Home / All / The Nerd's Diary / Chapter 4 (The hilarious posts)

Share

Chapter 4 (The hilarious posts)

last update Last Updated: 2021-07-23 16:48:15

Mag-aalas sinko na ng hapon nang dumating si Ken sa kanilang bahay galing sa paaralan. Suot nito ang sports attire na noo'y naglaro ng badminton rehearsal. Nadatnan niyang nag-aalis at nagsusungkit ng mga sinampay si Aling Cora sa kanilang bakuran at lumapit ito upang magmano. Nakatalikod si Aling Cora habang abala sa ginagawa kaya kinalabit n'ya ito. 

"Mano po, Aling Cora," magalang na sabi ni Ken.

"Nan d'yan kana pala, Ken." Sandaling iniabot nito ang kanyang kanang kamay kay Ken habang hawak naman ng kabila ang naka-hanger na sinampay. "Salamat, pagpalain ka ng Diyos."

"May nalabhan po ba kayong damit pang-sports?" mahinahong tanong ni Ken. 

"Oo, natuyo na. Isinilong ko na do'n sa loob." 

"Salamat po," sabi ni Ken. 

"Ah, sige," sabi ni Aling Cora habang patuloy sa ginagawa. 

Matamlay at pagod na pumasok si Ken sa loob ng kanilang bahay, at nadatnan niyang walang tao sa roon kaya sandaling lumabas upang tanungin si Aling Cora. Nakita nitong nagsisilong ng sinampay na damit sa garage at bahagyang lumapit. 

"Aling Cora. Nasa'n po sila Bethy at Jerry?" mariing tanong ni Ken. 

"Si Jerry lang 'yong nakita kong umuwing mag-isa," tugon ni Aling Cora.

"Oo nga pala, may gagawing Thesis sila Bethy," bulong nito sa sarili. "Si Jerry po? Nasa'n?"

"Kasama siya ng Mommy mo, pumunta ng Supermarket at namili ng prutas," tugon ni Aling Cora. 

Pumunta si Ken ng ikalawang palapag patungo sa kanyang kwarto at madaling nagbihis pagkatapos nito ay humiga at humilata sa kama, at kinuha niya ang kanyang cellphone sa kanyang bag at nagbukas ng social media. Napalunok siya habang pinapanood ang video prank ni Bethany. Laking hiya niya sa sarili habang tinitingnan ang nakalantad at nakabalandra niyang mukha na ginawanan pang memes at katatawanan sa YouTube at F******k.

Narinig niya ang tunog ng kotse, agad siyang bumangon at nagmadaling pumunta ng bintana. Nakita niyang pumarada ang kanilang kotse sa garage at agad kumaripas ng takbo patungong ground floor upang salubungin sila roon. Nadatnan nitong lumabas ng kotse si Elizabeth na may bitbit na bayong na may lamang prutas at siya ay lumapit. 

"Mano po, Mommy," nanlulumong sabi ni Ken habang hinihingi ang kamay ng kanyang ina. 

"God bless, 'nak," Iginawad ang kaliwang kamay na may hawak na cell phone at may bitbit naman na bayong ang isa pang kamay. 

"Ako na po n'yan, Mommy," aniya Ken.

"Sige. Salamat 'nak." Iginawad ni Elizabeth ang bayong at nahalata nitong malungkot si Ken. "Bakit ang lungkot mo? May problema ba?"

"Wala po, Mommy." Papasok na sana siya sa loob bagama't nayamot siya nang makita nitong lumabas si Jerry galing sa loob ng kotse habang naglalaro ng online games. Datapwat pumasok na siya sa kusina at nilagay ang bitbit nitong bayong sa mesa. Sandali siyang umupo at kinuha ang cellphone sa kanyang bulsa. 

Di kalauna'y pumasok na rin sina Elizabeth at Mang Berto sa loob habang naiwang naglalaro ng online games si Jerry sa bakuran, yakap-yakap ni Mang Berto ang dala nitong supot na may lamang gulay at inilapag sa mesa. 

"Mano po, Mang Berto," magalang na sabi ni Ken habang na nag-o-onine sa cellphone nito. 

"Sige na, Ken. Salamat," tugon ni Mang Berto. "Ma'am Beth, pwede na po akong umuwi?"

"Ah, Oo, Sige. Magdala ka na rin ng gulay at prutas," alok ni Elizabeth habang dumadampot ng tagka-kaunting piraso ng gulay at prutas,  at inilagay sa supot. 

"Kahit 'wag na po, Ma'am. 'Wag na po kayong mag-abala," mariing pagtanggi ni Mang Berto. 

"Kunin mo na 'to, Mang Berto. Grasya 'to," pangungumbinsi ni Elizabeth habang ginagawad ang supot na plastik. 

"Ah, sige ba. Di ko matatanggihan 'to. Salamat Ma'am." Natutuwang tinanggap ang alok ni Elizabeth. "Ah, sige Ma'am. Do'n na ako."

"Maaga na naman po tayo aalis bukas, Mang Berto," bilin ni Elizabeth. 

"Ah sige po, Ma'am. Noted po," tugon naman ni Mang Jerry sabay lumisan. 

"Salamat. Ingat po kayo," pahabol na bilin ni Elizabeth. 

