Marahan napabuntunghinga si Blesy nang magpaalam sa kaniya si Fender kinabukasan. Luluwas ito ng Maynila kasama si Uno at may personal na aasikasuhi. Nag-aalala siya. Hindi sa kaligtasan nito kundi sa isipin na baka makalimutan siya nito ulit.
"I'll be back as soon as I can, I promise." Ginanap ni Fender ang kaniyang dalawang kamay at hinalikan iyon.
Tumango siya. May tiwala siya sa lalaki, sa sarili lang niya wala. Natatakot siya. Nag-alala. Maraming agam-agam sa kaniyang puso habang nakatingin sa binata.
"Baka-"
"Bukas din ay babalik agad ako. Pagkagising na pagkagising mo, nasa tabi mo na ako at malambing na nakayakap sa'yo."
Napangiti siya sa sinabing iyon ni Fender. Alam talaga nito paano kunin ang kaniyang loob at kung paano siya pangitiin, wala pa rin nagbago.
"Okay. Basta mag-iingat kayo ni Uno, ha?"
Ang lawak ng ngiti nito nang
“Hey calm down. Huwag kang umiyak! Hindi pa patay ang Fender Hearst mo.” mabilis siyang inagapan ni Uni at binigyan ng tissue. “Papatayin ako ng kaibigan ko 'pag nalaman niyang pinaiyak kita ngayon buntis ka pa naman.”Kahit papaano, natawa siya sa naging reaksyon ni Uno. Nalito siya kung saan siya matutuwa, sa nalamang hindi patay ang binata o sa nalaman na buntis siya.“Ayan, ngumiti ka. Hindi 'yong ipapapatay mo ako.”Napaismid siya nang wala sa oras at tinalikuran ito. “Ang baho ng niluto mo, baka naman alisin mo 'yan at sabihin mo na sa'kin ang totoo kung saan ba talaga ang magaling na lalaking iyon at matagal kayong nakabalik?”Ngumisi ito. “Nagiging maldita ka pala, Blesy kapag buntis. Hindi ko inasahan ang pag-iba ng ugali mo.”Tumalim ang kaniyang mata kay Uno na agad nitong ikinataas ng kamay. “Oo na, aalisin ko na at ilalagay sa ref!” Mabilis nitong nilagay sa food conta
“Fuck Uno! Paano ko makikita ang mukha ni Blesy?”Natawa siya sa galit na tanong na iyon ng kaniyang Fender. Kahit sa boses pa lang nito, alam niya nang bwesit na bwesit na ito sa kinahihigaan.“Problema mo na 'yon!”Akmang babangon ito nang pigilan niya agad. “Hey-hey love, relax!” anas niya, “Baka maawa si Uno sa'yo bukas. Sa ngayon, sundin muna natin ang sabi ng kaibigan niyang surgeon— teka, surgeon?!” Siya naman ang hindi makapaniwala sa narinig. Mabilis siyang napalingon kay Uno at tinitigan ito sa paraang matutunaw ito sa takot.“What? Did I say surgeon?” takang tanong ni Uno na ngayon ay kampanteng nakaupo sa single sofa. Umiinom ng kape at kumakain ng cookies.“Oo. Sabi mo, hindi papayag ang surgeon mong kaibigan. Ibig sabihin, kaya may bendahe sa mukha si Fender dahil nagpa-surgery siya?”Natigil ito sa pagkagat ng cook
"Loka-loka ka talaga, eh 'no?" Naiiling na saad niya at mabilis na dinampot ang basket na bitbit. Isa silang fruit picker sa malaking farm ng matandang Haponista. Isang OFW na pikit ang matang nagpunta sa ibang bansa para sa kinabukasan ng kanilang pamilya. "Ito naman si Maria, ang killjoy talaga! Nagkikwento pa ako, eh." Hindi niya pinansin ang pag-iinarte ng kaniyang kaibigan. Nakilala niya ang babae nung nandito na siya sa Japan at ito ang unang pumansin sa kaniya sa kabila ng kaniyang pagiging strikta at hindi masyadong nagsasalita. Marami silang mga pinay ang nando'n nagtatrabaho pero ilag ang mga ito sa kaniya o sa madaling salita, umiiwas sa pagiging tahimik niya masyado. "Mamayang gabi na natin pag-usapan 'yang crush mo." Nagsimula silang bumalik sa strawberry farm kung saan hindi pa sila nangalahati. Paano kasi, panay tabil ng kasama niya. "Pero totoo ang sinabi ko, Maria! May gwapo tayong kasama. Nakita ko siya kanina tapos parang hindi na yata crush nararamdaman ko, par
