MATAPOS MAKAPAG-ALMUSAL ay naging abala na ang kambal sa paglalaro sa labas. Naroroon ang dalawang bata sa isang palayan na natutuyo na’t tinutubuan na ng mga damo at nagpapalipad muli ng saranggola. Natatanaw sila ng tatlong nakatatanda na sina Ava, Shaelza at Jemuel.
“Teka nga pala, Jemuel, papaano mo nalaman na naririto kami?” naguguluhang tanong ni Ava.
Nagkatinginan ang dalawang kaharap. Si Shaelza ang unang nagbawi ng tingin.
“Ang totoo niyan ay tinawagan ako ni Shaelza,” maikling sagot ni Jemuel.
Biglang bumundol ang kaba sa dibdib ni Ava. “Ano? Bakit mo naman siya tinawagan? Paano kung nasundan siya ni Alas papunta dito? E ’di masusundan tayo ng asawa ko niyan,” nag-aalalang bigkas ni Ava.
“Relax, Friend, okay? Relax!” exaggerated na pagpapakalma ni Shaelza sa kaibigan na nagsisimula nang kabahan. “Everything is fine, okay? Kung nakasunod ’yon e ’di sana’y n
Ava’s Point of View “Coffee.” Paglapag ko ng isang basong tasa sa bilog na mesang pinagigitnaan namin ni Shaelza. Narito kami sa veranda. Napabaling siya sa akin. “Salamat.” Ngumiti siya. Nakuha ko ang kaniyang atensyon mula sa panonood niya kina Jemuel at sa mga bata, na wala na yatang kasawaan sa pagpapalipad ng saranggola. Mukhang ang Tito Jemuel nila ang napapagod para na kanila. Hindi mo naman masisisi ang mga bata dahil bago lamang sa kanila ang ganitong bagay at kinagigiliwan na nila. Kahit na nakikita mo na sa kanila ang pangangawit sa katitingala ay para bang tuwang-tuwa pa rin sila sa kanilang nakikita sa itaas. It was cool afternoon for everyone. Mainit pero hindi masakit sa balat ang sinag ng araw dulot ng lamig ng hanging sumisipol sa paligid. Iba talaga kapag nasa mataas na bahagi ka ng lugar naroroon at napaliligiran ng mga puno. May malaking kapatagan na puwedeng takbuhan ng mga bata o malatagan para sa isang picnic.
“AT DAHIL NGA bantay-sarado ni Fred ang lahat ng paliparan at pantalan sa iba’t ibang panig ng bansa ay humingi na ako ng tulong sa isa ko pang kaibigan,” panimula ni Jemuel nang magkaroon kami ng pagkakataon na magkausap sa balkonahe ng modernong bahay-kubo. Mabuti’t nagsi-siesta ang mga bata at mahimbing na natutulog sa silid tulugan kung kaya’y nagkaroon kaming tatlo ng pagkakataon na magkausap muli. “Ano na ang plano natin?” nag-aalalang tanong ni Shaelza. “Hindi tayo basta-basta makaaalis dito at makapagtatago kung ganyang puno ng mga tauhan ng asawa mo ang lahat ng puwede nating daanan. Bukod doon ay hindi tayo pupuwedeng magtagal dito dahil sa dami ng source ni Alas ay paniguradong matutunton na niya tayo rito.” “Shaelza is right. Knowing my cousin ay gagawin no’n ang lahat mahanap lang kayo, Ava,” pagsang-ayon ni Jemuel na ikinanginig ng kalamnan ko. “Kailangan na nating makaalis dito as soon as possible,” sabat ko. “That’s why I ask m
Nagising ako na tila ba may sementong nakadagan sa aking katawan dahil sa bigat nito. Iminulat ko ang aking mga mata at wala akong ibang nakita kundi kadiliman hanggang sa magising ang buo kong sistema at napansing may takip pala ang aking mga mata. Nang igalaw ko ang aking mga kamay ay doon ko rin napansing nakagapos ito maging ang aking mga paa. Doon ay naalala ko ang huling nangyari. Hindi man lang namin inaasahan ang mangyayari. Hindi man lang kami nakahanda.Biglang gumapang ang aking dugo patungo sa aking ulo at binalutan ng magkahalong takot at pag-aalala.‘Ang mga anak ko.’Sinubukan kong sumigaw ngunit maging ang bibig ko ay nakabusal rin. Mas lalo akong nakaramdam ng takot.‘Nasaan ako?’
