Share

The Omega's Destiny
The Omega's Destiny
Author: iamsimple

Chapter 1

Author: iamsimple
last update Last Updated: 2022-12-11 08:12:33

Zeph Pov

Lakad-takbo ang ginagawa ko sa loob ng building para lamang hindi ako mahuli sa klase. Ilang minuto na lamang ay malapit na akong ma-late. Strict pa naman ang teacher namin na si Mr. Edgardo Sison. Kapag ma-late ang kahit na sinong estudyante ay hindi na niya pinapapasok pa. Walang kinakatakutan si Mr. Sison maliban kay Alpha Hunter. Ang pinakabatang alpha ng Golden Wolf Pack. Kahit na hindi ko pa siya nakikita ay alam kong guwapo siya, matapang at isa sa pinakamayang alpha sa bayan namin. Madalas ko kasing marinig ang pangalan niya na topic ng kuwentuhan ng mga estudyante. Lalong-lalo na ng mga babae. Lahat sila ay kinikilig kapag nakikita nila si Alpha Hunter.

Kung ang mga babae ay kinikilig kay Alpha Hunter ay pinangingilagan naman ito ng ibang mga lalaki at lalong-lalo na ng mga alpha ng ibang wolf pack. Kahit bata pa kasi si Alpha Hunter ay marami na siyang tinalo na mga alpha sa iba't ibang wolf pack kaya naman iginagalang siya ng labis ng aming pack at kinakatakutan ng ibang alpha. Ngunit may mga kaibigan din naman ang aming alpha. Iyon nga lang ay puro matataas din rank na bagama't hindi kasing-taas ng rank niya dahil siya ang pinakamataas sa aming mga taong-lobo. 

Mataas ng paggalang ni Mr. Sison pati na rin ang lahat ng mga teachers dito sa Amber University kay Alpha Hunter. At kung katulad lang sana ako kay Alpha Hunter ay hindi ko kinakailangang matakot kahit na ma-late ako dahil tiyak na hindi ako pagagalitan ng mga teachers.  Hindi rin sana ako tatakbo ng mabilis para lamang hindi ma-late sa klase. Ngunit hindi naman ako katulad niya. Isa lamang akong mababang uri ng mga taong-lobo; ang omega. At tanging ako na lamang ang nag-iisang omega sa aming pack. Dahil mababa ang aking rank ay kailangan ko mag-ingat na hindi nila ako mahanapan ng butas para muling kantiyawan at  pagtawanan. At kapag mahuli ako ngayon sa klase ay tiyak na kantiyaw at pang-iinsulto ang aabutin ko hindi lamang mula sa mga kaklase ko kundi maging sa mga guro at mga ka-schoolmate ko.

Paano ba naman kasi ako hindi mali-late sa pagpasok marami pa akong ginagawang trabaho sa malaking bahay nina Sir Keiver. Siya ang Beta ng aming pack at siyang nagpalaki sa akin. Bata pa lamang kasi ako ay naulila na ako sa aking mga magulang. Ang sabi sa akin ni Sir Keiver ay nakagawa raw ng malaking kasalanan ang mga magulang ko kaya ipinag-utos ng dating alpha na patayin ang lahat ng mga omega. Kaya walang natirang omega sa aming pack kundi ako lang. Naawa raw kasi sa akin si Sir Keiver dahil masyado pa raw akong bata para mamatay. Kaya ang ginawa niya ay nakiusap siya sa alpha na huwag na lamang akong patayin at hayaan na lamang siyang ampunin ako. Pumayag daw ang alpha kaya inampon nga ako ni Sir Keiver. Ngunit hindi naman niya ako inampon para maging isa sa dalawang anak niya kundi para maging alipin ng pamilya niya. At ngayon na dalaga na si Hillary ay ako ang ginawa niyang personal maid sa anak niya. 

Spoiled si Hillary. Palibhasa ay nag-iisang anak na babae at bunso pa ng beta na masyadong malapit sa aming alpha. Kung ano-ano ang iniuutos niya sa akin bago ako pumasok sa school para lamang ma-late ako at maparusahan kagaya ngayon. Inutusan niya akong mag-general cleaning ng kuwarto niya. Lahat ng kurtina sa kuwarto niya ay pinalabhan sa akin pati na rin bedsheet, kumot at punda. Ultimo basahan sa kuwarto niya ay hindi rin pinalampas at talagang pinalabhan din sa akin. Heto tuloy ako ngayon halos l***t na ang dila sa mabilis na pagtakbo para lamang hindi ako ma-late.

