Zeph PovWala akong choice kundi kausapin si Alpha Hunter at aminin sa kanya na kusa akong nagboluntaryo na umakyat sa puno at siyang pumitas sa prutas ng amanpulo. Kapag hindi ko ito ginawa ay natitiyak ko napapatayin ako ni Sir Keiver. Dahil para kay Hillary ay gagawin ni Sir Keiver ang lahat mapasaya lamang ang anak niya at masunod ang kung ano mang gusto nito."Nagsasabi ka ba ng totoo, Zeph? Alam mo naman kung ano ang magiging parusa mo kapag magsinungaling ka iyong alpha," kausap sa akin ni Alpha Hunter. Nasa harapan nila ako at tila kriminal na ini-imbestigahan."N-Nagsasabi po ako ng totoo," mahinang sagot ko habang nakatungo ang aking ulo. Natatakot ako na baka ipagkanulo ako ng aking mga mata kapag sinalubong ko ang tingin ni Alpha Hunter. Magsinungaling man kasi ako ay malalaman niya pa rin kapag tiningnan niya ako sa mga mata. Hindi kasi kayang itago ng aking mga mata ang katotoohanan. "Narinig mo naman ang sinabi ng aking alipin, Alpha Hunter. Nagboluntaryo siya kaya hi
Zeph PovParang walang nangyari na lumabas ako sa aking silid. Hindi ko na maramdaman ang sakit ng mga latay sa aking likuran kaya natitiyak kung magaling na ako. Ngunit hindi mawawala sa aking isip kung gaano kasakit sa pakiramdam habang nilalatigo ako. Alam ko na walang choice sina Sami at Ruyi kundi ang gawin ang kanilang tungkulin bilang executioner. At saka tama naman ang sinabi ni Alpha Hunter sa akin. Naramdaman ko rin na tila pinipigilan ng dalawa ang kanilang lakas habang nilalatigo ako. Sa lakas nilang dalawa ay baka nagkapira-piraso na ang laman ko sa tuwing tatamaan ng latigo kung hindi nila pinigilan ang kanilang lakas. Hindi ko alam kung bakit nila ginawa iyon. Hindi naman ako close sa kanilang dalawa at tanging si Alpha Hunter lamang ang nakakausap ko sa kanilang magkakaibigan."Saan ka pupunta. Zeph? Kailangan nating mag-usap," kausap ni Hillary sa akin nang makasalubong ko siya."Ano ang kailangan mo?" malamig ang boses na tanong ko sa kanya. Hindi ko na kailangang m
Keiver Pov"Ano ang sinabi mo? Ulitin mo nga ang sinabi mo, Hillary?" galit na tanong ko sa anak ko nang umuwi siya sa bahay dahil may mahalagang sasabihin daw siya sa akin. "Hindi na raw babalik pa rito si Zeph, Dad. Wala na raw siyang utang na loob sa'yo dahil nabayaran na raw niya iyon matagal na," pag-uulit ni Hillary sa sinabi niya sa akin pagdating niya agad. "Ang lakas ng loob niyang umalis dito sa atin. Kapag nakita ko siyang mag-isa lamang ay papatayin ko siya," nakakuyom ang kamao na dagdag pa nito."Sabihin mo sa kanya na gusto ko siyang makausap ngayon din! At kapag hindi siya sumunod ay mananagot siya sa akin," pigil ang galit na utos ko kay Hillary. Hindi maaaring umalis sa bahay ko si Zeph. Siya ang tunay na babaeng timutukoy sa prophecy kaya kailangan ko siyang bantayan palagi. Dapat pala ay pinatay ko na lamang siya matapos mailipat ni Urusula ang moon-shaped tattoo mula sa kanyang katawan papunta sa anak ko."Pero sinabi ko nansa kanya iyan, Dad. At matigas talaga a
