Share

Chapter 1

last update Last Updated: 2022-08-08 16:41:22

Chapter 1

    ISANG mahigpit na yakap at hálik sa noo ang nagpagising kay Lia. Noong buksan niya ang mga mata, unang bumugad sa kanya ang mukha ni Lance, ang kanyang asawa. 

May maliit na ngiting naglalaro sa mga labi ng lalaki habang nakatitig kay Lia. Inayos pa nito ang buhok na nakaharang sa kanyang mukha na kinangiti rin ni Lia. 

“Magandang umaga, Lia,” bulong ni Lance na kinalawak ng ngiti lalo ni Lia. Hindi pa nakuntento si Lance, pinatakan nitong muli ng hálik ang noo ng asawa at ilang segundong nakalapat ang labi nito sa noo niya bago humiwalay si Lance. 

“Ang agang lambing na naman ng asawa ko,” tukso ni Lia sa lalaki na mahina nitong kinatawa. 

“Hindi mo ba gusto ang ginagawa ko?” biglang tanong nito na kinalaki niya ng mga mata. Seryosong nakamasid naman si Lance sa kanya kaya ang ginawa ni Lia, mabilis na bumangon sa kama at hinagis ang sarili patungo sa direksyon ng asawa. 

“Gustung-gusto ko! Gusto kong ganito ka,” aniya at kinawit ang dalawang braso sa leeg ni Lance para mahigpit itong yakapin. “Magandang umaga rin, Lance. Mahal kita.”

Narinig ni Lia ang bumilis na tibok ng puso ni Lance na lihim niyang kinangiti. Naramdaman niya rin ang mahinang pagtawa ng asawa at ang paghalik nito sa tuktok ng ulo niya. 

“Mahal din kita, Lia.”

Bumungisngis si Lia at tiningala si Lance. Hanggang ngayon, hindi pa rin siya makapaniwala na asawa niya ang isang katulad nito. 

Si Lance ang tipo ng lalaking lilingunin mo nang paulit-paulit dahil sa angkin nitong kaguwapuhan. Matangkad si Lance, may kalakihan ang katawan dahil batak ang katawan nito sa pagkukumpuni at pagkakarpintero na trabaho ng asawa at bumagay ang moreno nitong kulay na hindi nakakasawa sa paningin ni Lia. Tall, dark and handsome, ika nga nila. Sa katunayan, madalas nga niyang pisilin ang mga braso ng asawa dahil tuwang-tuwa siya sa kulay ni Lance. 

Kung sa mukha naman, papasa ring artista ang asawa sa itsura pa lang. Malago ang mga kilay nito na binagayan ng nangungusap nitong mga mata, matangos ang ilong at hindi makapal ngunit hindi rin manipis ang labi nito. 

Kaya noong magising siya sa ospital na walang naalala sa katauhan at nagpakilala si Lance bilang asawa, hindi kaagad siya naniwala. 

Hindi dahil hindi ito katiwa-tiwala kundi dahil sa isip ni Lia, pumatol ito sa katulad niya? Itong guwapong lalaking ito? 

Bumalik tuloy sa balintanaw ni Lia ang nangyari. 

Noong buksan niya ang mga mata at daluhan ng mga doktor, ito ang taong bukod tangi na nakitaan niya ng pag-aalala base sa ekspresyon nito. Nang umalis na ang mga doktor pagkatapos kausapin ang lalaki, tumingin ito sa kanya. 

“H-Hi?”

Dumaan ang hindi maipaliwanag na ekspresyon sa mukha ng lalaki at nabigla siya noong inilang hakbang lang nito ang pagitan nilang dalawa bago siya nito ikinulong sa mahigpit na yakap. 

“You're alive. You didn't leave me, Ame. Thank you for surviving the accident,” paulit-ulit nitong bulong sa kanya na hindi naman niya maintindihan. 

Ang ginawa niya, tinulak niya ang lalaki na agad naman itong humiwalay sa kanya at nagtatakang tumingin dito. 

“S-Sino ka?”

“A-Amelia? You don't remember me?”

