Hindi pa rin makapaniwala si Lianne nang pumasok siya sa Coffee Shop kinabukasan. Inisip na lang niya na isang napakasamang panaginip ang nangyari kahapon pero sa tuwing nasasagip ng mata niya ang singsing sa kaniyang kamay, napapasabunot na lang siya ng buhok sa nakakahiyang pangyayari kahapon.
"Oh my! Real diamond ba 'yan? Shocks! Trixie, halika. Si Lianne may suffer-RING na." Mabilis na hinawakan ni Hera ang kaniyang kamay at tinawag ang lukaret pa nilang kasama.
"Wedding ring?!" Magkapanabay na sambit ng dalawa at nagtingininan. Parehong napanganga sa sariling naisip.
"You mean, Mrs. McCluskey ka na? Shuta ka girl, naglandi ka jud talaga. Kapanget mo hindi mo kami inivite magakain sa birthday—"
"Kasal."
"—Yes sa kasal mo. Kagaling mo talaga na hindi kami mo invited. Shuta kang belat ka! Kahaba ng hair mo."
Natawa siya sa Davao Conyo lines ni Trixie. Kinasal lang siya ng madalian
"Ito dalhin mo 'to." pinakita ni Sheena kay Lianne ang isang sexy na lingerie. "Kailangan mo 'to para sa honeymoon niyo ni Captain!" kinikilig na sambit nito.Nabatukan ni Lianne ang pinsan at inismiran ito. Walang honeymoon nangyari dahil nauna na! Gusto sana niyang sabihin sa babae ang katagang iyon pero mas lalo lang siya nitong bwesitin at pilitin magkwento hanggang umaga."Ito, ito, ito rin." Pinagdadampot nito ang mga sexy nitong nighties sa closet at nilagay sa luggage niya. "Lahat, suotin mo'yan at tikman mo siya ng bonga! Ibulong mo agad sa'kin kung gaano siya kasarap, ah?" humagikhik ito habang pinagpapasok sa loob ng kaniyang bag ang mga damit na hindi niya kayang suotin buhay niya.Mapapa-sign of the cross na lang talaga siya sa mga kasuotan at lingerie na pinadala nito sa kaniya. Ang weird lang dahil hindi naman siya magsusuot ng mga ganito, ever! Si Sheena na ang nagligpit para sa kaniya, lahat ng mga gamit niya ay nil
Nanigas ang kaniyang buong katawan at napapikit ng mariin. Kung kainin siya ng aso, dapat kay Zyd na lang pala siya nagpakain tutal mukha rin naman 'tong aso. Dalawang kahol ang narinig niya at ramdam niyang may dumila sa kaniyang magkabilang kamay.Ayan na! Kakainin na siya. Pinanlamigan siya ng katawan at baka hindi na siya aabutin ng umaga nito. Hinintay niyang kagatin siya ng mga aso pero lumipas na lang ang napakahabang segundo, walang kumagat.Ba't ayaw nila akong kagatin? Naglakas loob siyang magbukas ng mata at para siyang nabunutan ng tinik nang makitang nakaupo ang dalawang aso na subrang lalaki ng katawan at halos kasingtangkad ng kaniyang height saka nag-puppy eyes.Ang cute naman! Nag-alangan pa siya nung una na hawakan ang mga ito dahil baka sunggaban ang kaniyang maliit na kamay pero nung mag-wag tail na ang dalawang aso, napa-shit siya sa subrang bait. Hinimas niya ang mga ulo ng mga 'to at ang
Lumipas ang isang linggo na walang masyadong problema sa pagsasama... What she mean is pagtira niya sa bahay ni Zyd. Madalang lang itong nagpapakita sa bahay, kung minsan ay sa kabilang bahay ito nagpapalipas ng gabi. In which walang problema iyon kay Lianne. Okay rin na wala siyang cellphone, according kasi sa source niyang si Trixie at Hera isama na rin ang kaniyang pinsan... Nung minsan tinawagan niya ang mga ito sa telephone, naging mainit sa news at tsismis ng tao ang pagpapakasal ni Zyd sa ibang babae.Kaharap niya si Tacu at Lula nang araw na 'yon nang dumating ang lalaki at deritsong binati ang alagang aso. Napaismid siya, mukhang hindi siya nito nakita. Pinagmasdan na lang niya ito habang naglalaro sa alaga. Nag-stay lang ito nang ilang minuto at umakyat na sa 3rd floor kung saan ang kwarto nito. Nagkibit lang siya ng balikat at hinarap ulit si Lula; 'yung golden retriever. Si Tacu kasi ay nakakatakot ang hitsura nitong para handang lumapa ng tao lalo
