Excited si Kaizer na makabalik ng isla. Tapos na siya sa mga naka-schedule niyang lakad. Masayang-masaya rin siya na maayos siyang kinausap ng mga magulang ng kan'yang asawa pero ang Kuya Samuel nito ay talagang hindi siya pinakinggan man lang. Matindi ang galit ng lalaki sa kan'ya.
Si Tamara ay inutusan ni Kaizer na pansamantala munang mamalagi sa Baguio para may magbabantay sa pamilya ni Kryzell. Batid niya na gustong tumutol ni Tamara sa panibagong misyon nito dahil sa away-bati na relasyon nito kay Samuel subalit hindi magawang magsalita ng babae dahil sa takot.
Bago umalis ng Baguio ay namili siya ng maraming pasalubong para kay Kryzell at sa mga kasama sa isla. Pauwi na sana siya ng isla nang napag-alam niya mula sa tauhan nila na nasa mansion ng mga Torquero na bumalik na si Hilda kasama ang karelasyon nitong si Sean.
Agad na nagdesisyon si Kaizer n
Ilang oras nang nakatunganga si Kryzell sa pinapanood n'yang palabas. Mag-a-alas-otso na at wala na siyang maisip na gawin. Nakakulong siya sa silid dahil ang alam ng lahat ay may nakakahawa siyang sakit. Naiinis siya dahil kahit dumating na si Kaizer ay hindi man lang siya nito kinumusta kagabi. Habang nakaupo siya sa kama ay biglang pumasok ang kusinera sa silid niya. May dala itong mga pagkain para sa agahan. Dali-dali siyang bumaba at lumapit rito. "Manang, anong sabi ni Kaizer? Naniwala ba siyang may sakit ako?" tanong niya. Tumango naman ang babae na hindi makapagtapat kay Kryzell na alam na ni Kaizer ang pakulo nito. Binantaan kasi siya ng kan'yang boss na huwag na huwag siyang magsasalita dahil parurusahan siya ng kanilang pinuno kapag nautakan ito ng asawa. "Alam n'yang may sakit ako pe
"I miss you. Next time isasama na kita sa mga lakad ko," sabi ni Kaizer habang nakatunghay sa nakapikit pa rin na si Kryzell.Sanglit n'ya lang dinampian ng halik ang labi nito para unti-unti n'yang makuha ang puso ng asawa. Tila naman natauhan ang babae kaya agad siyang itinulak nito.Masaya siya sa nakitang reaksyon ni Kryzell. Batid ni Kaizer na nadala ito sa ginawa n'ya. Pulang-pula kasi ang mukha nito at hindi man lang lumaban. Ibang-iba sa madalas nitong gawin kapag tinutukso niya ito.Mabilis na bumaba sa kama si Kryzell. Malinis na ang buong silid kasi nagawa nang iligpit ni Kaizer ang lahat. Subalit hindi inaasahan ng mafia boss ang naging pasya ni Kryzell. Pinatatanggal nito sa cabinet ang ibang mga damit at ipinababalik ulit sa paper bag."Why are making me stupid?" nagpipigil ng galit na tanong ni Kaizer.
