Pauwi na si Faye mula sa bahay ng kanyang ina. Ugali na niya talaga na dumalaw rito tuwing araw ng linggo. Bago umuwi sa bahay nila ni Tristan ay dumaan muna siya sa market at namili ng mga pagkain nila ni Tristan.
Nakangiti siya habang naglalakad papasok sa gate. Pagbukas ng pinto, nagulat siya sa nakita; si Tristan... at ang isang babae ay nagtatalik. Rinig niya ang bawat ungol ng mga ito. Sa bawat ungol na naririnig niya, parang pinupunit ang puso niya.
Sa gulat ay naibagsak pa niya ang mga plastik na dala, isang hudyat na nagdulot ng ingay. Napahinto si Tristan at ang babae nito sa mga ginagawang kalokohan. Biglang na lamang tumulo ang mga luha ni Faye hindi na niya napigilan pa dahil sobrang sakit.
"Love..." tawag ni Tristan sa kanya, pero hindi siya sumagot.
Tinalikuran niya ito. Sinubukan siyang habulin ni Tristan, pero mabilis siyang tumakbo papalayo. Halatang lasing na lasing si Tristan at hindi nito alam ang ginagawa. Pero hindi iyon rason para lokohin siya nito. Lasing man o hindi, dapat ay alam nito kung ano ang tama at mali.
Binigay ni Faye ang lahat ng meron siya kay Tristan. Naging mabuti siyang asawa rito, pero nagawa pa rin siya nitong lokohin. Sinira ni Tristan ang pangako nito sa kanya sa harapan ng altar. Hindi niya ito mapapatawad sa ginawa nito sa kanya.
Walang tigil sa pag-iyak si Faye habang sakay ng taxi. Pakiramdam niya ay sira na ang buong pagkatao niya. First love niya si Tristan kaya napakasakit ng panloloko nito.
Hanggang makabalik siya sa bahay ng kanyang ina ay patuloy pa rin siya sa pag-iyak. At halos buong linggo hindi siya makakain ng ayos.
"Ma, aalis ako... gusto ko munang maibsan yung sakit, pupunta akong London. Okay lang ba sa inyo kung pupuntahan ko yung high school friend ko na nagbibigay ng opportunity sa akin doon? Kung dati tinanggihan ko ang trabaho doon dahil kinasal ako kay Tristan, hindi pa huli ang lahat. Ayoko nang makita si Tristan, masakit eh... Ang sakit-sakit, hindi ko akalaing magagawa niya sa kanya ito, Ma!" sabi niya habang umiiyak.
"Tahan na, anak. Huwag mong sayangin ang luhang ito sa maling tao. Anak, naiintindihan kita... At kung makakabuti kung nasa London ka, ayos lang sa akin, anak. Start your new life in London, masyado ka pang bata at marami ka pang mararanasang maganda," malumanay na sagot ng kanyang ina habang hinahaplos ng kanyang likod.
"Gusto kong... mag-file ng divorce..."
Malakas na nagbuntonghininga si Faye, bago bumaba sa taxi at pumasok sa loob ng hospital. Limang taon na ang nakalipas simula ng maghiwalay silang dalawa ni Tristan, pero sariwang-sariwa pa rin sa isipan niya ang mga nangyari noon sa kanila kung bakit sila naghiwalay.
Inalis siya sa isipan niya si Tristan para hindi mag-alala ang kanyang ina. Alam niyang mahahalata nito na may bumabagabag sa kanya.
Naabutan niya ang kanyang ina na nakahiga sa kama at nanunuod ng TV.
"Anak, kumusta ang interview? May tumanggap ba sayo? Kung wala ay baka sa susunod meron na," sunod-sunod nitong sabi. Sa kabila ng sakit nito ay ito pa rin ang nagpapalakas ng loob niya.
"Ma, may tumanggap na po sa akin!" nakangiti niyang sagot. "Maganda rin ang offer na sahod."
"Talaga ba, anak? Anong kompanya iyan?"
