Share

Chapter 2

Author: alittletouchofwinter
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

Chapter 2

    MAAGA muling pumasok sa trabaho si Lance dahil marami raw order ang isang kilalang pamilya sa bayan nila at ang furniture shop nila Lance ang kinuha para gumawa ng mga muwebles para sa mansyon. Dahil may pinag-iipunan silang mag-asawa, mas nagsisipag si Lance. 

Si Amelia naman ay mamalengke ngayon para sa mga pangangailangan nilang dalawa ni Lance. Marami na palang kulang sa kusina at dapat na iyong palitan. 

Mabuti na lang, sasabay sa kanya si Josie at si Marietta, isa rin sa kapitbahay at kaibigan niya. 

"Lia, nakaayos ka na ba? Tara na! Baka maubusan tayo ng sariwang gulay at isda. May mga loko-lokong tindero pa naman at bilasa na nga ang tinda, ang mahal-mahal pa ng alok."

Kumatok si Josie sa pinto ng bahay nila Lia at iyon ang sinabi. Dahil sa narinig, mabilis na nagpulbo si Lia, sinuklay ang may pagkamaalon na kulay kapeng buhok, dinampot ang pitaka at tinungo ang pinto para pagbuksan ang kaibigan. 

Nabungaran niya si Josie na nasa tapat at matiim ang tingin sa kanya ng babae. 

"Bakit?"

Pumalatak muna ito bago nagsalita. "Ang ganda-ganda mo talaga, Lia. Pulbo at suklay lang ang gamit mo pero litaw na litaw ang kagandahan."

Nahihiyang ngumiti siya at mas lalo namang napailing si Josie. "Oh tingnan mo, ngumiti pa. Kaya kahit may asawa ka, nililingon ka pa rin ng mga tindero sa bayan, e. Ang ganda mo talaga. Masarap ka ring kasama kasi binibigyan tayo ng discount ng mga tindero at tindera."

"Josie, naman," natatawang aniya. "Maganda ka rin naman."

Umikot ang mga mata ni Josie at pabiro siyang hinampas sa braso, nakangiti ang babae. "O siya, maniniwala ako sa sinabi mo kasi hindi ka naman sinungaling. Pero talagang maganda ako, ha? Ano, bagay ba 'tong suot kong bestida? Regalo sa akin ni Karlito 'to. Ang bait ng asawa kong iyon."

Tumango-tango si Lia at binigyan pa ng thumbs up si Josie na lalo nitong kinatuwa. Naglakad na rin sila papunta sa kalapit na bahay kung saan nakatira si Marietta. 

Bago pa sila makakatok, lumabas na ang kaibigan bitbit ang maliit nitong bayong na lalagyan ng mga pinamili. 

"Ang ganda natin ngayon, Lia, ha?" bati sa kanya ni Marietta. 

Si Josie ang sumagot. "Ano ka ba? Kailan ba hindi naging maganda 'tong si Lia? Kapag kasabay tayo, para tayong dama ng Reyna Lia pareho, ano? Ano bang shampoo ng babaeng ito at nang magaya ko nga."

"Kahit mag-shampoo ka pa ng shampoo ni Lia, wala nang epekto, ano? Ganito na talaga itsura nating dalawa," pang-aalaska ni Marietta sa kaibigan. 

"Kayo talagang dalawa, ang hilig ninyong mag-asaran tapos magkakapikunan kayo. Tara na sa bayan, hane?"

Sa pagsita ni Lia, tumigil din si Josie at Marietta sa pag-aasaran. Pumara sila ng jeep na nadaan para mas mabilis na makarating sa bayan at sa pag-uwi, maglalakad na lang silang tatlo.

Habang lulan ng sasakyan, siniko ni Marietta si Lia at tinuro ang likod ng leeg niya. Napahawak naman siya roon pero wala siyang nakapa na kung ano. 

