THE ONE-YEAR CONTRACT
CHAPTER 4
APPLE'S POV
Kabadong kabado ako kaya hindi pa ako nakuntento. Pinagbabato ko s'ya ng ice candy na kumalat sa kotse. Nakakita rin ako ng asong tumatango-tango sa unahan kaya dinampot ko rin iyon at sa kaniya'y ibinato. Tumama iyon sa kaniyang matangos na ilong.
"What the hell?! Stop right now!"
Biglang pumasok sa utak ko ang mga ginawa ko kaninang madaling araw. Sa malamang ay nakita na n'ya 'yung ketchup sa banyo saka ang nagkaralat na shampoo, pati 'yung tsinelas n'yang pina-shoot ko sa inidoro. Hindi pa ba sapat na kabayaran ang sapatos na iniwan ko sa bahay nila? Pwede naman na iyong...ano ngang tawag doon? Price...offering? Oo, price offering nga.
Pero hindi! Hindi dapat ako magpatinag! Kapag naglamya-lamya ako, hindi s'ya matatakot sa'kin! Ang susi para lubayan n'ya ako ay ipakita ko sa kanya ang dahilan kung bakit ako ang tinaguriang pinakasigang ice candy bendor sa Tondo!
"Ipapakita ko sa'yo kung paano ako magalit!"
Lumakdang ako papunta sa likod at sinunggaban s'ya, kaagad na itinulak at dinaganan.
"What the fuck are you doing?! Get off!" sigaw n'ya. Nakakaawa sana kasi namumula na ang mukha n'ya. Ikaw ba naman ang hampasin ng styrofoam na may lamang ice candy sa mukha, pinaulanan pa ng matitigas na ice candy at tinamaan ng asong tumatango-tango sa ilong. Pero, hindi! Hindi dapat ako maawa!
Hinawakan ko ang magkabilang tenga n'ya at hinila paitaas.
"Ikaw! Alam ko na ang binabalak mo! Pinuntahan mo ako doon para ituloy na ang binabalak mong ibenta ang laman-loob ko sa mga dayuhan! Ipapakatay mo ako na parang manok na walang kalaban-laban! At ngayon tinatakot na kita para hindi mo na ako magalaw kailanman!" pananakot ko sa kanya, na mukhang gumagana kasi papikit-pikit na s'ya, malamang ay dahil sa sakit.
"Aalis ka o-o ipapakita ko rin sa'yo kung paano ako magalit?!"
"Ha-ha-ha. Takot ako. Gaga! Ayoko ng puro kuda!"
Nabitawan ko ang tenga n'ya nang bigla n'ya akong duraan sa mukha. Bwisit! Hindi ba s'ya tinuruan ng right manners and good conduct?! Nawala ako sa pokus kaya nakatayo s'ya, at ako naman ang kaniyang itinulak. Napalakas ang untog ko sa bintana kaya hindi agad ako nakabangon.
Mammmaaaa!
Hinawakan n'ya ang magkabilang kamay ko at ipinuwesto sa itaas. Itinaas n'ya rin ang dalawang paa ko sa upuan bago ako dinaganan. Takte ang bigat!
Sisigaw na sana ako nang bigla n'ya akong subuan ng ice candy, hindi lang isa kundi dalawa yawa! Inilapit n'ya ang mukha n'ya sa mukha ko, at ramdam ko ang napakamatatalim n'yang tingin. Nasusugatan ako! Deep inside nasusugatan ako!
"Sa lahat ng babaeng nakasalamuha ko, ikaw pa lang ang nangahas na tratuhin ako ng ganito," madiin n'yang sambit.
"Mind your own business. Mind your own business. Be professional," paulit-ulit na sinasabi ng drayber na sa halip na awatin kami ay nagpapatuloy lang sa pagmamaneho.
Nagpupumiglas ako pero hindi hamak na mas malakas s'ya kaysa sakin. Madaya e! Malakas ang tulak n'ya sa'ken kaya nauntog ako ng malakas!
Ginalaw-galaw ko ang bibig ko para iluwa ang ice candy na tumataas-baba sa aking bunganga. Mailuluwa ko na sana iyon pero diniinan n'ya ulit. Muntik na akong mabilaukan. Kapag ako nakawala dito papatayin ko na talaga ang kumag na ito!
"Tsss. Wala ka pala. Nasaan na ang angas mo?" mayabang n'ya pang tanong.
