Share

Chapter 4

Author: iamsimple
last update Last Updated: 2022-12-15 15:31:40

Zeph Pov

Ingay ng mga naglalabasang estudyante ang nagpabalik sa aking malay. Agad akong napabangon sa kinahihigaan kong upuan. Naalala ko na muntikan na akong mahulog kanina habang pilit kong inaabot ang panyo na ipinagamit ng lalaking hindi ko nakita ang mukha. Kung hindi sa taong nagmamay-ari ng malalakas na bisig ay baka tuluyan nga akong nahulog. Ngunit hindi man lang ako nakapagpasalamat sa ginawang pagliligtas niya sa akin dahil bigla na akong hinimatay. Hindi ko rin naman siya nagisnan nang pagbalikan na ako ng aking malay. Kaya kung sino man siya na may mabuting kalooban na nagligtas sa akin ay labis akong nagpapasalamat sa kanya.

Dahil sa nangyari sa akin ay saka ko na-realized kung gaano ko pala kamahal ang buhay ko. Akala ko ay mas mabuting mamatay na lang ako kaysa palaging binubully at minamata ng aking mga kalahi ngunit nagkamali ako. Kahit ganito ang buhay ko ay mahal ko rin pala ang aking sarili. 

Pagkatapos kong iayos ng mabuti ang mga paso ay nagmamadali na akong bumaba sa rooftop garden para umuwi na sa bahay nina Hillary. Natitiyak ko na nakapagsumbong na ngayon si Hillary sa kanyang ama at malamang ay puro kasinungalingan na naman ang mga pinagsasasabi niya tungkol sa akin. Kaya inaasahan ko nang makakatanggap ako ng parusa mula kay Sir Keiver. At ang parusa niya sa akin ay sampung beses na paglatigo sa aking likuran. 

Ang galit na mukha ni Sir Keiver ang sumalubong sa akin pagdating ko sa bahay nila. Nakahanda na rin ang itim na latigo sa kanyang kanang kamay. 

"Bakit ba lagi mong pinapasakit ang ulo ko, Zeph? Kinakaladkad mo sa kahihiyan ang aking pangalan!" galit na kausap niya sa akin pagkapasok na pagkapasok ko sa sala ng bahay nila.

"Sir Keiver, wala po akong ginagawang masama. Wala po akong kasalanan sa nangyari. Ako nga po ang biktima rito. Tingnan niyo po ang aking hitsura. Natuyo na nga ang mga itlog sa aking katawan," pagtatanggol ko sa aking sarili.

"At ano ang ibig mong sabihin, Zeph? Na nagsinungaling sa akin ang anak ko? Na lahat ng mga isinumbong niya sa akin tungkol sa hindi magagandang pinagsasabi mo sa kanya ay pawang kasinungalingan lamang?" galit na singhal sa akin ni Sir Keiver. Hindi na lamang ako kumibo dahil tiyak na hindi naman niya paniniwalaan ang mga sasabihin ko sa kanya. Mas magiging malala lamang ang galit niya sa akin. "Alam mo kung ano ang naghihintay na kaparusahan mo, Zeph."

Napapikit ako at huminga ng malalim bago inilapag ko sa sofa ang aking bag at pagkatapos ay tumayo sa harapan niya ng patalikod. Hindi pa man lumalapat sa balat ko ang latigo napapangiwi na ang aking bibig. Ilang araw na naman akong magtitiis na mahapdi ang aking likuran kapag maliligo ako. Mariing nakagat ko ang aking pang-ibabang labi nang lumapat sa  aking likuran ang unang hataw ng latigo. Pakiramdam ko ay hinihiwa ng matalas na bagay ang aking balat. Kahit na ilang beses na akong nakatanggap ng ganitong parusa mula pagkabata hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nai-immune sa hapdi ng latay mula sa latigo. 

Bigla akong napaupo sa sahig nang tatlong magkakasunod na paglatigo ang ginawa ni Sir Keiver sa katawan ko. Gusto kong humiyaw sa sakit ngunit  idinaan ko na lamang sa pagkagat sa aking mga labi. Kapag humiyaw kasi ako ay mas lalo lamang lalakasan ni Sir Keiver ang ginagawa niyang paglatigo sa katawan ko. Naudlot ang ginagawa niya nang biglang lapitan siya ni Darla at kinakabahang kinausap. 

