Share

Chapter 1

last update Last Updated: 2021-05-08 13:59:36

"Thank you, Sister Ann" 

Sabay-sabay na sabi namin at nagmano isa-isa kila sister. Kapag ganitong bakasyon ay sila sister ang nagtuturo sa amin. 

Apat na taong gulang daw ako noong dinala ako dito sa ampunan. Tahimik lang daw ako noong unang beses akong dinala dito. Walang kinikibo at kadalasan, nakatulala lang. Sa totoo lang, hindi ko alam kung ano ang nangyari sa akin at wala rin akong naalala sa nakaraan ko. 

"Hoy, Abegail!" sigaw sa akin ni Marie habang naglalakad kami papunta sa playground. Humarap ako sa kaniya at sumambulat sa akin ang tubig na binato niya sa mukha ko. Ramdam ko ang pagkabasa ng damit ko at rinig ko rin ang tawanan nila magkakaibigan. 

"Ang kapal naman ng mukha mo na iharap 'yang pangit na pagmumukha mo sa amin," sabi naman ni Pia. Hindi ko naman napigilan ang pagtulo ng luha ko. Nagsimula na naman sila. 

"Loser ka talaga," mataray na sabi ni Jasmine at binangga pa niya at nilagpasan niya ako. Samantalang si Marie naman ay tinulak ako at tumatawa lang si Pia habang dinadaanan ako. 

Hindi ko alam kung bakit sila nagagalit sa akin. Wala naman akong ginagawa sa kanila. Sadyang mainit lang ang dugo nila sa akin at araw-araw ay ginagawa nila ito. Sanay na ako pero hindi ko pa rin maiwasan maiyak dahil gusto ko lang naman ng kaibigan at maayos naman ang pakikitungo ko sa kanila.

Tumayo na ako at sinulyapan na lang ang playground na naglalaro na sila. Dahan-dahan akong naglakad papunta sa sleeping quarters namin para magpalit ng damit. 

Kung tutuusin ay masiyado na akong matanda dito sa ampunan. Sa totoo lang kami nila Marie ang pinakamatanda dito. Kadalasan sa mga bata dito ay na-aampon na kaagad sa edad na dalawang taong gulang hanggang pitong taong gulang. Swerte sila kapag may pumipili sila at inaampon pero kalungkutan naman ang hatid no'n para sa iba—para sa akin. Dahil isang kaibigan na naman ang aalis at hindi na naman kami napili. Gusto lang naman namin magkaroon ng pamilya pero hindi namin alam, kung bakit iyon ipinagkait at patuloy na ipinagkakait sa amin pero sabi nga nila sister—may dahilan kung bakit nangyayari ang lahat ng ito at kumakapit ako sa dahilan na iyon. 

Ilang beses ko na rin narinig kila sister na kapag kami ay tumuntong sa edad na labing-anim ay kakailanganin na namin umalis sa ampunan at maghanap ng sariling trabaho at bahay para sa amin. Alam ko na ayaw iyon nila sister pero dahil kailangan pa ng ibang batang ulila na may matitirhan, kailangan nila iyon gawin sa amin. Kung dumating naman na sa puntong iyon ay tatanggapin ko iyon ng buong-buo. Magpapasalamat pa ako kila sister dahil minahal, pinalaki at inalagaan nila kami dito na parang tunay nilang mga anak.

Nagpalit ako kaagad ng damit sa sleeping quarters dahil baka magkasakit ako kapag natuyuan ng pawis. Napadako naman ang tingin ko sa kama ng batang kaka-ampon lamang kahapon. Sa totoo lang, naiinggit ako. Sana ampunin na rin nila ako, ayokong iwan ang pamilya ko dito pero gusto ko rin naman magkaroon ng sarili kong pamilya. Gusto kong maranasan tumawag ng 'mama' at magdadala sa akin sa mga lugar na gusto ko. 

Lumabas na ako sa sleeping quarters at pumunta sa canteen para sumilip kung ano ang tanghalian ngayong araw. 

"Hello, Ate May!" sabi ko sa isang taga-luto namin dito. 