“I know some of them already know my real identity now. So, why not show up?”Pagkatapos niyang sabihin iyon ay halos naghintay kaming lahat na lumabas siya mula sa kadiliman na kaniyang kinatatayuan. Hindi ko inalis ang paningin ko sa kinaroroonan niya hangga’t hindi nasisiguro na tama ang hinala ko. Mula sa pag-apak ng paa niya sa liwanag ay ang paglantad ng kaniyang hitsura. Napahawak ako sa braso ni Shaelza dahil sa biglang paglambot ng aking mga tuhod. Kaagad niya namang nahawakan ang likod ko. Hindi ako nasorpresa dahil inaasahan ko na, ngunit ang paraan ng pagkakatitig niya ang hindi ko nagustuhan sa lahat. Iyong titig na hindi mo pagkakatiwalaan. Titig na walang sinasanto at dapat mong katakutan. Those eyes is now straightly looking at me.“It is nice to see you again, my favorite nephew’s wife,” ngisi niya.Bahagyang namuo ang katahimikan sa buong paligid. Napupuno iyon ng tensyon.“You are Tito Jem
Umiiyak na ngayon ang mga bata dahil sa nangyayari. Naramdaman ko ang mga kamay ni Shaelza sa aking mga balikat. Napaluha na ako sa mga nangyayari. Ano ba kasi iyon na hindi ko alam? At bakit ganito ang nararamdaman ko? Parang pinipiga ang puso ko. Naninikip ang dibdib ko dahil sa lakas ng pagtahip nito. Bakit para bang ayaw tanggapin ng buong sistema ko ang susunod na sasabihin nila ngunit gustong-gusto kong malaman ang buong katotohanan sa mga oras na ito?“J-Jemuel, what is it? Please, tell me,” humihikbing pakiusap ko sa kaniya.Nakita ko na lang na umalog-alog ang mga balikat ni Jemuel.“I’m sorry, Ava. I didn't mean to do that. I’m sorry.” Paghilamos niya ng sariling palad sa kaniyang mukha. “I didn't know that it will happened. I didn’t know that you will suffer after that. Ang alam ko lang... k-kapag ginawa ko ’yon ay tatakbo ka papunta sa akin at hihingi ng tulong. Upang sa huli ay mapasaakin ka pa r
NAMUO ANG KATAHIMIKAN sa buong paligid pagkatapos ng rebelasyong iyon. Nakaupo halos ang lahat sa may sulok at tila lupaypay. Hindi na nila kami nagawang talian, busalan o takpan man lang ang aming mga mata. Maliwanag na rin ang buong paligid kung saan nakikita ko si Shaelza na nakaupo rin sa sulok at nakahilig ang ulo sa semento habang sinusuklay ng kamay ang buhok ng natutulog na si Herald, nakahiga ito sa mga binti niya. Kinuha niya sa akin kanina si Herald nang biglang mangalay ang mga binti ko dahil dalawa silang nakahiga ng kakambal niya. At kami ni Hera ay nasa gitnang bahagi kung saan ngayon ay nasa kanlungan ko ang aking anak na babae. Samantalang si Jemuel naman ay nakaupo sa dulong bahagi at nakapikit ang mga matang nakasandal sa konkretong dingding.Nang kunin niya kanina si Herald ay tumanggi ang bata at kay Shaelza tumungo nang alukin din ng huli. Nakita ko ang pagguhit ng sakit sa mga mata n
“Don’t touch me or I’ll punch you all,” pagbabanta ni Alas sa mga lalaking gusto siyang hawakan ngunit hindi siya pinakinggan bagkus ay pilit pa rin siyang ginagapos ng mga ito.Tumayo na kami ni Hera at sa takot ng aking anak na babae ay isinuksok niya na ang kaniyang sarili sa akin.“Mom.” Biglang yakap sa akin ni Herald na tumakbo na pala papunta sa akin. Lumapit na rin sa akin si Shaelza.Niyakap ko ang mga anak ko.“I said don't touch me!” At maya-maya nga’y dinaanan na ng mga suntok ni Alas ang mga kalalakihan na pilit siyang ginagapos.“Alas,” bulong ko nang pagkaisahan na siya ng lahat. At laking pasasalamat ko dahil mukhang bihasa naman siya pagdating sa pakikipaglaban dahil halos hindi siya matamaan ng suntok ng mga sumusugod sa kaniya. Siya nga ang halos nakatatama ng suntok sa kanila at ang iba pa’y tumitilapon sa lakas ng kamao niya.Napansin ko sa gilid na
Si Jemuel ay biglang natauhan at inagaw sa lalaking katabi ang hawak nitong baril na kanina pa nakatutok sa kaniya. Dahil likas na malakas ay nagawa niyang makipag-agawan sa lalaking nag-aalinlangan kung kakalabanin ba siya o hindi ngunit sa huli ay nagawa itong barilin ni Jemuel.Pinagbabaril niya rin ang mga lalaking nagbabantay kina Ava at Shaelza. Si Alas naman ay nanghablot lang rin ng baril sa namatay na tauhan ni Segundo at nakipagbarilan na rin sa mga tauhang sunod-sunod na pumasok rin doon.Sina Ava at Shaelza ay halos iharang ang sarili sa kambal at tumakbo sa likurang bahagi kung saan mayroong fire exit. Naiwan sa loob sina Jemuel at Alas na nakikipagbarilan at agawan ng baril sa ibang naroroon habang si Segundo naman ay hindi alam kung saan na ba sumuot o nagtago simula nang magkabarilan na sa buong paligid.Nakahanap ng matataguan sina Shaelza sa itaas na palapag ng abandonadong gusali. May tambak ng mga bakal na harang doon na puwedeng pagtaguan at