Muli akong nakaisip ng ideya. Napapanood ko ito sa mga pelikula. Matigas naman ang bungo ko kaya, kakayanin ko ito!
Bumilang muna ako ng tatlo sa isip bago iniuntog ang sarili kong noo sa noo n'ya. Nabungaw pa ako ng konti pero tagumpay naman! Nahulog s'ya mula sa upuan. Nakakaawa ang itsura n'ya dahil sikip s'ya sa medyo maliit na siwang sa pagitan ng upuan at sandalan sa unahan, pero kinuha ko na ang pagkakataong iyon para umayos ng upo. Nakahawak pa s'ya sa noo nang sinunggaban ko ulit sya. Dahil sa kakamadali ay nahawakan ko ang kaniyang ano na labis n'yang ikinabigla. Nabigla rin ako syempre! Pero hindi nga dapat ako padadaig!
"M-Move your hands off m-my-d-damn! Jeffrey! Get her off me!"
"Mind my own business. Mind my own business. Be professional. Be professional," paulit-ulit pa ring sinasambit ng drayber. Nag-oorasyon ba s'ya? Kanina pa 'yan actually. May sayad din? Hays. Mana s'ya sa amo n'yang timang na nga, gago pa. Dahil sinubuan n'ya ako ng ice candy, kinuha ko naman ang takip ng styrofoam at iyon ang inihampas ko ulit sa pisngi n'ya. Kapag ito napatay ko, edi patay!
Inalis ko rin ang puyod ko sa buhok at gamit ang isang kamay, kinuha ko ang dalawang kamay n'ya. Hindi s'ya masyadong makalaban dahil hawak ko pa rin ang ano n'ya. Kahinaan nila ito, hindi ba? Ang pinakamatibay na depensa laban sa masasamang loob ay ang atakihin ang kahinaan nila. Ginagawa ko lang naman ang itinuro sa amin ng titser namin sa Tondo!
"D-Damn it! L-Let my precious junior go!"
Hindi ako nakinig. Gamit pa rin ang isang kamay ay ipinuwesto ko rin sa itaas ng ulo nya—
Ulo sa taas, okay?
Ulit. Itinaas ko ang dalawang kamay n'ya sa itaas ng kaniyang ulo at mistula siyang pinosasan gamit ang puyod ko. Nahirapan pa ako dahil ang likot n'ya pero sadyang mapamaraan lang ako. Lamang pa rin ako sa kan'ya. Mas diniinan ko pa ang pagkakahawak sa ano n'ya, dahilan para mapasigaw pa s'ya.
Taas-noo kong inilapit ang mukha ko sa kan'ya, at ako naman ang nagmayabang.
"Ano ka ngayon? Nasaan din ang angas mo? Hhmmm?" madiing tanong ko sabay tingala at tumawa. Napatingin ako sa bintana, at nawala agad ang ngiti sa labi ko nang makita ko sila.
May batang lalaki, babae, saka lalaki ulit. Nakatapat pala ang kotse namin sa isang bus. Nakatingin sila sa gawi namin habang nanlalaki ang mga mata. Dahan-dahang inangat ng lalaki ang phone n'ya at itinutok sa gawi namin. Kaagad tuloy akong napatingin sa unahan. Traffic! Nang ibalik ko ang tingin ko sa bus ay hala! Ang dami nang nakasilip sa bintana!
Pero ano bang pakialam nila?! Ngayon pa lang ba sila nakakita ng nagpapatayan sa loob ng kotse?!
"Nangangamoy scandal," biglang saad ng drayber nitong kotse.
__________
"Update?"
"Hindi sila pumayag na maghanap ng kapalit mo."
"Darn. How can I do my job there kung ganito ang itsura ko? Am I the only model that they have? Tsk!"
"Well, we all know that your charismatic presence primarily hooks the public."
"May sasabihin—"
"Shut up or I'll blow your head off!"
Ayan na naman iyan sa English-English na iyan! Urgh!
"Hiro! Anong sinabi n'ya?"
"Manahimik ka raw dahil kung hindi, hihipan n'ya ang ulo mo," sagot ni Hiro sabay tawa.
Isang metro ang layo ko sa kanilang tatlo. Kina Hiro at Kio, pati na rin sa timang na iyon na may hawak na yelo at nakapatong sa noo niyang may bukol. Bakit? S'ya lang ba ang may bukol? Meron din kaya ako!
