12.
Kinabukasan nang araw na iyon ay nag-iwan na lang si Raze ng pagkain sa mesa at umalis na siya dahil kailangan siya sa isang kompanya nila doon.
Nandito ako ngayon sa sala ko at nagbabasa lang ng libro habang pinapapak ang koko crunch ko. Wala naman gaanong gagawin dahil itutuloy ko lang ang meeting ko bukas na na-cancel noong friday nang lumabas 'yung resulta.
I was so engrossed with what I am reading when my phone rang. Pinulot ko ang cellphone ko na nasa sahig na pala at nakitang tumatawag si Mommy. Agad ko itong sinagot at ni-loudspeaker bago nilapag sa mesa.
"Hello, Abby," malamyos ang tinig na bati ni Mommy.
"Hello, Mom," bati ko pabalik.
"What are you doing? Reading again?" she asked that made me chuckle.
"Yes, Mom. Wala naman po akong ginagawa ngayon kaya, magbabasa na lang ako," sabi ko at sumubo ulit ng isang piraso ng koko crunch.
"Hay nako, buti hindi pa talaga lumalabo 'yang mga mata mo," sabi niya at parang nakikita ko ang mataray niyang mukha habang pinapangaralan ako.
"Minsan lang naman po, Mommy," pangungumbinsi ko pa.
"Anyway, I called because your Tita Linda is visiting here in the Philippines and she is arriving at the airport at 12 pm. Sabi ko ikaw na lang ang susundo sa kaniya, is that okay?" sambit niya. Nanlaki naman ang mata ko. Tita Linda? As far as I can remember, close sila ni Cassiea noong bata pa ito.
Shit, kinakabahan ako. Baka mamaya malaman niya na hindi ako si Cassiea o baka pumalpak ako sa ginagawa ko.
"S-sige po, Mommy. Maliligo na po ako and pupunta na ako sa airport," pagsang-ayon ko.
"Okay. Take care, anak. Be careful on driving," she said.
"Yes, Mom. Thank you," I said.
"You're welcome, darling."
She said and ended the call. I was so freakin' nervous as hell right now. I heaved a sigh and walked towards my room. I prepared a white button-down long sleeves and a denim ankle pants. Beige velvet block heels na lang din ang pinili kong shoes to partner my outfit.
Pumasok na ako sa banyo at naligo na. Marami pa naman time pero ayaw ko lang malate at gusto ko hindi ako mat-traffic kasi for sure kapag umalis ako ng 11 am, traffic na.
Pagkatapos ko maligo, naghugas na rin ako ng mukha. Naglagay na rin ko ng moisturizer at sunscreen. Pagkatapos ay sinuot ko na ang napili kong suot at binitbit na rin ang go-to bag ko.
Pinatay ko na lahat ng appliances sa bahay at pinatay ang ilaw. Pagkatapos ay dumiretso na sa parking lot at nagmaneho na papunta sa airport.
Buti na lang talaga at maaga ako umalis dahil medyo traffic sa dinadaanan ko. Pagdating ko sa airport ay maraming tao. Sumilip ako sa gilid at nakitang may mga babaeng may hawak ng placard. Siguro celebrity ang dadating, kaya nagkakagulo sila at kanina pa nagtitilian.
Tinawagan ko si Mommy para alamin kung nasaan na ba si Tita Linda. Dinial ko na ang number ni Mommy at agad naman niya iyon sinagot.
"Yes, anak?" sagot ni Mommy.
"Mom, ano pong suot ni Tita?" tanong ko at sasagot pa lang si Mommy ng may isang magandang babae ang biglang yumakap sa akin.
"Oh my! Cassiea, ang dalaga ka na talaga!" sabi nung babae at hindi ko na kailangan pang pakinggan ang sasabihin ni Mommy dahil nakita ko na siya.
"Oh, ayan na yata siya. Have fun, anak. Hihintayin namin kayo dito mamaya," sabi ni Mommy at binaba na ang tawag.
"Hello po, Tita," bati ko at nakipagbeso sa kaniya.
"Ang tagal nating hindi nagkita. You were just three years old since we've last met and now, look at you! You're all grown up!" she said with teary eyes.
