Kinagabihan ng araw na iyon, napansin ko ang tila ba pagka-aligaga ng mga tao sa orphanage. Nag-aayos sila ng mga kwarto, naglilinis ng playground at naglampaso sa sahig. May mangyayari ba bukas? May bibisita ba ulit? Mukhang napaka-importante ng mangyayari bukas ah. Puna ko habang tinitignan ang mga tao na mataranta.
May isa pang pumasok sa isip ko habang ginagawa nila ito. Kapag kasi may dadating na mga tao para umampon, ginagawa nila ito. Narinig ko naman sa gilid ko ang pag-uusap nila Jasmine.
"Mukhang may mag-aampon na naman bukas ah," sabi ni Marie habang tinatanaw sila Sister Mary na kausap sina Mang Tonio at Mang Mario– mga taga-linis sa orphanage. Napansin naman ako ni Pia na nakatingin sa kanila.
"Ano'ng tinitingin-tingin mo diyan?" mataray na tanong nito at umirap pa.
"Bakit? Bawal tumingin?! Irap, irap ka pa diyan, hugutin ko mata mo eh," mataray na balik sa kanila ni Andrea na biglang sumulpot sa gilid ko. "Hindi naman maganda."
Hinampas ko naman si Andrea sa sinabi niya. Masama ang manira ng kapwa, turo iyon nina Sister. Ang sabi ni Sister Mary at Sister Ann, kapag binato ka ng bato, batuhin mo ng tinapay.
"Sana ma-ampon na tayo 'no? Gusto ko na ulit maranasan at maramdaman ang pagmamahal ng isang pamilya," malungkot na sabi ni Andrea. Inakbayan ko naman siya dahil sa sinabi niya.
"Tiwala lang, Andeng! Magkakaroon din tayo ng pamilya! 'Wag ka mawalan ng pag-asa. Mahaba pa ang panahon, panigurado, dadating din ang tamang mga tao para sa atin," sabi ko at ngumiti sa kaniya. Tuluyan na niya akong niyakap habang hawak-hawak sa aming mga puso ang pag-asa na iyon.
"Ang drama jusko," pagpaparinig ni Jasmine pero hindi na lang namin pinansin.
Pagsapit ng alas nueve ng gabi, tumunog na ang bell ni Sister Mary—hudyat ng oras nang pagtulog namin. Sabay-sabay naman kaming sumampa sa kama at lumapit naman sa amin si Ate Jen para i-check kung lahat ba ay nandito na sa sleeping quarters namin. Nang masigurado niya na kumpleto kami, lumabas na siya.
Nagtalukbong na ako ng kumot at pinilit na matulog pero patuloy pa rin ang pagbaha ng mga tanong sa utak ko, kasabay pa ang mabilis na pagtibok ng puso ko dahil sa kaba. Ma-aampon kaya ako bukas? Magkakapamilya na ba ako? Mabait kaya sila? Magustuhan kaya nila ako? Kapag ba sinabi ko na gusto kong isama namin si Andrea, papayag kaya sila?
Naramdaman ko na may kumalabit sa akin kaya hinarap ko iyon at nakita si Andrea na gising na gising pa rin. Magkatabi ang mga kama namin kaya hindi siya nahirapan na gawin 'yon.
"Hindi ka ba makatulog?" pabulong na tanong niya. Umiling naman ako sa tanong niya at nakita ko siyang bumuntong hininga.
"Kinakabahan ako, Abby. Sana magustuhan nila tayo," sabi ni Andrea at pumikit na tila humihiling.
"Sana nga, Andeng at saka, sana parehas nila tayo mapili," sabi ko habang nangingilid na ang luha sa aking mga mata.
"Umaasa ako, Abby. Umaasa ako," sabi ni Andrea. Buong gabi na iyon ay nagkuwentuhan lang kami patungkol sa mga kung ano-anong bagay. Madistract 'man lang namin ang mga sarili namin sa kabang nararamdaman namin ng gabing iyon.
