"Luh? Okay ka lang? Ano bang ginagawa mo?" sabi ko at tumayo para tapikin sana siya sa likod.
"No, okay lang ako," sabi niya.
"Sure?" paninigurado ko at tumango siya.
"So, as I was saying earlier, sa condo mo ako matutulog para hindi ka na mahirapan gisingin ako. Palagi naman na akong natutulog doon kaya, don't worry," paga-assure ko sa kaniya.
"Yeah, yeah. Goodluck na lang sa akin, ang lakas mo pa naman humilik," pang-aasar niya.
"Ano?" tanong ko at sinamaan siya ng tingin.
"Anonymous," pambabara niya. Ibabato ko na sana ang kutsarang hawak ko pero hinarang niya ang kamay niya.
"Oh, chill!" he said in a mocking tone. Hindi ko na lang siya kinibo at inubos na lang ang pagkain ko.
"Hey, I'm planning to give something to the families and children there tomorrow, what do you think?" he changed the topic and good for him, I am interested in that!
"Oh, I'm also planning that," I replied and we discussed about what to get for the families tomorrow.
We are planning to give each family a mattress and some extra groceries even though we are already giving them some. For the children, we will give them necessities for school and some stuff that they can play with. We ordered it already and it will be sent out tomorrow at the location.
"Hey, let's continue watching that on your condo na lang, para if ever na, antukin ako, diretso tulog na lang ako," sabi ko. Tumango naman siya at pinatay na ang television. Kumuha naman ako ng isang extra kong unan at pinatay na rin lahat sa condo ko at nilock 'yon.
Pumasok na kami sa condo ni Raze. Kung malaki na ang condo ko, doble ang kaniya. Hindi rin sofa ang meron sa sala niya kung hindi parang isang mini-bed. Mahilig kasi siyang manood ng mga movies or series kaya ganiyan ang kinuha niya. Minsan kasi ay nakakatulugan na niya ang panonood. Nahawaan na rin ako ng pagiging addict niya.
"Iinom lang ako ng tubig. Buksan mo na 'yung television," sabi niya. Kinuha ko naman na ang remote at hinanap na ang series na pinapanood namin kanina pa.
Hindi rin naman nagtagal ay bumalik na siya.
The series is all about a girl who committed suicide but she left some tapes that contains the reasons why it lead her to kill herself. We are already on the third season where her rapist is found dead in a river.
Masiyado akong na-focus sa pinapanood namin kaya ito ako ngayon, inaantok na. Sinandal ko ang ulo ko sa balikat ni Raze.
"Are you sleepy?" he asked and I nodded my head.
"Let's continue this tomorrow," he said. Tumayo naman na ako at dumiretso sa kwarto niya at dumiretong humiga sa kama habang yakap-yakap ang unan ko.
Mabuti na lang at inantok na ako agad kasi maaga pa kami gigising bukas.
"I'll just brush my teeth," pagpapaalam ni Raze. Hindi ko na siya sinagot dahil inaantok na talaga ako.
Maya-maya ay naramdaman ko na ang pagtabi niya sa akin.
"Goodnight, Cass," he mumbled. "I'm going to hug you."
"Hmmm," was my only reply and I felt his arms wrapped around my waist and he pulled me closer to him. That was the last thing that I remembered and I completely dozed off to sleep.
Nagising ako na nakayakap na kay Raze. Bumitaw kaagad ako at sinilip siya. Gising na gising na pala ang loko.
"Bakit hindi mo ako ginigising?" tanong ko at agad na inabot ang cellphone ko at tinignan ang oras. Wow, 3:30 am pa lang. Well, okay lang, gigising na ako. Baka kapag nakatulog pa ako, mahirapan na ako magising.
"Ang himbing ng tulog mo, I don't want to wake you up," paliwanag niya at bumangon na. Shiz. Hindi na bago 'to pero usually kasi, inaalis niya ang kamay ko. At, bakit bumibilis na naman ang tibok ng puso ko?
Napahikab na lang ako at bumangon na rin. Inayos ko lang ang kama niya at dumiretso na sa dining table. Nakahanda na roon ang tatlong pirasong pancake, isang baso ng gatas.
Kumain na ako at pumunta na sa condo ko para maligo at magbihis na. Since hindi naman kailangan na sobrang pormal doon, I decided to wear a plain white shirt and a skinny denim jeans. I tucked the front part of the shirt. I also wore my nike air force 1. Nag-pulbo na lang ako at naglagay ng lip balm dahil ayoko nang sobrang extra. I sprayed some perfume and I picked out an extra shirt and shorts para pampalit ko mamaya. May slippers naman na ako sa sasakyan ko kaya no need to bring one.
