“How’s your shoulder?” tanong ni Shaelza nang pareho naming ibinagsak ang katawan sa di-kahabaang malambot na sopa pagkarating ng mansyon.
“Heto, masakit igalaw pero kaya namang pilitin,” sagot ko sa kaniya habang ginagalaw-galaw ang kanang braso, ngunit kaagad ding ibinaba at napangiwi dahil sa namuong sakit.
Hindi ko pala kaya. Pinipilit ko lang dahil kailangan. Napuruhan ngang talaga ang braso ko sa paraang ginawang paghawak ni Alas kagabi.
Natigilan ako nang may maalala. “Teka. Paano mo nalaman?” balik-tanong ko rin sa kaniya.
“Your twins. Maaga pa lang kanina ay binulabog na nila ako. Tinawagan nila ako dahil masakit daw ang braso mo’t hindi ka makapagmamaneho ng sasakyan. Pinakiusapan nila akong samahan ka. Nakita raw kasi nila kanina na halos
Mabilis akong tumungo sa comfort room ng malaking bahay ng mga Davies at nang makarating ay kaagad kong ni-lock ang pinto. Napahawak ako sa lababo at halos hingalin dahil sa pagpipigil ng pag-iyak. Sumasakit na rin ang dibdib ko dulot ng pagkirot dahil sa emosyong pilit kong itinatago. Iyong luhang gustong umagos sa mata’y tumungo sa puso’t nilamon ng alat at pait. Hindi masama ang pagtago sa tunay na emosyon. Ngunit mas pipiliin mo na lang na ilabas ito kaysa bumara sa iyong dibdib. Gusto kong umiyak, pero ayaw nang lumabas ng luha. Sinisisi ko ang aking sarili kung bakit ako nagkaganito, pero ayaw ko namang maturuan. Pilit nagmamatigas at inaako ang pinsalang nagawa. Ngunit tama ba iyon kung may buhay na namang nawala? Sa pagkakataong ito’y kasalanan ko na...
Matapos kong ayusin ang sarili at lagyan ng kahit kaunting foundation ang mukha, matakpan lamang ang bakas ng pagluha, ay nagdesisyon na akong lumabas. Nang buksan ko ang pinto ay bumulaga sa aking paningin si Alas. “K-Kanina ka pa ba d’yan?” tanong ko. Nagpapanggap na hindi napansin ang mabibigat niyang tingin. “Tara na. Baka naghihintay sa atin sina Mr—ahh,” d***g ko nang hawakan niya ang braso ko’t ipako sa pinto. Napasandal ako roon habang pilit pinipigilan ang nararamdamang sakit. Mariin niya akong tinitigan na hindi ko makuhang labanan kaya itinabingi ko ang aking ulo ngunit itinaas niya ito. “What the hell is that? What wickedness have you shown?” tanong niya habang pinanggigigilan ang aking baba. “Alas, nasasaktan ako. B-bitawan mo ’ko,” pagmamakaawa ko. Ngun
“UNGOL LANG pala ang katapat ni Mr. Fonteverde, e. Dapat noon pa'y kahit hindi masarap inungulan mo na. Kaysa iyak ka nang iyak.” Nakahalukipkip pa ang kaniyang mga kamay nang sabihin iyon. Napailing na lang ako kay Shaelza. Dumating kasi siya nang walang pasabi at nasorpresa naman ako roon. Napansin din niya ang bagong katulong namin na naglilinis ng mansyon. Hanggang sa makarating kami sa puntong ito. Hindi ko lang kasi mapigilang ikuwento sa kaniya iyong paraan ng mga paghalik sa akin ni Alas na tila ba unang karanasan ko pa lang sa bagay na iyon. At isa pa’y wala akong hiya na ikuwento ang ganoong bagay sa kaibigan ko. “So maliban pala sa school, grocery store at bahay, p’wede ka ng lumabas kahit saan? Malaya ka na?” dugtong na tanong niya. “Bakit saan pa ba ako pupunta?” tanong na sagot ko sa kaniya.
