Share

Chapter 4

Author: SALVADOR
last update Last Updated: 2025-04-16 08:55:16

Inis na inis nang bumalik si Faye sa opisina ni Tristan. Pang-anim na beses na siyang pinapabalik sa loob lang ng kalahating oras—para lang utusan ng kung anu-ano. At sa tuwing makikita siya nitong naiinis, lalo lang itong natutuwa.

Pagbukas pa lang niya ng pinto, bumulaga agad ang ngisi ng lalaki. Nakaupo ito sa swivel chair, pa-relax-relax lang, para bang wala siyang ibang ginagawa kundi asarin siya ngayong araw.

Masama siyang tumingin dito.

“Natutuwa ka bang pahirapan ako?” asik niya, hindi na nagawang pigilan ang inis sa tono.

Hindi man lang nag-alala si Tristan. Sa halip, mas lumawak pa ang ngiti nito habang nakatingin sa kanya.  

“What... you’re my assistant. You better do anything I ask for. Not until you marry me,” sagot nito, kaswal na parang simpleng favor lang ang lahat.

“Ah, ganon?” bulong niya sa sarili, sabay dampot ng librong nakapatong sa desk nito. Walang babala, inangat niya iyon, handang ihampas sa ulo ng lalaking wala sa tamang huwisyo.

Pero bago pa siya makagalaw, mabilis siyang hinila ni Tristan. Hinapit siya nito palapit hanggang sa mapaupo siya sa kandungan niya.

“Tristan!” sigaw niya, pilit na kumakawala habang nakahawak sa balikat nito.

“Huwag kang malikot. Baka mahulog ka,” bulong ni Tristan, nanunukso ang boses habang nakatitig sa kanya.

“Bitawan mo ako, baka may makakita sa atin!,” mariing sabi niya, pero lihim na kinikilig.

Pero ngumiti lang ulit ang lalaki, tila ba lalo pa itong ginaganahan.

“Ang sungit mo,” anito at inamoy ang leeg niya. “You smells good. Sa tingin ko ay kailangan ko ng round two dito sa opisina ko.”

Napakagat siya sa labi at pinilit huwag ipahalata.  

“Subukan mong magsalita pa ng ganiyan, at baka hindi lang libro ang ihampas ko sa’yo."

Ngumisi lang si Tristan. At sa titig nitong ‘yon, alam niyang hindi pa tapos ang kalokohan ng lalaking ito.

“I just miss teasing you. Seeing your annoyed but cute reaction. I just missed us,” bulong ni Tristan habang nakatingin sa kanya, mas seryoso na ang tono.

Bago pa siya makasagot, hinila na ni Tristan ang batok niya pababa. At bago pa siya makatanggi, lumapat na ang labi nito sa kanya.

Ipinikit ni Faye ang kanyang mga mata at sinabayan ang halik—malambot sa una, pero naging mas mapang-angkin habang tumatagal.

Umangat ang isang kamay ni Tristan, dahan-dahang dumapo sa hita niya, saka unti-unting gumapang pataas sa ilalim ng kanyang palda. Napasinghap siya, bahagyang napaangat ang katawan sa gulat at kiliti ng haplos. Sa pagkapuwersa ng labi niya, doon nakapasok ang dila ni Tristan sa bibig niya.

Mas lalong lumalim ang halik.

Napakapit si Faye sa balikat nito, pilit inaalalayan ang sarili.

Pero bigla na lamang huminto si Tristan at tumayo mula sa swivel chair. Nawalan ng balanse si Faye at tuluyang nahulog sa sahig, naupo sa malamig na tiles.

"Aray!" daing niya, sabay haplos sa pwet niyang nasaktan sa pagbagsak.

Tuwang-tuwa si Tristan habang nakatayo, nakahalukipkip pa. Halos matawa na sa reaksiyon niya.

Itinayo ni Faye ang sarili, masama ang tingin habang nilapitan ito. “I hate you!' Hinampas niya ang balikat nito.

"Oh, I know you love me," pang-aasar ni Tristan na sinamahan pa ng kindat. “Your working hours is not finish yet... Go buy me a coffee. I love you, thanks in advance.”

Napanganga si Faye, hindi makapaniwala sa kapal ng mukha ng kaharap niya. Tumitig siya dito nang matalim, saka napailing-iling. Tama nga siya—hindi pa talaga tapos ang kapilyuhan ng lalaking ‘to.

Padabog siyang nagmamartsa palabas, hindi alam kung matawa o maasar sa pinaggagawa ng boss niya.

