Sa tanang buhay niya, hindi lubos akalain ni Dahlia na makagagawa siya ng isang bagay na labag sa kanyang mga prinsipyo sa buhay. Ngunit ang desisyon niyang ito ay handa niyang gawin upang mapabuti at mailigtas niya ang kanyang pamilya. Lahat kaya niyang gawin para sa mga ito, maging ang pagpapakasal sa isang estranghero.
Mabigat ang loob niya habang pinipirmahan ang isang kapiraso ng papel na magpapabago ng tuluyan sa buhay niya.Basa siya at nanginginig ang mga kamay niya habang hawak ang ballpen. Nang Dahil ito sa malakas na ulan sa labas."I'm glad that you changed your mind." sambit ni Azriel habang pinapanood ang pagpirma ng babae.May isang tagong ngiti sa labi niya sapagkat alam na niyang mangyayari ito. Na kusang babalik saka niya ang babae at sasang-ayon sakaniyang gusto.Ibinaba na ni Dahlia ang ballpen matapos pumirma. Tiningala niya ang nakasuit na lalake."Just like what I told you, because you signed the marriage contract, your father's debt is now considered paid." anunsyo ni Azriel. "We'll talk about the other details once you've arrived in my mansion."Bahagyang nanlaki ang mata ni Dahlia sa sinabi niya. "Mansion mo? Anong ibig mong sabihin?""Hindi ka na dapat magtaka pa." tugon ni Azriel. "You're now under my surname which means you're gonna be living with me."Alam ni Dahlia na ganun ang magiging sitwasyon ngunit hindi pa rin niya maiwasang magulat."Pack up all your stuff and my men will come pick you up first thing in the morning." tumayo si Azriel kaya ganun din ang ginawa ni Dahlia."Paano 'yong mga kapatid ko?" nagsimula siyang mataranta sa posibilidad na baka hindi niya pwedeng isama ang dalawa niyang kapatid."Ofcourse you have to bring them too."Nakahinga siya ng maluwag."Pero paano ko ipapaliwanag sa kanila ang sitwasyon?" tanong niya sapagkat hindi niya alam kung paano sasabihin sa mga kapatid niya. "Hindi ko na lang basta basta pwede sabihin na ikakasal ako.""Make up a lie or tell them truth, the decision is yours." sambit ni Azriel. "Basta't siguraduhin mo lang na hindi sila magiging sakit sa ulo." may nahihimigang banta si Dahlia sa boses niya. "I'll see you tomorrow."At sa huling mga salitang 'yon ay alam ni Dahlia na kailangan na niyang umalis sa opisinang 'yon.Ang personal driver na mismo ni Azrael ang siyang naghatid sakaniya pag-uwi. Nakakapagtaka nga dahil kahit wala siyang sinasabing direksyon ay alam ng driver ang daan.Dahan dahang binuksan ni Dahlia ang pintuan ng kanilang maliit na bahay. Gumawa ito ng ingay ngunit hindi sapat para magising ang dalawa niyang mga kapatid na kasalukuyang natutulog na sa maliit nilang kama.Kumuha ng upuan ang dalaga saka umupo sa gilid nila. Inabot niya ang ulo ng bunso na si Diego saka dahan dahang hinaplos ang buhok nito."Wag kayong mag-alala." Halos pabulong ang boses niya. "Sisiguraduhin ni ate na magiging masaya at maayos na ang buhay niyo.." may malungkot na ngiti sa kanyang labi. "Pangako ko 'yan sa inyo.."Sa isang maliit na mesa sa gilid ng kama ay natagpuan niya ang isang note na galing kay Enrico. Nakasulat dito na bumalik muna ang binata sa probinsya dahil lumalala na raw ang kondisyon ng kanyang lolo. Ang tanging nagawa ni Dahlia ay humiling na maging maayos ang kalagayan nito.Nung gabing 'yon ay hindi niya