Samantala napansin ni Elizabeth na kanina pang walang imik si Ken habang kinakalikot nito ang cellphone kaya kinausap niya ito. 

"Ba't parang kanina ka pang walang imik d'yan, Ken?"

Bagama't hindi ito kumibo nang kausapin ni Elizabeth kaya bahagyang lumapit sa kanya. 

"May problema ka ba Ken? May problema ka bang hindi sinasabi sa 'kin?" nag-aalalang tanong niya bagama't walang imik na binigay ni Ken ang cellphone nito sa kanya.

Pinanood ni Elizabeth ang nakakatuwang prank video na kung saan si Ken ang paksa dito bagama't hindi siya natuwa na pinanood ito. Binigay ni Elizabeth ang cellphone kay Ken pagkatapos mapanood ang video ngunit di inaasahang lumitaw si Jerry galing sa labas kaya siya ang napagtuunan ng pansin ng pagngitngit at pagkayamot nito. 

"Ano na naman ba ang katarantaduhang ginawa niyo, Jerry? Di na ba talaga kayo titigil hangga't wala kayong taong piniperwisyo!" mataas na boses ni Elizabeth. 

"Ang alin po, Mommy?" tugon ni Jerry at tinigil ang paglalaro sa online game. "Di ko po kayo maintindihan."

"Yong video prank na ginawa niyo sa kuya mo. Pinost n'yo pa, at ngayon nag-viral. Di na ba kayo naaawa sa kuya niyo? Samo't saring panghuhusga at bashers ang hinaharap niya ngayon dahil sa kalokohan niyo! " saad ni Elizabeth. 

"Di ako nag-post n'yan... Si ate."

"Kasabwat ka na rin do'n kasi ikaw 'yong naglagay ng manok sa kama ko... Di mo ba alam na pinagpipyestahan ako ng mga tao sa social media at sa school ngayon dahil sa kagagawan niyo! Malaking kahihiyan ang hinaharap ko ngayon dahil sa cyberbullying," nayayamot na wika ni Ken. 

"Prank lang naman 'yon, e," nangangatwirang tugon ni Jerry. 

"Sa 'yo, prank lang 'yon! Sana alamin mo naman 'yong limitasyon mo dahil hindi lahat nang pwede mong gawin ay puro na lang biro't katatawanan? Di pa talaga kayo nakuntento sa pangtitrip sa 'kin, no? Pinost n'yo pa talaga 'yong video pagkatapos n'yo 'kong i-prank, " mataas na tono ng pananalita ni Ken. 

"Ang hirap sa 'yo, Kuya, e. Ang hilig mong manisi kahit hindi naman ako nagplano at nag-post no'n. Masyado kang sensitive," barubal na sagot ni Jerry. 

"Anong sinabi mo? Sensitive ako? Wala ka na ba talagang respeto, sumasagot kana nang barubal. Kung ikaw kaya sa sitwasyon ko at napahiya ako nang sobra... At saka hindi naman kita sinisisi, nagpapaliwanag lang ako," maluha-luhang pahayag ni Ken. 

Lumitaw si Aling Cora galing sa banyo at di inaasahang madatnan nitong nagbabangayan ang bawat isa na naroon. Hindi na lamang ito umimik habang pinagmamasdan sila at bahagyang nagulat ito nang hampasin ni Elizabeth ang mesa. 

"Di pa ba talaga kayo titigil, ah? Ilang beses pa ba ako magsasaway sa inyo? Paulit-ulit na lang pero di pa rin kayo nakikinig. Anong nangyari ngayon? Malaking kahihiyan 'yong dinulot n'yo Jerry! Paulit-ulit na lang akong nagsesermon... Paulit-ulit na akong naii-stress sa inyo. Utang na loob, pagod na ako! Pagod ako galing sa trabaho tapos mamadatnan kong nag-aaway kayo. Sakit kayo sa ulo ko!" nayayamot na saad ni Elizabeth sabay hipo nito sa sarili n'yang noo at nakaramdam ng pagkahilo. 

"Mommy! Mommy!" natarantang sigaw nina Ken at Jerry.

"Ate Beth!" Nangangatal na sigaw din ni Aling Cora. 

Agad naman itong inagapan ni Ken at dahan-dahang pinaupo. Pinaamba niya ito sa kanyang balikat habang pinapaypayan naman ito ni Aling Cora bagamat nakaramdam ito ng pagka-uhaw. 

"Nauuhaw ako, pahingi ako ng tubig," paki-usap ni Elizabeth habang nanlupaypay sa kinauupuan nito. 

"Jerry, kuha ka ng tubig. Bilis!" utos ni Ken. "OK na po ba kayo, Mommy?"

Alas nuwebe na ng gabi subalit masayang nagkukuwentuhan habang gumagawa ng research papers para sa thesis sina Bethany at ang kagrupo niya sa bahay nila Franchesca. Ang bawat myembro ay may nakatalagang gawain sa bawat chapters ng thesis bagama't nagmamadali nilang nire-revise ang bawat pangungusap at talata sapagkat malapit na ang deadline at defense nito. 