"Namumula, Lia," nakangising anito. Pagkatapos, tumingin ito kay Josie at nang makuha ni Josie ang gustong ipahiwatig ni Marietta, bumungisngis ito ng tawa. 

"Kinagat ka ba ng malaking lamok?" tukso ni Josie. 

"Ang pangalan ba ng lamok na iyon, Lance?" tuloy ni Marietta. 

Nanlaki ang mga mata ni Lia at parehong hinampas ang dalawang kasama. "A-Ano ba kayo? Ang mga bibig ninyong dalawa!"

Nagtawanan sila Marietta at Josie at mas lumawak ang ngisi ng dalawa. "Sus, nahiya pa si Lia, e wala naman nang inosente sa atin dito. O ano, nag-wrestling ba kayo kagabi ng asawa mo?"

Napahawak si Lia sa dibdíb at siya itong hiyang-hiya sa mga pinagsasabi nila. Lalo na itong si Marietta! Iba ang tabas ng nguso! 

"Masarap ba, Lia?" dagdag pa ni Josie. 

"Jusko kayo!" tili niya. 

Mabuti na lang, wala pang sakay na iba ang jeep. Pero kahit na, naririnig sila ng drayber at kahit hindi sila nito kilala, pakiramdam ni Lia, huhusgahan siya nito sa isip nito. 

"Huwag kang mahiya, oy. Normal lang naman 'yan sa mag-asawa, ano? Tsaka isang tingin ko pa lang doon sa asawa mo, iba na, e," ani Marietta uli. 

"Anong iba?" tanong naman niya na sana pala ay hindi na niya ginawa. 

Kumurap-kurap ang mga mata sa kanya nito at ngumisi. "Magaling ba, ganoon. Hindi ba ako nagkamali, Lia?"

Mas lalong nagkulay kamatis ang magkabilang pisngi ni Lia sa sinabi nito. Jusmio! Hihimatayin yata siya sa sinasabi ni Marietta! Lalo na't naalala niya ang ginawa ni Lance sa kanya kagabi na... na... basta! 

Isa lang ang masasabi ni Lia, tama rin naman si Marietta sa sinabi nito na magaling si Lance dahil kahit hindi pa talaga sila umaabot sa huling hakbang dahil gusto ni Lance na makaalala muna siya bago iyon, sa bibig pa lang at mga haplos nito sa kanya, nababaliw na siya. Ay jusko! Bakit ba ito ang iniisip niya? 

"Sa katawan pa lang ni Lance, halatang susuko si Lia, e. Mabuti at nakatayo pa ’tong si Lia, ano?" natatawang pang ani Josie. 

"Ano ba kayo? Bababa na ako ng jeep! Nakakainis kayo!"

Mas lalong lumakas ang tawa ni Josie at Marietta dahil sa nakuha nilang reaksyon sa kanya. Nag-apir pa muna ang dalawa bago siya sinulyapan.

"Eto na, eto na't titigil na kaming dalawa. Ikaw naman, Lia, masyadong mahiyain," si Marietta. 

Tinitigan niya pa ang dalawa at mukhang hindi naman na mag-eeskandalo ang mga bibig nila, umayos na muli ng upo si Lia. Pero hindi pa rin pala papaawat si Josie dahil kinalabit siya nito. 

"Lia, huling tanong ko na 'to, sagutin mo na, ha?"

Nilingon niya ito. "Ano?"

"Magaling ba si Lance?"

Nagsalubong ang kilay niya. "Josie, ah? Bakit ba gusto mong malaman?"

Pinikit-pikit ni Josie ang mga mata. Si Marietta naman, dumikit pa sa kanya para marinig ang sasabihin niya. 

Wala siyang nagawa kundi tumango. Nabigla siya noong umirit ang dalawa at yugyugin pa siya.

"Ang swerte talaga ni Lia sa lahat! Masasabi ko na lang ngayon e iyong madalas kong marinig sa mga kabataang nakakasalubong ko," impit na tili ni Josie. 

"Ano 'yon?"