"Aray!" galit na pakli niya nang may sumagi sa kaniyang balikat. Malakas iyon. Mabuti at 'di nalaglag ang mga dala niyang prutas kundi ipapakain niya lahat sa nakabangga sa kaniya."I'm sorry."Nagtagpo ang kaniyang kilay nang dumapo ang kaniyang mata sa suot nitong boots ng pang-magsasaka. Hindi siya sumagot. Baka pag nagdakdak siya rito sa loob ng farm, may magsumbong pa sa team leader nila. Napailing siya sa isiping iyon lalo na at may mga kasama rin siyang sipsip sa kanilang manager. Gustong pumapel. Samantalang ang gusto lang naman niya, magtrabaho sa ibang bansa para sa kinabukasan ng pamilya."Miss!"Nagpatuloy siya sa paghakbang. Alam niyang kasamahan lang nila ito sa farm at wala siyang balak makipag-usap sa kasama nilang mga Filipino. Sakit sa ulo lang ang mga lalaki."Miss, hey!"Nakakunot ang noong binalingan niya ito. "Phone mo."Tumaas ang kaniyang kilay nang makitang hawak-hawak nga nito ang kaniyang cellphone. Sandali niyang binaba ang bitbit na basket sa kaniyang paa
"Ate! Buti at nakatawag ka na?"Ngumiti lang siya sa tanong na iyon nang kaniyang bunsong kapatid. "Kumusta kayo?""Ate bilhan mo naman ako ng panibagong laptop at cellphone, nasira kasi ang huling pinadala mo." Mabilis na singit ng kaniyang kapatid na babae. Nag-aaral na ito sa kolehiyo at kumukuha ng kursong Tourism.Napahugot siya ng hangin at napahilot sa sintido. "Bakit nasira?""Hindi ko alam, eh. Basta nasira na lang siya. Ate kailangan ko ng laptop at cellphone next week, magpadala ka ng pera ha?"Tumango lang siya para 'di na humaba ang usapan nilang dalawa. Hindi siya nito titigilan hangga't hindi nito makukuha ang gusto."Ate, akin din. Kailangan ko ng perang pampaayos ng motorsiklong binili. Ginamit kasi ni Onyok at binangga niya sa poste. Nagasgasan tuloy at natanggal ang gulong."Matagal siya bago sumagot. Sa tuwing tumatawag siya sa Pinas, puro problema ang binubungad sa kaniya ng kaniyang pamilya kaya nasanay na siya ro'n. nasanay na siya ang taga-bigay ng mga pangang
"Domo Arigatogozaimasu!" Thank you so much! Sabay-sabay nilang saad nang matapos na silang kumain at nagpaalam na sa matandang babae. Maaga pa sila bukas at malalim na rin ang gabi. Kaniya-kaniya silang kuha ng kanilang besikleta at walang ingay siyang nagpepedal. Malamig ang simoy ang paligid at ang totoo niyan, winter pa rin sa Japan. Siya lang naman itong naglakas-loob na lumabas na hindi nagsuot ng jacket at scarf dahil sa pagmamadali kanina. Ngayon parang bigla niyang naramdaman na nanlamig ang kaniyang buong sistema kahit makapal ang kaniyang ternong pantulog na suot.Sunod-sunod siyang napabuntunghinga. Hindi siya naniniwalang walang kapalit ang gabing ito kaya bukas na bukas din ay kakausapin niya ang kanilang Team Leader at baka sakaling may alam ito. Napahugot siya ng hangin. Hindi siya pwede matanggal sa trabaho, kailangan ng magulang niya at kapatid ang kaniyang perang nakukuha sa pagiging fruit picker."Happy Birthday."Napatingin siya sa lalaking crush ni Judith na ngay
