Matapos palayasin sa mansyon ay naglakad siya sa pribadong kalsada ng pangalawang pinakamataas na subdivision sa Folmona. Paulit-ulit na itong nangyayari sa kanya subalit paulit-ulit din niyang iniintindi para sa kapakanan ng kanyang asawa. Sa ngayon ay wala siyang ibang magagawa kung hindi ang magtiis muna sa masamang ugali ng angkan nito. Inaaliw na lang niya ang sarili habang nakatingin sa naglalakihan at naggagandahang mga mansyon sa Monato subdivision. Pangarap niya noon pa man na bilhan si Umica ng mansyon. Hindi sa Monato subdivision, kung hindi sa pinakamayamang subdivision sa Folmona, ang Foltajer mountain. Doon ay nakatayo ang mga first class mansyon at nasa state of the art ang seguridad sa loob ng mga naninirahan doon. Hindi basta-basta ang halaga ng isa sa mansyon doon, kaya alam niyang hanggang panaginip at pangarap na lang muna siya ngayon. Lagi niyang sinasabi sa kanyang sarili na kung mangangarap man siya ay sasagarin na lang niya.
Hawak-hawak niya ang kanyang bisikleta at nagpasyang hindi na muna ito sakyan. Nagbabaka sakaling may mabundol na suwerte sa kanya. Milagro kumbaga.Sa bawat posteng kanyang madaanan ay hindi niya mapigilang ikumpara ang sarili niya sa mga ito.“Mabuti pa kayo may silbi. Ako, ewan ko kung hanggang saan kayang magtiis ni Umica sa katulad kong hindi siya kayang bigyan ng magandang buhay . . . Hanggang yuko na lamang ako sa bawat pagsubok na dumating sa kanyang buhay, lalo na sa pera . . .” bulong niya at mapait na ngumiti. Alam niyang malala na ang insecurities na kanyang nararamdaman. Subalit wala siyang magagawa dahil totoo naman ang kanyang mga iniisip sa sarili niya. Sa bawat araw na dumaraan ay parang nilalamon rin siya ng mapanlait na mga boses ng mga kamag-anak ng asawa niya.Upang bahagyang mapanatag ang kanyang kalooban ay ninamnam muna niya ang katahimikan ng gabi at nagpakawala nang mabigat na buntong hininga. Sa bawat buga na kanyang ginawa ay tila mas lalong bumibigat ang kanyang pakiramdam, dahilan upang malalim siyang napaisip.“Hindi ko na alam kung ano ang aking gagawin upang matulungan kita, Umica. Labis na akong nahihiya at nalulungkot dahil nahihirapan ka . . .” bulong niya sabay park ng kanyang bisikleta sa gilid nang makarating siya sa park ng subdivision. Ngunit kalaunan ay napagpasyahan niya ring dalhin ito sa loob. Nakita siya ng mga nagbabantay doon, ngunit kinamayan lamang siya ng mga ito at kumaway lang din siya. Malaya siyang nakapasok sa loob dahil kilala niya ang mga nagbabantay. Sa tagal niyang nanirahan sa mansyon ng matandang Sares ay halos nakilala na niya ang mga trabahador sa Monato subdivision.Ilang sandali pa ay narating na niya ang isa sa paborito niyang spot sa park. Matagal na niyang gustong dalhin doon si Umica. Hindi nga lang niya magawa dahil pinagbawalan siya ng Lolo nito na lumapit sa dalaga kapag nasa labas sila ng bahay. Hindi siya maaring maglambing dito sa harap ng mga tao. Itinarak ng matanda sa puso at isipan niyang isa lamang siyang surot na na-inlove sa isang purong Diyosa.Marahan siyang naupo sa isang bench na nakalagay sa ilalim ng puno. Mula doon ay malaya niyang pinagmamasdan ang makinang na mga bituin sa langit. Sinariwa ng kanyang