Pagkatapos ko mag-ayos, pinatay ko na lahat ng appliances ko sa condo at kumatok kay Raze.
"Yes?" tanong ni Raze pagkabukas ng pinto. Shirtless pa siya kaya napaiwas ako ng tingin. Hindi ko bet pandesal ngayong araw ha.
"Uh… Hindi ako sasabay sa'yo ha. I have to monitor my staffs, kaya see you na lang doon," sabi ko at tumango naman siya.
"Sige, bye na," pagpapatuloy ko.
"Take care," he said and I nodded my head.
"Ikaw rin."
Bumaba na ako sa parking lot at nagmaneho na papunta sa Morint Corp. Pagdating ko ay nakaayos naman na lahat ng staffs at handa na rin ang mga sasakyan na gagamitin. Kinausap ko lang sila saglit at nagsabi lang ng ilang bilin at sinabihan na sila na aalis na kami.
Nakakapagod 'man ang byahe pero alam ko naman na mag-eenjoy ako mamaya. Maaga pa naman kaya mga isa o dalawang oras lang ay nakarating na kami sa Bulacan. Pagdating namin ay nakahanda na ang mga tent at nandoon na rin ang mga packed na grocery, may mga doctor na rin doon na magbibigay ng libreng check up, may mga teacher din kami na hinire ngayon para magturo sa mga bata, at mamaya ay dadating na ang libreng pakain namin sa kanila.
Napangiti ako nang makita ang mga inorder naming mga mattress at mga laruan sa mga bata. I love going to outreach programs kasi, parehas lang kami noon na walang-wala rin. It's my way of giving back din to others for all the blessings that I received and still receiving. Kahit sa simpleng paraan lang, gusto kong makatulong sa iba.
"You seem happy"
Hinarap ko naman ang nagsalita at nakarating na pala sila Raze. Ngumiti ako at tinanguan siya. Masayang-masaya.
"Mr. Alfonze, Ms. Morint," agaw atensyon sa amin ng alkalde ng lugar na ito. Kasama niya ang barangay captain ng lugar.
"Magandang umaga po," nakangiting bati ko sa kanila at nakipagkamay.
"Masaya po ako na napili niyo ang lugar namin," sabi ng barangay captain. "Marami hong pamilya dito na hindi maayos ang pamumuhay, kaya panigurado matutuwa ho sila sa mga handog niyo sa kanila."
"Wala ho 'yun. Gusto ko rin ho sila makitang masaya," nakangiting sagot ko sa kanila.
Hindi naman nagtagal ay nagdatingan na ang mga pamilya. Hiniwalay ang mga bata sa matatanda. Habang tinuturuan ang mga bata, namimigay na ng mga packed grocery at ang hinanda naming mga regalo sa kanila. Ihuhuli namin ang mga senior citizen para hindi sila masiksik masiyado dito.
Nakangiti akong namimigay sa mga tao. Nakakatuwa makita ang mga ngiti nila sa mga simpleng bagay na ganito. Ang ibang mga staffs ay binigay at hinahatid sa mga bahay nila ang mga kutson na regalo namin sa kanila.
Tumagal ang pamimigay namin nang dalawang oras at sakto naman ay natapos na ang pagtuturo sa mga bata, kaya binigay na rin namin sa kanila ang mga regalo namin sa kanila. Tuwang-tuwa naman sila at agad na nilaro ang mga iyon. Ang mga natapos nang mabigyan ay pinadiretso na namin sila sa pagpapa-check up. Bibigyan din sila ng mga libreng gamot doon at vitamins.
Para sa mga senior citizen, kami na ang lumapit sa kanila para mamigay. Napansin ko naman ang isang lola doon sa gilid na nakangiti lang sa amin. Kumuha ako ng eco bag at lumapit sa kaniya. Ramdam ko naman ang titig ni Raze sa likod ko.
"Hello po, Lola," bati ko sa matanda at ngumiti sa kaniya at sa kasama niya. Ngumiti naman ito pabalik sa akin. Nag-squat naman ako para pumantay sa kaniya.
"Ang ganda mo naman," puri niya.
"Salamat po. Ito po oh, para sa inyo," sabi ko at inabot sa kaniya ang eco bag. Tinanggap naman niya ito at ngumiti.
"Napakabait mo, iha. Nararamdaman ko iyon. Kasintahan mo ba siya?" tanong niya sa akin at itinuro si Raze na seryosong nag-aayos ngayon ng mga natirang eco bag.
