Beranda / Romance / The Mobter's Empress / CHAPTER 1: Her Life

Share

The Mobter's Empress
The Mobter's Empress
Penulis: Wakizashi_Kaito

CHAPTER 1: Her Life

Penulis: Wakizashi_Kaito
last update Terakhir Diperbarui: 2022-03-10 19:20:26

"Dahlia! Ang order ng table number 23 nasaan na?!"

"More ice to table 15 please!"

"Pakibilisan naman ng kilos natin Dahlia!"

"Hindi raw tama ang binigay mong order sa table 10, Dahlia?!"

'Yon ang ilan sa mga katagang pumuno sa tenga ni Dahlia buong araw. Mula umaga hanggang sa gabi ay walang pahinga at patuloy ang kaniyang pagtatrabaho.

Nagsisimula sa cafè, papunta sa pagiging saleslady sa isang mall, kasunod ay ang pagiging substitute janitress hanggang sa pagiging waitress sa bar.

Lahat na yata ng trabaho ay nagawa na niyang pasukin at walang tigil siyang kumakayod.

Kahit pa siguro ilang trabaho ang pasukin niya, kahit magbanat pa siya ng buto buong araw, hindi pa rin 'yon magiging sapat. Lalong lalo na at wala siyang ibang mapagkukunan ng lakas at kaagapay kundi ang sarili.

Limang taon ng nagtitiis si Dahlia. Nagsimula 'yon nung maaksidente ang kanyang mga magulang. Nagawang maka recover ng tatay niya ngunit na comatose ang kanyang ina. Ang mas malala pa ay tinakasan at iniwan sila ng kanilang ama dahil hindi na nakaya nito ang bigat ang responsibilidad.

Kabilang sa mga iniwan niya ay ang sandamakmak na utang na si Dahlia na ngayon ang nagpapakahirap na nagbabayad.

Kung tatanungin mo siya, matatawag na impyerno ang kanyang buhay. Walang hanggang paghihirap at waring araw-araw siyang nililiyaban ng mundo.

Alas kwatro na ng hapon at habang nag-aayos ng mga basura sa labas ng pinagtatrabahuan niyang restaurant, ay biglang nag vibrate ang kaniyanv selpon. Kinuha niya 'yon sa bulsa.

"Hello," bati niya sa kung sinong tao sa kabilang linya.

"Ikaw ba ang nakakatandang kapatid ni Daisy Ramirez?" tanong nito.

Napaayos si Dahlia ng tayo. "Ako nga ho. May kailangan ho kayo?"

"May gulong pinasok ang kapatid mo. Kailangan mong pumunta dito sa school niya ngayon din."

"Sige, ho. Bibilisan ko."

Pagbaba sa tawag ay dali daling tinanggal ni Dahlia ang suot niyang gloves at kahit hindi pa tapos ang kaniyang shift ay umalis siya sa pinagtatrabahuhan.

Walang sampung minuto ay nakarating siya sa paaralan ng kapatid niyang babae. Dumiretso siya sa opisina ng principal at doon niya nadatnan si Daisy.

"Ano hong nangyari dito?" taranta at nag-aalalang tanong ni Dahlia sabay lapit sa kapatid niya.

Kasama nila sa opisina ang isa pang ina na sumisigaw ang karangyaan sa suot na mga alahas at magarang damit. May tatlo pang estudyante ang naroon. Ang isa ay may band-aid sa mukha. Galit at inis ang pumuno sa mga ekspresyon ng mga ito.

"Tinulak lang naman ng demonyita mong kapatid ang prinsesa ko! Dahil hindi niya matanggap na pumangalawa ang ranggo niya sa exam at nanguna ang anak ko!" Ang ina ang siyang sumagot. Puno ng eksaherasyon ang kaniyang ekspresyon sabay haplos pa sa anak niyang babae.

"Nanguna siya dahil pa sikreto siyang sumisilip sa kodigo niya!" sigaw ng labing anim na taong si Daisy.