"S-Sir Keiver, nandito po si Alpha Hunter," pagbabalita ni Darla kay Sir Keiver. Si Darla ay isang maid ngunit isa siyang neutral werewolf. Ibig sabihin ay wala silang rank ngunit may mayayaman at makapangyarihan sa kanila at puwede rin namang may mahirap at mahina katulad ni Darla. Ngunit hindi sila katulad ko na isang omega na siyang pinakamababang rank sa aming lahi.

"Hunter! Bakitka nandito? Dinadalaw mo ba ako?" tanong ni Hillary kay Alpha Hunter pagpasok nito sa may sala ng bahay. Nakahinga naman ako ng maluwag. Kahit paano ay natigil ang ginagawang paghagupit ni Sir Keiver sa katawan ko kaya nakapagpahinga ako mula sa sakit ng latigo. 

Good afternoon, Keiver," bati ni Alpha Hunter kay Sir Keiver. Hindi pinansin ni Alpha Hunter ang ginawang pagbati sa kanya ni Hillary kaya natitiyak kong nakasimangot ngayon ang babae.

Pamilyar sa akin ang boses ni Alpha Hunter kaya gusto ko sana siyang lingunin para makita ko ang kanyang mukha ngunit alam ko na kapag lumingon ako sa kanya ay madaragdagan lamang ang bilang ng paghahagupit ni Sir Keiver sa katawan ko kaya nanatili na lamang akong nakayuko habang nakasalampak sa sahig.

Bumati rin ang mga kasama niAlpha Hunter nang may paggalang sa kanilang boses dahil mas mataas ang rank ni Sir Keiver sa kanilang tatllo. Sina Asher, Sami at Ruyi, ang matalik na kaibigan ni Alpha Hunter. Kilala ko sila dahil ilang beses ko na silang nakita sa school. At saka sikat silang tatlo sa school namin lalo na si Alpha Hunter. Lagi silang pinag-uusapan dahil sa taglay nilang kakisigan at tapang. 

"Good afternoon din, Alpha Hunter at pati na rin sa inyong tatlo. Pasensiya na kayo at ganito ang naabutan ninyong eksena sa bahay ko. Binibigyan ko lamang ng parusa itong aking alipin para magtanda na hindi na ulitin pa ang ginawa niyang pagkakamali," paumanhin ni Sir Keiver sa mga bagong dating. "Ano na nga pala ang maipaglilingkod ko sa'yo?"

"Hindi naman masyadong mahalaga. Kukunin ko lang naman ang isang bagay na aking pag-aari na nasa kamay ng iyong alipin," sagot ni Alpha Hunter kay Sir Keiver. 

Bagay na kanyang pag-aari na nasa akin? Ano iyon? Hindi ko mapigilan ang mapaisip kung anong bagay na pag-aari ng aming alpha ang nasa akin?

"At ano naman ang ninakaw mula sa'yo ng aking alipin, Alpha Hunter? Sabihin mo lang at puputulin ko ang mga kamay ni Zeph para hindi na siya magnakaw ulit," tanong ni Sir Keiver sa tonong galit ngunit hindi para sa alpha na kaharap niya kundi para sa akin. Bigla naman akong kinabahan. Paano kung totohanin nga ni Sir Keiver ang sinabi niya na puputulin niya ang mga kamay ko? Wala naman akong ninakaw mula sa aming alpha. Hindi malakas ang loob ko para magnakaw sa alpha namin at higit sa lahat ay hindi ko kayang magnakaw sa kahit kanino.

"Hindi lang pala masama ang ugali mo kundi magnanakaw ka rin pala, Zeph," nang-iinsulto ang tono na wika ni Hillary sa akin pagkatapos ay binalingan ang kanyang ama. "Sig, Dad. Putulin mo ang isang kamay ni Zeph para hindi na siya makapagnakaw ulit. Masisira ang pangalan mo nang dahil sa kanya." 

"Oh, no. Don't misunderstood. Ang bagay na kukuhanin ko lang naman sa kanya ay ang aking panyo. Naiwan ko kasi sa rooftop ang panyo ko at may nakapagsabi sa akin na si Zeph daw ng nakapulot niyon kaya pinuntahan ko siya rito para kuhanin ang panyo ko."

