Home / All / The Nerd's Diary / Chapter 3 (Ken's encounter)

Share

Chapter 3 (Ken's encounter)

last update Last Updated: 2021-07-12 08:51:23

Bumababa si Ken mula sa sinakyang bus, at nadapa dahil naapakan nito ang nakalawlaw na sintas ng kanyang sapatos at agad n'ya itong itinali bagama't nagsitawanan ang mga estudyante sa labas ng gate mula sa kanyang pagkakadapa. 

Si Ken Zanders o mas kilala sa tawag na Ken ay nasa ika-apat na taon sa kolehiyo, at nag-aaral ng Civil Engineering at isang Varsity player ng badminton sa kanilang campus.

Siya ay matalino, magaling sa klase at isang Dean's lister mula noong freshman hanggang third year college sa kanilang campus ngunit madalas tuksuhin ng mga kaklase nito dahil patpatin, badoy manamit, naka-brace ang ngipin at may sariling mundo na kung tawagin ay "Nerd" sa kanilang campus. 

Pumasok siya sa sports room patungong locker upang ilagay ang kanyang sports attire at ang dala nitong badminton subalit lumapit ang kanyang mga kaklase na sina Nico Alvarez kasama ang tropa nitong sina Jeremiah Cruz at Jericho Enriquez na pinakamalapit tropa at matalik niya ring kaibigan. 

Si Nico ang lider ng kanilang grupo na kung tawagin ay Alpha team, ang pinakasikat at pinakamayamang grupo sa kanilang campus at isang magaling na basketbolista. Nakasuot ito ng pulang jacket na may suot na pantalong may punit sa tuhod at may hikaw sa ilong na napatitingkad ang pagka-gangster nitong hitsura. May pagka-chinito, sikat at hinahangaan ng mga kababaihan sa kanilang campus subalit may pagkaangas kung kumilos at siga kung pumorma.

Isa sa pinakamagaling na grupo pagdating sa billiards kaya walang sinuman ang nangangahas na makipag-kompetensya o maghamon sa kanila lalo na sa tinatawag nilang "bet it on challenge".

"Hoy Ken! Pahiram kami ng reviewer mo sa structural theory mamaya ah," maangas na sabi ni Nico at dala nito ang isang papel na noo'y isinulat ang salitang "weirdo" at itinago n'ya sa kanyang likod. 

"Ah... E. Sige, pasahan ko na lang kayo sa cellphone n'yo mamaya," tugon ni Ken. 

"Huwag na tayong mag-review. Kodigo na lang tayo," saad ni Jeremiah. 

"Tanga! Si Mrs. De Castro ang magpapa-quiz mamaya... Lagot na 'pag nahuli tayo no'n. At... 'Wag naman sana natin ipakita kay Ken na mahina ang Alpha team. Dapat... Magagaling tayo at mahuhusay. Ikaw na naman, Pars uh," wika ni Nico. 

"Oo nga pala." Napakamot si Jeremiah sa ulo nito. 

"Mamaya pahiram kami ng reviewer, ah! Nang hindi ka namin mapagtripan," wika ni Nico sabay tapik nito sa braso ni Ken. 

"Ah, e... Sige," sagot ni Ken habang nag-aayos ng gamit sa kanyang bag pack na ilalagay sana sa isang locker. 

"Ang bait mo talaga, kaya believe ako sa'yo, e," pambobola ni Nico. Dahan-dahan nitong idinikit ang papel sa likod ni Ken na kunwari'y umaakbay. 

"Bye, Ken," sabi ni Nico at nagsitawanan ang tatlo. 

Di lubos maisip ni Ken kung bakit sila nagtawanan subalit pinagsawalang bahala n'ya na lamang ito. Itinago nito ang bagpack sa kanyang locker. Notebook at ballpen na lamang ang tanging dala-dala nito patungo sanang Engineering classroom subalit kumalam ang sikmura nito kaya pumunta ng Canteen. 