Idinampi ko ang kamay ko sa aking noo. Hmm, flat na. Nasaan na ang bukol ko? Nagtatampo rin pala ang bukol?
Bukol. Balik ka na. Mapapahiya ako. Ang sabi ko meron akong bukol pero wala ka. Tsk. Ano bang pwede kong gawin para balikan mo ako bukol?
Napagawi ang tingin ko sa pader. Hhmm. Tatayo na sana ako nang biglang magsalita si Hiro.
"Huwag kang tatayo. Sasabog ka," paalala niya na ikinalaki ko ng mga mata at ikinalunok ng laway.
"K-Kailangan ko nang umuwi. Ay mali." Humarap ako kay Drav. "Ikaw. Bayaran mo muna ang mga danyos mo."
"Hindi ka uuwi," sabi n'ya lang nang tumingin na naman sa akin ng masama.
"Talagang hindi ako uuwi hangga't hindi mo binabayaran ang mga nasayang kong ice candy."
"Fuck. Ako ba ang may kasalanan ng pagkasayang ng mga ice candy mo?! Did I even tell you to slam that fuckin' styrofoam on my face?!"
"Hiro! Translate!"
"Tsss. Sinabi n'ya raw ba sa'yo na ihampas mo sa mukha n'ya 'yung styrofoam."
"Hindi. Hindi mo sinabi. Pero iyang pagmumukha mo ay halatang iyon ang nais na gawin ko! Limampiso kada ice candy iyon. Tapos singkwenta piraso. Teka! Magkokompyut ako!"
Itinikom ko ang aking dalawang kamay at nagsimulang magbilang.
"Five, ten, fifteen, twenty, twenty-five, thirty, thirty—aish! May calcutalor ka ba d'yan Hiro?!"
Naiinis na ako, at ayoko nang madagdagan pa. Kapag pinagpatuloy ko pa ang pagkokompyut, lalo lamang iinit ang ulo ko.
"Calcutalor? I don't have—"
"'Wag mo akong Inglisin!"
"I mean wala akong calcutalor. Calculator lang."
"Calculator nga! Ano bagang sabi ko?! Kompyut mo ang bayaran sa akin ng timang na kasama n'yo!"
"Hiro. Kio. Leave the both of us now," sabat ng timang.
"Pinauuwi na kami ng timang mo," sabi ni Hiro na binato ni timang ng tsinelas na panloob.
"Ha? Teka, sasabay ako. Sa daan mo ikompyut—"
"Hindi. Ka. Aalis."
Sinamaan ko s'ya ng tingin. Tataas talaga ang blood pressure ko dito!
"Aalis ako kung kailan ko gusto."
"Sa tingin mo ba, sa lahat ng ginawa mo sa'kin ay papayag pa akong pakawalan ka? Huh. Never."
Sa tingin mo ba...papayag na pakawalan...
Napatingin ako sa magkabilang kamay ko, pati na rin sa paa saka napalunok ng laway.
"'Yung totoo. May tali ba ang mga kamay at paa ko na hindi ko nakikita?"
Inilapag ni Drav ang icebag at tumayo. Tumingin s'ya kina Hiro at Kio. Biglang inaya ni Hiro si Kio na aalis na sila. Ha? Wala namang sinasabi si Drav na umalis na silang dalawa. Paanong—
M-Mind cleaner din 'yung dalawa? Mind cleaner silang tatlo?!
"T-Teka, hintayin n'yo ako! Sasama na ako—"
"Huwag kang tatayo," puno na naman ng pagbabantang saad ni Drav.
"T-Tatayo ako kung kelan ko gusto, at u-uuwi ako k-kung kelan ko—"
Natigilan ako nang bigla n'yang hubarin ang isa n'ya pang tsinelas, at nagsimulang maglakad palapit sa'kin.
"Don't move or else, pasasabugin kita."
Kahit na hindi ko nagets ang unang sinabi n'ya ay hindi na ako gumalaw. Nang malapit na s'ya sa'kin ay iniunat ko ang aking kanang paa upang pigilan s'ya.
"D-D'yan ka lang! Di'ba, b-bawal akong lumapit sa'yo?! Isang metro hindi ba?!"
Sa halip na huminto ay nagpatuloy lamang siya. Itinulak n'ya ang paa ko paibaba, dahilan para lumagapak ulit iyon sa sahig. Lumapit pa s'ya ng lumapit hanggang sa isandal na n'ya ang magkabilang kamay sa sandalan nitong inuupuan ko. Inilalapit n'ya pa ang kaniyang mukha sa'kin, dahilan para mapaiwas ako ng tingin. Hinawakan n'ya ang magkabilang pisngi ko gamit ang isang kamay at pinihit ang ulo ko para mapaharap muli sa kan'ya.
