“Yx, dalawang linggo na tayong nagbabantay rito. Napabayaan mo na rin ang Dark X. Mabuti at naiintindihan ka ng apat. I have to go as well. Hindi kita kayang paghindian dahil kaibigan ka ng organisation but I guess it is time for me to go back in the city. Hinahanap na ako. I'm giving you Addavan and the rest of my men. Kailangan ko pa lumipad papuntang Russia.”
It took him a long time to utter what Jayvion said. Nanatili siyang nakatingin sa kaniyang hologram watch at nang matanggap ang tawag ni Maccabi, agad niya itong tinanggap.
“You need to go back here, Yx. May problema tayo,” saad nito na parang totoong nasa harapan niya.
“See? Kailangan ka ng mga miyembro mo.”
Napabuntunghinga siya at muling sumulyap kay Odessa na hanggang ngayon, kasa-kasama pa rin ang pipitsuging lalaki. Inaatake siya ng selos pero nakakaya niya ng pigilan iyon para hindi tuluyang balian sa leeg ang lalaki.
“I'l
Bahagyang nagulat si Odessa nang lumitaw sa harap ng bahay nila si Ted. Inikot niya muna ang kaniyang tingin at tiningnan ang paligid. Lihim siyang napaismid sa nakita. Ando'n ang tauhan ni Farhistt na alam niyang pinapabantay sa bawat galaw niya.Mahigit dalawang buwan na rin na napapansin niyang may nagbabantay sa labas ng kanilang bahay. Minsan wala, minsan meron. Mas malala, kung saan siya nagpupunta... Pakiramdam niya, may matang laging nakasunod sa kaniya. Especially kung kasama niya si Ted.Agad siyang ngumiti ng matamis sa binata. Sinadya niya iyon para tigilan siya ni Farhistt o Frahisto o kahit anong pangalan gamit nito. Mas lalo lang siyang kinakain ng galit sa tuwing nakikita ito. Ang hinihingi nitong sorry, sobrang hirap gawin lalo na at paulit-ulit siyang binabangungot sa tagpong iyon. Ang mga nagkalat na dugo sa loob ng van. Ang malakas na putok ng baril at takot na naramdaman niya. Ang paulit-ulit niyang napaginipan ang kaniyang Itang Bar
Bigla siyang nag-hysterical nang isang malakas na bisig ang humila sa kaniyang kamay at isinandal sa isang tabi. Agad din nitong tinakpan ang kaniyang bibig para hindi siya makagawang sumigaw pa.“Odessa! It's me, Frahisto. Calm down, calm down.”Sa narining na pangalan ng binata, kumalma siya. Pero agad din umusbong ang gallit sa puso niya sa isiping si Ted at Farhistt ay iisa. Iisang galaw ng bituka at ito ngayon, nagdala na naman ng panibagong panganib sa kaniyang buhay. Paulit-ult na lang ang ganito! Akmang itutulak niya ito papalayo sa kaniya pero m as lalong hinigpitan nito ang pagkakahawak sa kaniya.“Vida Mia, listen to me! Your life is in danger. You have to trust me, okay? Hindi na ako ang kailangan dito kundi ikaw. Ngayon kung gusto mo mabuhay at makita pa pamilya, you need to trust me. Don't worry, your family is safe. Hindi nila magagalaw ang pamilyang kumupkop sa'yo nung sanggol ka pa lang.”
