Mataman siyang nakatitig sa babaeng nasa screen monitor. Panay din ang hagod niya sa pisngi nito gamit ang kanyang hinlalaki.
“Umica . . .” bulong niya sabay hilot sa kanyang sintido. Maraming taon na ang lumipas nang magising siya sa mula sa pagkaka-comatose. Dahil sa pinsalang natamo mahigit limang taon na ang nakalilipas ay naapektuhan ang kanyang emosyon. Mabilis mag-init ang kanyang ulo at nawawalan siya ng pasensya. Nang magising anim na buwan na ang lumipas ay pumasailalim agad siya sa isang anger management program, umiinom din ng antidepressant na gamot at dumaan sa rehabilitation ang buo niyang katawan.“Umica . . . Sh*t!” anas niya nang muling nabali ang hawak niyang pen. Pang-apat na ito ngayong araw. Kaya ay nagpasya na muna siyang magpahangin at ikalma muna ang kanyang isipan. Malayo ang kanyang tingin habang hinihithit ang mint flavor tobacco, nang bigla na lang nag-ring ang kanyang telepono.“Mom,” sabi niya at ibinaba sa ashtray ang tabacco’ng hawak.“Have you read the latest news in Folmona?” tumaas ang kanyang kilay nang marinig niya ang sinabi nito.“What news, Mom?”“It’s about Umica,” turan nito na halos nagpatigil nang tibok ng kanyang puso. Kababasa lang niya nito at isa ito sa dahilan kung bakit hindi siya makapag-focus sa trabaho.“What about her?” Tinanong pa rin niya ito kahit nararamdaman na niya kung ano ang sasabihin nito.“She’s getting married.”“I know, Mom. I just got the news from my secret investigators earlier.”“And?”“I have decided. I’m going back to Folmona. She can’t marry yet. We’re still married,” matigas niyang turan.“You’ve been missing for six years. They assume that you are dead. Did you know that your marriage nullification has been filed?”“I know. I have settled everything too. It’s safe to go home. And I’m getting her back. She can’t be with anyone else. Just me! And I also need to see Mama. I miss her so much, Mom . . .”“I know, Son. I wanted to meet her too, and I want to thank her personally. Or better yet, bring them to Foltajer’s mansion. But for now, we are greatly expanding. I can’t go back to Folmona yet. Go for what you think is right this time.”“I need to go back, Mom. I think it’s time. They’re thinking that I’m dead. And I want to know how Umica saved Ma. She must have done something so important for her to get the money for Mama’s hospitalization.”“You can get whatever you want now. Things have vastly changed. Regain the Foltajer’s might in Folmona. And make your wife proud. I’m sure that she misses you too.”“Folmona is mine from the beginning. And I still have it until now. I was hoping that Umica still loves me, just like before. ”“You are talking like your father now. I am proud of you, my Wixon. I know that he’s very proud of you. And son, remember this. If a woman deeply fell in love, it’s gonna be for eternity . . .”“ Thank you, Mom. I’ll hang up now. I love you. See you in Folmona when you get back.” Ibinaba na niya ang tawag at nilagok ang natitirang alak sa baso bago tuluyang pinatay ang tabacco na nasa ashtray. Isa sa ayaw niyang pag-usapan ay kanyang Ama. Mula nang malaman niyang namatay ito upang isalba siya ay naging masakit na ito para sa kanya. Isinalba siya nito upang mawala lang din. Dahilan kung bakit nagdusa nang husto ang kanyang Ina. At nagdusa naman sa kanyang piling si Umica. Pakiramdam niya lahat ng malapit sa kanya ay nagdurusa.‘Sisiguraduhin kong hindi na ngayon.’ Sumpa niya sa kanyang sarili.Matapos ang ilang minuto ay nakabook na ang kanyang flight pauwi. Dahil sila ang may pinakamalaking share sa Foltano airlines ay mabilis lang siyang nakakuha ng eroplano. Ginamit niya rin ang kanyang connection upang manatiling nakatago ang kanyang katauhan.Nang maayos na niya ang lahat ay agad na siyang nagtungo sa airport. Nang makasakay ay ipinilig niya ang kanyang ulo at muling tinitigan ang imahe ni Umica na nakalagay bilang screen saver ng kanyang phone.