Panay ang sunod ni Kaizer sa asawa n'ya kahit saan ito pumunta. Umuusok naman ang ilong ni Kryzell dahil pakiramdam n'ya ay nabastos siya sa pagdating ng panibagong batch ng mga babae. Nagpipigil lang ang huli na masaktan ang mafia boss dahil ayaw n'yang maparusahan din. "Paulit-ulit kong sinasabi sa iyo na wala akong pakialam kung sino ang makasama mo sa silid pero utang na loob, bigyan mo naman ako ng respeto!" "Kaya nga. These girls are sent without my permission. Hindi, matagal na pala silang naka-schedule at hindi na-cancell ang pagpunta nila," pangangatwiran ni Kaizer. "Daig mo pa ang omorder ng lechon, ano? Takam na takam ka na ba? Gusto mong gawin din kitang lechon?" "Honeypie, promise, wala akong ibang babaeng gustong maikama, ahhh, makasama, ngayon kun'di ikaw lang," nahihirapan na paliwanag ni Kaizer. &
"Babalik na tayo ng Bulacan," mga salitang namutawi sa labi ni Kaizer.Daig pa ni Kryzell ang nakarinig ng pinakamagandang musika sa buong buhay n'ya. Nakasilip siya ng pag-asa. Dahil sa tuwa ay sinalubong n'ya si Kaizer ng mahigpit na yakap at pinaghahalikan niya ito sa pisngi.Agad namang niyakap ni Kaizer ang asawa para magkaroon sila ng tamang balanse. Matutumba kasi sila dahil sa pwersa ng mabilis na paglapit sa kan'ya ni Kryzell."At dahil sa sinabi mo, payag na akong magpakasarap ka sa mga babae mo," sabi ni Kryzell. Dahan-dahan na rin siyang lumayo sa kabiyak."Honeypie, you're so unfair. You turned me on tapos gusto mong sa iba ako magpalabas ng init. That's so unreasonable, my dear.""Niyakap ka lang, na-turn-on ka na. Grabe ang kalibugan mo talaga sa katawan. Natutuwa na
Parang nawala ang kaluluwa ng lalaki dahil sa ginawa ni Kaizer. Napakalapit kasi sa ulo niya ang tama ng bala. Pinagpawisan siya ng malalapot at halos maihi sa suot niyang pantalon."Don't you dare touch my wife. Kahit sa panaginip ay huwag mo siyang pangpantasyahan dahil magiging bangungot mo ako!" mala-demonyong sabi ng mafia boss.Sunod-sunod na tango ang ginawa ng lalaki bago siya dahan-dahan na lumayo kay Kaizer. Pagdating sa groud floor ng bahay ay nakasalubong n'ya si Ruel at ibang mga kasamahan."Ano ang nangyari? Bakit nagalit si boss?" nagtataka na tanong ng isa nilang kasama sa bahay."Mga gag*! Bakit hindi n'yo sinabi na may asawa na si boss?" sabi ng lalaki."Hindi ka naman nagtanong," katwiran din ng iba.Habang nag-uusap ang mga lal
Malapad ang ngiti sa labi ni Kryzell habang kumakain ng merienda. Nasa terrace sila para pagmasdan ang malawak na bakuran ng mansion na kinaroroonan nila. Kaharap n'ya si Kaizer na sunod-sunod ang subo sa spaghetti na niluto ng kusinera. Pinagmamasdan n'yang mabuti ang lalaki. Burado na sa mukha nito ang matapang na mukha kanina. Naramdaman ni Kaizer ang mga mata ng asawa n'ya. Umangat ang dalawang kilay n'ya at bahagyang kumunot ang kan'yang noo. "Stop fooling me, honeypie. Baka hindi na kita mapagpasensyahan sa susunod," seryosong sabi ni Kaizer. "Iyang nga tingin mo na iyan, hindi ko gusto." "Tiningnan ka lang, galit ka na agad," sabi ni Kryzell sabay s****p ng juice na nakalagay sa tumbler. "Ano na naman ang iniisip mong kalokohan?" "Wala. Akala ko kasi paparusahan mo talag
