Home / All / The Nerd's Diary / Chapter 1 (The damn day)

Share

The Nerd's Diary
The Nerd's Diary
Author: Frindel Kindel

Chapter 1 (The damn day)

last update Last Updated: 2021-07-10 21:48:09

Mahimbing ang tulog ni Ken nang biglang kumuliling ang alarm clock ng kanyang cellphone. Naalipungatan s'ya mula sa pagbangon nito na nakadapa sa kanyang kama, at may sleep mask na nakapiring sa kanyang mga mata. Bahagyang ibinaba ang sleep mask, at pinatay ang tumutunog n'yang alarm clock. Suot nito ang damit pantulog na abot palad at talampakan ang haba.

Antok na antok pa rin siya kaya muli itong humiga at nagtakda ng panibagong oras sa kanyang alarm clock at muling sinuot ang piring. Isang sandali ang nakalipas nang tila may narinig s'yang kruk-kruk o mahinang tunog malapit sa kanyang kama ngunit pinagsawalang bahala na lamang niya ito dahil sa sobrang antok at di pa kayang idilat ang kanyang mga mata. Siya ay tila nananaginip ng pantasya. Mga ilang sandali lang ang lumipas nang di n'ya namalayang may sumagi sa kanyang naka-brace na ngipin at tuluyang dumaloy sa kanyang nakangangang bibig na animoy isang masangsang na krema.

 Mga ilang segundo pa ang nakalipas nang biglang pumutak ang manok sa tabi n'ya. Napabalikwas siya at inalis ang piring sa kanyang mata. Tila malabo ang paningin nito kaya sinuot ang salamin sa mata na nakapatong sa librong nasa ibabaw ng mesa. Laking gulat na lamang niya nang may makitang manok sa kanyang kama. 

"Hhhm" ang pigil hinga n'yang pagsigaw dahil may ipot na bumara sa kanyang bunganga. Agad s'yang bumangon, at binugaw ang manok palabas ng bintana sa sobrang pagkairita dito. 

"Kruk-Kutak-Kutak," dinig niyang putak nito.

 Bagama't may narinig s'yang bungisngis na nanggagaling sa kanyang kuwarto, at agad s'yang kumaripas bumaba ng kusina patungong lababo upang magsuka at maghugas marahil inda n'ya ang nakakadiring ipot sa kanyang bibig. Nadatnan n'yang kumakain ng almusal habang abala sa pag-o-online si Bethany Villareal o mas kilala sa tawag na Bethy. Nakasuot ito ng uniporme na nakapaldang abot tuhod ang haba at may hair clip na laso na nakatali sa kanyang itim at kulot na buhok na hanggang balikat ang haba. Siya ay ikalawa sa magkakapatid at nasa ikalabing isang baytang na sa Senior High School sa Marymount Academy - matalino, tisay, maganda at sikat. Siya ay hinahangaan at pinagkakaguluhan ng mga kalalakihan sa kanilang paaralan o kahit saan man dahil sa taglay nitong kariktan ngunit s'ya ay materyalistik at mahilig sa bago at magagarang gamit. 

Nadatnan rin n'yang naghahain ng prinitong burgersteak sa mesa ang kanyang ina na si Elizabeth Villareal. Nakasuot ito ng berdeng blouse at puting apron na may munting mantsa na natuyong mantika. Siya ay isang negosyante at may ari ng Fruit Juice Bar. 

May ka-video call ito habang abala sa pagpira-piraso ng sliced bread na gagawing sandwich. Nakita n'yang kausap nito ang kanyang ama na nagngangalang Ian Villareal, isang OFW na nagtratrabaho bilang Site engineer sa Dubai. Sila ay larawan ng isang masaya at may kayang pamilya na naninirahan sa isang nayon. 

 " Hon, kumusta ka na d'yan?"  bungad na pag-bati ni Elizabeth. 

"Ayos lang ako dito" sagot ni Ian. 

"Kumusta pala 'yong trabaho mo? Kelan ka ba uuwi rito sa Pilipinas? Miss ka na namin, e," wika na may pananabik ni Elizabeth.

 " Okay lang naman 'yong trabaho ko dito, isang taon pa 'yong kontrata ko". 

" Ganoon ba, ingat ka lang diyan palagi, ah?" bilin ni Elizabeth. 

" Kumusta nga pala 'yong negosyo mo d'yan?" sambit ni Ian. 

" OK lang, kahit papaano nakakaraos din at lumalago narin 'yong negosyo. Maraming customer na ang pumupunta sa VillaReal Fruit Juice Bar natin dahil sa tulong na rin ng pagba-vlog nitong si Bethy. 'Yong interes, 'yon ang ginagamit kong panglaan sa tuition fee at allowance ng mga anak natin, at 'yong ipinapadala mo naman dito, e 'yon din ang ginagamit ko sa gastusin dito sa bahay, pagkain, kuryente at tubig," saad ni Elizabeth.