NAPASINGHAP si Odessa nang magmulat siya. Agad niyang nilibot ang paningin at do'n lang tuluyang nag-sink in sa utak niya ang nangyari. Bahagya siyang natigilan at nakagat ang labi. Saka niya napansin ang isang matandang lalaki na tingin niya'y nasa late 60's nito. Napatitig siya sa matanda. Nakaupo lang ito sa single sofa at nakangiting pinagmasdan siya na buong pagmamahal. Halos mangiyak-ngiyak ito habang nakatingin sa kaniya.“S-sino kayo? Bakit ako nandit——” natigilan siya. May bahagi ng kaniyang pagkatao ang kumislot. Ang matandang nasa harapan niya ngayon, ito ba ang sinasabi ni Ted at Farhistt na... Ama niya?Napalunok siya at matagal itong tinitigan. Magkahawig na magkahawig sila. Sa mata, sa tangos ng ilong at sa shape ng mukha. Napailing siya. Sunod-sunod na pumatak ang mga luhang lagi siyang tinatraydor. Mababaw lang talaga kahit kailan ang kaniyang luha.“Goddess... Anak...”Para siyang nabul
“Okay ka lang ba rito, anak?”Napalingon si Odessa sa Ama. Nakangiti ito at kitang-kita sa mata ang kontento ngayon magkasama na silang mag-ama. “Naman Pa! Anak mo kaya ako. Ako si Goddess Hera Elairon slash para damang-dama-- Preco. Pa, bakit ang haba naman kasi ng pangalan ko!”Natawa ito sa kaniyang tanong at naiiling. Nasa factory sila kung saan siya nagti-training bilang normal na employee. Gusto niyang matuto kung ano ang kalakaran ng Factory at nang Company.“Huwag mong pagurin masyado ang sarili mo, hija. There's a plenty of time to learn. Sa ngayon, sabayan mo naman ang gwapo mong ama na kumain ng tanghalian.”Bumungisngis lang siya sa sinabi ng matanda. Ang swerte niya sa kaniyang Ama. Agad niyang iniwan saglit ang trabaho para lang matigilan. “Hindi pa lunch break, Pa. May 10 minutes pa, oh.” Tinuro niya ang malaking orasang nasa dingding.Napakamot naman ng ulo ang mata
Natapos ang meeting nila ng Ama niya. Close deal. Tinanggap nito ang offer nila na mag-invest sa Phelco Bites & Chocolates. Hindi lugi ang mga ito dahil hindi pahuhuli ang product nila pagdating sa market. Laging nasa top 1 ang product nila kaya hindi na rin siguro nagdadalawang isip ang mga 'to.Gusto sana niyang samahan ang kaniyang Ama na maghanap ng forever nito pero pinili niyang manatili sa hotel. Hinayaan niya lang ang matandang Don na sumama sa mga kumpare's nito na dito lang sa China naka-base. Magsasaya raw ang mga ito sa isang restaurant at dahil puro matatanda ang mga kasama, nagpaiwan lang siya. Mamaya ay pupunta siya sa malapit na mall para mamili ng pasalubong sa kaniyang dalawang makulit na kapatid at kuya. Isama na rin sa mga makukulit niyang pamangkin.“Anak okay lang ba talaga sa'yo? Pwede ka naman sumunod dito sa——”“Papa naman!” naiiling siyang natawa. Palagi itong nag-aalala sa kaniya simula nung mala
Napasinghap ang kasama nitong lalaki at ilan sa mga babaeng nando'n sa kaniyang ginawa. Dinuraan niya ang mukha ng lalaki at nayayamot na tiningnan ito. “Kung tingin mo, nasisindak mo ako. Well, nagkakamali ka. Sabihin nga natin ang malas ng araw ko dahil heto at sumuot na naman ako sa ganito sitwasyon but never akong matatakot sa mga pesteng tulad niyo!”Akmang sasampalin siya ng kasamahan nito pero pinigilan ng lalaki at natatawang tiningnan siya. Pinunasan nito ang kaniyang ginawang pagdura sa mukha nito at malayang dinala sa bibig ang konting laway na nasa kamay nito. Nandiri si Odessa pero hindi siya gumawa ng eksenang ikakapahamak niya pa lalo.“A virgin...”Nasindak siya sa sinabi nito. Agad siyang napaatras pero may dahas na hinila nito ang kaniyang pisngi at inamoy siya sa paraang masusuka siya sa sobrang pandidiri.“Mamatay ka na!”“Magugustuhan to ni Mr. Hakubo pag nalam
BIGLANG bumukas ang pintuan. Napasinghap si Odessa. Halos masilaw pa siya sa liwanag na kumalat nung i-switch on ng kung sino ang ilaw. Agad tumaas ang kaniyang dugo nang makitang ang lalaking sinipa niya ang hinaharap. Buti naman at nakalakad pa ito? Malakas din ang ginawa niya at swerte na rito ang magkaanak. Baka nga, basag na ang balls nito sa kaniyang ginawa.“Baka gusto mong tuluyang mabasag 'yang itlog mo?”Natawa ito sa kaniyang sinabi at may nilabas na isang roll ng duct tape. “Masyadong matabil 'yang bibig mo. Baka sakaling tumigil ka rito.” Mapwersang hinila nito ang kaniyang buhok at hiniga sa malamig na sahig.Nagwawala siya pero dahil babaeng katawan ang meron sa kaniya at mas malakas ang lalaki, nagawa siya nitong patigilin sa pamamagitan ng lakas nito. Walang kahirap-hirap na nilagyan nito ng duct tape ang kaniyang bibig at marahas siyang hinila patayo.“Mas bagay pala sa'yong tahimik.” K
