“Ito na po yung order nyo”
Umalis narin si flynn matapos nyang mailapag ang order namin. Sisigaw na sana si sari ng pandilatan ko sya ng mata. Mukhang na-gets nya ang gusto kong iparating kaya sumubo nalang sya ng kanin.
Buti naman! Ayoko na ng panibagong eskandalo.
“Tatawagan mo ba yung number sa fliers?” saad nya habang naglalakad na kami paalis.
Napaisip ako sa tanong nya. “Pag-iisipan ko pa. Bahala na” naisagot ko nalang.
“Wag mo nang pag-isipan. Gora na agad!” sigaw nya kaya natawa nalang ako.
“Hindi ka din excited, ano?”
“Syempre aambunan mo ako ng biyaya” wika nya kaya napailing nalang ako.
Sabi ko na nga ba! May pakiramdam na akong may kapalit ang pagsasabi nya sakin. Tsk tsk mautak talaga.
“Sige na. May pasok pa ako” tinapik ko lang ang balikat nya at nauna na akong umalis.
Malapit na kasi mag-time sa trabaho. Maliligo pa ako kaya kailangan ko ng magmadali. Basta nalang ako kumuha ng damit at pumasok na sa cr. May limang minuto lang yata akong naligo dahil sa lamig ng tubig. Sinuot ko na ang aking damit at walang lingunang umalis sa bahay. Dinala ko nalang ang suklay para doon nalang ako magsuklay sa tapsihan.
“Hanep ang buhok natin kai, ah. Dinaig mo pa ang pulubi sa kalye” nakangising wika ni duke ng makita ako.
“Iyong akin buhok lang...yang iyo buong katawan. Psh naliligo ka pa ba?” asik ko.
Tiningnan nya ang itsura sa salamin. Kunot noo nya akong binalingan ng tingin. “Gwapo parin naman ako eh” inamoy nya rin ang sarili. “Mabango parin”
Natawa nalang ako sa inasal nya at pumunta na sa kusina. Kumpara kahapon ay mas marami ang nakain ngayon.
“Gusto mo hatid na kita?” tanong nya ng nagliligpit na kami.
Saglit lang akong lumingon sa kanya. “Salamat pero wag na. Hindi naman masyadong malayo ang bahay ko”
Mukhang may gusto pa syang sabihin pero tumalikod na ako. Kinuha ko lang ang sweldo ko at nagpaalam na akong umalis.
Pagdating sa bahay ay kinuha ko ang perahan at mabilis na binuksan ito. Tatlong libo ang sinahod ko sa tapsihan at dalawang libo naman sa pagtitinda ng isda. Maingat ko itong itinabi sa perahan bago sarhan.
Nakapagbayad na naman ako ng upa sa bahay kaya yung pangkain ko nalang ang poproblemahin ko. Kapag gantong nakapagbayad na ako ng upa ay buong sahod ang naitatabi ko.
Killian's POV
Bang....Bang....Bang
“I repeat” seryoso kong wika habang matamang minamasdan sila. “Sino ang naglakas loob na traydorin ako?”
I saw how they looked at each other and gulped nervously. Kinuha ko ang aking Glock G43 handgun at tinutok sa kanila. Wala paring nagsasalita kaya mabilis kong ipinutok ang baril. Hinipan ko ang usok na lumabas sa baril at prenteng sumandal sa lamesa.
I smirk when I saw his lifeless body. Another useless human being. “In the count of three, kapag wala paring aamin...lahat kayo ay papatayin ko” itinaas kong muli ang baril at itinutok sa kanila.
“One!”
“Two!”
“Thr---”
“Sorry po! P-patawarin nyo po ako boss” kulang nalang ay gumapang sya papunta sa kinaroroonan ko.
Naglakad ako sa kinaroroon nya at pabalang na hinawakan ang kanyang buhok. Napaigik sya sa sakit ngunit hindi ko ito pinagtuunan ng pansin.
“Tsk tsk I knew it. Ang lakas ng loob mong kalabanin ako. You knew what will be the consequences of your action” walang emosyong wika ko.
Umiiyak na tumingin sakin. Halos hindi na makilala dahil sa dami ng pasa na kanyang natamo. “S-sorry boss. Gagawin ko ang lahat! P-please don’t kill me”
“You all know the rules” pinasadahan ko sila lahat ng tingin. “Once you betray me...y’all face the satan itself”
“Say my greetings to him” without second thought, I shoot him.
Sinenyasan ko ang mga tauhan ko para tanggalin na ang pagkakatali nila. Alam ko naman sya ang tumaraydor sa akin, gusto ko lang marinig mismo sa kanya.