"Hehehe," awkward lang na sagot ko sa kaniya.
"So, how are you?" pangungumusta niya.
"I'm fine, Tita. I'm great," sagot ko habang tinutulungan siya sa mga dalahin niya.
"Huwag mo na bitbitin 'yan. I am with your cousin, Mico," she said then roamed her eyes around the airport. "Nasaan na ba ang batang iyon?" sabi ni Tita, kaya ginaya ko na rin siya.
"Long time no see, Cass!" a guy suddenly showed up in front of me and ruffled my hair.
"There you are!" Tita exclaimed. Tinignan ko si 'Mico' at napansin ko na mukha siyang playboy.
He has this playful smile plastered on his face, one black earring on his left ear. His thick eyebrows and a set of deep black orbs. Ang puti rin niya! Mas maputi pa yata 'to sa'kin. Sana all.
"Hello," maikling bati ko dito. Pinanliitan naman ako nito ng tingin at tinignan ako mula ulo hanggang paa.
"Grabe, wala talagang hindi maganda o pogi sa angkan natin," sabi niya at tumawa na parang nang-aasar.
"Umayos ka nga!" sabi ni Tita at hinampas siya. Umirap naman si Mico at nag-pout. Seriously, para siyang babae kumilos! Natawa ako sa naiisip ko.
"Nandito po 'yung kotse ko, Tita," sabi ko at niyaya na sila. Binuhat naman ni Mico ang mga duffel bag na dala nila at tinulungan siya sa isang maleta at ako na ang humila doon.
"So, Cass, kamusta naman ang pagiging Chief Operating Officer?" biglang tanong ni Mico.
"Okay naman. Mas nakakapagod kaysa sa dating posisyon ko pero I can manage," I said and smiled.
"You know business is not my thing that's why I refused my dad when he offered me a position in our company. I'm more into modelling, that's why I became a model, of course," he said that shocked me. He is a model?
"He is one of the famous models in the US. Luckily, no one informed the media about our arrival," Tita butted in. I chuckled with what she said.
"Good thing no one noticed you. Reporters are flocking in front of the airport earlier," I said and pointed out the place where I saw them. "There."
"I'm a lucky asshole after all," he exclaimed and smirked.
Nilagay na niya sa compartment ang mga maleta at ang duffel bag at mga hand carry nila ay nilagay na lang sa back seat. Buti ay nagkasya pa rin kami. Medyo magtatagal sila dito dahil namiss daw nila ang Pilipinas.
"What do you want to eat po?" tanong ko habang nakatingin sa dinadaanan namin. Baka makakita kasi ng magandang restaurant.
"Any restau will do, dear," sabi ni Tita. Tinigil ko na sa isang restaurant na nadaanan namin. Mukhang maayos doon at wala rin gaanong tao kaya doon ang napili ko.
Pinark ko na ang sasakyan ko at bumaba na kami. Pagpasok namin sa restaurant ay agad kaming iginiya ng waiter sa isang lamesa.
"Here's the menu, ma'am," sabi nung waiter. I chose sirloin steak with some hash on the side. Tita chose salad and Mico got the same dish as mine.
"I heard from your mom that you graduated as magna cum laude in University of the Philippines?" Tita suddenly asked.
"Yes po," I answered and smiled.
"Wow! Nahiya ako bigla," sabi ni Mico at sumipol.
"Dapat lang! Hindi ka nagtino mag-aral jusko pong bata ka," sabi ni Tita. Natawa naman kami ni Mico.
"Atleast, I graduated," sagot lang ni Mico at nagkibit-balikat.
"Nakakatuwang makita kayong dalawa ngayon," sabi ni Tita at tinignan kaming dalawa. "Ang lalaki niyo na, dati ang dudungis niyo pa kapag naglalaro kayo," dugtong ni Tita.
"Naalala ko dati, kapag wala si Cassandra, ako ang nagbabantay sa'yo. Gustong-gusto mo rin na kinakantahan kita bago matulog," nakangiting kwento ni Tita. Napangiti rin ako dahil doon. Cassiea is lucky to have a family like this, I envy her.
