Nang nakauwi si Umica ay agad na siyang pumasok sa kanyang silid. Wala siya sa mood at ’di na rin siya kinulit ng mga magulang niya. Nagpapasalamat naman siya dahil lagi siyang binibigyan ng space ng mga ito kahit ’di pa niya hilingin.
Matapos ayusin ang sarili ay nahiga siyang naroon pa rin sa isipan niya ang lalaking kanyang nakita sa store. Mabilis siyang tumayo at kinuha sa aparador ang unan ni Wixon. Pinagmasdan niya iyon nang ilang minuto bago muling humiga sa kanyang kama. Niyakap niya iyon nang mahigpit hanggang sa nakatulog na siya.Kinabukasan ay nagising siyang nababahala pa rin at panay ang titig sa labas ng bintana. Mataas na ang sikat ng araw at ayaw pa rin niyang lumabas sa kanyang silid. Her thoughts wandered at walang sawang sinariwa ang mga alaala nila ng nawawala niyang asawa.“It’s been six years, Wixon . . . Nasaan ka na ba?” Malungkot ang kanyang mga mata hanggang sa nagsimula na iyong magtubig. Umica rarely cries. Simula nang mawala si Wixon ay lubos na siyang nagpapakatatag ’di lang para sa sarili niya, kun ’di maging sa dalawa niyang ina at sa may sakit na ama.Nang mapansin niyang umiiyak na siya ay agad niya iyong pinahid. Ngunit nang muling mapadako ang tingin niya sa tatlong delicacy na nasa bedside table ng silid niya, at naisip ang bulto ng lalaking papalayo kahapon ay ’di niya mapigilang umiyak hanggang sa napahikbi na siya.“Ilang beses kong pinagdasal sa Panginoon na kung wala ka na talaga . . . Magparamdam ka sa ’kin kahit sa panaginip lang. Pero hindi, hindi ’yon nangyari. Dahil buhay ka pa. At umaasa pa rin ako sa pagbabalik mo, mahal ko.” Masagana pa rin ang bagsak ng kanyang mga luha habang hinahalikan ang wedding ring niya kay Wixon. ’Di man niya ito sinusuot sa palasingsingan niya ngunit ginawa naman niyang pendant ng kuwintas. Kung ’di lang sa kagustuhan ng lolo niya, ’di niya huhubarin ang singsing. Habang nakatitig dito ay isang tunog ng telepono ang muling humila sa nalulumbay niyang diwa. With blurry eyes, tinungo niya ang misa at binuksan ang kanyang bag. Kinuha ang kanyang telepono at tiningnan ang caller ID.“Lolo . . .” bulong niya at mabilis na inayos ang sarili. Tumikhim din siya upang ayusin ang garalgal niyang boses.“Hello po, Grandpa.” Mahina at magalang ang boses niya. Alam niyang mabilis itong nagagalit ’pag di napi-pleased. At dahil sa pagiging masunurin niyang apo rito ay naipagamot niya ang mama niya, nasustentuhan ang regular therapy ng kanyang dad, at ’di na rin sila nahihirapan sa mga bills nila. Kahit nagagalit siya dahil natuwa pa ito sa pagkawala ni Wixon ay wala naman siyang magawa.“Umica, may gaganapin na launching ang tatlong malalaking kompanya mula district one hanggang district three ng Folmona. Maaari ding mayroong mga tagalabas. It's gonna be five days from now.”“Yes po, lolo. Ipinaalam na po sa ’kin ng assistant ko. And until now, pasensya na po at ’di ko pa rin alam kung sino ang pangatlong kumpanya. Pero natitiyak ko pa na wala ang kumpanya natin sa list. Ang Monato electronics toys lang po at Nicanto blades, maliban sa ibang inferior na mga companies outside Folmona, ” aniya habang wala sa sariling pinipisil ang hawakan ng kanyang bag. Alam niyang magagalit na naman ito. At kahit ilang beses na ay nini-nerbyos pa rin siya sa mga maaari nitong gawin sa pamilya niya. She was not just in risk ’pag ito ang nagalit, kundi maging ang buong pamilya niya.“And? Ako pa ba ang gagawa ng paraan upang mapasama tayo sa launching na ’yan?” Kumunot ang kanyang noo sa sinabi nito.“I-I thought si Tito Disandro na po ang kakausap kay Davin upang mapasama ang Sares doll factory, lolo,” sabi niya. Ngunit alam na niyang sa kanya pa rin ang blame ng lahat. Nothing new. Mas mababahala siya ’pag naging mabait na lang bigla ang mga ito sa kanya.