“I’m coming for you . . .” bulong niya at hinalikan pa ang nakangiti nitong imahe. Ni sa hinagap ay hindi niya naisip na iwan ito. Ngunit ang tadhana na mismo ang nagpasya at pinaglayo sila ng anim na taon.Gabi na nang makarating sa Pilipinas ang eroplanong sinakyan niya. Mula sa Manila ay biyahe na siya patungong Folmona. Aabutin pa siya ng sampung oras na biyahe dahil itinago niya ang kanyang pagbabalik. Uuwi siya bilang isang simpleng tao na nabigyan ng pagkakataong makapagtrabaho sa Folmona.Nang makarating siya sa terminal patungong Folmona ay agad na siyang sumakay sa sa jeep na na-contact ng kanyang kanang kamay. Matagal nang hinihintay ng mga ito ang kanyang pagbabalik. Habang nasa ibang bansa ay mabilis namang kumikilos ang kanyang mga galamay upang unti-unting gapangin ang business partners ng Monato. Ito ang dahilan kung bakit nakuha na niyang muli ang halos lahat ng kontrol sa Folmona, maging legal man o ilegal.“Saan po ang baba n’yo?” tanong ng Barker sa kanya.“Sa Main district po ng Folmona. Namamasukan po ako bilang driver ng mga Foltajer,” sabi niya sabay ayos sa suot niyang malaking salamin. Naka-disguise siya upang itago ang mukha niyang mukhang pinagbiyak na bunga ng kanyang Ama.“Mapalad ka at isa ka sa makakapasok sa kanilang mansyon. May mga sabi-sabi na muli raw babalik ang tyrant queen. Nag-aabang nga kami kung totoo ba o hindi. Ikaw, may alam ka ba?”“Nako po! Hindi ko rin alam. Basta nasabihan lang ako na napiling nakapasa sa mga aplikante. Mapalad lang siguro talaga ako,” turan niya. Ginagawa niya ang lahat upang umakto nang normal at simple, katulad ng ginagawa niya noon.Matapos mapuno ang jeep ay agad na itong umandar. Dalawang oras pa ang bubunuin nila sa beyahi bago makarating ng First district. Kung ikukumpara sa ibang distrito ng Folmona, ito ang pinaka masagana sa lahat. Maari na itong gawing city ngunit pinanatili lamang nilang town.Bago makapasok sa first district ay dadaan muna sa tatlong proseso bago tuluyang makapasok sa loob.Habang nasa b’yahe naman ay hindi maalis sa isip niya na nakalimutan na siya ng kanyang Asawa. At ang masaklap ay pumayag itong ipakasal sa iba. Hindi niya lubos akalain na darating ang araw na kalilimutan na siya nito. Napakasakit niyon sa kanya. Ngunit hindi niya rin ito masisisi dahil pinabayaan niya ito sa loob ng maraming taon. At sa mga panahong ’yon ay natitiyak niyang mabigat ang mga pinagdaanan nito. Ni siya ay hindi magawang isipin ang lahat na paghihirap na naranasan nito habang siya ay natutulog.“Folmona district one! Narito na tayo sa likod na pasukan!” Nang marinig niya ’yun ay agad na siyang bumaba dala ang maykalakihan niyang pack bag na itim. Sa ’di kalayuan ay natanaw niya ang isang tanggapan na ngayon ay tumatanggap na ng mga tao.“Ikaw! Ano’ng kailangan mo rito sa Folmona?” Natatawa siya sa loob niya dahil talagang hinigpitan ng mga Monato ang pagbabantay sa dalawang border. Inaabangan talaga ng mga ito ang kanyang Ina.“Foltajer? Sa Foltajer ka ba?” tanong no’ng isang bantay sa kanya.“Opo,” tipid niyang sagot dito.“Doon! Pumapasok ka sa gilid na ’yun at doon na gaganapin ang iyong processing upang makakuha ka ng identification.“Salamat po.” Alam niyang isa ang bantay na ’yun sa kasabwat ng mga inutusan niya. Nalalaman niya kung sino ang mga ito dahil sa sa black pin nitong suot na may disenyong black rose sa may gitnang parte ng pin na nakakabit sa botones ng suot nito.Nang makapasok ay agad siyang nagtungo sa isang store upang mapuntahan ang paboritong snack house nila ni Umica. Masaya siyang namimili ng mga delicacies bago tuluyang naupo sa may gilid na silya.