"Sanaol, Lia. Pinagpala kang anak ng Diyos."

"Kayo talagang dalawa. Pati si Lord, dinamay n'yo pa. Tama na ang topic natin sa asawa ko, ha? Magseselos na ako't puro kayo tanong tungkol sa kanya."

Pinaikutan siya ng mata ni Josie. "Guwapo ang asawa mo pero mahal ko ang Karlito ko, ano? Aba, reyna yata ako ng asawa ko."

"Hindi rin naman magpapahuli si Daniel na mister ko. Lamang lang talaga ng isang daang paligo ang asawa ni Lia," ani Marietta. 

Marami pang sinabi ang dalawang kaibigan ngunit hindi na nakisali pa si Lia at patawa-tawa na lang ang gawa niya. Bumaba rin sila ng jeep noong huminto ito at naglakad papasok sa eskinita para matumbok ang bayan na pamimilihan ng mga pagkain. 

Mabuti na lang at maaga sila kaya marami-rami ang nabili nilang ulam. Nakatulong din na may mga suki si Lia kaya may discount sila. 

Noong pauwi, sabay-sabay silang naglakad na tatlo nang may madaanan silang nag-iinuman sa eskinitang pinasukan nila kanina kahit tirik na tirik pa ang araw. 

Hindi na sana nila Lia papansinin ang mga ito kahit na may ilang sumipol sa gawi nila ngunit nagulat sila noong humarang ang apat na lalaki at lumapit kay Lia. 

"Hi, miss beautiful. Baka pwede mo naman kaming paunlakan ng mga kaibigan ko?" Nalanghap ni Lia ang alak sa hininga nito na kinakunot ng noo at kinahakbang niya patalikod. Mukhang lango na ito sa ininom at hindi niya rin gusto ang mga tinging binibigay nito sa kanya. 

"Pasensya na pero uuwi na kami," aniya at nilagpasan ito. Tahimik na kumapit din si Josie at Marietta sa kanya dahil siya ang nasa gitna ng dalawa.

"Mamā, umalis na ho kayo sa dadaanan namin," sabi ni Marietta.

Naglakad silang tatlo paalis ngunit muli na namang humarang ang mga lalaki at nabigla na lang silang lahat noong hablutin nito si Lia. 

"Ang susungit n'yo naman. Parang inaaya lang sumama 'tong si Miss beautiful sa amin, e. Tara na, Miss. Tatlong shot lang tapos paaalisin din namin kayo," anitong nakangisi. 

Nagpupumiglas si Lia sa lalaki ngunit mariin ang pagkakahawak nito sa kanya. "Alisin mo ang kamay mo! Ano ba?"

Pati si Marietta at Josie, pilit siyang hinahablot pabalik. 

"Bitiwan ninyo si Lia! Ano ba! Tulong! Tulong! May mga manyakis dito!" sigaw ni Josie at sinabayan din ni Marietta. 

"Tulungan n'yo kami!"

Pero kahit anong gawin nila, ayaw bitiwan ng lalaki si Lia. Hindi pa nakuntento, pinagapang nito ang isang kamay sa may bandang pang-upo ni Lia at pinisil iyon na kinatigas ni Lia sa kinatatayuan. 

"Ang lambot naman pala ng puwét mo, Miss. Ang sarap pisil-pisilin!" 

Nanginginig si Lia sa galit at inapak-apakan na ang paa ng may hawak sa kanya subalit parang wala itong nararamdamang sakit sa ginagawa niya. 

"Bakit mo hinihipuan si Lia! Bitiwan n'yo siya!" Sa galit, hinampas ni Marietta ang hawak na upo sa mukha ng lalaki at si Josie naman, binawi si Lia noong napabitaw ang lalaki sa kanya. 

"Ang kulit n'yo, ha! Gusto n'yo pang masaktan!" 