Nagising kami sa tunog ng bell ni Sister Mary. Patuloy niya iyon na ginagalaw hanggang hindi nagigising lahat.
"Maghanda na kayo at dadating na ang pamilya na mag-aampon ngayon!" masiglang sabi ni Sister Mary sa amin na nagbigay tuwa sa nakararami.
"Okay po, Sister!" masayang sabi ng lahat at akmang aalis na si Sister Mary ng bigla siyang humarap ulit.
"May nakakalimutan yata kayo?" parang nang-aasar na tanong ni Sister Mary kaya sabay-sabay kaming bumati.
"Magandang umaga po!"
Nagmadali kaagad ang lahat sa pag-aayos. Ang iba ay sinuot ang pinaka-makukulay at pinakamagara nilang mga damit. Nakita ko rin ang iba na naglalagay ng mga cute nilang clip at hairpin para mas kapansin-pansin sila.
Ako naman ay sinuot ang pinakapaborito kong puting bistida na iniregalo nina Sister Mary at Sister Ann sa akin noong nakaraang pasko. Tuwing may dadating na pamilyang mag-aampon, ito ang isinusuot ko.
"Ang ganda mo talaga, Abby! Bagay talaga sa'yo ang dress mo," puri ni Andrea sa akin. Siya naman ay suot niya ang paborito niyang itim na medyo pa-balloon na dress.
"Tara na, dumating na sila," anunsyo ni Ate Jen. Gusto ko na rin sana makipagsabayan sa kanila na nagmamadali kaso naiihi ako.
"Andeng, mauna ka na, iihi lang ako," sabi ko kay Andrea at agad naman itong tumango.
Lumabas na ako sa sleeping quarters at nagtungo na sa banyo. Nasa dulo ito ng hallway, dalawang pinto mula sa sleeping quarters namin. Mabilis naman akong pumasok sa isang cubicle at umihi. Nahahati pa rin kasi sa cubicle ang banyo at may shower rin sa bawat isa. Nag-aayos na ako ng marinig ko ang isang click. Hindi ko na lang pinansin kasi baka may nalaglag lang sa labas. Nagmamadali kong binuksan ang cubicle dahil baka nagpapakilala na sila pero pagpihit ko ng doorknob, ayaw nito bumukas.
"Tao! Tao po!" sigaw ko. Malayo sila dito sa pwesto ko kaya hindi nila ako kaagad maririnig pero sumisigaw pa rin ako para manghingi ng tulong.
"Tulong! May tao dito!" sigaw ko ulit.
"Tulong! Tulungan niyo ako! Nandito ho ako!" pagsubok ko pero walang dumating.
Nagpasya ako na magpahinga na muna. Tumutulo na rin ang pawis ko dahil sa pagod ng kaka-katok at kalabog sa pinto, isama pa ang pagsigaw ko. Sumandal na lang muna ako sa lababo para maghintay ng papasok. Panigurado may papasok dito dahil iihi rin sila panigurado.
"Ay! Nasira po ang lock niyan. Sa lobby na lang po kayo mag-cr," rinig kong may nagsalita medyo malapit sa akin. Agad akong tumakbo papunta sa pinto at kumatok doon ng tuloy-tuloy.
"May tao po dito! Ilabas niyo na po ako!" sigaw ko pero yabag lang papaalis ang narinig ko.
"Manigas ka diyan," biglang may nagsalita sa pinto at nakarinig ako ng malalakas na tawa. Teka, boses ni Jasmine 'yon ah.
"Jasmine?! Jasmine! Tulungan niyo naman ako oh. Hindi naman ako galit sa inyo eh—sa mga pinaggagawa niyo. Basta tulungan niyo lang ako makalabas oh, sige na please," pagmamakaawa ko habang umiiyak pero wala akong narinig na sagot mula sa kabila.