"Jusko kang bata ka, oo oh! Ginulat mo naman ako, Abegail!" sabi ni Ate May at napahawak pa sa dibdib niya. 

"Sorry na, Ate May," nakangusong sabi ko at pinameywangan lang ako nito. 

"At bakit nandito ka na naman?" sabi niya at natawa naman ako kasi alam naman na niya ang dahilan nagtatanong pa siya. 

"Sisilip lang po ng pagkain," nakangiting sabi ko. Nakangiting umiiling naman si Ate May at nagpatuloy na sa paghihiwa. 

Agad naman akong tumulong sa kaniya sa kusina at hinugasan ang mga gulay na hihiwain niya para sa pagkain namin ngayon. Hinugasan ko na rin ang mga pinag-gamitan niya para bawas sa nakakalat sa gawaan niya. Hindi na ako pinigilan ni Ate May kasi sanay na siya sa akin. Pagpatak ng alas diyes ng umaga ay dito na ako kaagad dumidiretso, lalo na kapag nakasalubong ko ang grupo nila Pia. Noong una ay todo ang pagpapaalis niya sa akin dito at binantaan pa na isusumbong ako kila Sister Mary kapag hindi ako tumigil pero sa huli ay siya rin naman ang sumuko. 

Naghahalo na si Ate May ngayon ng sabaw namin ng bigla niya akong tanungin. 

"Bakit hindi ka palagi lumalabas sa playground para makipaglaro sa kanila?" tanong ni Ate May. Natigilan ako sa tanong niya pero sumagot din kaagad. 

"Masiyado na akong matanda para maglaro, Ate," sabi ko at tumawa na lang para pagtakpan ang kalungkutan na nakapaloob doon.

Natatakot akong pumunta doon dahil panigurado, ib-bully na naman ako nila Jasmine. Noong unang beses na tumapak ako sa playground, mukha ko ang unang nakaranas ng lupa doon. Itinulak kasi ako ni Marie at dahil hindi ko iyon inaasahan, diretsong sa mukha ko ang tama no'n. Pinalagpas ko iyon dahil akala ko ay hindi naman nila iyon sinasadya. Tahimik na lang akong naglaro noon pero nagulat ako noong nasa slide ako ay may tumulak sa akin pababa. Agad akong nagpagulong-gulong sa slide at sobra ang takot ko noon na baka mamatay ako dahil ang taas ng slide na iyon pero bago pa 'man dumiretso ang ulo ko sa lupa ay may sumalo na sa akin at siya si Andrea—ang tanging kaibigan ko dito sa ampunan. 

"HOY, ABBY!" 

Biglang may sumigaw sa tainga ko at napatalon ako dahil doon. Nagmamadali akong humarap sa taong iyon at nakita ang tumatawang si Andrea. 

"Ano ba naman 'yan, Andeng!" sabi ko habang hawak ang tainga ko. 

"HAHAHAHAHA," tawa pa rin nito na nakahawak pa sa tiyan niya. 

"Isa ka pa, Andeng ha! Naku! Nandito na naman kayong dalawa," sabi ni Ate May.

"Ito kasi si Abegail, Ate May! Hindi na naman pumunta sa playground, hintay ako nang hintay sa kaniya doon. Hinala ko nandito na naman siya at ha! Tama ako!" Tuwang-tuwa sabi nito at pumapalakpak pa. 

"Masiyado na raw kasi siyang bata para sa playground, Andeng," pang-aasar sa akin ni Ate May. Napalunok ako dahil alam kong hindi biro ang dating kay Andrea no’n. Naging mariin ang titig sa akin ni Andrea dahil doon, alam niya. Alam niyang may ginawa na naman sila Pia sa akin. 

"Sige, Ate May! Dalhin ko na sa playground 'tong matanda kong kaibigan," sabi ni Andrea at binigyang diin pa ang 'matanda'. 

"Okay. Sabihan niyo na rin ang mga ibang bata na malapit ng maluto ang tanghalian ha," pagpapa-alala sa amin ni Ate May at agad naman kaming tumugon. 