 "Ganoon ba, Salamat sa Diyos!" natutuwang saad ni Ian. 

 "Gusto ko sanang ikaw ang maging assistant ko, kasama kong mag-manage ng negosyo," pakiusap ni Elizabeth.

 "Hayaan mo, darating din tayo d'yan. Kumusta naman 'yong mga anak natin?" wika ni Ian. 

"Okay lang sila, narito nga pala si Bethy sa kusina, kumakain. Kausapin mo?"

"Oo, sige" sagot ni Ian. 

Dahan-dahang iniabot ni Elizabeth ang cell phone kay Bethany. "O, Bethy, kakausapin ka daw ng daddy mo."

"Hi, Dad, kumusta po?" magiliw na pangungumusta ni Bethany sa kanyang ama. 

"Okay naman, 'nak. Ikaw, kumusta ka na?  Kumusta 'yong pag-aaral mo? "

"Okay lang po ako, Dad. Actually, Matataas po 'yong grade ko," natutuwang sabi ni Bethany. 

Datapwat biglang naputol ang koneksyon ng usapan ng dalawa sa video call. " Dad?, Hello po, Dad? Mommy, nawala!" Binigay ang cellphone.

 "Anong sabi ng daddy mo?" tanong ni Elizabeth habang gumagawa ng sandwich. 

"Nangumusta lang. Di ko nakausap ng maayos, e, mahina yata ang signal ng network".

 "Hayaan mo na, ako nalang kakausap sa kanya mamaya," aniya Elizabeth subalit nakita nitong pinagsasabay ang almusal at pag-o-online, kaya sinita n'ya ito "Ano ba 'yan, Bethy?  Kumakain ka ba o nag-o-online?"

"Tinatapos ko lang 'yong project namin, Mommy," sabi ni Bethany habang dumadampot ng sandwich sa plato na nakapatong sa ibabaw ng mesa. 

"Sana ginawa mo na 'yan kagabi bago ka natulog, hindi 'yong puro ka na lang F******k at Social media."

"Mabilis lang naman 'to, Mommy," sagot ni Bethany. 

 Samantala walang tigil ang pagsusuka ni Ken at ginalugad n'ya ng kanyang daliri ang kanyang bibig. "Whoaaa, " tunog ng pagsusuka  niya habang kumakain naman si Bethany. 

 "Kuya, ano ba naman yan? May kumakain dito, e!" nandidiring sabi ni Bethany. Bagaman pinaglalagyan ni Elizabeth ng sandwich ang dalawang lunchbox sa mesa at nagtanong "Ano ba'ng nangyayari sa 'yo Ken?" sandali n'yang itinigil ang kanyang ginagawa at bahagyang lumapit kay Ken upang haplusin ang likod nito "Ano ba kasing nakain mong bata ka, ah?" tanong ng may pag-aalala ni Elizabeth.

 "Kanina pa 'yan si kuya, Mommy, e. Suka ng suka, " sabad naman ni Bethany.

Sandaling kumuha ng tubig sa gripo at nagmumog pagkatapos nito'y binalingan si Bethany "Kung ikaw kaya 'yong makakain ng ipot ng manok, 'no? Kung hindi ka masuka!" nangangatwirang sagot ni n'ya habang sundot ng hintuturo nito ang kanyang bibig. 

"Ipot, talaga? Sigurado ka?" di makapaniwalang tanong ni Elizabeth at tumigil mula sa paghaplos nito sa likod ni Ken. 

 "Oo nga po, Mommy," sabi ni Ken. 

Napabungisngis si Bethany, at bahagyang humalikhik si Elizabeth at nagtanong "Ano ba kasi'ng nangyari, paano ba napunta 'yong manok na'yon sa kwarto mo?"

Di kalauna'y humarap ito kay Elizabeth at nagsabi "Di ko alam, Mommy, basta paggising ko, may manok na sa tapat ng mukha ko at iniputan tuloy ako sa bibig. Di ko nga alam kung paano 'yon napunta sa kama ko. Yawang 'yon!"

Di napigilang tumawa si Elizabeth dahil sa kuwento ni Ken.

"Mommy, naman, bakit mo 'ko pinagtatawanan? " napipikong tanong ni Ken. 

Tumawa na rin si Bethany habang kumakain ng almusal at nagta-type sa Laptop nito. 

"Sige, Mommy, pagtawanan n'yo ko'ng dalawa."

"Sorry, na 'nak. Nakakatawa naman kasi 'yong kuwento mo," natatawang sabi ni Elizabeth. 