Zeph PovDahan-dahan akong umaatras habang dahan-dahan din namang naglalakad palapit sa akin si Hillary. Obvious sa mukha niya na may hindi magandang binabalak siyang gawin sa akin. "Lubayan niyo na ako, Hillary. Isa lang naman akong alipin kaya bakit ayaw niyo akong tigilan? Marami kayong alipin kaya hindi ako kawalan kahit na umalis man ako sa bahay ninyo, kaya please, hayaan niyo na ako sa gusto kong gawin," pakiusap ko kay Hillary. Hindi ko maintindihan kung bakit ipinagpipilitan nila akong bumalik sa bahay nila gayong marami naman silang mga alipin. Ano ba ang mapapala nila sa akin?"At ano ang gusto mong gawin, Zeph? Ang akitin si Alpha Hunter para makaalis ka na sa pagiging alipin mo? Para sabihin ko sa'yo, kahit ikaw ang maging luna niya ay hindi na mawawala ang pagiging alipin mo dahil nakatatak na iyan sa katauhan mo magmula nang isinilang ka sa mundong ito," nang-iinsulto ang tono ng boses na sabi niya sa akin. Ngunit kung inaaka niya na masasaktan ako sa mga sinabi niya
Zeph Pov Lakad-takbo ang ginagawa ko sa loob ng building para lamang hindi ako mahuli sa klase. Ilang minuto na lamang ay malapit na akong ma-late. Strict pa naman ang teacher namin na si Mr. Edgardo Sison. Kapag ma-late ang kahit na sinong estudyante ay hindi na niya pinapapasok pa. Walang kinakatakutan si Mr. Sison maliban kay Alpha Hunter. Ang pinakabatang alpha ng Golden Wolf Pack. Kahit na hindi ko pa siya nakikita ay alam kong guwapo siya, matapang at isa sa pinakamayang alpha sa bayan namin. Madalas ko kasing marinig ang pangalan niya na topic ng kuwentuhan ng mga estudyante. Lalong-lalo na ng mga babae. Lahat sila ay kinikilig kapag nakikita nila si Alpha Hunter. Kung ang mga babae ay kinikilig kay Alpha Hunter ay pinangingilagan naman ito ng ibang mga lalaki at lalong-lalo na ng mga alpha ng ibang wolf pack. Kahit bata pa kasi si Alpha Hunter ay marami na siyang tinalo na mga alpha sa iba't ibang wolf pack kaya naman iginagalang siya ng labis ng aming pack at kinakatakutan n
Zeph PovSa guidance office kami humantong pagkatapos ng nangyaring gulo sa may hagdan. Nagalit ang principal ng aming school sa aming lahat at nagtanong kung sino ang pasimuno sa nangyaring gulo."Hindi niyo ba narinig ang tanong ko? Sino sa inyo ang nagpasimuno ng kaguluhan?" mataas ang boses na tanong ulit aming school principal na si Diosdada Labanan nang walang umimik sa amin maski sino. "O baka gusto niyo lahat kayo ay maparusahan?""Si Zeph ang nagpasimuno ng gulo, Ma'am Diosdada," bigla akong itinuro ni Duffy bilang pasimuno ng nangyaring gulo. Lihim akong napaismid. Akala mo kung sinong matapang iyon pala ay duwag. Ituturo ako bilang pasimuno sa takot na maparusahan. Kaya malakas ang loob niya na ituro ako dahil tiyak namang hindi ako papanigan ng aming principal. Isa lamang akong hamak na omega kaya para sa kanila ay okay lang na bully-hin nila ako. "Paanong ako ang nagsimula Duffy? Tingnan mo nga ang hitsura ninyo sa akin? Sa hitsura kong naligo sa mga bulok na itlog at pr
Zeph PovPawisan at hinihingal na inilapag ko sa sahig ng rooftop garden ang pang-apat na paso na nadala ko papunta rito sa itaas. Malalaki ang paso at gawasa luwad na lupa kaya sobrang bigat. Nanginginig ang mga kalamnan ko at halos lumawit na ang dila ko sa sobrang pagod samantang sina Hillary ay pinagtatawanan ako habang nakatingin sila sa akin. Napaka-unfair talaga ng mundong ginagalawan ko. Ako na nga ang biktima ay ako pa ang naparusahan. At iyon ay dahil sa pagiging omega ko. Hindi ko na napigilan ang aking sarili at napahagulgol ako ng malakas habang nakaupo sa sahig. Masyado akong kinakawawa ng mundong ito. At ang masaklap pa ay wala man lang akong kakayahan para maipagtanggol ko ang aking sarili laban sa mga nambubully sa akin. Sa unang pagkakataon ay sinisi ko ang aking mga magulang kung bakit isinilang ako na isang omega. Bakit hindi na lamang ako naging anak ng isang gamma o di kaya ng isang neutral na werwolf gaya ng mga kaibigan nina Hillary at Duffy? Si Hillary ay ana