Kumuha ako ng tissue at pinunasan ko ang aking mukha. I stare at different guns that placed on my table. I don’t really know why I became a mafia boss. Pero unti-unti ay nasasanay na ako sa ganitong posisyon. Pakiramdam ko ay hawak ko ang lahat, kontrolado ko ang lahat.
Just don’t meddle with me and everything will be at peace.
Azelline’s POV
Ring....Ring....Ring....Ring
Kagat kagat ko ang aking kuko habang pabalik-balik ako sa loob ng aking kwarto. Sinusubukan kong tawagan yung binigay na number ni sari.
“T*ngina sagutin mo” mahina kong bulong.
“Hello?” boses ng lalaki ang sumagot.
“Yown hey! Me is asking if the maid is available?” tuloy tuloy kong tanong.
Walang nagsasalita kaya kunot noo kong tiningnan ang aking cp dahil baka tapos na ang tawag.
“Ahm hello? Sorry po sa english ko ganon lang po kasi ako kapag kinakabahan hehehe” bahagyan kong inilayo ang aking cp at tinampal ang aking bibig. “I saw the fliers ahm I just wanna ask if that offer is still available?”
“Ah! Yung offer? Ay oo available pa sya. Bakit?”
Muntik na akong matumba ng marinig ang sagot nya. T*ngina! Nagtatagalog pala? Hindi na sana ako nagpakahirap mag-english.
“Kung sakali po bang tanggapin ko yung offer magkano po yung sweldo?” nahihiya kong wika.
Gusto ko lang makasigurado na hindi ako ineechos ni sari. Aba! Sobrang laki naman kasi ng 10 million para maging maid lang. Mas maganda na yung sigurado.
“10 million”
Dalawang salita na ikinabuhay ng lamang lupa ko. “Talaga po?! I mean, ehem! Paano po ba mag-apply?”
“I’ll just text you the address and you can come before lunch” saad nya bago pinatay ang tawag.
Pagtingin ko sa orasan ay alas-nuebe na kaya dali dali na akong pumasok sa banyo para maligo. Nagkuskos akong maigi para naman kahit papaano ay maalis ang mga dikaaya-ayang amoy. Ayokong mabad shot sa magiging amo ko.
Buti nalang lunes ngayon kaya pahinga ako sa trabaho. Napagisipan kong pasukan ang pagiging maid para naman may naipandagdag ako sa pangarap kong coffee shop. Pero kung 10 million nga ang sweldo ay higit pa sa coffee shop ang aking maipatatayo. Sa isiping iyon ay hindi ko mapigilang ma-excite.
“Bestfriend!” nahinto ang pagsakay ko ng tricycle dahil sa pagtawag ni sari. “Ganda ng porma, ah. Saan ang lakad mo?”
“Kikitain ko yung magiging amo ko. Tatanggapin ko yung offer na sinasabi mo” nakangiti kong wika.
Nanlaki ang mga mata nya sa narinig. “Aba ayos yan! Oh sya umalis kana baka mahuli kapa” tinulak na nya ako papasok sa loob. “Yung parte ko, ha?”
“Oo na! Ba-bye na. Mamaya libre kita” napasigaw nalang sya sa tuwa kaya napailing nalang ako.
Halos malula ako sa taas ng building na kaharap ko ngayon. Dahil sa liwanag ng araw ay nagkakarooon ng reflection sa tuwing tumatama sa salamin ng building. Kaya bago pa ako mapagkamalang batang ligaw ay pumasok na ako sa loob.
“P*ksyet ang kintab! Nakakatakot naman magdumi dito” nakangiwing bulong ko.
Sa kintab ng sahig ay hindi ko na kailangan pa ng salamin para tingnan ang aking mukha. Anong floor wax kaya ang gamit nila dito?
“Hello po? Saan po dito yung office ni Mr. Montemayor?” magalang na tanong ko sa babae.
Matagal nya akong pinagmasdan kaya hindi ko maiwasang mailang. “May I know your name? Hindi kasi basta basta nagpapapasok si Mr. Montemayor ng hindi nya kakilala”
“Kai po. Azelline Kai Lopez”
“Oh! 30th floor. Don’t worry hindi ka maliligaw don dahil office nya yung buong floor na yon” nginitian ko lang yung babae at nagpaalam ng umalis.
Ay p*tcha may nakalimutan ako! G*ga ka zai sa dami ng makakalimutan mo yon pa talaga.
“Oh bakit bumalik ka?” takang tanong nya.
“H-hehehe nakalimutan ko po kasing itanong kung saan ang elevator?” nakangiwi kong tanong.