Napalunok siya at awkward na napakamot sa ulo. "Malaking... malaki! Mabait din ang boss," pangalawang beses na siya nagsinungaling ngayong araw. “Heto na po yung bayad sa utang. Alam kong kulang na kulang pa 'to pero sa ngayon, eto po muna,” dagdag niya, sabay abot ng fifty thousand na bigay ni Tristan.
"Napakabuti naman ng boss mo, anak. Sana ay pagpalain pa siya."
Nakagat niya ang labi niya. Kung alam lang ng kanyang ina na kay Tristan galing ang pera ay mas gugustuhin na lang nito na umuwi at huwag na magpagamot.
Matapos ni Faye pakainin ang kanyang ina ng tanghalian ay nakatulog naman ito.
“Ma, sana gumaling ka. Sana sinabi mo agad sa’kin na may nararamdaman ka na pala... para naagapan natin bago pa umabot sa leukemia,” umiiyak na sabi ni Faye habang nakaupo sa gilid ng kama at pinagmamasdan ang ina. “Ikaw na lang ang meron ako, ma…”
Pinunasan niya ang mga luhang dumaloy sa kanyang pisngi. Mahimbing pa rin ang tulog ng ina. Sa totoo lang, wala silang kamag-anak na maaasahan. Wala ring matatakbuhang kaibigan—lahat ng dating kakilala, walang maitutulong.
Mabuti na lang at may mga nurse na nag-aalaga sa kanyang ina, pero lahat ng iyon ay kailangang bayaran. Samantalang siya, pilit na nagtatrabaho para lang masustentuhan ang gamutan.
“Gagawa ako ng paraan. Gagaling ka, ma. Ang dami pa nating utang sa ospital. Ang mahal kasi ng pagpapalit ng dugo mo araw-araw,” aniya habang pinipilit ngumiti kahit nanginginig ang boses. Pagaling ka, Para worth it lahat ng gastos. Para naman maging masaya na ulit tayo.”
Binihisan niya ang ina, nilinisan, at pinakain nang magising ito. Siniguradong ayos ang lahat bago siya umalis.
“Ma, alis na ako...” paalam niya at hinalikan sa noo ang ina. “Kahit masakit ang nakaraan ko kay Tristan ay tatanggapin ko ang trabaho. Para sa’yo... Kahit hindi ko gustong makasama siyang muli bilang boss ko, gagawin ko. Kailangan mong gumaling.”
Tipid na ngumiti si Faye bago tuluyang lumabas. Pumara siya ng taxi at pumunta sa address na binigay ni Trsitan—sa bahay na dati nilang tinirhan... ang tahanang minsang inakala niyang magiging punong-puno ng kulay at alaala.
“You're finally here. You wanna eat with me?” tanong ni Tristan, abalang-abala sa pagkain.
Iwas ang tingin niya sa lalaki. “Wag na, sir..." sagot niya, at nagsimulang maglakad-lakad.
Walang nagbago sa bahay. Ganun pa rin ito mula noong tatlong taon siyang nawala. Maging ang “kami” nila ay tila nawala na lang sa hangin.
“Hindi ko ginalaw ang ayos ng bahay. Don’t be surprised,” anang tinig sa likuran niya. Sinundan pala siya ni Tristan.
Napalingon siya sa gulat nang lumapit ito. Umatras siya agad, pilit na iniiwas ang tingin.
“Your clothes are still in my room. Dito ka na titira,” anito at muling bumalik sa pagkain.
Sinamaan ito Faye ng tingin. He’s playing games again.
“Nasa hospital si Mama. Doon ako matutulog." Alam niyang alam iyon ni Tristan dahil napansin niyang may nakasunod na kotse kanina sa kanya habang papunta siya sa hospital.
“Dadalawin mo naman siya araw-araw, so don’t worry.”
Walang silbi kung makikipagtalo pa siya rito. Boss niya ito at ito ang masusunod.
“Noted, sir. Maglilinis muna ako, masyadong marumi," pormal niyang sabi. She tried to maintain the boss and assistant relationship. “Pero may bayad ba ito!"