Naging madali kay Farhistt ang puntahan ang lokasyon kung saan si Odessa. Kulang na lang, liparin niya ang silid kung nasaan ito para iparamdam dito na andiyan lang siya lagi, nasa tabi-tabi at paulit-ulit itong ililigtas kahit buhay niya pa ang kapalit. Kahit si kamatayan pa ang kakalabanin niya, wala siyang pakialam sa bagay na iyon kung si Odessa ang pag-uusapan.Gamit ang laser ng kaniyang singsing na suot, nabuksan niya ang pintuan. Tumambad sa kaniyang mata ang dalagang nakahubad at tanging kapirangkot na tela na lang ang nakatakip sa pribadong parte ng pagkababae nito. Wala ito sa sarili at pinagpipyestahan ito ng tatlong matabang Chinese habang nakatayo sa gitna at nakatali ang kamay paitaas."Putangina!"Pumutok ang galit sa kaniyang ulo nang makita ang kahabag-habag na hitsura ng babaeng mahal niya. Kasabay ng pagkuyom ng kaniyang kamao at pagsilabasan ng ugat sa kaniyang leeg,
“Ano? Okay na ba kayong dalawa? Mabuti naman at makakatulog na ako ng mahimbing nito. Hindi na ako susundutin ng konsensya ko.” nakahingang saad ni Magnar. Nakaharap sa mga ito ang phone niya at naka-live pa rin ang mga ito gamit sa Facebook niyang kagagawa lang kanina. Gamit niya ang pangalang 'Magnesiumʼ. “Mga ka-viewers, 'yan pala ang dalawang lovebirds. Nagkasakitan muna bago nagbalikan. Kita niyo ang dalawang 'yan? Parang mga tanga lang. Ayawan bago balikan. Kaya ayuko magmahal kasi ganiyan mangyayari sa'kin—— awts! Tangina mo nambato pa!” inis na lumayo siya sa mga ito. Vlogger siya ngayon. “Kilala niyo ang lalaking 'yan? Kaibigan ko 'yan na pinagselusan ako. Hahah. Bobo amputa! Anyways, maganda kasi ang Mariebabes pancakes honey loves so sweet niya kaya ganiyan siya kabaliw.”“Umalis ka nga rito!” asik sa kaniya ni Gallagher.“Masaya ka lang, eh. Taena mo ito na, aalis na!” mabilis niyang saad nang akmang batuhin siya nito ng prutas.Lumayo siya sa mga ito at nagtungo sa sala.
Sabay silang nagtawanan dalawa ng babaeng mahal niya at para mas lalong mapapasana all ang kaibigan, walang sabing tinawid niya ang pagitan ng labi nila ni Marie. Kung alam lang pala niya na sa ganitong paraan siya papatawarin ng dalaga, nag-live na siya sa facebook at nagkunwaring tumalon mula sa roof top ng building noon."Don't be mad at me Gal, Marie. Ang totoo niyan, buong mundo ang nakapanood sa inyo ngayon.""The hell?!""Ano!""Isang buong gabi lang ito." Humalakhak ito. "I'll delete it by morning, swear." Nagtaas ito ng kamayna parang nangangako.Hindi na sila umimik dalawa. Muli niyang hinarap ang dalaga at tinawid ulit ang pagitan ng kanilang labi at mariin itong hinalikan. Parang may fireworks ang kaniyang puso nang tugunin nito ang halik na binigay niya at mas marubdob na paraan. Halik na kay tagal nilang tinitimpi ang isa't isa at wala silang pakialam kung nasa live video sila ni Magnar. Maiinggit ito.Natigil lang sila nang tumunog ang kaniyan tiyan. Natawa siya nang du
Isang malakas na suntok ang tumama sa mukha ni Gallagher nang maiahon siya ni Magnar sa ilalim ng tubig. Galit itong nagsisigaw sa mukha niya habang sinuntok ulit ang kaniyang mukha at niyugyog ang kaniyang balikat."Stupid! Are you trying to kill yourself?! Gago ka na ba talaga, ha, Gal? Tangina mo! Tangina mo talaga!"Nagmulat siya ng mata at nakita niya si Magnar na galit na galit. Nakaupo na ito sa kaniyang tabi at basang-basa. Dahan-dahan siyang bumangon at napahawak sa kaniyang panga. Ngayon siya ulit nakatikim ng suntok mula sa kaibigan."Masakit," usal niya.Napasinghot naman ito at binatukan siya. "Tangina mo Gallagher!""Nasaan ang pinapakuha ko sa'yong beer?""Wala ka ng stock ng beer sa ref mo. May magdadala rito maya-maya lang at darating."Nagkibit siya ng balikat at pinunasan ang gilid ng labi. Nalasahan niya ang kaniyang sariling dugo na nagmula roon. Sa suntok marahil na binigay sa kaniya ni Magnar."Ano ba ang nasa isip mo?""I just wanna rest. Kahit isang gabi lang.
