Share

Chapter 27

(Nasa CCTV room)

Nagkakagulo ang lahat dahil paparating na ang tinatawag nilang "dem*nyo" sa kanilang lungga. Halos magkapalit-palit na sila ng pwesto habang nag-aagawan ng upuan, lahat sila'y nakatutok lamang sa mga monitor.

Nanggigigil sa kaba, kagat-kagat ang mga kuko habang nakatitig sa isang screen, doon nila kitang-kita ang paglapit ng kanilang boss. Ang bigat ng bawat hakbang niya ay

halos maramdaman nila mula sa kanilang kinauupuan.

"Ayan na, ayan na, papalapit na siya..." mahinang bulong ng isa sa kanila, halos hindi na makahinga.

"Tangina, nasa pinto na siya," dagdag pa ng isa, hindi mapigilang magmura sa sobrang nerbiyos.

Bigla silang nagtakbuhan, tila mga aninong naglaho sa isang iglap nang makita ang kanilang boss sa monitor, hawak ang bar*l na mukhang handang gamitin anumang oras.

Isang malakas na kalabog ang pumuno sa buong silid nang bumukas ang pinto, at doon ay tumambad sa kanila ang nakakatakot na presensya ng isang lalaki-ang kanilang

boss, si Dark.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status