Isa rin naman akong taong-lobo kagaya nila pero hindi ko maintindihan kung bakit wala akong kakayahang tumakbo ng mabilis. Hindi ko rin kayang kontrolin ang isip ng iba na isa rin sa mga katangian ng mga taong-lobo. Hindi rin ako malakas dahil ang totoo ay may pagka-lampa ako. At higit sa lahat ay hindi ako marunong mag-shift ng anyo mula sa pagiging katawang-tao papuntang lobo. Isa iyon sa mga dahilan kung bakit ako pinagtatawanan ng mga kalahi ko. Sigurado naman ako na isa akong taong-lobo at ang magpapatunay sa katauhan ko ay si Sir Keiver. Ngunit bakit ganito ako? Bakit para lamang akong isang normal na tao? Ilang beses ko na iyang naitanong sa aking sarili ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin akong makuhang kasagutan sa tanong kong iyan. Kaya hinayaan ko na lamang at hindi na ako nag-isip pa ng maaaring maging sagot. Tinanggap ko na lamang na ganito ako. Isa na ngang mababang uri ng taong-lobo ay wala pang kakayahan na tinataglay ng isang taong-lobo.

"Yes! Malapit na ako," natutuwang sambit ko nang saglit akong huminto sa may fourth floor. Nasa pang-six floor kasi ang classroom namin. Akmang tatakbo na ulit ako nang  manlaki ang aking mga mata. Bigla kasing may sumalubong sa akin na lumilipad na mga hilaw na itlog mula sa itaas ng hagdanan paliko papuntang fifth floor. Dahil sa gulat ay na-off balance ako at napaupo sa sahig. Narinig ko ang tawanan ng mga estudyante mula sa itaas ng hagdan. Nang iangat ko ang mukha ko para tingnan kung sino-sino ang nagbato sa akin ng mga hilaw na itlog ay sinalubong naman ng isang over ripe na saging ang mukha ko. Inis na pinahid ko ang mga egg yolk na napunta sa aking mga mata. Buwisit! Mukhang mga bulok na itlog pa yata ang ibinato nila sa akin dahil naaamoy ko ang mabahong amoy ng itlog. "Wala ba kayong magawa sa buhay? Hindi ko naman kayo inaano kaya bakit niyo ako binato ng nga itlog at saging?" galit na sita ko sa mga estudyanteng nambato sa akin na ngayon ay naglalakad pababa sa may hagdan at nagtatawanan.

"Iyan ang bagay sa isang omega na kagaya mo. Binabato ng mga bulok na pagkain dahil bulok din naman ang pagkatao mo!" nakangising sigaw sa akin ni Cara na may hawak pang mga bulok na apple at ibinato rin sa akin. Mga kaklase ko pala ang mga estudyanteng nambato sa akin ng mga bulok na pagkain at pinangungunahan pa iyon ni Hillary.

"Pasalamat ka nga at hindi bato ang ibinato namin sa'yo kundi mga bulok na prutas lamang. At saka ano naman ngayon kung binato ka namin ng mga bulok na pagkain? Lalaban ka ba sa amin, Zeph?" nakangising sabi naman ni Hillary. Kumuha siya ng isa pang bulok na itlog at ibinato sa mukha ko. Hindi ako umilag dahil hindi ko siya puwedeng sawayin. Isa lamang niya akong alipin at wala akong karapatang magreklamo. Ngunit kung ang mga kasamahan niya ang babato ulit sa akin ay ibang usapan na iyon. Tahimik na lamang akong tumayo at pinag-aalis ang mabahong itlog na kumapit sa aking buhok at mukha.

Kahit na madalas nila akong inaapi dahil sa aking pinagmulan na mababang uri ay marunong din naman akong lumaban. Iyon nga lang ay palagi akong napaparusahan ni Sir Keiver kapag napapaaway ako dahil hindi naman niya ako kakampihan kahit na alam niyang hindi naman ako ang mali at nag-umpisa ng ng away.