Habang pumapasok ang sasakyan ni Kaizer sa mansion ng mga Torquero ay hindi mapakali si Kryzell. Pakiramdam n'ya ay biglang tumaas ang acid n'ya sa tiyan dahil sa sobrang nerbyos. Napansin naman ni Kaizer ang pagiging aligaga ng asawa n'ya. Bigla n'ya itong niyakap. Napatili naman si Kryzell dahil sa gulat. Hindi sila nakikita ng mga kasama dahil customize ang sasakyan niya. "Relax. Mga walang kwentang tao lang mag makakaharap mo. Basta umarte ka na secretary ko. Iyon ang trabaho mo ngayong araw sa buhay ko," wika ni Kaizer. "Seriously? Paano kapag nakilala nila ako?" kinakabahan na tanong ni Kryzell. "Hindi ka nila makilala. Bukod sa mukha kang mababang klaseng babae, malayong-malayo ka sa dating ikaw. Magaling mag-make-up si Tracy. Ako nga halos hindi kita makilala." Bum
Excited na tinikman ni Kryzell ang niluto ni Kaizer na mayumok. Unang kagat pa lamang n'ya ay napangiwi na siya. Nalasahan n'ya agad ang pait ng mais at ang sapal ng laya ng niyog."Masarap ba?" tanong ni Kaizer habang nakapangalumbaba sa harapan n'ya."Masarap. Sobrang sarap. Ang niyog mo pwede nang ipatuka sa manok at pwede na ngang gawing langis; ang mais mo, nangingitim na ng sobra dahil sa pagkatutong," nang-iinis na sabi ni Kryzell."Mission failed pala ako.""Ayaw mo pa kasing makita kita habang ginagawa mo ito. May nalalaman ka pang pa-surprise kuno. Ayan, sobrang sarap. Nakakakilig," sabi ni Kryzell pero pinagtitiyagaan pa rin na kainin ang mayukmok."'Wag mo ng kainin iyan. Magluluto na lang ako ulit ng bago."Inagaw ni Kaizer ang plato
Makalipas ang tatlong taon, masayang pinagmamasdan nina Kaizer at Kryzell ang anak nilang pumapasok na sa paaralan. Sa kabila ng kanilang maraming trabaho, prayoridad nila ang kapakanan nito."Pwede na…" sabi ni Kaizer."Pwede ng… ano?" tanong ni Kryzell."Pwede na tayong gumawa ng baby number two para forty-eight na lang ang hahabulin natin," pilyong wika ni Kaizer."Ah, okay. Mayabang ka. Sige, hubad!"Biglang napatingin ang teacher ng anak nila sa labas ng classroom kung nasaan sila. Nagtatanong ang mga mata nito dahil sa narinig nito."Naku, pasensya na, ma'am. Feeling ko kasi ay na-allergy ako kaya gusto ko sanang patingnan sa asawa ko kung may mga pantal na ako sa likod. Iyon ang dahilan kaya pinahuhubad niya ako," paliwanag ni Kaizer."Oo nga naman, ma'am. Pasensya na po talaga."
Sigawan ng hospital staffs ang nagisnan ni Kryzell. Nagtataka na inilibot niya ang paningin sa paligid. Nasa isang puting silid siya kung saan ay napapalibutan siya ng mga miyembro ng Devil's Angel Mafia Organization at ng Sabado Boys. Ang binti niya ay nababalutan ng kung ano at hindi niya maigalaw iyon. "Kaizer," tawag niya sa pangalan ng kaniyang asawa. Hindi niya kasi ito makita ngunit batid niyang nasa paligid lang ito. Tanda niya kasi ang mga naganap bago siya nawalan ng malay. "Ma'am, may ginagawa lang si Boss Kaizer. Baka maya-maya ay nandito na rin siya," saad ng isa sa mga miyembro ng Sabado Boys. "Si Uncle Gener, nasaan?" tanong ulit ni Kryzell. "Nasa paligid lang po siya. Sinisigurado niyang ligtas ang buong ospital." Nagtataka na tinanong ni Kryzell ang kausap niya kung ano ang nangyayari sa loob ng hospital. Nagtatakbuhan kasi ang mga doktor at nars maging ang mga tao. Nakikita niya iyon dahil sa salamin na bintana ng silid na kinaroroonan niya. Ang mga nagsigawan