diwa ang bawat araw at mapapait na mga pangyayari sa buhay ng kanyang asawa simula ng pinili siya nitong mahalin. Alam niyang langit at lupa ang pagitan nilang dalawa. Subalit hindi iyon naging hadlang upang piliin siya nito. Sa bawat araw sa kanilang pagsasama bilang mag-asawa ay ni minsan, hindi nito pinaramdam sa kanya na matindi ang kanyang pagkukulang bilang lalaki. Mabigat ang pinapasan nito at dumagdag pa siya, ’yun ang labis na nagpapalungkot sa kanya. Mas lalo pa siyang dinudurog dahil mahal din siya ng mga magulang nito.“Kung mas malakas lang sana ako at makapangyarihan . . . Sana isinilang akong mas maykakayahan. Hindi naman mayaman ang iniisip ko. Nais ko lang maging kapakipakinabang para sa ’yo, mahal ko.” Hindi niya alam kung gaano siya katagal na nakatingala. Basta ang alam niya ay unti-unti na siyang humihiga sa bench habang hinihila ng matinding pagod at pagkadismaya.“Bro . . . Wixon . . . Wixon . . .”“Uhmmm . . .”“Bro, umuwi ka na. Nakatulog ka na rito sa park.” Isang marahan na tapik sa kanyang braso ang mabilis na nagpabalik sa diwa niya sa mundo.“Ha? Nako! Pasensya ka na, bro. Nakatulog ako nang hindi ko namamalayan.”“Oo nga. Inaabangan kitang lumabas kanina pa. Nagtataka na ako kaya ay pinuntahan na kita rito.” Napapakamot siya ng kanyang ulo sa sinabi nito.“Nako! Patay!” Agad siyang napatayo nang makita ang oras sa mumurahin niyang relo.“Oo. Alas-kwatro na nang umaga,” turan nito dahilan upang alanganin siyang ngumiti. “Sige, bro. Pasensya ka na. Magpapaalam na rin ako. Kailangan ko pang tawagan si Umica. Nag-aalala na ’yun sa akin pati sina Mama’t Papa.” Mabilis ang kanyang mga kilos na sumampa sa kanyang bisikleta at nagmamadaling pumadyak palabas ng park upang habulin ang kanyang oras. Ngunit, bago tuluyang umalis ay kinuha muna niya ang kanyang telepono.“Umica, mahal ko.”“Wixon!” Bahagya niyang nailayo ang kanyang telepono sa tenga dahil sa biglang pagsigaw nito na may kalakip pang hikbi. Hindi na niya kailangan maghintay dahil nakaabang na ito sa kanyang tawag.“Pa-pasensya ka na, mahal. Dumaan ako sa Monato park, kaso hindi ko namalayan na nakatulog ako. Pasensya na talaga, pati na rin kina Papa at Mama.”“Pinag-alala mo ako nang husto . . .” bulong nito sa kabilang linya at talagang humagulgol na.“Akala ko umalis ka dahil nagalit ka sa sinabi ni Lolo at ginawa ni uncle at ng mga kamag-anak ko.”“Mahal kita, Umica. Ang maramdaman lang na mahal mo ako ay sapat na iyon sa akin. Handa akong tanggapin ang lahat ng masasakit na salita, at mga pisikal na pananakit. Ang hindi ko lang gusto ay pati ikaw pagtawanan din nila at pagkakatuwaan.”“Umuwi ka na, mahal. Hihintayin kita rito sa bahay.”“Hindi ka ba pumasok sa Opisina mo ngayon?” nagtatakang tanong niya rito. Alam niyang masyadong estrikto sa trabaho ang Asawa niya. At hindi ito basta-bastang lumiliban.“Wala ring silbi kung pumasok ako. Lumilipad ang aking isipan sa kakaisip kung napano ka na. Lalo’t hindi ka rin tumatawag.”“Pasensya ka na talaga, mahal. Sige, uuwi na ako. Ngunit, dadaan lang ako saglit sa pampublikong pamilihan. Narito na ako kaya di diretso na lang ako roon.”