Bagama't bumaba si Jerry galing sa ikalawang palapag. Nakasuot ito ng uniporme na may suot na pantalong itim at kumikinang na itim na sapatos. Si Jerry Villareal ay bunso sa magkakapatid - pilyo at pasaway marahil magaling sa pag-isip at paggawa ng anumang kalokohan. Siya ay nasa ikawalong na baytang at nag-aaral din sa paaralang pinapasukan ni Bethany. 

"Anong ginawa mo sa taas? Huwag mong sabihing galing ka sa kuwarto ko at ikaw 'yong naglagay ng manok sa kama ko!" bulalas ni Ken. 

"Wa... Wala," nauutal na sagot ni Jerry. 

"Ano 'yong narining kong may tumatawa sa kuwarto ko?" pataas na boses ni Ken.

"Ikaw ba 'yong naglagay manok sa kuwarto ng kuya mo, Jerry? " sabad ni Elizabeth. 

"Opo, Mommy," pag-amin ni Jerry (Sa kanya pala ang bumingisngis na narinig ni Ken sa kwarto niya at nagtago pala ito sa ilalalim ng kama pagkatapos ilagay ang manok sa kama).

"Kita mo magsisinungaling ka pa. 'Pag kay Mommy, nagsasabi ka ng totoo pero pag sa 'kin hindi," mataas na boses ni Ken. 

Bahagyang pinagalitan ni Elizabeth si Jerry, "Ikaw, Jerry, ah. Sumusobra ka na. Di na nakakatuwa 'yang mga pinaggagawa mo sa kuya mo. Kung anu-ano nalang kalokohan ang pumapasok sa kukote mo, baka gusto mong hindi na kita bigyan ng allowance. Tandaan mo yan!"

"Sorry na, Kuya, pero di naman talaga ako ang may pakana no'n, e," mariing sagot ni Jerry. 

"Kung 'di ikaw, sino? " tanong ni Ken. 

Agad namang pinabulaanan ni Bethany si Jerry na tila 'wag magsumbong subalit... 

"Si ate," sumbong ni Jerry. 

Kumunot ang noo ni Ken at pataas boses na nagsabi "Ibig sabihin kanina ka pa d'yan habang pinagmamasdan ako dito at natawa ka sa ginawa mo!"

"Ah, e, sorry na, Kuya. Plano ko lang naman na gisingin ka kasi tanghali na, di ka pa bumabangon," mahinahong sagot ni Bethany. 

Napakamot ng ulo si Ken at nagsabi "Totoo ba 'yang sinasabi mo o parte na naman 'to ng prank mo? Kayo ah, tigilan n'yo na ang pangtitrip sa 'kin a! Di kayo nakakatuwa."

"Bahala ka nga kuya, kung ayaw mong maniwala," mahinahong sagot ni Bethany habang umiinom ng gatas. 

"E,  naka-set naman 'yong alarm clock sa cellphone ko, a. Kelangan pa talaga manok 'yong gigising sa 'kin."

Bahagyang hinampas ni Elizabeth ang mesa at sandaling nabasag ang katahimikan, "Itigil n'yo na nga 'yan!" pataas na boses ni Elizabeth. "Mismo sa harapan ko at hapag kainan pa kayo nagbabangayan! Wala na ba talaga kayong respeto, a!  Kayong dalawa, Bethy at Jerry! Itigil n'yo na 'yang katarataduhang ginagawa n'yo. Minsan ko lang 'tong sasabihin sa inyo, magpakatino kayo. Irespeto n'yo naman ang kuya n'yo dahil s'ya ang nakakatanda sa inyo. Ang aga-aga e, hina-high blood n'yo ko!"

Sandaling nanahimik ang lahat nang biglang may bumusina malapit sa kanilang bahay. Bahagyang lumapit si Jerry sa pwerta upang tingnan ito.

 "Ate, andyan na y'ong school bus," mahinahong pagtawag ni Jerry at kinuha ang bagpack sa upuan. Ipinasok ang isang lunch box galing sa mesa at nagkumaripas lumabas "Mommy, do'n na po ako... Ate sunod ka nalang."

"Oo, Wait lang," tugon ni Bethany habang inisinisilid ang laptop at lunchbox nito sa bagpack. "Mommy, pwede pong pahingi ako ng pandagdag kahit 1000 pesos lang kasi do'n po ako mag-o-over night sa bahay ng groupmate ko sa thesis mamaya."

"Ba't ang laki naman ng hinihingi mo? Kabibigay ko lang sa 'yo, a. Malulugi 'yong negosyo ko sa'yo, e. Ako tigilan mo ako, Bethany, a! Hirap na nga ako sa kaba-budget ng pera tapos ikaw puro ka na lang hingi," mataas na boses ni Elizabeth habang nagpupunas ng mesa. 

"E, do'n po ako makikitulog sa classmate ko kasi gagawa talaga kami ng thesis, dala ko naman na 'yong ibang gamit ko," daing ni Bethany. 

