Beranda / Romance / The Missing Piece / Chapter One hundred-sixty-seven

Share

Chapter One hundred-sixty-seven

Penulis: Serene Hope
last update Terakhir Diperbarui: 2025-03-14 12:24:12

“ANG MGA walang hiyang ‘yon! Ang sasama talaga ng mga budhi nila! Ano pa bang ikina-iinggit nila sa kaibigan ko, eh wala namang kayamanan iyon! Hindi na sila nakuntento sa kung anong mayroon sila!” malakas na sambit nito na akala mo ‘y nasa harapan lang nito ang dalawang babaeng kinamumuhian.

“Relax ka lang. Dahil nakuha na nila ang kabayaran sa mga ginawa nila,” pagpapakalma niya rito.

“Bakit po, ano ang ibig ninyong sabihin?” kunot-noo nitong tanong. Pero mababakas pa rin ang galit sa mukha nito.

“Sad to say, naaksidente si Geneva dahil sa pagtatangkang tumakas sa mga pulis na humahabol sa kanya. Kaya ayon, nahulog ang minamaneho niyang sasakyan sa bangin. Pinuntahan ko ang kinaroroonan niyang ospital, pero hindi ako nagpakita sa kanya. Putol ang dalawang paa nito, at bali ang isang braso. May na-dislocate rin na mga buto sa kanyang mukha. Kaya para na siyang mawawala sa katinuan niya dahil hindi niya matanggap ang nangyari sa kanya,” mahabang litanya niya.

Napasinghap ito sa gulat
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terkait

  • The Missing Piece   Chapter One hundred-sixty-eight

    ABALA si Michaela sa paghahanda ng mga kakailanganing pansahog sa lulutuin niyang adobong baboy at sinigang. Napagkasunduan nila ni nanay Minerva na siya ngayon ang gagawa sa kusina at ito naman ang maglilinis sa buong kabahayan.Muntikan na niyang mabitiwan ang hawak na sandok nang biglang may sumigaw sa gawing likuran niya. “Micaaaaah!!!” Nagulat siya nang mapagsino ito, si Claire, ang kanyang kaibigan.Mabilis niyang binitiwan ang sandok na hawak at patakbo niya itong sinugod ng yakap sa may pintuan.“Claire! Anong ginagawa mo rito?!” gulat na tanong niya sa kaibigan. Hindi talaga siya makapaniwala na nandito ito ngayon sa harapan niya.“Naku, mahabang paliwanag! Pwede ba munang magpahinga kahit saglit? Promise, mamaya sasabihin ko rin sa ‘yo ang dahilan,” nagtaas pa ito ng kanang palad.“O siya, maupo ka muna rito,” sabay hila niya nang upuan sa ilalim ng lamesa. “Panoorin mo na lang muna ako habang nagluluto, mabilis lang ito. Maya-maya lang kakain na tayo,” sambit niya sa kaibig

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-15
  • The Missing Piece   Chapter One hundred-sixty-nine

    “SI GENEVA, naaksidente siya habang tumatakas sa mga pulis. Nahulog ang minamaneho niyang sasakyan sa bangin. At…sabi ni sir Jacob, putol daw ang dalawang paa nito at bali ang isang braso. Marami rin daw na na-dislocate na buto sa mukha nito. Kaya sa pagkakaalam ko, hindi na niya itutuloy ang pagpapakulong kay Geneva. Dahil ang nangyari raw sa kanya ay kalabisan ng bayad sa mga ginawang kasalanan niya sa ‘yo.”Biglang bumagal ang kanyang pagnguya sa sinabi nito. Iba talaga magsingil ang karma, sobra-sobra pa.“At si Vanessa naman, nagbabago na raw. Humihingi pa nga ng isang buwang palugit para makasama ang anak bago siya makulong. Ang bilis lang ng panahon, ‘no? Dati, sila ang nasa taas, ngayon sila naman ang nasa ibaba.”“Ganoon talaga ang buhay, masama man siguro ang magsalita ng deserve naman nila iyon, pero panahon na mismo ang gumawa ng paraan para mamulat sila sa katotohanang mali na ang kanilang ginagawa. Malungkot man ako sa nangyari sa kanila, ay wala na ‘kong magagawa. Iyon