"Kawawa ka naman, Zeph. Hindi ka na nga marunong magpalit ng anyo mo para maging lobo ay mamamatay ka pang mag-isa. Dahil ang isang omega na kagaya mo ay ipinanganak na walang mate," pang-iinsulto naman sa akin ni Duffy. 

Tama ang sinabi ni Duffy. Bilang omega ay wala akong itinadhana para maging mate ko. At iyon ang madalas nilang itukso sa akin. Ipinagmamalaki nila sa akin na pagsapit nila sa tamang edad ay magkakaroon sila ng mate samantalang ako ay mananatiling mag-isa at alipin habambuhay. Pero hindi naman ako nasasaktan na wala akong mate. Wala naman kasi akong paki kung makapag-asawa man ako o hindi. Hindi naman kasi nila ako kagaya na walang ibang ginawa kundi ang magpaganda at pag-usapan kung sino ang magiging mate nila.

"Ano naman ngayon kung wala akong mate, Duffy? Hindi bale na wala akong mate kaysa katulad mo na tatlong beses nireject ng mga sinasabi mong mate," ganting pang-iinsulto ko sa kanya. 

"How dare you say that to me! Isa ka lamang omega na walang kuwenta kaya wala kang karapatan na pagsalitaan ako ng ganyan," galit na duro sa akin ni Duffy habang nanlilisik ang mga mata. Mabilis siyang bumaba siyang nakababa sa hagdan at sinampal ako ng dalawang beses pagkatapos ay sinabunutan. Nasaktan man ay hindi ako nagpatalo. Hinila ko rin ang buhok niya at sinabunutan. Mabilis namang nagsipagbabaan ang iba pa naming kaklase at kasama na roon si Hillary pagkatapos ay pinagtulungan nila akong sampalin at sabunutan. 

Kahit marami sila na kumukuyog sa akin ay hindi ko ipinakita ang aking kahinaan. Ngunit nang biglang napunit sa may bandang dibdib ang suot kong pang-itaas na damit ay  hindi na ako nakalaban pa sa kanila. Hinahawakan ko kasi ang  napunit kong damit para huwag tuluyang mapunit dahil tiyak na mai-exposed ang aking dibdib kahit pa nakasuot naman ako ng bra. Natigil lamang ang ginagawa nilang pananakit sa akin nang biglang may tumikhim ng malakas mula sa itaas ng hagdan.

"A-Alpha Hunter," sambit ni Hillary. Sa halip na mag-angat ako ng mukha at tingnan ang mukha ng aming alpha na kinahuhumalingan ng halos lahat ng mga babaeng taong-lobo ay mas lalo kong iniyuko ang aking ulo at tinakpan ng mabuti ang aking dibdib para hindi nito makita.

"Losers," mahinang sambit ni Alpha Hunter nang mapatapat sa akin. Hindi ko alam kung sino ang sinasabihan niya dahil hindi ko naman nakikita kung kanino siya nakatingin. Ngunit sino pa nga ba ang pagsasabihan niya ng salitang iyon kundi ako lamang? Ako lang naman ang losers dito dahil ako lamang ang pinakamababa ang rank sa aming lahat. Although, hindi ko naman ikinakahiya na isa akobg omega dahil omega rin naman ang mga pumanaw kong magulang at parang ikakahiya ko rin sila kapag ikinahiya ko ang aking pinagmulan ngunit kung minsan ay nagtatanong ako sa ang aking sarili kung bakit sa dinami-rami ng mga taong-lobo sa mundo ay ako pa ang naging omega? 

Related chapters

  • The Omega's Destiny    Chapter 2

    Zeph PovSa guidance office kami humantong pagkatapos ng nangyaring gulo sa may hagdan. Nagalit ang principal ng aming school sa aming lahat at nagtanong kung sino ang pasimuno sa nangyaring gulo."Hindi niyo ba narinig ang tanong ko? Sino sa inyo ang nagpasimuno ng kaguluhan?" mataas ang boses na tanong ulit aming school principal na si Diosdada Labanan nang walang umimik sa amin maski sino. "O baka gusto niyo lahat kayo ay maparusahan?""Si Zeph ang nagpasimuno ng gulo, Ma'am Diosdada," bigla akong itinuro ni Duffy bilang pasimuno ng nangyaring gulo. Lihim akong napaismid. Akala mo kung sinong matapang iyon pala ay duwag. Ituturo ako bilang pasimuno sa takot na maparusahan. Kaya malakas ang loob niya na ituro ako dahil tiyak namang hindi ako papanigan ng aming principal. Isa lamang akong hamak na omega kaya para sa kanila ay okay lang na bully-hin nila ako. "Paanong ako ang nagsimula Duffy? Tingnan mo nga ang hitsura ninyo sa akin? Sa hitsura kong naligo sa mga bulok na itlog at pr