Limang buwan nagdaan. Walang nagbago sa pakikitungo sa kaniya ni Marie. Mas lalo itong naging malamig sa kaniya nung lumipat na ang mga ito sa Manila at sunod pa rin siya nang sunod. Nagmukha siyang aso sa kakasunod sa dalaga. Pinayuhan na rin siya ni YX pero hindi siya nakinig.Binigyan siya nito ng bakasyon at pinakiusapan ayusin niya ang kaniyang sarili pero mahirap yata gawin ang sinabi nito. Mabilis lang sabihin pero sa bawat gabing nagdaan, dahan-dahan siyang tinutupok ng sarili niyang kalungkutan.Tulad ngayon, nasa sariling penthouse siya sa Manila at mag-isang umiinom habang nakatingin sa kalawakan sa gabing iyon. Pang-ilang bote niya na ito ng beer at malakas-lakas na ang tama niya.Natatawa siya habang paulit-ulit na lumilitaw sa isipan niya ang magandang mukha ni Marie. Natatawa siya pero ang sakit na kaniyang naramdaman ay hindi kayang pawiin sa ilang bote ng beer na kaniyang ininom."Marie!!!" malakas siyang napasigaw. Nasa terasa siya at walang makakarinig kahit magwala
Ang lawak ng ngiti ni Gallagher nang maihanda niya ang adobo at dalawa pang niluto. Mabango pero ingat si Magnar, dahil may nilagay siyang pagsisihan nito ng buong buhay. Nagpipigil siyang humalakhak. Umarte siyang kalmado nang umakyat siya sa hagdanan. Susunduin niya lang ang kaibigan at ihatid ito sa kamatayan.Sinadya niya munang daanan ang silid ni Marie at nakita niyang nando'n pa rin ang pagkain sa labas kung saan niya iniwan. Napabuntunghinga siya. inuna niyang kunin ito at bumaba papuntang kusina. Naawa siya sa lutong pagkain niyang hindi man lang nagawang tikman.Nilagay niya sa hugasan ang tray nang magsalita na sa likuran niya si Magnar. Kasunod nito si Marie at mukhang giinawa nitong proteksyon ang babae laban sa kaniya. Ngumisi siya sa isip. Gano'n nga, hangga't nasa paligid ang dalaga hindi niya ito dadapuan ng daliri."Luto na ba Gal?"Huminga muna siya ng sama ng loob bago tumango. "Yeah.""Good! Kasi gutom na ako.""Kumain ka na bago ko ihampas lahat 'yan sa'yo."Ning
Mabilis pa sa kidlat ang naging pagtakbo ni Gallagher sa bintana ng sala para totoong silipin kung nandito nga ba ang walang hiyang kaibigan niya. napamura siya ng malakas nang makita itong nakangiti, umakyat sa bakod at nagwagayway ng puting bandila. May suot itong puting damit na may nakatatak na pangalan niya at peace sign. Nagdilim ang kaniyang mukha. May gana pa talagang umarteng kaibigan sila ngayon. Kung alam lang ni Magnar na nung nakaraan araw pa siya gigil na gigil na pilipitin ang leeg nito hanggang sa mangisay ng tuluyan at layuan ang babaeng mahal niya!"Tanginang gagong 'to! Nagpakita pa talaga—" Hindi niya natuloy ang iba pa na sasabihin nang marinig niya ang mga yapak na nagmula sa hagdanan.Paglingon ni Gallagher, ang walang emosyong mukha ni Marie ang kaniyang nakita. Deri-deritso itong nagtungo sa pintuan na hindi siya nakikita o sadyang ayaw lang siyang tingnan.Gusto niyang harangan ang pintuan para huwag itong lumabas at baka makita nito si Magnar pero hindi niya