"Sabihin mo nga sa akin, ano na naman ang ginawa sa iyo nila Jasmine ha," medyo galit na sabi ni Andrea sa akin habang hila-hila ako. 

"Wala! Ayos lang ako, Andeng! Kaya kung susugurin mo sila, 'wag na," sabi ko habng pinipigilan siya sa paglalakad. 

"Hindi ko naman sila susugurin eh," sabi niya. Bumitaw naman ako sa kaniya at pagod ko siyang tinignan. 

"Kilala kita, Andrea. Huwag na kasi, ayoko ng gulo," malumanay na sabi ko. 

"Tignan mo, may ginawa nga sila!" siguradong-sigurado na sambit ni Andrea. 

"Hayaan mo na lang. Ayoko ng palakihin pa 'to," pagmamakaawa ko sa kaniya at ilang minuto kaming natahimik. Maya-maya ay nakita ko ang pagtango niya. 

"Ngayon lang 'to ha! Sa susunod, kakausapin ko na talaga sila Marie!" sabi ni Andrea na nakapagpangiti sa akin. 

Pagkatapos no'n ay pumunta na kami sa playground para sabihin na malapit na ang oras ng pagkain. Tuwang-tuwa kami ni Andrea sa mga baby na nandito sa ampunan dahil mukha silang mga inosente pero nalulungkot ako dahil sanggol pa lamang sila pero ayaw na sa kanila kaagad ng mga magulang nila. Minsan ay nilalaro rin namin sila. 

Si Andrea ay dumating dito tatlong taon na ang nakakalipas. Naalala ko noon na sobrang taray niya at palagi niya akong sinusungitan pero dahil siguro sa kakulitan ko, naging okay siya sa akin kahit papaano. Lalo kaming naging malapit noong tinulungan niya ako mula kila Pia. 

Ang kuwento sa akin ni Andrea ay limang taong gulang daw siya ng maulila siya. Namatay ang nanay niya sa isang sakit habang ang ama naman niya ay isang drug addict at napatay noong nagka-raidan sa pinagtatrabahuan niya. Naawa ako kay Andrea noong kinukwento niya ito sa akin dahil sinabi sa kaniya iyon lahat ng diretsuhan ng mga kamag-anak niya. Hindi 'man lang inintindi na masiyado pang bata si Andrea para malaman iyon lahat-lahat at intindihin. 

Simula noon ay dinala siya sa tita niya pero 'di kalaunan ay binigay naman sa kapatid ng lola niya. Maayos naman daw ito kasama at mahal na mahal siya nito pero sa katandaan na rin, binawian ito ng buhay at ang mga anak naman nito ang kumupkop sa kaniya. 

Sa loob ng dalawang taon, pinagpasa-pasahan siya. Ibibigay sa mga kamag-anak niya, iiwan sa kapitbahay. Dadalhin sa mga malalayong kamag-anak nila sa iba't ibang lugar pero iisa lang ang rason nilang lahat—hindi na nila kaya pang mag-alaga ng isa pang bata. Kaya ang ginawa na lamang nila ay dinala nila si Andrea dito sa ampunan para ipa-ampon.

Ayon naman kay Andrea, mas ayos daw na dinala na lang siya dito dahil dito sa ampunan, mas makakakain siya ng maayos, may komportableng matutulugan, may pag-asang makahanap ng bagong pamilya at higit sa lahat, nakilala raw niya ako. 

Naglakad na kami sabay ni Andrea papunta sa canteen. Ang ibang mga bata naman ay nagtatakbuhan pa doon para malaman kung ano ang tanghalian ngayon dahil kung gulay ay magu-unahan sila. Sinanay kasi kami nila sister dito na kumakain ng isda at gulay. 

"Tabi nga," sabi ni Marie at binangga ako sa balikat. 

"Ano ba 'yan? Pakalat-kalat ang mga b****a," sabi ni Pia at nag-apir naman sila ni Jasmine.

"Oo nga eh, pakalat-kalat kayo," sagot naman ni Andrea sa kanila. Kinurot ko naman ng mahina si Andeng sa braso pero hinampas niya lang ang kamay ko at sinamaan ako ng tingin. 

