R-18.
Maaga kaming umalis kaya naman madilim pa lang ay nasa Tagaytay na kami. Naghanap kami nang makakainan at nakakita nang bukas na paresan malapit na sa Mendez.
Buong maghapon din kami na gumala, medyo nagtagal lang sa Crosswinds at doon na din naghapunan. Grey booked a hotel in Escala Tagaytay.
"Wow! Mahal dito, di 'ba?" I said upon entering the room. Inilibot ko ang paningin sa buong Hotel at pumunta sa balcony, kung saan tanaw ang Taal Lake.
"Sakto lang," sagot naman ni Grey na parang wala talagang pakialam sa presyo. Nanliit ang mga mata na tumingin ako sa kanya, hindi naniniwala na sakto lang.
Umupo naman ako sa kama at tumalon talon pa 'don, dinadama ang malambot na kama.
"Gusto ko na ditong tumira!"
"'Yan ang hindi ko na afford, Peyn," he chuckled. Pagkatapos ay lumapit sa akin at ikin
This chapter is for 18 years of age and above only. Mature Content. Read at your own risk. Thank you.
We made a stop at our house before going home at our unit. Mommy's been bugging to see me, while Grey's Dad asked for him daw."You will wear this tomorrow morning for your date," Mommy said, showing me a pale beige satin dress. I violently turned at her noong makita na masyadong mababa ang cleavage nito."Wala nang iba, Mommy? Masyado naman 'tong nakakabastos. Ayoko nito!""Nakakabastos?" Mommy reacted, almost screaming. "Ganito ka naman manamit? Mas nakakabastos pa nga ang iba mong damit kumpara dito!""Hindi ko yan susuotin! Ikaw na lang kaya ang pumunta sa dinner na 'yon?!"Galit na tumingin sa akin ang nanay ko, pagkatapos ay inihampas sa akin ang hawak na damit. Napalayo naman ako kaagad, dinadama ang braso dahil doon tumama 'yung dress."Subukan mong hindi pumunta! Kakaladkarin kita papasok sa Manila Pen!" she spat angrily. Umiling na lang ako at
Agad akong lumayo kay Kyle at tumatakbong iniwan na siya doon sa labas ng Restaurant. Hindi ko na inabala ang sarili na magpaalam sa kanya, basta ang alam ko lang ay kailangan ko ng umuwi.I went home crying, wala ng pake kung panay ang tingin sa akin ng taxi driver noong ihatid niya ako. Paulit ulit ang singhot, nag-uunahan sa pagbagsak ang mga luha. Timing din talaga ang dinner date ko sa lampungan nila, ha.Nanlalabo ang mga mata, pagod akong dumapa sa kama.Hindi ko alam kung dapat ba na paghinalaan ko si Grey dahil lang nakita ko sila na magkasama ni Steffi... o mabuti na tanungin ko na lang siya? Pero ano naman ang sasabihin ko kung bakit ako nandon? May kasama din naman akong ibang lalaki.May karapatan ba akong magalit? Eh, nakikipag-date din naman ako! But I know, deep in my heart, that that date was nothing! 'Yung sa kanila ni Steffi ang paniguradong meron!Amidst all my worries,
"Bakit ka pumasok? Okay ka na ba?" agad na tanong sa akin ni Ms. Tanya noong maabutan ako sa loob na naga-arrange na ng gamit ko."Okay na ako, Ma'am. Masama lang talaga ang pakiramdam ko kahapon, hindi naman flu," I said before I politely sat on my chair. Wala na naman siyang ibang sinabi at pumunta na sa table niya.Hindi kami masyadong busy kaya naman nagkaroon ako ng oras para kumain sa Cafeteria noong tanghali, kasama rin ang dalawa kong kaibigan."Magaling ka na talaga?" hindi naniniwalang tanong ni Carl sa akin. Umirap lang ako at nagpatuloy sa pagkain, pagod na sumagot dahil kanina pa ako sa Office tinatanong ng ganoon. "Mukhang magaling na ang bruha. Nang-iirap na!" dagdag niya na patawa-tawa na."Kailan tayo magse-set ng lakad? Kasama si Calum," tanong na lang ni Kara, tinatapos na ang usapan tungkol sa lagay ko. I sighed in relief. Nakakapagod din ka