Bahagyang kumirot ang ulo ni Lia kaya sinapo niya iyon. “A-Aray...”

“—Lia!” Tumayo ito at mukhang lalabas ngunit pinigil niya ito. 

Tiningnan niya ang lalaki. “Ako ba iyong tinatawag mong Lia? Kilala mo ako?”

Muling naging kumplikado ang ekspresyon ng lalaki na hindi na nagawang intindihin ni Lia. Pilit niyang iniisip kung may naalala ba siya tungkol sa sarili ngunit mas lalo lang umiigting ang pagkirot ng ulo niya kaya tumigil siya.

Marahas na bumuntonghininga naman ang lalaki at umupo sa gilid ng kama niya. Pinanood ni Lia ang gagawin nito. 

“...Kilala ba kita?” Siya ang unang nagbasag sa katahimikan. 

Nanlaki ang mga mata niya noong marahang kunin ng lalaki ang dalawang kamay niya at hálikan iyon. Hala, ano ’to?! 

“O-Oy—” Pumiksi siya ngunit nagsalita ito na kinatigil niya sa paglikot. 

“I-Ikaw si Lia... Ikaw si Lia Deneiro. At ako naman si Lance, ang asawa mo...”

Kumurap-kurap ang mga mata ni Lia. Ano raw? Itong lalaking kaharap niya, asawa niya raw? Hindi nga? 

Tumitig siya sa lalaki at pinagmasdan ang mukha nito. Bakit parang binibiro lang siya nito? Hindi ba 'to joke time? 

“Asawa mo ako?” Tinuro niya ang sarili. Tumango ang lalaki at mas humigpit ang pagkakahawak nito sa kamay niya. 

“Totoo talaga? Weh? Hindi mo ako binibiro?”

Dumaan ang pagtataka sa mukha ng lalaking kaharap niya. Ang ginawa naman ni Lia, binawi niya ang mga kamay rito na sandaling puminta sa mukha ng lalaki ang pagkataranta. 

“L-Lia—”

Sinapo ni Lia ang mukha nito gamit ang magkabila niyang kamay at sinipat-sipat ito. Pagkagulat ang naging reaksyon ng lalaki ngunit hinayaan nito si Lia sa ginagawa nito. 

“Sigurado ka bang asawa mo ako? Nagustuhan mo ako? E ang guwapo-guwapo mo po. Sure ka talaga?”

Umawang ang bibig ng lalaking nagpakilalang Lance at napatanga sa mukha ni Lia. Dahil sa pagtulala nito, marahang dinuldol ni Lia ang panturo sa pisngi nito. 

“Ang guwapo talaga, oh,” bulong niya pa. Mas lalong nanlaki ang mga mata ng kaharap niya. “Asawa mo ako, ha?”

“O-Oo...”

“Okay, wala nang bawian ’yang sinabi mo, ha? Asawa mo na ako. Pero bakit mo ako naging asawa? Sa guwapo mong iyan, naging asawa talaga kita?”

Napakurap uli ang mga mata niya noong hapitin siya ni Lance ng yakap at ipatong ang ulo niya sa pagitan ng leeg at balikat nito. 

“Pinakasalan kita kasi mahal kita, Lia.”

Namilog ang mga mata ni Lia at mayamaya lang, napahagikhik siya. Hindi niya mawari pero noong marinig niya ang sinabi nito, ibayong saya ang naramdaman niya. 

Tumingala siya at kumikislap ang mga mata na tiningnan niya si Lance. Niyakap niya rin ito at pagkatapos, nagsalita. 

“Okay, asawa ko. Mahal din kita!”

Naramdaman niya ang biglang paninigas ng katawan nito ngunit mayamaya lang, isang hálik sa tuktok ng ulo niya ang ginawa nito bago siya niyakap. 

“Salamat, Lia. Salamat at buhay ka.”

    “LIA? Sumasakit ba ang ulo mo? Bakit ka tulala? Sabihin mo sa akin kung may problema ka—”

Parang nagising si Lia sa nag-aalalang boses ni Lance. Tumingala siya sa asawa, maliit na ngumiti rito at mahinang iniling ang ulo. “May naalala lang ako.”