Tinatamad na binuksan ni Lianne ang malaking flat screen TV sa sala nang hapong iyon. As usuall, wala si Zyd. Nasa game nito at minsan siyang nag-presinta na sumama pero umayaw ng lalaki. Ano ba ang silbi ng sinasabi nitong 'Support him in every game?', hindi na siya nag-insist. Nanatili siya sa bahay para magpaka-bored pero pag subrang bored na talaga, pupuntahan na lang niya ang coffee shop.Napaunat siya ng likod nang eksaktong mukha ni Henrik ang unang nakita niya habang naglalaro ng hockey. Napasapo siya sa ulo sa alaalang nagyaya pala ito sa kaniya nung nakaraan linggo at nawala na sa utak niya. Ano na lang ang iisipin nito? Masyadong mabait ang lalaki sa kaniya kaya hindi nito deserves na tratuhin ng ganito.Agad niyang tinakbo ang sariling kwarto at hinanap ang number nito sa kaniyang bag. Napangiti siya nang makita niya iyon at bumalik ulit sa sala. Napatanga siya nang tumutok ang camera kay Zyd na naglalaro at nakikipag-agawan
Kaharap niya si Lula at kinakausap ito habang lihim na nakikinig sa sintemyento niya. Si Tacu naman ay masyadong walang paki sa kaniyang kadramahan at natulog lang sa kaniyang paanan. Ang plano na lumabas sila papuntang lake ay 'di natuloy dahil naalala niya 'yung punishment ng lalaki. Hindi siya baliw para pumayag sa punishment nitong sinasabi."Answer me Lula! Do you think I'm pretty?" pag-uulit niya sa kaniyang tanong pero hindi ito sumagot. Pati aso napagod na sa kaniyang pag-iinarte.Ito last question na lang bago siya pumasok sa loob at tumambay sa kahit saang sulok ng bahay habang mag-basa ng librong hindi niya alam ang mga title. "Do you think... He... Likes me?"Napasimangot siya nang maghikab ito at natulog sa kaniyang paanan. That's it, nakakapagod nga talaga siyang kausap. Nag-walk out siya at hinayaan ang mga ito na matulog. Nagtuloy-tuloy siya sa kusina at kumuha ng pagkain do'n. Isa sa advantage niya
Hindi siya makatulog buong gabi kaya kinabukasan, para siyang sabog na bumaba ng hagdanan at parang kasapi ng rugby gang sa hitsura. Kumakamot pa siya sa ulo papuntang kusina at uminom ng subrang lamig na tubig para tuluyan magising ang inaantok niyang diwa pero walang epekto."Goodmorning!" masiglang bati sa kaniya ni Zyd.Kumakamot pa si Lianne sa kaniyang singit. "Goodmorning din."Sino ba kasi ang maagang mag-goodmorning sa kaniya? Maliban sa hindi pa sila nagkakasalubong ni Zyd sa loob ng bahay na ito tuwing umaga, si Lula at Tacu lang ang naisip niyang babati sa kaniya. Salamat naman at nakakapagsalita na ang mga aso sa bahay na 'to."Are you sick or something?""I'm okay—" Awtomatikong nanlaki ang kaniyang mga mata nang maalalang hindi naman pala nagsasalita ang mga alagang aso.Kitang-kita niya ang bagong ligo na si Zyd at subrang presko tingnan. Tumama pa ang sinag ng araw
Tahimik lang na nakikisabay si Lianne sa isang tabi sa pamilya ni Zyd. Nalaman din niya 'yung brown na buhok na ka-engkwentro niya kanina ay bunsong kapatid ng lalaki. So what? Awayin pa niya ito, eh. Masyadong bastos ang bibig. Maingay ang buong paligid at kaniya-kaniyang tawanan ang mga ito at nag-uusap habang sandaling umalis ang asawa raw niya sa papel dahil tinawag ito ng ama."Can I have a few words with you, young lady?" Lumapit sa kaniya ang ina ni Zyd. Nakangiti ito kaya kampante siyang sumama rito nung akayin siyang mag-usap sila sa balcony."Tell me dear, on what earth why my son marry you instead of Kate?" nakangiting tanong nito.Natigilan siya. Kahit nakangiti ang magandang ginang sa kaniyang harapan, hindi niya maiwasan iba ang tono nito."Ma'm, may I ask you a query?"Nagdaan muna ang ilang segundo bago ito tumango. Nakatayo sila pareho at may bitbit itong wine glass. Oras na m
