"Kawawa naman ang baby Gheron ko, pinagalitan ni Mrs. Ajinomoto Vetsin Magic Sarap."Ito ang eksatong narinig niya kay Judith nung papasok na siya ng banyo para mag-half bath. Natapos din ang araw at nagkaroon siya ng pera. Bukas na bukas din ay magpapadala siya pero hindi niya uubusin lahat. Para kung humingi ulit ang kaniyang Ina, may mapagkukunan pa siya kahit birthday gift ang perang iyon."Oo nga eh, nakita ko siyang pinatawag ng team leader natin at kakausapin daw ni Superior. Iyon pala ay pinagalitan siya. Kawawa naman ang baby ko.""Excuse me, baby ko 'yon." Maarteng singit ng isa pa nilang kasama."Anong sa 'yo? Akin kamo. Nakita mo 'yon kanina, ningitian at kinindatan niya ako?""Baliw ka ba, sa 'kin siya ngumiti. Kapal ng mukha mo."Mga bata! Napailing siya. Paano na kang kung sabihin niya sa mga ito na siya ang sinabihan ng 'I like you' ni Gheron? Baka nangisay na ang mga ito at mag-iiyak.Minsan, mga babae rin mismo ang nagpapahamak sa kanilang mga sarili. Siguro para sa
Napakunot ang noo ni Marie nang mag-pop ang message request sa messenger niya. Timingnan niya ito, Gal Vensson ang nakalagay na pangalan. Nagkibit siya ng balikat at hinayaan ito. Hindi siya nag-aaksya ng oras makipag-chat sa mga taong hindi niya kilala. Kakatapos lang nila mag-chat ng kaniyang kapatid kaya ngayon day-off niya, magpapadala agad siya ng pera."Maria..."Hindi siya sumagot. Naghintay siya ng susunod na sasabihin ni Judith."Pagkatapos mo rito sa Japan, saan ka mag-aabroad sa susunod? Dito pa rin ba o sa US?" panimula nito."Matulog ka na.""Pero gusto kong malaman kung saan nga.""Sa bundok, magkakatol.""Seryuso?"Hindi niya pinansin ang kaibigan. Pinatay niya ang cellphone at nilagay ito sa ilalim ng kaniyang unan. Matutulog na siya at hahayaan niya si Judith na magsalita nang magsalita hanggang sa mapagod ito at magdesisyon matulog.Kinabukasan, maaga pa lang. Naghanda na siya papuntang Green House. Nakakatamad man dahil na rin sa temperatura pero wala, kailangan niy
Nakangising pinagmasdan ni Gallagher ang kaniyang lumang mumurahin cellphone na pwedeng i-donate na sa museum sa kalumaan. Pero sa casing lang ito mukhang luma, ang totoo niyan, latest iPhone ang gamit niya.Sinubukan niya ulit chinat si Marie kahit alam niyang wala siyang makuhang reply nito sa Facebook, na hanggang ngayon ay medyo nahihirapan siya sa paggamit ng messenger. Nasanay siyang hologram call ang gamit sa tuwing kausap ang Dark X.Hi!Ito ang unang pambungad niya. Nagbilang siya sa isip at inorasan iyon bago niya sinundan ulit ng panibagong mensahe.I know I sounds creepy, but I want you to be my friend.Walang sagot. Nagkibit siya ng balikat at nagpasyang pasukin ang cellphone ng babae gamit ang kaniyang laptop. Pakikinggan niya ang pinag-uusapan ng mga ito sa loob ng silid kasama ang ibang staff.Hacking is one of his thing. Pero oras na malaman ni Yx na ginamit niya itong kakayahan niya sa babae na naman, parusang assignment ibibigay nito.Kinuha niya ang kaniyang wirele
Deritso siyang nagtungo sa island kung saan ang pribadong quarter nila. Pagmamay-ari ito ni Yx at hindi hamak ang kayamanan meron ang lalaki. Secured ang buong isla at lahat ng mga nakikitang gamit at nakatayo sa isla na iyon ay high technology. Wala basta-bastang makakapasok na kahit sino."Hey?" Kunot ang noong napatingin sa kaniya si Maccabi. "You're here?"Napakunot naman siya ng noo. Naabutan niya itong nakahiga sa isang hammock at nagbabasa ng isang libro. Tumigil lang ito saglit nang makita siya at tiningnan siya na parang nagulat sa kaniyang presinsya."Am I not allowed to step my ass here?" asik niya kay Maccabi na pa-chill lang sa duyan.Umiling naman ito at nagkibit ng balikat. "I'm busy reading this. Sorry, who you?"Tiningnan niya ng masama si Maccabi at dumeritso na sa loob ng opisina ni Yx. Maaga pa naman pero mag-rereport lang siya sa lalaki at baka makakatikim na naman siya ng masakit na sipa nito. Mapanakit si Yx pero minsan lang at mapanakit lang pagdating sa kanila