Magkatabing gumagawa ng thesis sa isang sofa sina Bethany at Franchesca habang nasa kabila naman sina Xyril at Xyra. Sila ay may kanya-kanyang laptop para sa gawain na noo'y inatasan sila ni Franchesca sa gagawing chapters sapagkat ito'y namumuno sa grupo. Sila ay kapwa nakasuot ng kanya-kanyang damit pambahay na noo'y galing sa paaralan. 

Si Franchesca ay may kayumangging kulay ng balat, at may maitim at kulot na kataling buhok. Siya ay may marikit na mukha na may nakasalaming mata at naka-brace na ngipin. Siya ay isang bise presidente ng Supreme Student Council, aktibo, hinahangaan at sinusunod ng mga estudyante dahil sa taglay nitong karisma sa pagiging mahusay at magaling na lider. Siya ay isa rin sa unang pinakamatalino at pinakamagaling na estudyante sa Senior High School.

 Tulad rin ni Bethany na ikalima sa pinakamatalino at mahusay, at isang kalihim sa Supreme Student Council. Sila ay malapit na magkaibigan at magkaklase, paherong mahusay sa klase at pamumuno sa kanilang paaralan ng Marymount academy.

Sina Xyril at Xyra ay kaklase rin nina Bethany at Franchesca. Sila ay fraternal twins na may pagkakaibang katangian at ugali. Si Xyra ay maganda at tisay na may mahaba at maitim na buhok subalit may pagkamaldita at suplada habang si Xyril naman ay halos katulad rin sa katangian ni Xyra  subalit magkaiba naman sa ugali sapagkat ito'y matahimik at di palakibo. Di tulad ni Franchesca, sina Bethany at ang kambal ay hindi malapit sa isa't isa at bihirang makipagkuwentuhan. 

"Beshy, kindly check kung tama 'yong ginawa kong theoretical and conceptual frameworks and then drop your comments," aniya Bethany at ipinakita nito ang ginawang designs at proposed diagrams ng thesis sa kanyang laptop bagama't mariin at masuri itong binasa at ni-review ni Franchesca. 

"Nice, Beshy! You're improved. Napakahusay ng gawa mo. I'm amazed... Ang ganda ng format ng design, at maayos ang process ng framework mo. For sure, that will be approved by our panel boards," pagpupuring wika ni Franchesca. 

"Thanks, Beshy. Sana nga ma-approved na para matapos na 'to," aniya Bethany. 

Samantala nabughong tiningnan ni Xyra si Bethany habang abala rin sa kabilang sofa. Di kalauna'y tinapik ito ni Xyril at may pinakitang video sa cellphone nito. 

"Sis, tingnan mo," aniya Xyril habang may pinapanood at biglang nagsitawanan ang kambal. "Ahahaha."

(Pinapanood pala nila ang video ng ginawang prank nila Bethany at Jerry kay Ken na noo'y gumising ito na may manok sa kanyang kama at ipot sa kanyang bibig)

Naubos ang halos sampung minuto sa kanonood ng video ng kambal kaya sinita sila ni Franchesca. 

"Hi, Girls. Kindly give me your attention... First of all, no offense. We should spend our times to make thesis for now because we're going to rush na if we are still making fun and telling stories without connection to thesis. I just inform you na next week na 'yong defense natin. So, kindly be focussed on thesis."

"Sorry, Beshy. Sorry." Sabay na humingi ng paumanhin ang kambal. 

"Sorry din if nasita ko kayo. Sana 'wag kayong magalit sa 'kin. Kailangan na talaga kasi natin matapos 'to. Kaunting time na lang defense na. I hope you understand. We should understand each other," wika ni Franchesca. 

"Actually, may nagawa na rin ako sa research methodology," aniya Xyril. 

"Very good! I will check that later," aniya Franchesca. Nakita nito na may nag-notify sa kanyang cellphone, agad niya itong sinuri at mariing binasa ang mensahe.

Nabasag ang katahimikan ng lahat sa sala at tila nakapokus sa ginagawang thesis nang may biglang tumunog na doorbell. 

"Excuse me, Guys! Kukunin ko lang 'yong inorder kong midnight snacks natin. Nand'yan na kasi grab driver sa gate," pasintabing wika ni Franchesca at agad tumayo. 

"Ah, okay!" aniya Bethany habang abala sa pag-i-encode. 

"Sige lang, Beshy," wika ni Xyril. 

Kumaripas tumakbo palabas si Franchesca habang naiwan naman ang tatlo sa sala. Bagama't ginamit naman ang nakalaang oras sa thesis at nanumbalik sa panonood ang kambal. 

"Sis, panood nga ako ng video kanina," paghihimok na wika ni Xyra. 

"Baka maabutan tayo ni Franchesca," pag-aalalang tugon naman ni Xyra. 

"Sige na. Mabilis lang naman." 

Kinuha ni Xyril ang cellphone nito at simulang nanood ng video prank bagama't tinaasan ang volume ng video kaya dinig na dinig ni Bethany ang sarili nitong boses na nag-vlog sa video prank. Tila nahihiya siya habang pinapakinggan niya ito at pinapanood ng kambal ngunit di na lamang siya kumibo.

"Ang pangit pala ng kuya niya. Mukhang puppet! Ahahah," mapanglait na pasaring ni Xyra habang nanood ng video prank. 

"Pssst! 'Wag kang maingay baka marinig ka," mahinang boses ni Xyril. 