Bumaling ang lalaking may hawak Lia at malakas na sinampal si Josie. Si Marietta naman, hinawakan din ng dalawang lalaki. Si Lia, noong tangka niyang kukunin ang bote ng alak at balak ipukpok sa lalaki, nakuha sa kanya iyon ng isa pang lalaking kasama nito at tinulak siya nito patungo sa direksyon ng bumabastos sa kanya. 

Muli siyang hinawakan ng lalaki sa magkabilang balikat at idinikit nito ang sarili sa kanya na mas nagpumiglas si Lia. 

"Bitiwan mo ako sabi, e! Tulungan ninyo kami! May mga rápist dito!"

Ang siráulong ito! Nanakawan pa yata siya ng hálik! Bastos! Walang modo! 

Noong didikit na ang lalaki kay Lia, biglang may humawak sa mga kamay ng lalaki na nakahawak sa kanya at noong matanggal iyon, tinulak nito si Lia palayo at saka nito hinarap ang bumabástos sa kanilang tatlo. 

Saka lang parang nakahuma si Lia. Sandali niyang sinulyapan ang lalaking nagligtas sa kanya at nakikipambuno na ito sa apat na bástos at lasing na mga lalaki. Doon din niya nilapitan si Marietta at Josie na hihilo-hilo pa dahil sa nakuha nitong sampal. 

"Ayos lang kayong dalawa?"

"Ayos lang kami, Lia. Ikaw ba? Hindi ba nadikitan ng lalaki 'yang labi mo? Magmugmog ka mamaya pag-uwi mo at maligo ng alkohol!" sagot ni Marietta. 

Binalik ni Lia ang tingin sa lalaking nagligtas sa kanila ngunit nagulat si Lia noong biglang wala na ito. Ang natira na lang ay ang apat na lalaking mga walang malay ngayon at nakahiga sa kalsada. 

"Hala, nawala kaagad iyong lalaki. Nasaan na iyon?" bulong ni Josie. 

"Hindi mo napansin, Lia? Kinausap lang kita nawala na iyon. Hindi ba multo iyon?"

Umiling si Lia at hinagilap din ang lalaki ngunit wala na talaga ang lalaking tumulong sa kanila na labis niyang kinataka. 

"Lia?!"

Mabilis na napalingon si Lia noong marinig niya ang pamilyar na tinig. Si Lance ang rumehistro sa paningin niya kaya walang pasubali na tinakbo niya ang direksyon ng lalaki. 

"Lance! Lance!" Nanginginig ang buong katawan na yumakap siya rito, pinawalan ang takot na nadarama kanina. 

Sinuklian din ni Lance nang mahigpit na yakap ang pagkapit niya at ilang ulit na humálik sa buhok niya. Pagkatapos, binitiwan siya nito at ineksamin ang kabuoan niya. 

"Anong nangyari? Narinig ko ang boses mo kanina kaya napunta ako rito. May masakit ba sa 'yo, Lia?"

Hindi pa nakapagsasalita si Lia, nauna nang magsabi si Josie at Marietta kay Lance ng nangyari. 

Unti-unting nagbago ang itsura ni Lance sa narinig at balak puntahan ang apat na lalaking walang malay tao para siguro parusahan ngunit si Lia na ang humindi. Mas gugustihin niya na lang na umuwi na. Ayaw na niyang magtagal pa sa lugar na ito. 

Kunot na kunot pa rin ang noo ni Lance na nakatingin kay Lia kaya inulit niya ang kahilingan. "Uwi na tayo, please? Ayaw ko na rito, asawa ko."

Pabuntonghininga na sumunod si Lance na niyakap si Lia. Pagkatapos ay iginiya siya nito paalis. 

Ngunit bago iyon, lumingon pa muna si Lance at sinulyapan ang apat na lalaking bagsak sa daan. Madilim ang ekspresyon ni Lance at nang makita ito ni Marietta na nakamasid kay Lance, sunod-sunod itong napalunok dahil sa naramdamang takot na lumukob sa katawan. Sobrang talas ng tinging binigay nito sa apat na parang nakatingin sa pátay na bagay. 