Napapikit ako ng mariin ng marinig ang tawa nya. Sabi na nga ba! “Grabe hahaha you made my day. Deretso kalang dyan then kanan. Gets?”
“Salamat po ulit” hindi na ako lumingon pa dahil wala na akong mukhang maihaharap sa kanya.
Napatingin ang mga tao sa loob ng pumasok ako. They must be wondering who am I and what I am doing here. Naka simpleng dress lang kasi ako na abot hanggang tuhod. Hindi naman pwedeng maong na kupas at malaking tshirt ang isuot ko dahil trabaho ang papasukan ko hindi tambay sa kanto.
Nang marating ang 28th floor ay ako nalang mag-isa ang natira sa loob. Muli kong pinagmasdan ang repleksyon ko sa salamin. Mukha naman akong babae kaya okay nato.
‘Ding’
Huminga muna ako ng malalim bago lumabas. Wala akong nakikitang tao kaya tama yung sinabi ng babae kanina. Inilibot ko ang aking tingin sa kabuuan ng floor. Tatlong beses yata itong mas malaki sa inuupahan kong bahay. Napailing nalang ako sa naisip.
Tok....Tok....Tok....Tok
Mahina kong kinatok ang pintuan dahil baka maistorbo ko ang kanyang ginagawa. May ilang minuto na yata akong nakatayo dito sa labas kaya dahan dahan kong inilapit ang aking tenga sa pinto.
“What the f*ck are you doing?” dahan dahan kong iniangat ang aking paningin.
Gosh! Nasa langit na ba ako?
“I repeat, what are you doing here?” bigla yata akong gininaw? Awkward akong lumayo sa kanya at humakbang paatras.
“Wala yatang tao kanina? Kanina pa kasi akong kumakatok wala namang nagbubukas” paliwanag ko.
“Come in” yung lang at tinalikuran na ako.
“Before you start your job sign this first” saad nya at iniabot sakin ang isang folder.
Mabilis ko itong pinirmahan at iniabot sa kanya. Wala namang nakasulat don kundi puro rules. Seryoso lang nyang ibinaba ang folder bago sumandal sa swivel chair. May kinuha syang maliit na bola at nilaro laro yon ng kanyang kamay.
“You didn’t read what's written inside the folder” puna nya.
Tumikhim muna ako bago sumagot. Nagkasipon yata ako bigla dahil sa lamig ng atmosphere. “Maid lang naman ang papasukan ko bakit kailangan pa ng ganyan?”
“Maid? Where do you get that info?”
“Sa fliers! Hindi ba’t yon naman talaga ang hinahanap mo?” kunot noo kong wika.
Unti-unting nagsalubong ang kanyang kilay. “Nope”
“Ha? Eh ano yung pinirmahan ko?” kinakabahan kong tanong.
Tangina! Baka mamaya nyan ay pumayag na pala akong ibenta ang lamang loob ko ng hindi ko man lang alam.
“You will be my surrogate mother”
“Ano?!” nabibiglang tanong ko.
“You will be the mother of my unborn child. You already signed the paper so don’t think of backing out” parang nanuyo ang lalamunan ko ng marinig ang boses nya.
“Surrogate mother? Naka drugs ka ba!!” sigaw ko. Adik pa yata ang lalaking to. Tsk sayang gwapo pa sana.
I saw how he close his eyes.“Don’t you dare yell at me” mapanganib nyang saad kaya bahagya akong napaatras.
“Teka nga, ano ba yon?” nagtatakang tanong ko.
Hindi kasi ako familiar sa word na yon. Ngayon ko lang kasi yon marinig. Ang sama kasi pakinggan kaya ganon nalang ako maka-react.
“Surrogate mother. To make it simple...ikaw ang magdadala ng magiging anak ko”
Tumayo sya ay may pinindot na botton sa tabi ng frame. Nanlaki ang mga mata ko ng magbukas ito at tumambad ang ibat-ibang klase ng alak. Sa itsura palang ay halatang mamahalin na.
I doubt na iinom ng pangkanto ang lalaking to. Sa itsura palang ay halata mo ng hindi pa nakakainom ng kwatro o bilog.
Pero ng maalala ko ang pinag-uusapan namin ay malakas kong hinampas ang lamesa. “You! My virginity is resting and me--”
“What the hell are you saying?” salubong ang kilay na wika nya.
“Birhen pa ako, gago!” hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob na sigawan sya.
Napalunok nalang ako ng makita kung paano umigting ang kanyang panga. Kumuyom na rin ang kanyang kamay at parang ilang sandali lang ay sasabog na sya. Teka, may mali ba sa sinabi ko?