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-15
  • The Missing Piece   Chapter One hundred-seventy

    DAHIL sa dami ng kanyang iniisip ay hindi maiwasan ni Jacob ang minsang bahagyang pagkatulala kasabay ng pagpapakawala ng sunud-sunod na malalalim na buntung-hininga.Marami siyang inaasikaso sa kompanya at sa kanyang private resorts at mga restaurant, sabayan pa ng palagian niyang pagpunta sa police station para mag-update sa ipina-file niyang kaso para kay congressman at sa pamilya ng tiyahin ng dalaga kasama na si Vanessa.Lahat ng iyon ay kaya naman niyang iutos sa mga tauhan, kahit na hindi na siya ang personal na pumunta. Iyon nga lang, mas gusto niyang siya na lang ang magasikaso dahil ayaw niyang mabakante ang kanyang isipan. Gusto niyang palaging may pinagkakaabalahan para hindi niya masyadong maisip ang sitwasyon nila ngayon ng dalaga.Sa katunayan, nangangati na siyang puntahan ito, pero pinipigilan niya ang sarili dahil ayaw nga siyang makita ng dalaga. Magagalit at magagalit lang ito sa kanya kapag nakita na naman siya nito. Sana nga ay makatulong ang ideya niya na papunt

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-16
  • The Missing Piece   Chapter One hundred-seventy-one

    MARAMI pa kasing inasikaso si Jacob bago umalis kaya halos papadilim na siya nang magtungo sa isla. Alam niyang ligtas sa isla, pero hindi niya maiwasang hindi mag-alala kay Michaela sa kaisipang nag-iisa lang ito roon. Hindi naman kasi niya akalain na matatagalan siya kaya hindi na niya sinabihan ang isa sa mga tauhan niya na magpa-iwan doon para may kasama ang dalaga.Iniisip niyang baka lumabas ito ng mini mansion kahit na gabi na. Paano kung naisipan nitong maligo sa dagat tapos malunod? Paano kung magawi ito sa gubat at naligaw? Paano kung makagat ito ng ahas o mabangis na hayop?Naipilig niya ang ulo sa mga lumilitaw na senaryo sa kanyang utak. Sana naman ay hindi ito lumabas ng mansion. Hindi na siya makapaghintay na makarating agad para makita niya ang kalagayan nito.Nang sa wakas ay lumapag na sa roof top ng mansion ang sinasakyang chopper, ay dali-dali siyang bumaba. Patakbo niyang binaybay ang mahabang hagdan pababa. Pagkarating niya sa loob ay dilim ang sumalubong sa kany

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-16
  • The Missing Piece   Chapter One hundred-seventy-two

    NAGISING si Jacob mula sa pagkakaidlip nang maramdaman niyang parang may dumamping malambot na bagay sa kanyang mga labi. Pagmulat niya ng mga mata ay nag-aalalang mukha ng dalaga ang nabungaran niya. Sobrang lapit din ng mukha nito sa mukha niya.“E-Ela, kanina ka pa ba riyan?” tanong niya.“Hindi naman masyado. Ikaw, kanina ka pa ba naghihintay dito? Kasi, nakatulog ka na, eh.”Sa tono ng pananalita nito, ay purong pag-aalala lang ang napapansin niya. Walang bahid ng galit. Kaya nagtataka siya, imposibleng hindi na ito galit sa kanya. O baka nananaginip lang siya.“Ano, hindi mo man lang ba sasagutin ang tanong ko? Tititigan mo na lang ba ako?” wari ‘y nagtatampo ito sa tono ng pananalita.Mabilis niyang inayos ang pagkakaupo bago niya nakuhang sagutin ito. Medyo hindi kasi siya komprotable sa pagkakalapit ng kanilang mga mukha.“A-Ah, oo, parang, medyo, si-siguro. Kanina pa kita tinatawag, tapos naupo muna ako kasi pagod na ‘kong tumayo. Tapos iyon, hindi ko namalayan na nakatulog n