Blangko ang mukha ni Marie nang tingnan siya nito at tanggap ni Gheron iyon. Siya ang gumawa ng bagay na ikakamuhi sa kaniya ng dalaga kaya hindi siya pwedeng magreklamo kung pahihirapan siya nito. Babalik siya sa una kung saan at kung paano siya nito kinausap pero mahihirapan siya ngayon."Fidel...""Oh?" mabilis na lumapit si Fidel kay Marie nang tawagin ito ng dalaga. Kakapasok lang nito sa pintuan at may dalang mga prutas na pinamili."Paalisin mo ang taong 'yan." Tumingin ito sa kaniyang gawi at tinuro siya."Marie..." Napatingin sa kaniya si Fidel."Ang pagkakaalam ko, ikaw lang ang tunay kong kapatid. Kung gano'n, anong ginagawa ng taong 'yan dito? Paalisin mo," muling sambit ng dalaga at blangkong tumingin sa kesame."Gheron?"Ngumiti siya sa lalaki. "Yeah, I understand. Sige, alis muna ako." Sandali siyang sumulyap sa dalaga at lihim na nabuntunghinga kahit ang totoo ayaw na ayaw niyang umalis.Mabigat ang balikat nang lumabas siya at nagpasyang sa loob ng kotse na lamang siy
"Putangina ka! Paano ka nakarating d'yan sa probinsya ni Marie?"Tiningnan lang ng masama ni Gheron si Magnar. Akala nito hindi siya babawi sa ginawa nito? Maghintay lang ito."Kung hindi ka panay sulpot at pangingialam sa buhay pag-ibig ko, Magnar, hindi ako magkakaganito!" napakuyom ang kaniyang kamao. Nag-uusap sila sa pamamagitan ng hologram watch niya."Bakit ako?"Nag-dirty sign siya sa lalaki. Hindi sila kaibigan ngayon. Magkaaway sila ng lalaki at tama na ang tatlong araw na parusa nito sa kaniya. Pinagbibigyan lang niya ang ginawa nito para sa kasalanan ginawa niya kay Marie. Pero nangangako siyang babawi. Babawi siya para kay Marie."Huwag mong ipakita sa'kin ang mukha mo Magnar kapag nagmahal ka rin! Dahil gagawin ko rin miserable ang buhay mo. Hayop ka! Alam mong ikaw ang pinagseselusan ko, panay ka pa rin lapit sa babaeng gustong-gusto ko. Hindi ka talaga totoong kaibigan!"Isang malakas na tawa naman ang ginawa nito na parang hindi siya nito binugbog at kinulong ng tatlo
Mabilis pa sa kidlat ang paglapit sa kaniya ng lalaking tinakasan niya sa Japan. Ayaw niyang makita ang mukha nito kaya anong ginagawa nito sa harapan niya? mabilis niyang iniwas ang sarili sa lalaki. Wala siyang pakialam sa walang ampat na paglabasan ng mga dugo sa kaniyang noo."Tangina! Anong ginawa niyo kay Marie?" boses iyon ni Fidel pero nanlalabo ang kaniyang mata dahil na rin siguro sa luha kaya hindi niya makita ito.Pilit siyang tinulungan ni Gheron pero pinapaalis niya ang kamay nito. Kahit ang paghawak lang sa kaniya ay hindi niya ito pahihintulutan."Marie...""Umalis ka na Gheron! Bakit ka pa nandito?!" Tinulak niya ang lalaki pero hindi ito natinag. "Bumalik ka na sa kung saan impyerno ka galing!" Binangga niya ito para padaanin lang siya at hindi naman siya nabigo, binigyan siya nito ng daan.Ang puso niya, tuluyang nawala. Nagkawasak-wasak. Hindi lang ang lalaki ang nanakit sa kaniya, pati na rin ang inakala niyang pamilya. Pamilya pero wala siyang halaga.Mabilis siy