Zeph PovIngay ng mga naglalabasang estudyante ang nagpabalik sa aking malay. Agad akong napabangon sa kinahihigaan kong upuan. Naalala ko na muntikan na akong mahulog kanina habang pilit kong inaabot ang panyo na ipinagamit ng lalaking hindi ko nakita ang mukha. Kung hindi sa taong nagmamay-ari ng malalakas na bisig ay baka tuluyan nga akong nahulog. Ngunit hindi man lang ako nakapagpasalamat sa ginawang pagliligtas niya sa akin dahil bigla na akong hinimatay. Hindi ko rin naman siya nagisnan nang pagbalikan na ako ng aking malay. Kaya kung sino man siya na may mabuting kalooban na nagligtas sa akin ay labis akong nagpapasalamat sa kanya.Dahil sa nangyari sa akin ay saka ko na-realized kung gaano ko pala kamahal ang buhay ko. Akala ko ay mas mabuting mamatay na lang ako kaysa palaging binubully at minamata ng aking mga kalahi ngunit nagkamali ako. Kahit ganito ang buhay ko ay mahal ko rin pala ang aking sarili. Pagkatapos kong iayos ng mabuti ang mga paso ay nagmamadali na akong bu
Zeph PovDahan-dahan akong umaatras habang dahan-dahan din namang naglalakad palapit sa akin si Hillary. Obvious sa mukha niya na may hindi magandang binabalak siyang gawin sa akin. "Lubayan niyo na ako, Hillary. Isa lang naman akong alipin kaya bakit ayaw niyo akong tigilan? Marami kayong alipin kaya hindi ako kawalan kahit na umalis man ako sa bahay ninyo, kaya please, hayaan niyo na ako sa gusto kong gawin," pakiusap ko kay Hillary. Hindi ko maintindihan kung bakit ipinagpipilitan nila akong bumalik sa bahay nila gayong marami naman silang mga alipin. Ano ba ang mapapala nila sa akin?"At ano ang gusto mong gawin, Zeph? Ang akitin si Alpha Hunter para makaalis ka na sa pagiging alipin mo? Para sabihin ko sa'yo, kahit ikaw ang maging luna niya ay hindi na mawawala ang pagiging alipin mo dahil nakatatak na iyan sa katauhan mo magmula nang isinilang ka sa mundong ito," nang-iinsulto ang tono ng boses na sabi niya sa akin. Ngunit kung inaaka niya na masasaktan ako sa mga sinabi niya
Keiver Pov"Ano ang sinabi mo? Ulitin mo nga ang sinabi mo, Hillary?" galit na tanong ko sa anak ko nang umuwi siya sa bahay dahil may mahalagang sasabihin daw siya sa akin. "Hindi na raw babalik pa rito si Zeph, Dad. Wala na raw siyang utang na loob sa'yo dahil nabayaran na raw niya iyon matagal na," pag-uulit ni Hillary sa sinabi niya sa akin pagdating niya agad. "Ang lakas ng loob niyang umalis dito sa atin. Kapag nakita ko siyang mag-isa lamang ay papatayin ko siya," nakakuyom ang kamao na dagdag pa nito."Sabihin mo sa kanya na gusto ko siyang makausap ngayon din! At kapag hindi siya sumunod ay mananagot siya sa akin," pigil ang galit na utos ko kay Hillary. Hindi maaaring umalis sa bahay ko si Zeph. Siya ang tunay na babaeng timutukoy sa prophecy kaya kailangan ko siyang bantayan palagi. Dapat pala ay pinatay ko na lamang siya matapos mailipat ni Urusula ang moon-shaped tattoo mula sa kanyang katawan papunta sa anak ko."Pero sinabi ko nansa kanya iyan, Dad. At matigas talaga a