    Last Updated : 2022-12-12
  • The Omega's Destiny    Chapter 3

    Zeph PovPawisan at hinihingal na inilapag ko sa sahig ng rooftop garden ang pang-apat na paso na nadala ko papunta rito sa itaas. Malalaki ang paso at gawasa luwad na lupa kaya sobrang bigat. Nanginginig ang mga kalamnan ko at halos lumawit na ang dila ko sa sobrang pagod samantang sina Hillary ay pinagtatawanan ako habang nakatingin sila sa akin. Napaka-unfair talaga ng mundong ginagalawan ko. Ako na nga ang biktima ay ako pa ang naparusahan. At iyon ay dahil sa pagiging omega ko. Hindi ko na napigilan ang aking sarili at napahagulgol ako ng malakas habang nakaupo sa sahig. Masyado akong kinakawawa ng mundong ito. At ang masaklap pa ay wala man lang akong kakayahan para maipagtanggol ko ang aking sarili laban sa mga nambubully sa akin. Sa unang pagkakataon ay sinisi ko ang aking mga magulang kung bakit isinilang ako na isang omega. Bakit hindi na lamang ako naging anak ng isang gamma o di kaya ng isang neutral na werwolf gaya ng mga kaibigan nina Hillary at Duffy? Si Hillary ay ana

    Last Updated : 2022-12-13
  • The Omega's Destiny    Chapter 4

    Zeph PovIngay ng mga naglalabasang estudyante ang nagpabalik sa aking malay. Agad akong napabangon sa kinahihigaan kong upuan. Naalala ko na muntikan na akong mahulog kanina habang pilit kong inaabot ang panyo na ipinagamit ng lalaking hindi ko nakita ang mukha. Kung hindi sa taong nagmamay-ari ng malalakas na bisig ay baka tuluyan nga akong nahulog. Ngunit hindi man lang ako nakapagpasalamat sa ginawang pagliligtas niya sa akin dahil bigla na akong hinimatay. Hindi ko rin naman siya nagisnan nang pagbalikan na ako ng aking malay. Kaya kung sino man siya na may mabuting kalooban na nagligtas sa akin ay labis akong nagpapasalamat sa kanya.Dahil sa nangyari sa akin ay saka ko na-realized kung gaano ko pala kamahal ang buhay ko. Akala ko ay mas mabuting mamatay na lang ako kaysa palaging binubully at minamata ng aking mga kalahi ngunit nagkamali ako. Kahit ganito ang buhay ko ay mahal ko rin pala ang aking sarili. Pagkatapos kong iayos ng mabuti ang mga paso ay nagmamadali na akong bu

    Last Updated : 2022-12-15
  • The Omega's Destiny    Chapter 5

    Zeph PovHindi ko maiwasang mapatitig sa mukha ni Alpha Hunter na ngayon ay nakatitig din sa akin. Tunay ngang napaka-guwapo niya at ang isang katulad ni Hillary lamang na anak ng isang beta ang nababagay sa kanya. Maganda kasi si Hillary, matalino at anak ng pangalawa sa alpha na may pinakamataas na rank sa isang pack. Ang kaso ang panget ng ugali niya kaya hindi rin pala siya nararapat na maging luna ni Alpha Hunter. Medyo napangiwi ako sa huling mga sakita na naisip ko patungkol kay Hillary. Kung nababasa lamang niya ang aking isip ay natitiyak ko na kinalbo na niya ako ngayon. Pasalamat ako na walang sinuman ang may kakayahan na basahin ang nilalaman ng aking isipan. Bagama't hindi ko kaya ang mind reader na isa sa mga common abilities ng taong-lobo na may malakas na kapangyarihan ay hindi rin naman nila nababasa kung ano ang iniisip ko. Hindi ko alam kung bakit ganoon ngunit ipinagpapasalamat ko na walang nakakabasa sa aking isip lalo na sina Hillary at Sir Keiver. Dahil kung nag