“Aren’t you being stupid, Umica? Sino ba ang magiging asawa ni Davin, ’di ba ikaw? Why don't you use your dumb head at ng masimulan munang i-manipulate si Mr. Davin Monato!” Umica’s body trembled nang marinig na naman niya ulit ang suhestiyon nito gamit ang galit na boses. Alam niya ang ibig nitong sabihin sa manipulation. Na dapat na siyang magpagalaw kay Davin upang pagkatiwalaan siya nito. Na gamitin niyang puhunan ang kanyang katawan tulad ng ginawa ng pinsan niyang si Michene upang maikasal sa angkan ng mga Nicanto. At ang isa pa niyang pinsan na ngayon ay fiancé na ng isa sa mga young master ng Owindo clan. Ganoon naman ang role ng mga babae sa clan nila. Maging tulay sa mundo ng ibang promeninting pamilya sa Folmona, maging sa labas nito. Na kung may tagapagmana lang ang Foltajer clan ay kalilimutan ng lolo niya ang galit sa mga ito at ipapain ang lahat ng apo nitong babae na maaari pang gawing quolateral. Tulad niya, na kung ipamigay sa Monato clan ay parang wala lang. Noong nangailangan ng malaking kapital ang lolo niya upang e-launced ang desenyo ng Tiyo Disandro niya ay siya ang naging kapalit. At unti-unti pang nawawalan iyon ng silbi dahil ’di gaanong buminta ang disenyo nitong ventured millennial dolls. Kaya ngayon ay kailangan na naman niyang magsakripisyo. This was not her responsibility. Ngunit kailangan niyang e-please ang buo niyang angkan para sa pamilya niya. She was holding onto the thread.“Pero, lolo . . . Hi-hindi ko pa po ’yon kayang gawin. Alam niyo naman po na kasal pa ako kay Wi—”“Stupida! Don't be like an unfilial child, Umica. I will give you a chance. Kung ’di mo magawang isama ang kumpanya natin as one of the guest sa launching ng tatlong malalaking company, well I don't think that your father deserve his regular therapy sa mahal na Ospital.”“But, Lolo! Dad is also your son . . . Don't you lo—”“Cut the crap, Umica. Isa lang ang gusto ko. Maging kapaki-pakinabang ang pamilya ninyo!” Nanlambot ang kanyang mga tuhod at para siyang nalusaw na bagay na unti-unting bumagsak sa sahig. Her mind was in chaos ngunit ’di niya magawang makaimik. Gusto niyang magwala, sumigaw at umiyak . . . ‘When was the last time I cried so hard and forgot to be strong?’ Dumapa na siya nang tuluyan sa sahig at mahigpit na hinawakan ang kanyang kuwentas.“Bakit ang lupit ng tadhana nating dalawa, mahal ko? Wala naman tayong inapakan na ibang tao. We just wanted to be together and have a happy and simple life . . . Pero bakit gano’n? Masama ba talaga akong anak?” Nakatulala lang siyang unti-unting tumihaya at tinitigan ang pininturahang receptacle sa kisame ng silid nila ni Wixon noon. Na-renovate na ang luma nilang bahay ngunit naroon pa rin iyon. Sapagkat ikinabit nilang dalawa iyon ni Wixon. Inakit niya ito habang may hawak itong screw driver at light bulb. Kaya imbes na ilaw ang ilagay nito ay ang dulo ng screwdriver ang ikinabit, ang naging resulta ay muntik na itong malaglag sa hagdan dahil nakuryente. Dahil naman sa pagmamadali niya upang tulungan ito ay nadulas siya sa sahig at natanggal ang towel na nakatakip sa kahubaraan niya.“Umica! Hija? Lumabas ka na at handa na ang tanghalian. Sabihin mo sa ’kin kung masama ang pakiramdam ko at tatawagin ko ang mom mo,” sabi ng biyenan niya na nasa labas ng pinto sa kanyang silid.“Mama . . . Lalabas na po ako. Sandali lang po,” sagot niya rito at nagmamadaling nagtungo sa banyo upang maghilamos. Tinuyo niya ang kanyang mukha at naglagay ng concealer upang itago ang bahagyang pamamaga ng mata niya. Alam niyang siya ang haligi ng mga taong totoong nagmamahal sa kanya. Kaya wala siyang choice kun ’di ang maging matatag araw-araw.Nang makita niyang ’di na gaanong halata ang maga niyang mga mata ay mabilis na siyang lumabas ng kanyang silid. Inayos niya ang kanyang tindig sabay lagay sa daily mask niya; ang palaging masaya.