Subalit di napilang magalit at mabugso ng damdamin si Bethany kaya sandaling inilagay ang laptop sa gilid ng mesa na noo'y na kapatong sa unan na nasa kanyang hita, at kinompronta niya ito. 

"Can you stop laughing? Are you bashing my brother?" nayayamot na tanong ni Bethany. 

"Luh, hindi!" nagmamaang-maangang sagot ni Xyra. 

"Can you stop lying? Maaaring abala ako sa paggawa ng thesis pero hindi ako nagbibingibingian," saad ni Bethany sabay tayo habang hawak-hawak nito ang unan sa kanang kamay. 

"Pag sinabi kong Oo. Anong gagawin mo?" sagot ni Xyra at agad ring tumayo. "Are you feeling guilty now? Aba, bakit affected ka? Di ba ikaw lang naman 'yong nag-post nito? At ngayon magagalit ka na pinagtatawanan namin ang kuya mo."

Bagama't tumayo na rin si Xyril at bahagyang inawat si Xyra "Enough, Sis. She's getting pissed off na."

"Imbes kasi gumagawa kayo ng thesis para matapos na, e. Panay kayo ng cellphone. You're so unfair!" mataas na boses ni Bethany.

"E, pakialam mo ba, ah! Ba't bahay mo ba 'to para pagsabihan kami ng ganyan?" nabubugsong saad ni Xyra. 

"Hindi... Ang sa 'kin lang naman, sana gumawa ka rin! Hindi 'yong puro ka palibri. Please cooperate naman."

"Hoy, How dare you to talk to me that way!  Ano ka feeling boss? Feeling mo talaga nasa school ka na kung saan famous ka at bida-bida na may 100 thousand subscribers but for me, you're still a cheap girl. Pathetic!" nang-iinis na hayag ni Xyra. 

"Ano 'yong sinabi mo? Bawiin mo 'yong sinabi mo!" nabubugsong wika ni Bethany. 

"Duh?"

Di napigilan ni Bethany ang kanyang sarili mula sa nakakasakit na pananalita ni Xyra kaya binato niya ito ng unan. Subalit bumawi rin ito at binato rin siya ng unan, di kalaunan sila ay nag-away at nagsabunutan. 

Inawat sila ni Xyril ngunit di niya napigilan dahil sa lakas ng kanilang marahas na bisig at kamay.

"Tama, na!" mariing sigaw ni Xyril habang inaawat sila. 

Lumitaw naman si Franchesca galing sa labas bitbit nito ang pakete ng fast food at crackers para sa midnight snacks. Nagulat ito nang makitang nag-aaway sina Bethany at Xyra kaya agad nitong inilatag ang dala-dala sa mesa sa kusina at lumapit upang awatin sila. 

"Ano ba? Tama na! Tama na!" mataas na boses ni Franchesca habang inaawat sila subalit hindi parin tumigil ang dalawa kaya sumigaw ito nang malakas. " I said, Stop!" Kaya tumigil din ang dalawa sa kanilang pag-aaway. 

"Wala tayo sa public area para mag-away kayo. Remember, nandito kayo sa bahay namin. Irespeto niyo naman ako dito sa pamamahay namin."

"I'm sorry, Beshy," mahinahong wika ni Bethany habang hinahagod ng kanyang kamay ang kanyang buhaghag na buhok. 

"Ano ba kasing nangyari, ba't kayo nag-away?" tanong ni Franchesca habang sinasalag nito si Bethany. 

"Bakit di mo kaya tanungin 'yang feelingerang 'yan? Siya nag-umpisa!" nayayamot na wika ni Xyra. 

"Totoo ba 'to, Bethy?" tanong ni Franchesca. 

"Mahilig kasi s'yang magpasaring kaya kinompronta ko. Habang nasa labas ka kanina, e. Panay ang cellphone. I said them to cooperate," tugon ni Ken. 

 "Come on, Bethy. 'Yan lang ba talaga 'yong dahilan mo kung tayo bakit nag-away? O baka naman dahil sa kuya mo? Di ba ikaw lang naman 'yong nag-post no'n tapos magagalit ka na bina-bash namin ang kuya mo!" nagngangalit na saad ni Xyra. 

"Hindi naman kasi tama na manglait ka, Xyra. You should not judge. We have no right to judge or bash some one. Kaya sa pagkakataong ito di kita kukunsintihin," pahayag ni Franchesca. 

"Come on, Franchesca. Don't tell me, you're defending that girl more than me," aniya Xyra. 

"Wala akong kinakampihan. Do'n lang ako sa tama. We should cope this problem kasi maapektuhan 'yong thesis natin 'pag wala tayong unity and inner peace," paki-usap ni Franchesca. 