"Kung dito nalang sana kayo gumawa n'yan, baka mamaya gagala na naman kayo kung saan-saan kasama ng mga kaibigan mo," sabi ni Elizabeth. 

"Luh, hindi!" tanggi ni Bethany. 

"Ate!... Ate!, bilisan mo na, ikaw nalang 'yong hinihintay," sigaw ni Jerry habang nasa school bus. 

"Hinihintay ka na do'n sa labas, Bethy," malumanay na sabi ni Ken habang nagtitimpla ng gatas. 

"Mommy, dali na," pagpipilit na sabi ni Bethany.

 Nakakunot ang noo ni Elizabeth ngunit di kalauna'y kumuha ito ng hinihinging isang libo mula sa kanyang pitaka at iniabot kay Bethany. 

"Huh, 'yan na. Bahala ka nang mag-budget n'yan, a."

"Salamat po, Mommy. Do'n na ako... Bye. Love you!" naglalambing sabi ni Bethany.

"Sige. Ingat... Bantayan mo si Jerry... Ingat kayo, " bilin ni Elizabeth. 

"Opo, Mommy... Bye!" Kumaripas sa pagtakbo palabas patungong school bus at saklay nito ang bagpack na may lamang damit kasama ang isinilid na lunch box at laptop, at bitbit ang isang clutch bag. 

"Ikaw Ken? Ba't di ka pa nag-aasikaso? Anong oras ang pasok mo? tanong ni Elizabeth habang nagliligpit ng kinainan. 

"Alas nwebe y media pa naman po ang klase namin,  Maaga pa naman ng dalawang oras." Inubos ang iniinom na gatas, "Ako na lang maghugas n'yan,  Mommy."

"Wag na,  ako nalang nito. Mag-asikaso ka na, baka ma-late ka pa," tugon ni Elizabeth. 

"Ah, sige po mag-aasikaso na ako" mahinahong wika ni Ken. Pupunta sana ng ikalawang palapag subalit may hiniling si Elizabeth. 

"At saka 'yong nangyari kanina, sana ikaw na lang ang umunawa sa mga kapatid mo, 'nak. Pagpasensyahan mo na lang sila."

"Opo, Mommy, naiintindihan ko po," mapagpakumbabang tugon ni Ken.

Bahagyang napangiti si Elizabeth habang naghuhugas ng mga kinainan. 

Related chapters

  • The Nerd's Diary    Chapter 2 (Romance in the bus)

    Mabagal ang maneho ng school bus dahil sa daloy ng trapiko subalit hindi alintana ang pagkainip ng mga studyante sa halip pinuno ito ng ingay at tawanan. May kanya-kanya silang gawain at estilo sa buhay na tila walang pakialamanan. May nagkakantahan, may nagkukuwentuhan, may tugtugan at kulitan, at meron din namang abala sa pagsi-cellphone at pagre-review habang nasa biyahe. Bagama't tahimik na nanood ng vlog video si Bethany katabi si Jerry na abala rin sa paglalaro ng online game."Jerry, tingnan mo! Maraming views na 'yong ginawa nating prank kay kuya!" natutuwang bulong ni Bethany."Lagot ka n'yan kay Kuya, ate. Magagalit 'yon 'pag napanood 'yan," malumanay na sagot ni Jerry habang nanood."Prank lang naman 'to, e," sagot ni Bethany.Samantalang may isang studyante, na nagngangalang Kyle Rodriguez, ang lumapit at pinausog nito ang isa sa mga tropa nito sa kabilang upuan katapat ni Jerry at nakiupo. Nakasuot ito ng uniporme at may pulang sombre

    Last Updated : 2021-07-10
  • The Nerd's Diary    Chapter 3 (Ken's encounter)

    Bumababa si Ken mula sa sinakyang bus, at nadapa dahil naapakan nito ang nakalawlaw na sintas ng kanyang sapatos at agad n'ya itong itinali bagama't nagsitawanan ang mga estudyante sa labas ng gate mula sa kanyang pagkakadapa.Si Ken Zanders o mas kilala sa tawag na Ken ay nasa ika-apat na taon sa kolehiyo, at nag-aaral ng Civil Engineering at isang Varsity player ng badminton sa kanilang campus.Siya ay matalino, magaling sa klase at isang Dean's lister mula noong freshman hanggang third year college sa kanilang campus ngunit madalas tuksuhin ng mga kaklase nito dahil patpatin, badoy manamit, naka-brace ang ngipin at may sariling mundo na kung tawagin ay "Nerd" sa kanilang campus. Pumasok siya sa sports room patungong locker upang ilagay ang kanyang sports attire at ang dala nitong badminton subalit lumapit ang kanyang mga kaklase na sina Nico Alvarez kasama ang tropa nitong sina Jeremiah Cruz at Jericho Enriquez na pinakamalapit tropa at matalik niya ring