“Mami! Mama! Dada!” bulalas niya at isa-isang niyakap at hinalikan ang mga ito. Sa tuwing nakikita niya ang masaya nitong mga mukha at malalapad na ngiti ay bahagyang gumagaan at nababawasan ang bigat na kanyang dinadala.“Anak ko, may problema ka ba?” tanong ng mami niya habang napatitig naman sa kanya ang dada at mama niya.“Wa-wala naman po.” Yumuko siya upang itago ang nagsisimula na naman niyang mamula na mga mata. She really wants to cry. Pero alam niyang wala iyong maitutulong. Bagkos ay mag-aalala lamang ang mga ito na hindi maganda sa kanilang kalusugan.“Is dad putting all the pressure on you again?” tanong ng dada niya na hindi naman nagkamali. Makita pa lang niya ang nag-aalalang mukha ng kanyang ama ay nahahabag na siya. Her father's health situation is not a joke. Mabigyan lang ito nang matinding pressure ay maaari ng malagay sa bingit ng kamatayan ang buhay nito. Kaya hindi siya maaaring magpa gulay-gulay.“Anak, Umica . . . ’di mo kailangan isakripisyo ang iyong sarili. I’m feeling better now. At saka ’di ko na rin kailangan ng therapist. Doing well naman ang negosyo natin. ’Di ba, hon?” Dinamay pa nito ang mami niya na walang ibang nagawa kun ’di ang ngumiti. Alam niyang lumalago ang kanilang negosyo. Ngunit sa mata at impluwensya ng kanyang lolo, isa lamang kuto sa paningin nito ang napundar nila. Isang kumpas lang ng kamay nito ay maaari iyong maglaho na parang isang bula. In short, isang pagkakamali niya ay mawawalan sila ng kabuhayan.“Hay naku. Kayo talaga! Syempre ayos lang po ako. May ano lang kasi . . . Kahapon po doon sa store na malapit sa company, I saw someone na katulad na katulad ang tindig kay Wi-Wixon. At ang mga pinamili niya ay tulad din ng paborito naming pagkain mag-asawa . . .” bulong niya dahilan upang malaglag ang kutsarang hawak ng kanyang biyenan.“Linda? Linda!”“H-ha?”“Heto, inumin mo ’tong tubig.”“A-ayos ka lang po ba, mama? Pa-pasensya na po sa sinabi ko. Hindi ko rin naman po sigurado. At kung siya man ’yon ay ’di niya ako tatalikuran. Sigurado akong ’di ’yon si Wixon . . .” ‘Pero sana nga ay ikaw ’yon, mahal ko . . . Wala akong pake kung nakalimutan mo na ako. Ipapaalala ko sa ’yo ang lahat.’“Ayos lang ako, Shiela, Pandro at Umica . . . Medyo nabigla lang sa sinabi mo, anak. Hehe . . . Medyo tumatanda na nga talaga ako at nagiging emosyonal na rin," pagdadahilan nito. Ngunit alam nilang lahat higit kanino man kung gaano ito nangungulila sa anak. Kahit sabihin pang ’di nito kadugo si Wixon ay naging buhay ito ng Ginang. Kulang na lang ay ito ang magluwal. Naging pahirapan para kay Umica ang tuluyang pag galing nito dahil wala na itong nais gawin kun ’di ang mamatay matapos magising at nawawala si Wixon.“Hayaan mo po, mama. Babalik-balik po ako roon at siguraduhin ko na makita ang mukha ng lalaking ’yon bago ako umalis.” Nginitian niya ito, dahilan kung bakit muling nagliwanag ang mukha nitong maganda.“Pero ’wag mong iha-harass ah.”Nagpatuloy na sila sa pagkain na nagtatawanan. Marami pa silang mga pinag-usapan ngunit umiwas na sila sa usapin na tungkol kay Wixon at mga alaala nito.Makalipas ang isang oras ay gumayak na si Umica upang puntahan ang kumpanya ng kanilang angkan. Dahil tuluyan ng nasira ang kotse nila, at ’di naman niya tinanggap ang kotse na gift sa kanya ni Davin ay sumasakay lang siya sa public transport. Nakikipag siksikan sa ibang mga mananakay at nababastos ng ilang beses. Makailang ulit na rin siyang nanapak ng mga bastos, at protektado na rin siya ngayon lalo’t kakilala na niya ang driver at konduktor ng bus na palagi niyang sinasakyan.Habang nag-aabang sa gilid ng daan ay tumunog bigla ang cellphone niya. Kahit ayaw niyang sagutin ang tumatawag ay wala talaga siyang choice.