“Sure,” mabilis na tugon ni Tristan, parang natutuwa pa at hindi man lang inisip ang pera.
Tumalikod na siya pero pinigilan siya nito, sabay higpit ng yakap sa kanyang beywang.
“Tristan!” napasigaw siya habang nagpupumiglas.
“Love…” bulong ni Tristan, pamilyar ang tono. Napapikit si Faye, hindi dahil sa kilig kundi sa sama ng loob. Agad niyang tinanggal ang mga kamay nito at hinarap siya.
“Pwede ba, Tristan! Bitawan mo nga ako! Empleyado mo lang ako ngayon. Wala nang iba!" sigaw niya. Ramdam niya ang pamumula ng kanyang pisngi, pinipigilan ang galit na kanina pa gustong kumawala.
“Eat with me,” mariing utos nito habang nilalagyan ng pagkain ang isa pang plato.
“Busog ako,” sagot niyang mahinahon at lumayo.
“I’m your boss, Faye. Susundin mo lahat ng gusto ko,” sabi nito na may halong babala. Gusto na niyang sapakin ang lalaki, pero pinili niyang manahimik. Totoo naman—boss nga ito.
“All you’re doing is paid. Kaya sumunod ka na lang.”
Wala siyang nagawa kundi ang umupo at kumain. Tahimik. Hindi siya lumilingon sa lalaki.
Yes, she was his ex-wife. At kung totoo mang desperado ito na bumalik siya, hindi niya ito maiintindihan. Sa dami ng sakit na ginawa ng lalaki sa kanya noon, bakit siya babalik?
Hindi niya akalaing muling magtatagpo ang landas nila. Limang taon na ang lumipas mula nang iwan niya ito.
Nang matapos kumain, hinugasan niya ang mga plato habang si Blake ay umakyat na sa kwarto. Matutulog na siguro.
Sa couch siya nahiga. Doon niya balak magpalipas ng gabi.
Naalimpungatan niya ang maramdaman ang mainit na hininga sa leeg niya. Pero laking gulat niya nang mapansing nasa kwarto siya. Yakap-yakap siya ni Tristan, katulad kung paano sila matulog noong hindi pa niya nahuhuli ang panloloko nito.
Ang alam niya, sa couch siya natulog. Bakit siya nandito?
Tatayo na sana siya pero bigla siyang hinila ng lalaki pabalik sa kama. Napahiga siya sa tabi nito.
“Stay with me. Sleep with me. I’m your boss,” bulong nito ng mariin.
“You’re just my boss, not my husband!” sigaw niya sabay tulak sa lalaki.
“Tell me, do you want to pay me back? Then give back what I already gave you—”
Napakurap siya. Wala na siyang wala. At ang sinasabi nito—masakit.
“Gago ka talaga!” sigaw niya, pero hinila ni Tristan ang braso niya.
Hindi siya makagalaw. Malakas ito. Napapikit siya, napaluha.
Ito na ba ang laban ni Tristan? Ang ipamukha sa kanya kung sino ang may hawak ng kapangyarihan? Boss nga ito... at wala siyang laban dito.
Hindi niya ito maintindihan. Ano ba talaga ang gusto nito sa kanya? Sinaktan na siya nito noon, hindi pa ba sapat iyon? Gusto na naman ba nitong madurog ang puso niya?