    Last Updated : 2021-07-12
  • The Nerd's Diary    Chapter 4 (The hilarious posts)

    Mag-aalas sinko na ng hapon nang dumating si Ken sa kanilang bahay galing sa paaralan. Suot nito ang sports attire na noo'y naglaro ng badminton rehearsal. Nadatnan niyang nag-aalis at nagsusungkit ng mga sinampay si Aling Cora sa kanilang bakuran at lumapit ito upang magmano. Nakatalikod si Aling Cora habang abala sa ginagawa kaya kinalabit n'ya ito."Mano po, Aling Cora," magalang na sabi ni Ken."Nan d'yan kana pala, Ken." Sandaling iniabot nito ang kanyang kanang kamay kay Ken habang hawak naman ng kabila ang naka-hanger na sinampay. "Salamat, pagpalain ka ng Diyos.""May nalabhan po ba kayong damit pang-sports?" mahinahong tanong ni Ken."Oo, natuyo na. Isinilong ko na do'n sa loob.""Salamat po," sabi ni Ken."Ah, sige," sabi ni Aling Cora habang patuloy sa ginagawa.Matamlay at pagod na pumasok si Ken sa loob ng kanilang bahay, at nadatnan niyang walang tao sa roon kaya sandaling lumabas upang tanungin si Aling Cora. Nakita n

    Last Updated : 2021-07-23
  • The Nerd's Diary    Chapter 5 (Bethy's realization)

    Magha-hating gabi na nang hindi pa rin makatulog si Bethany habang tahimik na natutulog ang mga kasama nito sa kwarto ni Franchesca. Siya ay nagmumuni-muni sa kabila ng nangyaring alitan sapagkat napagtanto nito ang pangungutya at masasakit na salitang binitawan ni Xyra na tumusok sa kanyang dibdib na patungkol sa cyberbullying na kung saan kabilang ang kanyang nakakatandang kapatid na si Ken.Bumangon siya sa kama na noo'y magkatabing natutulog kasama si Franchesca habang sa kabilang kama naman ang kambal. Binuksan nito ang pinto habang dala nito ang laptop at ang naka-shut down niyang cellphone na noo'y hindi man lang nahawakan at ginamit sapagkat nagpokus na lamang ito sa thesis. Iniwanan nito ang kwarto habang mahimbing na natutulog ang kambal subalit naidilat naman ni Franchesca ang kanyang mata dahil sa bahagyang kalantog ng pinto.Tuluyang naggising si Franchesca, mga ilang minuto ang lumipas, bumangon din ito sa kama at sinundan si Bethany kung saan siya naroroon

    Last Updated : 2021-07-31
  • The Nerd's Diary    Chapter 6 (Mother's heart)

    Alas nuwebe na ng umaga subalit mahimbing pa rin ang tulog ni Ken na nakahilata at nakanganga sa kanyang kama. Yakap nito ang libro sa subject na environmental engineering na noo'y nag-review para sa prelim exam nito bagama't nakakalat naman ang mga notebook na pagmamay-ari ng alpha team sa mesa nito na ginawa niya noong hating gabi.Malakas ang hilik nito at tuluyang sumagi sa kanyang pisngi ang tumutulo niyang laway ngunit di kalauna'y naggising ito mula sa malakas na katok sa kanyang pinto. Nailpungatan siya at inilapag nito ang yakap na libro sa mesa bagama't kinuha nito ang salamin sa mata at sinuot.Bumangon siya at tumayo mula sa kama at pinunasan niya ng kanyang palad ang iniinda niyang malapot na laway sa kanyang pisngi. Lumakad siya nang pakitong-kitong at may lutang na isip papuntang pinto bagama't noong buksan niya, laking gulat na lamang nito sa nakita."Ahhh!" malakas niyang sigaw."Itigil mo na nga 'yang kasisigaw mo para kang tanga

    Last Updated : 2021-08-01
  • The Nerd's Diary    Chapter 7 (The mean guys)

    Naglalakad nang mag-isa si Ken sa hallway patungong sports room subalit pinagbubulungbulungan siya, at pinagtatawanan ng mga estudyanteng naroon. Tila maraming mga mata ang nakitingin, at maraming hintuturo ang nakaturo sa kanya habang naglalakad mag-isa ngunit di niya na lamang ito pinansin, at patuloy na lamang siya sa paglalakad.Di kalauna'y pumasok na siya sa sports room, at tumungo sa locker upang ipasok ang mga gamit nitong dala datapwa't naririnig niya pa rin ang ngaw-ngaw ng mga estudyanteng naroon, at inda niya na siya ang pinag-uusapan ng mga ito kaya pinalabas niya na lamang sa kabilang taynga habang nagliligpit ng gamit sa locker bagama't biglang tumambad sa kanya ang Alpha team."Hoy Ken! Nagawa mo ba 'yong assignment namin?" maangas na saad ni Nico at umakbay sa kanya habang nakapaligid rin ang ibang myembro ng Alpha team."Ah... Oo, nagawa ko na," mahinahong tugon ni Ken. Kinuha nito ang mga notebook sa bag at iginawad nito sa Alpha team."