Related chapters

  • The Nerd's Diary    Chapter 5 (Bethy's realization)

    Magha-hating gabi na nang hindi pa rin makatulog si Bethany habang tahimik na natutulog ang mga kasama nito sa kwarto ni Franchesca. Siya ay nagmumuni-muni sa kabila ng nangyaring alitan sapagkat napagtanto nito ang pangungutya at masasakit na salitang binitawan ni Xyra na tumusok sa kanyang dibdib na patungkol sa cyberbullying na kung saan kabilang ang kanyang nakakatandang kapatid na si Ken.Bumangon siya sa kama na noo'y magkatabing natutulog kasama si Franchesca habang sa kabilang kama naman ang kambal. Binuksan nito ang pinto habang dala nito ang laptop at ang naka-shut down niyang cellphone na noo'y hindi man lang nahawakan at ginamit sapagkat nagpokus na lamang ito sa thesis. Iniwanan nito ang kwarto habang mahimbing na natutulog ang kambal subalit naidilat naman ni Franchesca ang kanyang mata dahil sa bahagyang kalantog ng pinto.Tuluyang naggising si Franchesca, mga ilang minuto ang lumipas, bumangon din ito sa kama at sinundan si Bethany kung saan siya naroroon

    Last Updated : 2021-07-31
  • The Nerd's Diary    Chapter 6 (Mother's heart)

    Alas nuwebe na ng umaga subalit mahimbing pa rin ang tulog ni Ken na nakahilata at nakanganga sa kanyang kama. Yakap nito ang libro sa subject na environmental engineering na noo'y nag-review para sa prelim exam nito bagama't nakakalat naman ang mga notebook na pagmamay-ari ng alpha team sa mesa nito na ginawa niya noong hating gabi.Malakas ang hilik nito at tuluyang sumagi sa kanyang pisngi ang tumutulo niyang laway ngunit di kalauna'y naggising ito mula sa malakas na katok sa kanyang pinto. Nailpungatan siya at inilapag nito ang yakap na libro sa mesa bagama't kinuha nito ang salamin sa mata at sinuot.Bumangon siya at tumayo mula sa kama at pinunasan niya ng kanyang palad ang iniinda niyang malapot na laway sa kanyang pisngi. Lumakad siya nang pakitong-kitong at may lutang na isip papuntang pinto bagama't noong buksan niya, laking gulat na lamang nito sa nakita."Ahhh!" malakas niyang sigaw."Itigil mo na nga 'yang kasisigaw mo para kang tanga

    Last Updated : 2021-08-01
  • The Nerd's Diary    Chapter 7 (The mean guys)

    Naglalakad nang mag-isa si Ken sa hallway patungong sports room subalit pinagbubulungbulungan siya, at pinagtatawanan ng mga estudyanteng naroon. Tila maraming mga mata ang nakitingin, at maraming hintuturo ang nakaturo sa kanya habang naglalakad mag-isa ngunit di niya na lamang ito pinansin, at patuloy na lamang siya sa paglalakad.Di kalauna'y pumasok na siya sa sports room, at tumungo sa locker upang ipasok ang mga gamit nitong dala datapwa't naririnig niya pa rin ang ngaw-ngaw ng mga estudyanteng naroon, at inda niya na siya ang pinag-uusapan ng mga ito kaya pinalabas niya na lamang sa kabilang taynga habang nagliligpit ng gamit sa locker bagama't biglang tumambad sa kanya ang Alpha team."Hoy Ken! Nagawa mo ba 'yong assignment namin?" maangas na saad ni Nico at umakbay sa kanya habang nakapaligid rin ang ibang myembro ng Alpha team."Ah... Oo, nagawa ko na," mahinahong tugon ni Ken. Kinuha nito ang mga notebook sa bag at iginawad nito sa Alpha team."

    Last Updated : 2021-08-06
  • The Nerd's Diary    Chapter 8 (Pathetic nerd)

    Natapos na ang klase sa subject ni Mrs. De Castro, at naglabasan na ang mga estudyante dito. Nag-uusap habang naglalakad naman sina Ken at ang mga kaibigan nito kasama si Andrew sa labas ng hallway, at di kalauna'y sandaling huminto malapit sa study area."Salamat pala Andrew sa pagtulong mo kanina sa 'kin," aniya Ken."Oo nga pala, dahil sa 'yo nalaman namin kung sino 'yong naglagay ng paskil," sabad ni Julie."Wala 'yon... Ginawa ko lang 'yon kasi 'yon ang tama. Kung hahayaan lang natin na maging mahina tayo lalo nila tayong aapihin.""Correct ka d'yan! Ang tapang mo kanina, ah. Di ako makapaniwalang kaya mo palang supalpalin 'yong mga gagong 'yon, " nanggigil na saad ni Gemmalyn."Mga kupal na 'yon! Wala talagang magawa sa buhay kundi ang mang-alipusta ng kapwa. Sana matapos na ang paghahari-harian nila," nayayamot na saad ni Andy."Kelan pa ba? E, matutupad lang 'yang hiling mo 'pag graduate na tayo at malamang lilisanin na natin 'tong X

    Last Updated : 2021-08-11
  • The Nerd's Diary    Chapter 9 (No girlfriend since birth)