“Seriously? Nagpapasok kayo ng pulubi rito? Pa’no kung maydala siyang microbyo?” sigaw ng isang mataray na babaeng mukhang clown.“Ayos lang na maging pulubi, Ma’am. Basta ang alam ko ay wala akong nakahahawang sakit tulad ng herpes.” Dahil sa sinabi niya ay napahagikhik ang mga tao roon. Kilala sa Folmona bilang high-end call girl ang babaeng kanyang kaharap.“Umica! Frienemy! Let’s go! Ang rumi ng lugar na ito!” Sa kanyang narinig na pangalan ay pakiramdam niya tumigil ang kanyang mundo.“Pasensya ka na , Shi. Bumili lang ako ng maraming nuts. Hahanapan na naman ako nito nina Mama at Momy ’pag uwi ko.” Mistula isang mahika sa kanyang buhay ang masilayan itong muli sa personal. Nang mapadako ang tingin nito sa kanya ay bahagyang kumunot ang noo nito, ngunit ngumiti rin ito kalaunan.“Ang ganda mo talaga, mahal ko . . .” bulong niya habang naglalaway sa maganda nitong mukha. Wala sa sariling sinariwa niya ang buhay kasama ito. Ang mga halik at yakap nitong araw-araw nilang pinagsasaluhan. Labis niyang pinipigilan ang sarili na yakapin ito. Kaya bago pa siya mawala sa sarili ay tumalikod na siya at naunang naglakad palabas ng store. Iniisip niyang hindi pa ito ang tamang panahon para magpakilala siya.“Si-Sir! Ang mga pinamili mo po!” Kilala niya ang boses nang tumatawag sa kaniya. Ang masaklap pa ay naiwan niya ang tatlong pagkain na paborito nilang dalawa. Sa pangyayaring iyon ay mas binilisan pa niya ang kanyang kilos hanggang sa makalayo na siya mula roon.Nang masigurado na niyang nakalayo na siya ay saka pa lamang siya tumigil. ’Di naman siya hinihingal sa haba ng tinakbo niya, ngunit hinihingal siya sa ’di sinasadyang pagtatagpo nila ng kanyang asawa.Kahit maraming taon na ang lumipas ay asawa pa rin niya ito. Hangga't di iyon nawawalan ng bisa ay sa kanya pa rin si Umica. ‘Your beauty is timeless, my love . . .’ Iniisip niya habang naghahanap ng maaaring kanyang matitigilan. Matapos ang ilang sandali ay tumigil na rin siya sa paglalakad at sumandal muna saglit sa isang lumang pader na nilulumot na. Dahil sa porma niyang naka-reading eyeglasses, sombrero at jacket ay ’di maipagakakailang mapagkakamalan talaga siyang masamang tao, o pulubi. Idagdag pa ang backpack niyang may punit at mumurahin. Bahagya na rin siyang umupo sa gilid upang pagpahingahin ang mga paa niya. Wala sa sariling napatingala siya sa isang lumang building. Nilulumot na rin iyon at inakyatan na ng mga vines.“Heto, kuya. Kainin mo para mas maayos kang makapag-isip.
Nang nakauwi si Umica ay agad na siyang pumasok sa kanyang silid. Wala siya sa mood at ’di na rin siya kinulit ng mga magulang niya. Nagpapasalamat naman siya dahil lagi siyang binibigyan ng space ng mga ito kahit ’di pa niya hilingin.Matapos ayusin ang sarili ay nahiga siyang naroon pa rin sa isipan niya ang lalaking kanyang nakita sa store. Mabilis siyang tumayo at kinuha sa aparador ang unan ni Wixon. Pinagmasdan niya iyon nang ilang minuto bago muling humiga sa kanyang kama. Niyakap niya iyon nang mahigpit hanggang sa nakatulog na siya.Kinabukasan ay nagising siyang nababahala pa rin at panay ang titig sa labas ng bintana. Mataas na ang sikat ng araw at ayaw pa rin niyang lumabas sa kanyang silid. Her thoughts wandered at walang sawang sinariwa ang mga alaala nila ng nawawala niyang asawa.“It’s been six years, Wixon . . . Nasaan ka na ba?” Malungkot ang kanyang mga mata hanggang sa nagsimula na iyong magtubig. Umica rarely cries. Simula nang mawala si Wixon ay lubos na siyang