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-18
  • The Missing Piece   Chapter One hundred-seventy-three

    MINADALI talaga ni Michaela ang paghuhugas at pagliligpit sa kusina dahil balak niyang kausapin si Jacob para tuluyan nang makipag-ayos dito. Kumatok muna siya sa pintuan ng silid nito pero hindi ito nagsasalita o sumasagot.Sa pag-aakalang tulog na ito ay kusa na siyang pumasok para silipin na lang sana ito. Pero pagpasok niya ay hindi niya nadatnan sa loob si Jacob, pero may naririnig siyang lagaslas ng tubig na nagmumula sa banyo. Palatandaan na naroroon ang binata.Naisip niyang hintayin na lamang ito roon dahil nandoon na rin lang naman siya. Umupo na lamang muna siya sa paanan ng kama nito habang hinihintay niya na lumabas ito ng banyo. Napalingon siya sa banyo nang marinig niyang bumukas ang pintuan nito.Awtomatiko siyang napangiti nang lumabas mula roon ang binata na nakatapis lamang ng tuwalya. Pansin niya ang pagkagulat sa ekspresyon nito ngunit hindi na niya pinagtuunan ng pansin iyon. Wala siyang ibang nasa isip kundi ang makausap ito at maipaalam dito na pinapatawad na n

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-18
  • The Missing Piece   Chapter One hundred-seventy-four

    HABANG hinahalikan ni Jacob ang dalaga, ay abala naman ang mga kamay niya sa paghaplos sa malambot at mabango nitong katawan. Maingat at may lambing ang bawat haplos na ipinadama niya rito. Sa isang taong hindi nila pagkikita, ay aaminin niyang sobra siyang nanabik na muli itong mahawakan, mahaplos at mahalikan. At ngayon nga ay nangyayari na.Ramdam din niya ang pananabik nito sa kanya sa pamamagitan ng pagtugon nito. Natuwa siya sa isiping talagang mahal siya nito dahil damang-dama niya iyon. Saglit niyang pinutol ang malalim na paghalik niya rito para tanggalin ang nakapulupot na tuwalya sa ibabang bahagi ng kanyang katawan, pagkatapos ay muli siyang nagpatuloy.Isa-isa niyang tinanggal ang mga kasuotang nakatabing sa magandang katawan nito, hanggang sa wala nang natira. Mula sa mga labi nito ay bumaba ang halik niya patungo sa leeg, at hindi rin niya pinalagpas ang dalawang bundok nito na noon ay medyo nakatayo na ang korona. Pagkatapos ay pinadausdos niya sa bandang tiyan nito an

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-20
  • The Missing Piece   Chapter One hundred-seventy-five

    KINABUKASAN ay naunang magising si Jacob kay Michaela. Habang mahimbing pang natutulog ang dalaga, ay malaya niya itong pinagmamasdan. Naririnig pa niya ang mumunting hilik nito sa medyo nakawaang pang mga labi. Para siyang inaakit na halikan ito kaya naman mabilis niya itong dinampian ng halik sa labi, pagkatapos ay gumalaw ito na siyang nagpalilis ng kumot na nakabalot sa magandang katawan nito.Bago pa siya matukso na muling maangkin ang dalaga, ay mabilis niyang kinumutan ito bago siya nagbihis at nagpasiyang lumabas ng kwarto. Dumiretso muna siya sa terrace para damhin ang malamig at masarap na hangin. Tumingin siya sa karagatan, payapa ang alon nito. Parang nakikisabay din ito sa kapayapaang nadarama niya.Walang pagsidlan ang kasiyahan at kapayapaan na nadarama niya ngayon. Ayos na sila ng dalaga, at alam niyang magtutuloy-tuloy na iyon dahil hindi na niya hahayaang mangyari pa ang ganoong gulo sa pagitan nila.Muntik na siyang mapatalon sa gulat nang biglang may yumakap ng mah