"Do you remember the song that I always sing?" tanong niya. Natigilan ako bigla dahil doon.
"P-po?" sabi ko at napaharap sa kaniya. Nginitian naman ako nito at sinulyapan ko naman si Mico na ngayon ay busy na sa cellphone niya.
"Uhh…" alangan na sabi ko at kunwaring nag-isip kung ano iyon pero ano ba talaga 'yun? "H-hindi ko na po matandaan e," sabi ko na lang. Napayuko ako sa takot na baka pagtakahan niya ako pero napa-angat ang tingin ko ng tumawa siya.
"It's okay, dear. Bata ka pa noon kaya maiintindihan ko kung bakit hindi mo na matandaan," sabi nito. Nakahinga ako ng maluwag dahil doon.
Sakto naman na dumating ang mga order namin at inilapag na sa mesa namin. Our lunch was filled with catching up and questions.
Pinadiretso kami ni mommy sa mansyon pagkatapos na pagkatapos namin kumain. Pagdating namin ay agad silang nagyakapan ni mommy at kami naman ni Mico ay nagkwentuhan lang. We got along so easily because of his playful and positive attitude. Nakakahawa 'yung mga ngiti niya at malakas talaga ang sense of humor niya. Bawat buka yata ng bibig niya napapatawa niya ako.
Doon muna sila sa mansyon for the mean time bago umuwi sa hacienda namin sa pampanga. Hinihintay lang din daw ni Mico ang sasakyan niya bago sila tumuloy doon.
Buong araw ay nandoon lang ako sa mansyon. Kwentuhan lang kami nila mom and dad. I also slept in my room for two hours before I decided to go back to my condo.
"Mom, mauuna na po ako," paalam ko sa kaniya.
"Already? Dito ka na lang matulog, Abby," sabi niya noong puntahan ko siya sa office.
"But–"
"Please, anak?" pamimilit ni mommy. Bumuntong hininga na lang ako at tumango.
"Thank you! I really missed you," sabi niya and she touched my hair.
"Ako rin po, mom," sabi ko.
"Pero bakit hindi ka umuuwi dito? Don't you want to be here anymore?" malungkot na sabi niya sa akin. Nabigla naman ako doon. I didn't know they felt that way…
"No, Mommy. I just…" pagbibitin ko sa sasabihin ko. "Ayoko lang po masanay. Kasi, I know, babalik at babalik po ang tunay na si Cassiea at natatakot po ako na masanay dito kasi alam ko na hindi naman para sa akin ang lahat ng ito." at isa pa, nasasanay na rin ako sa lahat ng ito. Gusto ko pa sanang idugtong.
"Oh no, Abby. You are our family now," she said and hugged me.
I hugged her back and after that, I went back in my room. Good thing, may mga gamit pa ako dito na pwede pang-office attire.
Natulala na lang ako sa kisame at maya-maya ay nakatulog na rin.
"Coco! Look, ang dirty ng face mo," sabi nung batang babae habang tinuturo ang mukha ng kalaro niyang bata habang tumatawa ng malakas.
"It's okaaay!" sagot ng batang lalaki at tumawa rin.
"Kayong dalawa! Maligo na kayo ang dudungis niyo na," sabi ng isang babae at itinayo na silang dalawa bago iginiya sa loob ng bahay.
"Tita, can you sing a song for me?" sabi ng bata. Tumango naman ang kasama nito at nagsimulang ihele ang bata. Hindi rin naman nagtagal ay nakatulog na ito.
Hindi ko maaninag ang mukha nilang lahat. Lahat malabo pero parang pamilyar ang mga boses.
Bigla akong napabangonsa tunog ng cellphone ko. Pagtingin ko ay alarm ko lang pala. Bigla kong naalala ang panaginip ko.
What was that?