BITBIT ni Lianne sa umagang iyon ang laptop at nilagay sa breakfast bar habang kausap ang pamilya sa Pinas thru Skype. Medyo nakahinga siya ng maluwang nang malaman nakalabas na ang kaniyang Ina at sinimulan na rin itayo ulit ang bahay nilang minsan nagdrama para lang talaga kumapit siya kay Zyd."Kumusta finals niyo?" tanong niya sa kapatid niyang future architect. Tumawa naman ito ng malandi sa kabila at nagmamayabang na pinakita sa kaniya ang matataas na marka."Hoy, ikaw malandi. Kumusta 'yan malunggay mo? Buo pa o wasak na?" pagtatanong niya sa isa niya pang kapatid."Ate ang bibig mo!" agad naman napasimangot ito sa kabilang linya. Napahalakhak naman siya sa naging reaksyon ng kaniyang kapatid. "Eh, ikaw? Kumusta na ang pagiging topakin mo, ate? Maliban sa paiba-iba ka ng mood, lakas pa ng tuyo mo sa utak."Napataas ang kaniyang kilay sa lampastangan sinabi nito lalo na't sabay pa itong nagsitawanan sa k
“Ano? Okay na ba kayong dalawa? Mabuti naman at makakatulog na ako ng mahimbing nito. Hindi na ako susundutin ng konsensya ko.” nakahingang saad ni Magnar. Nakaharap sa mga ito ang phone niya at naka-live pa rin ang mga ito gamit sa Facebook niyang kagagawa lang kanina. Gamit niya ang pangalang 'Magnesiumʼ. “Mga ka-viewers, 'yan pala ang dalawang lovebirds. Nagkasakitan muna bago nagbalikan. Kita niyo ang dalawang 'yan? Parang mga tanga lang. Ayawan bago balikan. Kaya ayuko magmahal kasi ganiyan mangyayari sa'kin—— awts! Tangina mo nambato pa!” inis na lumayo siya sa mga ito. Vlogger siya ngayon. “Kilala niyo ang lalaking 'yan? Kaibigan ko 'yan na pinagselusan ako. Hahah. Bobo amputa! Anyways, maganda kasi ang Mariebabes pancakes honey loves so sweet niya kaya ganiyan siya kabaliw.”“Umalis ka nga rito!” asik sa kaniya ni Gallagher.“Masaya ka lang, eh. Taena mo ito na, aalis na!” mabilis niyang saad nang akmang batuhin siya nito ng prutas.Lumayo siya sa mga ito at nagtungo sa sala.
Sabay silang nagtawanan dalawa ng babaeng mahal niya at para mas lalong mapapasana all ang kaibigan, walang sabing tinawid niya ang pagitan ng labi nila ni Marie. Kung alam lang pala niya na sa ganitong paraan siya papatawarin ng dalaga, nag-live na siya sa facebook at nagkunwaring tumalon mula sa roof top ng building noon."Don't be mad at me Gal, Marie. Ang totoo niyan, buong mundo ang nakapanood sa inyo ngayon.""The hell?!""Ano!""Isang buong gabi lang ito." Humalakhak ito. "I'll delete it by morning, swear." Nagtaas ito ng kamayna parang nangangako.Hindi na sila umimik dalawa. Muli niyang hinarap ang dalaga at tinawid ulit ang pagitan ng kanilang labi at mariin itong hinalikan. Parang may fireworks ang kaniyang puso nang tugunin nito ang halik na binigay niya at mas marubdob na paraan. Halik na kay tagal nilang tinitimpi ang isa't isa at wala silang pakialam kung nasa live video sila ni Magnar. Maiinggit ito.Natigil lang sila nang tumunog ang kaniyan tiyan. Natawa siya nang du
Isang malakas na suntok ang tumama sa mukha ni Gallagher nang maiahon siya ni Magnar sa ilalim ng tubig. Galit itong nagsisigaw sa mukha niya habang sinuntok ulit ang kaniyang mukha at niyugyog ang kaniyang balikat."Stupid! Are you trying to kill yourself?! Gago ka na ba talaga, ha, Gal? Tangina mo! Tangina mo talaga!"Nagmulat siya ng mata at nakita niya si Magnar na galit na galit. Nakaupo na ito sa kaniyang tabi at basang-basa. Dahan-dahan siyang bumangon at napahawak sa kaniyang panga. Ngayon siya ulit nakatikim ng suntok mula sa kaibigan."Masakit," usal niya.Napasinghot naman ito at binatukan siya. "Tangina mo Gallagher!""Nasaan ang pinapakuha ko sa'yong beer?""Wala ka ng stock ng beer sa ref mo. May magdadala rito maya-maya lang at darating."Nagkibit siya ng balikat at pinunasan ang gilid ng labi. Nalasahan niya ang kaniyang sariling dugo na nagmula roon. Sa suntok marahil na binigay sa kaniya ni Magnar."Ano ba ang nasa isip mo?""I just wanna rest. Kahit isang gabi lang.