"How dare you accuse my daughter of cheating!"

"'Yon ang totoo! Kahit tanungin mo pa 'yang anak mo!"

Makikita sa mukha ng anak niya ang pagkabalisa. Hindi nito magawang tumingin ng diretso sa mata niya. Senyales na tama nga ang sinabi ni Daisy.

"Hindi ko siya tinulak sa hagdan!" muling bulyaw ng palabang dalaga. "Siya ang nag-akmang tumulak sa akin! At dahil mabilis ang karma, sa halip na ako ay siya ang gumulong pababa!"

"Is that true, students?" Ang kanina pa nananahimik na principal ay sa wakas ay nagsalita. Bumaling siya sa dalawang babaeng estudyante.

"No po," sagot ng isa.

"Sinungaling ka!" Kaagad na pinigilan ni Dahlia ang kapatid niya nung akma 'yong susugod.

"Nandoon po kami sa hagdan. Nakita po ng dalawang mata ko kung paano itinulak ni Daisy si Elaine."

Nanlaki ang mata ni Daisy sa idinagdag na kasinungalingan ng kaklase niya. Nanggalaiti naman sa galit ang ina.

"See?!" sigaw nito. "Demonyita 'yang babaeng 'yan!" turo niya kay Daisy. "You need to kick her out of this school, Miss Principal! There's no way I'll let my daughter go into the same school as her bully!"

"I admit I'm quite disappointed, Daisy," sumingit ang principal . "You are expected to graduate as your bach's valedictorian."

Hindi makapaniwalang napalingon si Dahlia sa kapatid niyang si Daisy na halos maiiyak na sa galit.

Hindi niya inaasahang may posibilidad pala na maging valedictorian si Daisy. Naging abala siya sa pagtatrabaho na hindi niya nagagawang bigyang pansin ang mga kapatid niya.

Nanlaki ang mga mata ng lahat nung biglang sumugod si Daisy kay Elena at sumabunot sa buhok nito.

"Sinungaling ka!" sigaw niya. "Sinungaling ka, Elaine! Magsabi ka ng totoo!"

"Bitawan mo ang anak ko!" sumali ang ina at sinabunutan si Daisy.

Wala ng ibang pagpipilian si Dahlia kung hindi sumali upang protektahan ang kapatid niya.

"Tama na, ho! Tama na!" pakiusap niya habang sinusubukang pigilan ang ina. "Bitawan niyo ho ang kapatid ko!"

Tuluyan ng nagkagulo sa loob. Pati ang dalawang estudyante ay sumali na rin sa pag-aaway. Ang principal ay kabilang sa umaawat. Malakas siyang sumigaw upang ipatawag ang guardiya sa gate.

"Tama na ho! Maawa naman ho kayo sa kapatid k— Argh!" Napadaing nalang si Dahlia nung malakas siyang tinulak ng ina na naging sanhi upang tumama siya sa isang bookshelf. Napangiwi siya sa sakit at napadaos-os sa sahig.

Hindi tumigil ang pag-aaway. Kita ng dalawang mata ni Dahlia ang kalunos-lunos na sitwasyon ng kapatid. Pinagtutulungan ito ngunit pilit pa ring nakikipaglaban.

"TAMA NA!" Ang naging pagsigaw niyang 'yon ang siyang nagpatigil sa kaguluhan.

Lahat ng tao sa loob ng opisinang 'yon ay napatingin sakaniya. Kabilang ang dalawang bagong dating na guwardiya.

Ang sunod na ginawa niya'y nagpasinghap sakanilang lahat. Lalong lalo na si Daisy.

"Patawarin niyo ho ang kapatid ko sa ginawa niya." Lumuhod si Dahlia, ang ulo ay nakatungo sa sahig.

"Anong ginagawa mo, Ate?" galit na sambit ni Daisy.