Mabilis na nag-iwas ng tingin si Marietta at nilihim ang ekspresyon na nakita sa mukha ng asawa ni Lia. 

Nakakatakot. 

    "ARE they here?"

Pagkasabi niya noon, pinasok ng mga tauhan niya ang apat na lalaking nakagapos ngayon. May piring ang mga mata nito habang puno ng latay at bugbog ang katawan nila. Hinang-hina na ang apat at noong dalhin ito sa harapan niya, nabuwal ang mga ito noong bitiwan. 

"Did you torture them enough?" he asked. 

The one who was asked swallowed his nervousness before he answered him. "Y-Yes, Lord. We did what you ordered us to do."

Dumaan ang ngisi sa mukha niya ngunit kaagad din naman niya iyong binura na nauwi sa blangkong ekspresyon. 

He faced these trash that didn't know better to keep their hands to themselves. They even tried to lay their hands on his treasure. Now, they will regret what they did. 

Kinuha niya ang baril na nasa ibabaw ng mesang kaharap niya at kinasa iyon. Sinenyasan niya rin ang mga tauhan na hawakan ang apat para maupo sila at sinunod iyon ng mga tauhan. 

He pointed the gun at the first man and bang! A bullet hit his head. 

Biglang parang nagkaroon ng lakas ang tatlong natira at nagpumiglas ito sa mga tauhan niya. 

"A-Anong... bakit may baril? Maawa po kayo! Ayaw ko pang mamatay! Ayoko—"

His gun only made a muffled sound and the bullet was buried right between the eyebrows of the second man. Blóod and flesh splattered everywhere. Búll's eye. Another one passed the death's door.

Hindi na rin niya pinatagal at binaon niya rin ang mga bala sa ulo ng dalawang natirang tao. Mayamaya lang ay naamoy na sa paligid ang masangsang na amoy ng dugo. Ngunit walang nagtangkang gumawa ng ingay. Lahat sila, natatakot sa taong kaharap nila ngayon. 

He stood up and grabbed a cigarette from his pocket. "Clean this up and throw them at the gárbage dump. Let the people see where this kind of people belongs to."

This is the thing he will do to people who tried to hurt Amelia. Kíll them. 

He lit up the cigarette he's holding and went out of the abandoned warehouse. It's time to see Amelia again. 

×××××

Related chapters

  • The Mafia Lord's Elusive Wife   Chapter 3

    Chapter 3 SA NANGYARI kay Lia noong namalengke siya, ni ang lumabas ng bahay ay hindi niya muna ginawa. Akala niya, hindi siya apektado nang pagtangkaan siya ng mga lasing na iyon. Ngunit noong nauwi lang siya, doon parang bumagsak ang lahat kay Lia. Doon siya nakaramdam ng takot. Ang tapang pa nilang magkakaibigan na sigaw-sigawan ang mga lalaking iyon subalit ngayong bumabalik sa utak niya ang sitwasyon nila noon, napapalunok siya sa pangamba. Paano pala kung walang tumulong sa kanila? Nagawan na kaya sila nang masama ng mga taong iyon? Hindi niya alam. Kaya malaki ang pasalamat ni Lia sa lalaking umaksyon at nakipagtuos sa bastôs na mga lalaking iyon. Alam naman niya na kahit hindi ito umeksena, darating din si Lance at ipagtatanggol sila ngunit alam ni Lia na nakahálik na siguro ang siraulong lalaki sa kanya bago pa dumating ang kanyang asawa. O baka mas malala pa. Sa naisip, kinilabutan ang buong katawan ni Lia at nanindig ang mga balahibo na napayakap siya sa sarili. Nan