Nasa akin ang panyo ni Alpha Hunter? Wala naman akong napulot na panyo mula sa rooftop kanina maliban sa panyo na ibinigay sa akin ng lalaking hindi ko nakita ang mukha. Ibinigay niya iyon sa akin para gawing pamunas sa aking mga luha at hindi pinulot. Biglang nanlaki ang aking mga mata nang maisip ko na ang lalaking nagbigay ng panyo sa akin kanina sa rooftop ay walang iba kundi si Alpha Hunter. Sa isiping iyon ay nag-angat ako ng ulo at lumingon. Nakasalubong ng aking mga mata ang malalim at kulay gintong mga mata ng aming alpha. Tama nga ang sinasabi ng lahat na sobrang kisig ng aming alpha. Dahil ngayong nakita ko na ang mukha niya ay masasabi kong napaka-perpekto ng mukha niya mula sa makakapal na kilay, magandang mga mata, matangosna ilong at mapupulang mga labi. Hindi ko akalain na makakakita ako ng taong- lobo na perpekto ang anyo.

"Nasa sa'yo raw ang panyo ni Alpha Hunter, Zeph. Ibalik mo sa kanya ngayon din," utos sa akin ni Hillary na matalim ang pagkakatingin sa akin. Naudlot tuloy ang ginagawa kong pagtitig sa mukha ni Alpha Hunter nang magsalita si Hillary. Nagmamadali namang kinuha ko ang panyo sa loob ng aking bag para ipakita sa aming alpha. Saglit akong natigilan nang maalala kong hindi ko nga pala nakuha ang panyo dahil muntikan na akong mahulog at hinimatay pa ako. Ngunit nagtaka ako nang makita ko ang panyo sa loob ng aking bag. Bakit nasa loob ng bag ko ang panyong ito? Ipinilig ko ang mahina ang aking ulo. Hindi na mahalaga kung bakit napunta sa loob ng bag ko ang panyo dahil ang mas mahalaga ay maibalik ko ito sa may-ari.

"Ito ang panyo na nasa akin at hindi ko alam kung sino ang may-ari nito," kausap ko kay Alpha Hunter sabay pakita sa panyong hawak ko. Hindi ako sigurado kung siya at ang lalaking nagbigay sa akin ng panyo ay iisa dahil hindi ko pa naman nakikita ang mukha niya at hindi ko rin nakita ang mukha ng may-ari ng panyong hawak ko.

Lumapit sa akin si Alpha Hunter pagkatapos ay inabot ang panyo. "Ito nga ang aking panyo," sagot niya habang nakatitig ng deretso sa aking mga mata.

Biglang bumilis ang tibok ng aking puso nang makumpirma kong si Alpha Hunter at ang lalaking nagbigay sa akin ng panyo ay iisa. Pero bakit niya ipinahiram sa akin ang kanyang panyo? Ako na isang aliping omega? At hindi nga ba't sinabihan niya akong "losers" nang dumaan siya sa tapat ko kanina? 

Related chapters

  • The Omega's Destiny    Chapter 5

    Zeph PovHindi ko maiwasang mapatitig sa mukha ni Alpha Hunter na ngayon ay nakatitig din sa akin. Tunay ngang napaka-guwapo niya at ang isang katulad ni Hillary lamang na anak ng isang beta ang nababagay sa kanya. Maganda kasi si Hillary, matalino at anak ng pangalawa sa alpha na may pinakamataas na rank sa isang pack. Ang kaso ang panget ng ugali niya kaya hindi rin pala siya nararapat na maging luna ni Alpha Hunter. Medyo napangiwi ako sa huling mga sakita na naisip ko patungkol kay Hillary. Kung nababasa lamang niya ang aking isip ay natitiyak ko na kinalbo na niya ako ngayon. Pasalamat ako na walang sinuman ang may kakayahan na basahin ang nilalaman ng aking isipan. Bagama't hindi ko kaya ang mind reader na isa sa mga common abilities ng taong-lobo na may malakas na kapangyarihan ay hindi rin naman nila nababasa kung ano ang iniisip ko. Hindi ko alam kung bakit ganoon ngunit ipinagpapasalamat ko na walang nakakabasa sa aking isip lalo na sina Hillary at Sir Keiver. Dahil kung nag