Hindi napansin ni Lia ang pagbabago ng itsura ni Lance sa narinig at ang pagdaan ng kung anong emosyon sa mata nito. “A-Anong naalala mo?”

“Hmm? Naalala ko iyong nagpakilala ka sa akin na asawa kita.” Tumawa siya pagkatapos. “Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwalang napakaguwapo ng asawa ko. Tingnan mo,”biro niya rito at sinapo ang mukha ni Lance. “Ang guwapo talaga!”

Palihim na nagpakawala ng malalim na hininga si Lance, ngumiti at sinapo rin ang mukha ni Lia. “Maganda ka, Lia. At napakabait pa.”

Nagpigil ng ngiti si Lia dahil sa seryosong boses ni Lance na halatang nagsasabi naman ng totoo. Maganda siya, mabait pa! Ah, kinikilig siya dahil sa asawa! At dahil hindi mapagilan, tinago niya ang mukha sa dibdíb ni Lance at humalakhak. 

“Lia, baka hindi ka makahinga,” anito at hiniwalay siya sa katawan nito. Malawak na ngiti ang binigay niya rito bago humiwalay nang tuluyan kay Lance. Tumayo na ito sa pagkakaupo sa kama at sinulyapan siya. 

“Magpahinga ka pa kahit kaunti, ha? Magluluto lang ako ng agahan natin.”

Napamaang si Lia at balak na niyang bumaba ng kama nang pahigain siya ni Lance muli sa kama.

“Ako nang magluluto, Lance. Pagod ka pa sa trabaho mo kahapon tapos ngayon ikaw pa magluluto? Ako na,” tanggi niya sa gagawin nito pero umiling din si Lance. 

“Lia, pagod ka dahil sa dami ng nilabhan mo kahapon. Ako na ang magluluto ngayon. Anong gusto mong kainin?”

Dahil alam niyang hindi niya mapipigil si Lance, tumango na lang si Lia at natutuwang tumingin sa asawa. 

“Asawa ko, gusto ko ng sinangag, d***g na danggit tsaka prinitong kamatis. Pwede ba iyon?”

“Any—Kahit ano, para sa 'yo, Lia.”

Bago lumabas ng kwarto si Lance, hinalikán pa siya nito sa pisngi at nagtuloy ang lalaki sa kusina. Ngiting-ngiti namang naiwan si Lia sa kwarto nila at dahil wala na si Lance, gumulong-gulong muna siya sa kama habang kilig na kilig ang puso. 

Ang swerte niya talaga sa asawa! Guwapo, makisig, pasensyoso, marunong magluto, at pinakagusto niya sa lahat, ramdam niyang mahal na mahal siya ni Lance. Pakiramdam ni Lia, isa siyang diyosa na pinagsisilbihan ng isang adonis. 

Muli siyang impit na tumawa bago siya tumayo sa kama at inasikaso ang kwarto nila. Hindi naman pwede na si Lance lang ang kikilos. Dapat tumbasan niya rin ang ginagawa ng asawa kaya ang gagawin niya ngayon, tutulong din sa pagluluto nito. 

Inasikaso nga ni Lia ang kwarto at lumabas para tingnan kung anong ginagawa ng asawa. Nakita niyang nagpriprito ito ng hiling niyang ulam at sabay na inaayos ang bawang na ilalagay sa sinangag. 

“Anong maitutulong ko?”

Napaangat ng tingin si Lance sa ginagawa at nang makita siya, napailing na lang ito. 

“Makulit ka talaga, Lia.”

“Mahal mo naman,” tukso niya rito. Hindi sumagot pabalik si Lance pero lumawak ang pagkakangiti nito. 

Tumulong nga siya sa asawa at wala itong nagawa kundi ang pagbigyan uli siya. 

    NAKAALIS na si Lance papasok sa trabaho dahil may tinatapos pa itong mga kabinet, mesa at upuan na bubuoin. Isang karpintero kasi ang asawa sa isang kilalang furniture shop na hindi kalayuan sa kanila. 