  • The Mafia Lord's Elusive Wife   Chapter 4

    Chapter 4 "KAILANGAN mo talagang umalis?"Nakanguso si Lia habang nakatitig sa asawa. Binitiwan niya ang hawak na damit na tinitiklop at pinatong iyon sa mga hita. Hangggang ngayon, nalulungkot pa rin siya dahil nalaman niyang aalis panandalian si Lance para sa trabaho. Ang paliwanag ng asawa, may kontrata raw ang may-ari ng shop sa kabilang bayan at isa si Lance sa napili para bumuo ng mga muwebles. At dahil mamahalin ang mga kahoy na gagamitin, ayaw ng nagpapagawa na iluwas pa ang mga iyon sa bayan nila at sa mismong lugar daw dapat ng parokyano gawin iyon. Gustuhin mang pigilin ni Lia si Lance na umalis, alam niyang hindi maaari iyon dahil trabaho ito ni Lance. Pero sa isipin na ito yata ang unang beses na malalayo ang asawa sa kanya, parang nilulukot ang puso ni Lia. Kagat-kagat ang labi na kinurap-kurap niya ang mata kay Lance. Pero ang walang puso niyang asawa, imbes na maawa sa ekspresyon niyang pinapakita, tumawa pa ito nang malakas. Pumiksi siya sa kinauupuan at sina

  • The Mafia Lord's Elusive Wife   Chapter 5

    Chapter 5 LANCELOT put down the gun he's holding when he saw how pale the face of the person he's facing. Pathetic idiot. He was courageous to whisper something behind his back but now he pointed his gun at him, all he could do was to be scared stiff?Good thing that he's in a good mood right now and he didn't want to ruin it. Then he continued to walk ahead and looked at his subordinates. The henchmen were in front of him minus Quá since he was left in the island to silently protect his Madamé, his wife Amelia. Lancelot talked to his subordinates to give out his orders. They all listened attentively while looking at him from time to time. Lancelot acted like he didn't see their little actions. He knew that they're staring at the tied hair on top of his head. Noong matapos si Lancelot magbigay ng utos, pinaalis na niya lahat ng tauhan doon maliban sa limang may katungkulan at talagang kilala siya. He took off the mask from his face and put it on the table then faced the peop

  • The Mafia Lord's Elusive Wife   Chapter 6

    Chapter 6 BALISA si Lia dahil hindi niya pa rin malaman kung saan nanggaling ang báril na nakita niya sa tagong bahagi ng tokador nilang mag-asawa.Kailan pa naroon iyon? Bakit hindi niya alam? Bakit hindi sinabi ni Lance sa kanya ang tungkol sa bagay na iyon? Hindi lang ito basta maliit na usapin.Noong makita niya ang baril na iyon, katakot-takot na dagundong ng puso niya. Paano kung bigla na lang pumutok iyon? Paano kung makadisgrasya? Diyos ko po!Kailangan niya talagang makausap si Lance oras na makauwi ito. Gigisahin niya talaga ang asawa kung saan nanggaling ang gamit nito.Habang wala pa si Lance, takot na tinago at binalik ni Lia ang báril sa tokador. Binalot niya pa ito para maging ligtas. Paano pala kung bigla na lang iyong sumabog?Sa tak

  • The Mafia Lord's Elusive Wife   Chapter 7 (Rated R)

    SPGChapter 7 DAHIL gabing-gabi na, hindi na nagtanong pa si Lia kay Lance. Kita rin kasi sa mukha ng lalaki ang pagod kaya minabuti na lang niya na bukas na humingi ng konkretong rason kay Lance. Magpapahinga muna sila. Inakay na ni Lia si Lance pahiga sa kama nila at noong mahiga nga ay nilingkis niya ang kamay sa may beywang nito. Niyakap din siya pabalik ng asawa. "Na-miss kita, Mahal. Ang tagal mong umuwi," ungot ni Lia kay Lance. Pinatakan ng hálik ni Lance ang noo ni Lia at mas humigpit ang yakap nito sa babae. "Miss din kita, Lia."Ngumiti si Lia at pinikit ang mga mata. Hindi pa rin nawawala ang pagka-antok niya at ngayon na narito na ang asawa, naging panatag ang loob niya. Naghanap siya ng komportableng pwesto at iyon ay ang pagpatong ng ulo sa dibdíb ng asawa habang nakayakap dito. Masayang bumalik sa pagtulog si Lia. Samantala, mariin ang pagkakalapat ang mga ngipin ni Lance at pinipigil ang sarili na gumawa ng ingay. He really want to let out a painful groan but