Pinigilan ni Dahlia ang maging emosyonal. Nilunok niya ang kaniyang pride alang-alang sa ikabubuti ng lahat.

"Kung nagkasala man ho si Daisy, patawarin niyo ho siya. Humihingi din ho ako ng pasensya dahil hindi ko siya nagawang pangaralan ng tama."

"Tumayo ka diyan, Ate!"

"Wala na ho kaming mga magulang. Tanging ako nalang ang bumubuhay sa aming magkakapatid. Naging abala ho ako sa pagtatrabaho at hindi ko na sila nagawang bigyan ng sapat na atensyon." Mas lalo pang iniyuko ni Dahlia ang ulo. "Kaya sana ho ay patawarin niyo kami. Hindi na ho ito mauulit pa. Wag niyo lang hong isuspende ang kapatid ko."

Ang tatlong estudyante pati ang ina ay napangiti sa ginawang pagluhod ng dalaga.

"Yon naman pala, eh." sambit ng ina. "Hihingi rin naman pala ng patawad pinapatagal pa."

Napangisi si Elaine sabay sulyap kay Daisy na tuluyan ng tumulo ang luha. "What a loser."

Dahil hindi na niya kinayang tingnan ang Ate niyang lumuluhod ng dahil sakaniya, ay tumakbo si Daisy palabas ng opisina.

"Daisy!" sigaw ni Dahlia at kaagad na sinundan ang kapatid niya.

Sa paglabas niya ay hindi na niya ito naabutan. Lumabas siya ng paaralan at sinuyod ang mga kalapit nitong lugar. Nakahinga siya ng maluwag nung natagpuan na niya ang kapatid sa parke. Nakaupo ito sa swing at nag-iisa.

Lumapit siya doon at umupo sa katabing swing.

Nung maramdaman ang pagdating ng ate niya ay marahas niyang pinunasan ang mga luha.

"Bakit mo ginawa 'yon, Ate?" tanong ni Daisy, galit pa rin. "Ikaw ang nagturo sa amin na wag na wag magpapaapi. Na kahit wala tayong mga magulang dapat ay matuto pa rin tayong lumaban. Ngunit anong ginawa mo?"

Huminga ng malalim si Dahlia. "Ayokong mapaalis ka sa school mo, Daisy. Lalong lalo na't ga-graduate kang valedictorian doon."

"Hindi na mangyayari pa 'yon."

Alam ni Dahlia na hindi dapat siya matuwa lalong lalo na sa sitwasyon nilang 'to ngunit hindi niya maiwasan. "Proud na proud ako sa'yo, Daisy."

Doon na bumaha ang luha ng kapatid niya. "Sabing hindi na nga mangyayari, eh." Bumaling siya sa ate niya. "Nandaya si Elena sa exam. May kodigo siya. Nagsumbong ako sa guro at hindi man lang sila kumilos at pinabayaan nalang dahil sa katotohanang madaming na-idonate ang mama niya sa school. Ganun ba talaga ka makapangyarihan ang pera, Ate?"

Hindi na nagsalita pa si Dahlia at sa halip ay hinaplos ang likod ng kapatid niya.

"Nagsikap akong maging valedictorian dahil magiging libre na ang tuition ko sa college kapag nangyari 'yon. Para naman kahit papano ay makabawas ako sa bigat na pinapasan mo."

Hinaplos ang puso ni Dahlia sakaniyang narinig. "Ano ka ba. Wag kang mag-alala." Sinubukan niyang pagaanin ang loob ng kapatid.

"Makakapag-aral ka pa rin sa kolehiyo. Kung pwede kong pasukin lahat ng uri ng trabaho sa mundo, gagawin ko. Baka nakakalimutan mong malakas 'tong ate mo!"

Ang umiiyak na si Daisy ay natawa lalong lalo na nung nagflex pa ng braso niya si Dahlia.