"Ay, nandiyan pala ang tagapagtanggol niya. Kaya naman pala iba ang amoy ngayon eh, dalawa kasing b****a ang nasa harap natin," sabi ni Jasmine at tumawa ng malakas.

"Mas mukha pa nga kayong b****a kaysa sa'min eh," pabalang na sagot ni Andrea sa kanila at akmang susugod ng pigilan ko siya.

"Huwag na," sabi ko. Malakas namang tumawa ang tatlo sa harap namin habang nauna sa paglalakad. 

Halos may pagkain na ang lahat noong dumating kami sa canteen. Pumila na rin kami para makakuha na at makaupo na. 

Ang tanghalian ngayon ay pinakbet at pritong daing. Paborito ko! Masaya akong nakapila habang naghihintay. Ito talaga ang isa sa mga dahilan kung bakit medyo nagpapahuli kami ni Andrea dahil kapag sa mga dulo na, marami na ang servings. Buti na lang nasa dulong-dulo ng pila ang grupo nila Pia dahil baka mamaya ay patirin na naman nila ako. Sayang ang pagkain, grasya din 'yun ng Diyos. 

Noong ako na ay nakangiti kong inilahad ang tray ng paglalagyan ng pagkain ko. Nakangiti naman si Ate May at Sister Mary sa akin habang naglalagay sila. Alam na alam nila na ito talaga ang paborito ko. 

"Thank you, Ate May! Thank you, Sister!" masiglang pagpapasalamat ko at sinundan na si Andrea at umupo na rin sa napili namin na pwesto. Wala munang kumakain dahil magdadasal muna at sabay-sabay dapat lahat kakain. 

Nakita naman namin ang tatlo na sila na pala sa pila. Naunang nabigyan si Jasmine at alam kong ayaw niya sa isda. Hindi siya kaagad nakalakad ng makita ang pagkain na nasa plato niya. Kitang-kita ko ang pandidiri niya doon at pagtutol na kainin iyon. Sa kasamaang palad nasa likod niya si Marie na gustong-gusto ang ulam din ngayon at nabangga niya si Jasmine na naging dahila ng pagbagsak nila. Natawa naman kami ng palihim ni Andrea doon at okay na sana kaso nadapa rin si Pia sa paa ni Marie at bumagsak din siya sa sahig. 

Grabeng pagpipigil ang tawa na ginawa namin ni Andrea. Sa karma na lang ako kumakapit sa mga ganti ko sa kanila. Halos magkapareho lang kami ng mga interes ni Andrea kaya rin kami nagkasundo. 

Hiling nga namin na ma-ampon na kami at sana ay sabay kami at baka maging magkapatid pa kami pero ang hindi ko inaasahan ay kinabukasan… 

Inampon si Andrea.

Related chapters

  • The Mask She Wore   Chapter 2

    Kinagabihan ng araw na iyon, napansin ko ang tila ba pagka-aligaga ng mga tao sa orphanage. Nag-aayos sila ng mga kwarto, naglilinis ng playground at naglampaso sa sahig. May mangyayari ba bukas? May bibisita ba ulit? Mukhang napaka-importante ng mangyayari bukas ah. Puna ko habang tinitignan ang mga tao na mataranta.May isa pang pumasok sa isip ko habang ginagawa nila ito. Kapag kasi may dadating na mga tao para umampon, ginagawa nila ito. Narinig ko naman sa gilid ko ang pag-uusap nila Jasmine."Mukhang may mag-aampon na naman bukas ah," sabi ni Marie habang tinatanaw sila Sister Mary na kausap sina Mang Tonio at Mang Mario– mga taga-linis sa orphanage. Napansin naman ako ni Pia na nakatingin sa kanila."Ano'ng tinitingin-tingin m