“Si-sige. Mag-ingat ka, Wixon . . . Mahal kita . . .” sabi nito sa kabilang linya bago nito tuluyang pinatay ang telepono.Dahil sa tawag na ’yon ay gumaan muli ang kanyang pakiramdam. Masaya siyang pumadyak hanggang makarating sa pamilihan. Labing-anim din na minuto bago siya nakarating doon, subalit hindi siya nakaramdam ng pagod dahil labis ang kanyang kasiyahan. Ginugol pa niya ang sampung minuto sa pamimili bago tuluyang nagpasya na umuwi na. Gamit ang basket na nakalagay sa harapan ng kanyang bisikleta ay maayos niyang nadala ang mga pinamili at banayad din ang kanyang pag padyak. Nakangiti pa siya habang inaalala ang kanyang asawa nang nakarinig siya ng sunod-sunod na mga putok. Dahil doon ay labis siyang naalarma at nagmamadaling pumadyak upang mabilis na makauwi. Ngunit, ang hindi niya inaasahan ay nakita niya ang isang ginang na binabaril, habang nagtatago ito sa likod ng isang mamahaling sasakyan nang liliko na sana siya sa short cut na palagi niyang dinadaanan matapos mamalengke.“I-ilag po!” sigaw niya at nagmamadaling bumaba sa kanyang bisikleta. Natumba pa ito dahilan upang magkalat ang kanyang mga pinamili. Ilang sandali pa ay nagtuloy-tuloy na ang putukan.“Ayos lang po ba kayo?” tanong niya sa Ginang habang tinatakpan ang sugat nito sa braso.“Wa-Walter . . .” bulong nito habang matamang nakatitig sa kanyang mukha. Pumatak pa ang luha nito at nakikita niya ang matinding kagalakan sa maganda nitong mga mata.“A-ayos lang po ba kayo?” Muling tanong niya rito.“Ayos lang ako, hijo. Salamat sa iyong pagtulak sa ’kin. Baka kung saan na tumama ang balang ’yun kung hindi mo ako nasagip,” turan nito na parang normal lang para dito ang natamong tama ng baril. Nagtataka pa rin siya dahil panay ang titig nito sa kanya.“Baka po ilang saglit lang at narito na rin ang mga pulis.” Laking pagtataka niya nang pagak itong tumawa. Pinahid nito ang luha at hinila siya pagilid.“You can’t count on them this time, hijo. Sa ngayon ay nasa pamilyang Monato ang kanilang loyalty. Walang ibang magsasalba sa ’tin kung hindi ’yung meron lang tayo,” wika nito at muling ikinasa ang hawak na baril matapos punitin ang suot nitong damit at tinali sa sugat nito.“Baka po mas lalong dumugo ang iyong sugat, Madam ’pag naglikot kayo,” nag-aalala niyang turan dito.“Malayong-malayo ito sa bituka, hijo. Ngayon na tinulungan mo ako ay malaki ang posibilidad na madamay ka. Kaya riyan ka muna sa likuran ko, at magtago ka. Ngunit, bago ang lahat. May itatanong lamang ako sa ’yo. Mayroon ka bang balat na hugis mapa sa iyong dibdib?” Halos lumuwa ang kanyang mga mata sa tanong nito. Tanging kanyang Ina, Ama at si Umica lamang ang nakakaalam ng balat niyon.“Saan— Ilag!” Kung kanina ay naririnig lamang niya ang palitan ng mga putok sa bawat sasakyan at sa sasakyan na kanilang pinagtataguan, ngayon ay lantaran na niya itong naramdaman mismo sa kanyang katawan. Dilat ang kanyang mga mata habang pinapakiramdaman ang sarili. Napapaigik siya dahil ngayon lamang niya naramdaman ang matinding sakit dahilan upang unti-unting namanhid ang kanyang katawan. Saglit pa siyang nakatayo hanggang natumba na siya dahil hindi na niya kayang suportahan ang sariling bigat.“Madam! Ayos lang po ba kayo? May sugat ang Donya! Madali! Kilos!”