    Last Updated : 2021-08-06
  • The Nerd's Diary    Chapter 8 (Pathetic nerd)

    Natapos na ang klase sa subject ni Mrs. De Castro, at naglabasan na ang mga estudyante dito. Nag-uusap habang naglalakad naman sina Ken at ang mga kaibigan nito kasama si Andrew sa labas ng hallway, at di kalauna'y sandaling huminto malapit sa study area."Salamat pala Andrew sa pagtulong mo kanina sa 'kin," aniya Ken."Oo nga pala, dahil sa 'yo nalaman namin kung sino 'yong naglagay ng paskil," sabad ni Julie."Wala 'yon... Ginawa ko lang 'yon kasi 'yon ang tama. Kung hahayaan lang natin na maging mahina tayo lalo nila tayong aapihin.""Correct ka d'yan! Ang tapang mo kanina, ah. Di ako makapaniwalang kaya mo palang supalpalin 'yong mga gagong 'yon, " nanggigil na saad ni Gemmalyn."Mga kupal na 'yon! Wala talagang magawa sa buhay kundi ang mang-alipusta ng kapwa. Sana matapos na ang paghahari-harian nila," nayayamot na saad ni Andy."Kelan pa ba? E, matutupad lang 'yang hiling mo 'pag graduate na tayo at malamang lilisanin na natin 'tong X

    Last Updated : 2021-08-11
  • The Nerd's Diary    Chapter 9 (No girlfriend since birth)

    Biyernes na ng umaga nang biglang kumuliling ang alarm clock ng cellphone ni Ken na nakapatong sa mesa malapit sa kanyang kama. Nakahiga siyang nakatihaya at nakanganga at di kalauna'y kinamot niya ang nangangati niyang singit sa loob ng kanyang dilaw na may polka dots niyang pajama pants na terno rin sa suot niyang pantaas.Sunod-sunod ang tunog ng alarm clock niya sa cellphone ngunit di pa rin natitinag ang kanyang pagiging tulog mantika. Mamaya-maya pa ay kumuliling ulit ang alarm clock at di kalauna'y pinilit niya na ang sarili na gumising.Kaya naalipungatan siya mula sa pagkabangon at pagkakaupo nito sa kama na may itim na eye sleep mask na nakapiring sa kanyang mga mata subalit tila nakapikit pa rin ang mga mata nito mula sa pagkabangon."Yes! It's Friday na! Saturday na naman bukas... Walang pasok! Thanks lord!" Sigaw niya na may namamaos na boses marahil may natuyong laway na bumara sa lalamunan niya sabay taas ng dalawang kamay. Tila dinilat nito ang k

    Last Updated : 2021-08-15

Latest chapter

  • The Nerd's Diary    Chapter 11 (First love)

    Mag-isang nakaupo si Ken katabi ang kanyang bag sa bench habang nagbabasa ng kanyang diary, binalikan niya ang mga dating pangyayari, at natuwa siya rito.Maingay ang paligid dahil sa sigaw at tugtugan mula gymnasium, at kwentuhan at tawanan naman ng mga estudyante mula sa ball ground.Sa kabila nito, nanatili si Ken sa kanyang posisyon, bagama't may bolang nakahiga sa madamong lupa at di kalauna'y sinipa ito ng soccer player na noo'y naglalaro ng soccer rehearsal sa gitna ng ball ground. Ito ay lumipad at tuluyang tumalbog sa kanyang batok."Aray!" Napabalingwas siya mula sa kanyang pagkakaupo, at nalaglag ang hawak niyang diary sa lupa at ang kanyang salamin sa mata, nakaramdam siya ng pamamanhid at hinamplos niya ang ang kanyang batok.Bahagyang lumapit ang soccer player at kinuha ang bola, di kalauna'y humingi rin ng paumanhin."Sorry, oh."Bagama't hindi kumibo si Ken habang hinahaplos niya ang kanyang batok. Ang ibang nakakita sa kanya ay na

  • The Nerd's Diary    Chapter 10 (In denial)