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-23

Bab terbaru

  • The Missing Piece   Chapter One hundred-ninety-four

    NAGULAT na lang si Claire nang biglang bumukas ang pintuan ng silid nila ni Michaela. Pumasok pala ito ngunit napansin agad niya na umiiyak ito. Agad itong dumapa sa kama at doon ay malakas na umiyak, ni hindi man lang napansin ang kanyang presenisya.Napailing-iling na lang siya. Nakakatakot pala magbuntis, kung totoo mang buntis nga ito, nakakabago ng ugali. Itinigil niya ang ginagawang pagbabasa ng libro at nilapitan ito, susubukan niya itong kausapin. Kanina ay okay pa naman ang kaibigan niya bago umalis papuntang ospital, masaya pa nga itong nagpaalam sa kanya at ipinaalalang muli na huwag ipagsasabi ang sikreto nila na alam na nito ang tungkol sa sariling pagbubuntis. Tapos ngayon naman ay umuwi naman itong umiiyak.Umupo siya sa gilid nito at nagsimulang magsalita. “Be, kumusta pala ang checkup mo? Ano ba ang resulta?” malumanay na tanong niya rito para hindi na madagdagan pa ang kung anomang ikinasasama ng loob nito.Ibinigay nito sa kanya ang isang maliit na envelop habang nak

  • The Missing Piece   Chapter One hundred-ninety-three

    HABANG nagmamaneho si Jacob ng sasakyan ay hindi man lang siya iniimikan ng dalaga. Nakabusangot ito at nagkakandahaba na rin ang nguso. Hindi naman niya ito direktang tinitingnan kundi sa sulok lang ng kanyang mga mata dahil baka bigla na namang makatikim ng palad ang kanyang pisngi. Hindi tuloy niya malaman kung totoo ngang buntis ito dahil ayaw naman sa kanyang ibigay at ipakita ang resulta ng checkup.Gusto niyang matawa sa nakikitang reaksyon sa mukha nito pero natatakot siyang ngumiti dahil baka masamain na naman nito. Ngunit nagulat siya nang bigla itong magsalita.“Anong tinitingin-tingin mo riyan, ha?! Akala mo ba hindi ko alam na pasimple mo akong tinitingan? At saka, bakit hindi ka ngumiti, ‘yon bang mapupunit na ‘yang bibig mo para naman ma-satisfy ka sa saya?! Huwag mong pigilan, sige lang! gusto mo humalakhak ka na rin, punuin mo ng boses at hininga mo itong sasakyan, ano?!” nanlalaki ang mga matang wika nito sa kanya.Grabe na talaga. Pati iyon ay nakita pa nito? Mala-l

  • The Missing Piece   Chapter One hundred-ninety-two

    “CONGRATULATIONS, Ms. Gomez! Isang buwan ka nang buntis!” masayang sambit ng babaeng doctor na siyang tumingin sa kanya.Kahit naman na alam na niyang posible ngang buntis siya ay sobra pa rin siyang natuwa. Hanggang ngayon ay tanging sila lang ng kaibigan niyang si Claire ang nakakaalam na alam na niyang posibleng buntis nga siya.Kanina nang sabihin sa kanya ni Jacob na kailangan niyang magpatingin sa doctor, ay tinanong niya ito kung bakit, sinusubukan niya kung magsasabi ba ito. Pero ang isinagot lang nito sa kanya ay dahil sa pagbabago ng kanyang ugali, baka raw may sakit na siya na siyang nakakaapekto rito.Kung sa ibang pagkakataon lamang na hindi pa niya nahuhulaan ang sariling kalagayan, ay baka todo tanggi pa siya at baka nga mauwi pa sa pag-aaway. Iyon nga lang, pagdating sa private hospital kung saan siya nito dinala para mapatingnan sa doctor, ay gusto nitong sumama sa loob ng silid kung saan siya susuriin.Gusto siguro nito na makita siyang nasusurpresa. Pero dahil nakais