    Biyernes na ng umaga nang biglang kumuliling ang alarm clock ng cellphone ni Ken na nakapatong sa mesa malapit sa kanyang kama. Nakahiga siyang nakatihaya at nakanganga at di kalauna'y kinamot niya ang nangangati niyang singit sa loob ng kanyang dilaw na may polka dots niyang pajama pants na terno rin sa suot niyang pantaas.Sunod-sunod ang tunog ng alarm clock niya sa cellphone ngunit di pa rin natitinag ang kanyang pagiging tulog mantika. Mamaya-maya pa ay kumuliling ulit ang alarm clock at di kalauna'y pinilit niya na ang sarili na gumising.Kaya naalipungatan siya mula sa pagkabangon at pagkakaupo nito sa kama na may itim na eye sleep mask na nakapiring sa kanyang mga mata subalit tila nakapikit pa rin ang mga mata nito mula sa pagkabangon."Yes! It's Friday na! Saturday na naman bukas... Walang pasok! Thanks lord!" Sigaw niya na may namamaos na boses marahil may natuyong laway na bumara sa lalamunan niya sabay taas ng dalawang kamay. Tila dinilat nito ang k

    Last Updated : 2021-08-15
  • The Nerd's Diary    Chapter 10 (In denial)

    Bumaba si Ken ng hagdan galing sa library, dala niya ang libro sa engineering mechanics na noo'y hiniram niya roon, at di kalauna'y umupo siya sa may study area.Sandaling nagbuklat ng libro at nagbasa kahit maingay naman sa paligid niya dahil sa ngawngaw, katuwaan at tilian ng mga estudyante, bagama't biglang dumating si Andy at sandali siyang tumigil sa pagbabasa."Hoy, Ken! Magla-lunch break na. Di ka pa ba magla-lunch?" bungad ni Andy."Mamaya na, 15 minutes pa bago mag-lunch break... Review muna tayo.""Ang sipag mo mag-aral, baka malipasan ka ng gutom, magkakasakit ka n'yan," pag-aalalang wika ni Andy."May recitation kasi mamaya, kay ma'am Lopez. Sigurado ako, magko-call on nanaman 'yon," tugon ni Ken."Oo nga pala. Pa-picture na lang ako ng topic." Agad kinuha ni Andy ang kanyang cellphone sa kanyang bulsa. Bagama't nagkagulo ang ibang estudyante sa kabilang dako dahil dumaan ang Alpha team.Maangas at ta

    Last Updated : 2021-08-25
  • The Nerd's Diary    Chapter 11 (First love)

    Mag-isang nakaupo si Ken katabi ang kanyang bag sa bench habang nagbabasa ng kanyang diary, binalikan niya ang mga dating pangyayari, at natuwa siya rito.Maingay ang paligid dahil sa sigaw at tugtugan mula gymnasium, at kwentuhan at tawanan naman ng mga estudyante mula sa ball ground.Sa kabila nito, nanatili si Ken sa kanyang posisyon, bagama't may bolang nakahiga sa madamong lupa at di kalauna'y sinipa ito ng soccer player na noo'y naglalaro ng soccer rehearsal sa gitna ng ball ground. Ito ay lumipad at tuluyang tumalbog sa kanyang batok."Aray!" Napabalingwas siya mula sa kanyang pagkakaupo, at nalaglag ang hawak niyang diary sa lupa at ang kanyang salamin sa mata, nakaramdam siya ng pamamanhid at hinamplos niya ang ang kanyang batok.Bahagyang lumapit ang soccer player at kinuha ang bola, di kalauna'y humingi rin ng paumanhin."Sorry, oh."Bagama't hindi kumibo si Ken habang hinahaplos niya ang kanyang batok. Ang ibang nakakita sa kanya ay na

    Last Updated : 2021-09-02
  • The Nerd's Diary    Chapter 1 (The damn day)

    Mahimbing ang tulog ni Ken nang biglang kumuliling ang alarm clock ng kanyang cellphone. Naalipungatan s'ya mula sa pagbangon nito na nakadapa sa kanyang kama, at may sleep mask na nakapiring sa kanyang mga mata. Bahagyang ibinaba ang sleep mask, at pinatay ang tumutunog n'yang alarm clock. Suot nito ang damit pantulog na abot palad at talampakan ang haba.Antok na antok pa rin siya kaya muli itong humiga at nagtakda ng panibagong oras sa kanyang alarm clock at muling sinuot ang piring. Isang sandali ang nakalipas nang tila may narinig s'yang kruk-kruk o mahinang tunog malapit sa kanyang kama ngunit pinagsawalang bahala na lamang niya ito dahil sa sobrang antok at di pa kayang idilat ang kanyang mga mata. Siya ay tila nananaginip ng pantasya. Mga ilang sandali lang ang lumipas nang di n'ya namalayang may sumagi sa kanyang naka-brace na ngipin at tuluyang dumaloy sa kanyang nakangangang bibig na animoy isang masangsang na krema.Mga ilang segundo pa ang nakalipas nang big

    Last Updated : 2021-07-10

Latest chapter

  • The Nerd's Diary    Chapter 11 (First love)

    Mag-isang nakaupo si Ken katabi ang kanyang bag sa bench habang nagbabasa ng kanyang diary, binalikan niya ang mga dating pangyayari, at natuwa siya rito.Maingay ang paligid dahil sa sigaw at tugtugan mula gymnasium, at kwentuhan at tawanan naman ng mga estudyante mula sa ball ground.Sa kabila nito, nanatili si Ken sa kanyang posisyon, bagama't may bolang nakahiga sa madamong lupa at di kalauna'y sinipa ito ng soccer player na noo'y naglalaro ng soccer rehearsal sa gitna ng ball ground. Ito ay lumipad at tuluyang tumalbog sa kanyang batok."Aray!" Napabalingwas siya mula sa kanyang pagkakaupo, at nalaglag ang hawak niyang diary sa lupa at ang kanyang salamin sa mata, nakaramdam siya ng pamamanhid at hinamplos niya ang ang kanyang batok.Bahagyang lumapit ang soccer player at kinuha ang bola, di kalauna'y humingi rin ng paumanhin."Sorry, oh."Bagama't hindi kumibo si Ken habang hinahaplos niya ang kanyang batok. Ang ibang nakakita sa kanya ay na