"Halikana." Tumayo mula sa pagkakaupo si Dahlia. "Bisitahin natin sa mama sa ospital. Sigurado akong miss na tayo nun."

Tumango si Daisy at sabay sila ng kapatid niyang pumunta sa ospital. Kung nasaan limang taon ng nakaratay ang nacomatose nilang ina.

"'Nay alam mo ba, valedictorian si Daisy sa batch nila!" Puno ng tuwang kwento ni Dahlia sa ina.

Nakatanggap siya ng pag-irap mula sa kapatid. "Sabing hindi nga sigurado 'yon, Ate. Baka umasa si nanay," anito.

Natawa si Dahlia. "Kaya 'nay, kailangan mong gumising. Upang makasama ka ni Daisy sa stage."

Walang natanggap na sagot ang magkapatid ngunit kahit ganun pa man ay abot langit ang ngiti nila.

Pagkatapos ng isang oras pang pagbabantay doon ay umalis na sila sa kwartong 'yon. Lumapit muna sa isang counter si Dahlia upang kunin ang hospital bill para sa buwang 'yon.

Nung matanggap niya ang bill ay ganun nalang ang pag buntong hininga niya.

Mahigit isang daang libo ang kailangan niyang bayaran. Hindi niya alam kung saan kukuha ng ganoon kalaking pera. Ngunit nasanay na si Dahlia sa mga ganitong sitwasyon at hahanap siya ng paraan.

"Okay ka lang, Ate?" tanong ng kapatid niya nung mapansin ang pag-iiba sakaniyang emosyon.

Mabilis na tinupi ni Dahlia ang papel bago ngumiti. "Oo naman. Halikana. Umuwi na tayo. Hinihintay na tayo ni Daniel sa bahay. " Ang tinutukoy niya ang anim na taon nilang nakababatang kapatid.

Alas sais na at naglalakad na ang dalawang babae papunta sa sakayan ng jeep.

Nung may naisapatan si Dahlia na dalawang pamilyar na lalake ay napatigil siya. Mabilis niyang hinawakan ang kapatid sa braso at hinila ito papunta sa tagong parte ng lansangan.

"May problema ba, Ate Dahlia?"

"Makinig ka ng mabuti sa sasabihin ko, Diasy." Kumuha siya ng singkwenta sa bulsa niya at inabot sa kapatid. "Alam mo kung anong uri ng jeep ang sasakyan, hindi ba?"

Naguguluhan man sa pangyayari ay tumango pa din si Daisy. "Mauna ka munang umuwi sa akin sa bahay. Umikot ka at doon ka sa kabila dumaan, naiintindihan mo?"

"Ano bang nangyayari, Ate?" Nagsisimula ng kabahan si Daisy.

"Basta! Magpapaliwanag ako pag-uwi ko. Sa ngayon umalis ka na at hintayin niyo ako sa bahay."

Wala ng ibang nagawa si Daisy kundi tumango. Bumalik siya sa kung saan sila dumaan kanina upang tahakin ang kabilang lansangan. Muling sumulyap si Daisy sa ate niya.

"Sige na! Bilisan mo!" utos ni Dahlia at tuluyan ng nakalayo ang kapatid.

Nung masigurong wala na sa tanaw niya si Daisy ay doon na siya nagpatuloy sa paglalakad upang harapin ang dalawang lalakeng isang buwan na niyang tinatakbuhan.

Umikot siya sa isang sulok at doon niya natagpuan ang dalawa. Malakas ang pintig ng puso niya sa kaba.

Sa madilim at walang katao-taong lugar na 'yon, sa presensya ng lalaking malalaki ang pangangatawan, walang hanggan ang posibilidad na maaaring manganib ang isang babaeng katulad niya.

"Sa wakas ay nagpakita ka rin, Ramirez," anang isang lalake at lumapit sakaniya.

"Nasaan na ang perang ipinangako mo?" Lumapit ang isa at hinaplos nito ang iilang hibla ng buhok niya.