"O-ono bong, k-kolongon mo?!"
Isinubo n'ya sa akin ang tsinelas n'yang panloob. Urgh! Wala talagang ugali! Bastos!
"January to March. Maid. April to June. Personal assistant."
Kinunutan ko na naman lang s'ya ng noo. Ano na naman bang idinadada nito? Maid? Personal assistant? Tapos, anong meron sa buwan?
"That will be your task 'til the half of this year. If you don't fail, you'll advance 'til the end of the contract."
Tinanggal ko ang tsinelas sa aking bibig at pati na rin ang kamay n'yang nakahawak sa pisngi ko. Masakit ah!
"Ilang beses ko pa bang dapat na sabihin sa'yo na huwag mo akong ini-English?" naiinis kong wika na ikinahilamos n'ya ng mukha. At s'ya pa talaga ang may ganang mainis?!
"Damn! Maid. Katulong. Personal assistant. Alila ko."
"Teka nga! Wala akong natatandaan na nag-apply ako sa'yo bilang katulong mo saka alila."
"Pumerma ka. Nakalimutan mo na ba?"
"Huh! Huwag mo akong niloloko. Walang nakalagay na alila at katulong doon!"
"Ako ang mas nakakaunawa kaya ako ang mas nakakaalam ng mga nakalagay doon. Besides, ako rin ang gumawa."
"Paano kung ayaw ko?"
Iniurong ko ang aking ulo nang mas ilapit n'ya pa ang ulo n'ya sa akin, at napapikit ako nang as in malapit na! Bakit ba kasi hindi ako makalaban ngayon?! K-Kasi, kinakabahan ako?! Natatakot ako?! A-At kelan pa ako natakot sa timang na ito?!
"Hinding hindi mo magugustuhan kapag sinuway mo ang utos ko," bulong n'ya sa'kin saka kinagat ang tenga ko, na mas nakapagpakilabot sa akin.
A-ang ibig bang sabihin,
"K-Kakainin mo ako kapag hindi ako s-sumunod?"
"Tsss. No. Kakainin na kita ngayon."
THE ONE-YEAR CONTRACTCHAPTER 5APPLE'S POVNandito ako ngayon sa bahay, hindi dahil sa talagang umuwi na ako kundi dahil nag-iimpake ako. Anong klaseng mga tao ba sila? Kapag hindi ako pasasabugin ni Hiro ay kakainin naman ako ni Drav. Tsk!Pero teka nga! Bakit nga ba ako nag-iimpake?! E kung, takasan ko na lang kaya s'ya? Tama! Hindi ako preso pero tatakas ako.Teka, pwede ba iyon?Hmm, siguro? Gagawin ko na nga e. Ayokong pasabugin ni Hiro at ayoko rin namang kainin ako ni Drav. Kanibal s'ya!Nagmadali na akong mag-impake ng mga damit ko. Pagkasara ng bag ay agad ko itong binuhat. Palabas na sana ako ng bahay nang may makita akong lalaking naka-itim sa sala. Bigla ko iyong ikinahinto sa paglalakad."Kung sino ka mang demonyo ka, lumayas ka sa pamamahay ko!"Mama naman! Dati pinapaga
THE ONE-YEAR CONTRACTCHAPTER SIXAPPLE'S POVKanina pa ako napapaiyak dahil sa panggigigil. Hindi dapat ako ang kumakain ng niluto ko! Hindi ba't trabaho ng maid ang magluto? At dapat ang amo ang kakain hindi ang katulong! "Tsss. Hurry up. You still have a lot of things to do."Nanlilisik ang aking mga mata na tumingin sa kan'ya. Pinatayo n'ya naman ang kutsilyong hawak n'ya sa lamesa saka pinaikot-ikot. Naiinis ako! Hindi lang dahil sa pinilit n'yang kainin ko ang pagkain na dapat ay sa kan'ya kundi dahil na rin sa kanina pa s'ya English ng English kaya hindi ko s'ya maintindihan!Huhuhu! Hindi kita bati teddy bear na may karas! Nang dahil sa'yo naghihirap ako ng ganito! Ayoko nang patagalin ito! Gusto ko nang umuwi at bumalik na sa pagtitinda ng ice candy!"Pwede bang—""Eat," putol n'ya sa sinasabi ko sabay tutok sa akin ng kutsilyo. Isinubo ko ang kaning sunog na may sunog na itlog. Makakaganti rin ako sa'