Katatapos lang ni Wixon na maglibot sa kanilang mansyon. Nakakita siya ng ilang mga concerns ngunit ’di naman gaanong alarming. Nasira lang ang mood niya dahil sa mga namatay na kabayo ng kanyang ama. Wala ng laman ang kwadra matapos e-attemp ng ina niya noon na dalhin kasama nila ang mga kabayo, ngunit na-ambush ang sinakyan nito at namatay lahat. Papasok na sana siya sa kanyang silid nang tumunog ang cell phone niya. Agad niya itong kinuha at salubong ang mga kilay na tinanggap ang tawag.“Master Wixon. Nasa bus stop na po ang Madame.” His mood lightened nang narinig iyon. He wanted to see Umica. Pero alam niya na ’di pa iyon maaaring gawin. Kailangan muna niyang ilabas ang tinatago niyang mga plano. Hindi man lahat ngunit sapat upang makasama ito ulit.“And?” Although the news was good, yet he was still anticipating for more lalo’t wala siya sa kinaroroonan ng asawa upang siya mismo ang umalalay dito.“Na-pull out na po ang old busses na bumabyahe sa route ng Monato subdivision. T
Kalat na kalat sa buong distrito ng Folmona ang ginawang local press conference ng Foltajer group. Mas lalo pa itong naging mainit dahil nagpakilala na siyang bagong hahawak sa kapangyarihan ng mga Foltajer sa Folmona. Nakilala ng lahat ang kanyang pagbabalik, ngunit ’di ang kanyang mukha. Sa ngayon ay sobrang naging mainit ang mga pangyayari sa loob ng kanilang lugar. And to make his real identity safe, ang kanang kamay niya ang nagpakilala bilang Wixon Foltajer.“Kumusta ang imbitasyon para sa pagsali ng Sares clan sa Triad launching, Osmond?” Nakatingin siya sa labas ng kanyang opisina, sa harap ng isang bulletproof glass wall. Tanaw niya ang mga dumaraan doon, maging ang mga taong labis na nagsusumikap sa buhay. Ganoon din siya dati. Sinusubukan lumaban sa buhay upang magtulungan ang uliran niyang asawa—ngayon ay nanganganib mawala sa kanya nang tuluyan ’pag nagtagal pa ang sitwasyon.“Wala pa rin pong sagot, Master Wixon. Mukhang may gaganapin pa po na pagpupulong, ayun sa nakuha
Sa isang malaking ospital na pag-aari ng pamilyang Casas, ay naroon si Wixon at ang buo niyang pamilya. Nasa loob sila ng isang private suite kung saan ay nakahiga naman si Umica, ang kanyang asawa sa isang hospital bed. Nasa tabi siya nito at hindi nagsasawang pagmasdan ang maganda nitong mukha. Kahit nakapikit ito ay alam niyang ito’y umiiyak. Paminsan-minsan niyang pinupunasan ang luha nitong panaka-nakang naglalandas sa gilid ng mga mata nito. Ngayon ay nakahinga na rin siya nang maluwag dahil panatag at banayad na ang paghinga nito. Ramdam din niya ang titig ng kanyang ina at mga biyanan sa kanyang likuran, subalit ayaw muna niyang magbigay ng detalye hangga't ’di nagigising si Umica. Sa tuwing nagkakasalubong ang kanilang mga tingin ay nginingitian lamang siya ng mga ito. Na para bang eni-enjoy lamang ang kanyang presensya.Sa gitna ng kanilang katahimikan ay bigla iyong nabulabog nang tumunog ang handbag ng kanyang asawa. Dahil dito ay napunta ang atensyon nila sa hawak na bag
Makalipas ang dalawang oras matapos ang komusyon na nangyari sa loob ng silid ng kanyang asawa ay nagmulat ito ng mga mata. Ngunit panandalian lamang iyon dahil pumikit ding muli.“As I've said, Tito Pandro. Umica is perfectly fine. She needs this rest too. Ang importante ay ’di muna siya dapat ma-stress,” ani Doc. Haillie na masama pa rin ang tingin sa kanya. Pinatawag itong muli ng mga magulang niya nang gumising si Umica.“Salamat talaga, hija. Kung wala ka ay ’di ko alam kung ano ang gagawin,” wika ng Papa Pandro niya at niyakap ang asawa.“Uhm! Hija . . . Kumusta iyong bills namin? Naka-ultimatum pa rin ba?” tanong ng Mama Linda niya. Alam niyang nag-aalala ito dahil isa ang hospitalization nito noon sa nagpalaki ng utang ng kanyang asawa.“Oh . . . Mga Tita at Tito, kung sino man ang gumawa ng paraan para sa inyo ay maraming salamat sa kanya.” Kita niya ang naguguluhan na mukha ng kanyang mga magulang at tutok na tutok sa Doctora.“A-ano ang ibig mong sabihin, hija?”“The billin