At oo, kahit inis siya—bibilhan pa rin niya ng kape.

Pagbalik ni Faye sa floor ng opisina ni Tristan, bitbit ang mainit pang kape, agad niyang naramdaman ang kakaibang tensyon sa paligid. Hindi pa siya nakakapasok ay sunod-sunod na bulungan na ang naririnig niya mula sa mga empleyado. Lahat sila, parang may inaabangang palabas.

Kumunot ang noo niya. Nilapitan niya ang tatlong babaeng nagkukumpulan sa hallway, pabulong na nag-uusap.

“Anong... meron? Bakit nandito kayo?” tanong niya, may halong kaba sa dibdib, sabay sulyap sa opisina ni Tristan, naka-lock ang pinto.

Nagkatinginan ang tatlo bago sumagot ang isa, medyo pabulong pa rin.  

“May dumating na babae kanina. Galit na galit. Nagpumilit pumasok sa office ni Sir Tristan.”

Napakunot lalo ang noo ni Faye. “Babae? Sino raw?”

Nagkibit-balikat ang isa, sabay sabay namang umiling ang dalawa.  

“Hindi kami sigurado. Pero sabi ng iba… baka raw yun ‘yung dating asawa ni Sir Tristan.”

Biglang nanlamig ang katawan ni Faye. Dating asawa?

Pero... siya ang dating asawa ni Tristan. Ibig sabihin, bukod sa kanya ay may iba pa?

Parang may humigop sa puso niya sa selos at gulo ng isip. Hindi na siya nakapagpigil.

“Hoy, saan ka pupunta?” pigil ng isa sa kanya nang makitang aalis siya.

“Hindi ka puwedeng pumasok ro'n. Gusto mo ba pagalitan ka ni Sir Tristan?” sabat ng isa pa, hawak pa ang braso niya.

“Sisilip lang ako,” mariin niyang sagot, sabay layas at iwan ang mga ito.

Dahan-dahan siyang lumakad papunta sa opisina ni Tristan. Huminto siya sa harap ng pinto at idinikit ang tenga sa kahoy.

Mula sa loob, dinig na dinig niya ang boses ni Tristan—galit ito.

“Umalis ka na, Scarlet! You're a fucking liar. Hindi ako maniniwala sa mga sinasabi mo!”

Bumilis ang tibok ng puso ni Faye.

Scarlet?

“Hindi ako aalis dito, Tristan! Totoo ang sinasabi ko!” sigaw ng babae mula sa loob. “You got me pregnant! My son needs you… our son needs you!”

Napasinghap si Faye. Hindi na siya nakapagpigil at malakas niyang itinulak ang pinto at pumasok sa loob.

Nagulat si Tristan. Si Scarlet, nanlaki ang mga mata nang makita siya, halatang hindi inaasahan ang presensiya niya. Pero hindi siya nagtataka. Kilala niya si Scarlet. Anak ito ng dating business partner ni Tristan noong nagsisimula pa lang si Tristan sa mundo ng business. At higit sa lahat, ito rin ang babaeng nahuli niyang katalik ni Tristan sa mismong bahay nila, bago sila tuluyang naghiwalay.

Si Scarlet ang dahilan ng pagkasira ng kasal nila.

Tumayo agad si Tristan at lumapit sa kanya, hawak sa braso niya para pigilan siya. "Love... huwag ka maniwala sa kanya."

Pero tinabig niya iyon. Matigas ang boses niya nang hinarap si Scarlet.  

“A-Anong… sabi mo?”

Tumindig ng tuwid si Scarlet, saka mariing itinuro si Tristan. “May anak kami ni Tristan, Faye. My son needs him. Naghahanap na siya ng ama."

Pakiramdam ni Faye ay tinaga siya ng kutsilyo sa puso. Kakaayos lang nila ni Tristan. Akala niya, nagsisimula na ulit sila ng panibagong buhay. Akala niya... wala nang kasinungalingan.

“P-Paano... kami nakakasigurado na anak nga ni Tristan ang bata—” naisagot pa ni Faye, pero mabilis siyang pinutol ni Scarlet.

“Make a DNA test, that’s easy.” Diretsong sagot nito. “At isa pa… alam kong alam ni Tristan na anak niya ang anak ko. Alam niya ‘yon dahil he’s my first.”