THE ONE-YEAR CONTRACTCHAPTER 7APPLE'S POVDahil masyado na naman akong naiinip, naisipan ko nalang munang mag-imbestiga. Simula kasi ng umalis s'ya, nagsimula nang magtanong ng kung ano-ano ang isipan ko. At sa akin pa talaga nagparatanong sa halip na kay Drav. Tulad ng, ano ba talaga ang ibig sabihin ng kontrata kuno na pinermahan ko? Sinabi na n'ya sa'kin noon ang mga nakasulat doon pero hindi ko rin naman kasi naintindihan. Sa dinami-dami d'yan ng babaeng pwede n'yang kuning katulong? Bakit ako? Bakit ayaw n'ya akong paalisin dito? Bakit green ang blackboard? Bakit hindi lumilipad ang sky flakes? Bakit — ay mali. Nalisya na naman ako. Umalis si Drav kanina nang dumating sina Kio at Hiro. Gusto ko pa sanang makipag-kwentuhan at magtanong sa kanila pero hindi ko na nagawa. Kaya ngayon mag-isa na naman ako. Gusto ko sanang pagtripan ang mga gamit n'ya rito pero saka na. Kapag may nakita na akong clue kung bakit nga ba ako nandito.Sinimulan kong halughugin ang
THE ONE-YEAR CONTRACTCHAPTER EIGHTHiro's POV"Pst, Kio," tawag ko kay Kio na prenteng nakaupo sa waiting area dito sa hospital.Yeah. We're in this hospital because of Drav. He called the two of us earlier and pinasunod kami rito. And guess what? The reason was the girl who he resisted at first. Upon knowing his reason as well as while watching him walking from side to side, and even back and forth while waiting for the doctor to come out from the room, I know that there's something going on. I mean, this is not the usual him. Kanina lang lasing na lasing iyan. But now, parang nawala ang kalasingan."Kio!" pagtawag ko ulit kay Kio."What?!""Tsk. Anong oras na?""You have your own watch. Check it for yourself."Tsss. Sa aming tatlo talaga s'ya ang pinakamasungit. Dinaig pa ang girlfriend ko kapag may regla.Hindi, biro lang. Wala talaga akong girlfriend.I tsked before glancing at my
THE ONE-YEAR CONTRACTCHAPTER NINEAPPLE'S POV"Handa ka na bang umuwi?" tanong sa'kin ni Hiro."Oo naman! Ako pa?! Uwi na tayo! Uwi na tayo! Uwi na—argh, aray..." daing ko nang mapalakas ang dali ng paa ko sa tapakan nitong wheelchair. Hays. Hindi pa ako makakalakad gawa ng paa ko na nabubog, kaya nakabalot ng benda ang magkabilang paa ko. Pati ulo ko meron, tapos nakasakay pa ako sa wheelchair. High-tech kaya ang wheelchair na ito? Yung tipong kapag inutusan kong, "Abante, abante!" ay aabante talaga tapos kapag inutusan kong "Atras! Atras!" ay aatras tapos kapag inutusan kong "Atras! Abante!" ay aatras-abante tapos ako ang magiging kauna-unahang tao sa buong mundo na nagchachacha nang nakaupo sa wheelchair?Ah! Naririnig ko na! Ang hiyawan nila habang sinisigaw ang pangalan ko. Ang sabi nila, "Apple! Apple! Nasaan ang lechon?""Apple, Apple, nasaan ang lechon? Apple, Apple, nasaan ang—"Natigilan ako nang map
THE ONE-YEAR CONTRACTCHAPTER 10HIRO'S POV"Uh, yeah Mr. Trevour. I'll say it right away to him.""Yes, please. We need him on this project. Just tell him to contact me as soon as possible.""Yes Mr. Trevour. I will.""Thank you, Hiro. And please tell him to get well soon. We need him here."Binabaan na n'ya ako ng phone kaya binaba ko na rin ang sa akin. Tsss. Why can't they do the photoshoot without Drav? Alam naman nilang hindi pa maayos ang lagay ni Drav dahil sa minor accident na kinasangkutan ni Drav.Tsk. I mean, ng naging away nila ni Apple sa kotse. Hindi namin sinabi ang tunay na dahilan kung bakit hindi s'ya naka-attend for photoshoot kahapon. Ang sabi lang namin is nagkaroon ng maliit na accident na kinasangkutan ni Drav. We requested them not to say it to the media nor release any statements about it since minor lang naman. Tss. Buti nalang naniwala sila.And because of that fight, Jeffrey