Kinagabihan, hindi siya makatulog. Iniisip niya kung saan siya pwedeng humiram ng pera. Ilang beses niyang inisip na magbale pero paniguradong hindi siya pagbibigyan.Ate, kailangan ko na talaga ng pera. Kailan ka ba magpapadala? Kung pwede, bukas na sana agad Ate dahil hindi makakapaghintay 'tong mga projects ko.Napailing siya nang mabasa ang chat na iyon ng kaniyang kapatid. Kung pwede lang tumae ng pera, kanina pa niya ginawa. Pero hindi niya rin kayang tiiisin ang mga ito. Obligasyon niya bilang panganay na anak ang tumulong.Tumayo siya mula sa pagkakahiga at nagtimpla ng gatas. Maingat lang ang kaniyang kilos at baka magising ang kaniyang mga kasamahan na ngayon ay mahimbing ng natutulog.Lumabas siya at nagpunta sa may terasa habang hawak ang isang mug ng gatas. Malamig sa labas pero hindi niya ininda iyon, nasanay na rin siya kahit papaano sa malamig na klima ng japan.Saan ba ako kukuha ng perang ipapadala?Maingat niyang ininom ang kaniyang tinimplang gatas. Umuusok pa ito
"Kawawa naman ang baby Gheron ko, pinagalitan ni Mrs. Ajinomoto Vetsin Magic Sarap."Ito ang eksatong narinig niya kay Judith nung papasok na siya ng banyo para mag-half bath. Natapos din ang araw at nagkaroon siya ng pera. Bukas na bukas din ay magpapadala siya pero hindi niya uubusin lahat. Para kung humingi ulit ang kaniyang Ina, may mapagkukunan pa siya kahit birthday gift ang perang iyon."Oo nga eh, nakita ko siyang pinatawag ng team leader natin at kakausapin daw ni Superior. Iyon pala ay pinagalitan siya. Kawawa naman ang baby ko.""Excuse me, baby ko 'yon." Maarteng singit ng isa pa nilang kasama."Anong sa 'yo? Akin kamo. Nakita mo 'yon kanina, ningitian at kinindatan niya ako?""Baliw ka ba, sa 'kin siya ngumiti. Kapal ng mukha mo."Mga bata! Napailing siya. Paano na kang kung sabihin niya sa mga ito na siya ang sinabihan ng 'I like you' ni Gheron? Baka nangisay na ang mga ito at mag-iiyak.Minsan, mga babae rin mismo ang nagpapahamak sa kanilang mga sarili. Siguro para sa
“Ano? Okay na ba kayong dalawa? Mabuti naman at makakatulog na ako ng mahimbing nito. Hindi na ako susundutin ng konsensya ko.” nakahingang saad ni Magnar. Nakaharap sa mga ito ang phone niya at naka-live pa rin ang mga ito gamit sa Facebook niyang kagagawa lang kanina. Gamit niya ang pangalang 'Magnesiumʼ. “Mga ka-viewers, 'yan pala ang dalawang lovebirds. Nagkasakitan muna bago nagbalikan. Kita niyo ang dalawang 'yan? Parang mga tanga lang. Ayawan bago balikan. Kaya ayuko magmahal kasi ganiyan mangyayari sa'kin—— awts! Tangina mo nambato pa!” inis na lumayo siya sa mga ito. Vlogger siya ngayon. “Kilala niyo ang lalaking 'yan? Kaibigan ko 'yan na pinagselusan ako. Hahah. Bobo amputa! Anyways, maganda kasi ang Mariebabes pancakes honey loves so sweet niya kaya ganiyan siya kabaliw.”“Umalis ka nga rito!” asik sa kaniya ni Gallagher.“Masaya ka lang, eh. Taena mo ito na, aalis na!” mabilis niyang saad nang akmang batuhin siya nito ng prutas.Lumayo siya sa mga ito at nagtungo sa sala.