Parang may sumabog na bomba sa dibdib ni Faye. Lahat ng sakit na inakala niyang naiwan na sa nakaraan... ay bumalik.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Related chapters

  • The Man I Divorced Is My Boss   Chapter 1

    "Nagsimula na ba ang interview para sa secretary?" balisang tanong ni Faye.Isang oras na siyang late. Patay siya kapag hindi siya natanggap dito. Last chance na ito para sa kanya. Nakaka-ilang apply na siya ngayong umaga—sa apat na kumpanya na pinuntahan niya ay rejected siya. Kapag hindi pa siya natanggap dito, baka mauwi siya sa wala."Ms. Faye Angeles?" pagtawag sa pangalan niya ng isang babae. Nilingon niya ito. Ibinigay niya ang folder na hawak niya at binasa iyon ng babae."Faye Angeles. Graduated in South Luzon State University... Separated..." Bigla itong tumingin sa kanya, halatang nagulat na hiwalay siya sa asawa. "27 years old," dagdag pa niya.Bakit parang hindi kapani-paniwala na separated siya? "Okay, Ms. Angeles. This way sa office ni Sir," sabi ng staff na babae.Napangiti siya. Kailangan niyang ibigay ang pinakamahusay na pagsisikap niya. This is her last chance. Sana matanggap siya dahil kailangan na kailangan niya ng pera ngayon. Ang kanyang ina ay nasa hospital a

    Last Updated : 2025-04-16
  • The Man I Divorced Is My Boss   Chapter 2

    Pauwi na si Faye mula sa bahay ng kanyang ina. Ugali na niya talaga na dumalaw rito tuwing araw ng linggo. Bago umuwi sa bahay nila ni Tristan ay dumaan muna siya sa market at namili ng mga pagkain nila ni Tristan.Nakangiti siya habang naglalakad papasok sa gate. Pagbukas ng pinto, nagulat siya sa nakita; si Tristan... at ang isang babae ay nagtatalik. Rinig niya ang bawat ungol ng mga ito. Sa bawat ungol na naririnig niya, parang pinupunit ang puso niya.Sa gulat ay naibagsak pa niya ang mga plastik na dala, isang hudyat na nagdulot ng ingay. Napahinto si Tristan at ang babae nito sa mga ginagawang kalokohan. Biglang na lamang tumulo ang mga luha ni Faye hindi na niya napigilan pa dahil sobrang sakit."Love..." tawag ni Tristan sa kanya, pero hindi siya sumagot.Tinalikuran niya ito. Sinubukan siyang habulin ni Tristan, pero mabilis siyang tumakbo papalayo. Halatang lasing na lasing si Tristan at hindi nito alam ang ginagawa. Pero hindi iyon rason para lokohin siya nito. Lasing man

    Last Updated : 2025-04-16
  • The Man I Divorced Is My Boss   Chapter 3

    Nagising si Faye sa sinag ng araw na tumatama sa pisngi niya. Hindi niya alam kung anong oras na, pero sa tingin niya ay tanghali na.Naupo siya sa kama at napatingin sa bintana. Napansin niya roon ang bulaklak ng bougainvillea na itinamin pa niya noong bagong lipat sila dito sa bahay na ito.Napabuntong hininga siya at napahalukipkip. Kung siya lang ang masusunod ay hindi na niya gugustuhin pa ulit magtagpo ang landas nila ni Tristan."Ang lalim ata ng iniisip mo? Let's us. I made a breakfastfor us... like our usual days before," narinig niya ang boses ni Tristan sa tabi niya, kaya napatingin siya roon.Hindi niya napansin na pumasok pala ito sa loob.May dala-dala itong tray na may pagkain, habang nakangiti."Seriously, Tristan. Bakit ba talaga ako nandito?" Hindi na niya napigilan ang sarili. Kailangan niya malaman kung bakit ganito ang inaasal ng dati niyang asawa. "You hired me as your secretary... your personal assistant. Pero anong ginagawa natin dito... sa dati nating bahay i