"Naku, hindi po. Matalik lang po kami na magkaibigan," sagot ko. Hinawakan naman niya ang kamay ko.
"Nakikita ko sa mga mata mo, Iha. May bagay ka pa na gustong maabot pero, matagal mo nang nasa tabi ito. Kaya lang mag-iingat ka, dahil may hadlang," sabi ng matanda. Nawala naman ang ngiti ko sa sinabi niya at napuno ang utak ko ng katanungan.
"Hala ka. Pasensiya na po, ate. Hindi na rin alam ni nanay ang sinasabi niya. Huwag niyo na lang po iyon, intindihin," sabi ng kasama niya. Tumango na lang ako sa kaniya at tumayo.
"Sige po, mauuna na ako," pagpapaalam ko at pilit na ngumiti. Tumalikod na ako sa kanila at naglakad na pabalik sa pwesto namin kanina.
Kahit sabihin ng kasama niya na wala lang iyon, hindi ko pa rin mapigilan na isipin iyon. Paano kung totoo 'yon? Sino ang hadlang?
Dalawang araw na ang nakalipas pero naging palaisipan sa akin ang mga sinabi ng matanda. I was bothered by it that I couldn't stop thinking about it.Sana, hindi nga iyon totoo dahil iyon ang pinakamatagal ko nang inaasam—ang makita ang pamilya ko. Gusto ko lang malaman ang rason, kung bakit nila ako ibinigay sa ampunan. Tanggap 'man nila ako o hindi, ayos lang. Magpapasalamat pa rin ako sa kanila na binuhay nila ako.Sinarado ko na ang report na binabasa ko dahil alas dos na nang hapon. We are going to have a meeting with the other corporation who is facing a bankruptcy right now. All materials are ready and the board members are already there.I am just fixing my makeup when Lily knocked on my door and opened it.
"So, ayun, Raze threatened them."Pagtatapos ko sa kwento at tumingin na lang sa bintana. Pinanood ko na lang ang mga dinadaanan namin kahit palagi ko naman ito nakikita."That's harassment! Magsama sila ng jowa niya, parehas mga tanga!" gigil na sigaw ni Lily."She missed one important detail," biglang sabi ni Raze."Ano?" kuryosong tanong ni Lily. Agad ko naman binigyan ng masamang tingin si Raze na nakangisi na ng nakakaloko ngayon."She became my girlfriend," mabilis na sagot ni Raze kaya hinampas ko siya sa braso ng malakas."AH
Sinabi ng kausap ko na nasa Muntinlupa ang pamilya na naghahanap ng nawawala nilang anak. Nag-ayos na ako ng mga kailangan ko. Simpleng itim na t-shirt lang at denim jeans ang sinuot ko. Para mas komportable ang mga gagawin ko ngayong araw, nag-suot na lang ako ng isang rubber shoes.Kinuha ko ang cellphone ko at nakitang 7:30 na nang umaga. May pasok ako dapat ngayong araw pero aabsent na muna ako. Tinawagan ko na lang si Lily para ipaalam ang gagawin ko."Lily," bungad ko sa kaniya."Hello, Ms. Morint. Malapit na pong mag-alas otso nang umaga," paalala niya."Yes, yes, I know. I called you because I won't go to work today. I have some important things to do," sabi ko
10.I was sipping my coffee while reading some reports and updates when Lily knocked on my door."Ms. Morint, your meeting will start in 15 minutes. Lunch will be provided later," Lily informed me. I nodded while still reading."Thank you, Ly," sabi ko. Huminga ako nang malalim bago binitawan ang mga papel na hawak ko. Hinagilap ko ang bag ko para kahit papaano ay makapag-ayos ako.Today's the day. Pwede na malaman ang resulta ngayon pero naghihintay pa ako sa tawag ng doctor. Sobra-sobra ang kaba na nararamdaman ko ngayon at parang gustong tumalon ng puso ko mula sa dibdib ko.Naglagay na lang ako ng kaunting lipstick ulit at nagpabango. Pagkatapos ay tu
11.Hindi ko alam kung kailan ako tumigil sa pag-iyak pero nakatulugan ko na ito. Nagising na lang ako na nilalamig at parang pinupukpok ang ulo ko sa sakit. Hindi ko alam kung umalis ba si Raze kagabi pagkatapos ko makatulog.Sinubukan kong bumangon pero napahiga lang din ulit dahil nanghihina talaga ang katawan ko. Balak ko ulit tumayo pero biglang may gumalaw sa gilid ko. Sinilip ko ito at napaawang ang labi ko nang makita si Raze na pupungas-pungas pa sa tabi ko."How are you feeling?" he asked when he saw me looking at him."I'm feeling sick," I answered and he chuckled."Yes, because you are sick," he told me. I groa