Napadaus-dos na lang ako pababa habang nakasandal sa pinto at walang humpay pa rin ang pagtulo ng luha ko. Matagal na minuto ang lumipas at humihikbi pa rin ako.
"TULUNGAN NIYO AKO!" ubod ng lakas kong sigaw, nagbabaka-sakaling sa pagkakataon na ito ay may makarinig na ng daing ko pero sa huling pagkakataon, wala pa rin. Unti-unti na akong nawawalan ng pag-asa ng makita ko ang mop sa gilid.
Nagmamadali akong tumayo at lumapit doon. Kinuha ko ito at kahit mabigat ay pinilit kong buhatin ito. Ubod ng lakas ko itong hinampas sa doorknob at nakita na medyo nayupi ito. Nabuhayan ako ng loob ng makita iyon, kaya ibinuhos ko na ang lakas ko at inihampas ko ito ulit. Nasira ang doorknob at nagmamadali akong lumabas. Nakasalubong ko pa si Ate Jen na nagtataka kung bakit magulo ang ayos ko.
"Abegail! Ano'ng nangyari sa'yo?" tanong ni Ate Jen sa akin pero nagmamadali akong dumiretso sa lobby pero wala ng tao doon.
"Ate Jen, nasaan na 'yung pamilya?" mahinang tanong ko habang nakatingin sa lobby ng orphanage.
"Kanina pa sila nakaalis, anak. Bakit wala ka doon kanina?" sabi ni Ate Jen. Tumulo ulit ang panibagong luha sa aking mga mata. Nalagpasan na naman ako ng pagkakataon na magkaroon ng sariling pamilya.
"Wala po, Ate Jen," mahinang sabi ko. "Salamat po."
At naglakad na ako papunta sa sleeping quarters. Magbibihis muna ako bago hanapin si Andrea pero pagdating ko doon, nagtaka ako kung bakit walang mga gamit sa kama ni Andrea. Dinagundong ng kaba ang dibdib ko sa ideyang pumasok sa isip ko. Sana mali ang naiisip ko, sana hindi siya umalis.
Pumunta ako sa office nina Sister Mary at Sister Ann. Kumatok muna ako bago binuksan ang pinto.
"Oh, Abegail," sabi ni Sister Ann pagkakita sa akin.
"S-Sister, bakit wala po ang mga gamit ni A-Andeng sa k-kwarto?" nauutal kong tanong dahil sa kaba.
"Hindi ba nasabi ng ibang mga bata sa'yo?" tanong ni Sister Mary na biglang nagpatindi ng kutob ko. "Si Andrea ang napiling ampunin."
Bumagsak ang puso ko ng marinig iyon. Si Andrea… Si Andrea na tanging kaibigan at pamilya ko dito ay wala na. Napahikbi ako at tinakpan ang bibig ko. Naramdaman ko naman ang pagyakap sa akin ni Sister Mary.
"Tahan na, anak. Magkikita pa rin kayo, huwag kang mag-alala. Malaki ang mundo, mahahanap at mahahanap mo siya," sabi ni Sister habang hinahagod ang likod ko na tila ba ako'y pinapakalma.
Simula nang araw na iyon. Naging tahimik na ako at halos walang kinikibo. Nagtataka na rin si Ate May kung bakit hindi na ako pumupunta sa kusina pero hindi na siya nagtanong pa. Sila Sister Ann at Sister Mary naman, araw-araw akong ipinapatawag sa counselling room para kamustahin ako at ang araw ko. May mga bagong bata na dumating pero wala ni isa sa kanila ang naging kaibigan ko.
Dahil nga wala na dito sa ampunan si Andrea, ang tagapagtanggol ko. Lalong lumala ang pambubully sa akin ng grupo ni Jasmine. Naroon pa ang sadya nilang pagsira ng mga gawa ko, sadyang pagbuhos ng mga b****a sa akin at pagpapahiya sa harap ng ibang bata. Hindi ko magawang lumaban sa kanila dahil alam kong kapag nagsumbong ako ay walang maniniwala sa akin. Kaya mas pinipili ko na manahimik na lang.