    Last Updated : 2025-04-16

Latest chapter

  • The Man I Divorced Is My Boss   Chapter 4

    Inis na inis nang bumalik si Faye sa opisina ni Tristan. Pang-anim na beses na siyang pinapabalik sa loob lang ng kalahating oras—para lang utusan ng kung anu-ano. At sa tuwing makikita siya nitong naiinis, lalo lang itong natutuwa.Pagbukas pa lang niya ng pinto, bumulaga agad ang ngisi ng lalaki. Nakaupo ito sa swivel chair, pa-relax-relax lang, para bang wala siyang ibang ginagawa kundi asarin siya ngayong araw.Masama siyang tumingin dito.“Natutuwa ka bang pahirapan ako?” asik niya, hindi na nagawang pigilan ang inis sa tono.Hindi man lang nag-alala si Tristan. Sa halip, mas lumawak pa ang ngiti nito habang nakatingin sa kanya. “What... you’re my assistant. You better do anything I ask for. Not until you marry me,” sagot nito, kaswal na parang simpleng favor lang ang lahat.“Ah, ganon?” bulong niya sa sarili, sabay dampot ng librong nakapatong sa desk nito. Walang babala, inangat niya iyon, handang ihampas sa ulo ng lalaking wala sa tamang huwisyo.Pero bago pa siya makagalaw,

  • The Man I Divorced Is My Boss   Chapter 3

    Nagising si Faye sa sinag ng araw na tumatama sa pisngi niya. Hindi niya alam kung anong oras na, pero sa tingin niya ay tanghali na.Naupo siya sa kama at napatingin sa bintana. Napansin niya roon ang bulaklak ng bougainvillea na itinamin pa niya noong bagong lipat sila dito sa bahay na ito.Napabuntong hininga siya at napahalukipkip. Kung siya lang ang masusunod ay hindi na niya gugustuhin pa ulit magtagpo ang landas nila ni Tristan."Ang lalim ata ng iniisip mo? Let's us. I made a breakfastfor us... like our usual days before," narinig niya ang boses ni Tristan sa tabi niya, kaya napatingin siya roon.Hindi niya napansin na pumasok pala ito sa loob.May dala-dala itong tray na may pagkain, habang nakangiti."Seriously, Tristan. Bakit ba talaga ako nandito?" Hindi na niya napigilan ang sarili. Kailangan niya malaman kung bakit ganito ang inaasal ng dati niyang asawa. "You hired me as your secretary... your personal assistant. Pero anong ginagawa natin dito... sa dati nating bahay i

  • The Man I Divorced Is My Boss   Chapter 2

    Pauwi na si Faye mula sa bahay ng kanyang ina. Ugali na niya talaga na dumalaw rito tuwing araw ng linggo. Bago umuwi sa bahay nila ni Tristan ay dumaan muna siya sa market at namili ng mga pagkain nila ni Tristan.Nakangiti siya habang naglalakad papasok sa gate. Pagbukas ng pinto, nagulat siya sa nakita; si Tristan... at ang isang babae ay nagtatalik. Rinig niya ang bawat ungol ng mga ito. Sa bawat ungol na naririnig niya, parang pinupunit ang puso niya.Sa gulat ay naibagsak pa niya ang mga plastik na dala, isang hudyat na nagdulot ng ingay. Napahinto si Tristan at ang babae nito sa mga ginagawang kalokohan. Biglang na lamang tumulo ang mga luha ni Faye hindi na niya napigilan pa dahil sobrang sakit."Love..." tawag ni Tristan sa kanya, pero hindi siya sumagot.Tinalikuran niya ito. Sinubukan siyang habulin ni Tristan, pero mabilis siyang tumakbo papalayo. Halatang lasing na lasing si Tristan at hindi nito alam ang ginagawa. Pero hindi iyon rason para lokohin siya nito. Lasing man

  • The Man I Divorced Is My Boss   Chapter 1

    "Nagsimula na ba ang interview para sa secretary?" balisang tanong ni Faye.Isang oras na siyang late. Patay siya kapag hindi siya natanggap dito. Last chance na ito para sa kanya. Nakaka-ilang apply na siya ngayong umaga—sa apat na kumpanya na pinuntahan niya ay rejected siya. Kapag hindi pa siya natanggap dito, baka mauwi siya sa wala."Ms. Faye Angeles?" pagtawag sa pangalan niya ng isang babae. Nilingon niya ito. Ibinigay niya ang folder na hawak niya at binasa iyon ng babae."Faye Angeles. Graduated in South Luzon State University... Separated..." Bigla itong tumingin sa kanya, halatang nagulat na hiwalay siya sa asawa. "27 years old," dagdag pa niya.Bakit parang hindi kapani-paniwala na separated siya? "Okay, Ms. Angeles. This way sa office ni Sir," sabi ng staff na babae.Napangiti siya. Kailangan niyang ibigay ang pinakamahusay na pagsisikap niya. This is her last chance. Sana matanggap siya dahil kailangan na kailangan niya ng pera ngayon. Ang kanyang ina ay nasa hospital a

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status