Ramdam ni Wixon ang nanlalamig na mga palad ng kanyang asawa. Nasa isang latest edition luxury car sila ngayon, at papalapit na sa Casas height, isa sa pag-aari ng mga Foltajer. Isa ito sa pag-aari nila na nananatiling namamayagpag sa Folmona kahit ilang taon na ang lumipas. Isa itong five star hotel and restaurant. Tanyag na puntahan ng mga guest sa Folmona sa tuwing may malalaking pagtitipon ng mga mayayaman. Isa rin ito sa assets niya na hiniwalay sa pag-aari ng mga Foltajer, upang maiwasang madamay sa kasagsagan ng krisis noon sa kanyang pamilya. Ito ay nasa pangangalaga ni Froso at Osmond, bilang plantalya na may-ari nito hanggang sa ngayon. Basi sa kwento ng kanyang ina, ang kambal ay naiwan sa pangangalaga ng iba pa nilang mga tauhan nang namatay ang mga magulang nito noong na-ambush ang ama niya. Mula noon ay halos ibinigay na ng kambal ang buhay ng mga ito sa pamilya niya.“Ma-mahal . . . Ki-kinakabahan ako,” sabi nito na mas humigpit pa ang kapit sa kanyang braso at palad. M
“Umica, aking apo, bakit ’di mo sinabing nakalabas ka na pala mula sa Ospital? Hindi ka man lang nagpasundo sa Tito Yandro mo o ’di kaya ay sa iyong Tita Sandra. How are you feeling, hija? Baka ay masyado mong pinipwersa ang iyong sarili?” Wixon felt the urge to squeeze the old man's throat habang nakikinig sa mga pagkukunwari nito. Hawak nito ngayon ang kamay ng asawa niya. Malinaw naman niyang nakikita sa mukha ni Umica ang matinding kasiyahan. Mga ngiting may kalakip na pressure kung kanyang tawagin kahit noon pa man. He couldn't blame his wife kung bakit ganito ito. After all, his wife was raised to become a good follower sa pamilya nito. Ngunit ramdam niya sa hangin ang matinding pagkukunwari sa awra ng matandang Sares.“Lolo . . . Ayos na po ang pakiramdam ko. Pasensya na po kung ’di ako nakadalo sa last meeting sa kumpanya. Nagkaroon lamang po ako ng emergency,” anito at dahan-dahang lumingon sa likuran nito. ‘Is she going to tell them that I'm alive?’ But Umica didn't say any
Umica was now wearing an earth hue square pants with a white tops, covering it with an earth hue coat that reaches up to her knees. Her feet where covered with white pointed sandals with its three inches heels —that could barely help her cope up to her husband's shoulder level. Si Wixon naman sa kabilang banda is wearing his usual black color, but with his specially chosen outdoor garments for the day— “So beautiful, mahal” Wixon said while smiling ear to ear. Inayos niya rin ang coat ni Umica upang mas matakpan pa ang katawan nito. “Nah. ’Wag mo akong bulahin.” Umica scoffed covering her obviously flaunting blushes. “Sir, Ma'am, dito po tayo.” Umica suddenly lower her gaze nang makita kung sino ang kaharap niya. “Good day, Mr. Foltajer,” she then respectfully bowed her head even more. “N-no. Please, don’t bow at me, Ma'am. From now on, please don't do that,” ani Osmond na nahihiya pang nagkamot ng ulo. “No, Mr. Foltajer. Sobrang laki po ng tulong mo sa pamilya ko. You favore