Di kalauna'y siya ay kumakain habang di namamalayang pinagtatawanan siya ng mga tao sa loob ng Canteen ngunit di n'ya na lamang ito pinansin. 

"Anong meron? Ba't parang nakatingin sila sa 'kin? " bulong nito sa sarili. 

Tiningnan ang oras sa relo at nakita nitong saktong alas nuwebe kaya madaling inibos ang pagkaing baked macaroni at kumaripas ng pagtakbo palabas ng canteen. 

Pumasok na s'ya sa Engineering classroom habang nadatnan niyang nagtatawag ng pangalan para sa attendance si Engr. France De Castro, dekano at propesora sa subject na structural theory at environmental science. Siya ay strikto at kinakatakutan ng maraming studyante kung tawagin siya'y "Terror".

Siya ay magaling at mahusay magturo sa matimatika at mahigpit sa berbal na komunikasyon, dapat tama ang grammar sa pagsasaad ng pangungusap o talata ng isang estudyante sa tuwing recitation. 

"Vargas, Shane... Villamayor, Gibert," pagtawag ni Mrs. De Castro. 

"Present, ma'am... Present," tugon ng dalawang estuyante. 

Papunta na sana si Ken sa kanyang upuan nang patirin ito ni Nico. Nagulantang ang lahat at nagsitawanan.

"Villareal, Ken Zanders," pagtawag ni Mrs. De Castro.

"Present po, Maam," tyempong tugon ni Ken sabay taas ng kamay at agad tumayo sa pagkakadapa nito at tumungo sa upuang katabi ni Andy San Andres, ang matalik na kaibigan niya mula no'ng fourth year High School sila. Si Andy ay isang nerd rin at isa sa madalas na kasama niya kahit saan man pumunta. 

 "What is happening there?" mataas na boses ni Mrs. De Castro. 

"Ah, nadapa lang po ako, Maam," pagkukunwaring sagot ni Ken at umupo sa upuang katabi ni Andy. 

" What is on your back? May I see," aniya Mrs. De Castro. 

Agad hinablot ni Andy ang papel sa likod ni Ken.

"Ano 'yan?" tanong ni Ken

" Papel na may nakasulat na weirdo" sagot naman ni Andy at iniabot kay Mrs. De Castro. 

"Who do you think that did it to you? " tanong na may pagmamalasakit ni Mrs. De Castro. 

Naisip ni Ken na si Nico ang unang nakasalamuha nito kaya malakas ang kutob nito na siya ang naglagay sa likod nito. Tiningnan niya si Nico ngunit tiningnan din siya ng matalim kaya ito ang dahilan ng pagka-udlot ng pagsusumbong nito. 

"Ah... E. Nakalimutan ko po, ma'am. An' dami ko po kasing nakasama o baka nama'y dumikit lang 'yan galing sa pader," pagkukunwaring sagot ni Ken. 

"It is impossible. I know that this was intentional but you didn't even know who did it...  This is kind of social bullying which is embarrassing someone in the public. If anyone encounters it. I can help you," paliwanag ni Mrs.  De Castro at may kinuhang papel na nakaipit sa log book nito. 

"Moving forward, I would like to announce the two in this section who got flat 1... I congratulate you Mr. Villareal and Ms. Reyes. Keep it up. Dean's list awaits you again," aniya Mrs. De Castro. 

Subalit nabugho si Nico at matalim na tiningnan si Ken dahil naka-pokus dito ang atensyon ng kanyang kaklase maging si Mrs. De Castro. 

"Congratulations Ken, ang galing mo," magaliw na puri ni Andy at bahagyang tinapik si Ken sa balikat nito. 

"Salamat, Andy, " tugon ni Ken at tiningnan nito si Julie sa kabilang upuan. Bahayag ngumiti nang sabay pumako ang kanilang paningin. 