  • The Nerd's Diary    Chapter 10 (In denial)

    Bumaba si Ken ng hagdan galing sa library, dala niya ang libro sa engineering mechanics na noo'y hiniram niya roon, at di kalauna'y umupo siya sa may study area.Sandaling nagbuklat ng libro at nagbasa kahit maingay naman sa paligid niya dahil sa ngawngaw, katuwaan at tilian ng mga estudyante, bagama't biglang dumating si Andy at sandali siyang tumigil sa pagbabasa."Hoy, Ken! Magla-lunch break na. Di ka pa ba magla-lunch?" bungad ni Andy."Mamaya na, 15 minutes pa bago mag-lunch break... Review muna tayo.""Ang sipag mo mag-aral, baka malipasan ka ng gutom, magkakasakit ka n'yan," pag-aalalang wika ni Andy."May recitation kasi mamaya, kay ma'am Lopez. Sigurado ako, magko-call on nanaman 'yon," tugon ni Ken."Oo nga pala. Pa-picture na lang ako ng topic." Agad kinuha ni Andy ang kanyang cellphone sa kanyang bulsa. Bagama't nagkagulo ang ibang estudyante sa kabilang dako dahil dumaan ang Alpha team.Maangas at ta

  • The Nerd's Diary    Chapter 9 (No girlfriend since birth)

    Biyernes na ng umaga nang biglang kumuliling ang alarm clock ng cellphone ni Ken na nakapatong sa mesa malapit sa kanyang kama. Nakahiga siyang nakatihaya at nakanganga at di kalauna'y kinamot niya ang nangangati niyang singit sa loob ng kanyang dilaw na may polka dots niyang pajama pants na terno rin sa suot niyang pantaas.Sunod-sunod ang tunog ng alarm clock niya sa cellphone ngunit di pa rin natitinag ang kanyang pagiging tulog mantika. Mamaya-maya pa ay kumuliling ulit ang alarm clock at di kalauna'y pinilit niya na ang sarili na gumising.Kaya naalipungatan siya mula sa pagkabangon at pagkakaupo nito sa kama na may itim na eye sleep mask na nakapiring sa kanyang mga mata subalit tila nakapikit pa rin ang mga mata nito mula sa pagkabangon."Yes! It's Friday na! Saturday na naman bukas... Walang pasok! Thanks lord!" Sigaw niya na may namamaos na boses marahil may natuyong laway na bumara sa lalamunan niya sabay taas ng dalawang kamay. Tila dinilat nito ang k

  • The Nerd's Diary    Chapter 8 (Pathetic nerd)

    Natapos na ang klase sa subject ni Mrs. De Castro, at naglabasan na ang mga estudyante dito. Nag-uusap habang naglalakad naman sina Ken at ang mga kaibigan nito kasama si Andrew sa labas ng hallway, at di kalauna'y sandaling huminto malapit sa study area."Salamat pala Andrew sa pagtulong mo kanina sa 'kin," aniya Ken."Oo nga pala, dahil sa 'yo nalaman namin kung sino 'yong naglagay ng paskil," sabad ni Julie."Wala 'yon... Ginawa ko lang 'yon kasi 'yon ang tama. Kung hahayaan lang natin na maging mahina tayo lalo nila tayong aapihin.""Correct ka d'yan! Ang tapang mo kanina, ah. Di ako makapaniwalang kaya mo palang supalpalin 'yong mga gagong 'yon, " nanggigil na saad ni Gemmalyn."Mga kupal na 'yon! Wala talagang magawa sa buhay kundi ang mang-alipusta ng kapwa. Sana matapos na ang paghahari-harian nila," nayayamot na saad ni Andy."Kelan pa ba? E, matutupad lang 'yang hiling mo 'pag graduate na tayo at malamang lilisanin na natin 'tong X

  • The Nerd's Diary    Chapter 7 (The mean guys)

    Naglalakad nang mag-isa si Ken sa hallway patungong sports room subalit pinagbubulungbulungan siya, at pinagtatawanan ng mga estudyanteng naroon. Tila maraming mga mata ang nakitingin, at maraming hintuturo ang nakaturo sa kanya habang naglalakad mag-isa ngunit di niya na lamang ito pinansin, at patuloy na lamang siya sa paglalakad.Di kalauna'y pumasok na siya sa sports room, at tumungo sa locker upang ipasok ang mga gamit nitong dala datapwa't naririnig niya pa rin ang ngaw-ngaw ng mga estudyanteng naroon, at inda niya na siya ang pinag-uusapan ng mga ito kaya pinalabas niya na lamang sa kabilang taynga habang nagliligpit ng gamit sa locker bagama't biglang tumambad sa kanya ang Alpha team."Hoy Ken! Nagawa mo ba 'yong assignment namin?" maangas na saad ni Nico at umakbay sa kanya habang nakapaligid rin ang ibang myembro ng Alpha team."Ah... Oo, nagawa ko na," mahinahong tugon ni Ken. Kinuha nito ang mga notebook sa bag at iginawad nito sa Alpha team."