“Tito Disandro? Ano na naman kaya ang pakay nito?” Tinanggap niya ang tawag at inilagay ang phone sa speaker mode.“Umica! Bakit wala pa rin tayo sa list ng upcoming launched ng triad dito sa Folmona?” Malakas ang boses nito at halatang galit na galit. Sa ganitong mga sitwasyon ay laging siya ang ibinabala ng mga ito, because of Davin Monato.“Tito, you told me na ikaw ang bahala ’di ba?” Labis siyang nayayamot at kulang na lang pumadyak ang kanyang mga paa.“Para saan pa at naging assistant kita kun ’di ka rin lang naman mapapakinabangan?” Kuyom ang kanyang kamao nang narinig niya ang sinabi nito. Pakiramdam niya ay isa lamang talagang kasangkapan ang tingin ng mga ito sa kanya. Alam niyang plano ng Tito Disandro niya na ipaglapit ang anak nitong si Katleah na nineteen years old pa lang kay Davin. At sa paraan ng pagtawag nito sa kanya ngayon ay alam niyang ’di iyon umubra.“Pupunta rito si Davin ilang oras mula ngayon. So you better be here bago kita alisan ng pwesto rito sa kumpanya!” Pinatay na nito ang kabilang linya kaya wala na siyang nagawa kun ’di ang huminga nang malalim at itago muli ang kanyang cellphone.Katatapos lang ni Wixon na maglibot sa kanilang mansyon. Nakakita siya ng ilang mga concerns ngunit ’di naman gaanong alarming. Nasira lang ang mood niya dahil sa mga namatay na kabayo ng kanyang ama. Wala ng laman ang kwadra matapos e-attemp ng ina niya noon na dalhin kasama nila ang mga kabayo, ngunit na-ambush ang sinakyan nito at namatay lahat. Papasok na sana siya sa kanyang silid nang tumunog ang cell phone niya. Agad niya itong kinuha at salubong ang mga kilay na tinanggap ang tawag.“Master Wixon. Nasa bus stop na po ang Madame.” His mood lightened nang narinig iyon. He wanted to see Umica. Pero alam niya na ’di pa iyon maaaring gawin. Kailangan muna niyang ilabas ang tinatago niyang mga plano. Hindi man lahat ngunit sapat upang makasama ito ulit.“And?” Although the news was good, yet he was still anticipating for more lalo’t wala siya sa kinaroroonan ng asawa upang siya mismo ang umalalay dito.“Na-pull out na po ang old busses na bumabyahe sa route ng Monato subdivision. T
Kalat na kalat sa buong distrito ng Folmona ang ginawang local press conference ng Foltajer group. Mas lalo pa itong naging mainit dahil nagpakilala na siyang bagong hahawak sa kapangyarihan ng mga Foltajer sa Folmona. Nakilala ng lahat ang kanyang pagbabalik, ngunit ’di ang kanyang mukha. Sa ngayon ay sobrang naging mainit ang mga pangyayari sa loob ng kanilang lugar. And to make his real identity safe, ang kanang kamay niya ang nagpakilala bilang Wixon Foltajer.“Kumusta ang imbitasyon para sa pagsali ng Sares clan sa Triad launching, Osmond?” Nakatingin siya sa labas ng kanyang opisina, sa harap ng isang bulletproof glass wall. Tanaw niya ang mga dumaraan doon, maging ang mga taong labis na nagsusumikap sa buhay. Ganoon din siya dati. Sinusubukan lumaban sa buhay upang magtulungan ang uliran niyang asawa—ngayon ay nanganganib mawala sa kanya nang tuluyan ’pag nagtagal pa ang sitwasyon.“Wala pa rin pong sagot, Master Wixon. Mukhang may gaganapin pa po na pagpupulong, ayun sa nakuha