Umica was sitting alone. Silently staring outside the terrace —not knowing that she's sulking. Maging ang sunod-sunod niyang mga buntong-hininga ay ’di niya rin pansin. Her mood was the opposite of the gorgeous scenery surrounding her.“Mahal . . . Kanina pa kita hinahanap,” ani Wixon then planted some small kisses on Umica’s hair. “May problema ba, mahal?” Napatingin si Umica sa mukha ni Wixon. Her lips opened, ngunit nagsara din naman agad. She was trying to say something. Ngunit ’di naman niya alam kung saan sisimulan. Her heart begins to question her husband's motives in coming back to her life again. She loves him. No doubts. Pero ’di pa rin niya maiwasang mainip sa paghihintay kung kelan ito mag o-open up sa kaniya. It's like they were together yet Wixon still miles away from her, iyon ang totoong nararamdaman ni Umica. Gusto man niyang umiyak ay ’di naman niya alam kung anong magiging dahilan, so Umica chose not to and wore her usual demeanor.Umica was gently smiling. “Is ever
Though the place seemed private, malinaw pa ring nakikita ng bawat isa ang kumakain sa loob, lalo pa’t wala namang division ang bawat mesa maliban na lang sa magkakalayo ang mga ito ng isang metro.“Pansin niyo ba ang iilang mga reporters sa labas?” “Yeah. Parang mayroong vip na narito ngayon.” Alam na ni Wixon kung ano ang ibig sabihin ng mga ito. ‘Ano bang ginagawa ni Euva rito? She's even accompanied with my two soldiers . . .’ Nangunot ang noo ni Wixon sapagkat wala naman itong nabanggit na paparito ito.“Ma-mahal . . . Hindi ba’t si Ms. Euva Lumanci ’yon?” bulong ni Umica sabay nakaw ng tingin sa mesang apat na metro ang layo mula sa kanila.“Yes, mahal. Siya nga.” “Ibig mong sabihin, girl ay nakilala mo na rin in person si Ms. Lumanci?” manghang tanong ni Weina. Alanganin namang ngumiti sabay iling si Umica.“Hindi naman ganoon. Invited kasi kami sa Triad Launching noon, so doon ko nakita sina Ms. Lumanci, Mr. Foltajer at Mr. Casas.” “Super ka talaga, girl. Pwede mo ba kaming
Bitbit ang isang second class na pulang bag ay nawiwili na pinagmamasdan ni Wixon ang asawang si Umica. Napapangiti siya sa galaw nitong excited habang namimili ng mga damit. But Wixon clearly knows na para sa dalawa nilang Ina ang mga hawak na nito. Masaya man ay may bahid pa rin ng lungkot ang kaniyang mga ngiti. Sapagkat habang tumatagal ay nararamdaman niyang parang ngayon na lamang nakapag-shopping sa isang mamahaling boutique ang asawa niya. That it was like his wife had been deprived.Nasa loob sila ngayon sa isa sa notadong mamahaling boutique ng Folmona. Siya man ay nakikita kung bakit ganun na lamang kamahal ang mga binebenta at naka-display sa loob ng establisyemento. The place holds its name firmly. Maging ang street na kinatitirikan ng building ay known for its first class buildings. The land was owned by him and the other two parties.“Mahal, is it really okay na mamili tayo rito? I mean . . . Just look at the price tag. . .” bulong nito sabay umang ng isang skyblue na e
His eyes were firmly closed while the elevator was moving upward. Samu’t saring emosyon ang kaniyang nararamdaman but nothing is more prominent than his shaken heart. ‘F*ck! Pull yourself together, Froso! Act like a man!’ singhal niya sa kaniyang isipan. Hindi niya mawari kung bakit siya nininerbiyos. ‘Acting like a st*pid virgin . . . Just hurry and get over it the soonest!’ ‘Ding!’“Sh*t!” bulong niya sabay ayos ng kaniyang long-sleeve at hinimas ang itim niyang piercing. Froso stepped out from the elevator and walked with his powerful steps. His long legs strode gracefully, emitting a powerful gesture with his poker face.“Take a seat, Mr. Vancia.” Halos takasan siya ng dugo sa katawan dahil sa bulong na iyon.“You could have at least talk to me decently,” aniya sabay upo sa inialok nitong upuan. He then subconsciously fixes his choker-designed suit.“This is decent . . .” His body flinched nang muli itong bumulong sa puno ng kaniyang tenga.“F*ck!”“What a l*wd mouth, Mr. Vancia.