12.Kinabukasan nang araw na iyon ay nag-iwan na lang si Raze ng pagkain sa mesa at umalis na siya dahil kailangan siya sa isang kompanya nila doon.Nandito ako ngayon sa sala ko at nagbabasa lang ng libro habang pinapapak ang koko crunch ko. Wala naman gaanong gagawin dahil itutuloy ko lang ang meeting ko bukas na na-cancel noong friday nang lumabas 'yung resulta.I was so engrossed with what I am reading when my phone rang. Pinulot ko ang cellphone ko na nasa sahig na pala at nakitang tumatawag si Mommy. Agad ko itong sinagot at ni-loudspeaker bago nilapag sa mesa."Hello, Abby," malamyos ang tinig na bati ni Mommy."Hello,
13.It's been five days since Tita Linda and I met. Nag-stay pa sila ng dalawang araw ni Mico sa mansyon pero umuwi na rin sa Pampanga noong miyerkules.Masaya silang kasama lalo na si Tita Linda na maraming kwento. Kapag magkasama kami ay hindi siya nauubusan ng sasabihin. Siguro sa iba maiirita na sila kapag ang daldal ng kausap nila pero in my case, I loved it. Gusto ko talaga ng mga taong ma-kwento, kaysa naman sa taong parang pader kasama. Same to Mico as well, he became like my brother. I didn't felt awkward with him. Para bang ang tagal na namin magkakilala, well, matagal na talaga silang magkakilala nang totoong Cassiea.Last Monday, Tita Linda and him, came with me on my office. I toured them around the company and discussed the changes on it. Tita told me how pro
14.Nagising ako na sobrang sakit ang ulo ko. Bakit ba kasi ako uminom ng ganoon karami kagabi? Napahawak ako sa ulo ko ng kumirot na naman ito. Ugh!Akmang tatayo na ako pero naramdaman ko ang mabigat na bagay sa may bandang tiyan ko at ang mainit na hininga sa gilid ng tainga ko. Agad akong kinabahan. Shit, what if sumama ako kung kani-kanino? Wala pa naman akong matandaan kagabi! Pero ang weird ng panaginip ko. Girlfriend na raw ako ni Raze!Dahan-dahan kong iniangat ang kamay na iyon sa tiyan ko at ingat na ingat na umupo sa kama pero bago pa 'man ako maka-ayos ng upo, may isang malakas na kamay ang humila sa akin pabalik sa pagkakahiga. Sisigaw na sana ako ng magsalita ang katabi ko.
Last.I dreamed about a kid. She wants me to fight. Gusto ko siyang hawakan pero palagi niyang sinasabi na 'hindi pa po ngayon'. I don't know why but I feel like crying because I know, she's a part of me."I miss you so much. Please, wake up. We still need to arrange our wedding," I heard a voice say.Hinahanap ko kung saan nanggagaling ang boses na iyon. Was it on my mind?"Don't give up, please. I love you," he added. Wait, I know that voice. Raze…Kahit nananakit ang buong katawan ko at halos hindi ko maigalaw ang mga kamay ko, pinilit ko pa rin.Sinimulan
30.I didn't know that I could fall in love at a very young age. I don't even know what the word 'love' truly means at that time but all that I can say is that my heart goes crazy whenever she's near.I love how sparkly and lively her eyes were. I must be crazy about crushing on a kid. Well, it's not bad because I'm a kid also… I think?I was just staring at the little kid who's busy smiling at their guests. She looks cute, a voice in my mind said. She glanced at me and smiled. I unconsciously smiled back but she looked away."Hello! Thank you sa pagpunta!" masayang sabi niya. Akala ko matatapos ang araw na 'to na hindi kami mag-uusap.
29.Maraming gawain ang hinarap ko sa mga sumunod na araw. Medyo nagulat ako na ganito pala karami ang ginagawang trabaho ng mga CEO pero kinakaya ko naman dahil nasanay na rin ako sa trabaho ko noon as the Chief Operating Officer of the company. Mas maraming paperworks pero fulfilling.Dalen Morint has filed for his retirement as the CEO and since I am the current COO, the position has been vacant. Our dad gave that position to Andrea and as far as I can remember, she’s handling it pretty well.Simula nang araw na ‘yon, lalong lumayo ang loob niya sa akin. Gusto ko siyang kausapin ng maayos. I just want to end our feud kasi, nakakapagod din pala. Hindi ko alam kung paano nakakakaya ng ibang tao ang magtanim ng galit sa iba sa napakahabang panahon.