"P-Pasensiya na. Kinailangan kong gamitin ang pera para sa bayarin ni Nanay sa o-ospital.." Hindi niya maiwasang mautal sa harap ng dalawang lalake.

Isa lang sila sa napakaraming inutangan ng ama niya. Nangako siya na magbabayad ngunit ang perang naipon niya para sa dalawang ito ay ibinayad niya ospital bill ng Nanay sa nakaraang buwan.

Sabay na natawa ang dalawang lalake. Tumindig ang mga balahibo ni Dahlia.

"Hindi mo ba naalala ang ibinigay naming kondisyon sa'yo?" tanong ng isa na lumapit pa papunta sa tenga niya. "Na kapag hindi ka makakabayad ay kukunin namin ang mga lamang loob mo upang ibenta o pagsasaluhan ka namin sa kama."

Napalunok si Dahlia at naestatwa sa kinatatayuan.

Alinman sa dalawang kondisyon na binigay nila ay hindi makatao kayang hinding hindi siya papayag.

Humakbang papalapit ang isang lalake at ang tangi niyang nagawa ay umatras hanggang sa maramdaman na niya ang malamig na pader sa likod.

"Ngayong b-buwan.. magbabayad ako.. p-pangako.. gagawa ako ng paraan… kaya parang awa niyo na-"

"Ilang beses ka na ba namin pinagbigyan, Dahlia?" malamig na sambit ng isa. "Paulit ulit kang nangangako at tatlong buwan mo na kaming pinaghihintay. Tingin mo ba ay sapat ang pasensya namin para maghintay na naman?!" Tunay na galit na siya.

Napapikit si Dahlia sa takot.

"Pumili ka, Ramirez," sambit ng isang nasa tabi niya. "Alin sa dalawa ang gusto mo?"

"Alam kong mas pipiliin mo ang pangalawa," ani ng isa sa mismong mukha niya. Inilingon ni Dahlia ang ulo sa kabilang direksyon upang maiwasan ang mainit na hininga ng lalake.

"Wag kang mag-alala." Hinawakan nito ang pulsuhan niya at isinandal sa pader upang hindi siya makalaban. "Sisiguraduhin naman naming mag-eenjoy ka rin."

Kapwa sila tumawa at ramdam na ni Dahlia ang pagkatalo niya. Biglang lumapit sa leeg niya ang lalake at dinilaan ang isang parte doon.

Ngumiwi siya sa pandidiri. Awtomatikong kumilos ang paa niya at sumipa sa mismong pribadong parte ng lalakeng nasa harap niya.

Napadaing ito sa matinding sakit. Kinuha ni Dahlia ang oportunidad na 'yon upang makatakbo.

"Hoy, babae! Bumalik ka dito!" sigaw ng isa at kaagad na humabol sakaniya.

Sa parteng 'yon ng lansangan, bagaman hindi pa malalim ang gabi, ay wala ng ka tao-tao pa. Pinili talaga ng dalawang lalakeng 'yon ang tamang lugar at panahon.

Walang tigil sa pagtakbo si Dahlia. Kung saan saang sulok na siya lumiko upang makatakas mula sa dalawang 'yon.

Hindi siya nagsayang ni isang segundo dahil buhay na niya ang nakasalalay dito. Kapag may nangyaring masama sa kanya ano na lang ang mangyayari sa mga kapatid niya?

Tanging si Daisy at Daniel ang nasa loob ng utak niya kaya kahit ilang beses pa man siyang madapa at magkasugat, pipilitin niya ang sarili na bumangon at magpatuloy.

Ngunit ang pag-asa niya ay tuluyan ng nadurog nung biglang sumulpot sa harapan niya ang isa sa mga lalake.

Tumigil siya sa pagtakbo at iikot na sana papunta sa salungat ng direksyon nung makita ang isa pang nag-aabang doon.

Wala ng ibang daan.

