Share

Kabanata 6 - Know You More

"Kawawa naman ang baby Gheron ko, pinagalitan ni Mrs. Ajinomoto Vetsin Magic Sarap."

Ito ang eksatong narinig niya kay Judith nung papasok na siya ng banyo para mag-half bath. Natapos din ang araw at nagkaroon siya ng pera. Bukas na bukas din ay magpapadala siya pero hindi niya uubusin lahat. Para kung humingi ulit ang kaniyang Ina, may mapagkukunan pa siya kahit birthday gift ang perang iyon.

"Oo nga eh, nakita ko siyang pinatawag ng team leader natin at kakausapin daw ni Superior. Iyon pala ay pinagalitan siya. Kawawa naman ang baby ko."

"Excuse me, baby ko 'yon." Maarteng singit ng isa pa nilang kasama.

"Anong sa 'yo? Akin kamo. Nakita mo 'yon kanina, ningitian at kinindatan niya ako?"

"Baliw ka ba, sa 'kin siya ngumiti. Kapal ng mukha mo."

Mga bata! Napailing siya. Paano na kang kung sabihin niya sa mga ito na siya ang sinabihan ng 'I like you' ni Gheron? Baka nangisay na ang mga ito at mag-iiyak.

Minsan, mga babae rin mismo ang nagpapahamak sa kanilang mga sarili. Siguro para sa
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status