magawang makatulog kaya sinimulan na lang niya unti-unting pag-iimpake. Paggising ng dalawa niyang mga kapatid ay maayos ng nakapasok sa mga bag at kahon ang mga gamit nila. Naabutan din nila ang nakakatandang kapatid na nagwawalis."Ate, anong nangyayari?" si Daisy ang siyang nagtanong. "Bakit naka impake na ang lahat? May pupuntahan ba tayo?"Umupo si Dahlia sa lebel ng dalawa niyang kapatid at hinawakan niya ang mga balikat nito."Lilipat na tayo ng bahay," sagot niya na ikinadugtong ng mga kilay ng dalawa."Bakit, Ate? Binenta mo ba itong lupa at bahay natin?" nababahalang tanong ni Daisy."Hindi, Daisy," sambit niya. "Alam kong nakakagulat ito para sa inyo pero.." ngumiti siya. "Ikakasal na si Ate""Ano?!" nagulat ng sobra si Daisy. "Ikakasal ka na?! Eh wala ka ngang jowa, Ate!""Sino.. kasal, Ate?" bagaman nahihirapang magsalita ay nagawang makapag tanong ni Diego."Pasensya na kayo kung hindi ko kayo sinabihan kaagad. May naging nobyo ako matagal na. Nagpoprose siya sa akin nung nakaraan buwan at gusto niyang makasal na kami sa mas madaling panahon." Napaniwala naman ni Dahlia ang kaniyang mga kapatid sa kasinungalingang 'yon."Gusto na niya kayong makilala at sabi niya rin na sa bahay na niya tayo titira kaya eto, lilipat na tayo.""Ano ba naman 'yan, Ate! Pabigla bigla ka! Sure ka na ba dyan sa desisyon mo? Baka mas lalo lang tayong maghirap nito! Hindi pa nga tayo nakakapagbayad sa mga utang nagawa mo pang magpakasal! Eh 'di gastos na naman!" naiintindihan ni Dahlia kung saan nanggagaling ang galit ng kapatid niya."Hindi tayo maghihirap, Daisy." pagpapaintindi niya. "Hindi na.." pilit niyang nginitian ang mga kapatid.Naisturbo ang kanilang pag-uusap nung biglang may sasakyang nagpreno mula sa labas."Nandito na ang sasakyan. Halina kayo." hawak ang kamay ni Diego ay naglakad na palabas si Dahlia. Binuksan niya ang pinto at nagsipasok na ang mga tauhan ni Mister Soriano.Bahagya pang nagulat si Daisy dahil sa magagarang kasuotan ng mga tauhan. Kahit naguguluhan at gulat pa sa bilis ng mga pangyayari ay sumunod na rin siya sa kanyang mga kapatid palabas.Matapos ang halos kalahating oras na pagbibiyahe sakay ng isang magarang van ay sa wakas nakarating na sila sa mansion ng mga Soriano.Pinagbuksan ng isang naghihintay na tauhan ang pinto ng van at ang iba nama'y nagsimulang kumilos upang maglipat na ng gamit. Sa kanilang pagbaba ay ang isang napaka marangyang modern mansion ang bumati sa kanilang mga mata.Alam ni Dahlia na mayaman si Azriel ngunit hindi niya inaasahan na ganito ka rangya ang lalake na kaya nitong magpatayo ng ganitong uri ng bahay kaya pati siya ay napanganga din."Ate, aminin mo nga. Mamamasukan ba tayong mga katulong dito?" tanong ni Daisy na nakanganga at nakatingala pa rin sa mansion."Sandali nga." lumapit si Dahlia sa isang tauhan na kasalukuyang hawak ang kanyang baggahe. "Sigurado ho ba kayong nasa tamang lugar tayo?"Ang nakashades at nakasuit na tauhan ay kaswal lamang na yumuko sakaniya kaya hindi niya alam kung oo ba o hindi ang sagot nito."You're at the right place, dear." napalingon si Dahlia sa pinanggalingan ng boses na 'yon at nakita ang isang matandang nasa edad singkwenta na. Nakasunod sa likod nito si Azriel."Welcome to our humble mansion." malayo sa