"Talagang pinapahirapan mo pa kami, Ramirez!" sigaw ng isa habang unti-unti ng humahakbang papunta sa pawisang babae.

"Hindi namin alam na mahilig ka pala sa habulan," ngisi ng isa.

Napapaatras na si Dahlia. Hindi malaman kung saan lilingon o saan pupunta.

Sa mga segundong 'yon ay tuluyan na niyang tinanggap ang kapalaran. Kung susubukan man niyang tumakas ay mahahanap at mahahanap siya ng dalawang ito.

Napagtanto niyang mas makakabuti kong tapusin nalang ang koneksyon niya sa mga 'to. Ibigay ang kailangan nila para mabawasan na rin ang bigat ng mga utang na nakatambak sa balikat niya.

"Hands off, boys."

Ngunit sa gitna ng pagsuko niya. Nung akmang hahawakan na siya ng mga lalakeng 'yon ay biglang may kung sinong nagsalita.

Sumunod na pumailanlang ang mga putok ng baril.

Napasigaw si Dahlia sabay takip sa dalawa niyang tenga. Ang mga balang 'yon ay dumiretso sa noo ng mga lalake dahilan upang mahulog ang mga katawan nila sa sahig at bumaha ang dugo.

Nanginig ang katawan ni Dahlia. Nawalan ng lakas ang dalawa niyang mga paa at napaupo siya. Lumabo ang kanyang paningin.

Ang huli niyang nakita ay dalawang pares ng itim na sapatos bago siya tuluyang nawalan ng malay.

"She's mine.."

Bab terkait

  • The Mobter's Empress   CHAPTER 2: His Proposal

    Sumikat ang araw. Tumagos sa nakabukas na bintana ang sinag at dumiretso sa nakapikit na si Dahlia. Kaya ay nagising siya mula sa mahimbing niyang pagkakatulog. "Daniel.. 'diba sinabi ko sa'yong isarado mo ang binatana?" reklamo niya sabay dapa upang protektahan ang mukha niya mula sa init. Nakapikit pa rin siya at ninanamnam ang kakaibang lambot ng kaniyang unan at higaan. Ngunit ganun nalang ang pagdilat ni Dahlia sakaniyang mata nung may mapagtanto siyang kakaiba. Sa bahay nila ay sa matigas na sahig siya natutulog kaya nakakapagtaka kung bakit malambot ang hinihigaan niya ngayon. Napabalikwas siya ng upo at kaagad na sinuri ang paligid. "Nasaan ako?" Nasa loob siya ng eleganteng kwarto at kasalukuyang nakaupo sa isang queen size bed. Ang kwartong 'yon ay 'sing laki ng buong bahay nila kaya hindi niya maiwasang mamangha. Ngunit naputol 'yon nung maalala niya ang nangyari kagabi. Tinungo niya ang

    Terakhir Diperbarui : 2022-03-10
  • The Mobter's Empress   CHAPTER 3: Signed

    Sa tanang buhay niya, hindi lubos akalain ni Dahlia na makagagawa siya ng isang bagay na labag sa kanyang mga prinsipyo sa buhay. Ngunit ang desisyon niyang ito ay handa niyang gawin upang mapabuti at mailigtas niya ang kanyang pamilya. Lahat kaya niyang gawin para sa mga ito, maging ang pagpapakasal sa isang estranghero. Mabigat ang loob niya habang pinipirmahan ang isang kapiraso ng papel na magpapabago ng tuluyan sa buhay niya. Basa siya at nanginginig ang mga kamay niya habang hawak ang ballpen. Nang Dahil ito sa malakas na ulan sa labas. "I'm glad that you changed your mind." sambit ni Azriel habang pinapanood ang pagpirma ng babae. May isang tagong ngiti sa labi niya sapagkat alam na niyang mangyayari ito. Na kusang babalik saka niya ang babae at sasang-ayon sakaniyang gusto. Ibinaba na ni Dahlia ang ballpen matapos pumirma. Tiningala niya ang nakasuit na lalake. "Just like what I told you, because you signed the marriage contract, your father's d

