Azelline’s POV
Kring...Kring...Kring
I quickly turned off my alarm. I looked at the time and it was five in the morning. I put my bed away first before entering my small bathroom. I didn't stay long because maybe I was late for my work.
I first looked at my appearance in the mirror. lost-shirt, faded jeans and old hat. My long hair that reached close to my waist was down. I just shook my head at what I saw and decided to leave.
“Hi kai!”
“good morning kai”
“Aga ng pasok natin ah”
Nakangiting kumaway lang ako sa kanila. Hindi naman ako artista pero kung batiin nila ako ay daig ko pa ang isang tanyag na artista. Sa tagal ko ng naninirahan dito ay kilala na ako ng mga tao dito. Hindi sa pagmamayabang pero halos ng kabataan dito ay nag-try na ligawan ako pero wala ni isa sa kanila ang nakitaan ko ng interes.
Hindi naman sa mapili akong tao pero gusto ko naman ay yung kaya akong buhayin hindi yung ako pa ang bubuhay sa kanila. Sa madaling salita, mas gusto ko yung MMMM. Matandang mayamang madaling mamatay hahaha.
“Bestfriend!!” dinig kong sigaw ni sari.
Kilalang kilala ko na ang boses ng babaeng yon. Sa lakas ng sigaw nya ay paniguradong agaw atensyon na naman kami.
“Pwede bang hinaan mo naman yang boses mo!” pinanlakihan ko sya ng mata at pabalang na hinila. “Sa lakas ng boses mo baka pati yung tulog magigising”
Masama nya akong tiningnan. “Ay grabe! Blessing kaya to”
“Buti hindi ako biniyayaan” nasabi ko nalang.
Mabilis kaming nakarating ng palengke. Dito kasi ako nagtatrabaho bilang tindera ng mga isda. Sa tita talaga ni sari yung negosyo kinuha lang ako para maging tindera. Wala namang kaso sakin yon, nagpapasalamat pa nga ako dahil kumikita ako ng pera.
Matagal na rin akong tumigil sa pag-aaral. Elementary lang ang natapos ko pero kahit na ganon ay masaya parin ako dahil kahit na ganito ang buhay ay naranasan ko paring makapasok sa paaralan.
“Tsk tsk kung saang planeta ka na naman nakarating” mabilis akong napalingon kay sari ng bigla syang magsalita.
“Ha?”
“Ha? Yan oh may customer na tayo. Kanina pa yan dyan buti hindi pa umaalis” mataray na wika nya at inikutan pa ako ng mata.
Kung hindi ko lang sya bestfriend ay napagsampal ko na sya ng isda. Ang taray! Bo*bs lang naman ang maipagmamalaki.
“Ay hahaha sorry ha?” sarkastikong wika ko. “Anong sayo?” baling ko sa totoy na kanina pa tulala sakin.
“Pwede pong ikaw nalang?” wala sa wisyong wika nito.
Muntik na akong matawa sa sinabi nya. “Nako bawal eh. Mahal kasi ako, limited edition kung baga. Balik ka nalang sa susunod ha? Tapos magdala ka ng
maraming pera”
“A-ayy hehehe. Magkano po ba isang kilo ng tilapia?” kamot ulong tanong nya.
“250 pero dahil pogi ka naman, 200 nalang” matamis akong ngumiti sa kanya.
Hindi sya magkandaugaga sa pag-abot ng bayad kaya natawa na ako. Hindi ko alam na pati pala totoy ay tinatablan ng ganda ko.
“Eto po, eto! Sa susunod po ulit, ha?” tumango lang ako kaya nagmamadaling umalis na sya.
“Aray ko po....ta*gina!” masama kong tiningnan si sari ng malakas nya akong batukan. “Problema mo?”
Pakiramdam ko ay naalog ang utak ko kahit wala ako non. Nawindang ata ang mga brain cells ko sa lakas ng batok ni sari.
“Anong 200? G*ga ka, 150 lang yung kilo ng tilapia natin!” nanlalaking matang wika nya.
Malakas akong natawa. Hindi ko alam na nakikinig pala sya kanina. “That’s what you called business. Tsk tsk talino ba?”
“Tse! Saan mo naman nakuha yang english mo? Infairness ha lumelevel-up”
“Nabasa ko lang sa dyaryo. Hindi ko naman inaakalang magagamit ko hahaha” kinuha ko yung stick na may plastic para mantaboy ng mga langaw.