    Last Updated : 2023-01-02
  • The Omega's Destiny    Chapter 6

    Alpha Hunter PovNasa loob kami nina Asher, Sami at Ruyi sa mini bar sa loob ng bahay ko at umiinom ng alak. Pagkagaling namin sa bahay ni Beta Keiver ay dito na kami dumiretso agad. Habang sinisimsim ko ang alak sa aking baso ay parang nakikita ko sa loob ng baso ang mukha ni Zeph. Napakaganda nito. Maliit lamang ang mukha nito na tila kasya lamang sa isa kong palad. Bilugan ang mga mata nito na binagayan ng mahaba at malalantik na pilik-mata. Katamtaman lamang ang tangos ng mukha nito at sa tingin ko ay bagay lamang sa kanyang mukha ang ganoon katangos na ilong. Mapupula ang mga labi nito na walang bahid ng anumang kolorete sa mga labi. May isang malalim na dimple ito sa gilid ng mga labi na hindi na kailangang sadyain pang ipakita para lamang mapansin ng mga tao dahil kusang lumalabas iyon sa tuwing siya ay nagsasalita. Makinis ang mamula-mula nitong balat. Ngunit natitiyak ko na may mga latay ito sa likuran na sanhi ng paghahagupit sa kanya ng latigo ni Beta Keiver. Natatago lama

    Last Updated : 2023-01-03
  • The Omega's Destiny    Chapter 7

    Zeph PovMasakit man ang aking katawan dahil sa mga latay ng latigo ni Sir Keiver ay wala akong choice kundi ang sundin ang kanyang ipinag-uutos. Inutusan niya akong dalhin sa kaibigan nitong si Amy ang isang bote ng pabango. Nakakatakot pa naman ang daan papunta sa bahay nina Amy dahil nasa loob ng masukal na kagubatan ang kanilang malaking bahay. May isa pang daan papunta sa bahay nina Amy na hindi dadaan sa masukal na kagubatan ngunit malayo naman iyon sa bahay nina Sir Keiver. Masyado na akong aabutan ng dilim kung iyon ang pipiliin ko. Kaya kahit na nakakatakot ang daanan na masukal ay iyon ang aking pinili dahil mas malapit iyon. Kung lumabas na sana ang aking kakayahan bilang taong-lobo ay mabilis sana akong makakarating sa bahay nina Amy. Kaso para lamang normal na tao ang aking lakas at ewan kung may kakayahan nga ba ako ng isang taong-lobo at hindi pa lamang lumalabas o sadyang wala talaga akong abilities katulad nila.Gusto ko sanang tanggihan si Hillary at sabihin sa kan

    Last Updated : 2023-01-03
  • The Omega's Destiny    Chapter 8

    Zeph PovNang muling maglakad palapit sa akin ang lalaki ay mabilis akong tumayo. Pasimpleng iniikot ko ang aking paningin sa aking paligid para alamin kung may bagay ba akong makikita na maaari kong gamitin laban sa kanya. Ngunit biglang tinakpan ng makapal na ulap ang buwan kaya biglang dumilim ang paligid. Hindi ko tuloy makita kung may bagay ba sa paligid ko na makakatulong sa akin para maipagtanggol ko ang aking sarili. Ngunit hindi ako pinanghinaan ng loob. Maraming pagsubok na akong dinaanan at hindi lang ito ang unang beses na may nagtangka ng masama laban sa akin ngunit lahat sila ay hindi nagtagumpay sa masama nilang plano sa akin. Kaya naniniwala ako na sa pagkakataong ito ay hindi rin magtatagumpay ang lalaking ito sa anumang binabalak niya laban sa akin.Katulad ng sinabi ko ay hindi lang ito ang unang beses na may nagtangka ng masama sa buhay ko dahil dalawang beses nang may inutusan si Hillary para turuan ako ng leksiyon. Iyong una ay itinulak ako sa mataas na hagdan sa

