Ava’ P.O.V
Maaga pa lang ay nagising na ako upang gampanan ang tungkulin bilang isang maybahay at ina sa mga anak ko. Nilabas ko ang long black slack pants, puting polo para sa loob, panghabla na kulay itim at kurbata na susuotin ng aking asawa. Katatapos ko lang din magluto ng agahan namin at asikasuhin ang mga kasuotan at gamit ng mga bata. Wala na kasing ibang mag-aasikaso lalo na’t hindi na maganda ang lagay ng mga tuhod ni Manang Olivia. Mag-iisang taon na rin nang mawala ang ibang naninilbihan sa malaking bahay na ito. Lahat sila ay pinaalis ni Alas. Kaya simula noon maliban kay Manang Olivia ay ako na ang gumagawa ng mga gawaing bahay. Kaya hindi ako nawawalan ng pawis araw-araw. Ginawa ko na lang ngang libangan dahil wala naman akong ginagawa.
Nang bumukas ang pinto ng banyo ay nagtama ang aming mga paningin ni Alas. Kaagad ko namang binawi ang aking
“How’s your shoulder?” tanong ni Shaelza nang pareho naming ibinagsak ang katawan sa di-kahabaang malambot na sopa pagkarating ng mansyon. “Heto, masakit igalaw pero kaya namang pilitin,” sagot ko sa kaniya habang ginagalaw-galaw ang kanang braso, ngunit kaagad ding ibinaba at napangiwi dahil sa namuong sakit. Hindi ko pala kaya. Pinipilit ko lang dahil kailangan. Napuruhan ngang talaga ang braso ko sa paraang ginawang paghawak ni Alas kagabi. Natigilan ako nang may maalala. “Teka. Paano mo nalaman?” balik-tanong ko rin sa kaniya. “Your twins. Maaga pa lang kanina ay binulabog na nila ako. Tinawagan nila ako dahil masakit daw ang braso mo’t hindi ka makapagmamaneho ng sasakyan. Pinakiusapan nila akong samahan ka. Nakita raw kasi nila kanina na halos
Mabilis akong tumungo sa comfort room ng malaking bahay ng mga Davies at nang makarating ay kaagad kong ni-lock ang pinto. Napahawak ako sa lababo at halos hingalin dahil sa pagpipigil ng pag-iyak. Sumasakit na rin ang dibdib ko dulot ng pagkirot dahil sa emosyong pilit kong itinatago. Iyong luhang gustong umagos sa mata’y tumungo sa puso’t nilamon ng alat at pait. Hindi masama ang pagtago sa tunay na emosyon. Ngunit mas pipiliin mo na lang na ilabas ito kaysa bumara sa iyong dibdib. Gusto kong umiyak, pero ayaw nang lumabas ng luha. Sinisisi ko ang aking sarili kung bakit ako nagkaganito, pero ayaw ko namang maturuan. Pilit nagmamatigas at inaako ang pinsalang nagawa. Ngunit tama ba iyon kung may buhay na namang nawala? Sa pagkakataong ito’y kasalanan ko na...
Matapos kong ayusin ang sarili at lagyan ng kahit kaunting foundation ang mukha, matakpan lamang ang bakas ng pagluha, ay nagdesisyon na akong lumabas. Nang buksan ko ang pinto ay bumulaga sa aking paningin si Alas. “K-Kanina ka pa ba d’yan?” tanong ko. Nagpapanggap na hindi napansin ang mabibigat niyang tingin. “Tara na. Baka naghihintay sa atin sina Mr—ahh,” d***g ko nang hawakan niya ang braso ko’t ipako sa pinto. Napasandal ako roon habang pilit pinipigilan ang nararamdamang sakit. Mariin niya akong tinitigan na hindi ko makuhang labanan kaya itinabingi ko ang aking ulo ngunit itinaas niya ito. “What the hell is that? What wickedness have you shown?” tanong niya habang pinanggigigilan ang aking baba. “Alas, nasasaktan ako. B-bitawan mo ’ko,” pagmamakaawa ko. Ngun
“UNGOL LANG pala ang katapat ni Mr. Fonteverde, e. Dapat noon pa'y kahit hindi masarap inungulan mo na. Kaysa iyak ka nang iyak.” Nakahalukipkip pa ang kaniyang mga kamay nang sabihin iyon. Napailing na lang ako kay Shaelza. Dumating kasi siya nang walang pasabi at nasorpresa naman ako roon. Napansin din niya ang bagong katulong namin na naglilinis ng mansyon. Hanggang sa makarating kami sa puntong ito. Hindi ko lang kasi mapigilang ikuwento sa kaniya iyong paraan ng mga paghalik sa akin ni Alas na tila ba unang karanasan ko pa lang sa bagay na iyon. At isa pa’y wala akong hiya na ikuwento ang ganoong bagay sa kaibigan ko. “So maliban pala sa school, grocery store at bahay, p’wede ka ng lumabas kahit saan? Malaya ka na?” dugtong na tanong niya. “Bakit saan pa ba ako pupunta?” tanong na sagot ko sa kaniya.