Siguro dahil sa galing ni Lance bukod pa sa itsura nitong nakatatawag pansin, marami laging nagpapagawa at bumibili ng mga muwebles sa gawaan. Kaya maganda rin ang kitang inuuwi ni Lance sa kanya. 

Dahil naiwan sa bahay, nagdesisyon si Lia na gawin ang libangan niya: ang magtanim ng mga gulay sa bakuran nila. 

Lumabas nga siya ng bahay at kinuha ang mga binhi na ililipat niya sa plot ng lupa na hinukay nila ni Lance. Tutal at tapos naman na siyang maglaba at wala nang aasikasuhin sa loob ng pamamahay, dito na lang muna niya ilalaan ang oras. 

Pagpunta niya sa maliit na taniman, nakita niya na busy rin sa pagtatanim ang kapitbahay nila sa sarili nitong bakuran. Dahil nakakahiyang hindi ito batiin, binati ni Lia ang kapitbahay niyang si Josie. 

“Magandang umaga, Josie. Nagtatanim ka rin?”

Mababang harang lang ang pagitan ng bahay nilang dalawa at kung tutuusin, parang dikit nga ang bahay nila.

“Oh, Lia, magandang umaga rin. Oo nagtatanim ako. Umalis na ba ang asawa mo kaya nasa taniman mo na naman ikaw?”

“Maraming gawa si Lance ngayon kaya pumasok na. Eh wala naman akong magawa kaya aayusin ko na lang itong vegetable garden ko.”

Dahil nagkasundo sila sa pag-uusap tungkol sa mga tanim, hindi napansin ni Lia ang paglipas ng oras habang kausap ang kapitbahay. Nang tumaas lang ang tirik ng araw at humahapdi na ang pakiramdam niya, doon lang sila nagdesisyon na pumasok na ng bahay. 

Nag-asikaso na si Lia ng pagluluto para kapag nakauwi si Lance mamayang hapon, may dadatnan itong pagkain. 

Binuhos ni Lia ang atensyon sa pag-aasikaso ng kakainin nila at nang bahagyang dumilim, noong marinig niya ang langitngit ng pintong bumukas, mabilis siyang tumakbo patungo roon at sinalubong si Lance. 

“Lance, maligayang pagbabalik!”

Medyo pagod man ang nababasa sa mukha ni Lance, noong makita siya nito ay umaliwalas iyon. Binuka nito ang dalawang kamay at yumakap naman si Lia rito. 

“Na-miss kita, Lance,”bulong niya. 

“Miss din kita, Lia.”

Mahihinang halik ang ginawa nito sa tuktok ng ulo niya na kinatawa ni Lia habang kinikilig din ang pakiramdam.

“May pasalubong pala ako sa 'yo,”anito. 

Itinaas ni Lance ang hawak na supot at kahit hindi gaanong maaninaw ni Lia ang laman noon, naamoy niya naman na lechong manok ang dala-dala ni Lance. 

Ito iyong hiniling niya noong isang araw kay Lance. Hindi niya akalain na bibili nga talaga si Lance ng sinabi niya para pasayahin siya. Dahil sa tuwa, pinatakan niya ng halik ang pisngi nito at kinuha ang supot. 

“Thank you, Mister ko.”

Tinapik lang ni Lance ang ulo niya at hinaplos iyon pagkatapos. “Basta para sa 'yo.”

Ah, ang swerte niya talaga kay Lance! Hinding-hindi siya magsasawa na sabihin iyon. Kaya kahit hindi sila mayaman basta't hindi kapos sa mga kailangan, kuntento na si Lia basta ba kasama niya ang asawa. 

    PINATÁY ni Rock ang siga ng sigarilyong hawak niya gamit ang paa at mariing inapakan iyon. Tinanaw niya ang bahay na pinasukan ni Lancelot at matagal na tumitig doon bago siya walang salitang tumalikod. 

She's safe. That's what matters. 