Nagsimula na rin kaming pumasok ulit sa eskwelahan at doon, lalo akong nahirapan. Umabot sa paaralan ang panunukso at pangangantiyaw sa akin. Sinasabihan ako na salot dahil wala akong mga magulang. May nagsasabi rin na iniwan ako ng mga magulang ko kasi pangit daw ako at mabaho. Masakit marinig sa kanila ang mga iyon pero totoo naman eh. Iniwan ako ng mga magulang ko pero ni minsan, hindi sumagi sa isip ko na magalit sa kanila kasi lagi kong naaalala ang mga sinasabi ni Sister Ann sa amin.
"Lahat kayo ay nandito dahil mahal kayo ng mga magulang niyo. Gusto lang nila na mapabuti kayo, kaya nandito kayo sa piling namin. May dahilan ang lahat ng nangyayari, pakatatandaan niyo 'yan."
Paulit-ulit 'yan sinasabi sa amin ni Sister, lalo na kapag may mga bata na bagong dating sa amin.
Taon ang lumipas at unti-unting nauubos ang mga bata dito sa orphanage. Lahat sila nagkakaroon nang pamilya. Masaya na sila pero ako nandito pa rin, walang pumipili pero ayos lang. May plano sa akin ang Diyos at tiwala ako sa kaniya.
"Kawawa ka naman hanggang ngayon nandito ka pa rin," pang-aasar ni Pia at umaktong naiiyak pa.
"Oo nga, ang dugyot mo kasing tignan kaya walang pumipili sa'yo eh," tumatawang pahayag ni Jasmine.
"Amoy b****a pa," pagsali ni Marie sa kanila.
Tatlong taon rin ang lumipas pero nandito pa rin silang tatlo—patuloy pa rin na nagpapahirap sa buhay ko. Hindi ko na lang sila gaanong pinapansin dahil siguro, nalulungkot lang din sila dahil walang pumipili sa kanila, kaya ibinunuhos na lang nila sa akin ang frustrations nila at kahit papaano maging masaya.
"Ayos lang," sagot ko sa kanila.
"Nandito pa rin naman kayo eh," pagpapatuloy ko at ngumiti. Nakita ko naman ang disgusto sa mukha nila na nakapagpatawa sa akin.
Pero isang malaking akala ko lang pala iyon dahil sunod-sunod din silang na-ampon ng mga pamilyang dumating. Naging payapa ang buhay ko simula noon pero hindi ako masaya.
And that's when I established my goals.
Ang sabi ko sa sarili ko, mag-aaral ako, magtatapos ako at hahanap ng disenteng trabaho. Magtatrabaho ako ng mabuti at mag-iipon dahil gusto kong hanapin ang pamilya ko. Galit 'man sila sa akin, okay lang! Basta ako, hindi ako galit sa kanila at mahal na mahal ko pa rin sila.
Apat na taon muli ang lumipas at malapit na ako mag-disesais anyos. Malapit na akong umalis dito sa ampunan dahil walang pamilya ang kumuha sa akin. Matagal ko ng hinanda ang sarili ko kung darating 'man ang araw na ito. Kailangan ko nang maging matatag at responsable dahil magiging mag-isa na lang talaga ako sa buhay.
Nasa kwarto ako habang iniisip 'yon ng biglang dumating si Kuya Steve—ang taong bumago ng buhay ko.