"Aba! Mukhang ayos na ulit kayong dalawa ha!" puna sa amin ni Carl noong sabay kami na bumaba sa Cafeteria ni Grey para sa lunch."Pinansin mo na naman, Carlo. Mamaya mag-away na naman 'yan," awtomarikong saway ni Kara. Parang naka-program na sa kaniya ka na kapag may sasabihin si Carl ay babarahin niya."Edi hindi! Kayo ba ni Calum? Okay na kayo? Sana hindi pa," naka-ismid na ganti sa kaniya ni Carl, mukhang simula na naman ng bangayan.Hinila ko na lang si Grey para maka-upo na kami. Tahimik kami na kumakain at hindi pinapansin ang singhalan ng dalawa sa harapan namin. Mukhang sanay na sanay na rin naman si Grey dahil kahit anong marinig niya ay tuloy lang ang pagkain niya."Malapit na birthday mo, Peyn," nagulat ako nang sabihin iyon ni Kara out of nowhere. I'm turning 21, a few days from now."Anong ganap?" tanong ni Carl. Hindi ko alam ang isasagot ko sa kaniya
She's implying there is something going on between them. But do I have to believe her? I swear, I wanted to believe Grey. I'm trying. But Steffi's words keeps on bothering me.Mariin ako na pumikit at napagdesisyunan na bigyan si Grey ng isa pang chance. I'm giving him the benefit of the doubt because I love him so much and I want this to work. Na sa akin na, eh. He just confirmed it. Eto na yung happy ending na pilit kong inaabot dati. Sisirain ko pa ba?I have to trust him to keep this relationship going. I have to believe in him. I keep replaying these words inside my head, making it my mantra before I dozed off to sleep."Good morning!" Grey greeted me while preparing our breakfast. Wala kaming pasok ngayon kaya may oras siya para magluto."Good morning," I boredly answered, wala pa sa mood na magsalita dahil kakagising pa lang.Grey made a simple breakfast. Fried r
"Why would I wear these gowns on my 21st birthday, Mommy?! Hindi ko naman debut!" reklamo ko noong papuntahin ako ng nanay ko sa bahay para sa gown fitting."I want it grand, anak! Akala ko ba ay iyon din ang gusto mo? I'll send you the list of programs after your gown fitting."Inis ko na sinuklay ang buhok ko, nagmamaktol sa harap ng make-up artist na kamag-anak namin. Pinandilatan ako ni Mommy ng mata, hindi natutuwa sa asal ko sa harap ng ibang tao."I never said I want it grand," bulong-bulong ko habang pinagkakasya sa akin ang gown na kulay pula at hanggang tuhod.Sa garden sa bahay gaganapin ang birthday ko. Hindi ko tinignan ang guest list pero alam ko na marami iyon, karamihan ay mga kakilala ng parents ko. Hindi naman ako interesado sa mga dadalo, ang mahalaga lang sa 'kin ay ang mga kaibigan ko. Lalo na si Grey. I'm planning to tell my parents later about our relationship. Of
Pilit akong pinakalma ng parents ko. Kailangan ko pang humarap sa mga bisita para sa after party. Iniwan nila ako sa mga kaibigan ko para pansamantalang humarap sa labas."He said he'll try to go, kahit last minute. Don't lose hope," alu ni Brent."Manahimik ka nga, Brent!" saway ni Kara habang sinusubukang ayusin ang nasira kong make-up.Carl is busy removing my strappy heels, hawak naman ni Calum ang pamalit. Brent is of course, blabbing nonsense beside me, hawak hawak ang make-up para i-abot kapag kailangan ni Kara.My friends are helping me because the party already started at wala pa ako doon. I didn't know kung ilang minuto akong umiyak, tahimik lang silang naghintay hanggang makalma ako.I appreciate everything that they are doing. Iyon ang nagpapagaan saglit sa nararamdaman ko."We can't do anything about your eyes, masyadong mugto. Go
The next few weeks became hectic. Nag-asikaso kami ng requirements nang halos dalawang linggo. Next week naman ay graduation na."Talaga bang hindi ka babalik sa condo mo? Paano yung mga gamit?" Kara asked, isang araw noong nasa School kami."I don't really know. My parents told me hayaan ko na lang ang ibang gamit 'don. I only brought my clothes. I don't know what's their plan.""Pero ikaw? Hindi ka na talaga babalik doon?" Carl asked, repeating Kara's question."Baka hindi na. I seriously don't know. There's no reason for me to go back. Si Grey naman ang dahilan kung bakit nagpakuha ako ng unit 'don."Natahimik na 'non ang dalawa kong kasama at hindi na din nagtanong ng kahit ano tungkol kay Grey. We became so busy na school-bahay-school na lang ang routine namin.I sometimes see Brent on Campus, pero hindi si Grey. I don't really have an idea wha