Sa isang malaking ospital na pag-aari ng pamilyang Casas, ay naroon si Wixon at ang buo niyang pamilya. Nasa loob sila ng isang private suite kung saan ay nakahiga naman si Umica, ang kanyang asawa sa isang hospital bed. Nasa tabi siya nito at hindi nagsasawang pagmasdan ang maganda nitong mukha. Kahit nakapikit ito ay alam niyang ito’y umiiyak. Paminsan-minsan niyang pinupunasan ang luha nitong panaka-nakang naglalandas sa gilid ng mga mata nito. Ngayon ay nakahinga na rin siya nang maluwag dahil panatag at banayad na ang paghinga nito. Ramdam din niya ang titig ng kanyang ina at mga biyanan sa kanyang likuran, subalit ayaw muna niyang magbigay ng detalye hangga't ’di nagigising si Umica. Sa tuwing nagkakasalubong ang kanilang mga tingin ay nginingitian lamang siya ng mga ito. Na para bang eni-enjoy lamang ang kanyang presensya.Sa gitna ng kanilang katahimikan ay bigla iyong nabulabog nang tumunog ang handbag ng kanyang asawa. Dahil dito ay napunta ang atensyon nila sa hawak na bag
Makalipas ang dalawang oras matapos ang komusyon na nangyari sa loob ng silid ng kanyang asawa ay nagmulat ito ng mga mata. Ngunit panandalian lamang iyon dahil pumikit ding muli.“As I've said, Tito Pandro. Umica is perfectly fine. She needs this rest too. Ang importante ay ’di muna siya dapat ma-stress,” ani Doc. Haillie na masama pa rin ang tingin sa kanya. Pinatawag itong muli ng mga magulang niya nang gumising si Umica.“Salamat talaga, hija. Kung wala ka ay ’di ko alam kung ano ang gagawin,” wika ng Papa Pandro niya at niyakap ang asawa.“Uhm! Hija . . . Kumusta iyong bills namin? Naka-ultimatum pa rin ba?” tanong ng Mama Linda niya. Alam niyang nag-aalala ito dahil isa ang hospitalization nito noon sa nagpalaki ng utang ng kanyang asawa.“Oh . . . Mga Tita at Tito, kung sino man ang gumawa ng paraan para sa inyo ay maraming salamat sa kanya.” Kita niya ang naguguluhan na mukha ng kanyang mga magulang at tutok na tutok sa Doctora.“A-ano ang ibig mong sabihin, hija?”“The billin
Ramdam ni Wixon ang nanlalamig na mga palad ng kanyang asawa. Nasa isang latest edition luxury car sila ngayon, at papalapit na sa Casas height, isa sa pag-aari ng mga Foltajer. Isa ito sa pag-aari nila na nananatiling namamayagpag sa Folmona kahit ilang taon na ang lumipas. Isa itong five star hotel and restaurant. Tanyag na puntahan ng mga guest sa Folmona sa tuwing may malalaking pagtitipon ng mga mayayaman. Isa rin ito sa assets niya na hiniwalay sa pag-aari ng mga Foltajer, upang maiwasang madamay sa kasagsagan ng krisis noon sa kanyang pamilya. Ito ay nasa pangangalaga ni Froso at Osmond, bilang plantalya na may-ari nito hanggang sa ngayon. Basi sa kwento ng kanyang ina, ang kambal ay naiwan sa pangangalaga ng iba pa nilang mga tauhan nang namatay ang mga magulang nito noong na-ambush ang ama niya. Mula noon ay halos ibinigay na ng kambal ang buhay ng mga ito sa pamilya niya.“Ma-mahal . . . Ki-kinakabahan ako,” sabi nito na mas humigpit pa ang kapit sa kanyang braso at palad. M
“Umica, aking apo, bakit ’di mo sinabing nakalabas ka na pala mula sa Ospital? Hindi ka man lang nagpasundo sa Tito Yandro mo o ’di kaya ay sa iyong Tita Sandra. How are you feeling, hija? Baka ay masyado mong pinipwersa ang iyong sarili?” Wixon felt the urge to squeeze the old man's throat habang nakikinig sa mga pagkukunwari nito. Hawak nito ngayon ang kamay ng asawa niya. Malinaw naman niyang nakikita sa mukha ni Umica ang matinding kasiyahan. Mga ngiting may kalakip na pressure kung kanyang tawagin kahit noon pa man. He couldn't blame his wife kung bakit ganito ito. After all, his wife was raised to become a good follower sa pamilya nito. Ngunit ramdam niya sa hangin ang matinding pagkukunwari sa awra ng matandang Sares.“Lolo . . . Ayos na po ang pakiramdam ko. Pasensya na po kung ’di ako nakadalo sa last meeting sa kumpanya. Nagkaroon lamang po ako ng emergency,” anito at dahan-dahang lumingon sa likuran nito. ‘Is she going to tell them that I'm alive?’ But Umica didn't say any