Si Julie Reyes ay matalik na kaibigan at kababata ni Ken. Siya ay matalino, masipag, mahiyain at nerd ngunit palaban kapag nakikita nitong inaapi si Ken ng mga bullies lalo na ng Alpha team. Isa rin siya sa mga estudyante na kabilang sa Dean's list mula noong freshman pa. 

"Congratulations, Julie. Ang ang galing n'yong dalawa ni Ken. I'm so proud of you," magiliw na puri ni Gemmalyn Garcia o mas kilala sa tawag na Gem, ang matalik na kaibigan ni Julie at kaibigan na rin nila Ken at Andy. Siya ay mataba, may kulot na buhok, madaldal at masiyahin. Madalas kasama ni Julie kahit saan. 

" Salamat, Gem, " tugon ni Julie habang nakatitig kay Ken at nagulat ito nang biglang hinampas ni Mrs. De Castro ang mesa dahil sa ingay ng estudyante. 

"Everyone!  Get one whole sheet of paper. We are going to have a quiz," utos ni Mrs. De Castro. 

"Nag-review ka? Paggaya ako, a...Pahingi ng papel... Quiz na naman?" sabi ng ilan sa mga estudyanteng naroon. 

Isang oras ang nakalipas, pagkatapos ng klase at paglabas ni Mrs. De Castro, nagpulong ang klase at pinangunahan ito ni Shane Vargas, ang class mayor ng kanilang section. 

" Announcement! Listen, everyone!," panawagan ni Shane. 

"Hoy! Makinig daw kayo!" malakas na sigaw ni Jericho at sandaling tumahimik ang klase. 

"First of all, I would like to congratulate Villarreal and Reyes. Just aim high," magiliw na pahayag ni Shane at pinuno ang silid aralan ng masigabong palakpakan.

"I would like to announce na this coming October, we are going to celebrate intramurals. We must have contenders for Mr. and Ms. search intrams to represent college of engineering. May nakuha ng Ms. search intrams sa kabilang section. So, lalaki na lang 'yong kailangan natin," pahayag ni Shane. 

"Si Nico Alvarez!" sigaw at boto ng isang estudyante na naroon. Di kalauna'y siya ang ibinoto ng karamihan.

Mga ilang sandali ang lumipas, naglabasan ang mga estudyante mula sa pagpupulong. Samantala nag-uusap sila Ken at Andy habang naglalakad sa Hallway patungong sports room. 

"Nakita ko kanina kung paano ka patirin ni Nico. Sana sinumbong mo kay Ma'am nang maturuan ng leksyon," saad ni Andy. 

"Huwag na, kasi lalo lang lalaki ang gulo. Lalo tayong pagtitripan no'n 'pag ginawa natin 'yon," tugon ni Ken. 

"Sa bagay tama ka rin. Baka lalo lang tayo pag-iinitan no'n kasama ng tropa n'yang hilaw."

"Pssst! Huwag kang maingay. Baka may makarinig sa 'yo," bulong ni Ken. 

Habang naglalakad sila Ken at Andy may nakasalubong silang dalawang babaeng estudyante.

"Hi, Miss. Nice to meet you, " bungad na pagbati ni Andy. 

"Yucks. Ang pangit mo, hoy! So weird," saad ng dalawang babae. 

"Ang susungit naman no'n, " nanlulumong sabi ni Andy. 

"Huwag mo na kasi silang pansinin."

"Nagpapakilala lang naman ako, e," nanlulumong tugon ni Andy bagama't biglang naiba ang usapan. "May notes ka ba sa Environmental Engineering"

"Hayyys. 'Yan ka na naman, e. Di ka naman nagsulat kahapon," nanlulumong sabi ni Ken. 

"Sige na, Ken," paki-usap ni Andy. 

"Okay. Punta tayo do'n sa sports room, kunin ko lang 'yong bag ko sa locker ko."

"Sige, Salamat. Ang bait talaga ng kaibigan ko,"  natutuwang saad ni Andy. 