13.It's been five days since Tita Linda and I met. Nag-stay pa sila ng dalawang araw ni Mico sa mansyon pero umuwi na rin sa Pampanga noong miyerkules.Masaya silang kasama lalo na si Tita Linda na maraming kwento. Kapag magkasama kami ay hindi siya nauubusan ng sasabihin. Siguro sa iba maiirita na sila kapag ang daldal ng kausap nila pero in my case, I loved it. Gusto ko talaga ng mga taong ma-kwento, kaysa naman sa taong parang pader kasama. Same to Mico as well, he became like my brother. I didn't felt awkward with him. Para bang ang tagal na namin magkakilala, well, matagal na talaga silang magkakilala nang totoong Cassiea.Last Monday, Tita Linda and him, came with me on my office. I toured them around the company and discussed the changes on it. Tita told me how pro
14.Nagising ako na sobrang sakit ang ulo ko. Bakit ba kasi ako uminom ng ganoon karami kagabi? Napahawak ako sa ulo ko ng kumirot na naman ito. Ugh!Akmang tatayo na ako pero naramdaman ko ang mabigat na bagay sa may bandang tiyan ko at ang mainit na hininga sa gilid ng tainga ko. Agad akong kinabahan. Shit, what if sumama ako kung kani-kanino? Wala pa naman akong matandaan kagabi! Pero ang weird ng panaginip ko. Girlfriend na raw ako ni Raze!Dahan-dahan kong iniangat ang kamay na iyon sa tiyan ko at ingat na ingat na umupo sa kama pero bago pa 'man ako maka-ayos ng upo, may isang malakas na kamay ang humila sa akin pabalik sa pagkakahiga. Sisigaw na sana ako ng magsalita ang katabi ko.
15.Paalis na sana kami sa opisina ng biglang tumawag si mommy. Mabilis ko naman itong sinagot, baka importante rin kasi.“Hello po?” bati ko kay mommy.“Abegail, do you have something to tell me?" seryosong tanong ni mommy. Napasilip naman ako kaagad kay Raze dahil baka narinig niya."What?" he mouthed. I signalled him to wait. Lumayo muna ako sa kanya saglit bago sumagot."Abby, are you still there?""Yes, Mom. I'm here," I replied."So?" she asked. I heaved a sigh befor
16.Sabay silang umuwi ni Raze sa condominium nila para kumuha at mag-impake ng mga damit nila. Sobrang biglaan ng bakasyon na ito at hindi ako nakapag-react hanggang ngayon.Ilang mga damit lang ang binitbit ko. Nagdala na rin ako ng mga pang-formal na damit kasi sabi ni Raze. Wala akong ideya kung ano ba talaga ang gagawin namin doon.Nagsuot na lang ako ng isang light blue polo at denim shorts. Tinernuhan ko ito ng white shoes at backpack na lang ang dinala ko para mas komportable ako.Nagulat din ako kaninang umaga na naipag-paalam na niya ako sa mga magulang ko. Pupunta pa lang sana ako sa kwarto nila ng sabihin ni Raze na pumayag na raw sila Daddy na sumama ako at mag-leave muna sa trabaho. I tex
17.I am now wearing a white dress with a floral mesh on it. I put my hair on a high ponytail and wore a simple diamond earring and a gold chain necklace. Since it is a beach wedding, I chose a white flat sandals so that I won’t have any problems walking on the sand.Meanwhile, Raze is wearing a three-piece black suit because he is one of the groomsmen. He looks dashing in his suit. I smiled at the people I met at the venue. White and silver are the motif of the wedding and I am amazed at how they organized their wedding. The pathway was filled with white flowers and the altar was made of silver poles and it has flowers hugging each one of it. The seats are covered with white cloth and each corner has a flower stand. The flowers they chose are very lovely. It made me smile and happy, actually. Na-imagine ko tuloy kung paano kung ako na a
18.“A-Andrea…”Nauutal na sambit ko habang tinitignan ang babaeng kakapasok lang sa main door ng mansyon. Ang laki nang pinagbago niya. Hindi na siya katulad ng Andrea na kilala ko noon. Dati mukha siyang inosente at wala pa gaanong muwang sa mundo. Ngayon, ito na siya sa harap ko. Mukha na siyang matapang at hindi pa rin nagbabago ang itsura niya.Hinubad nito ang shades na suot niya at ibinigay ang bag na dala niya pati na ang mga maleta na ibinaba sa sasakyan niya sa mga katulong. Nandoon naman si Kuya Steve sa gilid niya, kaya pala hindi ko makita si Kuya Steve kanina. Wait, she’s Cassiea?“Welcome home, Miss,” magalang na sabi ni Kuya Steve at yumukod.