×××××

Related chapters

  • The Mafia Lord's Elusive Wife   Chapter 2

    Chapter 2 MAAGA muling pumasok sa trabaho si Lance dahil marami raw order ang isang kilalang pamilya sa bayan nila at ang furniture shop nila Lance ang kinuha para gumawa ng mga muwebles para sa mansyon. Dahil may pinag-iipunan silang mag-asawa, mas nagsisipag si Lance. Si Amelia naman ay mamalengke ngayon para sa mga pangangailangan nilang dalawa ni Lance. Marami na palang kulang sa kusina at dapat na iyong palitan. Mabuti na lang, sasabay sa kanya si Josie at si Marietta, isa rin sa kapitbahay at kaibigan niya. "Lia, nakaayos ka na ba? Tara na! Baka maubusan tayo ng sariwang gulay at isda. May mga loko-lokong tindero pa naman at bilasa na nga ang tinda, ang mahal-mahal pa ng alok."Kumatok si Josie sa pinto ng bahay nila Lia at iyon ang sinabi. Dahil sa narinig, mabilis na nagpulbo si Lia, sinuklay ang may pagkamaalon na kulay kapeng buhok, dinampot ang pitaka at tinungo ang pinto para pagbuksan ang kaibigan. Nabungaran niya si Josie na nasa tapat at matiim ang tingin sa kan

    Last Updated : 2022-08-08
  • The Mafia Lord's Elusive Wife   Chapter 3

    Chapter 3 SA NANGYARI kay Lia noong namalengke siya, ni ang lumabas ng bahay ay hindi niya muna ginawa. Akala niya, hindi siya apektado nang pagtangkaan siya ng mga lasing na iyon. Ngunit noong nauwi lang siya, doon parang bumagsak ang lahat kay Lia. Doon siya nakaramdam ng takot. Ang tapang pa nilang magkakaibigan na sigaw-sigawan ang mga lalaking iyon subalit ngayong bumabalik sa utak niya ang sitwasyon nila noon, napapalunok siya sa pangamba. Paano pala kung walang tumulong sa kanila? Nagawan na kaya sila nang masama ng mga taong iyon? Hindi niya alam. Kaya malaki ang pasalamat ni Lia sa lalaking umaksyon at nakipagtuos sa bastôs na mga lalaking iyon. Alam naman niya na kahit hindi ito umeksena, darating din si Lance at ipagtatanggol sila ngunit alam ni Lia na nakahálik na siguro ang siraulong lalaki sa kanya bago pa dumating ang kanyang asawa. O baka mas malala pa. Sa naisip, kinilabutan ang buong katawan ni Lia at nanindig ang mga balahibo na napayakap siya sa sarili. Nan

    Last Updated : 2022-08-09
  • The Mafia Lord's Elusive Wife   Chapter 4

    Chapter 4 "KAILANGAN mo talagang umalis?"Nakanguso si Lia habang nakatitig sa asawa. Binitiwan niya ang hawak na damit na tinitiklop at pinatong iyon sa mga hita. Hangggang ngayon, nalulungkot pa rin siya dahil nalaman niyang aalis panandalian si Lance para sa trabaho. Ang paliwanag ng asawa, may kontrata raw ang may-ari ng shop sa kabilang bayan at isa si Lance sa napili para bumuo ng mga muwebles. At dahil mamahalin ang mga kahoy na gagamitin, ayaw ng nagpapagawa na iluwas pa ang mga iyon sa bayan nila at sa mismong lugar daw dapat ng parokyano gawin iyon. Gustuhin mang pigilin ni Lia si Lance na umalis, alam niyang hindi maaari iyon dahil trabaho ito ni Lance. Pero sa isipin na ito yata ang unang beses na malalayo ang asawa sa kanya, parang nilulukot ang puso ni Lia. Kagat-kagat ang labi na kinurap-kurap niya ang mata kay Lance. Pero ang walang puso niyang asawa, imbes na maawa sa ekspresyon niyang pinapakita, tumawa pa ito nang malakas. Pumiksi siya sa kinauupuan at sina