“Ayos lamang ako. Ang batang ito ang tulungan ninyo. Magmadali kayo, gawin ninyo ang lahat upang mabilis siyang makarating sa hospital nang ligtas at humihinga. Pakiusap! Unahin ninyo siya. Sasabay ako sa inyo sa Hospital.” Napangiti siya nang marinig niya ang mga katagang iyon. Isa lamang ang ibig sabihin nito. Dumating na ang backup ng Ginang. Nagpapasalamat din siya dahil kahit papano, isa ito sa mga taong pinahalagahan ang buhay niya. Iyon na lamang ang huli niyang narinig matapos maramdaman na tila ay napuputol na ang kanyang paghinga. Pakiwari niya ay nasa ilalim siya ng tubig at nalulunod dahil walang kahit na anong hangin ang pumapasok sa sistema niya.“U-Umi-Umica . . .” Pumikit ang kanyang mga mata at naglandas ang kanyang mga luha. Ngayon lamang niya naisip ang naging kapalit ng kanyang ginawa. Nagdurugo ang kanyang puso sa isiping mawawala na siya sa mundo na hindi man lang niya natulungan ang kanyang butihing asawa. Sa huling pagkakataon ay iniwan niya sa lugar ang mapait niyang mga luha, nagkalat na mga pinamili at ang nasira niyang bisikleta.‘Kung bibigyan ako ng pagkakataon na mabuhay pa. Babalik ako, mahal ko at sa araw na ’yun ay sila naman ang hihingi ng tulong sa ’tin . . .’Mataman siyang nakatitig sa babaeng nasa screen monitor. Panay din ang hagod niya sa pisngi nito gamit ang kanyang hinlalaki.“Umica . . .” bulong niya sabay hilot sa kanyang sintido. Maraming taon na ang lumipas nang magising siya sa mula sa pagkaka-comatose. Dahil sa pinsalang natamo mahigit limang taon na ang nakalilipas ay naapektuhan ang kanyang emosyon. Mabilis mag-init ang kanyang ulo at nawawalan siya ng pasensya. Nang magising anim na buwan na ang lumipas ay pumasailalim agad siya sa isang anger management program, umiinom din ng antidepressant na gamot at dumaan sa rehabilitation ang buo niyang katawan.“Umica . . . Sh*t!” anas niya nang muling nabali ang hawak niyang pen. Pang-apat na ito ngayong araw. Kaya ay nagpasya na muna siyang magpahangin at ikalma muna ang kanyang isipan. Malayo ang kanyang tingin habang hinihithit ang mint flavor tobacco, nang bigla na lang nag-ring ang kanyang telepono.“Mom,” sabi niya at ibinaba sa ashtray ang tabacco’ng hawak.“Have you read th
Nang masigurado na niyang nakalayo na siya ay saka pa lamang siya tumigil. ’Di naman siya hinihingal sa haba ng tinakbo niya, ngunit hinihingal siya sa ’di sinasadyang pagtatagpo nila ng kanyang asawa.Kahit maraming taon na ang lumipas ay asawa pa rin niya ito. Hangga't di iyon nawawalan ng bisa ay sa kanya pa rin si Umica. ‘Your beauty is timeless, my love . . .’ Iniisip niya habang naghahanap ng maaaring kanyang matitigilan. Matapos ang ilang sandali ay tumigil na rin siya sa paglalakad at sumandal muna saglit sa isang lumang pader na nilulumot na. Dahil sa porma niyang naka-reading eyeglasses, sombrero at jacket ay ’di maipagakakailang mapagkakamalan talaga siyang masamang tao, o pulubi. Idagdag pa ang backpack niyang may punit at mumurahin. Bahagya na rin siyang umupo sa gilid upang pagpahingahin ang mga paa niya. Wala sa sariling napatingala siya sa isang lumang building. Nilulumot na rin iyon at inakyatan na ng mga vines.“Heto, kuya. Kainin mo para mas maayos kang makapag-isip.