19.Kita sa mga mukha ng mga empleyado ng Morint Corporation ang pagtataka habang nakatingin kay Cassiea na nakasukbit ngayon ang braso sa braso ni Daddy. Palipat-lipat ang tingin nila sa kaniya at sa akin. Naunang maglakad si Daddy at medyo nahuli kami ni Cassiea."Sino siya?""Mukhang maarte!""Mas maganda pa rin si Ms. Morint"Tumigil si Cassiea sa paglalakad at hinarap ang babaeng nagsabi no'n."Excuse me?!" mataray na sabi nito at saka tinignan mula ulo hanggang paa ang babae. Kitang-kita sa mukha ng babae ang kaba habang nakatingin kay Cassi
20.Hindi ako pumasok sa opisina ngayong araw para masimulan na ang paghahanap sa pamilya ko. Hindi ko naman talaga alam kung saan magsisimula dahil hindi ko alam kung saan nakatira ang mag-asawang nagdala sa akin sa ampunan. Dala-dala ko ngayon ay ang litrato ko noong bata pa ako, ang itsura ko noong dinala ako sa bahay-ampunan. Parang may kamukha nga akong nakikita sa litrato ko noon.Nag-vibrate ang cellphone ko kaya sinilip ko ito at nakita na si Raze ang tumatawag. Ayoko muna siyang makausap ngayon dahil baka bawiin ko lang ang sinabi ko sa kaniya, kaya pinower off ko muna ang cellphone ko. Pumunta muna ako sa kalapit na bayan ng bahay-ampunan na pinanggalingan ko at baka may makakilala sa akin doon.Matagal-tagal ang biyahe papunta sa bayan na iyon. Si Daddy lang ang
Last.I dreamed about a kid. She wants me to fight. Gusto ko siyang hawakan pero palagi niyang sinasabi na 'hindi pa po ngayon'. I don't know why but I feel like crying because I know, she's a part of me."I miss you so much. Please, wake up. We still need to arrange our wedding," I heard a voice say.Hinahanap ko kung saan nanggagaling ang boses na iyon. Was it on my mind?"Don't give up, please. I love you," he added. Wait, I know that voice. Raze…Kahit nananakit ang buong katawan ko at halos hindi ko maigalaw ang mga kamay ko, pinilit ko pa rin.Sinimulan
30.I didn't know that I could fall in love at a very young age. I don't even know what the word 'love' truly means at that time but all that I can say is that my heart goes crazy whenever she's near.I love how sparkly and lively her eyes were. I must be crazy about crushing on a kid. Well, it's not bad because I'm a kid also… I think?I was just staring at the little kid who's busy smiling at their guests. She looks cute, a voice in my mind said. She glanced at me and smiled. I unconsciously smiled back but she looked away."Hello! Thank you sa pagpunta!" masayang sabi niya. Akala ko matatapos ang araw na 'to na hindi kami mag-uusap.
29.Maraming gawain ang hinarap ko sa mga sumunod na araw. Medyo nagulat ako na ganito pala karami ang ginagawang trabaho ng mga CEO pero kinakaya ko naman dahil nasanay na rin ako sa trabaho ko noon as the Chief Operating Officer of the company. Mas maraming paperworks pero fulfilling.Dalen Morint has filed for his retirement as the CEO and since I am the current COO, the position has been vacant. Our dad gave that position to Andrea and as far as I can remember, she’s handling it pretty well.Simula nang araw na ‘yon, lalong lumayo ang loob niya sa akin. Gusto ko siyang kausapin ng maayos. I just want to end our feud kasi, nakakapagod din pala. Hindi ko alam kung paano nakakakaya ng ibang tao ang magtanim ng galit sa iba sa napakahabang panahon.