THE ONE-YEAR CONTRACTCHAPTER 11APPLE'S POV"Aahhh! S-Sino kkkaaa?!" mangiyak-ngiyak na tanong ko. "T-Totoo nga ang naiisip ko?! Na—aaahhhh! Sinasabi ko na nga ba! Ipapakatay n'yo na ako pero hindi sa hospital?! Saan?! Sa abandonadong bodega?!"Hahawakan n'ya sana ako pero tinapik ko na ang kamay n'ya."Calm down, Shantall. The name's Kairo. Your brother told me that he already messaged you about me. Your brother has an important matter to take care of, that's why he requested me to—""Huwag ka nang magsalita! Hindi kita kilala! Saka anong brother? Kuya 'yan hindi ba?! 'Ni wala nga akong kuya! Saka sinong Shantall?! Pababain mo na ako rito! Nagkakamali ka lang! Isa itong malaking pagkakamali!"Titig na titig lang s'ya sa'kin habang nagsisisigaw ako. Shemay naman! Bakit ang gwapo?! Namimilog ang mga mata n'ya, tapos baga
THE ONE-YEAR CONTRACTCHAPTER TWELVEAPPLE'S POV"Sumuko ka na, Hipolito! Wala ka nang kawala sa amin ni Dora!" sigaw ko kay Hipolito na may hawak na baril, habang ako naman ay may hawak na wand."Hinding hindi mo ako mapapasuko, Apple! Ibigay mo sa akin si Dalisay!""Wala na si Dalisay! Pumunta na ng Hawaii!"Pinutok ni Hipolito ang baril, pero nakalipad ako. Pinagbabaril pa n'ya ako pero ginamitan ko s'ya ng magic kaya siya'y naging hito. Nang dahil doon ay walang habas akong humagalpak."Akala mo matatalo mo ako Hipolito?! Huh! Mag-seminar ka muna sa Tondo!""Apple!"Umalingawngaw ang isang pamilyar na boses, na naging dahilan para mapatingin ako sa gawing kanan. Nakita ko si, teka, si Drav ba iyon? Nakasuot s'ya ng helmet tapos may katabi s'yang motor. Sabi na e! Kamag-anak talaga nito ay GRAB
THE ONE-YEAR CONTRACTCHAPTER 27KAIRO's POV"Wow.""So Ms. Vienna, this will be your training ground."Inangat n'yang masyado ang ulo n'ya para tingnan ako. She is wearing a black cap and a black shades, same as mine. For safety, as she insisted."Training ground? So, dito ako sa mall magp-practice?""Yeah. Is there something wrong with that?""Meron. Ang daming tao rito. Paano ako makakapagpractice rito? Isa pa, paano kapag nahalata nila na ikaw si Kairo Theodore Easton na nakikita nila sa magazine ng Bel Cíélo? Pagkakaguluhan ka. Tapos kasama mo pa ako. Mas pagkakaguluhan ka..."Natigilan s'ya, at muling yumuko. "Tapos...mapipicturan na naman tayo na magkasama tapos—"Bago pa man n'ya tapusin ang sinasabi n'ya ay hinawakan ko na ang kamay n'ya at nagsimulang maglakad. I am still getting bothered whenever she said such things, maybe because I want her to forget whatever the hell happened in the past three months, including Dravour. Why? Maybe because, I just care about her? But, why
THE ONE-YEAR CONTRACTCHAPTER 26KAIRO's POV—Evening, 7:00 PMI am reading some fitness guides nang mapansin ko si Vienna. Nasa isang sulok s'ya ngayon, tumitingki saka naglalakad. Inaayos n'ya rin ang posture n'ya. She's standing straight, chin up, stomach in, then walking in a tiptoe manner. Pfft. What is she doing, anyways? I mean, what's into her?I heard her as she cleared her throat, then started talking to the wall in front of her."Good evening. I am Ap—I mean, Vienna. I am 18 years old and I live in, uh," she stoped for a while and held her chin. "Ano nga palang sasabihin kong address? Saka apilyedo? Hindi naman pwede ang Tondo. Saka, hindi rin pwede ang Banana."She looked up and continued. I admit this is quite fascinating to watch. "Mama, hindi naman sa ikinakahiya ko ang lahi natin ha? Proud na proud ako na kasapi ako sa pamilya la'Banana pero kasi, hindi ba, kailangan ko nang magbagong buhay para maiwanan na ang madilim na nakaraan ko..."So, Banana talaga ang real surn