Nang nakauwi si Umica ay agad na siyang pumasok sa kanyang silid. Wala siya sa mood at ’di na rin siya kinulit ng mga magulang niya. Nagpapasalamat naman siya dahil lagi siyang binibigyan ng space ng mga ito kahit ’di pa niya hilingin.Matapos ayusin ang sarili ay nahiga siyang naroon pa rin sa isipan niya ang lalaking kanyang nakita sa store. Mabilis siyang tumayo at kinuha sa aparador ang unan ni Wixon. Pinagmasdan niya iyon nang ilang minuto bago muling humiga sa kanyang kama. Niyakap niya iyon nang mahigpit hanggang sa nakatulog na siya.Kinabukasan ay nagising siyang nababahala pa rin at panay ang titig sa labas ng bintana. Mataas na ang sikat ng araw at ayaw pa rin niyang lumabas sa kanyang silid. Her thoughts wandered at walang sawang sinariwa ang mga alaala nila ng nawawala niyang asawa.“It’s been six years, Wixon . . . Nasaan ka na ba?” Malungkot ang kanyang mga mata hanggang sa nagsimula na iyong magtubig. Umica rarely cries. Simula nang mawala si Wixon ay lubos na siyang
Katatapos lang ni Wixon na maglibot sa kanilang mansyon. Nakakita siya ng ilang mga concerns ngunit ’di naman gaanong alarming. Nasira lang ang mood niya dahil sa mga namatay na kabayo ng kanyang ama. Wala ng laman ang kwadra matapos e-attemp ng ina niya noon na dalhin kasama nila ang mga kabayo, ngunit na-ambush ang sinakyan nito at namatay lahat. Papasok na sana siya sa kanyang silid nang tumunog ang cell phone niya. Agad niya itong kinuha at salubong ang mga kilay na tinanggap ang tawag.“Master Wixon. Nasa bus stop na po ang Madame.” His mood lightened nang narinig iyon. He wanted to see Umica. Pero alam niya na ’di pa iyon maaaring gawin. Kailangan muna niyang ilabas ang tinatago niyang mga plano. Hindi man lahat ngunit sapat upang makasama ito ulit.“And?” Although the news was good, yet he was still anticipating for more lalo’t wala siya sa kinaroroonan ng asawa upang siya mismo ang umalalay dito.“Na-pull out na po ang old busses na bumabyahe sa route ng Monato subdivision. T
Kalat na kalat sa buong distrito ng Folmona ang ginawang local press conference ng Foltajer group. Mas lalo pa itong naging mainit dahil nagpakilala na siyang bagong hahawak sa kapangyarihan ng mga Foltajer sa Folmona. Nakilala ng lahat ang kanyang pagbabalik, ngunit ’di ang kanyang mukha. Sa ngayon ay sobrang naging mainit ang mga pangyayari sa loob ng kanilang lugar. And to make his real identity safe, ang kanang kamay niya ang nagpakilala bilang Wixon Foltajer.“Kumusta ang imbitasyon para sa pagsali ng Sares clan sa Triad launching, Osmond?” Nakatingin siya sa labas ng kanyang opisina, sa harap ng isang bulletproof glass wall. Tanaw niya ang mga dumaraan doon, maging ang mga taong labis na nagsusumikap sa buhay. Ganoon din siya dati. Sinusubukan lumaban sa buhay upang magtulungan ang uliran niyang asawa—ngayon ay nanganganib mawala sa kanya nang tuluyan ’pag nagtagal pa ang sitwasyon.“Wala pa rin pong sagot, Master Wixon. Mukhang may gaganapin pa po na pagpupulong, ayun sa nakuha
Sa isang malaking ospital na pag-aari ng pamilyang Casas, ay naroon si Wixon at ang buo niyang pamilya. Nasa loob sila ng isang private suite kung saan ay nakahiga naman si Umica, ang kanyang asawa sa isang hospital bed. Nasa tabi siya nito at hindi nagsasawang pagmasdan ang maganda nitong mukha. Kahit nakapikit ito ay alam niyang ito’y umiiyak. Paminsan-minsan niyang pinupunasan ang luha nitong panaka-nakang naglalandas sa gilid ng mga mata nito. Ngayon ay nakahinga na rin siya nang maluwag dahil panatag at banayad na ang paghinga nito. Ramdam din niya ang titig ng kanyang ina at mga biyanan sa kanyang likuran, subalit ayaw muna niyang magbigay ng detalye hangga't ’di nagigising si Umica. Sa tuwing nagkakasalubong ang kanilang mga tingin ay nginingitian lamang siya ng mga ito. Na para bang eni-enjoy lamang ang kanyang presensya.Sa gitna ng kanilang katahimikan ay bigla iyong nabulabog nang tumunog ang handbag ng kanyang asawa. Dahil dito ay napunta ang atensyon nila sa hawak na bag