    Last Updated : 2023-01-02
  • The Omega's Destiny    Chapter 6

    Alpha Hunter PovNasa loob kami nina Asher, Sami at Ruyi sa mini bar sa loob ng bahay ko at umiinom ng alak. Pagkagaling namin sa bahay ni Beta Keiver ay dito na kami dumiretso agad. Habang sinisimsim ko ang alak sa aking baso ay parang nakikita ko sa loob ng baso ang mukha ni Zeph. Napakaganda nito. Maliit lamang ang mukha nito na tila kasya lamang sa isa kong palad. Bilugan ang mga mata nito na binagayan ng mahaba at malalantik na pilik-mata. Katamtaman lamang ang tangos ng mukha nito at sa tingin ko ay bagay lamang sa kanyang mukha ang ganoon katangos na ilong. Mapupula ang mga labi nito na walang bahid ng anumang kolorete sa mga labi. May isang malalim na dimple ito sa gilid ng mga labi na hindi na kailangang sadyain pang ipakita para lamang mapansin ng mga tao dahil kusang lumalabas iyon sa tuwing siya ay nagsasalita. Makinis ang mamula-mula nitong balat. Ngunit natitiyak ko na may mga latay ito sa likuran na sanhi ng paghahagupit sa kanya ng latigo ni Beta Keiver. Natatago lama

    Last Updated : 2023-01-03
  • The Omega's Destiny    Chapter 7

    Zeph PovMasakit man ang aking katawan dahil sa mga latay ng latigo ni Sir Keiver ay wala akong choice kundi ang sundin ang kanyang ipinag-uutos. Inutusan niya akong dalhin sa kaibigan nitong si Amy ang isang bote ng pabango. Nakakatakot pa naman ang daan papunta sa bahay nina Amy dahil nasa loob ng masukal na kagubatan ang kanilang malaking bahay. May isa pang daan papunta sa bahay nina Amy na hindi dadaan sa masukal na kagubatan ngunit malayo naman iyon sa bahay nina Sir Keiver. Masyado na akong aabutan ng dilim kung iyon ang pipiliin ko. Kaya kahit na nakakatakot ang daanan na masukal ay iyon ang aking pinili dahil mas malapit iyon. Kung lumabas na sana ang aking kakayahan bilang taong-lobo ay mabilis sana akong makakarating sa bahay nina Amy. Kaso para lamang normal na tao ang aking lakas at ewan kung may kakayahan nga ba ako ng isang taong-lobo at hindi pa lamang lumalabas o sadyang wala talaga akong abilities katulad nila.Gusto ko sanang tanggihan si Hillary at sabihin sa kan

    Last Updated : 2023-01-03
  • The Omega's Destiny    Chapter 8

    Zeph PovNang muling maglakad palapit sa akin ang lalaki ay mabilis akong tumayo. Pasimpleng iniikot ko ang aking paningin sa aking paligid para alamin kung may bagay ba akong makikita na maaari kong gamitin laban sa kanya. Ngunit biglang tinakpan ng makapal na ulap ang buwan kaya biglang dumilim ang paligid. Hindi ko tuloy makita kung may bagay ba sa paligid ko na makakatulong sa akin para maipagtanggol ko ang aking sarili. Ngunit hindi ako pinanghinaan ng loob. Maraming pagsubok na akong dinaanan at hindi lang ito ang unang beses na may nagtangka ng masama laban sa akin ngunit lahat sila ay hindi nagtagumpay sa masama nilang plano sa akin. Kaya naniniwala ako na sa pagkakataong ito ay hindi rin magtatagumpay ang lalaking ito sa anumang binabalak niya laban sa akin.Katulad ng sinabi ko ay hindi lang ito ang unang beses na may nagtangka ng masama sa buhay ko dahil dalawang beses nang may inutusan si Hillary para turuan ako ng leksiyon. Iyong una ay itinulak ako sa mataas na hagdan sa