Habang naglalakad sila sa hallway patungong ikalalawang palapag, sinalubong sila ng mga mata ng mga estudyante na naroon sa kabilang building at nakapako ang tingin kay Ken. 

"Di mo ba napapansin?" nagtatakang tanong ni Andy. 

"Ang alin?" saad ni Ken. 

"Kasi kanina na pa nakatingin sa 'yo 'yong mga tao."

"Di ko alam. Hayaan, mo na lang sila, " tugon ni Ken.

"Baka napopogian sila sa 'yo."

"Baliw. Hindi naman siguro. Sino ba naman magkakagusto sa 'kin? E, ang pangit ko," tugon ni Ken sabay tapik sa braso ni Andy. 

"Sandali lang," tugon ni Andy. Kapwa huminto ang dalawa.

"Bakit?" natatakang tanong ni Ken. 

Tinanggal ni Andy ang salaming suot sa mata nito at tiningnan ng mukhaan. 

"Ano bang ginagawa mo?" tanong ni Ken. 

Ang gwapo mo pala kahit walang salamin, kulang nga lang sa porma. Tanggalin mo lang 'yang brace mo at mababawas-bawasan lang 'yang tagyawat mo sa mukha. Malaki ang lamang mo sa Alvarez na 'yon. Sigurado ako masasapawan mo 'yon," aniya Andy. 

"Akin na 'yong salamin ko. Hindi mangyayari 'yang sinabi mo, Ehehe."

"Hayyys... Nega agad," tugon ni Andy at binigay na lamang ang salamin. 

Makalipas ang ilang minuto matapos kunin ni Ken ang kanyang bag sa locker sa sports room, tumungo sila isang study area at sandaling huminto. 

"Upo muna tayo dito," malunay na utos ni Ken habang inilatag ang bagpack sa mesa. 

"Magpa-photo copy muna ako nito, " aniya Andy habang hawak ang notes ni Ken. 

"Ah, sige, hintayin kita."

"Di pa ba tayo magla-lunch?" pahabol na tanong ni Andy. 

Tiningnan ni Ken ang kanyang relo, "Maaga pa naman... 30 minutes pa bago mag-alas dose... Ganito na lang, pagkatapos mo magpa-photo copy. Lunch na tayo."

"Sige, treat mo 'ko. Flat 1 ka naman, e," saad ni Andy. 

"Oo, sige na," tugon ni Ken. 

"Ok lang ba sa 'yo. Nagbibiro lang naman ako, e. Sigurado ka, ah," wika ni Andy. 

"Oo." Tumango si Ken at kinuha nito ang kanyang diary sa kanyang bagpack.

"Salamat, Ken," tugon ni Andy at nagmadaling umalis. 

 Nagsimulang nagsulat sa kanyang diary. Inisip at pinagtugma-tugma ang bawat pangyayaring naengkwentro niya. 

" August 1, 2017... Dear Diary, I was getting pissed off from my sibblings because they made me subject for their prank. I was annoyed because I woke up with poops of chicken in my mouth..."

Tinigil niya ang pagsusulat noong biglang dumating ang Alpha team palapit sa kanya. 

"Hoy! Anong ginagawa mo? " paninindak na saad ni Nico at umupo sa mesang kinagagalawan ni Ken sa pagsusulat. 

"Ah, wala 'to," natatarantang sagot ni Ken at bahagyang itiniklop ang diary nito. 

"Mukhang abala ka yata... Nag-iisa ka. Nasaan 'yong best friend mong lampa?" panunukso ni Jeremiah at nagsitawanan ang tatlo.

Walang nagawa si Ken mula sa panunukso ng Alpha team at nanlumo na lamang habang pinagmamasdang nagsisitawanan ang mga 'to. 

Samantala kinuha ni Nico ang notebook nito sa kanyang bag at itinapik kay Ken. 

"Di ba matalino ka? Igawa mo 'ko ng assignment," utos ni Nico. 