28.Naguilty naman ako sa ginawa ko pero she deserves it. She's been bitching out on me since day one.Naabutan ko si Raze at si Daddy na galing sa swimming pool area. They were still talking when their gaze flew towards me. I smiled at them. Dad nodded his head to Raze."So, are you going to stay here?" tanong ni Raze na na-awkwardan siguro sa presensya ni Daddy."Yes, will you… will you stay here with me?" tugon ko. Nanlaki ang nga mata nito at sinilip si Daddy. Pinipigilan ko ang tawa ko habang tinitignan ko siya na parang batang nagpapaalam kay Daddy.Akala mo talaga inosente oh.
27.Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa harapan ng matanda habang nagpupunas ng luha matapos nito sabihin ang buong kwento. Hinawakan ko ang kamay ni Lola Maricar."Babalik po ako ha?" sabi ko rito at parang naintindihan naman niya ako kaya tumango siya."Babalik ako," sambit ko pagkaharap kay Mara."Hihintayin ka po namin," tugon nito. Nginitian ko lang ito bago kami naglakad palayo ni Raze.Mabilis kaming umalis sa lugar na iyon para bumalik sa mansyon. Sunday ngayon kaya panigurado ay nandoon silang lahat. Nanginginig ako habang nakaupo at rumaragasa ang mga emosyon sa dibdib ko.
26."Kailan pa siya ganyan?"Tanong ko habang nakatanaw kay mama. Hindi ko alam kung ano bang dapat kong maramdaman. Matutuwa ba ako dahil nahanap ko na sila? O malulungkot dahil ganito naman ang kalagayan niya?"Last year po. 'Yan siguro po 'yung impact ng pagkamatay ni lolo," tugon nito habang nakatingin din kay mama. Humarap ito sa akin at ngumiti."Pasensya na po pero kailangan na pong matulog ni lola. Kung gusto niyo po, bumalik na lang po kayo bukas," magalang na sabi nito. Huminga ako ng malalim bago sumagot."Sige, salamat. Maaga na lang kami babalik dito bukas," sabi ko.
25.Pagkaalis na pagkaalis namin sa bahay-ampunan, agad kaming nagtungo roon sa lugar na iyon sa Zambales. Ayon sa inilagay nilang dokumento, doon daw sila nakatira.Hindi ako mapakali sa kinauupuan ko habang papunta kami roon. Hawak-hawak naman ni Raze ang kamay ko buong byahe namin. Nakatulong iyon sa pagbawas ng kaba ko."Do you think I'll be able to find them?" mahinang tanong ko."We will," Raze replied. I heaved a sigh and leaned back on my seat."We're almost there, love," he informed me and he squeezed my hand a little.Lumiko kami sa isang kanto at ipi
24."Don't mind everything that she said to you," sabi ni Raze nang makalayo kami sa pwesto ni Cassiea. Tumango ako at hinawakan niya ang magkabila kong pisngi."I'm yours, love," he said and he claimed my lips.Hindi na namin tinapos ang party at nauna na kaming umuwi ni Raze. Nagpaalam kaming dalawa sa mga magulang namin at umalis na. Nawala ang mood ko dahil sa sagutan namin ni Cassiea. Pagdating namin sa condo ay nakatulog na kami kaagad.Simula nang magising kami ay kung ano-anong pangangalikot ang ginagawa ni Raze sa condo ko. Yakap-yakap niya pa ang teddy bear na binigay niya sa akin noon. I can't help but to chuckle because he looks like a kid.
23."Come back again, darling"Sabi ni Mommy sa akin bago kami umalis. Pinipilit pa niya ako na mag-stay na lang doon sa mansyon ulit pero ako na ang umayaw. Panigurado na hindi magugustuhan ni Cassiea na nandoon ako, kaya para hindi magkagulo, ako na lang ang iiwas. Sinabihan ko na lang siya na bibisita na lang ako sa mansyon ulit. Binilin din niya na magkakaroon ng party para kay Cassiea sa biyernes ng gabi. Miyerkules pa lang ngayon kaya marami pa akong oras para mag-isip ng susuotin ko.Mabilis kami umalis dahil gusto ko kaagad puntahan ang address at impormasyon na ibinigay ng hindi kilalang tao na iyon. Alam kong hindi dapat ako magtiwala pero kapag tungkol sa pamilya ko, gagawin ko ang lahat. Sinamahan ako ni Raze para raw masiguro na ligtas ito.