  • The Missing Piece   Chapter One hundred-ninety-one

    TUWANG-TUWA si Michaela at lihim na kinikilig dahil sa ginagawang pagsisilbi sa kanya ni Jacob. Siguro kaya naging mainitin ang ulo niya dahil sa tagal na hindi ito nakita. May ideya na siya kung bakit ganoon ang kanyang pakiramdam, at nakumpirma niya iyon nang aksidente niyang marinig ang usapan ng tatlo sa kusina.Balak kasi niyang hilahin si Jacob pabalik sa kwarto dahil gusto niya itong masolo kaya bumalik siya, pero iyon na ang eksenang narinig niya. Akala ng mga ito ay wala siyang ideya sa nangyayari sa kanya at nararamadaman niya.Kaya nga nakokonsensiya siya sa nagawang hindi pagimik minsan kay nanay Minerva at pagsusungit kay Claire. Inaasahan naman talaga niya na mabubuntis siya dahil hindi gumagamit ng proteksyon si Jacob kapag may nangyayari sa kanila.Inaakala pa ng mga ito na baka hindi niya matanggap kung sakali mang buntis siya dahil lang sa bata pa siya. Hindi lang alam ng mga ito kung gaano siya kasaya kung totoo mang buntis siya dahil handa siyang maging isang ina la

  • The Missing Piece   Chapter One hundred-ninety

    TAKANG-TAKA si Jacob kung bakit ganoon ang inaasal ni Michaela. Parang may nagbago rito dahil hindi naman iyon ganoon dati.“Claire, kailan pa siya naging ganiyan?” tanong niya sa kaibigan nito na hanggang ngayon ay naroroon pa rin sila sa kusina.“Siguro po, mga one-week na po, Sir. Kahit nga po ako ay nagtataka na rin sa mga ikinikilos niya. Hindi naman siya dating ganyan, eh. Halos araw-araw palagi nga siyang excited gumising para maglakad-lakad kami sa tabing-dagat. At saka dati, ayaw niya ng may natitirang pagkain kasi nasasayangan siya. Pero ngayon nag-iba na siya, eh. Kahit nga ang dating biruan namin kapag ginagawa ko sa kanya ngayon, galit na galit na siya at bigla na lang hindi iimik. Minsan naman, bigla na lang mag wa-walk out at saka iiyak sa kwarto ng mag-isa. Kaya hindi ko na rin po mahulaan, eh,” mahabang litanya nito.“Sige-sige, salamat. Kakausapin ko na lang siya mamaya,” sagot niya.“Hijo, palagay ko ‘y buntis si Michaela,” wika ni nanay Minerva na bigla na lang pum

  • The Missing Piece   Chapter One hundred-eighty-nine

    NAGTATAKA na si Michaela kung bakit halos isang buwan na ang nakalilipas pero hindi pa rin bumabalik si Jacob sa isla. Miss na miss na niya ito at hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit labis-labis ang pagnanais niya na makita ito.Naiinis siya at nagagalit sa tuwing naiisip niya na dapat ay nasa tabi niya ito ngayon. Lalo na ngayong hindi maganda ang kanyang pakiramdam. Madalas siyang mahilo at humihilab din ang kanyang sikmura.Kaninang umaga nga ay sumuka siya ng sumuka sa banyo pero parang wala namang lumalabas. Matamlay din siya at walang ganang kumain. Ang tanging gusto lang niya sa mga sandaling ito ay ang presensiya ni Jacob.“Hoy, Be. Pinapatawag ka ni nanay Minerva, kumain ka na raw kasi hindi ka raw kumain ng maayos kanina,” wika ng kaibigan niya.Kasalukuyan siyang nasa terrace habang nakapangalumbaba, na wari ‘y ang tanawin na lang doon ang nakapagbibigay sigla sa kanya.“Wala nga akong ganang kumain, eh. Ang gusto ko, si Jacob. Kailan ba ulit darating iyong tauhan