"Ako rin, " sabad ni Jericho. 

"Sila rin. Igawa mo rin sila ng assignment. Asahan namin 'yan, ah! 'Pag di mo kami sinunod, congrats na lang sa 'yo kasi makakatikim ka sa 'kin ng suntok. " Banta ni Nico. 

"O... Oo, gagawin ko, " mahinahong tugon ni Ken habang nilalagay n'ya ang mga notebook ng Alpha team sa kanyang bag pack. 

"Well. Ang galing mo kanina, ah. Sikat ka! 'Kala mo genius ka? Dean's lister na naman daw? Huwag mo nga ako, e, lampa ka naman! Utusan ka nga lang namin, e, " pang-iinsulto ni Nico at nagtawanan. 

"Lunch na tayo, Pars. Mag-aalas dose na, " yaya ni Jericho. 

"Mamaya na. Maaga pa naman... Mag-Energy (Yosi) muna tayo do'n sa talipapa. Tara na," nagyayang tugon Nico. 

Nilubayan na nila si Ken subalit nag-iwan pa ng bansag. 

"Ken Ipot... Ken pot pot, " bansag ng Alpha team. 

Tila nabunutan ng tinik si Ken at guminhawa ang pakiramdam nang lubayan siya ng Alpha team subalit nagtaka siya at di mawari kung saan nanggaling ang bansag na 'yon dahil ngayon lang n'ya na narinig ito mula sa panunukso nila. Nanlumo s'ya at binuklat ang kanyang diary at muling nagsulat. Bagamat lumipas ang ilang segundo dumaan sina Julie at Gem, at lumapit sa kanya. 

'Kumusta Ken? Ba't nag-iisa ka? Nasa'n si Andy? saad ni Julie. 

"Ah, nagpa-photocopy lang sa labas, " aniya Ken at bahagyang itiklop ang diary. 

"Ang sipag mo na naman mag-review... Ay congrats pala, ah!" pagpupuri ni Gem. 

"Salamat," aniya Ken. 

"Ang talino n'yo talagang dalawa. Nagmana talaga kayo sa 'kin," biro ni Gem. 

"Di ka pa ba magla-lunch? " pag-aalalang tanong ni Julie. 

"Ah, mamaya pa. Hinihintay ko pa kasi si Andy, " malumanay na tugon ni Ken. 

"Tara Gem... Di ka pa ba sasabay sa 'min, Ken,"  yaya ni Julie. 

"Sige, mauna na kayo. Sunod na lang kami ni Andy."

"Ah, sige. I-reserved na lang namin kayo ng upuan sa Canteen, " aniya Julie. 

"Sige, salamat."

Magkatabing kumakain sina Ken, Julie, Gem at Andy sa Canteen habang nag-uusap usap sa isang mesa. Nakita nila ang Alpha team sa kabilang mesa na maangas na pinapaalis nito ang estudyanteng naroon at wala na rin itong nagawa kundi sundin sila na umalis na lamang. Kaya sumagi sa usapan nila Gem si Nico. 

"Grabe sila, walang puso! Kahit kumakain 'yong tao, pinaalis, " naaawang saad ni Gem habang nagsi-cellphone. 

"Mga salot 'yan sa lipunan. Sana makahanap sila ng katapat nila nang matauhan," naiinis na tugon ni Andy. 

"Kanina nakita kong pinatid ka ni Nico pero pinagtakpan mo naman s'ya kay Ma'am, " saad ni Julie. 

"Ayaw ko kasi ng gulo kaya ako na lang 'yong umiiwas, " paliwanag ni Ken. 

"Paminsan-minsan ipagtanggol mo rin 'yang sarili," aniya Julie. 

"Ken, halika! Tingnan mo 'to" sabad ni Gem at ipinakita ang nasa cellphone nito. 

"Ba't ano 'yan? " tanong ni Ken. Nagulat ito nang makita ang larawan at video na nag-viral mula sa pagkakagawa ng prank nina Bethany at Jerry. 