    Terakhir Diperbarui : 2022-04-24

Bab terbaru

  • The Mobter's Empress   CHAPTER 3: Signed

    Sa tanang buhay niya, hindi lubos akalain ni Dahlia na makagagawa siya ng isang bagay na labag sa kanyang mga prinsipyo sa buhay. Ngunit ang desisyon niyang ito ay handa niyang gawin upang mapabuti at mailigtas niya ang kanyang pamilya. Lahat kaya niyang gawin para sa mga ito, maging ang pagpapakasal sa isang estranghero. Mabigat ang loob niya habang pinipirmahan ang isang kapiraso ng papel na magpapabago ng tuluyan sa buhay niya. Basa siya at nanginginig ang mga kamay niya habang hawak ang ballpen. Nang Dahil ito sa malakas na ulan sa labas. "I'm glad that you changed your mind." sambit ni Azriel habang pinapanood ang pagpirma ng babae. May isang tagong ngiti sa labi niya sapagkat alam na niyang mangyayari ito. Na kusang babalik saka niya ang babae at sasang-ayon sakaniyang gusto. Ibinaba na ni Dahlia ang ballpen matapos pumirma. Tiningala niya ang nakasuit na lalake. "Just like what I told you, because you signed the marriage contract, your father's d

  • The Mobter's Empress   CHAPTER 2: His Proposal

    Sumikat ang araw. Tumagos sa nakabukas na bintana ang sinag at dumiretso sa nakapikit na si Dahlia. Kaya ay nagising siya mula sa mahimbing niyang pagkakatulog. "Daniel.. 'diba sinabi ko sa'yong isarado mo ang binatana?" reklamo niya sabay dapa upang protektahan ang mukha niya mula sa init. Nakapikit pa rin siya at ninanamnam ang kakaibang lambot ng kaniyang unan at higaan. Ngunit ganun nalang ang pagdilat ni Dahlia sakaniyang mata nung may mapagtanto siyang kakaiba. Sa bahay nila ay sa matigas na sahig siya natutulog kaya nakakapagtaka kung bakit malambot ang hinihigaan niya ngayon. Napabalikwas siya ng upo at kaagad na sinuri ang paligid. "Nasaan ako?" Nasa loob siya ng eleganteng kwarto at kasalukuyang nakaupo sa isang queen size bed. Ang kwartong 'yon ay 'sing laki ng buong bahay nila kaya hindi niya maiwasang mamangha. Ngunit naputol 'yon nung maalala niya ang nangyari kagabi. Tinungo niya ang

  • The Mobter's Empress   CHAPTER 1: Her Life

    "Dahlia! Ang order ng table number 23 nasaan na?!" "More ice to table 15 please!""Pakibilisan naman ng kilos natin Dahlia!""Hindi raw tama ang binigay mong order sa table 10, Dahlia?!" 'Yon ang ilan sa mga katagang pumuno sa tenga ni Dahlia buong araw. Mula umaga hanggang sa gabi ay walang pahinga at patuloy ang kaniyang pagtatrabaho. Nagsisimula sa cafè, papunta sa pagiging saleslady sa isang mall, kasunod ay ang pagiging substitute janitress hanggang sa pagiging waitress sa bar. Lahat na yata ng trabaho ay nagawa na niyang pasukin at walang tigil siyang kumakayod. Kahit pa siguro ilang trabaho ang pasukin niya, kahit magbanat pa siya ng buto buong araw, hindi pa rin 'yon magiging sapat. Lalong lalo na at wala siyang ibang mapagkukunan ng lakas at kaagapay kundi ang sarili. Limang taon ng nagtitiis si Dahlia. Nagsimula 'yon nung maaksidente ang kanyang mga magulang. Nagawang maka recover ng tatay niya n

Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status