Sabay silang nagtawanan dalawa ng babaeng mahal niya at para mas lalong mapapasana all ang kaibigan, walang sabing tinawid niya ang pagitan ng labi nila ni Marie. Kung alam lang pala niya na sa ganitong paraan siya papatawarin ng dalaga, nag-live na siya sa facebook at nagkunwaring tumalon mula sa roof top ng building noon."Don't be mad at me Gal, Marie. Ang totoo niyan, buong mundo ang nakapanood sa inyo ngayon.""The hell?!""Ano!""Isang buong gabi lang ito." Humalakhak ito. "I'll delete it by morning, swear." Nagtaas ito ng kamayna parang nangangako.Hindi na sila umimik dalawa. Muli niyang hinarap ang dalaga at tinawid ulit ang pagitan ng kanilang labi at mariin itong hinalikan. Parang may fireworks ang kaniyang puso nang tugunin nito ang halik na binigay niya at mas marubdob na paraan. Halik na kay tagal nilang tinitimpi ang isa't isa at wala silang pakialam kung nasa live video sila ni Magnar. Maiinggit ito.Natigil lang sila nang tumunog ang kaniyan tiyan. Natawa siya nang du
Isang malakas na suntok ang tumama sa mukha ni Gallagher nang maiahon siya ni Magnar sa ilalim ng tubig. Galit itong nagsisigaw sa mukha niya habang sinuntok ulit ang kaniyang mukha at niyugyog ang kaniyang balikat."Stupid! Are you trying to kill yourself?! Gago ka na ba talaga, ha, Gal? Tangina mo! Tangina mo talaga!"Nagmulat siya ng mata at nakita niya si Magnar na galit na galit. Nakaupo na ito sa kaniyang tabi at basang-basa. Dahan-dahan siyang bumangon at napahawak sa kaniyang panga. Ngayon siya ulit nakatikim ng suntok mula sa kaibigan."Masakit," usal niya.Napasinghot naman ito at binatukan siya. "Tangina mo Gallagher!""Nasaan ang pinapakuha ko sa'yong beer?""Wala ka ng stock ng beer sa ref mo. May magdadala rito maya-maya lang at darating."Nagkibit siya ng balikat at pinunasan ang gilid ng labi. Nalasahan niya ang kaniyang sariling dugo na nagmula roon. Sa suntok marahil na binigay sa kaniya ni Magnar."Ano ba ang nasa isip mo?""I just wanna rest. Kahit isang gabi lang.
Limang buwan nagdaan. Walang nagbago sa pakikitungo sa kaniya ni Marie. Mas lalo itong naging malamig sa kaniya nung lumipat na ang mga ito sa Manila at sunod pa rin siya nang sunod. Nagmukha siyang aso sa kakasunod sa dalaga. Pinayuhan na rin siya ni YX pero hindi siya nakinig.Binigyan siya nito ng bakasyon at pinakiusapan ayusin niya ang kaniyang sarili pero mahirap yata gawin ang sinabi nito. Mabilis lang sabihin pero sa bawat gabing nagdaan, dahan-dahan siyang tinutupok ng sarili niyang kalungkutan.Tulad ngayon, nasa sariling penthouse siya sa Manila at mag-isang umiinom habang nakatingin sa kalawakan sa gabing iyon. Pang-ilang bote niya na ito ng beer at malakas-lakas na ang tama niya.Natatawa siya habang paulit-ulit na lumilitaw sa isipan niya ang magandang mukha ni Marie. Natatawa siya pero ang sakit na kaniyang naramdaman ay hindi kayang pawiin sa ilang bote ng beer na kaniyang ininom."Marie!!!" malakas siyang napasigaw. Nasa terasa siya at walang makakarinig kahit magwala
Ang lawak ng ngiti ni Gallagher nang maihanda niya ang adobo at dalawa pang niluto. Mabango pero ingat si Magnar, dahil may nilagay siyang pagsisihan nito ng buong buhay. Nagpipigil siyang humalakhak. Umarte siyang kalmado nang umakyat siya sa hagdanan. Susunduin niya lang ang kaibigan at ihatid ito sa kamatayan.Sinadya niya munang daanan ang silid ni Marie at nakita niyang nando'n pa rin ang pagkain sa labas kung saan niya iniwan. Napabuntunghinga siya. inuna niyang kunin ito at bumaba papuntang kusina. Naawa siya sa lutong pagkain niyang hindi man lang nagawang tikman.Nilagay niya sa hugasan ang tray nang magsalita na sa likuran niya si Magnar. Kasunod nito si Marie at mukhang giinawa nitong proteksyon ang babae laban sa kaniya. Ngumisi siya sa isip. Gano'n nga, hangga't nasa paligid ang dalaga hindi niya ito dadapuan ng daliri."Luto na ba Gal?"Huminga muna siya ng sama ng loob bago tumango. "Yeah.""Good! Kasi gutom na ako.""Kumain ka na bago ko ihampas lahat 'yan sa'yo."Ning