    Last Updated : 2023-01-04
  • The Omega's Destiny    Chapter 9

    Zeph PovNakaramdam ako ng kaligtasan nang makita kong biglang dumating si Alpha Hunter. Kahit isa akong omega ay miyembro pa rin ako ng kanyang pack kaya natitiyak ko na hindi niya ako pababayaan. Gusto kong maiyak nang tapunan niya ako ng tingin ngunit pinigilan ko ang aking sarili na gawin iyon. Higit sa lahat, ayokong makita ng kahit na sino na umiiyak ako. Iisipin nila na isa akong mahina kaya mas lalo lamang nila akong aapihin. Iyong time na nasaksihan ni Alpha Hunter ang pag-iyak ko ay hindi iyon sinasadya. Kung al ko lamang na hindi ako nag-iisa sa itaas ng rooftop ay pinigilan ko sana ang mapaiyak ng malakas."Do you have a death wish? Ang lakas ng loob mo na manakit ng miyembro ng aking pack at dito pa mismo sa aking teritoryo," madilim ang mukha at mapanganib ang boses na sita ni Alpha Hunter sa taong-lobo na nagtatangka ng masama laban sa akin. Dahil sa sinabi ni Alpha Hunter kaya nalaman ko na hindi pala miyembro ng Golden Wolf Pack ang lalaking ito na initusan ni Hilla

    Last Updated : 2023-01-07
  • The Omega's Destiny    Chapter 10

    Zeph PovPagdating ko sa bahay nina Hillary ay bigla siyang napasimangot nang makita niya ako. "Bakit buhay ka pa?" matalim ang tingin na sita niya sa akin. "Ang ibig kong sabihin ay mabuti at walang nangyari sa'yo sa daan. Pasusundan na sana kita kay Melong ngunit naisip ko na baka magkaiba kayo ng dadaanan magkasalungat pa kayo kaya hindi ko na lamang siya pinasunod sa'yo," biglang bawi ni Hillary. Mabilis ding nawala ang talim sa kanyang tingin ngunit makikita pa rin ang disappointment sa kanyang mukha. Iniisip siguro niya na uuwi ako sa bahay nila na punit-punit ang damit at bugbog-sarado. O baka iniisip niya na hindi na ako makakauwi pa sa bahay nila."Siyempre buhay pa ako. Ngunit muntik na akong mapahamak dahil sa isang Dust Wolf na nagtangka ng masama laban sa akin. Nguniy hindi siya nagtagumpay dahil dumating si Alpha Hunter at iniligtas niya ako," pagbabalita ko sa kanya. Biglang namutla ang mukha ni Hillary nang marinig ang pangalan ni Alpha Hunter. Alam kong natatakot at

    Last Updated : 2023-01-07
  • The Omega's Destiny    Chapter 11

    Keiver PovKakagaling ko pa lamang sa bahay ng isa sa pinagkakatiwalaan kong tauhan dahil pinag-usapan namin kung paano namin masisira ang pangalan ni Alpha Hunter. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin matanggap na siya ang naging alpha sa halip na ako. Hindi ko matanggap na nasa ilalim ako ng pamamahala ng isang teenager. Malaki ang naging ambag ko kung bakit ang ama ni Alpha Hunter ang naging alpha noon. Ginawa ko ang lahat para maging matatag siya sa kanyang posisyon bilang alpha. Sinunod ang lahat ng mga ipinag-utos niya sa akin at nagpaalipin ako sa kanya dahil umasa ako na kapag namatay siya ay ako ang ipapalit niya sa kanya bilang bagong alpha ng Golden Wolf Pack. Ngunit sa aking malaking pagkadismaya ay ipinamana niya ang titulo sa kanyang legitimate na anak na noon ay maglalabinwalong taong gulang pa lamang. Bagama't malakas at matapang si Hunter ay hindi ko pa rin siya gusto na siyang papalit na maging alpha ng aming pack. Maliban sa masyado siyang bata pa ay sobrang malaki n