    Last Updated : 2022-08-09
  • The Mafia Lord's Elusive Wife   Chapter 5

    Chapter 5 LANCELOT put down the gun he's holding when he saw how pale the face of the person he's facing. Pathetic idiot. He was courageous to whisper something behind his back but now he pointed his gun at him, all he could do was to be scared stiff?Good thing that he's in a good mood right now and he didn't want to ruin it. Then he continued to walk ahead and looked at his subordinates. The henchmen were in front of him minus Quá since he was left in the island to silently protect his Madamé, his wife Amelia. Lancelot talked to his subordinates to give out his orders. They all listened attentively while looking at him from time to time. Lancelot acted like he didn't see their little actions. He knew that they're staring at the tied hair on top of his head. Noong matapos si Lancelot magbigay ng utos, pinaalis na niya lahat ng tauhan doon maliban sa limang may katungkulan at talagang kilala siya. He took off the mask from his face and put it on the table then faced the peop

    Last Updated : 2022-08-09
  • The Mafia Lord's Elusive Wife   Chapter 6

    Chapter 6 BALISA si Lia dahil hindi niya pa rin malaman kung saan nanggaling ang báril na nakita niya sa tagong bahagi ng tokador nilang mag-asawa.Kailan pa naroon iyon? Bakit hindi niya alam? Bakit hindi sinabi ni Lance sa kanya ang tungkol sa bagay na iyon? Hindi lang ito basta maliit na usapin.Noong makita niya ang baril na iyon, katakot-takot na dagundong ng puso niya. Paano kung bigla na lang pumutok iyon? Paano kung makadisgrasya? Diyos ko po!Kailangan niya talagang makausap si Lance oras na makauwi ito. Gigisahin niya talaga ang asawa kung saan nanggaling ang gamit nito.Habang wala pa si Lance, takot na tinago at binalik ni Lia ang báril sa tokador. Binalot niya pa ito para maging ligtas. Paano pala kung bigla na lang iyong sumabog?Sa tak

    Last Updated : 2022-10-10
  • The Mafia Lord's Elusive Wife   Chapter 7 (Rated R)

    SPGChapter 7 DAHIL gabing-gabi na, hindi na nagtanong pa si Lia kay Lance. Kita rin kasi sa mukha ng lalaki ang pagod kaya minabuti na lang niya na bukas na humingi ng konkretong rason kay Lance. Magpapahinga muna sila. Inakay na ni Lia si Lance pahiga sa kama nila at noong mahiga nga ay nilingkis niya ang kamay sa may beywang nito. Niyakap din siya pabalik ng asawa. "Na-miss kita, Mahal. Ang tagal mong umuwi," ungot ni Lia kay Lance. Pinatakan ng hálik ni Lance ang noo ni Lia at mas humigpit ang yakap nito sa babae. "Miss din kita, Lia."Ngumiti si Lia at pinikit ang mga mata. Hindi pa rin nawawala ang pagka-antok niya at ngayon na narito na ang asawa, naging panatag ang loob niya. Naghanap siya ng komportableng pwesto at iyon ay ang pagpatong ng ulo sa dibdíb ng asawa habang nakayakap dito. Masayang bumalik sa pagtulog si Lia. Samantala, mariin ang pagkakalapat ang mga ngipin ni Lance at pinipigil ang sarili na gumawa ng ingay. He really want to let out a painful groan but

    Last Updated : 2022-12-01
  • The Mafia Lord's Elusive Wife   Chapter 8

    Chapter 8 "LANCE, anong nangyayari sa 'yo? Lance!" Kabang-kaba si Lia habang mariing nakatitig kay Lance na madilim pa rin ang anyo ngayon. Katulad kanina, mahigpit pa rin ang pagkakakapit nito sa kanya at gusto nang kumawala ni Lia sa asawa kundi niya lang nakita ang nababakas na takot sa mga mata ni Lance - na oras na gawin niya iyon, baka lalong makalabit noon ang pisi ni Lance. "L-Lance, mahal ko?" alanganin niyang bulong. Nabigla si Lia noong bumitiw si Lance sa pagkakahawak sa kanya at hatakin siya para yakapin nang mahigpit. "Y-You can't leave me, Lia. Please, don't do that. You can't—" Nawala na sa isip ni Lia kung ano ba ang pinagtatalunan nila ni Lance. Ang ginawa niya ay niyakap din pabalik ang asawa at si Lance naman, halos isiksik ang ulo sa may leeg niya. Nanatili sila sa ganoong pwesto ng ilang minuto. Naramdaman ni Lia na paunti-unti na rin ang pagkalma ni Lance kaya para mas kumalma pa ito, hinaplos-haplos niya ang likuran ng asawa. Noong tingin niya ay