Pababa ako ngayon ng hagdan nang makita ko si Alas na hinihilot-hilot at iniikot-ikot ang kaniyang ulo. Nakaupo siya ngayon sa sopa. Gising na pala siya. Alas kuwatro pa lang ng umaga, ah. Marahil ay naramdaman niya na ang lamig na yumayakap sa kaniya sa labas. Lalo pa’t sa kaalamang malamig naman talaga tuwing madaling araw. Ano kaya ang naging reaksyon niya nang magising siya sa labas?“Saan ka natulog? Hindi kita napansing pumasok ng kuwarto kagabi.” Pag-agaw ko ng kaniyang atensyon. Kunwari na lang ay wala akong alam.Napatingala siya sa akin. Napahinto siya sa kaniyang kinauupuan at titig na titig sa akin habang pababa ng hagdan. I was wearing a red lingerie. Hindi hamak na mas krema ang balat ko kumpara sa batang iyon. Kaya alam kong nakikita niya ang anumang nasa loob ng suot ko. Hindi ako nagsuot ng bra kaya alam kong bakat na bakat an
Isang magulo at maingay na club ang tumambad sa amin pagpasok namin ni Shaelza. Halo-halo na rin ang amoy; mapa-alak at amoy ng mga pabango. Kumukutikutitap na tulad ng Christmas lights ang loob. Nakakahilo. Ito iyong club na pinasukan ko noon para sa misyong mapalapit kay Mr. Fonteverde. ’Pag nakita ako nina Eliza at Sir Roque ay panigurado ng makilala nila ako. Kaya todo ang pagbabalatkayo ko. Inayusan ako ni Shaelza para hindi ako kaagad makilala. Pinasuot niya ako ng wig na pantay at hanggang balikat lang ang haba. Malayo sa mahaba at maalon-alon kong buhok.May itinuro sa akin si Shelza at doon ay nakita ko si Alas. Biglang umakyat ang dugo ko sa ulo nang makita rin ang batang higad na kapit na kapit sa asawa ko at balewala lang iyon kay Alas. Muli ay may tinuro si Shaelza. Isang bakanteng puwesto na malapit sa kanila. Tumungo kami ni Shaelza roon at umupo kaming pareho sa kung saan katapat lang
Kinumutan ko ang dalawang kambal nang mahimbing na silang natutulog. Halos hindi sila matahan sa kaiiyak kanina at ayaw rin nila akong mahiwalay sa kanila...“Mommy, stay beside us so that Daddy won’t hurt you,” mapupungay ang mga matang wika sa akin ni Hera kanina.“And if Daddy slammed you again I will punch him or I will call for the police,” ayon naman kay Herald.At pareho nila akong niyakap ng mahigpit na para bang ayaw nila akong pakawalan.“I love you, Mom.”“I love you, Mommy.”Sabay nilang usal at ang aking tugon, “I love you too. I’m sorry.” Sabay halik ko sa kanilang mga noo.
“SIGURADO KA NA ba, friend?” sa muli ay tanong ni Shaelza. Ilang beses na ba niya itong tinanong mula kaninang nagbabalot pa kami ng mga gamit ko’t gamit na rin ng aking mga anak. Ngayon ay nagtitiyempo kaming dalawa na babain na ang mga gamit at ihatid sa kaniyang sasakyan.Nakapagdesisyon na ako, kagabi pa lang.“Hello, friend. Napatawag ka?” bungad na tanong ni Shaelza nang sagutin niya ang tawag ko. Napabuntong-hininga ako at mukhang napalakas iyon. “May problema ba?” tanong niya. Kababakasan ito ng pag-aalala.Nagpunas ako ng aking luha. “Mag-empake ka na rin dadalhin kita.” Kung gagawin ko man ito ay kailangan kong isama ang kaibigan ko. Hindi ko gugustuhin na mapahamak siya nang dahil lang sa akin.“Saan?