Pababa ako ngayon ng hagdan nang makita ko si Alas na hinihilot-hilot at iniikot-ikot ang kaniyang ulo. Nakaupo siya ngayon sa sopa. Gising na pala siya. Alas kuwatro pa lang ng umaga, ah. Marahil ay naramdaman niya na ang lamig na yumayakap sa kaniya sa labas. Lalo pa’t sa kaalamang malamig naman talaga tuwing madaling araw. Ano kaya ang naging reaksyon niya nang magising siya sa labas?“Saan ka natulog? Hindi kita napansing pumasok ng kuwarto kagabi.” Pag-agaw ko ng kaniyang atensyon. Kunwari na lang ay wala akong alam.Napatingala siya sa akin. Napahinto siya sa kaniyang kinauupuan at titig na titig sa akin habang pababa ng hagdan. I was wearing a red lingerie. Hindi hamak na mas krema ang balat ko kumpara sa batang iyon. Kaya alam kong nakikita niya ang anumang nasa loob ng suot ko. Hindi ako nagsuot ng bra kaya alam kong bakat na bakat an
Isang magulo at maingay na club ang tumambad sa amin pagpasok namin ni Shaelza. Halo-halo na rin ang amoy; mapa-alak at amoy ng mga pabango. Kumukutikutitap na tulad ng Christmas lights ang loob. Nakakahilo. Ito iyong club na pinasukan ko noon para sa misyong mapalapit kay Mr. Fonteverde. ’Pag nakita ako nina Eliza at Sir Roque ay panigurado ng makilala nila ako. Kaya todo ang pagbabalatkayo ko. Inayusan ako ni Shaelza para hindi ako kaagad makilala. Pinasuot niya ako ng wig na pantay at hanggang balikat lang ang haba. Malayo sa mahaba at maalon-alon kong buhok.May itinuro sa akin si Shelza at doon ay nakita ko si Alas. Biglang umakyat ang dugo ko sa ulo nang makita rin ang batang higad na kapit na kapit sa asawa ko at balewala lang iyon kay Alas. Muli ay may tinuro si Shaelza. Isang bakanteng puwesto na malapit sa kanila. Tumungo kami ni Shaelza roon at umupo kaming pareho sa kung saan katapat lang
Kinumutan ko ang dalawang kambal nang mahimbing na silang natutulog. Halos hindi sila matahan sa kaiiyak kanina at ayaw rin nila akong mahiwalay sa kanila...“Mommy, stay beside us so that Daddy won’t hurt you,” mapupungay ang mga matang wika sa akin ni Hera kanina.“And if Daddy slammed you again I will punch him or I will call for the police,” ayon naman kay Herald.At pareho nila akong niyakap ng mahigpit na para bang ayaw nila akong pakawalan.“I love you, Mom.”“I love you, Mommy.”Sabay nilang usal at ang aking tugon, “I love you too. I’m sorry.” Sabay halik ko sa kanilang mga noo.
“SIGURADO KA NA ba, friend?” sa muli ay tanong ni Shaelza. Ilang beses na ba niya itong tinanong mula kaninang nagbabalot pa kami ng mga gamit ko’t gamit na rin ng aking mga anak. Ngayon ay nagtitiyempo kaming dalawa na babain na ang mga gamit at ihatid sa kaniyang sasakyan.Nakapagdesisyon na ako, kagabi pa lang.“Hello, friend. Napatawag ka?” bungad na tanong ni Shaelza nang sagutin niya ang tawag ko. Napabuntong-hininga ako at mukhang napalakas iyon. “May problema ba?” tanong niya. Kababakasan ito ng pag-aalala.Nagpunas ako ng aking luha. “Mag-empake ka na rin dadalhin kita.” Kung gagawin ko man ito ay kailangan kong isama ang kaibigan ko. Hindi ko gugustuhin na mapahamak siya nang dahil lang sa akin.“Saan?
Bahagya akong nagitla sa aking kinauupuan nang may malakas na pagputok ng gulong ang pumuno sa aming mga tainga dahil sa itinapon ko sa labas na mga matutulis na thumbtacks. Napalingon ako sa likuran at halos umikot-ikot ang sasakyang lulan ni Alas. Malakas din ang naging agitit ng preno ng sasakyan. Pagkatapos niyon ay halos lukuban ako ng hilakbot nang malakas na bumangga sa kaniyang sasakyan ang nakasunod sa kanila na isa pang sasakyan at sinundan pa ng police car. Kumalat ang usok sa buong paligid dahil sa banggaang nangyari.“Shaelza, stop the car,” halos mapiyok kong utos kay Shaelza.“What?” hindi makapaniwala na tanong niya.“Please, stop the car,” pakiusap ko sa kaniya at nagmamakaawang binalingan siya.“No,”