    Last Updated : 2023-04-27
  • The Mafia Lord's Elusive Wife   Prelude

    Prelude HILONG-HILO na bumalik ang kamalayan ni Amelia mula sa sandaling pagkawala ng malay. Noong sinubukan niyang gumalaw, nanakit ang kanyang buong katawan, lalong-lalo na ang likod na nilatigo ng lalaking basta na lang kumuha sa kanya. She clenched her fist as she tries to think of a way to escape here. But how can she do that if she's locked up? Hindi na niya mabilang kung ilang araw na ba o linggo na hawak siya ng lalaki. Basta nagising na lang siya rito mismo sa loob ng barko na hawak na nito at sinasabi na malaki ang pagkakasala ng ama niya sa lalaki kaya siya ang binalikan nito. That man told her that she was taken away by them so he could inflict pain to her father and would also cut down the filthy blood that's flowing inside her body. She was told that since she's the daughter of Faustino Castillo, she's the one who's going to experience hell for her father. Then he called her Sofia while she was being tortured. When Amelia denied being that woman, the more that ma

    Last Updated : 2022-08-08

Latest chapter

  • The Mafia Lord's Elusive Wife   Chapter 1

    Chapter 1 ISANG mahigpit na yakap at hálik sa noo ang nagpagising kay Lia. Noong buksan niya ang mga mata, unang bumugad sa kanya ang mukha ni Lance, ang kanyang asawa. May maliit na ngiting naglalaro sa mga labi ng lalaki habang nakatitig kay Lia. Inayos pa nito ang buhok na nakaharang sa kanyang mukha na kinangiti rin ni Lia. “Magandang umaga, Lia,” bulong ni Lance na kinalawak ng ngiti lalo ni Lia. Hindi pa nakuntento si Lance, pinatakan nitong muli ng hálik ang noo ng asawa at ilang segundong nakalapat ang labi nito sa noo niya bago humiwalay si Lance. “Ang agang lambing na naman ng asawa ko,” tukso ni Lia sa lalaki na mahina nitong kinatawa. “Hindi mo ba gusto ang ginagawa ko?” biglang tanong nito na kinalaki niya ng mga mata. Seryosong nakamasid naman si Lance sa kanya kaya ang ginawa ni Lia, mabilis na bumangon sa kama at hinagis ang sarili patungo sa direksyon ng asawa. “Gustung-gusto ko! Gusto kong ganito ka,” aniya at kinawit ang dalawang braso sa leeg ni Lance para

  • The Mafia Lord's Elusive Wife   Prelude

    Prelude HILONG-HILO na bumalik ang kamalayan ni Amelia mula sa sandaling pagkawala ng malay. Noong sinubukan niyang gumalaw, nanakit ang kanyang buong katawan, lalong-lalo na ang likod na nilatigo ng lalaking basta na lang kumuha sa kanya. She clenched her fist as she tries to think of a way to escape here. But how can she do that if she's locked up? Hindi na niya mabilang kung ilang araw na ba o linggo na hawak siya ng lalaki. Basta nagising na lang siya rito mismo sa loob ng barko na hawak na nito at sinasabi na malaki ang pagkakasala ng ama niya sa lalaki kaya siya ang binalikan nito. That man told her that she was taken away by them so he could inflict pain to her father and would also cut down the filthy blood that's flowing inside her body. She was told that since she's the daughter of Faustino Castillo, she's the one who's going to experience hell for her father. Then he called her Sofia while she was being tortured. When Amelia denied being that woman, the more that ma

DMCA.com Protection Status