    Last Updated : 2023-01-08
  • The Omega's Destiny    Chapter 12

    Beta Keiver PovMatapos pumasok sa isip ko ang isang ideya ay agad akong lumabas sa kuwarto ni Zeph at iniwan siya para puntahan ang taong makakatulong sa akin para maisakatuparan ko ang binabalak kong gawin. Ilang minuto lamang ay nakarating ako sa isang bahay na nasa gitna ng gubat. Gawa ang bahay sa pinagtagni-tagning palapa ng niyog ngunit maganda ang pagkakagawa kahit luma na iyon. Sa labas pa lamang ng bahay ay nararamdaman ko nna agad ang malamig na aura na nagmumula sa loob ng bahay. At ang nagmamay-ari ng bahay na ito ay walang iba kundi si Urusula. Ang kinatatakutang witch sa lugar namin. Malupit kasi ito kaya iniiwasan ng lahat ang mapagawi sa lugar kung saan nakatayo ang bahay niya.Madalas ay nananatili lamang si Urusula sa loob ng bahay niya dahil natatakot siya na makasalubong niya si Alpha Hunter. Ang batang alpha namin ang tanging kinatatakutang nilalang ni Urusula. Kahit anong kapangyarihan kasi ang gamitin niya laban kay Alpha Hunter ay hindi ito tinatalaban. Hindi

    Last Updated : 2023-01-10

Latest chapter

  • The Omega's Destiny    Chapter 24

    Zeph PovDahan-dahan akong umaatras habang dahan-dahan din namang naglalakad palapit sa akin si Hillary. Obvious sa mukha niya na may hindi magandang binabalak siyang gawin sa akin. "Lubayan niyo na ako, Hillary. Isa lang naman akong alipin kaya bakit ayaw niyo akong tigilan? Marami kayong alipin kaya hindi ako kawalan kahit na umalis man ako sa bahay ninyo, kaya please, hayaan niyo na ako sa gusto kong gawin," pakiusap ko kay Hillary. Hindi ko maintindihan kung bakit ipinagpipilitan nila akong bumalik sa bahay nila gayong marami naman silang mga alipin. Ano ba ang mapapala nila sa akin?"At ano ang gusto mong gawin, Zeph? Ang akitin si Alpha Hunter para makaalis ka na sa pagiging alipin mo? Para sabihin ko sa'yo, kahit ikaw ang maging luna niya ay hindi na mawawala ang pagiging alipin mo dahil nakatatak na iyan sa katauhan mo magmula nang isinilang ka sa mundong ito," nang-iinsulto ang tono ng boses na sabi niya sa akin. Ngunit kung inaaka niya na masasaktan ako sa mga sinabi niya

  • The Omega's Destiny    Chapter 23

    Keiver Pov"Ano ang sinabi mo? Ulitin mo nga ang sinabi mo, Hillary?" galit na tanong ko sa anak ko nang umuwi siya sa bahay dahil may mahalagang sasabihin daw siya sa akin. "Hindi na raw babalik pa rito si Zeph, Dad. Wala na raw siyang utang na loob sa'yo dahil nabayaran na raw niya iyon matagal na," pag-uulit ni Hillary sa sinabi niya sa akin pagdating niya agad. "Ang lakas ng loob niyang umalis dito sa atin. Kapag nakita ko siyang mag-isa lamang ay papatayin ko siya," nakakuyom ang kamao na dagdag pa nito."Sabihin mo sa kanya na gusto ko siyang makausap ngayon din! At kapag hindi siya sumunod ay mananagot siya sa akin," pigil ang galit na utos ko kay Hillary. Hindi maaaring umalis sa bahay ko si Zeph. Siya ang tunay na babaeng timutukoy sa prophecy kaya kailangan ko siyang bantayan palagi. Dapat pala ay pinatay ko na lamang siya matapos mailipat ni Urusula ang moon-shaped tattoo mula sa kanyang katawan papunta sa anak ko."Pero sinabi ko nansa kanya iyan, Dad. At matigas talaga a

  • The Omega's Destiny    Chapter 22

    Zeph PovParang walang nangyari na lumabas ako sa aking silid. Hindi ko na maramdaman ang sakit ng mga latay sa aking likuran kaya natitiyak kung magaling na ako. Ngunit hindi mawawala sa aking isip kung gaano kasakit sa pakiramdam habang nilalatigo ako. Alam ko na walang choice sina Sami at Ruyi kundi ang gawin ang kanilang tungkulin bilang executioner. At saka tama naman ang sinabi ni Alpha Hunter sa akin. Naramdaman ko rin na tila pinipigilan ng dalawa ang kanilang lakas habang nilalatigo ako. Sa lakas nilang dalawa ay baka nagkapira-piraso na ang laman ko sa tuwing tatamaan ng latigo kung hindi nila pinigilan ang kanilang lakas. Hindi ko alam kung bakit nila ginawa iyon. Hindi naman ako close sa kanilang dalawa at tanging si Alpha Hunter lamang ang nakakausap ko sa kanilang magkakaibigan."Saan ka pupunta. Zeph? Kailangan nating mag-usap," kausap ni Hillary sa akin nang makasalubong ko siya."Ano ang kailangan mo?" malamig ang boses na tanong ko sa kanya. Hindi ko na kailangang m