    Bumaba si Ken ng hagdan galing sa library, dala niya ang libro sa engineering mechanics na noo'y hiniram niya roon, at di kalauna'y umupo siya sa may study area.Sandaling nagbuklat ng libro at nagbasa kahit maingay naman sa paligid niya dahil sa ngawngaw, katuwaan at tilian ng mga estudyante, bagama't biglang dumating si Andy at sandali siyang tumigil sa pagbabasa."Hoy, Ken! Magla-lunch break na. Di ka pa ba magla-lunch?" bungad ni Andy."Mamaya na, 15 minutes pa bago mag-lunch break... Review muna tayo.""Ang sipag mo mag-aral, baka malipasan ka ng gutom, magkakasakit ka n'yan," pag-aalalang wika ni Andy."May recitation kasi mamaya, kay ma'am Lopez. Sigurado ako, magko-call on nanaman 'yon," tugon ni Ken."Oo nga pala. Pa-picture na lang ako ng topic." Agad kinuha ni Andy ang kanyang cellphone sa kanyang bulsa. Bagama't nagkagulo ang ibang estudyante sa kabilang dako dahil dumaan ang Alpha team.Maangas at ta

  • The Nerd's Diary    Chapter 9 (No girlfriend since birth)

    Biyernes na ng umaga nang biglang kumuliling ang alarm clock ng cellphone ni Ken na nakapatong sa mesa malapit sa kanyang kama. Nakahiga siyang nakatihaya at nakanganga at di kalauna'y kinamot niya ang nangangati niyang singit sa loob ng kanyang dilaw na may polka dots niyang pajama pants na terno rin sa suot niyang pantaas.Sunod-sunod ang tunog ng alarm clock niya sa cellphone ngunit di pa rin natitinag ang kanyang pagiging tulog mantika. Mamaya-maya pa ay kumuliling ulit ang alarm clock at di kalauna'y pinilit niya na ang sarili na gumising.Kaya naalipungatan siya mula sa pagkabangon at pagkakaupo nito sa kama na may itim na eye sleep mask na nakapiring sa kanyang mga mata subalit tila nakapikit pa rin ang mga mata nito mula sa pagkabangon."Yes! It's Friday na! Saturday na naman bukas... Walang pasok! Thanks lord!" Sigaw niya na may namamaos na boses marahil may natuyong laway na bumara sa lalamunan niya sabay taas ng dalawang kamay. Tila dinilat nito ang k

  • The Nerd's Diary    Chapter 8 (Pathetic nerd)

    Natapos na ang klase sa subject ni Mrs. De Castro, at naglabasan na ang mga estudyante dito. Nag-uusap habang naglalakad naman sina Ken at ang mga kaibigan nito kasama si Andrew sa labas ng hallway, at di kalauna'y sandaling huminto malapit sa study area."Salamat pala Andrew sa pagtulong mo kanina sa 'kin," aniya Ken."Oo nga pala, dahil sa 'yo nalaman namin kung sino 'yong naglagay ng paskil," sabad ni Julie."Wala 'yon... Ginawa ko lang 'yon kasi 'yon ang tama. Kung hahayaan lang natin na maging mahina tayo lalo nila tayong aapihin.""Correct ka d'yan! Ang tapang mo kanina, ah. Di ako makapaniwalang kaya mo palang supalpalin 'yong mga gagong 'yon, " nanggigil na saad ni Gemmalyn."Mga kupal na 'yon! Wala talagang magawa sa buhay kundi ang mang-alipusta ng kapwa. Sana matapos na ang paghahari-harian nila," nayayamot na saad ni Andy."Kelan pa ba? E, matutupad lang 'yang hiling mo 'pag graduate na tayo at malamang lilisanin na natin 'tong X

  • The Nerd's Diary    Chapter 7 (The mean guys)

    Naglalakad nang mag-isa si Ken sa hallway patungong sports room subalit pinagbubulungbulungan siya, at pinagtatawanan ng mga estudyanteng naroon. Tila maraming mga mata ang nakitingin, at maraming hintuturo ang nakaturo sa kanya habang naglalakad mag-isa ngunit di niya na lamang ito pinansin, at patuloy na lamang siya sa paglalakad.Di kalauna'y pumasok na siya sa sports room, at tumungo sa locker upang ipasok ang mga gamit nitong dala datapwa't naririnig niya pa rin ang ngaw-ngaw ng mga estudyanteng naroon, at inda niya na siya ang pinag-uusapan ng mga ito kaya pinalabas niya na lamang sa kabilang taynga habang nagliligpit ng gamit sa locker bagama't biglang tumambad sa kanya ang Alpha team."Hoy Ken! Nagawa mo ba 'yong assignment namin?" maangas na saad ni Nico at umakbay sa kanya habang nakapaligid rin ang ibang myembro ng Alpha team."Ah... Oo, nagawa ko na," mahinahong tugon ni Ken. Kinuha nito ang mga notebook sa bag at iginawad nito sa Alpha team."