  • The Mafia Lord's Elusive Wife   Chapter 8

    Chapter 8 "LANCE, anong nangyayari sa 'yo? Lance!" Kabang-kaba si Lia habang mariing nakatitig kay Lance na madilim pa rin ang anyo ngayon. Katulad kanina, mahigpit pa rin ang pagkakakapit nito sa kanya at gusto nang kumawala ni Lia sa asawa kundi niya lang nakita ang nababakas na takot sa mga mata ni Lance - na oras na gawin niya iyon, baka lalong makalabit noon ang pisi ni Lance. "L-Lance, mahal ko?" alanganin niyang bulong. Nabigla si Lia noong bumitiw si Lance sa pagkakahawak sa kanya at hatakin siya para yakapin nang mahigpit. "Y-You can't leave me, Lia. Please, don't do that. You can't—" Nawala na sa isip ni Lia kung ano ba ang pinagtatalunan nila ni Lance. Ang ginawa niya ay niyakap din pabalik ang asawa at si Lance naman, halos isiksik ang ulo sa may leeg niya. Nanatili sila sa ganoong pwesto ng ilang minuto. Naramdaman ni Lia na paunti-unti na rin ang pagkalma ni Lance kaya para mas kumalma pa ito, hinaplos-haplos niya ang likuran ng asawa. Noong tingin niya ay

  • The Mafia Lord's Elusive Wife   Prelude

    Prelude HILONG-HILO na bumalik ang kamalayan ni Amelia mula sa sandaling pagkawala ng malay. Noong sinubukan niyang gumalaw, nanakit ang kanyang buong katawan, lalong-lalo na ang likod na nilatigo ng lalaking basta na lang kumuha sa kanya. She clenched her fist as she tries to think of a way to escape here. But how can she do that if she's locked up? Hindi na niya mabilang kung ilang araw na ba o linggo na hawak siya ng lalaki. Basta nagising na lang siya rito mismo sa loob ng barko na hawak na nito at sinasabi na malaki ang pagkakasala ng ama niya sa lalaki kaya siya ang binalikan nito. That man told her that she was taken away by them so he could inflict pain to her father and would also cut down the filthy blood that's flowing inside her body. She was told that since she's the daughter of Faustino Castillo, she's the one who's going to experience hell for her father. Then he called her Sofia while she was being tortured. When Amelia denied being that woman, the more that ma

  • The Mafia Lord's Elusive Wife   Chapter 1

    Chapter 1 ISANG mahigpit na yakap at hálik sa noo ang nagpagising kay Lia. Noong buksan niya ang mga mata, unang bumugad sa kanya ang mukha ni Lance, ang kanyang asawa. May maliit na ngiting naglalaro sa mga labi ng lalaki habang nakatitig kay Lia. Inayos pa nito ang buhok na nakaharang sa kanyang mukha na kinangiti rin ni Lia. “Magandang umaga, Lia,” bulong ni Lance na kinalawak ng ngiti lalo ni Lia. Hindi pa nakuntento si Lance, pinatakan nitong muli ng hálik ang noo ng asawa at ilang segundong nakalapat ang labi nito sa noo niya bago humiwalay si Lance. “Ang agang lambing na naman ng asawa ko,” tukso ni Lia sa lalaki na mahina nitong kinatawa. “Hindi mo ba gusto ang ginagawa ko?” biglang tanong nito na kinalaki niya ng mga mata. Seryosong nakamasid naman si Lance sa kanya kaya ang ginawa ni Lia, mabilis na bumangon sa kama at hinagis ang sarili patungo sa direksyon ng asawa. “Gustung-gusto ko! Gusto kong ganito ka,” aniya at kinawit ang dalawang braso sa leeg ni Lance para