  • The Omega's Destiny    Chapter 21

    Zeph PovWala akong choice kundi kausapin si Alpha Hunter at aminin sa kanya na kusa akong nagboluntaryo na umakyat sa puno at siyang pumitas sa prutas ng amanpulo. Kapag hindi ko ito ginawa ay natitiyak ko napapatayin ako ni Sir Keiver. Dahil para kay Hillary ay gagawin ni Sir Keiver ang lahat mapasaya lamang ang anak niya at masunod ang kung ano mang gusto nito."Nagsasabi ka ba ng totoo, Zeph? Alam mo naman kung ano ang magiging parusa mo kapag magsinungaling ka iyong alpha," kausap sa akin ni Alpha Hunter. Nasa harapan nila ako at tila kriminal na ini-imbestigahan."N-Nagsasabi po ako ng totoo," mahinang sagot ko habang nakatungo ang aking ulo. Natatakot ako na baka ipagkanulo ako ng aking mga mata kapag sinalubong ko ang tingin ni Alpha Hunter. Magsinungaling man kasi ako ay malalaman niya pa rin kapag tiningnan niya ako sa mga mata. Hindi kasi kayang itago ng aking mga mata ang katotoohanan. "Narinig mo naman ang sinabi ng aking alipin, Alpha Hunter. Nagboluntaryo siya kaya hi

  • The Omega's Destiny    Chapter 20

    Beta Keiver PovKasalukuyan akong naghahapunan nang biglang dumating ang anak ko na umiiyak. Agad akong napatayo sa aking kinauupuan at nilapitan si Hillary para alamin kung ano ang dahilan ng kanyang pag-iyak at kung bakit umuwi siya sa bahay gayong hindi pa naman tapos ang contest sa pagpili ng magiging luna ni Alpha Hunter."Ano ang nangyari, Hillary? Bakit ka umiiyak?" nag-aalalang tanong ko sa kanya. Sa halip na sumagot ay bigla siyang yumakap sa akin at umiyak sa aking dibdib. Hinayaan ko munang palipasin ang bigat ng kanyang dibdib. Sasabihin din naman niya sa akin ang dahilan kung bakit siya umiyak kapag kalmado na siya. Nang humupa na ang nararamdaman ni Hillary ay kusa siyang kumalas sa pagkakayakap sa akin."Tinanggal ako ni Alpha Hunter sa mga candidate, Dad. Hindi raw kasi ako nakapasa sa kanyang pagsubok," pagsusumbong niya sa akin. "Buwisit kasi ang Zeph na iyon! Dahil sa kanya ay hindi tuloy ako nakapasa." galit na sumbong pa niya sa akin.Nakaramdam ako ng galit nang

  • The Omega's Destiny    Chapter 19

    Hunter PovMaingat na inilapag ko sa ibabaw ng kama ang walang malay na si Zeph. Nawalan siya ng malay hindi dahil sa takot sa kanyang pagkakahulog mula sa mataas na puno kundi dahil sa tuklaw ng ahas na Venomous. Ang ahas na iyon ang bantay sa prutas ng amanpulo. Naiiba ang ahas na ito dahil masyadong mahaba at mabilis itong kumilos. Nakita ni Zeph ang mahabang dila ng ahas ngunit natitiyak ko na hindi niya nakita at naramdaman na tinuklaw siya nito. Isa pa iyon sa katangian ng ahas na Venomous. Sa sobrang bilis ng galaw nito ay hindi nararamdaman ng tao na nakagat na pala ito ng ahas. Masyadong makamandag ang ahas na ito. Ngunit mabuti na lamang na ang juice ng prutas na amanpulo ay antidote sa kagat ng Venomous. Sa mga puno ng amanpulo lamang nakatira ang mga Venomous at naglalabas ang kanilang katawan ng kamandang na sinisipsip naman ng puno na napupunta naman sa bunga. Kaya mapanganib din ang prutas na ito at nakamamatay sa kapag nakain ng kahit na sino. Ngunit nagsisilbi naman