Mabilis pa sa kidlat ang naging pagtakbo ni Gallagher sa bintana ng sala para totoong silipin kung nandito nga ba ang walang hiyang kaibigan niya. napamura siya ng malakas nang makita itong nakangiti, umakyat sa bakod at nagwagayway ng puting bandila. May suot itong puting damit na may nakatatak na pangalan niya at peace sign. Nagdilim ang kaniyang mukha. May gana pa talagang umarteng kaibigan sila ngayon. Kung alam lang ni Magnar na nung nakaraan araw pa siya gigil na gigil na pilipitin ang leeg nito hanggang sa mangisay ng tuluyan at layuan ang babaeng mahal niya!"Tanginang gagong 'to! Nagpakita pa talaga—" Hindi niya natuloy ang iba pa na sasabihin nang marinig niya ang mga yapak na nagmula sa hagdanan.Paglingon ni Gallagher, ang walang emosyong mukha ni Marie ang kaniyang nakita. Deri-deritso itong nagtungo sa pintuan na hindi siya nakikita o sadyang ayaw lang siyang tingnan.Gusto niyang harangan ang pintuan para huwag itong lumabas at baka makita nito si Magnar pero hindi niya
Blangko ang mukha ni Marie nang tingnan siya nito at tanggap ni Gheron iyon. Siya ang gumawa ng bagay na ikakamuhi sa kaniya ng dalaga kaya hindi siya pwedeng magreklamo kung pahihirapan siya nito. Babalik siya sa una kung saan at kung paano siya nito kinausap pero mahihirapan siya ngayon."Fidel...""Oh?" mabilis na lumapit si Fidel kay Marie nang tawagin ito ng dalaga. Kakapasok lang nito sa pintuan at may dalang mga prutas na pinamili."Paalisin mo ang taong 'yan." Tumingin ito sa kaniyang gawi at tinuro siya."Marie..." Napatingin sa kaniya si Fidel."Ang pagkakaalam ko, ikaw lang ang tunay kong kapatid. Kung gano'n, anong ginagawa ng taong 'yan dito? Paalisin mo," muling sambit ng dalaga at blangkong tumingin sa kesame."Gheron?"Ngumiti siya sa lalaki. "Yeah, I understand. Sige, alis muna ako." Sandali siyang sumulyap sa dalaga at lihim na nabuntunghinga kahit ang totoo ayaw na ayaw niyang umalis.Mabigat ang balikat nang lumabas siya at nagpasyang sa loob ng kotse na lamang siy
"Putangina ka! Paano ka nakarating d'yan sa probinsya ni Marie?"Tiningnan lang ng masama ni Gheron si Magnar. Akala nito hindi siya babawi sa ginawa nito? Maghintay lang ito."Kung hindi ka panay sulpot at pangingialam sa buhay pag-ibig ko, Magnar, hindi ako magkakaganito!" napakuyom ang kaniyang kamao. Nag-uusap sila sa pamamagitan ng hologram watch niya."Bakit ako?"Nag-dirty sign siya sa lalaki. Hindi sila kaibigan ngayon. Magkaaway sila ng lalaki at tama na ang tatlong araw na parusa nito sa kaniya. Pinagbibigyan lang niya ang ginawa nito para sa kasalanan ginawa niya kay Marie. Pero nangangako siyang babawi. Babawi siya para kay Marie."Huwag mong ipakita sa'kin ang mukha mo Magnar kapag nagmahal ka rin! Dahil gagawin ko rin miserable ang buhay mo. Hayop ka! Alam mong ikaw ang pinagseselusan ko, panay ka pa rin lapit sa babaeng gustong-gusto ko. Hindi ka talaga totoong kaibigan!"Isang malakas na tawa naman ang ginawa nito na parang hindi siya nito binugbog at kinulong ng tatlo
Mabilis pa sa kidlat ang paglapit sa kaniya ng lalaking tinakasan niya sa Japan. Ayaw niyang makita ang mukha nito kaya anong ginagawa nito sa harapan niya? mabilis niyang iniwas ang sarili sa lalaki. Wala siyang pakialam sa walang ampat na paglabasan ng mga dugo sa kaniyang noo."Tangina! Anong ginawa niyo kay Marie?" boses iyon ni Fidel pero nanlalabo ang kaniyang mata dahil na rin siguro sa luha kaya hindi niya makita ito.Pilit siyang tinulungan ni Gheron pero pinapaalis niya ang kamay nito. Kahit ang paghawak lang sa kaniya ay hindi niya ito pahihintulutan."Marie...""Umalis ka na Gheron! Bakit ka pa nandito?!" Tinulak niya ang lalaki pero hindi ito natinag. "Bumalik ka na sa kung saan impyerno ka galing!" Binangga niya ito para padaanin lang siya at hindi naman siya nabigo, binigyan siya nito ng daan.Ang puso niya, tuluyang nawala. Nagkawasak-wasak. Hindi lang ang lalaki ang nanakit sa kaniya, pati na rin ang inakala niyang pamilya. Pamilya pero wala siyang halaga.Mabilis siy