Sa pagsisimula ng pagpupulong ay nakamasid lamang si Froso sa buong paligid, lalo na sa gawi ng iba’t ibang lider na nakapalibot sa bilog na misa. Mabilis din ang mga mata niya sa pagsusuri ng bawat bantay sa likuran ng mga ito. Bawat lider ay may pahintulot na magdala ng isang bantay. Although he was aware na walang gagawa ng masama, lalo’t narito ang bawat lider to flatter Mr. Cloud, ay hindi pa rin niya ramdam na magpka-kampanti. Especially when it involved his master's safety.Sa isang banda ay napapahilot din siya sa kaniyang sentido dahil sa nagawa niyang katangahan. Na kung ’di pa siya bahagyang siniko ng kakambal niya ay ’di niya maiisipang umupo sa tabi nito. Kaya ang naging siste ay ang boss nilang si Wixon ang nakatayo ngayon sa likuran ng silyang kinauupuan nila ni Osmond—acting like their loyal dog. ‘I hate that pervert! Kung ’di lang siya nakaw ng nakaw ng tingin, ’di sana ako mawawala sa konsentrasyon kanina. . .’ As one of the shareholders ay may spot siya sa misa. Ngu
Maaga siyang lumabas sa Foltajer mountain upang makipag-meeting. Nakapagpaalam man siya sa mga magulang niya, ngunit ’di sa kaniyang asawa. Kahit gusto man niyang samahan ang natutulog pa rin na asawa ay ’di maaari sapagkat para din dito ang gagawin niya. Wixon was hesitant about leaving his wife after seeing its state. Wala sa sariling nahilot niya ang kaniyang sentido nang maalala ang puro kiss mark at pasa na katawan nito. He was taken over by his heat at dinaig pa niya ang hayop sa kaniyang nagawa rito. Malinaw niyang naaalala na ’si niya ito nilubayan hangga’t hindi nahimatay. Mariin pa siyang napapikit dahil chineck pa kiya kung bakit ito nawalan ng imik bigla. Tinampal niya ang kaniyang noo because he was embarassed of himself.“Master Wixon, may problema po ba?” tanong ni Froso habang humihigpit ang hawak sa manobela. Nasa daan na sila tungo sa kinalalagyan ng sasakyan na gagamitin nila outside the Foltajer vicinity.“No. I hope so,” sagot ni Wixon habang binubuksan at binabas
Wala sa sariling naisiksik ni Froso ang sarili sa may misa. Tumingin siya sa kaniyang likuran to look for some space para makaalis siya. Kaya laking ginhawa niya nang makakita siya ng perfect spot para ipagtanggol ang sarili niya. He can even see his hidden gun for emergency purposes. At that moment, alam niyang nakikita rin sila ng mga shadow guards.“Ah! Wha-what the h*ll are you doing, Mr. Cloud? Get off me or I wi—” Bilog na bilog ang kaniyang mga mata nang maramdaman ang isang malambot na bagay na lumapat sa mga labi niya. Pakiwari niya ay naninigas ang katawan niya at ’di siya makagalaw. Nakakulong pa rin siya sa bisig nito habang nakadagan ang buong bigat nito sa kaniya. Froso got the urge to close his eyes nang maramdaman na mas naging malikot ang dila nito sa loob ng kaniyang bibig. ‘I had kissed countless girls before . . . So, how come this kiss feels so good?’ Nais man niyang sawayin ang sarili ay mas nababaliw siya sa dulot na sensasyon ng halik nito. He didn't even notic
Nakatanaw si Froso sa harap ng full-glass window sa kaniyang opisina. Madilim man sa labas ay sin-liwanag naman ng mga ilaw sa poste ang kaniyang mood.Matapos namumulsang nakatayo ay marahan siyang umupo sa couch, habang naroon pa rin ang ngiting ’di mapigil.“What does that woman take me for? Haha!” Marahan niyang kinuha ang wineglass na nasa ibabaw ng table. Bahagya siyang sumimsim sabay balik niyon. Naglalaro pa rin sa kaniyang isipan ang ulat ng sekretarya niya. Mrs. Sandra Sares Mondrian is asking for a meeting with him. Nais nitong ibalik niya ang nabiling Lemniscate shares, bilang bayad utang sa anak nitong si Piet Mondrian.“How pathetic! Haha!” Isa rin sa nagpapaganda ng mood niya ay ang pangyayari na nadala na rin ng kaniyang boss ang buong pamilya nito sa Foltajer mountain. Although pumalpak siya earlier, naagapan din naman iyon agad. Kaya ang gabing ito ay inilaan niya sa isang selebrasyon.Nang naubos niya ang laman ng wineglass ay muli siyang nagsalin doon.“Oh, come on