    Last Updated : 2023-01-04
  • The Omega's Destiny    Chapter 9

    Zeph PovNakaramdam ako ng kaligtasan nang makita kong biglang dumating si Alpha Hunter. Kahit isa akong omega ay miyembro pa rin ako ng kanyang pack kaya natitiyak ko na hindi niya ako pababayaan. Gusto kong maiyak nang tapunan niya ako ng tingin ngunit pinigilan ko ang aking sarili na gawin iyon. Higit sa lahat, ayokong makita ng kahit na sino na umiiyak ako. Iisipin nila na isa akong mahina kaya mas lalo lamang nila akong aapihin. Iyong time na nasaksihan ni Alpha Hunter ang pag-iyak ko ay hindi iyon sinasadya. Kung al ko lamang na hindi ako nag-iisa sa itaas ng rooftop ay pinigilan ko sana ang mapaiyak ng malakas."Do you have a death wish? Ang lakas ng loob mo na manakit ng miyembro ng aking pack at dito pa mismo sa aking teritoryo," madilim ang mukha at mapanganib ang boses na sita ni Alpha Hunter sa taong-lobo na nagtatangka ng masama laban sa akin. Dahil sa sinabi ni Alpha Hunter kaya nalaman ko na hindi pala miyembro ng Golden Wolf Pack ang lalaking ito na initusan ni Hilla

    Last Updated : 2023-01-07

Latest chapter

  • The Omega's Destiny    Chapter 24

    Zeph PovDahan-dahan akong umaatras habang dahan-dahan din namang naglalakad palapit sa akin si Hillary. Obvious sa mukha niya na may hindi magandang binabalak siyang gawin sa akin. "Lubayan niyo na ako, Hillary. Isa lang naman akong alipin kaya bakit ayaw niyo akong tigilan? Marami kayong alipin kaya hindi ako kawalan kahit na umalis man ako sa bahay ninyo, kaya please, hayaan niyo na ako sa gusto kong gawin," pakiusap ko kay Hillary. Hindi ko maintindihan kung bakit ipinagpipilitan nila akong bumalik sa bahay nila gayong marami naman silang mga alipin. Ano ba ang mapapala nila sa akin?"At ano ang gusto mong gawin, Zeph? Ang akitin si Alpha Hunter para makaalis ka na sa pagiging alipin mo? Para sabihin ko sa'yo, kahit ikaw ang maging luna niya ay hindi na mawawala ang pagiging alipin mo dahil nakatatak na iyan sa katauhan mo magmula nang isinilang ka sa mundong ito," nang-iinsulto ang tono ng boses na sabi niya sa akin. Ngunit kung inaaka niya na masasaktan ako sa mga sinabi niya

  • The Omega's Destiny    Chapter 23

    Keiver Pov"Ano ang sinabi mo? Ulitin mo nga ang sinabi mo, Hillary?" galit na tanong ko sa anak ko nang umuwi siya sa bahay dahil may mahalagang sasabihin daw siya sa akin. "Hindi na raw babalik pa rito si Zeph, Dad. Wala na raw siyang utang na loob sa'yo dahil nabayaran na raw niya iyon matagal na," pag-uulit ni Hillary sa sinabi niya sa akin pagdating niya agad. "Ang lakas ng loob niyang umalis dito sa atin. Kapag nakita ko siyang mag-isa lamang ay papatayin ko siya," nakakuyom ang kamao na dagdag pa nito."Sabihin mo sa kanya na gusto ko siyang makausap ngayon din! At kapag hindi siya sumunod ay mananagot siya sa akin," pigil ang galit na utos ko kay Hillary. Hindi maaaring umalis sa bahay ko si Zeph. Siya ang tunay na babaeng timutukoy sa prophecy kaya kailangan ko siyang bantayan palagi. Dapat pala ay pinatay ko na lamang siya matapos mailipat ni Urusula ang moon-shaped tattoo mula sa kanyang katawan papunta sa anak ko."Pero sinabi ko nansa kanya iyan, Dad. At matigas talaga a