THE ONE-YEAR CONTRACTCHAPTER 14KAIRO's POV"Uy, may pupuntahan ka pa ba?" tanong ni Xenon nang pumasok na rin s'ya sa dressing room ko. Ah. At last. Another tiring day of work is fcking over."Nah. I'll go home now. Magpahinga ka na rin. Sa malamang ay hinihintay ka na ni Melody."Melody is Xenon's girlfriend."Sus, hayaan mo 'yun. Malaki na 'yun.""Pfft. Don't be too harsh to your girl, man."He laughed. "S'yempre biro lang. Alam ko namang hindi ko matitiis iyon. Kahit na maya't maya ang talak 'nun ay mahal na mahal ko iyon."I couldn't help but smile again upon hearing that. Such a cliché, cheesy remark coming from a hulk like him."At ikaw naman, Kai," he said with a teasing tone."What about me now, Xenon?""Akala mo ba hindi ko napapansin? Simula nang mag-hire ka ng maid dalawang linggo na ang nakalilipas ay halos hindi ka na mapakali pagkatapos ng photoshoot. Atat na atat umuwi palagi. Ang sabi mo sa akin noon ayaw na ayaw mo ng maids pero anong meron sa maid na ito at parang
THE ONE-YEAR CONTRACTCHAPTER 24DRAVOUR's POVThree months later."Yes, mom? Good morning," I greeted her over the phone."Good morning, my dear son. How's your sleep? Nakatulog ka ba ng mahimbing? Kumain ka na ba? Sabi ko naman kasi sa'yo dumito ka na muna sa bahay.""Don't worry, mom. I'm fine. In fact, I'm getting ready for work."I placed my phone on the table for a while and turned on the speaker, then continued fixing my suit."Are you really sure that you're ready for work now?""Yes, mom. I had enough rest. Time for me to get back on business.""Glad to hear that. I'll call you later, okay? Take care, honey. I love you.""I love you too, mom."I ended the call and put my phone in my pocket. After fixing myself in front of the mirror, I sighed deeply."You'll gonna be fully fine soon, Drav," I said while staring to myself."I'm sorry, mom, I... I can't..."I can't give her up, yet, I also can't bear to see my mom in such situation..."W-What do you mean, y-you can't? You are c
THE ONE-YEAR CONTRACTCHAPTER 23DRAVOUR's POV"Tsss. Drav, hindi tayo nararapat para sa isa't isa. Hindi tayo ang nakatadhana—"I hold her hands as tight as I could and stare directly into her eyes."No, Apple. I won't believe in anything that you'll say. Maniniwala lang ako sa katotohanang ikaw at ako ay—""Katotohanang ikaw at ako ay gawa-gawa mo lamang. Paalam na, Drav. Hanggang sa muli nating pagkikita."My tears fall even harder when she starts to gradually disappear. She smiles weakly at me before uttering the word 'bye' without voice."No! Apple! The h*ck! You can't do this to me!""Drav—""No!"Napaupo ako sa kama. My heart aches so bad along with my heavy breat,h, that's why I even put my palm on my chest to catch my breath. I feel something that lands on my shoulder. Gumalaw din ang kama, animo'y may umupo sa tabi ko."Drav, please calm down. You're at home now."I face her, and I am right. She's the girl at the hospital. She's staring at me which makes me to focus my eyes