Related chapters

  • The Nerd's Diary    Chapter 4 (The hilarious posts)

    Mag-aalas sinko na ng hapon nang dumating si Ken sa kanilang bahay galing sa paaralan. Suot nito ang sports attire na noo'y naglaro ng badminton rehearsal. Nadatnan niyang nag-aalis at nagsusungkit ng mga sinampay si Aling Cora sa kanilang bakuran at lumapit ito upang magmano. Nakatalikod si Aling Cora habang abala sa ginagawa kaya kinalabit n'ya ito."Mano po, Aling Cora," magalang na sabi ni Ken."Nan d'yan kana pala, Ken." Sandaling iniabot nito ang kanyang kanang kamay kay Ken habang hawak naman ng kabila ang naka-hanger na sinampay. "Salamat, pagpalain ka ng Diyos.""May nalabhan po ba kayong damit pang-sports?" mahinahong tanong ni Ken."Oo, natuyo na. Isinilong ko na do'n sa loob.""Salamat po," sabi ni Ken."Ah, sige," sabi ni Aling Cora habang patuloy sa ginagawa.Matamlay at pagod na pumasok si Ken sa loob ng kanilang bahay, at nadatnan niyang walang tao sa roon kaya sandaling lumabas upang tanungin si Aling Cora. Nakita n

    Last Updated : 2021-07-23
  • The Nerd's Diary    Chapter 5 (Bethy's realization)

    Magha-hating gabi na nang hindi pa rin makatulog si Bethany habang tahimik na natutulog ang mga kasama nito sa kwarto ni Franchesca. Siya ay nagmumuni-muni sa kabila ng nangyaring alitan sapagkat napagtanto nito ang pangungutya at masasakit na salitang binitawan ni Xyra na tumusok sa kanyang dibdib na patungkol sa cyberbullying na kung saan kabilang ang kanyang nakakatandang kapatid na si Ken.Bumangon siya sa kama na noo'y magkatabing natutulog kasama si Franchesca habang sa kabilang kama naman ang kambal. Binuksan nito ang pinto habang dala nito ang laptop at ang naka-shut down niyang cellphone na noo'y hindi man lang nahawakan at ginamit sapagkat nagpokus na lamang ito sa thesis. Iniwanan nito ang kwarto habang mahimbing na natutulog ang kambal subalit naidilat naman ni Franchesca ang kanyang mata dahil sa bahagyang kalantog ng pinto.Tuluyang naggising si Franchesca, mga ilang minuto ang lumipas, bumangon din ito sa kama at sinundan si Bethany kung saan siya naroroon

    Last Updated : 2021-07-31
  • The Nerd's Diary    Chapter 6 (Mother's heart)

    Alas nuwebe na ng umaga subalit mahimbing pa rin ang tulog ni Ken na nakahilata at nakanganga sa kanyang kama. Yakap nito ang libro sa subject na environmental engineering na noo'y nag-review para sa prelim exam nito bagama't nakakalat naman ang mga notebook na pagmamay-ari ng alpha team sa mesa nito na ginawa niya noong hating gabi.Malakas ang hilik nito at tuluyang sumagi sa kanyang pisngi ang tumutulo niyang laway ngunit di kalauna'y naggising ito mula sa malakas na katok sa kanyang pinto. Nailpungatan siya at inilapag nito ang yakap na libro sa mesa bagama't kinuha nito ang salamin sa mata at sinuot.Bumangon siya at tumayo mula sa kama at pinunasan niya ng kanyang palad ang iniinda niyang malapot na laway sa kanyang pisngi. Lumakad siya nang pakitong-kitong at may lutang na isip papuntang pinto bagama't noong buksan niya, laking gulat na lamang nito sa nakita."Ahhh!" malakas niyang sigaw."Itigil mo na nga 'yang kasisigaw mo para kang tanga