    Last Updated : 2021-05-08
  • The Mask She Wore   Chapter 3

    Naniniwala ba kayo sa mga hero? Ako, oo."You need to learn the proper etiquette," sabi ni Kuya Steve, ang butler sa mansion ng mga Morint.Dumating si Kuya Steve at ang isang babae sa ampunan noong araw ng kaarawan ko. Hindi naman talaga namin alam kung kailan ang eksaktong birthday ko pero ginamit namin ang araw ng pagdating ko sa ampunan. At nakagisnan ko ng mag-celebrate kapag dumadating ang araw na iyon. I made June 13, my official birthday.Nawawalan na ako nang pag-asa pero mabuti na lang, dumating sila sa buhay ko. Blessing in disguise, ika nga nila.Labis ang tuwa ko ng marinig ko na gusto nila akong ampunin at masayang-masaya sila Sister para sa akin. Nayakap

    Last Updated : 2021-05-08
  • The Mask She Wore   Chapter 4

    "You look stunning as always, Ms. Morint"Ngumiti naman ako kay Mr. Salvador. He's one of the board of directors. He was with his wife. Isa siya sa mga pinagkakatiwalaan ko doon dahil tunay talagang mabait si Mr. Salvador unlike the others, mga ganid at sakim sa pera. I don't mind though, as long as they are not betraying us, I won't give a damn about their attitudes."What's your secret, hija? Care to share?" Mrs. Salvador playfully asked."Oh, you won't need it na, Tita, because you look way more beautiful than me," I replied and exaggerated the word 'way'. She just laughed and after talking with them for a while, I roamed my eyes around the venue.Kaninang pagkatapo

    Last Updated : 2021-05-08
  • The Mask She Wore   Chapter 5

    I am swaying my hips following the rhythm of the music as I cook my breakfast. Ganito ako everyday bago pumasok sa work. Gusto ko kasi na good vibes ako palagi at para na rin maging maayos ang araw ko.Fortunately, I don't have much paperworks to do today. May babasahin lang akong mga papeles na ipapasa rin naman sa CEO.I always play energetic music in the morning. Today, I chose groovy music to hype myself up. The beat of the song makes me feel happy and all, that's why I can't help myself but dance with it. This feels nice. I am not a morning person that's why I do this everyday.I decided to fry some bacon, eggs and hotdog. My leftover rice from yesterday is now a fried rice with crispy garlic bits that I love. If you're wondering why

    Last Updated : 2021-05-08
  • The Mask She Wore   Chapter 6.1

    Hindi ko magawang i-angat ang tingin ko ng makaupo sa upuan na inilagay niya para sa akin. Seriously, gusto ko siyang sapakin ngayon. Alam na nga niyang may issue na kumakalat tungkol sa amin tapos ganito pa ang ginagawa niya.He is still holding the tote bag and he placed it on the table. He sat right next to me and rested his arm at the back of my chair. I lifted my gaze to look at his arm and then his face. Ang seryoso ha, akala mo naman talaga.Tumingin ako sa harapan namin at nakinig na lang din sa sinasabi nang nagsasalita sa harap. They are talking about the expansion of Alfonze Corporation in Europe. I am amazed at their plan but my thoughts vanished when Raze leaned to me and whispered something."You look so flustered right now,

    Last Updated : 2021-05-08
  • The Mask She Wore   Chapter 6.2

    "Luh? Okay ka lang? Ano bang ginagawa mo?" sabi ko at tumayo para tapikin sana siya sa likod."No, okay lang ako," sabi niya."Sure?" paninigurado ko at tumango siya."So, as I was saying earlier, sa condo mo ako matutulog para hindi ka na mahirapan gisingin ako. Palagi naman na akong natutulog doon kaya, don't worry," paga-assure ko sa kaniya."Yeah, yeah. Goodluck na lang sa akin, ang lakas mo pa naman humilik," pang-aasar niya."Ano?" tanong ko at sinamaan siya ng tingin."Anonymous," pambabara niya. Ibabato ko na sana ang k

    Last Updated : 2021-05-08
  • The Mask She Wore   Chapter 7

    Dalawang araw na ang nakalipas pero naging palaisipan sa akin ang mga sinabi ng matanda. I was bothered by it that I couldn't stop thinking about it.Sana, hindi nga iyon totoo dahil iyon ang pinakamatagal ko nang inaasam—ang makita ang pamilya ko. Gusto ko lang malaman ang rason, kung bakit nila ako ibinigay sa ampunan. Tanggap 'man nila ako o hindi, ayos lang. Magpapasalamat pa rin ako sa kanila na binuhay nila ako.Sinarado ko na ang report na binabasa ko dahil alas dos na nang hapon. We are going to have a meeting with the other corporation who is facing a bankruptcy right now. All materials are ready and the board members are already there.I am just fixing my makeup when Lily knocked on my door and opened it.