  • The Omega's Destiny    Chapter 22

    Zeph PovParang walang nangyari na lumabas ako sa aking silid. Hindi ko na maramdaman ang sakit ng mga latay sa aking likuran kaya natitiyak kung magaling na ako. Ngunit hindi mawawala sa aking isip kung gaano kasakit sa pakiramdam habang nilalatigo ako. Alam ko na walang choice sina Sami at Ruyi kundi ang gawin ang kanilang tungkulin bilang executioner. At saka tama naman ang sinabi ni Alpha Hunter sa akin. Naramdaman ko rin na tila pinipigilan ng dalawa ang kanilang lakas habang nilalatigo ako. Sa lakas nilang dalawa ay baka nagkapira-piraso na ang laman ko sa tuwing tatamaan ng latigo kung hindi nila pinigilan ang kanilang lakas. Hindi ko alam kung bakit nila ginawa iyon. Hindi naman ako close sa kanilang dalawa at tanging si Alpha Hunter lamang ang nakakausap ko sa kanilang magkakaibigan."Saan ka pupunta. Zeph? Kailangan nating mag-usap," kausap ni Hillary sa akin nang makasalubong ko siya."Ano ang kailangan mo?" malamig ang boses na tanong ko sa kanya. Hindi ko na kailangang m

  • The Omega's Destiny    Chapter 21

    Zeph PovWala akong choice kundi kausapin si Alpha Hunter at aminin sa kanya na kusa akong nagboluntaryo na umakyat sa puno at siyang pumitas sa prutas ng amanpulo. Kapag hindi ko ito ginawa ay natitiyak ko napapatayin ako ni Sir Keiver. Dahil para kay Hillary ay gagawin ni Sir Keiver ang lahat mapasaya lamang ang anak niya at masunod ang kung ano mang gusto nito."Nagsasabi ka ba ng totoo, Zeph? Alam mo naman kung ano ang magiging parusa mo kapag magsinungaling ka iyong alpha," kausap sa akin ni Alpha Hunter. Nasa harapan nila ako at tila kriminal na ini-imbestigahan."N-Nagsasabi po ako ng totoo," mahinang sagot ko habang nakatungo ang aking ulo. Natatakot ako na baka ipagkanulo ako ng aking mga mata kapag sinalubong ko ang tingin ni Alpha Hunter. Magsinungaling man kasi ako ay malalaman niya pa rin kapag tiningnan niya ako sa mga mata. Hindi kasi kayang itago ng aking mga mata ang katotoohanan. "Narinig mo naman ang sinabi ng aking alipin, Alpha Hunter. Nagboluntaryo siya kaya hi

  • The Omega's Destiny    Chapter 20

    Beta Keiver PovKasalukuyan akong naghahapunan nang biglang dumating ang anak ko na umiiyak. Agad akong napatayo sa aking kinauupuan at nilapitan si Hillary para alamin kung ano ang dahilan ng kanyang pag-iyak at kung bakit umuwi siya sa bahay gayong hindi pa naman tapos ang contest sa pagpili ng magiging luna ni Alpha Hunter."Ano ang nangyari, Hillary? Bakit ka umiiyak?" nag-aalalang tanong ko sa kanya. Sa halip na sumagot ay bigla siyang yumakap sa akin at umiyak sa aking dibdib. Hinayaan ko munang palipasin ang bigat ng kanyang dibdib. Sasabihin din naman niya sa akin ang dahilan kung bakit siya umiyak kapag kalmado na siya. Nang humupa na ang nararamdaman ni Hillary ay kusa siyang kumalas sa pagkakayakap sa akin."Tinanggal ako ni Alpha Hunter sa mga candidate, Dad. Hindi raw kasi ako nakapasa sa kanyang pagsubok," pagsusumbong niya sa akin. "Buwisit kasi ang Zeph na iyon! Dahil sa kanya ay hindi tuloy ako nakapasa." galit na sumbong pa niya sa akin.Nakaramdam ako ng galit nang

  • The Omega's Destiny    Chapter 19

    Hunter PovMaingat na inilapag ko sa ibabaw ng kama ang walang malay na si Zeph. Nawalan siya ng malay hindi dahil sa takot sa kanyang pagkakahulog mula sa mataas na puno kundi dahil sa tuklaw ng ahas na Venomous. Ang ahas na iyon ang bantay sa prutas ng amanpulo. Naiiba ang ahas na ito dahil masyadong mahaba at mabilis itong kumilos. Nakita ni Zeph ang mahabang dila ng ahas ngunit natitiyak ko na hindi niya nakita at naramdaman na tinuklaw siya nito. Isa pa iyon sa katangian ng ahas na Venomous. Sa sobrang bilis ng galaw nito ay hindi nararamdaman ng tao na nakagat na pala ito ng ahas. Masyadong makamandag ang ahas na ito. Ngunit mabuti na lamang na ang juice ng prutas na amanpulo ay antidote sa kagat ng Venomous. Sa mga puno ng amanpulo lamang nakatira ang mga Venomous at naglalabas ang kanilang katawan ng kamandang na sinisipsip naman ng puno na napupunta naman sa bunga. Kaya mapanganib din ang prutas na ito at nakamamatay sa kapag nakain ng kahit na sino. Ngunit nagsisilbi naman