Nagising si Faye sa sinag ng araw na tumatama sa pisngi niya. Hindi niya alam kung anong oras na, pero sa tingin niya ay tanghali na.Naupo siya sa kama at napatingin sa bintana. Napansin niya roon ang bulaklak ng bougainvillea na itinamin pa niya noong bagong lipat sila dito sa bahay na ito.Napabuntong hininga siya at napahalukipkip. Kung siya lang ang masusunod ay hindi na niya gugustuhin pa ulit magtagpo ang landas nila ni Tristan."Ang lalim ata ng iniisip mo? Let's us. I made a breakfastfor us... like our usual days before," narinig niya ang boses ni Tristan sa tabi niya, kaya napatingin siya roon.Hindi niya napansin na pumasok pala ito sa loob.May dala-dala itong tray na may pagkain, habang nakangiti."Seriously, Tristan. Bakit ba talaga ako nandito?" Hindi na niya napigilan ang sarili. Kailangan niya malaman kung bakit ganito ang inaasal ng dati niyang asawa. "You hired me as your secretary... your personal assistant. Pero anong ginagawa natin dito... sa dati nating bahay i
Inis na inis nang bumalik si Faye sa opisina ni Tristan. Pang-anim na beses na siyang pinapabalik sa loob lang ng kalahating oras—para lang utusan ng kung anu-ano. At sa tuwing makikita siya nitong naiinis, lalo lang itong natutuwa.Pagbukas pa lang niya ng pinto, bumulaga agad ang ngisi ng lalaki. Nakaupo ito sa swivel chair, pa-relax-relax lang, para bang wala siyang ibang ginagawa kundi asarin siya ngayong araw.Masama siyang tumingin dito.“Natutuwa ka bang pahirapan ako?” asik niya, hindi na nagawang pigilan ang inis sa tono.Hindi man lang nag-alala si Tristan. Sa halip, mas lumawak pa ang ngiti nito habang nakatingin sa kanya. “What... you’re my assistant. You better do anything I ask for. Not until you marry me,” sagot nito, kaswal na parang simpleng favor lang ang lahat.“Ah, ganon?” bulong niya sa sarili, sabay dampot ng librong nakapatong sa desk nito. Walang babala, inangat niya iyon, handang ihampas sa ulo ng lalaking wala sa tamang huwisyo.Pero bago pa siya makagalaw,
"Nagsimula na ba ang interview para sa secretary?" balisang tanong ni Faye.Isang oras na siyang late. Patay siya kapag hindi siya natanggap dito. Last chance na ito para sa kanya. Nakaka-ilang apply na siya ngayong umaga—sa apat na kumpanya na pinuntahan niya ay rejected siya. Kapag hindi pa siya natanggap dito, baka mauwi siya sa wala."Ms. Faye Angeles?" pagtawag sa pangalan niya ng isang babae. Nilingon niya ito. Ibinigay niya ang folder na hawak niya at binasa iyon ng babae."Faye Angeles. Graduated in South Luzon State University... Separated..." Bigla itong tumingin sa kanya, halatang nagulat na hiwalay siya sa asawa. "27 years old," dagdag pa niya.Bakit parang hindi kapani-paniwala na separated siya? "Okay, Ms. Angeles. This way sa office ni Sir," sabi ng staff na babae.Napangiti siya. Kailangan niyang ibigay ang pinakamahusay na pagsisikap niya. This is her last chance. Sana matanggap siya dahil kailangan na kailangan niya ng pera ngayon. Ang kanyang ina ay nasa hospital a

Pauwi na si Faye mula sa bahay ng kanyang ina. Ugali na niya talaga na dumalaw rito tuwing araw ng linggo. Bago umuwi sa bahay nila ni Tristan ay dumaan muna siya sa market at namili ng mga pagkain nila ni Tristan.Nakangiti siya habang naglalakad papasok sa gate. Pagbukas ng pinto, nagulat siya sa nakita; si Tristan... at ang isang babae ay nagtatalik. Rinig niya ang bawat ungol ng mga ito. Sa bawat ungol na naririnig niya, parang pinupunit ang puso niya.Sa gulat ay naibagsak pa niya ang mga plastik na dala, isang hudyat na nagdulot ng ingay. Napahinto si Tristan at ang babae nito sa mga ginagawang kalokohan. Biglang na lamang tumulo ang mga luha ni Faye hindi na niya napigilan pa dahil sobrang sakit."Love..." tawag ni Tristan sa kanya, pero hindi siya sumagot.Tinalikuran niya ito. Sinubukan siyang habulin ni Tristan, pero mabilis siyang tumakbo papalayo. Halatang lasing na lasing si Tristan at hindi nito alam ang ginagawa. Pero hindi iyon rason para lokohin siya nito. Lasing man