"Fight back Gal!" Nakangising saad ni Magnar.Ngumisi naman siya at mabilis din itong inundayan ng suntok sa mukha. Magpapatayan sila nito!"Ouch! Come on dude, fight back!" malakas na sigaw ni Tiverius kay Magnar.Napatingin siya kay Tiverius na ngayon ay dala-dala pa rin ang dark chocolate nitong tinempla. Dalawa na ang nanonood sa kanila at mas maganda iyon para kung magpatayan sila ng tuluyan magkaibigan, kaniya-kaniyang libing na libing na lang ang mga 'to sa kanila.Para silang batang nagsuntukan ni Magnar sa buhanginan, madaling araw at parang tangang nagtatagisan kung sino ang matapang. Habang ang dalawang kaibigan nila ay kaniya-kaniyang pustahan at pinagkikitaan sila. Sa bawat suntok na matatamo nila, nagpupustahan ang mga ito ng limang piso."Tangina! Tatlong tama kay Gallagher. Kinse pesos, Tiverius. Bigay mo na agad.""Utangin ko muna, pre. Nasa alkansya ko kasi.""Gagawin kong alkansya 'yang katawan mo 'pag 'di ka agad nagbayad sa 'kin.""Tangina mo talaga." Agad naglaba
Napatingin si Gallagher sa kaniyang suot na pang-magsasaka. Hindi siya nagmukhang magsasakang tingnan kaya ginulo niya ang kaniyang buhok. Hanggang balikat ito at minsan tinatali lang niya.Inabot niya ang kaniyang round hat at nilagay sa ulo. Inayos din niya ang pagkakatupi ng mahabang manggas na damit. Ang suot niyang pantalon ay isang kupasin na matagal ng pinaglumaan ng panahon. Walang pwedeng makahalata na isa lamang siyang nagpapanggap na magsasaka sa lugar na ito. Mawawalan ng excitement ang kaniyang gagawin kapag nangyari iyon.Gamit ang besikleta ng kompanya, deretso niyang tinungo ang Village farm para magsimula sa araw na ito. Hindi niya ramdam ang antok. Nasanay na rin ang kaniyang katawan na paminsan-minsan lang natutulog. Sa daming gagawin sa organisasyon at sa Silver Garden, ang matulog ang isa sa pinakaimposibleng gawin."Hi, Gheron!""Good morning handsome!""Gheron, may pandesal ka ba?"Simpatikong ngumiti siya sa mga kababaehan na nagsimulang magpa-cute sa kaniya ng
MADILIM ang anyo ni Marie habang sakay siya sa truck papuntang City. Iniwasan niya si Gheron dahil sa kakulitan nito, pero heto at naging kasama pa niya sa loob ng isang oras papuntang Furano."Anong gagawin mo pala sa Furano?" tanong nito habang nagmamaneho. Saglit itong sumulyap sa kaniya.Hindi siya nagsalita. Wala siyang pakialam sa presinsya ng lalaki. Ang gusto lang niya ay ma-withdraw ang pera at makapagpadala sa pamilya sa probinsya. Hindi nga siya nakapagpalit ng kasuotan. Hindi naman ito mahalaga. Minsan nga, inaasar na siya ni Judith na papunta na siya sa pagiging manang. Maliban sa wala na siyang ka-choice-choice paano manamit, hindi rin siya marunong mag-ayos ng sarili. Kaya nakakapagtaka kung bakit maraming gustong pumorma sa kaniya kung alam naman ng mga ito na hindi siya maganda."Mabuti na lang at ako ang natukang magmaneho ngayon. Absent kasi ang isa sa driver, may sakit daw kaya ako muna ang inassign ng Team Leader. I'm glad, kasama kita papuntang Furano. Masaya ang