Isang malakas na kalabog ang narinig sa silid. Kahit masakit ang kan'yang binti ay nagawa ni Kryzell na patumbahin ang lalaking may peklat sa mukha. Ang totoo ay kaya niya naman talagang igalaw ang kan'yang mga paa. Umarte lang siyang hindi makalakad upang hindi mahalata ng mga taong nakasalamuha at nakakita sa kan'ya. Sa loob ng ilang araw ay pinilit niyang labanan ang kirot upang puwersahin ang sarili niya. Sa layo ng lugar na iyon na kinalalagyan niya ay batid niyang aabutin siya ng umaga bago siya makarating ng bayan kung maglalakad siya gamit ang kan'yang mga paa. Ini-lock niya ang pintuan. Mababa lang ang bintana sa silid kung saan siya ikinulong kaya pwede n'yang talunin lang iyon. Wala rin ikalawang palapag ang bahay kaya madali para sa kan'ya ang lumabas doon sa pamamagitan ng bintana gaya ng ginagawa niya noong bata pa sila. Sumilip si Kryzell sa sliding window. Napangiti pa siya at natu
Isang malakas na sigaw ang pinakawalan ni Kryzell at lumabas siya mula sa ilalim ng banig. Hinawakan kasi ng lalaki ang kaliwang binti niyang nabali. Ang kirot no'n ay tagos hanggang buto niya. Nagtawanan ang mga lalaki habang takot na takot na sumiksik si Kryzell sa dingding. "Bagong paligo na siya mga pare." Boses demonyo ang narinig ni Kryzell. Nabuo na sa sarili niyang lalaban na siya ng patayan kung pagsasamantalahan siya ng mga lalaki. "Huwag n'yong galawin ang babaeng iyan!" sigaw ng lalaking may peklat sa mukha. Agad na binuhat si Kryzell ng lalaking nakakita sa kan'ya. Tawa ito nang tawa habang walang kibo si Kryzell na nakasampa sa balikat nito. "Sabi ko na nga ba at nagsisinungaling kanina ang mag-asawa," sabi ng isa sa mga lalaki. "Tama talaga ang sinabi ninyong bumalik tayo rito," sagot din ng isa.
Magkakasunod na putok ng baril ang pinakawalan ni Kaizer. Kasalukuyan silang nasa Camarines Norte sa pag-aakalang naroon ang grupo ng Triangulo subalit mali ang impormasyon na nakuha ni Ruel.Tahimik ang lahat ng miyembro ng Devil's Angel Mafia Organization habang nagagalit siya at binabaril ang lupang nasa harapan niya. Lahat sila ay nakayuko lang habang pinanonood siya."Find my wife! Sobrang tagal na ng sixteen days para hindi n'yo siya makita!" Nakakabingi ang mga salitang binitawan ng mafia boss. Pinipigilan niya ang mga luhang gusto na namang pumatak. Mahigpit ang hawak n'ya sa gatilyo ng kaniyang baril na kung hindi siya magpapaputok ay baka atakihin siya sa puso kahit wala naman siyang sakit dito."Yes, boss," mahinang usal ng mga tauhan niya.Agad sumakay ang mafia boss sa chopper na naghihintay sa kan'ya. Habang nasa ere ay pasimple n'yang pinahid ang kan'yang luha.
Halos himatayin si Kryzell dahil sa kirot na nararamdaman niya. Sinuntok kasi siya sa sikmura ng lalaking mahaba ang bigote. Pilit kasing ipinasusulat nito sa kan'ya ang mga ari-arian na hindi raw alam ni Hilda ngunit natuklasan niya. Sa pag-aakalang maiisahan niya ang mga kalaban kaya gumawa siya ng pekeng listahan.Kahit namimilipit sa sakit ng sikmura ay pilit na nagpapakatatag si Kryzell. Walang puwang ang salitang pagod sa kan'ya. Ayaw niyang sumuko para sa kan'yang anak at asawa.Matindi ang galit niya kay Hilda. Ang galit na iyon ang nagtutulak sa kan'ya upang lumaban at manatiling buhay sa kabila ng mga paghihirap na pinagdadaanan niya sa kamay ng Triangulo.Isang araw ay inutusan ni Hilda ang kan'yang mga tauhan na ilabas siya mula sa silid kung saan siya nakakulong. Walang ginawa si Kryzell kung hindi ang sumunod lamang upang hindi na siya pagdiskitahan pa ng mga tauhan nito.
