Share

Kabanata 2 - Bagong Salta

"Aray!" galit na pakli niya nang may sumagi sa kaniyang balikat. Malakas iyon. Mabuti at 'di nalaglag ang mga dala niyang prutas kundi ipapakain niya lahat sa nakabangga sa kaniya.

"I'm sorry."

Nagtagpo ang kaniyang kilay nang dumapo ang kaniyang mata sa suot nitong boots ng pang-magsasaka. Hindi siya sumagot. Baka pag nagdakdak siya rito sa loob ng farm, may magsumbong pa sa team leader nila. Napailing siya sa isiping iyon lalo na at may mga kasama rin siyang sipsip sa kanilang manager. Gustong pumapel. Samantalang ang gusto lang naman niya, magtrabaho sa ibang bansa para sa kinabukasan ng pamilya.

"Miss!"

Nagpatuloy siya sa paghakbang. Alam niyang kasamahan lang nila ito sa farm at wala siyang balak makipag-usap sa kasama nilang mga Filipino. Sakit sa ulo lang ang mga lalaki.

"Miss, hey!"

Nakakunot ang noong binalingan niya ito.

"Phone mo."

Tumaas ang kaniyang kilay nang makitang hawak-hawak nga nito ang kaniyang cellphone. Sandali niyang binaba ang bitbit na basket sa kaniyang paa
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status