Ibaba mo nga ako!" Nagpipigil siyang gumawa ng eksina. Kaya kahit umusok na ang kaniyang ilong at gusto niyang magwala sa nakakahiyang eksenang ginawa ni Gheron, wala siyang magawa kundi ang hinaan ang boses para hindi sila masyadong makatawag-pansin sa mga taong nando'n."I won't," kkangising saad nito at balewala rito ang kaniyang bigat. "You will go with me instead of taking that taxi."Mas lalong napanting ang kaniyang teynga. Kulang na lang ay hampasin niya ang ulo nito gamit ang kaniyang kamay pero hindi niya magawa. "Gheron. Ibaba. Mo. Ako.""My name sound so sexy. Do it again." Ngumiti ito at kinindatan siya.Kumunot ang kaniyang noo. Hindi niya makuha ang ibig sabihin nitong sexy."Say, 'Gheron ibaba mo ako please,' again." Ang lawak nang ngiti nito. Pwede na siyang lunukin."Isa!""Alam mo nung nag-aral ako sa primary school, ang teacher namin ang takot 'pag ako ang nagbilang." Nagsimulang humakbang si Gheron na pangko-pangko siya at balewala rito ang paninilat niya ng mata.
“Ano? Okay na ba kayong dalawa? Mabuti naman at makakatulog na ako ng mahimbing nito. Hindi na ako susundutin ng konsensya ko.” nakahingang saad ni Magnar. Nakaharap sa mga ito ang phone niya at naka-live pa rin ang mga ito gamit sa Facebook niyang kagagawa lang kanina. Gamit niya ang pangalang 'Magnesiumʼ. “Mga ka-viewers, 'yan pala ang dalawang lovebirds. Nagkasakitan muna bago nagbalikan. Kita niyo ang dalawang 'yan? Parang mga tanga lang. Ayawan bago balikan. Kaya ayuko magmahal kasi ganiyan mangyayari sa'kin—— awts! Tangina mo nambato pa!” inis na lumayo siya sa mga ito. Vlogger siya ngayon. “Kilala niyo ang lalaking 'yan? Kaibigan ko 'yan na pinagselusan ako. Hahah. Bobo amputa! Anyways, maganda kasi ang Mariebabes pancakes honey loves so sweet niya kaya ganiyan siya kabaliw.”“Umalis ka nga rito!” asik sa kaniya ni Gallagher.“Masaya ka lang, eh. Taena mo ito na, aalis na!” mabilis niyang saad nang akmang batuhin siya nito ng prutas.Lumayo siya sa mga ito at nagtungo sa sala.
Sabay silang nagtawanan dalawa ng babaeng mahal niya at para mas lalong mapapasana all ang kaibigan, walang sabing tinawid niya ang pagitan ng labi nila ni Marie. Kung alam lang pala niya na sa ganitong paraan siya papatawarin ng dalaga, nag-live na siya sa facebook at nagkunwaring tumalon mula sa roof top ng building noon."Don't be mad at me Gal, Marie. Ang totoo niyan, buong mundo ang nakapanood sa inyo ngayon.""The hell?!""Ano!""Isang buong gabi lang ito." Humalakhak ito. "I'll delete it by morning, swear." Nagtaas ito ng kamayna parang nangangako.Hindi na sila umimik dalawa. Muli niyang hinarap ang dalaga at tinawid ulit ang pagitan ng kanilang labi at mariin itong hinalikan. Parang may fireworks ang kaniyang puso nang tugunin nito ang halik na binigay niya at mas marubdob na paraan. Halik na kay tagal nilang tinitimpi ang isa't isa at wala silang pakialam kung nasa live video sila ni Magnar. Maiinggit ito.Natigil lang sila nang tumunog ang kaniyan tiyan. Natawa siya nang du
Isang malakas na suntok ang tumama sa mukha ni Gallagher nang maiahon siya ni Magnar sa ilalim ng tubig. Galit itong nagsisigaw sa mukha niya habang sinuntok ulit ang kaniyang mukha at niyugyog ang kaniyang balikat."Stupid! Are you trying to kill yourself?! Gago ka na ba talaga, ha, Gal? Tangina mo! Tangina mo talaga!"Nagmulat siya ng mata at nakita niya si Magnar na galit na galit. Nakaupo na ito sa kaniyang tabi at basang-basa. Dahan-dahan siyang bumangon at napahawak sa kaniyang panga. Ngayon siya ulit nakatikim ng suntok mula sa kaibigan."Masakit," usal niya.Napasinghot naman ito at binatukan siya. "Tangina mo Gallagher!""Nasaan ang pinapakuha ko sa'yong beer?""Wala ka ng stock ng beer sa ref mo. May magdadala rito maya-maya lang at darating."Nagkibit siya ng balikat at pinunasan ang gilid ng labi. Nalasahan niya ang kaniyang sariling dugo na nagmula roon. Sa suntok marahil na binigay sa kaniya ni Magnar."Ano ba ang nasa isip mo?""I just wanna rest. Kahit isang gabi lang.