    Last Updated : 2021-05-08
  • The Mask She Wore   Chapter 8

    "So, ayun, Raze threatened them."Pagtatapos ko sa kwento at tumingin na lang sa bintana. Pinanood ko na lang ang mga dinadaanan namin kahit palagi ko naman ito nakikita."That's harassment! Magsama sila ng jowa niya, parehas mga tanga!" gigil na sigaw ni Lily."She missed one important detail," biglang sabi ni Raze."Ano?" kuryosong tanong ni Lily. Agad ko naman binigyan ng masamang tingin si Raze na nakangisi na ng nakakaloko ngayon."She became my girlfriend," mabilis na sagot ni Raze kaya hinampas ko siya sa braso ng malakas."AH

    Last Updated : 2021-05-08

Latest chapter

  • The Mask She Wore   Finished

    Last.I dreamed about a kid. She wants me to fight. Gusto ko siyang hawakan pero palagi niyang sinasabi na 'hindi pa po ngayon'. I don't know why but I feel like crying because I know, she's a part of me."I miss you so much. Please, wake up. We still need to arrange our wedding," I heard a voice say.Hinahanap ko kung saan nanggagaling ang boses na iyon. Was it on my mind?"Don't give up, please. I love you," he added. Wait, I know that voice. Raze…Kahit nananakit ang buong katawan ko at halos hindi ko maigalaw ang mga kamay ko, pinilit ko pa rin.Sinimulan

  • The Mask She Wore   Chapter 30

    30.I didn't know that I could fall in love at a very young age. I don't even know what the word 'love' truly means at that time but all that I can say is that my heart goes crazy whenever she's near.I love how sparkly and lively her eyes were. I must be crazy about crushing on a kid. Well, it's not bad because I'm a kid also… I think?I was just staring at the little kid who's busy smiling at their guests. She looks cute, a voice in my mind said. She glanced at me and smiled. I unconsciously smiled back but she looked away."Hello! Thank you sa pagpunta!" masayang sabi niya. Akala ko matatapos ang araw na 'to na hindi kami mag-uusap.

  • The Mask She Wore   Chapter 29

    29.Maraming gawain ang hinarap ko sa mga sumunod na araw. Medyo nagulat ako na ganito pala karami ang ginagawang trabaho ng mga CEO pero kinakaya ko naman dahil nasanay na rin ako sa trabaho ko noon as the Chief Operating Officer of the company. Mas maraming paperworks pero fulfilling.Dalen Morint has filed for his retirement as the CEO and since I am the current COO, the position has been vacant. Our dad gave that position to Andrea and as far as I can remember, she’s handling it pretty well.Simula nang araw na ‘yon, lalong lumayo ang loob niya sa akin. Gusto ko siyang kausapin ng maayos. I just want to end our feud kasi, nakakapagod din pala. Hindi ko alam kung paano nakakakaya ng ibang tao ang magtanim ng galit sa iba sa napakahabang panahon.

  • The Mask She Wore   Chapter 28

    28.Naguilty naman ako sa ginawa ko pero she deserves it. She's been bitching out on me since day one.Naabutan ko si Raze at si Daddy na galing sa swimming pool area. They were still talking when their gaze flew towards me. I smiled at them. Dad nodded his head to Raze."So, are you going to stay here?" tanong ni Raze na na-awkwardan siguro sa presensya ni Daddy."Yes, will you… will you stay here with me?" tugon ko. Nanlaki ang nga mata nito at sinilip si Daddy. Pinipigilan ko ang tawa ko habang tinitignan ko siya na parang batang nagpapaalam kay Daddy.Akala mo talaga inosente oh.