“Did you just cussed at me?” mabilis akong umiling bilang sagot.
Balita ko ay kinatatakutan daw ang taong kaharap ko ngayon. Hindi ko alam kung bakit pero ayaw ko ng alamin pa. Ayaw ko pang mamatay. Wala pang nakakakuha ng pagkabirhen ko. Hindi ko pa nararanasan kung anong pakiramdam nyon.
“Ha? Hindi ah! Ang gwapo mo kamo, share naman kung anong secret dyan hehehe” nakagat ko ang labi ko ng hindi man lang nagbago ang kanyang mukha.
“Tsk you can leave now. Come back tomorrow morning. I know where you live so don’t think of running away” saad nya kaya dahan dahan akong tumango.
Bwiset! Kung hindi lang gwapo ang lalaking iyon ay nunkang tatanggapin ko ang pagiging surrogate mother. Boyfriend nga ay hindi ko pa nararanasan tapos magluluwal ako ng bata?
Ang tanga ko rin kasi ni hindi ko muna binasa ang nilalaman ng papel bago pumirma. Paano ko mailalabas ang bata gayong virgin pa ako? Iniisip ko palang ay sumasakit na ang ulo ko.
Pumara na ako ng tricycle at nagpahatid sa lugar namin. Kinalma ko muna ang aking sarili dahil baka magmukha na akong nene. Pakiramdam ko ay naubos ang aking energy ng makaharap ang lalaking iyon.
“Sari!” gigil na sigaw ko ng makitang kumakain ito ng fishballs at kwek kwek.
Nanlaki ang mga mata nya ng makita ako at agad na inubos ang laman ng bibig. “Ano, natanggap ka ba? Yung parte ko ha wag mong kakalimutan. Pati yung sinasabi mong lib---Puntangina! Bakit ka biglang nambabatok?” salubong ang kilay na tanong nya.
Ha! At sya pa ang may ganang magalit? Naisugal ko ang aking virginity ng wala sa oras. Bwiset!
“Halika dito!” marahas kong kinuha ang kamay nya at hinila papasok sa bahay.
“Dahan dahan naman bestfriend!” naiiyak nyang saad ng pabalang ko syang tinulak sa sofa.
“Bwiset ka, akala ko ba maid yung hinahanap?” nanggigigil kong tanong.
Taka nya akong tiningan. “Maid nga. Teka nga, bakit ba parang galit na galit ka?”
“Gaga ka! Magdadala ng anak ang hinahanap hindi katulong” frustrated kong sigaw. Napasabunot na ako saking buhok sa sobrang stress.
“Anak ba kamo? P-papaano nangyari yon?” bulong nya pero hindi ko na inintindi pa.
“Okay lang sana akin, eh. Pero sari, alam mong birhen pa ako. Anong alam ko sa pagdadala ng anak, ni ari nga ng lalaki hindi ko pa nakikita”
Wala akong ideya sa mga ganoong bagay. Hindi ako inosente pero hindi naman ako yung tipo ng tao na madaling macurious sa isang bagay. Takot ko lang, no.
“Anong gagawin mo bestfriend?”
Napahinga nalang ako ng malalim. “Ikuha mo nga muna ng tubig. Sasamain ako ng lasa sayo”
Nagmamadali syang umalis at pumunta ng kusina. Mariin kong ipinikit ang aking mata habang kagat kagat ang pangibabang labi. Dumating sa sari hawak ang isang basong puno ng tubig kaya mabilis ko itong ininom.
“Bigla yata akong na-dehydrate sa narinig ko kanina” naiusal ko.
Pinaalis ko na si sari dahil kailangan ko munang magpahinga. Nanlalambot man ay pinilit kong makarating sa kwarto upang doon matulog. Bigla yatang akong napagod kahit wala naman akong masyadong ginnawa
Surrogate mother? Here I come!!!!
Killian’s POV
“I’ve heard you already found a surrogate mother?” tanong ni theon habang tinitingnan ang mga bagong dating na baril.
“Yeah” napabuntong hininga nalang ako ng maalala ang nangyari kanina. “But she didn’t know that she applied for a surrogate mother”
Gulat syang nagbaling ng tingin sakin. “What?! You didn’t give her the contact?” takang tanong nya.
“I did!”
“How come she didn’t know that she will be carrying your son?” naguguluhan nyang tanong.
“She signed the contract without reading it! She thought she applied for being a maid” frustrated kong wika. Nagsalin ako ng alak at deretso itong nilagok.
“What the f*ck?”
“Tsk may sira yata ang babaeng yun sa ulo” nakangiwing saad ko.