Limang buwan nagdaan. Walang nagbago sa pakikitungo sa kaniya ni Marie. Mas lalo itong naging malamig sa kaniya nung lumipat na ang mga ito sa Manila at sunod pa rin siya nang sunod. Nagmukha siyang aso sa kakasunod sa dalaga. Pinayuhan na rin siya ni YX pero hindi siya nakinig.Binigyan siya nito ng bakasyon at pinakiusapan ayusin niya ang kaniyang sarili pero mahirap yata gawin ang sinabi nito. Mabilis lang sabihin pero sa bawat gabing nagdaan, dahan-dahan siyang tinutupok ng sarili niyang kalungkutan.Tulad ngayon, nasa sariling penthouse siya sa Manila at mag-isang umiinom habang nakatingin sa kalawakan sa gabing iyon. Pang-ilang bote niya na ito ng beer at malakas-lakas na ang tama niya.Natatawa siya habang paulit-ulit na lumilitaw sa isipan niya ang magandang mukha ni Marie. Natatawa siya pero ang sakit na kaniyang naramdaman ay hindi kayang pawiin sa ilang bote ng beer na kaniyang ininom."Marie!!!" malakas siyang napasigaw. Nasa terasa siya at walang makakarinig kahit magwala
Ang lawak ng ngiti ni Gallagher nang maihanda niya ang adobo at dalawa pang niluto. Mabango pero ingat si Magnar, dahil may nilagay siyang pagsisihan nito ng buong buhay. Nagpipigil siyang humalakhak. Umarte siyang kalmado nang umakyat siya sa hagdanan. Susunduin niya lang ang kaibigan at ihatid ito sa kamatayan.Sinadya niya munang daanan ang silid ni Marie at nakita niyang nando'n pa rin ang pagkain sa labas kung saan niya iniwan. Napabuntunghinga siya. inuna niyang kunin ito at bumaba papuntang kusina. Naawa siya sa lutong pagkain niyang hindi man lang nagawang tikman.Nilagay niya sa hugasan ang tray nang magsalita na sa likuran niya si Magnar. Kasunod nito si Marie at mukhang giinawa nitong proteksyon ang babae laban sa kaniya. Ngumisi siya sa isip. Gano'n nga, hangga't nasa paligid ang dalaga hindi niya ito dadapuan ng daliri."Luto na ba Gal?"Huminga muna siya ng sama ng loob bago tumango. "Yeah.""Good! Kasi gutom na ako.""Kumain ka na bago ko ihampas lahat 'yan sa'yo."Ning
Mabilis pa sa kidlat ang naging pagtakbo ni Gallagher sa bintana ng sala para totoong silipin kung nandito nga ba ang walang hiyang kaibigan niya. napamura siya ng malakas nang makita itong nakangiti, umakyat sa bakod at nagwagayway ng puting bandila. May suot itong puting damit na may nakatatak na pangalan niya at peace sign. Nagdilim ang kaniyang mukha. May gana pa talagang umarteng kaibigan sila ngayon. Kung alam lang ni Magnar na nung nakaraan araw pa siya gigil na gigil na pilipitin ang leeg nito hanggang sa mangisay ng tuluyan at layuan ang babaeng mahal niya!"Tanginang gagong 'to! Nagpakita pa talaga—" Hindi niya natuloy ang iba pa na sasabihin nang marinig niya ang mga yapak na nagmula sa hagdanan.Paglingon ni Gallagher, ang walang emosyong mukha ni Marie ang kaniyang nakita. Deri-deritso itong nagtungo sa pintuan na hindi siya nakikita o sadyang ayaw lang siyang tingnan.Gusto niyang harangan ang pintuan para huwag itong lumabas at baka makita nito si Magnar pero hindi niya