kanyang striktong mukha ang tono ng kanyang pananalita. Napakamahina ng boses at may ngiti sa labi ang matanda. "I believe you are Dahlia Ramirez?""Oho, magandang umaga ho." bumati si Dahlia."I am Vicente Soriano, Azrael's father." pagpapakilala nito sa sarili sabay lahad sa kamay niya. Malugod naman 'yong tinanggap ni Dahlia. "It's nice to finally meet my son's fiancè." Sunod naman niyang binigyan ng pansin ang dalawang kapatid ni Dahlia. "This is Daniel and I assume you are Daisy."Nakipagkamayan din siya kay Daisy bago binuhat ang maliit na si Daniel na ikinagulat ni Dahlia."From this day on, you will be living inside our house," anunsyo niya. "Come in. I'll show you around the mansion."Kasama ang iilang mga bodyguards ay naunang maglakad si Vicente akay-akay pa rin si Daniel. Tahimik namang sumunod sakaniya si Azriel.Kung maganda ang exterior structure ng mansion ay mas maganda ang interior nito. Hindi mapigilan ni Dahlia na mamangha habang iginagala ang kaniyang paningin sa mga furniture na gawa halos lahat sa ginto.Buong buhay niya ay ngayon lang siya nakakita ng ganito at hindi siya makapaniwalang mula sa araw na ito ay dito na siya maninirahan."Ate, siya ba 'yong sinabi mong nobyo mo?" habang naglalakad papasok ay kinalabit ni Daisy ang ate niya at binulungan sabay nguso kay Azriel..Mula sa pagkatingala sa magarang chandelier ay nilingon ni Dahlia ang kapatid."Oo, Daisy."Napasinghap ito. "Ano?! Ginayuma mo 'noh?" hinampas ni Dahlia ang kapatid niya."Baka marinig ka," pabulong niyang saway sa kapatid.Unang pinakita sa kanila ang lounge kung saan pwedeng maghintay ang mga bisita. Ilang lakad mula dito ay makikita ang malapad na living area. Sa pinaka gitna ay naroon ang isang grand staircase na magdadala sa kanila sa ikalawang palapag ng mansion.At doon na nga sila pumanhik."This is gonna be Daisy's and Diego's room." anunsyo ni Vicente at napuno ng excitement si Daisy.Nung buksan ang pinto ay isang napakagandang kwartong ang bumati sa kanila."Wow! Ang ganda!" Tumakbo si Daisy papapasok at inilapag naman ni Vicente si Daniel upang sumali kay Daisy.Ang kwarto ay hinati sa dalawang kulay. Asul sa kaliwa kung nasaan nakalagay ang mga gamit at kama ni Daniel at pink naman sa kanan na pagmamay-ari naman ni Daisy.Ang espasyo ay triple ang laki kumpara sa dati nilang bahay."Maliit pa si Daniel at alam kong hindi pa sanay si Daisy na mag-isa kaya magsasalo na muna sila ng kwarto sa ngayon." nakangiting sambit ng ama ni Azriel. "I hired the best interior designer in the country for this. Did you kids like it?""Opo, sobra!" puno ng pananabik si Daisy. "Maraming salamat po, Mister Soriano.""Gusto.. dami.. Mester Reyano.." si Deigo."Drop the formality. Mister Soriano sounds so old. You can call me Uncle Vince instead. Mas bata pakinggan." biro nito at natawa naman ang magkakapatid."Noted po, Uncle Vince!""po.. kel bins.." pangagaya pa ni Diego. Si Vicente naman ang natawa."Before we proceed to another room let me show you something." Naglakad papunta sa nakasiradong kurtina si Vicente at nung kaniya 'yong binuksan ay bumati sa kanila ang view bakuran ng mansion. Kung nasaan ang isang napakalaki at makulay na playground"Pinaggawa ko 'yan para sa bunso." muli niyang binuhat si Diego upang