    Last Updated : 2021-08-01
  • The Nerd's Diary    Chapter 7 (The mean guys)

    Naglalakad nang mag-isa si Ken sa hallway patungong sports room subalit pinagbubulungbulungan siya, at pinagtatawanan ng mga estudyanteng naroon. Tila maraming mga mata ang nakitingin, at maraming hintuturo ang nakaturo sa kanya habang naglalakad mag-isa ngunit di niya na lamang ito pinansin, at patuloy na lamang siya sa paglalakad.Di kalauna'y pumasok na siya sa sports room, at tumungo sa locker upang ipasok ang mga gamit nitong dala datapwa't naririnig niya pa rin ang ngaw-ngaw ng mga estudyanteng naroon, at inda niya na siya ang pinag-uusapan ng mga ito kaya pinalabas niya na lamang sa kabilang taynga habang nagliligpit ng gamit sa locker bagama't biglang tumambad sa kanya ang Alpha team."Hoy Ken! Nagawa mo ba 'yong assignment namin?" maangas na saad ni Nico at umakbay sa kanya habang nakapaligid rin ang ibang myembro ng Alpha team."Ah... Oo, nagawa ko na," mahinahong tugon ni Ken. Kinuha nito ang mga notebook sa bag at iginawad nito sa Alpha team."

    Last Updated : 2021-08-06
  • The Nerd's Diary    Chapter 8 (Pathetic nerd)

    Natapos na ang klase sa subject ni Mrs. De Castro, at naglabasan na ang mga estudyante dito. Nag-uusap habang naglalakad naman sina Ken at ang mga kaibigan nito kasama si Andrew sa labas ng hallway, at di kalauna'y sandaling huminto malapit sa study area."Salamat pala Andrew sa pagtulong mo kanina sa 'kin," aniya Ken."Oo nga pala, dahil sa 'yo nalaman namin kung sino 'yong naglagay ng paskil," sabad ni Julie."Wala 'yon... Ginawa ko lang 'yon kasi 'yon ang tama. Kung hahayaan lang natin na maging mahina tayo lalo nila tayong aapihin.""Correct ka d'yan! Ang tapang mo kanina, ah. Di ako makapaniwalang kaya mo palang supalpalin 'yong mga gagong 'yon, " nanggigil na saad ni Gemmalyn."Mga kupal na 'yon! Wala talagang magawa sa buhay kundi ang mang-alipusta ng kapwa. Sana matapos na ang paghahari-harian nila," nayayamot na saad ni Andy."Kelan pa ba? E, matutupad lang 'yang hiling mo 'pag graduate na tayo at malamang lilisanin na natin 'tong X

    Last Updated : 2021-08-11
  • The Nerd's Diary    Chapter 9 (No girlfriend since birth)

    Biyernes na ng umaga nang biglang kumuliling ang alarm clock ng cellphone ni Ken na nakapatong sa mesa malapit sa kanyang kama. Nakahiga siyang nakatihaya at nakanganga at di kalauna'y kinamot niya ang nangangati niyang singit sa loob ng kanyang dilaw na may polka dots niyang pajama pants na terno rin sa suot niyang pantaas.Sunod-sunod ang tunog ng alarm clock niya sa cellphone ngunit di pa rin natitinag ang kanyang pagiging tulog mantika. Mamaya-maya pa ay kumuliling ulit ang alarm clock at di kalauna'y pinilit niya na ang sarili na gumising.Kaya naalipungatan siya mula sa pagkabangon at pagkakaupo nito sa kama na may itim na eye sleep mask na nakapiring sa kanyang mga mata subalit tila nakapikit pa rin ang mga mata nito mula sa pagkabangon."Yes! It's Friday na! Saturday na naman bukas... Walang pasok! Thanks lord!" Sigaw niya na may namamaos na boses marahil may natuyong laway na bumara sa lalamunan niya sabay taas ng dalawang kamay. Tila dinilat nito ang k