Blangko ang mukha ni Marie nang tingnan siya nito at tanggap ni Gheron iyon. Siya ang gumawa ng bagay na ikakamuhi sa kaniya ng dalaga kaya hindi siya pwedeng magreklamo kung pahihirapan siya nito. Babalik siya sa una kung saan at kung paano siya nito kinausap pero mahihirapan siya ngayon."Fidel...""Oh?" mabilis na lumapit si Fidel kay Marie nang tawagin ito ng dalaga. Kakapasok lang nito sa pintuan at may dalang mga prutas na pinamili."Paalisin mo ang taong 'yan." Tumingin ito sa kaniyang gawi at tinuro siya."Marie..." Napatingin sa kaniya si Fidel."Ang pagkakaalam ko, ikaw lang ang tunay kong kapatid. Kung gano'n, anong ginagawa ng taong 'yan dito? Paalisin mo," muling sambit ng dalaga at blangkong tumingin sa kesame."Gheron?"Ngumiti siya sa lalaki. "Yeah, I understand. Sige, alis muna ako." Sandali siyang sumulyap sa dalaga at lihim na nabuntunghinga kahit ang totoo ayaw na ayaw niyang umalis.Mabigat ang balikat nang lumabas siya at nagpasyang sa loob ng kotse na lamang siy
"Putangina ka! Paano ka nakarating d'yan sa probinsya ni Marie?"Tiningnan lang ng masama ni Gheron si Magnar. Akala nito hindi siya babawi sa ginawa nito? Maghintay lang ito."Kung hindi ka panay sulpot at pangingialam sa buhay pag-ibig ko, Magnar, hindi ako magkakaganito!" napakuyom ang kaniyang kamao. Nag-uusap sila sa pamamagitan ng hologram watch niya."Bakit ako?"Nag-dirty sign siya sa lalaki. Hindi sila kaibigan ngayon. Magkaaway sila ng lalaki at tama na ang tatlong araw na parusa nito sa kaniya. Pinagbibigyan lang niya ang ginawa nito para sa kasalanan ginawa niya kay Marie. Pero nangangako siyang babawi. Babawi siya para kay Marie."Huwag mong ipakita sa'kin ang mukha mo Magnar kapag nagmahal ka rin! Dahil gagawin ko rin miserable ang buhay mo. Hayop ka! Alam mong ikaw ang pinagseselusan ko, panay ka pa rin lapit sa babaeng gustong-gusto ko. Hindi ka talaga totoong kaibigan!"Isang malakas na tawa naman ang ginawa nito na parang hindi siya nito binugbog at kinulong ng tatlo
Mabilis pa sa kidlat ang paglapit sa kaniya ng lalaking tinakasan niya sa Japan. Ayaw niyang makita ang mukha nito kaya anong ginagawa nito sa harapan niya? mabilis niyang iniwas ang sarili sa lalaki. Wala siyang pakialam sa walang ampat na paglabasan ng mga dugo sa kaniyang noo."Tangina! Anong ginawa niyo kay Marie?" boses iyon ni Fidel pero nanlalabo ang kaniyang mata dahil na rin siguro sa luha kaya hindi niya makita ito.Pilit siyang tinulungan ni Gheron pero pinapaalis niya ang kamay nito. Kahit ang paghawak lang sa kaniya ay hindi niya ito pahihintulutan."Marie...""Umalis ka na Gheron! Bakit ka pa nandito?!" Tinulak niya ang lalaki pero hindi ito natinag. "Bumalik ka na sa kung saan impyerno ka galing!" Binangga niya ito para padaanin lang siya at hindi naman siya nabigo, binigyan siya nito ng daan.Ang puso niya, tuluyang nawala. Nagkawasak-wasak. Hindi lang ang lalaki ang nanakit sa kaniya, pati na rin ang inakala niyang pamilya. Pamilya pero wala siyang halaga.Mabilis siy