Latest chapter

  • The Mafia Lord's Elusive Wife   Chapter 2

    Chapter 2 MAAGA muling pumasok sa trabaho si Lance dahil marami raw order ang isang kilalang pamilya sa bayan nila at ang furniture shop nila Lance ang kinuha para gumawa ng mga muwebles para sa mansyon. Dahil may pinag-iipunan silang mag-asawa, mas nagsisipag si Lance. Si Amelia naman ay mamalengke ngayon para sa mga pangangailangan nilang dalawa ni Lance. Marami na palang kulang sa kusina at dapat na iyong palitan. Mabuti na lang, sasabay sa kanya si Josie at si Marietta, isa rin sa kapitbahay at kaibigan niya. "Lia, nakaayos ka na ba? Tara na! Baka maubusan tayo ng sariwang gulay at isda. May mga loko-lokong tindero pa naman at bilasa na nga ang tinda, ang mahal-mahal pa ng alok."Kumatok si Josie sa pinto ng bahay nila Lia at iyon ang sinabi. Dahil sa narinig, mabilis na nagpulbo si Lia, sinuklay ang may pagkamaalon na kulay kapeng buhok, dinampot ang pitaka at tinungo ang pinto para pagbuksan ang kaibigan. Nabungaran niya si Josie na nasa tapat at matiim ang tingin sa kan

  • The Mafia Lord's Elusive Wife   Chapter 1

    Chapter 1 ISANG mahigpit na yakap at hálik sa noo ang nagpagising kay Lia. Noong buksan niya ang mga mata, unang bumugad sa kanya ang mukha ni Lance, ang kanyang asawa. May maliit na ngiting naglalaro sa mga labi ng lalaki habang nakatitig kay Lia. Inayos pa nito ang buhok na nakaharang sa kanyang mukha na kinangiti rin ni Lia. “Magandang umaga, Lia,” bulong ni Lance na kinalawak ng ngiti lalo ni Lia. Hindi pa nakuntento si Lance, pinatakan nitong muli ng hálik ang noo ng asawa at ilang segundong nakalapat ang labi nito sa noo niya bago humiwalay si Lance. “Ang agang lambing na naman ng asawa ko,” tukso ni Lia sa lalaki na mahina nitong kinatawa. “Hindi mo ba gusto ang ginagawa ko?” biglang tanong nito na kinalaki niya ng mga mata. Seryosong nakamasid naman si Lance sa kanya kaya ang ginawa ni Lia, mabilis na bumangon sa kama at hinagis ang sarili patungo sa direksyon ng asawa. “Gustung-gusto ko! Gusto kong ganito ka,” aniya at kinawit ang dalawang braso sa leeg ni Lance para

  • The Mafia Lord's Elusive Wife   Prelude

    Prelude HILONG-HILO na bumalik ang kamalayan ni Amelia mula sa sandaling pagkawala ng malay. Noong sinubukan niyang gumalaw, nanakit ang kanyang buong katawan, lalong-lalo na ang likod na nilatigo ng lalaking basta na lang kumuha sa kanya. She clenched her fist as she tries to think of a way to escape here. But how can she do that if she's locked up? Hindi na niya mabilang kung ilang araw na ba o linggo na hawak siya ng lalaki. Basta nagising na lang siya rito mismo sa loob ng barko na hawak na nito at sinasabi na malaki ang pagkakasala ng ama niya sa lalaki kaya siya ang binalikan nito. That man told her that she was taken away by them so he could inflict pain to her father and would also cut down the filthy blood that's flowing inside her body. She was told that since she's the daughter of Faustino Castillo, she's the one who's going to experience hell for her father. Then he called her Sofia while she was being tortured. When Amelia denied being that woman, the more that ma

DMCA.com Protection Status