Zeph PovParang walang nangyari na lumabas ako sa aking silid. Hindi ko na maramdaman ang sakit ng mga latay sa aking likuran kaya natitiyak kung magaling na ako. Ngunit hindi mawawala sa aking isip kung gaano kasakit sa pakiramdam habang nilalatigo ako. Alam ko na walang choice sina Sami at Ruyi kundi ang gawin ang kanilang tungkulin bilang executioner. At saka tama naman ang sinabi ni Alpha Hunter sa akin. Naramdaman ko rin na tila pinipigilan ng dalawa ang kanilang lakas habang nilalatigo ako. Sa lakas nilang dalawa ay baka nagkapira-piraso na ang laman ko sa tuwing tatamaan ng latigo kung hindi nila pinigilan ang kanilang lakas. Hindi ko alam kung bakit nila ginawa iyon. Hindi naman ako close sa kanilang dalawa at tanging si Alpha Hunter lamang ang nakakausap ko sa kanilang magkakaibigan."Saan ka pupunta. Zeph? Kailangan nating mag-usap," kausap ni Hillary sa akin nang makasalubong ko siya."Ano ang kailangan mo?" malamig ang boses na tanong ko sa kanya. Hindi ko na kailangang m
Zeph PovWala akong choice kundi kausapin si Alpha Hunter at aminin sa kanya na kusa akong nagboluntaryo na umakyat sa puno at siyang pumitas sa prutas ng amanpulo. Kapag hindi ko ito ginawa ay natitiyak ko napapatayin ako ni Sir Keiver. Dahil para kay Hillary ay gagawin ni Sir Keiver ang lahat mapasaya lamang ang anak niya at masunod ang kung ano mang gusto nito."Nagsasabi ka ba ng totoo, Zeph? Alam mo naman kung ano ang magiging parusa mo kapag magsinungaling ka iyong alpha," kausap sa akin ni Alpha Hunter. Nasa harapan nila ako at tila kriminal na ini-imbestigahan."N-Nagsasabi po ako ng totoo," mahinang sagot ko habang nakatungo ang aking ulo. Natatakot ako na baka ipagkanulo ako ng aking mga mata kapag sinalubong ko ang tingin ni Alpha Hunter. Magsinungaling man kasi ako ay malalaman niya pa rin kapag tiningnan niya ako sa mga mata. Hindi kasi kayang itago ng aking mga mata ang katotoohanan. "Narinig mo naman ang sinabi ng aking alipin, Alpha Hunter. Nagboluntaryo siya kaya hi
Beta Keiver PovKasalukuyan akong naghahapunan nang biglang dumating ang anak ko na umiiyak. Agad akong napatayo sa aking kinauupuan at nilapitan si Hillary para alamin kung ano ang dahilan ng kanyang pag-iyak at kung bakit umuwi siya sa bahay gayong hindi pa naman tapos ang contest sa pagpili ng magiging luna ni Alpha Hunter."Ano ang nangyari, Hillary? Bakit ka umiiyak?" nag-aalalang tanong ko sa kanya. Sa halip na sumagot ay bigla siyang yumakap sa akin at umiyak sa aking dibdib. Hinayaan ko munang palipasin ang bigat ng kanyang dibdib. Sasabihin din naman niya sa akin ang dahilan kung bakit siya umiyak kapag kalmado na siya. Nang humupa na ang nararamdaman ni Hillary ay kusa siyang kumalas sa pagkakayakap sa akin."Tinanggal ako ni Alpha Hunter sa mga candidate, Dad. Hindi raw kasi ako nakapasa sa kanyang pagsubok," pagsusumbong niya sa akin. "Buwisit kasi ang Zeph na iyon! Dahil sa kanya ay hindi tuloy ako nakapasa." galit na sumbong pa niya sa akin.Nakaramdam ako ng galit nang
Hunter PovMaingat na inilapag ko sa ibabaw ng kama ang walang malay na si Zeph. Nawalan siya ng malay hindi dahil sa takot sa kanyang pagkakahulog mula sa mataas na puno kundi dahil sa tuklaw ng ahas na Venomous. Ang ahas na iyon ang bantay sa prutas ng amanpulo. Naiiba ang ahas na ito dahil masyadong mahaba at mabilis itong kumilos. Nakita ni Zeph ang mahabang dila ng ahas ngunit natitiyak ko na hindi niya nakita at naramdaman na tinuklaw siya nito. Isa pa iyon sa katangian ng ahas na Venomous. Sa sobrang bilis ng galaw nito ay hindi nararamdaman ng tao na nakagat na pala ito ng ahas. Masyadong makamandag ang ahas na ito. Ngunit mabuti na lamang na ang juice ng prutas na amanpulo ay antidote sa kagat ng Venomous. Sa mga puno ng amanpulo lamang nakatira ang mga Venomous at naglalabas ang kanilang katawan ng kamandang na sinisipsip naman ng puno na napupunta naman sa bunga. Kaya mapanganib din ang prutas na ito at nakamamatay sa kapag nakain ng kahit na sino. Ngunit nagsisilbi naman