Nagulat ako nang mapansin ang pagliwanag ng sahig na kinaaapakan ko. May liwanag na hugis palaso na tila ba nais akong sundan ang guhit na iyon. Pakiramdam ko ay tila ba nasa loob ako ng isang malaking silid na computer-based ang sahig dahil sa biglang paglitaw ng liwanag nito. Pinaglalaruan ba ako ng kung sino? Sinundan ko ang naturang arrow at tumigil iyon sa isang hugis bilog. Nang tingnan ko ang naturang liwanag ay may mga letra na biglang lumitaw roon. ‘Thank you for making me smile everytime I frown...’ Muli ay lumitaw ang arrow na liwanag sa sahig at tinuro na naman ako sa panibagong daan. Tila wala sa sarili na sinundan ko ang liwanag na iyon at tumigil sa liwanag na tatsulok ang hugis. Gaya ng unang hugis ay may mga letra ring lumabas doon. ‘Thank you for being a strength at my weakest...’ Muli ay lumitaw ang liwanag na arrow at muling gumuhit ang kahabaan niyon sa sahig na sinundan ko naman. Dinala ako niyon sa hugis parisukat na sahig. Muli
“Maraming salamat din sa ’yo,” tugon ko.Mula sa malayo ang tingin ay inilipat niya ito sa akin at ngumiti.“You are special to me, Ava. Kaya ingatan mo rin ang sarili mo. Alam kong matapang kang babae at matalino. Kaya alam kong kaya mong ipagtanggol ang sarili mo. Pero sana minsan turuan mo rin ang sarili mong sumandal sa iba. Hindi ka nag-iisa sa laban.”“Bawasan din ang pagiging kampante sa sarili na kaya mo, minsan matuto ka ring sumuko at tanggihan ang mga bagay na mahirap gawin. Hindi kasi lahat ng bagay ay kaya at kakayanin mo, minsan kaya mo nga pero masakit na.”“Narito naman kasi kami na handa kang tulungan pero binabalewala mo. Pinapamukha mo sa amin na wala kaming silbi para sa ’yo para akuin ang lahat ng pasanin na bitbit mo. Bilang kaibigan, nakatatampo. Pero dahil kinaya po nga, binabati kita. Ngunit sa susunod sana ay kumatok ka na. Ang kaibigan ay hindi lang maaasahan sa purong
“Salamat po.”“You’re welcome,” nakangiti at magkasabay na tugon nina Hera at Herald sa batang ulila nang bigyan nila ito ng isang set na gamit pang eskuwela, na may kasamang laruan na naaayon sa kasarian ng bata kung ito ba ay babae o lalaki.Sunod-sunod na nakapila ang sari-saring mga bata sa kanila na mayroong malawak na ngiti sa kanilang mga labi at hindi na makapaghintay pa na tanggapin ang para sa kanila. Samantala ang mga nakakuha na ay nakaupo na sa kani-kanilang upuan at pinapakita sa kasama ang mga gamit na natanggap nila kahit na pare-pareho lang ay tila ba pinapasikat pa rin nila sa isa’t isa. Nakatutuwang tingnan.“Marami po talagang salamat, Mr. at Mrs. Fonteverde sa tulong ninyo sa mga bata at sa donasyon po ninyo sa ampunang ito. Malaking bagay po ito sa mga bata.” Pagkuha sa aming atensyon ng Senior Sister na siyang namumuno ng bahay-ampunan na napili ng kambal na lugar pagdarausan para sa kanilang
Isang mahigpit na yakap at dampi ng mga labi ang nagpaputol sa akin mula sa mahimbing na pagkakatulog. Napangiti ako nang manuot sa aking ilong ang natural niyang amoy. Simula nang maamoy iyon noon ay ito na ang naging paborito kong amoy. Nang imulat ko ang aking mga mata’y tumama sa akin ang sinag ng araw na nagmumula sa salaming dingding. Naalala kong hinayaan lang pala namin itong nakabukas kagabi para mapanood ang di-mabilang na mga tala na kumikislap sa kalangitan. Hanggang sa tumungo na nga kami sa bagay na kalimitang ginagawa ng mag-asawa. “Good morning, Love. I love you,” bulong niya sa aking tainga dahilan upang dumaloy sa buong sistema ko ang init ng kaniyang hininga nang dumampi ito sa leeg ko. Hindi ko napigilang mapapikit dahil sa sensasyon na bumubuhay ulit sa aking katawang-lupa. Naalala ko tuloy ang ginawa namin kagabi at ngayon nga’y gu
“Love, tutal ay naging bukas na rin tayo sa isa’t isa para pakinggan ang sarili nating mga dahilan at doon ay nagkaroon tayo ng pagkakaunawaan. Bakit hindi natin hayaang pakinggan din ang iyong tiyo sa kaniyang mga sasabihin para naman maunawaan din natin ang bahagi niya? Love, kasi kung puro na lang galit ang nasa puso natin, hinding-hindi tayo uusad. Magiging ganito tayo habang-buhay.” Napayuko ng ulo si Alas dahil sa mga sinabi ko.“Please, hayaan natin siyang magsalita para sa sarili niya at doon na lang tayo huhusga. Ang hirap kasing humusga na lang na wala naman tayong alam sa mga pinagdaanan niya.” Tumingin ako kay Jemuel na kagaya rin ni Alas ay nakayuko na.“Wala akong magandang rason o dahilan na magsisilbing depensa sa sarili dahil mga mali naman ang ginawa ko.” Napatingin ako kay Mr. Segundo sa sinabi niya.“Mr. Segundo, hindi ako naniniwala na wala lang lahat ng mga ginawa mo. Alam kong may pinag