CHAPTER 22KAIRO's POV*Flashback*___________"May sarili ka rin palang driver? Pare-parehas pala kayo ni Drav. Si Kio ba meron ding driver?"__________"Hiro, talaga bang nakainom ka ng muriatic acid tapos nasunog na lalamunan mo kaya hindi ka na nagsasalita d'yan?"___________"Aaaahhhh! S-Sino kkkaaaaa?!"____________"T-Totoo nga ang naiisip ko?! Na—aaaahhhhh! Sinasabi ko na nga ba! Ipapakatay n'yo na ako pero hindi sa hospital?! Saan?! Sa abandonadong bodega?! Aaaahhhhhh!"______________"Huwag ka nang magsalita! Hindi kita kilala! Saka anong brother? Kuya ‘yan hindi ba?! ‘Ni wala nga akong kuya! Saka sinong Peachie?! Pababain mo na ako rito! Nagkakamali ka lang! Isa itong malaking pagkakamali!"_____________"H-Hindi po totoo ang mga kumakalat na balita tungkol sa sc*ndal na sinasabi nila. ‘Y-Yung tungkol po sa video, h-hindi po si Mr. Dravour ang kasama ko no’n. B-Boyfriend ko po iyon. At ‘yung t-tungkol po sa mga litrato, e-edited lang po iyon. A-Ang totoo po, hindi ko p-po s
THE ONE-YEAR CONTRACTCHAPTER 21APPLE’s POV"Tsss. Kapag nakalabas na tayo, I'll teach you some basic English, nang hindi na ako natat*nga sa'yo,” saad niya na ikinairap ko."At ikaw pa talaga ang nat*tanga sa'kin? Ako nga ang dapat na nat*tanga sa'yo kasi ako ang madalas na hindi nakakaintindi sa'yo. Una, sabi mo mananagalog ka na, at kailan pa naging Tagalog ang English, aber? Ikalawa. Wala ka na ba talaga sa tamang katinuan at pumayag kang magpakulong? At ikatlo. Naliligaw ka pa nga talaga pagdating sa pagmamahal. Hindi kasi iyan hinahanap. Kusa iyang dumarating. A-Ako, kailan mo lang ako nakilala. Saka, h-hinanap mo ako. Kaya hindi ako ang—""If that's really the case when it comes to love, then kusa kang dumating. Sleep now. Good night."If that's really the case when it comes to love, then kusa kang dumating...Ako? K-Kusang duma—"Tsk! Hindi mo naman ako makikilala kung hindi mo ako pinahanap hindi ba? Kung hindi mo ako hinanap? Kaya hindi iyon kusang dumating. Magkaiba ang hi
THE ONE-YEAR CONTRACTCHAPTER 20APPLE’s POVPiniga na niya ang tuwalyang hiniram niya sa mga mamang—este papang pulis kanina. Papa kasi mga lalaki sila. Humiram din s'ya ng planggana na may tubig saka sabon. Nang tinanong ko s'ya kanina kung maliligo ba s'ya dito sa loob, pinitik n'ya lang ang noo ko at nat*nga na naman ako. Ang tino n'ya talagang kausap. Sa sobrang tino ay ang ganda-ganda n'ya nang ipapatay.Akmang pupunasan na sana niya ng tuwalya ang mukha ko nang pigilan ko s'ya."Tsss. Ako na. Kaya ko na. Hindi na ako bata," walang emosyon kong saad sa kan'ya. Hindi ba ang sabi ko kanina ay magtitino na ako? Hindi na ako magpapat*nga-t*nga? Sisimulan ko na ngayon, at kay Drav ko sisimulan.Kinuha ko ang tuwalya sa kan'ya at tinalikuran siya. Humarap ako sa pader habang pinupunasan ang mukha ko ng tuwalya. Tsk. Bakit nga ba nagpahid ako ng uling sa mukha?Ah. Kasi gusto kong hindi n'ya ako makilala. Kaso sablay. Dapat kasi idinikit ko nalang sarili ko sa kisame.Pero, marami pa r
THE ONE-YEAR CONTRACTCHAPTER 19PEACHIE's POV"I really can't believe it, tita. I-I already saw that girl, actually. And sa unang tingin ko palang sa kan'ya, I already knew that she's not good," I said to tita Georgia, Drav's mom na sobrang malapit sa akin ever since mga bata pa kami.Actually, this is not the visit that I've planned. Balak ko sanang bisitahin sila ni Drav after ng contract signing to surprise tita na rin since she doesn't know na nandito na ako sa Pilipinas one week ago pa. Actually, walang nakakaalam sa kanilang lahat. And pati yata si Drav ay hindi pa alam. ‘Ni hindi nga niya ako nakilala there in the hospital eh. Tsss. Did I have a major transformation para hindi n'ya ako makilala? Mas naging sexy lang naman ako, blooming, and uh, prettier."So you'd seen her already? Where? When?""Uhm, it's, actually a long story, tita. Don't worry na. What's important is that she's in the hands of the authority now. Pagbabayaran na n'ya ang mga kasalanan n'ya kay Drav."She si