Hindi mapakali si Sean habang nakatitig sa kan'yang cellphone. Naghihintay siya ng tawag ng kahit na sinong miyembro ng kan'yang grupo. Ang mukha niya ngayon na kawangis na ng mukha ni Mer ay hindi na halos maipinta. Nag-aalala kasi siya para sa kaligtasan ng babaeng minamahal niya. "Pare, seryoso ka ba? Sigurado ka bang handa mong labanan si Hilda para lang sa kapakanan ni Ma'am Kryzell?" tanong ni Mer sa kan'ya. Magkaharap ang dalawa habang nag-uusap sa isang sikretong lugar. Ang mga taong nakakakita sa kanila ay naguguluhan kung sino ba talaga sa kanila si Sean o Mer. "Minsan akong naging gago, pare. Ang tanga ko sa puntong ipinagpalit ko si Kryzell sa pera at tagumpay. Mahal ko talaga 'yon," sagot ni Sean. "Sobrang malas naman natin sa pag-ibig. Maswerte ka nga dahil minahal ka niya. Ako, ginawa lang akong tanga," wika ni Mer. Biglang n
Kinakapa ni Kryzell ang mga dinadaanan niya. Piniringan kasi siya ng dalawang lalaking kasama niya kanina kaya wala siyang makita. Sumusunod lang siya sa mga ito ngunit hindi niya tanggap ang lahat nang ipinagagawa nila. Naghahanap lang siya ng tamang pagkakataon upang makagawa ng paraan kung paano tatakasan ang mga ito."Saan n'yo ba ako dadalhin? Hindi na ako natutuwa sa ginagawa ninyo," sabi ni Kryzell."Tumahimik ka. Wala kang karapatan na magtanong," sabi ng isang lalaki sabay hawak nito ng mariin sa braso niya."Ows, 'wag mo 'kong singhalan dahil nagtatanong ako ng maayos," nang-iinis na sabi ni Kryzell."Pipilipitin ko 'yang leeg mo kapag hindi ka nanahimik," banta kay Kryzell ng isa sa mga lalaki.Dahil sa narinig ay biglang itinikom ni Kryzell ang kaniyang bibig. Hindi niya gustong galitin ang mga kasama niya. Alam niyang mas lalong malalagay sa p
Isang matinding bakbakan ang nagaganap sa mansyon ni Kaizer sa Bulacan. Naalarma noon ang buong probinsya dahil sa lakas ng mga pagsabog. Si Kryzell na noon ay nasa hide-out ay kausap ang kan'yang Uncle Gener."Uncle, ano sa tingin mo ang sitwasyon ngayon? May mga tauhan ka pa bang pwedeng ipadala roon?" tanong ni Kryzell habang nagpapalakad-lakad siya sa maluwag na sala ng bahay ng kaniyang mga magulang sa Nueva Ecija."Huwag kang mag-alala, iha. Napakaraming mga tauhan ni Kaizer ang naroon at nakikipaglaban. Kakaunti lang ang miyembro ng Triangulo kaya alam kong kayang-kaya na nilang talunin ang mga ito.Umupo si Kryzell sa tabi ng kan'yang uncle. Pinagmasdan niya ang anak na kalaro ni Tamara. Hindi niya masabi sa kan'yang Uncle Gener na nitong mga nakaraang araw ay sunod-sunod ang tawag at text na natatanggap niya mula kay Sean. Ibat-ibang numero ang gamit nito."Kryzell, ginugulo ka p