Dahil sa mga katotohanang naihayag ay walang sino man ang naglakas-loob na kumibo. Binalot kaming tatlo ngayon ng nakabibinging katahimikan. Isang tao lang pala ang siyang puno’t dulo ng mga ito. Dahil sa kaniya ay halos magdusa kaming lahat.Tiningnan ko si Alas na ngayon ay nakayuko lang at nakatuon sa tasa ng kape ang atensiyon. Sa aming dalawa ay siya itong tunay na nabilog at naloko ng taong iyon. Buong buhay niya ay ang taong iyon na ang kaniyang tinatakbuhan at pinagkakatiwalaan. Nakaramdam ako ng awa sa aking asawa. Naaawa ako sa kaniya sapagkat pinaglaruan lang siya ng mga taong nasa paligid niya at iyong mga taong kinakapitan pa niya.“Kung alam n’yo lang kung gaano kaganda ang relasyon ng mga magulang ninyo noon. Kaya nga hindi ko alam kung bakit nadala sila sa panunukso ng isang Segundo. Napakagahaman talaga ng taong iyon. Kahit noon pa man ay may nararamdaman na akong hindi maganda sa kaniya. Hindi nga ako nagkamali, nagtagumpay nga siyan
“HAPPY BIRTHDAY!” sabay-sabay naming sigaw pagkabukas ng pintuan ng bahay. Pagkatapos niyon ay bumungad sa aming paningin ang naka-wheelchair na si Jemuel. Sumabog din ang confetti na pinaputok namin at nagsiingay ang mga bata gamit ang torotot na humahaba ang dulo sa tuwing hinihipan. Namilog ang mga mata ni Jemuel dahil sa labis na pagkagulat. Samantalang ang kaniyang ina na nasa likod niya, at may hawak ng hawakan ng wheelchair na sakay niya, ay malawak ang pagkakangiti. “W-What the...” hindi niya halos mabigkas ang mga katagang iyon. Maya-maya’y isang liwanag ang kumislap sa harapan niya. “Hey, Kheil. You look handsome on your photo,” komento ni Alas sa larawang nakuha roon sa kamera na hawak-hawak niya habang naglalakad papalapit sa pinsan.
HAWAK-HAWAK ni Alas ang kamay ni Jemuel habang nasa loob ng isang silid sa pribadong ospital na iyon. Ilang araw na ang nakalipas matapos ang kaguluhang iyon ngunit hindi pa rin nagigising ang isa man kina Ava at Jemuel. Sabi naman ng doktor ay ligtas na mula sa kapahamakan ang dalawa ngunit hindi pa rin maintindihan ni Alas kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin nagigising ang mga ito.Si Segundo Fonteverde ay sumailalim sa isang operasyon dahil sa natamo nito ngunit ligtas na rin naman daw ito sa kapahamakan. Ang importante ay buhay pa rin ang demonyong tiyuhin at anumang oras ay pupuwede pa rin niyang singilin. Wala siyang balak na singilin ang matanda sa sarili niyang mga kamay. Batas na mismo ang naghahanap dito at mas mabuti iyon dahil mararanasan nito ang bunga ng kasamaang ginawa nito sa buong buhay ng tiyuhin.Si Jemuel ang unang nais niyang makausap upang makipag-ayos rito. Sa dinami-dami ng kasalanan at sakit ng loob na ginawa sa kaniya ng pinsan ay tila
“HULI KAYO! DITO lang pala kayo nagtatago, ha,” sigaw ng isang armadong lalaki. Halos mapasinghap sa gulat sina Shaelza at ang kambal nang makita ang lalaki sa kanilang likuran. Naroroon pa rin kasi sila at nagtatago sa likod ng naglalakihang bakal. Natatakot silang lumabas dahil baka mahagip ng ligaw na bala ang isa man sa kanila. Bukod doon ay wala rin silang dalang anumang armas upang ipanlaban sa mga armadong kalalakihan. May mga bata pa siyang kasama kung kaya’y limitado lang ang bawat galaw niya. Napasigaw silang tatlo nang tutukan sila ng baril ng lalaking iyon. Kasunod ng isang nakabibinging pagputok ng baril ay ang pagkakatumba sa sahig ng armadong lalaking may balak na bumaril sa kanila. “Ayos lang ba kayo? Ang mga bata, okay lang ba?” tanong ni Jemuel mula sa likuran ng natumbang lalaki. Siya pala ang bumaril sa taong iyon kaya bumulagta sa konkretong sahig ang lalaki. Iniligtas ni Jemuel ang buhay nila. “Maraming salamat, Jemuel. Oo, ayos