  • The Nerd's Diary    Chapter 6 (Mother's heart)

    Alas nuwebe na ng umaga subalit mahimbing pa rin ang tulog ni Ken na nakahilata at nakanganga sa kanyang kama. Yakap nito ang libro sa subject na environmental engineering na noo'y nag-review para sa prelim exam nito bagama't nakakalat naman ang mga notebook na pagmamay-ari ng alpha team sa mesa nito na ginawa niya noong hating gabi.Malakas ang hilik nito at tuluyang sumagi sa kanyang pisngi ang tumutulo niyang laway ngunit di kalauna'y naggising ito mula sa malakas na katok sa kanyang pinto. Nailpungatan siya at inilapag nito ang yakap na libro sa mesa bagama't kinuha nito ang salamin sa mata at sinuot.Bumangon siya at tumayo mula sa kama at pinunasan niya ng kanyang palad ang iniinda niyang malapot na laway sa kanyang pisngi. Lumakad siya nang pakitong-kitong at may lutang na isip papuntang pinto bagama't noong buksan niya, laking gulat na lamang nito sa nakita."Ahhh!" malakas niyang sigaw."Itigil mo na nga 'yang kasisigaw mo para kang tanga

  • The Nerd's Diary    Chapter 5 (Bethy's realization)

    Magha-hating gabi na nang hindi pa rin makatulog si Bethany habang tahimik na natutulog ang mga kasama nito sa kwarto ni Franchesca. Siya ay nagmumuni-muni sa kabila ng nangyaring alitan sapagkat napagtanto nito ang pangungutya at masasakit na salitang binitawan ni Xyra na tumusok sa kanyang dibdib na patungkol sa cyberbullying na kung saan kabilang ang kanyang nakakatandang kapatid na si Ken.Bumangon siya sa kama na noo'y magkatabing natutulog kasama si Franchesca habang sa kabilang kama naman ang kambal. Binuksan nito ang pinto habang dala nito ang laptop at ang naka-shut down niyang cellphone na noo'y hindi man lang nahawakan at ginamit sapagkat nagpokus na lamang ito sa thesis. Iniwanan nito ang kwarto habang mahimbing na natutulog ang kambal subalit naidilat naman ni Franchesca ang kanyang mata dahil sa bahagyang kalantog ng pinto.Tuluyang naggising si Franchesca, mga ilang minuto ang lumipas, bumangon din ito sa kama at sinundan si Bethany kung saan siya naroroon

  • The Nerd's Diary    Chapter 4 (The hilarious posts)

    Mag-aalas sinko na ng hapon nang dumating si Ken sa kanilang bahay galing sa paaralan. Suot nito ang sports attire na noo'y naglaro ng badminton rehearsal. Nadatnan niyang nag-aalis at nagsusungkit ng mga sinampay si Aling Cora sa kanilang bakuran at lumapit ito upang magmano. Nakatalikod si Aling Cora habang abala sa ginagawa kaya kinalabit n'ya ito."Mano po, Aling Cora," magalang na sabi ni Ken."Nan d'yan kana pala, Ken." Sandaling iniabot nito ang kanyang kanang kamay kay Ken habang hawak naman ng kabila ang naka-hanger na sinampay. "Salamat, pagpalain ka ng Diyos.""May nalabhan po ba kayong damit pang-sports?" mahinahong tanong ni Ken."Oo, natuyo na. Isinilong ko na do'n sa loob.""Salamat po," sabi ni Ken."Ah, sige," sabi ni Aling Cora habang patuloy sa ginagawa.Matamlay at pagod na pumasok si Ken sa loob ng kanilang bahay, at nadatnan niyang walang tao sa roon kaya sandaling lumabas upang tanungin si Aling Cora. Nakita n

  • The Nerd's Diary    Chapter 3 (Ken's encounter)

    Bumababa si Ken mula sa sinakyang bus, at nadapa dahil naapakan nito ang nakalawlaw na sintas ng kanyang sapatos at agad n'ya itong itinali bagama't nagsitawanan ang mga estudyante sa labas ng gate mula sa kanyang pagkakadapa.Si Ken Zanders o mas kilala sa tawag na Ken ay nasa ika-apat na taon sa kolehiyo, at nag-aaral ng Civil Engineering at isang Varsity player ng badminton sa kanilang campus.Siya ay matalino, magaling sa klase at isang Dean's lister mula noong freshman hanggang third year college sa kanilang campus ngunit madalas tuksuhin ng mga kaklase nito dahil patpatin, badoy manamit, naka-brace ang ngipin at may sariling mundo na kung tawagin ay "Nerd" sa kanilang campus. Pumasok siya sa sports room patungong locker upang ilagay ang kanyang sports attire at ang dala nitong badminton subalit lumapit ang kanyang mga kaklase na sina Nico Alvarez kasama ang tropa nitong sina Jeremiah Cruz at Jericho Enriquez na pinakamalapit tropa at matalik niya ring

DMCA.com Protection Status