28.Naguilty naman ako sa ginawa ko pero she deserves it. She's been bitching out on me since day one.Naabutan ko si Raze at si Daddy na galing sa swimming pool area. They were still talking when their gaze flew towards me. I smiled at them. Dad nodded his head to Raze."So, are you going to stay here?" tanong ni Raze na na-awkwardan siguro sa presensya ni Daddy."Yes, will you… will you stay here with me?" tugon ko. Nanlaki ang nga mata nito at sinilip si Daddy. Pinipigilan ko ang tawa ko habang tinitignan ko siya na parang batang nagpapaalam kay Daddy.Akala mo talaga inosente oh.
27.Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa harapan ng matanda habang nagpupunas ng luha matapos nito sabihin ang buong kwento. Hinawakan ko ang kamay ni Lola Maricar."Babalik po ako ha?" sabi ko rito at parang naintindihan naman niya ako kaya tumango siya."Babalik ako," sambit ko pagkaharap kay Mara."Hihintayin ka po namin," tugon nito. Nginitian ko lang ito bago kami naglakad palayo ni Raze.Mabilis kaming umalis sa lugar na iyon para bumalik sa mansyon. Sunday ngayon kaya panigurado ay nandoon silang lahat. Nanginginig ako habang nakaupo at rumaragasa ang mga emosyon sa dibdib ko.
26."Kailan pa siya ganyan?"Tanong ko habang nakatanaw kay mama. Hindi ko alam kung ano bang dapat kong maramdaman. Matutuwa ba ako dahil nahanap ko na sila? O malulungkot dahil ganito naman ang kalagayan niya?"Last year po. 'Yan siguro po 'yung impact ng pagkamatay ni lolo," tugon nito habang nakatingin din kay mama. Humarap ito sa akin at ngumiti."Pasensya na po pero kailangan na pong matulog ni lola. Kung gusto niyo po, bumalik na lang po kayo bukas," magalang na sabi nito. Huminga ako ng malalim bago sumagot."Sige, salamat. Maaga na lang kami babalik dito bukas," sabi ko.
25.Pagkaalis na pagkaalis namin sa bahay-ampunan, agad kaming nagtungo roon sa lugar na iyon sa Zambales. Ayon sa inilagay nilang dokumento, doon daw sila nakatira.Hindi ako mapakali sa kinauupuan ko habang papunta kami roon. Hawak-hawak naman ni Raze ang kamay ko buong byahe namin. Nakatulong iyon sa pagbawas ng kaba ko."Do you think I'll be able to find them?" mahinang tanong ko."We will," Raze replied. I heaved a sigh and leaned back on my seat."We're almost there, love," he informed me and he squeezed my hand a little.Lumiko kami sa isang kanto at ipi
24."Don't mind everything that she said to you," sabi ni Raze nang makalayo kami sa pwesto ni Cassiea. Tumango ako at hinawakan niya ang magkabila kong pisngi."I'm yours, love," he said and he claimed my lips.Hindi na namin tinapos ang party at nauna na kaming umuwi ni Raze. Nagpaalam kaming dalawa sa mga magulang namin at umalis na. Nawala ang mood ko dahil sa sagutan namin ni Cassiea. Pagdating namin sa condo ay nakatulog na kami kaagad.Simula nang magising kami ay kung ano-anong pangangalikot ang ginagawa ni Raze sa condo ko. Yakap-yakap niya pa ang teddy bear na binigay niya sa akin noon. I can't help but to chuckle because he looks like a kid.
23."Come back again, darling"Sabi ni Mommy sa akin bago kami umalis. Pinipilit pa niya ako na mag-stay na lang doon sa mansyon ulit pero ako na ang umayaw. Panigurado na hindi magugustuhan ni Cassiea na nandoon ako, kaya para hindi magkagulo, ako na lang ang iiwas. Sinabihan ko na lang siya na bibisita na lang ako sa mansyon ulit. Binilin din niya na magkakaroon ng party para kay Cassiea sa biyernes ng gabi. Miyerkules pa lang ngayon kaya marami pa akong oras para mag-isip ng susuotin ko.Mabilis kami umalis dahil gusto ko kaagad puntahan ang address at impormasyon na ibinigay ng hindi kilalang tao na iyon. Alam kong hindi dapat ako magtiwala pero kapag tungkol sa pamilya ko, gagawin ko ang lahat. Sinamahan ako ni Raze para raw masiguro na ligtas ito.