoo nga ang naiisip ko?! Na—aaaahhhhh! Sinasabi ko na nga ba! Ipapakatay n'yo na ako pero hindi sa hospital?! Saan?! Sa abandonadong bodega?! Aaaahhhhhh!"______________"Huwag ka nang magsalita! Hindi kita kilala! Saka anong brother? Kuya ‘yan hindi ba?! ‘Ni wala nga akong kuya! Saka sinong Peachie?! Pababain mo na ako rito! Nagkakamali ka lang! Isa itong malaking pagkakamali!"_____________"H-Hindi po totoo ang mga kumakalat na balita tungkol sa sc*ndal na sinasabi nila. ‘Y-Yung tungkol po sa video, h-hindi po si Mr. Dravour ang kasama ko no’n. B-Boyfriend ko po iyon. At ‘yung t-tungkol po sa mga litrato, e-edited lang po iyon. A-Ang totoo po, hindi ko p-po s
THE ONE-YEAR CONTRACTCHAPTER 21APPLE’s POV"Tsss. Kapag nakalabas na tayo, I'll teach you some basic English, nang hindi na ako natat*nga sa'yo,” saad niya na ikinairap ko."At ikaw pa talaga ang nat*tanga sa'kin? Ako nga ang dapat na nat*tanga sa'yo kasi ako ang madalas na hindi nakakaintindi sa'yo. Una, sabi mo mananagalog ka na, at kailan pa naging Tagalog ang English, aber? Ikalawa. Wala ka na ba talaga sa tamang katinuan at pumayag kang magpakulong? At ikatlo. Naliligaw ka pa nga talaga pagdating sa pagmamahal. Hindi kasi iyan hinahanap. Kusa iyang dumarating. A-Ako, kailan mo lang ako nakilala. Saka, h-hinanap mo ako. Kaya hindi ako ang—""If that's really the case when it comes to love, then kusa kang dumating. Sleep now. Good night."If that's really the case when it comes to love, then kusa kang dumating...Ako? K-Kusang duma—"Tsk! Hindi mo naman ako makikilala kung hindi mo ako pinahanap hindi ba? Kung hindi mo ako hinanap? Kaya hindi iyon kusang dumating. Magkaiba ang hi
THE ONE-YEAR CONTRACTCHAPTER 20APPLE’s POVPiniga na niya ang tuwalyang hiniram niya sa mga mamang—este papang pulis kanina. Papa kasi mga lalaki sila. Humiram din s'ya ng planggana na may tubig saka sabon. Nang tinanong ko s'ya kanina kung maliligo ba s'ya dito sa loob, pinitik n'ya lang ang noo ko at nat*nga na naman ako. Ang tino n'ya talagang kausap. Sa sobrang tino ay ang ganda-ganda n'ya nang ipapatay.Akmang pupunasan na sana niya ng tuwalya ang mukha ko nang pigilan ko s'ya."Tsss. Ako na. Kaya ko na. Hindi na ako bata," walang emosyon kong saad sa kan'ya. Hindi ba ang sabi ko kanina ay magtitino na ako? Hindi na ako magpapat*nga-t*nga? Sisimulan ko na ngayon, at kay Drav ko sisimulan.Kinuha ko ang tuwalya sa kan'ya at tinalikuran siya. Humarap ako sa pader habang pinupunasan ang mukha ko ng tuwalya. Tsk. Bakit nga ba nagpahid ako ng uling sa mukha?Ah. Kasi gusto kong hindi n'ya ako makilala. Kaso sablay. Dapat kasi idinikit ko nalang sarili ko sa kisame.Pero, marami pa r
THE ONE-YEAR CONTRACTCHAPTER 19PEACHIE's POV"I really can't believe it, tita. I-I already saw that girl, actually. And sa unang tingin ko palang sa kan'ya, I already knew that she's not good," I said to tita Georgia, Drav's mom na sobrang malapit sa akin ever since mga bata pa kami.Actually, this is not the visit that I've planned. Balak ko sanang bisitahin sila ni Drav after ng contract signing to surprise tita na rin since she doesn't know na nandito na ako sa Pilipinas one week ago pa. Actually, walang nakakaalam sa kanilang lahat. And pati yata si Drav ay hindi pa alam. ‘Ni hindi nga niya ako nakilala there in the hospital eh. Tsss. Did I have a major transformation para hindi n'ya ako makilala? Mas naging sexy lang naman ako, blooming, and uh, prettier."So you'd seen her already? Where? When?""Uhm, it's, actually a long story, tita. Don't worry na. What's important is that she's in the hands of the authority now. Pagbabayaran na n'ya ang mga kasalanan n'ya kay Drav."She si