mas makita nito ang nasa baba.Hindi makapagsalita dahil sa pagkamangha si Dahlia. "Naku, maraming salamat talaga, Sir Vicente. Sobra sobra na ho ito.""Walang anuman, iha." ngiti ng matanda, sinsero ito at talagang humaplos sa puso ni Dahlia."Let's go back down." maya maya'y ani Vicente. "I have prepared breakfast in the dining area."Nauna silang maglakad pababa at naiwan sa kwarto si Dahlia at Azriel."You don't have to worry." ani Azriel. "My Dad knows the truth about the marriage. You can rest assure." naglakad ito pabukas sa pinto ngunit tumigil nung may pasabog pang salita si Dahlia."Salamat, Azriel."Tumaas ang kilay ng lalaki. "For what?"Kinabahan si Dahlia. "Para dito."Sa mga salitang 'yon alam ni Azriel ang tinutukoy niya."This whole house welcoming thing is my Dad's idea not mine," pranka nitong sambit. "Remember that you are gaining this because you signed a contract with me. Once you know the reason behind my wedding proposal, I bet you will never dare thank me again." ngumisi pa ito bago lumabas ng pinto.Sa hindi niya malamang dahilan ay tumaas ang balahibo sa buong katawan ni Dahlia sa narinig niya. Pumintig ang puso niya sa kaba at sinampal siya ng mga salitang 'yon ni Azriel. Saglit na nakalimutan ni Dahlia ang tunay na rason kung bakit siya nandito at muling pinaalala ni Azriel 'yon sakaniya.Sa mga sandaling 'yon ay tunay nga na hindi alam ni Dahlia ang gusot na pinasok niya."Dahlia! Ang order ng table number 23 nasaan na?!" "More ice to table 15 please!""Pakibilisan naman ng kilos natin Dahlia!""Hindi raw tama ang binigay mong order sa table 10, Dahlia?!" 'Yon ang ilan sa mga katagang pumuno sa tenga ni Dahlia buong araw. Mula umaga hanggang sa gabi ay walang pahinga at patuloy ang kaniyang pagtatrabaho. Nagsisimula sa cafè, papunta sa pagiging saleslady sa isang mall, kasunod ay ang pagiging substitute janitress hanggang sa pagiging waitress sa bar. Lahat na yata ng trabaho ay nagawa na niyang pasukin at walang tigil siyang kumakayod. Kahit pa siguro ilang trabaho ang pasukin niya, kahit magbanat pa siya ng buto buong araw, hindi pa rin 'yon magiging sapat. Lalong lalo na at wala siyang ibang mapagkukunan ng lakas at kaagapay kundi ang sarili. Limang taon ng nagtitiis si Dahlia. Nagsimula 'yon nung maaksidente ang kanyang mga magulang. Nagawang maka recover ng tatay niya n
Sumikat ang araw. Tumagos sa nakabukas na bintana ang sinag at dumiretso sa nakapikit na si Dahlia. Kaya ay nagising siya mula sa mahimbing niyang pagkakatulog. "Daniel.. 'diba sinabi ko sa'yong isarado mo ang binatana?" reklamo niya sabay dapa upang protektahan ang mukha niya mula sa init. Nakapikit pa rin siya at ninanamnam ang kakaibang lambot ng kaniyang unan at higaan. Ngunit ganun nalang ang pagdilat ni Dahlia sakaniyang mata nung may mapagtanto siyang kakaiba. Sa bahay nila ay sa matigas na sahig siya natutulog kaya nakakapagtaka kung bakit malambot ang hinihigaan niya ngayon. Napabalikwas siya ng upo at kaagad na sinuri ang paligid. "Nasaan ako?" Nasa loob siya ng eleganteng kwarto at kasalukuyang nakaupo sa isang queen size bed. Ang kwartong 'yon ay 'sing laki ng buong bahay nila kaya hindi niya maiwasang mamangha. Ngunit naputol 'yon nung maalala niya ang nangyari kagabi. Tinungo niya ang