  • The Omega's Destiny    Chapter 18

    Zeph PovNag-umpisa na first round sa contest para sa pagpili ng magiging Luna ni Alpha Hunter. Ipinag-utos niya na kung sino man ang unang anim na makakakuha ng prutas na Amanpulo at makakapagdala sa kanya ay siyang pasok sa second round. Mahirap ang pinapagawa ni Alpha Hunter dahil sa pagkakaalam ko ay nasa gitna ng gubat ang iilan lamang na puno ng Amanpulo. Saka delikado sa gitna ng gubat dahil maraming mababangis na hayop. Oo nga't may dugong hayop din kami dahil mga taong-lobo kami ngunit nasa katawan kami ng tao kaya sakaling may makasagupa kaming mabangis na hayop ay tiyak na manganganib ang buhay namin. Ang mga taong-lobo na kagaya namin ay kaya lamang magpalit ng anyo kapag sumasapit ang fullmoon. Nakalimutan ko. Hindi nga pala ako kasali sa mga taong-lobo na kayang magpalit ng anyo at maging lobo dahil kahit kailan ay hindi pa ako nakakapag-shift ang anyo. Kaya hanggang ngayon ay pinagtatawanan nila ako at minamaliit."Bilisan mo nga ang paglalakad, Zeph! Bakit ba ang kupad

  • The Omega's Destiny    Chapter 17

    Zeph PovUnang araw ng pagtira ni Hillary sa bahay ni Alpha Hunter at siyempre ako rin. Marami ang nagpalista para sumali sa contest ngunit sampu lamang ang ang nakapasa. At kasama na roon sina Hillary at Duffy na biglang nag-iba ang turingan sa isa't isa magmula nang malaman nang una na interesado ang kaibigan niya na maging Luna ni Alpha Hunter sa halip na suportahan na lamang siya at i-cheer. Hindi man gusto ni Hillary na pati ang kaibigan niya ay karibal niya kay Alpha Hunter ay wala siyang magagawa kundi tanggapin na magkalaban sila ngayon sa iisang lalaki.Mula sa iba't ibang werewolf pack ang sumali ngunit hindi rin pinalad na mapasama sa top ten. Tanging si Alpha Hunter lamang ang nakakaalam kung paano ang gagawin niyang pagpili sa sampung kandidata at kung may ipagagawa ba ito sa kanila.Para sa akin ay nagsasayang lamang ng oras at panahon ang parehong panig. Ano ba ang makukuha kapag naging Luna na ni Alpha Hunter ang isang babae? Magkakaroon ba siya ng malakas na kapangyar

  • The Omega's Destiny    Chapter 16

    Alpha Hunter PovNaging usap-usapan ang nangyari sa birthday ni Hillary nang mga sumunod na araw. Lahat ay naniniwala na si Hillary ang babaeng nakatakda para maging aking Luna. Kung lahat sila ay naniniwala na si Hillary nga ang babaeng tinutukoy sa propesiya dahil sa paglitaw ng moon-shaped tattoo sa kanyanh noo ay hindi ako. Sa pagkakaalam ko ay mabait at mapagmahal ang aming moon goddess na siyang nagtataglay ng moon tattoo na iyon. Mahal niya hindi lamang ang mga taong-lobo kundi maging ang mga mortal. Natitiyak ko na pipili siya ng mabait at matinong babae para sa mission na iniatang niya sa mga balikat ng kung sino mang babaeng iyon. Si Hillary naman ay arogante, mapagmataas, at kayang gumawa ng hindi maganda laban sa kanyang kapwa. Kaya paano pipiliin ng aming moon goddess ang isang tulad niHillary na masama ang ugali para pagkaisahin ang lahat ng pack?Hindi magagawa ni Hillary ang nakasulat sa propesiya. Baka nga mas lalo lamang magkagulo ang lahat ng pack kapag siya ang aki

DMCA.com Protection Status