    Last Updated : 2021-08-15
  • The Nerd's Diary    Chapter 10 (In denial)

    Bumaba si Ken ng hagdan galing sa library, dala niya ang libro sa engineering mechanics na noo'y hiniram niya roon, at di kalauna'y umupo siya sa may study area.Sandaling nagbuklat ng libro at nagbasa kahit maingay naman sa paligid niya dahil sa ngawngaw, katuwaan at tilian ng mga estudyante, bagama't biglang dumating si Andy at sandali siyang tumigil sa pagbabasa."Hoy, Ken! Magla-lunch break na. Di ka pa ba magla-lunch?" bungad ni Andy."Mamaya na, 15 minutes pa bago mag-lunch break... Review muna tayo.""Ang sipag mo mag-aral, baka malipasan ka ng gutom, magkakasakit ka n'yan," pag-aalalang wika ni Andy."May recitation kasi mamaya, kay ma'am Lopez. Sigurado ako, magko-call on nanaman 'yon," tugon ni Ken."Oo nga pala. Pa-picture na lang ako ng topic." Agad kinuha ni Andy ang kanyang cellphone sa kanyang bulsa. Bagama't nagkagulo ang ibang estudyante sa kabilang dako dahil dumaan ang Alpha team.Maangas at ta

    Last Updated : 2021-08-25
  • The Nerd's Diary    Chapter 11 (First love)

    Mag-isang nakaupo si Ken katabi ang kanyang bag sa bench habang nagbabasa ng kanyang diary, binalikan niya ang mga dating pangyayari, at natuwa siya rito.Maingay ang paligid dahil sa sigaw at tugtugan mula gymnasium, at kwentuhan at tawanan naman ng mga estudyante mula sa ball ground.Sa kabila nito, nanatili si Ken sa kanyang posisyon, bagama't may bolang nakahiga sa madamong lupa at di kalauna'y sinipa ito ng soccer player na noo'y naglalaro ng soccer rehearsal sa gitna ng ball ground. Ito ay lumipad at tuluyang tumalbog sa kanyang batok."Aray!" Napabalingwas siya mula sa kanyang pagkakaupo, at nalaglag ang hawak niyang diary sa lupa at ang kanyang salamin sa mata, nakaramdam siya ng pamamanhid at hinamplos niya ang ang kanyang batok.Bahagyang lumapit ang soccer player at kinuha ang bola, di kalauna'y humingi rin ng paumanhin."Sorry, oh."Bagama't hindi kumibo si Ken habang hinahaplos niya ang kanyang batok. Ang ibang nakakita sa kanya ay na

    Last Updated : 2021-09-02

Latest chapter

  • The Nerd's Diary    Chapter 3 (Ken's encounter)

    Bumababa si Ken mula sa sinakyang bus, at nadapa dahil naapakan nito ang nakalawlaw na sintas ng kanyang sapatos at agad n'ya itong itinali bagama't nagsitawanan ang mga estudyante sa labas ng gate mula sa kanyang pagkakadapa.Si Ken Zanders o mas kilala sa tawag na Ken ay nasa ika-apat na taon sa kolehiyo, at nag-aaral ng Civil Engineering at isang Varsity player ng badminton sa kanilang campus.Siya ay matalino, magaling sa klase at isang Dean's lister mula noong freshman hanggang third year college sa kanilang campus ngunit madalas tuksuhin ng mga kaklase nito dahil patpatin, badoy manamit, naka-brace ang ngipin at may sariling mundo na kung tawagin ay "Nerd" sa kanilang campus. Pumasok siya sa sports room patungong locker upang ilagay ang kanyang sports attire at ang dala nitong badminton subalit lumapit ang kanyang mga kaklase na sina Nico Alvarez kasama ang tropa nitong sina Jeremiah Cruz at Jericho Enriquez na pinakamalapit tropa at matalik niya ring

DMCA.com Protection Status