Makalipas ang dalawang oras matapos ang komusyon na nangyari sa loob ng silid ng kanyang asawa ay nagmulat ito ng mga mata. Ngunit panandalian lamang iyon dahil pumikit ding muli.“As I've said, Tito Pandro. Umica is perfectly fine. She needs this rest too. Ang importante ay ’di muna siya dapat ma-stress,” ani Doc. Haillie na masama pa rin ang tingin sa kanya. Pinatawag itong muli ng mga magulang niya nang gumising si Umica.“Salamat talaga, hija. Kung wala ka ay ’di ko alam kung ano ang gagawin,” wika ng Papa Pandro niya at niyakap ang asawa.“Uhm! Hija . . . Kumusta iyong bills namin? Naka-ultimatum pa rin ba?” tanong ng Mama Linda niya. Alam niyang nag-aalala ito dahil isa ang hospitalization nito noon sa nagpalaki ng utang ng kanyang asawa.“Oh . . . Mga Tita at Tito, kung sino man ang gumawa ng paraan para sa inyo ay maraming salamat sa kanya.” Kita niya ang naguguluhan na mukha ng kanyang mga magulang at tutok na tutok sa Doctora.“A-ano ang ibig mong sabihin, hija?”“The billin
Ramdam ni Wixon ang nanlalamig na mga palad ng kanyang asawa. Nasa isang latest edition luxury car sila ngayon, at papalapit na sa Casas height, isa sa pag-aari ng mga Foltajer. Isa ito sa pag-aari nila na nananatiling namamayagpag sa Folmona kahit ilang taon na ang lumipas. Isa itong five star hotel and restaurant. Tanyag na puntahan ng mga guest sa Folmona sa tuwing may malalaking pagtitipon ng mga mayayaman. Isa rin ito sa assets niya na hiniwalay sa pag-aari ng mga Foltajer, upang maiwasang madamay sa kasagsagan ng krisis noon sa kanyang pamilya. Ito ay nasa pangangalaga ni Froso at Osmond, bilang plantalya na may-ari nito hanggang sa ngayon. Basi sa kwento ng kanyang ina, ang kambal ay naiwan sa pangangalaga ng iba pa nilang mga tauhan nang namatay ang mga magulang nito noong na-ambush ang ama niya. Mula noon ay halos ibinigay na ng kambal ang buhay ng mga ito sa pamilya niya.“Ma-mahal . . . Ki-kinakabahan ako,” sabi nito na mas humigpit pa ang kapit sa kanyang braso at palad. M
Alas tres na ng hapon nang muling makabalik sina Sheila at Linda sa Foltajer mountain—kasama ang tatlo nilang close-in guards na huli na nang sila ay mabantayan. Nang makauwi sa lugar ay agad silang dumeretsyo sa klinika—exclusive para sa nagmamay-ari ng Foltajer main mansion. “Mahal, nasaan sina mama at mami?” tanong ni Wixon. Kapapasok lamang niya sa loob ng klinika. Galing siya sa airport upang sunduin ang kaniyang ina nang makatanggap siya ng tawag na isinugod sa clinic ang dalawa. Mayroong mga guards sa labas ng clinic —mga closed in security ni Umica. So Wixon assumed na nasa loob nga ng clinic si Umica. “Anak.” “Hijo,” sabay na sambit nina Sheila at Linda. Tipid na ngumiti si Sheila na ngayon ay nakatingin kay Linda. Sa sulok naman na bahagi ng isa sa mga upuan ng klinika ay tanaw ni Wixon si Umica. ‘Parang mas madilim yata ang hitsura ng magandang mukha ng asawa ko kung ikukumpara noong isang araw. Hindi ko naman siya masisisi lalo pa’t nagpatong-patong na ’tong mga kasal