Kararating lang ng buong angkan ng mga Sares, maging sila ng kanyang asawa. Buong akala ng mga ito ay wala silang masasakyan. Ngunit hindi inaasahan ng mga ito na mismong si Osmond ang maghahatid sa kanila ni Umica sa main mansyon ng mga Sares sa loob mismo ng Monato subdivision. Alam niyang galit ang mga ito sa kadahilanang ang taong halos yukuan ng lahat ng mga taga Folmona ay nagmaniho lamang ng sasakyan para sa kanila ng asawa niya. Tanda pa niya sa kanyang isipan ang itsura ng mga nakakita sa pangyayari kanina na kulang na lang ay sumuka ng dugo.Matapos ang pangyayari sa Triad launching, kung saan ay bumida nang husto ang kanyang asawa ay agad na silang dumeritso sa mansyon ng mga Sares. Sa mansyon na kahit kailan ay hindi siya naging welcome maging hanggang sa ngayon. He could still vividly feel the hostile atmosphere that is undeniably suffocating. Alam niyang kung ’di dahil sa kanyang asawa ay kanina pa siya pinakaladkad palabas ng mga guwardiya ng matandang Sares. Sa ngayon
Halos umabot sa dalawang oras ang usapan nila ng kanilang buong mag-anak. Kaya nang nagpapahinga na ang lahat ay halos ’di siya magkamayaw sa paghihintay sa kanyang asawa sa kanilang silid.‘This is it! Masusulo na rin kita ulit, mahal ko.’ Para siyang bata na excited makuha ang kanyang premyo, matapos gumawa ng isang magandang bagay. No words can express how excited he was. Inayos niya ang kama maging ang apakan sa sahig. Pati ang mosquito net ay ’di niya rin pinalampas. Ginamit din niya ang dimmer ng lamp light upang mas maging romantic ang dating ng silid. Tumayo siya sa gilid ng queen size bed upang suriin kung perpekto na ito.Five minutes . . . Ten minutes . . . Hanggang umabot sa labinlimang minuto ang kanyang paghihintay. Sakto namang bumukas ang pinto ng banyo nang tumingin siya roon at iniluwa si Umica na ngayon ay tanging bathrobe lang ang suot.“Mahal, ang buong akala ko ay nakatulog ka na,” anito sabay punas sa basa pa nitong buhok. Naglakad ito tungo sa salamin at doon a
Alas tres na ng hapon nang muling makabalik sina Sheila at Linda sa Foltajer mountain—kasama ang tatlo nilang close-in guards na huli na nang sila ay mabantayan. Nang makauwi sa lugar ay agad silang dumeretsyo sa klinika—exclusive para sa nagmamay-ari ng Foltajer main mansion. “Mahal, nasaan sina mama at mami?” tanong ni Wixon. Kapapasok lamang niya sa loob ng klinika. Galing siya sa airport upang sunduin ang kaniyang ina nang makatanggap siya ng tawag na isinugod sa clinic ang dalawa. Mayroong mga guards sa labas ng clinic —mga closed in security ni Umica. So Wixon assumed na nasa loob nga ng clinic si Umica. “Anak.” “Hijo,” sabay na sambit nina Sheila at Linda. Tipid na ngumiti si Sheila na ngayon ay nakatingin kay Linda. Sa sulok naman na bahagi ng isa sa mga upuan ng klinika ay tanaw ni Wixon si Umica. ‘Parang mas madilim yata ang hitsura ng magandang mukha ng asawa ko kung ikukumpara noong isang araw. Hindi ko naman siya masisisi lalo pa’t nagpatong-patong na ’tong mga kasal
Dama ang tensyon sa loob ng Whispering willow boutique. Ngunit naiiba ang awra na ipinakikita nina Sheila at Linda habang nakikiramdam at nakatingin sa nagulantang na pagmumukha ni Sandra.“W-what do you mean by seven hundred twenty thousand pesos? Are you kidding me?” asik ni Sandra sabay hablot sa damit na hawak-hawak pa rin ng kaniyang kaibigan na si Enis. Wala ng nagawa si Enis kundi ang bitawan ang damit para hindi ito masira.“Bakit, Sandra? May problema ba sa presyo ng damit?” asked Sheila innocently. Pinisil pa niya ang kamay ni Linda dahil pinipigilan siya nito at sinasabihang ’wag na lamang niyang patulan si Sandra.“You shut up! This dress isn't worth the price. This place is not even a designer boutique. Heh! I bet this dress is fake!” Nanlilisik ang mga mata habang tinitingnan ni Sandra ang sales assistant na si Amy. Mukha itong nagwawalang Leon at nawala ang mayayamaning tindig.“Hindi po, Ma'am. May mga selected items po kami ng mga designer brands. Though kaunti lang p