Limang buwan nagdaan. Walang nagbago sa pakikitungo sa kaniya ni Marie. Mas lalo itong naging malamig sa kaniya nung lumipat na ang mga ito sa Manila at sunod pa rin siya nang sunod. Nagmukha siyang aso sa kakasunod sa dalaga. Pinayuhan na rin siya ni YX pero hindi siya nakinig.Binigyan siya nito ng bakasyon at pinakiusapan ayusin niya ang kaniyang sarili pero mahirap yata gawin ang sinabi nito. Mabilis lang sabihin pero sa bawat gabing nagdaan, dahan-dahan siyang tinutupok ng sarili niyang kalungkutan.Tulad ngayon, nasa sariling penthouse siya sa Manila at mag-isang umiinom habang nakatingin sa kalawakan sa gabing iyon. Pang-ilang bote niya na ito ng beer at malakas-lakas na ang tama niya.Natatawa siya habang paulit-ulit na lumilitaw sa isipan niya ang magandang mukha ni Marie. Natatawa siya pero ang sakit na kaniyang naramdaman ay hindi kayang pawiin sa ilang bote ng beer na kaniyang ininom."Marie!!!" malakas siyang napasigaw. Nasa terasa siya at walang makakarinig kahit magwala
Ang lawak ng ngiti ni Gallagher nang maihanda niya ang adobo at dalawa pang niluto. Mabango pero ingat si Magnar, dahil may nilagay siyang pagsisihan nito ng buong buhay. Nagpipigil siyang humalakhak. Umarte siyang kalmado nang umakyat siya sa hagdanan. Susunduin niya lang ang kaibigan at ihatid ito sa kamatayan.Sinadya niya munang daanan ang silid ni Marie at nakita niyang nando'n pa rin ang pagkain sa labas kung saan niya iniwan. Napabuntunghinga siya. inuna niyang kunin ito at bumaba papuntang kusina. Naawa siya sa lutong pagkain niyang hindi man lang nagawang tikman.Nilagay niya sa hugasan ang tray nang magsalita na sa likuran niya si Magnar. Kasunod nito si Marie at mukhang giinawa nitong proteksyon ang babae laban sa kaniya. Ngumisi siya sa isip. Gano'n nga, hangga't nasa paligid ang dalaga hindi niya ito dadapuan ng daliri."Luto na ba Gal?"Huminga muna siya ng sama ng loob bago tumango. "Yeah.""Good! Kasi gutom na ako.""Kumain ka na bago ko ihampas lahat 'yan sa'yo."Ning
Mabilis pa sa kidlat ang naging pagtakbo ni Gallagher sa bintana ng sala para totoong silipin kung nandito nga ba ang walang hiyang kaibigan niya. napamura siya ng malakas nang makita itong nakangiti, umakyat sa bakod at nagwagayway ng puting bandila. May suot itong puting damit na may nakatatak na pangalan niya at peace sign. Nagdilim ang kaniyang mukha. May gana pa talagang umarteng kaibigan sila ngayon. Kung alam lang ni Magnar na nung nakaraan araw pa siya gigil na gigil na pilipitin ang leeg nito hanggang sa mangisay ng tuluyan at layuan ang babaeng mahal niya!"Tanginang gagong 'to! Nagpakita pa talaga—" Hindi niya natuloy ang iba pa na sasabihin nang marinig niya ang mga yapak na nagmula sa hagdanan.Paglingon ni Gallagher, ang walang emosyong mukha ni Marie ang kaniyang nakita. Deri-deritso itong nagtungo sa pintuan na hindi siya nakikita o sadyang ayaw lang siyang tingnan.Gusto niyang harangan ang pintuan para huwag itong lumabas at baka makita nito si Magnar pero hindi niya