Dama ang tensyon sa loob ng Whispering willow boutique. Ngunit naiiba ang awra na ipinakikita nina Sheila at Linda habang nakikiramdam at nakatingin sa nagulantang na pagmumukha ni Sandra.“W-what do you mean by seven hundred twenty thousand pesos? Are you kidding me?” asik ni Sandra sabay hablot sa damit na hawak-hawak pa rin ng kaniyang kaibigan na si Enis. Wala ng nagawa si Enis kundi ang bitawan ang damit para hindi ito masira.“Bakit, Sandra? May problema ba sa presyo ng damit?” asked Sheila innocently. Pinisil pa niya ang kamay ni Linda dahil pinipigilan siya nito at sinasabihang ’wag na lamang niyang patulan si Sandra.“You shut up! This dress isn't worth the price. This place is not even a designer boutique. Heh! I bet this dress is fake!” Nanlilisik ang mga mata habang tinitingnan ni Sandra ang sales assistant na si Amy. Mukha itong nagwawalang Leon at nawala ang mayayamaning tindig.“Hindi po, Ma'am. May mga selected items po kami ng mga designer brands. Though kaunti lang p
LUMIPAS ang dalawa pang araw at ngayon na ang nakatakdang pagdating ng tyrant Queen —ang ina ni Wixon na si Amarina Casas Foltajer sa Folmona.“Sheila, tiyak ka ba rito na dito tayo mamimili ng damit?” kinakabahan na turan ni Linda.“Aba’y dito ang sabi ni Umica. Sabi kong ’wag ng bumili lalo’t kapos na sa oras. Saka may mga damit naman tayong pwede ng gamitin sa mga pormal na even. Eh nagpumilit pa talaga. Ika niya ay mamayang gabi pa naman daw kaya ay mahaba pa ang oras natin para pumili ng damit.” Hinawakan ni Sheila ang kamay ni Linda. Kung ikukumpara ang dalawa, mas sanay si Sheila nang bahagya sa pamimili ng damit sa ganitong mga establishments dahil kay Umica na rin. Napatingin si Sheila sa kamay ni Linda. “Kinakabahan ka ba, Linda?”“Sino ba namang hindi. Alam mo naman na bahay, palengke at sa restaurant lang naman ang punta ko lagi. Hindi naman ako nahilig mag-mall,” ani Linda na may alanganing ngiti.“Sinabi mo pa. Pero hayaan mo na’t narito na lang tayo. Saka para naman di
Sa loob ng Sares mansion in Monato subdivision ay nakaupo sa isang couch sina Sandra at Yandro habang nag-uusap.Makalipas ang dalawang araw mula ng pumalpak ang plano nina Disandro at Sandra na pagbawi sa Lemniscate share—during the meeting in Lemniscate capital ay nagbago rin ang lahat ng pamamalakad sa loob ng Sares clan.“Sandra, no matter what you do, alam kong hindi na magbabago pa ang pasya ni Kuya Disandro.” Wala sa sariling napatingin si Yandro sa bukas na bintana, kung saan bahagyang sinasayaw ng hangin ang makapal na kurtina. “We have no choice right now. And even if Papa is around, we still know kung sino pa rin ang pakikinggan niya. He always clings to the powerful. Kung wala kang silbi ay iiwanan ka niya.”“Ju-just like that? Hindi ka man lang ba magtatanong kung saan dinala ni Kuya Disandro si Papa? I-i’m honestly worried though. Comatose pa ang Papa . . .” bulong ni Sandra na ngayon ay nakaupo sa couch habang mugto pa rin ang mga mata. “Kahit pa ganun ang ginawa ni Pap
Nang namatay na ang makina ng chopper ay agad na bumaba si Umica. Dahil may mga nakaabang na tauhan nila sa ibaba ay iminuwestra na lamang ni Umica ang kaniyang kamay at agad ng may umalalay sa kaniyang paghakbang.“Ma-mahal, wait! Wait, Umica! Baby!” sigaw ni Wixon at mabilis na hinawakan ang kamay ni Umica. Wixon could feel na nanginginig pa ang kamay ni Umica. Wixon was sure na ’di iyon dahil sa nerbyos, kundi dahil pa rin sa inis.“Let go, Wixon!” Tumingala si Umica at matalim na tinitigan si Wixon. Wixon tried to look Umica in the eyes, ngunit natalo rin siya sa huli.“I-I’m sorry at nagsinungaling ako sa ’yo, mahal,” nakayukong turan ni Wixon sabay marahan na paghihimas sa kamay ni Umica. Wixon felt how smooth and alluring Umica’s hand is.“Okay. So let my hand go.” Hinablot ni Umica ang kamay niya at muling naglakad nang mabilis. Si Wixon naman ay parang tuta na sumusunod sa likuran ng asawa niya.Hanggang sa nakapasok na silang dalawa sa loob ng mansyon. Halos lahat ng mga tau