Naniniwala ba kayo sa mga hero? Ako, oo."You need to learn the proper etiquette," sabi ni Kuya Steve, ang butler sa mansion ng mga Morint.Dumating si Kuya Steve at ang isang babae sa ampunan noong araw ng kaarawan ko. Hindi naman talaga namin alam kung kailan ang eksaktong birthday ko pero ginamit namin ang araw ng pagdating ko sa ampunan. At nakagisnan ko ng mag-celebrate kapag dumadating ang araw na iyon. I made June 13, my official birthday.Nawawalan na ako nang pag-asa pero mabuti na lang, dumating sila sa buhay ko. Blessing in disguise, ika nga nila.Labis ang tuwa ko ng marinig ko na gusto nila akong ampunin at masayang-masaya sila Sister para sa akin. Nayakap
"You look stunning as always, Ms. Morint"Ngumiti naman ako kay Mr. Salvador. He's one of the board of directors. He was with his wife. Isa siya sa mga pinagkakatiwalaan ko doon dahil tunay talagang mabait si Mr. Salvador unlike the others, mga ganid at sakim sa pera. I don't mind though, as long as they are not betraying us, I won't give a damn about their attitudes."What's your secret, hija? Care to share?" Mrs. Salvador playfully asked."Oh, you won't need it na, Tita, because you look way more beautiful than me," I replied and exaggerated the word 'way'. She just laughed and after talking with them for a while, I roamed my eyes around the venue.Kaninang pagkatapo
I am swaying my hips following the rhythm of the music as I cook my breakfast. Ganito ako everyday bago pumasok sa work. Gusto ko kasi na good vibes ako palagi at para na rin maging maayos ang araw ko.Fortunately, I don't have much paperworks to do today. May babasahin lang akong mga papeles na ipapasa rin naman sa CEO.I always play energetic music in the morning. Today, I chose groovy music to hype myself up. The beat of the song makes me feel happy and all, that's why I can't help myself but dance with it. This feels nice. I am not a morning person that's why I do this everyday.I decided to fry some bacon, eggs and hotdog. My leftover rice from yesterday is now a fried rice with crispy garlic bits that I love. If you're wondering why
Hindi ko magawang i-angat ang tingin ko ng makaupo sa upuan na inilagay niya para sa akin. Seriously, gusto ko siyang sapakin ngayon. Alam na nga niyang may issue na kumakalat tungkol sa amin tapos ganito pa ang ginagawa niya.He is still holding the tote bag and he placed it on the table. He sat right next to me and rested his arm at the back of my chair. I lifted my gaze to look at his arm and then his face. Ang seryoso ha, akala mo naman talaga.Tumingin ako sa harapan namin at nakinig na lang din sa sinasabi nang nagsasalita sa harap. They are talking about the expansion of Alfonze Corporation in Europe. I am amazed at their plan but my thoughts vanished when Raze leaned to me and whispered something."You look so flustered right now,
"Luh? Okay ka lang? Ano bang ginagawa mo?" sabi ko at tumayo para tapikin sana siya sa likod."No, okay lang ako," sabi niya."Sure?" paninigurado ko at tumango siya."So, as I was saying earlier, sa condo mo ako matutulog para hindi ka na mahirapan gisingin ako. Palagi naman na akong natutulog doon kaya, don't worry," paga-assure ko sa kaniya."Yeah, yeah. Goodluck na lang sa akin, ang lakas mo pa naman humilik," pang-aasar niya."Ano?" tanong ko at sinamaan siya ng tingin."Anonymous," pambabara niya. Ibabato ko na sana ang k
Dalawang araw na ang nakalipas pero naging palaisipan sa akin ang mga sinabi ng matanda. I was bothered by it that I couldn't stop thinking about it.Sana, hindi nga iyon totoo dahil iyon ang pinakamatagal ko nang inaasam—ang makita ang pamilya ko. Gusto ko lang malaman ang rason, kung bakit nila ako ibinigay sa ampunan. Tanggap 'man nila ako o hindi, ayos lang. Magpapasalamat pa rin ako sa kanila na binuhay nila ako.Sinarado ko na ang report na binabasa ko dahil alas dos na nang hapon. We are going to have a meeting with the other corporation who is facing a bankruptcy right now. All materials are ready and the board members are already there.I am just fixing my makeup when Lily knocked on my door and opened it.