Narinig ko nalang ang malakas nyang pagtawa. “The h*ll brix hahaha. Oh e ano namang itsura, maganda ba?”
“Pwede na rin” tumatangong wika ko. “See it for yourself”
“Bakit kasi ayaw mong humanap ng mapapangasawa mo? Gusto mo pa talaga ay iyong surrogate mother” naiiling sa sabi nya.
“Ayaw ko lang na mada---”
“Ayaw mong madamay sila dyan sa magulo mong buhay. I get it brix pero hindi mo ba naisip na baka madamay yung babaeng kinuha mo para maging surrogate mother?” natigilan ako sa sinabi nya. He’s right. “Alam mong bantay ng mga kalaban nating mafia ang galaw mo. Ilang araw lang ang bibilangin bago nila malaman na nakahanap kana ng magdadala ng anak mo”
“Don’t worry. I won’t let those f*cking a*sholes hurt the mother of my unborn child” seryoso kong saad. Subukan lang nila at malalaman nila kung paano ako magalit.
“What if doon mo nalang patirahin yung babae sa bahay mo? Atleast doon sigurado kang magiging safe sya. Mas maganda yon dahil mas mababantayan ng mga bodyguards mo yung asawa mo” nakangisi nyang saad.
“Hindi ko sya asawa!”
“Woah easy. Tumataas na naman yang cholesterol mo sa katawan”
“Huh? Come again?”
Minsan ay hindi ko alam ang mga salitang lumalabas sa kanyang bibig. I asked him before but he said that its his ‘word of wisdom’. Ayoko namang makipagtalo pa kaya pinabayaan ko nalang.
“Tsk wala. Sa sobrang talino mo ay nagiging b*bo kana. Buti ako average lang”
I swear kung hindi ko lang to kaibigan ay matagal na syang pinaglamayan. May natitira pa naman akong awa para sa pamilya nya kaya hindi ko matuloy-tuloy.
“Boss! Tinambangan yung truck na magdedeliver ng mga baril” sigaw ng tauhan ko.
Nagkatinginan kami ni theon at sabay na tumango. Mabibigat ang mga hakbang na kumuha ako ng dalawang Glock G43 handgun at isang caliber 45. Mas madali kasi ang mga itong dalhin kaya kalimitan ay ito ang ginagamit ko.
“F*cking let's go! Walang ititirang buhay, naintindihan nyo?” nanlilisik ang mga matang binalingan ko sila tingin.
“Yes boss!”
Talagang sinusubukan nila ako, huh? So be it! Tingnan natin kung kaninong mafia ang unang masisira. They all knew how devil I am yet they still want to be on my bad side. F*cking morons!
Limang kotse ang ginamit namin papunta sa lugar. Apat para sa mga tauhan ko at ang isa ay para samin dalawa ni theon. Mabilis na minaobra ni theon ang sasakyan habang seryosong nakatingin sa daan. Gone the playful theon earlier.
“Holy sh*t!” dinig kong usal nya ng makababa kami.
Tumba ang dalawang track at wala ng laman sa loob. It only means one thing, nakuha nila ang mga baril na dapat idedeliver samin. Humigpit ang hawak ko sa aking baril bago inilibot ang tingin sa lugar.
“How come they know about the guns? Tayo lang ang nakakaalam, right?” naguguluhan nyang tanong. Alam ko, kami nga lang ang may alam sa transaction. “Unless may nagsabi sa kanila?”
“Search the area! Tingnan nyo kung may buhay pa” malakas kong saad.
Naipukpok ko ang aking baril sa hood ng sasakyan. Nagkaroon ito ng yupi pero wala doon ang atensyon ko. Alam nila kung anong nangyari last time sa tumaraydor sakin and yet they still have the courage to do it again.
“Boss, buhay pa si calvin!” mabibigat ang mga hakbang na lumapit ako sa kanila at pabalang na hinila ang kwelyo nya.
“Tell me....sino ang mga l*pastangang nangharang sa inyo?” galit kong tanong.
Nahihirapan man ay nagawa parin nyang maidilat ang kanyang mata. “B-black...black dragon”
Nang marinig ko ang kanyang sinabi ay parang nandilim ang paningin ko. That f*cking mafia! Pinalampas ko ang ginawa nila dati pero ngayon? They will taste my wrath. Ako mismong demonyo ang maghahatid sa kanila sa impyerno.
“Lee, call the others. Tell them to come here immediately” baling ko sa isa kong tauhan. He’s actually my right hand. “Ready yourself. Pray for your life. Kill them all” walang emosyon kong saad.