Zeph PovNag-umpisa na first round sa contest para sa pagpili ng magiging Luna ni Alpha Hunter. Ipinag-utos niya na kung sino man ang unang anim na makakakuha ng prutas na Amanpulo at makakapagdala sa kanya ay siyang pasok sa second round. Mahirap ang pinapagawa ni Alpha Hunter dahil sa pagkakaalam ko ay nasa gitna ng gubat ang iilan lamang na puno ng Amanpulo. Saka delikado sa gitna ng gubat dahil maraming mababangis na hayop. Oo nga't may dugong hayop din kami dahil mga taong-lobo kami ngunit nasa katawan kami ng tao kaya sakaling may makasagupa kaming mabangis na hayop ay tiyak na manganganib ang buhay namin. Ang mga taong-lobo na kagaya namin ay kaya lamang magpalit ng anyo kapag sumasapit ang fullmoon. Nakalimutan ko. Hindi nga pala ako kasali sa mga taong-lobo na kayang magpalit ng anyo at maging lobo dahil kahit kailan ay hindi pa ako nakakapag-shift ang anyo. Kaya hanggang ngayon ay pinagtatawanan nila ako at minamaliit."Bilisan mo nga ang paglalakad, Zeph! Bakit ba ang kupad
Zeph PovUnang araw ng pagtira ni Hillary sa bahay ni Alpha Hunter at siyempre ako rin. Marami ang nagpalista para sumali sa contest ngunit sampu lamang ang ang nakapasa. At kasama na roon sina Hillary at Duffy na biglang nag-iba ang turingan sa isa't isa magmula nang malaman nang una na interesado ang kaibigan niya na maging Luna ni Alpha Hunter sa halip na suportahan na lamang siya at i-cheer. Hindi man gusto ni Hillary na pati ang kaibigan niya ay karibal niya kay Alpha Hunter ay wala siyang magagawa kundi tanggapin na magkalaban sila ngayon sa iisang lalaki.Mula sa iba't ibang werewolf pack ang sumali ngunit hindi rin pinalad na mapasama sa top ten. Tanging si Alpha Hunter lamang ang nakakaalam kung paano ang gagawin niyang pagpili sa sampung kandidata at kung may ipagagawa ba ito sa kanila.Para sa akin ay nagsasayang lamang ng oras at panahon ang parehong panig. Ano ba ang makukuha kapag naging Luna na ni Alpha Hunter ang isang babae? Magkakaroon ba siya ng malakas na kapangyar
Alpha Hunter PovNaging usap-usapan ang nangyari sa birthday ni Hillary nang mga sumunod na araw. Lahat ay naniniwala na si Hillary ang babaeng nakatakda para maging aking Luna. Kung lahat sila ay naniniwala na si Hillary nga ang babaeng tinutukoy sa propesiya dahil sa paglitaw ng moon-shaped tattoo sa kanyanh noo ay hindi ako. Sa pagkakaalam ko ay mabait at mapagmahal ang aming moon goddess na siyang nagtataglay ng moon tattoo na iyon. Mahal niya hindi lamang ang mga taong-lobo kundi maging ang mga mortal. Natitiyak ko na pipili siya ng mabait at matinong babae para sa mission na iniatang niya sa mga balikat ng kung sino mang babaeng iyon. Si Hillary naman ay arogante, mapagmataas, at kayang gumawa ng hindi maganda laban sa kanyang kapwa. Kaya paano pipiliin ng aming moon goddess ang isang tulad niHillary na masama ang ugali para pagkaisahin ang lahat ng pack?Hindi magagawa ni Hillary ang nakasulat sa propesiya. Baka nga mas lalo lamang magkagulo ang lahat ng pack kapag siya ang aki