"So, ayun, Raze threatened them."Pagtatapos ko sa kwento at tumingin na lang sa bintana. Pinanood ko na lang ang mga dinadaanan namin kahit palagi ko naman ito nakikita."That's harassment! Magsama sila ng jowa niya, parehas mga tanga!" gigil na sigaw ni Lily."She missed one important detail," biglang sabi ni Raze."Ano?" kuryosong tanong ni Lily. Agad ko naman binigyan ng masamang tingin si Raze na nakangisi na ng nakakaloko ngayon."She became my girlfriend," mabilis na sagot ni Raze kaya hinampas ko siya sa braso ng malakas."AH
Sinabi ng kausap ko na nasa Muntinlupa ang pamilya na naghahanap ng nawawala nilang anak. Nag-ayos na ako ng mga kailangan ko. Simpleng itim na t-shirt lang at denim jeans ang sinuot ko. Para mas komportable ang mga gagawin ko ngayong araw, nag-suot na lang ako ng isang rubber shoes.Kinuha ko ang cellphone ko at nakitang 7:30 na nang umaga. May pasok ako dapat ngayong araw pero aabsent na muna ako. Tinawagan ko na lang si Lily para ipaalam ang gagawin ko."Lily," bungad ko sa kaniya."Hello, Ms. Morint. Malapit na pong mag-alas otso nang umaga," paalala niya."Yes, yes, I know. I called you because I won't go to work today. I have some important things to do," sabi ko
Last.I dreamed about a kid. She wants me to fight. Gusto ko siyang hawakan pero palagi niyang sinasabi na 'hindi pa po ngayon'. I don't know why but I feel like crying because I know, she's a part of me."I miss you so much. Please, wake up. We still need to arrange our wedding," I heard a voice say.Hinahanap ko kung saan nanggagaling ang boses na iyon. Was it on my mind?"Don't give up, please. I love you," he added. Wait, I know that voice. Raze…Kahit nananakit ang buong katawan ko at halos hindi ko maigalaw ang mga kamay ko, pinilit ko pa rin.Sinimulan
30.I didn't know that I could fall in love at a very young age. I don't even know what the word 'love' truly means at that time but all that I can say is that my heart goes crazy whenever she's near.I love how sparkly and lively her eyes were. I must be crazy about crushing on a kid. Well, it's not bad because I'm a kid also… I think?I was just staring at the little kid who's busy smiling at their guests. She looks cute, a voice in my mind said. She glanced at me and smiled. I unconsciously smiled back but she looked away."Hello! Thank you sa pagpunta!" masayang sabi niya. Akala ko matatapos ang araw na 'to na hindi kami mag-uusap.
29.Maraming gawain ang hinarap ko sa mga sumunod na araw. Medyo nagulat ako na ganito pala karami ang ginagawang trabaho ng mga CEO pero kinakaya ko naman dahil nasanay na rin ako sa trabaho ko noon as the Chief Operating Officer of the company. Mas maraming paperworks pero fulfilling.Dalen Morint has filed for his retirement as the CEO and since I am the current COO, the position has been vacant. Our dad gave that position to Andrea and as far as I can remember, she’s handling it pretty well.Simula nang araw na ‘yon, lalong lumayo ang loob niya sa akin. Gusto ko siyang kausapin ng maayos. I just want to end our feud kasi, nakakapagod din pala. Hindi ko alam kung paano nakakakaya ng ibang tao ang magtanim ng galit sa iba sa napakahabang panahon.
28.Naguilty naman ako sa ginawa ko pero she deserves it. She's been bitching out on me since day one.Naabutan ko si Raze at si Daddy na galing sa swimming pool area. They were still talking when their gaze flew towards me. I smiled at them. Dad nodded his head to Raze."So, are you going to stay here?" tanong ni Raze na na-awkwardan siguro sa presensya ni Daddy."Yes, will you… will you stay here with me?" tugon ko. Nanlaki ang nga mata nito at sinilip si Daddy. Pinipigilan ko ang tawa ko habang tinitignan ko siya na parang batang nagpapaalam kay Daddy.Akala mo talaga inosente oh.