LUMIPAS ang dalawa pang araw at ngayon na ang nakatakdang pagdating ng tyrant Queen —ang ina ni Wixon na si Amarina Casas Foltajer sa Folmona.“Sheila, tiyak ka ba rito na dito tayo mamimili ng damit?” kinakabahan na turan ni Linda.“Aba’y dito ang sabi ni Umica. Sabi kong ’wag ng bumili lalo’t kapos na sa oras. Saka may mga damit naman tayong pwede ng gamitin sa mga pormal na even. Eh nagpumilit pa talaga. Ika niya ay mamayang gabi pa naman daw kaya ay mahaba pa ang oras natin para pumili ng damit.” Hinawakan ni Sheila ang kamay ni Linda. Kung ikukumpara ang dalawa, mas sanay si Sheila nang bahagya sa pamimili ng damit sa ganitong mga establishments dahil kay Umica na rin. Napatingin si Sheila sa kamay ni Linda. “Kinakabahan ka ba, Linda?”“Sino ba namang hindi. Alam mo naman na bahay, palengke at sa restaurant lang naman ang punta ko lagi. Hindi naman ako nahilig mag-mall,” ani Linda na may alanganing ngiti.“Sinabi mo pa. Pero hayaan mo na’t narito na lang tayo. Saka para naman di
Sa loob ng Sares mansion in Monato subdivision ay nakaupo sa isang couch sina Sandra at Yandro habang nag-uusap.Makalipas ang dalawang araw mula ng pumalpak ang plano nina Disandro at Sandra na pagbawi sa Lemniscate share—during the meeting in Lemniscate capital ay nagbago rin ang lahat ng pamamalakad sa loob ng Sares clan.“Sandra, no matter what you do, alam kong hindi na magbabago pa ang pasya ni Kuya Disandro.” Wala sa sariling napatingin si Yandro sa bukas na bintana, kung saan bahagyang sinasayaw ng hangin ang makapal na kurtina. “We have no choice right now. And even if Papa is around, we still know kung sino pa rin ang pakikinggan niya. He always clings to the powerful. Kung wala kang silbi ay iiwanan ka niya.”“Ju-just like that? Hindi ka man lang ba magtatanong kung saan dinala ni Kuya Disandro si Papa? I-i’m honestly worried though. Comatose pa ang Papa . . .” bulong ni Sandra na ngayon ay nakaupo sa couch habang mugto pa rin ang mga mata. “Kahit pa ganun ang ginawa ni Pap
Nang namatay na ang makina ng chopper ay agad na bumaba si Umica. Dahil may mga nakaabang na tauhan nila sa ibaba ay iminuwestra na lamang ni Umica ang kaniyang kamay at agad ng may umalalay sa kaniyang paghakbang.“Ma-mahal, wait! Wait, Umica! Baby!” sigaw ni Wixon at mabilis na hinawakan ang kamay ni Umica. Wixon could feel na nanginginig pa ang kamay ni Umica. Wixon was sure na ’di iyon dahil sa nerbyos, kundi dahil pa rin sa inis.“Let go, Wixon!” Tumingala si Umica at matalim na tinitigan si Wixon. Wixon tried to look Umica in the eyes, ngunit natalo rin siya sa huli.“I-I’m sorry at nagsinungaling ako sa ’yo, mahal,” nakayukong turan ni Wixon sabay marahan na paghihimas sa kamay ni Umica. Wixon felt how smooth and alluring Umica’s hand is.“Okay. So let my hand go.” Hinablot ni Umica ang kamay niya at muling naglakad nang mabilis. Si Wixon naman ay parang tuta na sumusunod sa likuran ng asawa niya.Hanggang sa nakapasok na silang dalawa sa loob ng mansyon. Halos lahat ng mga tau