  • The Mask She Wore   Chapter 27

    27.Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa harapan ng matanda habang nagpupunas ng luha matapos nito sabihin ang buong kwento. Hinawakan ko ang kamay ni Lola Maricar."Babalik po ako ha?" sabi ko rito at parang naintindihan naman niya ako kaya tumango siya."Babalik ako," sambit ko pagkaharap kay Mara."Hihintayin ka po namin," tugon nito. Nginitian ko lang ito bago kami naglakad palayo ni Raze.Mabilis kaming umalis sa lugar na iyon para bumalik sa mansyon. Sunday ngayon kaya panigurado ay nandoon silang lahat. Nanginginig ako habang nakaupo at rumaragasa ang mga emosyon sa dibdib ko.

  • The Mask She Wore   Chapter 26

    26."Kailan pa siya ganyan?"Tanong ko habang nakatanaw kay mama. Hindi ko alam kung ano bang dapat kong maramdaman. Matutuwa ba ako dahil nahanap ko na sila? O malulungkot dahil ganito naman ang kalagayan niya?"Last year po. 'Yan siguro po 'yung impact ng pagkamatay ni lolo," tugon nito habang nakatingin din kay mama. Humarap ito sa akin at ngumiti."Pasensya na po pero kailangan na pong matulog ni lola. Kung gusto niyo po, bumalik na lang po kayo bukas," magalang na sabi nito. Huminga ako ng malalim bago sumagot."Sige, salamat. Maaga na lang kami babalik dito bukas," sabi ko.

  • The Mask She Wore   Chapter 25

    25.Pagkaalis na pagkaalis namin sa bahay-ampunan, agad kaming nagtungo roon sa lugar na iyon sa Zambales. Ayon sa inilagay nilang dokumento, doon daw sila nakatira.Hindi ako mapakali sa kinauupuan ko habang papunta kami roon. Hawak-hawak naman ni Raze ang kamay ko buong byahe namin. Nakatulong iyon sa pagbawas ng kaba ko."Do you think I'll be able to find them?" mahinang tanong ko."We will," Raze replied. I heaved a sigh and leaned back on my seat."We're almost there, love," he informed me and he squeezed my hand a little.Lumiko kami sa isang kanto at ipi

  • The Mask She Wore   Chapter 24

    24."Don't mind everything that she said to you," sabi ni Raze nang makalayo kami sa pwesto ni Cassiea. Tumango ako at hinawakan niya ang magkabila kong pisngi."I'm yours, love," he said and he claimed my lips.Hindi na namin tinapos ang party at nauna na kaming umuwi ni Raze. Nagpaalam kaming dalawa sa mga magulang namin at umalis na. Nawala ang mood ko dahil sa sagutan namin ni Cassiea. Pagdating namin sa condo ay nakatulog na kami kaagad.Simula nang magising kami ay kung ano-anong pangangalikot ang ginagawa ni Raze sa condo ko. Yakap-yakap niya pa ang teddy bear na binigay niya sa akin noon. I can't help but to chuckle because he looks like a kid.

  • The Mask She Wore   Chapter 23

    23."Come back again, darling"Sabi ni Mommy sa akin bago kami umalis. Pinipilit pa niya ako na mag-stay na lang doon sa mansyon ulit pero ako na ang umayaw. Panigurado na hindi magugustuhan ni Cassiea na nandoon ako, kaya para hindi magkagulo, ako na lang ang iiwas. Sinabihan ko na lang siya na bibisita na lang ako sa mansyon ulit. Binilin din niya na magkakaroon ng party para kay Cassiea sa biyernes ng gabi. Miyerkules pa lang ngayon kaya marami pa akong oras para mag-isip ng susuotin ko.Mabilis kami umalis dahil gusto ko kaagad puntahan ang address at impormasyon na ibinigay ng hindi kilalang tao na iyon. Alam kong hindi dapat ako magtiwala pero kapag tungkol sa pamilya ko, gagawin ko ang lahat. Sinamahan ako ni Raze para raw masiguro na ligtas ito.

DMCA.com Protection Status