  • The Omega's Destiny    Chapter 18

    Zeph PovNag-umpisa na first round sa contest para sa pagpili ng magiging Luna ni Alpha Hunter. Ipinag-utos niya na kung sino man ang unang anim na makakakuha ng prutas na Amanpulo at makakapagdala sa kanya ay siyang pasok sa second round. Mahirap ang pinapagawa ni Alpha Hunter dahil sa pagkakaalam ko ay nasa gitna ng gubat ang iilan lamang na puno ng Amanpulo. Saka delikado sa gitna ng gubat dahil maraming mababangis na hayop. Oo nga't may dugong hayop din kami dahil mga taong-lobo kami ngunit nasa katawan kami ng tao kaya sakaling may makasagupa kaming mabangis na hayop ay tiyak na manganganib ang buhay namin. Ang mga taong-lobo na kagaya namin ay kaya lamang magpalit ng anyo kapag sumasapit ang fullmoon. Nakalimutan ko. Hindi nga pala ako kasali sa mga taong-lobo na kayang magpalit ng anyo at maging lobo dahil kahit kailan ay hindi pa ako nakakapag-shift ang anyo. Kaya hanggang ngayon ay pinagtatawanan nila ako at minamaliit."Bilisan mo nga ang paglalakad, Zeph! Bakit ba ang kupad

  • The Omega's Destiny    Chapter 17

    Zeph PovUnang araw ng pagtira ni Hillary sa bahay ni Alpha Hunter at siyempre ako rin. Marami ang nagpalista para sumali sa contest ngunit sampu lamang ang ang nakapasa. At kasama na roon sina Hillary at Duffy na biglang nag-iba ang turingan sa isa't isa magmula nang malaman nang una na interesado ang kaibigan niya na maging Luna ni Alpha Hunter sa halip na suportahan na lamang siya at i-cheer. Hindi man gusto ni Hillary na pati ang kaibigan niya ay karibal niya kay Alpha Hunter ay wala siyang magagawa kundi tanggapin na magkalaban sila ngayon sa iisang lalaki.Mula sa iba't ibang werewolf pack ang sumali ngunit hindi rin pinalad na mapasama sa top ten. Tanging si Alpha Hunter lamang ang nakakaalam kung paano ang gagawin niyang pagpili sa sampung kandidata at kung may ipagagawa ba ito sa kanila.Para sa akin ay nagsasayang lamang ng oras at panahon ang parehong panig. Ano ba ang makukuha kapag naging Luna na ni Alpha Hunter ang isang babae? Magkakaroon ba siya ng malakas na kapangyar

  • The Omega's Destiny    Chapter 16

    Alpha Hunter PovNaging usap-usapan ang nangyari sa birthday ni Hillary nang mga sumunod na araw. Lahat ay naniniwala na si Hillary ang babaeng nakatakda para maging aking Luna. Kung lahat sila ay naniniwala na si Hillary nga ang babaeng tinutukoy sa propesiya dahil sa paglitaw ng moon-shaped tattoo sa kanyanh noo ay hindi ako. Sa pagkakaalam ko ay mabait at mapagmahal ang aming moon goddess na siyang nagtataglay ng moon tattoo na iyon. Mahal niya hindi lamang ang mga taong-lobo kundi maging ang mga mortal. Natitiyak ko na pipili siya ng mabait at matinong babae para sa mission na iniatang niya sa mga balikat ng kung sino mang babaeng iyon. Si Hillary naman ay arogante, mapagmataas, at kayang gumawa ng hindi maganda laban sa kanyang kapwa. Kaya paano pipiliin ng aming moon goddess ang isang tulad niHillary na masama ang ugali para pagkaisahin ang lahat ng pack?Hindi magagawa ni Hillary ang nakasulat sa propesiya. Baka nga mas lalo lamang magkagulo ang lahat ng pack kapag siya ang aki

DMCA.com Protection Status