  • The Nerd's Diary    Chapter 6 (Mother's heart)

    Alas nuwebe na ng umaga subalit mahimbing pa rin ang tulog ni Ken na nakahilata at nakanganga sa kanyang kama. Yakap nito ang libro sa subject na environmental engineering na noo'y nag-review para sa prelim exam nito bagama't nakakalat naman ang mga notebook na pagmamay-ari ng alpha team sa mesa nito na ginawa niya noong hating gabi.Malakas ang hilik nito at tuluyang sumagi sa kanyang pisngi ang tumutulo niyang laway ngunit di kalauna'y naggising ito mula sa malakas na katok sa kanyang pinto. Nailpungatan siya at inilapag nito ang yakap na libro sa mesa bagama't kinuha nito ang salamin sa mata at sinuot.Bumangon siya at tumayo mula sa kama at pinunasan niya ng kanyang palad ang iniinda niyang malapot na laway sa kanyang pisngi. Lumakad siya nang pakitong-kitong at may lutang na isip papuntang pinto bagama't noong buksan niya, laking gulat na lamang nito sa nakita."Ahhh!" malakas niyang sigaw."Itigil mo na nga 'yang kasisigaw mo para kang tanga

  • The Nerd's Diary    Chapter 5 (Bethy's realization)

    Magha-hating gabi na nang hindi pa rin makatulog si Bethany habang tahimik na natutulog ang mga kasama nito sa kwarto ni Franchesca. Siya ay nagmumuni-muni sa kabila ng nangyaring alitan sapagkat napagtanto nito ang pangungutya at masasakit na salitang binitawan ni Xyra na tumusok sa kanyang dibdib na patungkol sa cyberbullying na kung saan kabilang ang kanyang nakakatandang kapatid na si Ken.Bumangon siya sa kama na noo'y magkatabing natutulog kasama si Franchesca habang sa kabilang kama naman ang kambal. Binuksan nito ang pinto habang dala nito ang laptop at ang naka-shut down niyang cellphone na noo'y hindi man lang nahawakan at ginamit sapagkat nagpokus na lamang ito sa thesis. Iniwanan nito ang kwarto habang mahimbing na natutulog ang kambal subalit naidilat naman ni Franchesca ang kanyang mata dahil sa bahagyang kalantog ng pinto.Tuluyang naggising si Franchesca, mga ilang minuto ang lumipas, bumangon din ito sa kama at sinundan si Bethany kung saan siya naroroon

  • The Nerd's Diary    Chapter 4 (The hilarious posts)

    Mag-aalas sinko na ng hapon nang dumating si Ken sa kanilang bahay galing sa paaralan. Suot nito ang sports attire na noo'y naglaro ng badminton rehearsal. Nadatnan niyang nag-aalis at nagsusungkit ng mga sinampay si Aling Cora sa kanilang bakuran at lumapit ito upang magmano. Nakatalikod si Aling Cora habang abala sa ginagawa kaya kinalabit n'ya ito."Mano po, Aling Cora," magalang na sabi ni Ken."Nan d'yan kana pala, Ken." Sandaling iniabot nito ang kanyang kanang kamay kay Ken habang hawak naman ng kabila ang naka-hanger na sinampay. "Salamat, pagpalain ka ng Diyos.""May nalabhan po ba kayong damit pang-sports?" mahinahong tanong ni Ken."Oo, natuyo na. Isinilong ko na do'n sa loob.""Salamat po," sabi ni Ken."Ah, sige," sabi ni Aling Cora habang patuloy sa ginagawa.Matamlay at pagod na pumasok si Ken sa loob ng kanilang bahay, at nadatnan niyang walang tao sa roon kaya sandaling lumabas upang tanungin si Aling Cora. Nakita n

  • The Nerd's Diary    Chapter 3 (Ken's encounter)

    Bumababa si Ken mula sa sinakyang bus, at nadapa dahil naapakan nito ang nakalawlaw na sintas ng kanyang sapatos at agad n'ya itong itinali bagama't nagsitawanan ang mga estudyante sa labas ng gate mula sa kanyang pagkakadapa.Si Ken Zanders o mas kilala sa tawag na Ken ay nasa ika-apat na taon sa kolehiyo, at nag-aaral ng Civil Engineering at isang Varsity player ng badminton sa kanilang campus.Siya ay matalino, magaling sa klase at isang Dean's lister mula noong freshman hanggang third year college sa kanilang campus ngunit madalas tuksuhin ng mga kaklase nito dahil patpatin, badoy manamit, naka-brace ang ngipin at may sariling mundo na kung tawagin ay "Nerd" sa kanilang campus. Pumasok siya sa sports room patungong locker upang ilagay ang kanyang sports attire at ang dala nitong badminton subalit lumapit ang kanyang mga kaklase na sina Nico Alvarez kasama ang tropa nitong sina Jeremiah Cruz at Jericho Enriquez na pinakamalapit tropa at matalik niya ring

DMCA.com Protection Status