  • The Missing Piece   Chapter One hundred-eighty-eight

    “HOY BABAE! Ipaliwanag mo nga sa ‘kin kung bakit ang sungit-sungit mo kagabi? At saka, ang sabi mo, baka matagalan ka lang doon, eh buong gabi kang naroon, eh! Tsk!” bungad agad sa kanya ng kaibigang si Claire pagkapasok niya ng silid.Maaga siyang nagising kaya nagpasya siyang bumalik na sa sariling silid para maligo. Pakiramdam kasi niya ‘y nanlalagkit ang buo niyang katawan dahil pinagpawisan sila kagabi ni Jacob dahil sa nakakapagod at nakakaantok na ginawa nila.“Ano ka ba, wala lang iyong pagtataray ko sa ‘yo kahabi, ‘no? Nainis lang talaga kasi ako kay Jacob dahil sa maling akala ko. Nadamay ka pa tuloy sa inis ko,” paliwanag niya.“Bakit hindi ka na nakabalik dito kagabi? May ginawa kayo, ‘no?” mapang-asar nitong tanong.“Eh ano naman sa ‘yo kung may ginawa kami? Bakit, inggit ka?” pang-aasar din niya rito.“Ako, maiinggit?” turo pa nito sa sarili. “Hindi kaya! Sapat na sa ‘kin sina nanay at tatay, pati na rin si kuya para maging masaya at kontento ako sa buhay.”Bigla siyang

  • The Missing Piece   Chapter One hundred-eighty-seven

    NANG MAKABAWI si Jacob mula sa panghihina dulot ng ginawang pagpapaligaya sa kanya ni Michaela, ay ito naman ang pinahiga niya sa kama. Magmamatigas pa sana ito pero wala rin itong nagawa dahil mas malakas siya rito.“Ang sarap ng ginawa mo, ha? Saan mo ba iyon natutunan?” tanong niya rito habang kinakagat-kagat ang punung tainga nito.“Bakit, lahat naman ng bagay ay kayang matutunan kapag gusto, ‘di ba?” may himig pamimilosopo sa tinig nito.“Ang ibig kong sabihin, paano? Saan? Eh, ngayon mo lang naman ito ginawa sa ‘kin?”“Sa mga kaklase kong babae sa eskwelahan. Madalas silang manood ng p*rn kapag vacant period namin. At saka, nagkukwento rin sila ng mga karanasan nila sa sex dahil karamihan sa mga kaklase ko ay may mga asawa ‘t anak na,” paliwanag nito.“Akala ko, may ibang lalaki ka nang pinagpraktisan.”“Ang kapal mo, ha? Ikaw lang ang lalaking nakasiping ko, ‘no? Wala nang iba!” inis na sagot nito.“Bakit ka nagagalit? Akala ko lang naman ‘yon,” pagkatapos ay dumausdos ang halik

  • The Missing Piece   Chapter One hundred-eighty-six

    GULAT NA GULAT si Jacob nang pagbukas niya ng pintuan ng banyo dahil katatapos lang niyang maligo, ay nakatayong si Michaela ang nabungaran niya. Seryoso itong nakatingin sa kanya, at nararamdaman niyang may bahid iyon ng galit.“Ela, sweetheart. May…problema ba? Ginulat mo naman ako,” wika niya rito.“Sabihin mo nga sa ‘kin ang totoo, naaawa ka ba at nakokonsensiya kay Vanessa kung makukulong man siya?” seryosong tanong nito. Sinundan pa siya nito hanggang sa walk-in closet.Kahit na tinanggal na niya ang tuwalyang nakapulupot sa katawan niya, ay hindi man lang ito natinag. Patuloy pa rin ito sa pagsasalita.“Sagutin mo ang tanong ko, Jacob!” galit na sambit nito.Kunut-noo siyang napalingon dito dahil parang kakaibang Michaela ang kaharap niya ngayon. Iba yata ang galit na pinapakita nito.“Sweetheart, ano ba ang nangyayari sa ‘yo? ano ba ang ikinagagalit mo? Bakit ka nagkakaganyan?” malumanay na tanong niya at sinubukang yakapin ito ngunit mabilis itong lumayo sa kanya.“Jacob, aya

Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status