Hinimas naman ni Wixon ang nangungunot na noo ni Umica. ‘I guess hindi ko na talaga ’to maipagpapaliban pa.’ Huminga nang malalim si Wixon at hinawakan ang dalawang kamay ni Umica. ‘This is the right time.’ “I’m waiting, mahal. Please . . . no more lies,” anitong tunog nagmamakaawa. “Kung ayaw mong mawala ang tiwala ko sa ’yo, please do something about my doubts towards you. Nawawala ang peace of mind ko dahil sa kung ano-ano na ang mga pumapasok sa aking utak.” Napasinghap naman si Wixon nang dalhin ni Umica sa labi nito ang kanan niyang kamay. Umica’s whole facial expressions were begging him to be truthful. Malungkot na ngumiti si Wixon dahil ramdam niya ang matinding frustration ni Umica. “I owned the Foltajer mountain.” Kita ni Wixon kung paano nanlaki ang mga mata ni Umica—hanggang sa nangunot ang noo nito. Ilang sandali pa ay galit at annoyance na ang malinaw niyang nababanaag sa maganda nitong mukha.“I said be truthful. Maiintindihan ko naman kung sabihin mong may-crush sa
Umica was now wearing an earth hue square pants with a white tops, covering it with an earth hue coat that reaches up to her knees. Her feet where covered with white pointed sandals with its three inches heels —that could barely help her cope up to her husband's shoulder level. Si Wixon naman sa kabilang banda is wearing his usual black color, but with his specially chosen outdoor garments for the day— “So beautiful, mahal” Wixon said while smiling ear to ear. Inayos niya rin ang coat ni Umica upang mas matakpan pa ang katawan nito. “Nah. ’Wag mo akong bulahin.” Umica scoffed covering her obviously flaunting blushes. “Sir, Ma'am, dito po tayo.” Umica suddenly lower her gaze nang makita kung sino ang kaharap niya. “Good day, Mr. Foltajer,” she then respectfully bowed her head even more. “N-no. Please, don’t bow at me, Ma'am. From now on, please don't do that,” ani Osmond na nahihiya pang nagkamot ng ulo. “No, Mr. Foltajer. Sobrang laki po ng tulong mo sa pamilya ko. You favore
Umica was sitting alone. Silently staring outside the terrace —not knowing that she's sulking. Maging ang sunod-sunod niyang mga buntong-hininga ay ’di niya rin pansin. Her mood was the opposite of the gorgeous scenery surrounding her.“Mahal . . . Kanina pa kita hinahanap,” ani Wixon then planted some small kisses on Umica’s hair. “May problema ba, mahal?” Napatingin si Umica sa mukha ni Wixon. Her lips opened, ngunit nagsara din naman agad. She was trying to say something. Ngunit ’di naman niya alam kung saan sisimulan. Her heart begins to question her husband's motives in coming back to her life again. She loves him. No doubts. Pero ’di pa rin niya maiwasang mainip sa paghihintay kung kelan ito mag o-open up sa kaniya. It's like they were together yet Wixon still miles away from her, iyon ang totoong nararamdaman ni Umica. Gusto man niyang umiyak ay ’di naman niya alam kung anong magiging dahilan, so Umica chose not to and wore her usual demeanor.Umica was gently smiling. “Is ever
Though the place seemed private, malinaw pa ring nakikita ng bawat isa ang kumakain sa loob, lalo pa’t wala namang division ang bawat mesa maliban na lang sa magkakalayo ang mga ito ng isang metro.“Pansin niyo ba ang iilang mga reporters sa labas?” “Yeah. Parang mayroong vip na narito ngayon.” Alam na ni Wixon kung ano ang ibig sabihin ng mga ito. ‘Ano bang ginagawa ni Euva rito? She's even accompanied with my two soldiers . . .’ Nangunot ang noo ni Wixon sapagkat wala naman itong nabanggit na paparito ito.“Ma-mahal . . . Hindi ba’t si Ms. Euva Lumanci ’yon?” bulong ni Umica sabay nakaw ng tingin sa mesang apat na metro ang layo mula sa kanila.“Yes, mahal. Siya nga.” “Ibig mong sabihin, girl ay nakilala mo na rin in person si Ms. Lumanci?” manghang tanong ni Weina. Alanganin namang ngumiti sabay iling si Umica.“Hindi naman ganoon. Invited kasi kami sa Triad Launching noon, so doon ko nakita sina Ms. Lumanci, Mr. Foltajer at Mr. Casas.” “Super ka talaga, girl. Pwede mo ba kaming