Hinimas naman ni Wixon ang nangungunot na noo ni Umica. ‘I guess hindi ko na talaga ’to maipagpapaliban pa.’ Huminga nang malalim si Wixon at hinawakan ang dalawang kamay ni Umica. ‘This is the right time.’ “I’m waiting, mahal. Please . . . no more lies,” anitong tunog nagmamakaawa. “Kung ayaw mong mawala ang tiwala ko sa ’yo, please do something about my doubts towards you. Nawawala ang peace of mind ko dahil sa kung ano-ano na ang mga pumapasok sa aking utak.” Napasinghap naman si Wixon nang dalhin ni Umica sa labi nito ang kanan niyang kamay. Umica’s whole facial expressions were begging him to be truthful. Malungkot na ngumiti si Wixon dahil ramdam niya ang matinding frustration ni Umica. “I owned the Foltajer mountain.” Kita ni Wixon kung paano nanlaki ang mga mata ni Umica—hanggang sa nangunot ang noo nito. Ilang sandali pa ay galit at annoyance na ang malinaw niyang nababanaag sa maganda nitong mukha.“I said be truthful. Maiintindihan ko naman kung sabihin mong may-crush sa
Umica was now wearing an earth hue square pants with a white tops, covering it with an earth hue coat that reaches up to her knees. Her feet where covered with white pointed sandals with its three inches heels —that could barely help her cope up to her husband's shoulder level. Si Wixon naman sa kabilang banda is wearing his usual black color, but with his specially chosen outdoor garments for the day— “So beautiful, mahal” Wixon said while smiling ear to ear. Inayos niya rin ang coat ni Umica upang mas matakpan pa ang katawan nito. “Nah. ’Wag mo akong bulahin.” Umica scoffed covering her obviously flaunting blushes. “Sir, Ma'am, dito po tayo.” Umica suddenly lower her gaze nang makita kung sino ang kaharap niya. “Good day, Mr. Foltajer,” she then respectfully bowed her head even more. “N-no. Please, don’t bow at me, Ma'am. From now on, please don't do that,” ani Osmond na nahihiya pang nagkamot ng ulo. “No, Mr. Foltajer. Sobrang laki po ng tulong mo sa pamilya ko. You favore
Umica was sitting alone. Silently staring outside the terrace —not knowing that she's sulking. Maging ang sunod-sunod niyang mga buntong-hininga ay ’di niya rin pansin. Her mood was the opposite of the gorgeous scenery surrounding her.“Mahal . . . Kanina pa kita hinahanap,” ani Wixon then planted some small kisses on Umica’s hair. “May problema ba, mahal?” Napatingin si Umica sa mukha ni Wixon. Her lips opened, ngunit nagsara din naman agad. She was trying to say something. Ngunit ’di naman niya alam kung saan sisimulan. Her heart begins to question her husband's motives in coming back to her life again. She loves him. No doubts. Pero ’di pa rin niya maiwasang mainip sa paghihintay kung kelan ito mag o-open up sa kaniya. It's like they were together yet Wixon still miles away from her, iyon ang totoong nararamdaman ni Umica. Gusto man niyang umiyak ay ’di naman niya alam kung anong magiging dahilan, so Umica chose not to and wore her usual demeanor.Umica was gently smiling. “Is ever
Though the place seemed private, malinaw pa ring nakikita ng bawat isa ang kumakain sa loob, lalo pa’t wala namang division ang bawat mesa maliban na lang sa magkakalayo ang mga ito ng isang metro.“Pansin niyo ba ang iilang mga reporters sa labas?” “Yeah. Parang mayroong vip na narito ngayon.” Alam na ni Wixon kung ano ang ibig sabihin ng mga ito. ‘Ano bang ginagawa ni Euva rito? She's even accompanied with my two soldiers . . .’ Nangunot ang noo ni Wixon sapagkat wala naman itong nabanggit na paparito ito.“Ma-mahal . . . Hindi ba’t si Ms. Euva Lumanci ’yon?” bulong ni Umica sabay nakaw ng tingin sa mesang apat na metro ang layo mula sa kanila.“Yes, mahal. Siya nga.” “Ibig mong sabihin, girl ay nakilala mo na rin in person si Ms. Lumanci?” manghang tanong ni Weina. Alanganin namang ngumiti sabay iling si Umica.“Hindi naman ganoon. Invited kasi kami sa Triad Launching noon, so doon ko nakita sina Ms. Lumanci, Mr. Foltajer at Mr. Casas.” “Super ka talaga, girl. Pwede mo ba kaming