27.Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa harapan ng matanda habang nagpupunas ng luha matapos nito sabihin ang buong kwento. Hinawakan ko ang kamay ni Lola Maricar."Babalik po ako ha?" sabi ko rito at parang naintindihan naman niya ako kaya tumango siya."Babalik ako," sambit ko pagkaharap kay Mara."Hihintayin ka po namin," tugon nito. Nginitian ko lang ito bago kami naglakad palayo ni Raze.Mabilis kaming umalis sa lugar na iyon para bumalik sa mansyon. Sunday ngayon kaya panigurado ay nandoon silang lahat. Nanginginig ako habang nakaupo at rumaragasa ang mga emosyon sa dibdib ko.
26."Kailan pa siya ganyan?"Tanong ko habang nakatanaw kay mama. Hindi ko alam kung ano bang dapat kong maramdaman. Matutuwa ba ako dahil nahanap ko na sila? O malulungkot dahil ganito naman ang kalagayan niya?"Last year po. 'Yan siguro po 'yung impact ng pagkamatay ni lolo," tugon nito habang nakatingin din kay mama. Humarap ito sa akin at ngumiti."Pasensya na po pero kailangan na pong matulog ni lola. Kung gusto niyo po, bumalik na lang po kayo bukas," magalang na sabi nito. Huminga ako ng malalim bago sumagot."Sige, salamat. Maaga na lang kami babalik dito bukas," sabi ko.
25.Pagkaalis na pagkaalis namin sa bahay-ampunan, agad kaming nagtungo roon sa lugar na iyon sa Zambales. Ayon sa inilagay nilang dokumento, doon daw sila nakatira.Hindi ako mapakali sa kinauupuan ko habang papunta kami roon. Hawak-hawak naman ni Raze ang kamay ko buong byahe namin. Nakatulong iyon sa pagbawas ng kaba ko."Do you think I'll be able to find them?" mahinang tanong ko."We will," Raze replied. I heaved a sigh and leaned back on my seat."We're almost there, love," he informed me and he squeezed my hand a little.Lumiko kami sa isang kanto at ipi
24."Don't mind everything that she said to you," sabi ni Raze nang makalayo kami sa pwesto ni Cassiea. Tumango ako at hinawakan niya ang magkabila kong pisngi."I'm yours, love," he said and he claimed my lips.Hindi na namin tinapos ang party at nauna na kaming umuwi ni Raze. Nagpaalam kaming dalawa sa mga magulang namin at umalis na. Nawala ang mood ko dahil sa sagutan namin ni Cassiea. Pagdating namin sa condo ay nakatulog na kami kaagad.Simula nang magising kami ay kung ano-anong pangangalikot ang ginagawa ni Raze sa condo ko. Yakap-yakap niya pa ang teddy bear na binigay niya sa akin noon. I can't help but to chuckle because he looks like a kid.
23."Come back again, darling"Sabi ni Mommy sa akin bago kami umalis. Pinipilit pa niya ako na mag-stay na lang doon sa mansyon ulit pero ako na ang umayaw. Panigurado na hindi magugustuhan ni Cassiea na nandoon ako, kaya para hindi magkagulo, ako na lang ang iiwas. Sinabihan ko na lang siya na bibisita na lang ako sa mansyon ulit. Binilin din niya na magkakaroon ng party para kay Cassiea sa biyernes ng gabi. Miyerkules pa lang ngayon kaya marami pa akong oras para mag-isip ng susuotin ko.Mabilis kami umalis dahil gusto ko kaagad puntahan ang address at impormasyon na ibinigay ng hindi kilalang tao na iyon. Alam kong hindi dapat ako magtiwala pero kapag tungkol sa pamilya ko, gagawin ko ang lahat. Sinamahan ako ni Raze para raw masiguro na ligtas ito.