Blangko ang mukha ni Marie nang tingnan siya nito at tanggap ni Gheron iyon. Siya ang gumawa ng bagay na ikakamuhi sa kaniya ng dalaga kaya hindi siya pwedeng magreklamo kung pahihirapan siya nito. Babalik siya sa una kung saan at kung paano siya nito kinausap pero mahihirapan siya ngayon."Fidel...""Oh?" mabilis na lumapit si Fidel kay Marie nang tawagin ito ng dalaga. Kakapasok lang nito sa pintuan at may dalang mga prutas na pinamili."Paalisin mo ang taong 'yan." Tumingin ito sa kaniyang gawi at tinuro siya."Marie..." Napatingin sa kaniya si Fidel."Ang pagkakaalam ko, ikaw lang ang tunay kong kapatid. Kung gano'n, anong ginagawa ng taong 'yan dito? Paalisin mo," muling sambit ng dalaga at blangkong tumingin sa kesame."Gheron?"Ngumiti siya sa lalaki. "Yeah, I understand. Sige, alis muna ako." Sandali siyang sumulyap sa dalaga at lihim na nabuntunghinga kahit ang totoo ayaw na ayaw niyang umalis.Mabigat ang balikat nang lumabas siya at nagpasyang sa loob ng kotse na lamang siy
"Putangina ka! Paano ka nakarating d'yan sa probinsya ni Marie?"Tiningnan lang ng masama ni Gheron si Magnar. Akala nito hindi siya babawi sa ginawa nito? Maghintay lang ito."Kung hindi ka panay sulpot at pangingialam sa buhay pag-ibig ko, Magnar, hindi ako magkakaganito!" napakuyom ang kaniyang kamao. Nag-uusap sila sa pamamagitan ng hologram watch niya."Bakit ako?"Nag-dirty sign siya sa lalaki. Hindi sila kaibigan ngayon. Magkaaway sila ng lalaki at tama na ang tatlong araw na parusa nito sa kaniya. Pinagbibigyan lang niya ang ginawa nito para sa kasalanan ginawa niya kay Marie. Pero nangangako siyang babawi. Babawi siya para kay Marie."Huwag mong ipakita sa'kin ang mukha mo Magnar kapag nagmahal ka rin! Dahil gagawin ko rin miserable ang buhay mo. Hayop ka! Alam mong ikaw ang pinagseselusan ko, panay ka pa rin lapit sa babaeng gustong-gusto ko. Hindi ka talaga totoong kaibigan!"Isang malakas na tawa naman ang ginawa nito na parang hindi siya nito binugbog at kinulong ng tatlo
Mabilis pa sa kidlat ang paglapit sa kaniya ng lalaking tinakasan niya sa Japan. Ayaw niyang makita ang mukha nito kaya anong ginagawa nito sa harapan niya? mabilis niyang iniwas ang sarili sa lalaki. Wala siyang pakialam sa walang ampat na paglabasan ng mga dugo sa kaniyang noo."Tangina! Anong ginawa niyo kay Marie?" boses iyon ni Fidel pero nanlalabo ang kaniyang mata dahil na rin siguro sa luha kaya hindi niya makita ito.Pilit siyang tinulungan ni Gheron pero pinapaalis niya ang kamay nito. Kahit ang paghawak lang sa kaniya ay hindi niya ito pahihintulutan."Marie...""Umalis ka na Gheron! Bakit ka pa nandito?!" Tinulak niya ang lalaki pero hindi ito natinag. "Bumalik ka na sa kung saan impyerno ka galing!" Binangga niya ito para padaanin lang siya at hindi naman siya nabigo, binigyan siya nito ng daan.Ang puso niya, tuluyang nawala. Nagkawasak-wasak. Hindi lang ang lalaki ang nanakit sa kaniya, pati na rin ang inakala niyang pamilya. Pamilya pero wala siyang halaga.Mabilis siy