Naging busy kami ni sari dahil dumami ang mga bumibili. Naging alerto din ako dahil baka may mga hindi pa pala nakakapagbayad. Malapit ng magtanghali ng maubos ang lahat ng tinda namin. Napagpasyahan muna naming kumain sa kalinderya bago umuwi. May malapit naman ditong kainan kaya hindi na namin kailangan pang sumakay sa tricycle.
“Anong sa inyo kai?” tanong ni flynn.
Anak sya ng may-ari ng kainang ito. Actually, isa sya sa mga nagtangkang manligaw sa akin pero gaya nga ng sinabi ko hindi ang katulad nya ang hinahanap ko.
“Yung dati nalang. Samahan mo na rin pala ng libreng sabaw” wika ko.
“Akin isang order ng rice at menudo” masiglang wika ni sari matapos maubos ang isang basong tubig.
“Uhaw lang?” wika ko pero tinaasan lang nya ako ng kilay.
Dumating na si flynn dala ang order namin. Chicken at kaldereta yung akin dahil yun ang favorite ako. Hindi naman kasi ako mahilig sa mga gulay. Kung kakain ako ay yung sabaw lang, depende parin kung masarap ba ang pagkakaluto.
“Kain na!” sigaw ni sari kaya halos lahat ng kumakain dito ay napalingon sa gawi namin.
Naiyuko ko nalang ang ulo ko sa hiya. “Pwede ba! Kakain kana’t lahat yung bunganga mo nangunguna parin” suway ko sa kanya.
Hindi na nya ako pinansin at nagsimula ng kumain. Napailing nalang ako sa inasta nya. Kadalagang tao daig pa ang bata kung umasta.
“Burpp!” malakas na dighay nya matapos uminom ng tubig. “Sorry po busog lang hahaha” nakangiwing saad nya ng mapalingon ulit sa kanya ang mga tao.
“Bwiset ka! Dyan ka na nga” inilapag ko lang ang bayad ko at nagmamadaling umalis na doon.
“Hoy bestfriend hintayin mo naman ako!”
Hindi ko sya pinansin at mas binilisan pa ang lakad. Lakad takbo na ang ginagawa ko wag nya lang akong maabutan. Alam kong may kakapalan ang mukha ko pero may kahihiyan naman akong natitira para sa sarili ko.
“Hoy ano, walang naririnig? Pansinin mo ako hindi ka famous!” sa lakas ng boses nya ay alam kong malapit na sya. “Notice me senpai!”
Marahas akong lumingon kaya bigla syang napatigil. “Mahiya ka naman sari! Pinagtitinginan na tayo, oh”
“H-hahaha maganda kasi tayo bestfriend. Ikaw naman hindi kana nasanay” wika nya at umakbay pa sakin.
“Wag kang feeling. Ako lang ang maganda, wag mong idamay ang sarili mo” saad ko at inalis ang pagkakaakbay nya.
“Ha! Hindi ka rin mahangin eh, no?” hindi makapaniwalang sabi nya.
“Nagsasabi lang ako ng totoo”
Umuwi na rin kami dahil may pasok pa ako mamayang hapon. Katulong ako sa tapsihan malapit lang rin sa tinitirahan ko. Ako yung tagaluto don. Malaki-laki din naman yung sahod kaya hindi na ako nag-abala pang tanggihan. Hanggang 10 ng gabi lang naman ang pasok ko kaya may oras pa ako para sa sarili ko.
Hindi ko naman pinapabayaan ang sarili ko kaya lang ay may pinag-iipunan ako. Gusto kong makapagpatayo ng sariling cafe kahit yung maliit lang. Wala namang imposible sa nangangarap kaya kahit yung lang ang matupad sa pangarap ko ay okay lang.
“Oh paano, bukas ulit? Una na ako ha?” tumango lang ako kay sari.
Pagpasok ko sa inuupahan kong bahay ay naligo na agad ako. Alas-tres na at 4:00 pm ang pasok ko sa tapsihan. Nagsuot lang ako ng malaking t-shirt at hanggang tuhod na short. Hindi ako sanay sa mga pambabaeng damit kaya puro mga damit panlalaki ang laman ng aking cabinet. Okay lang naman yon at least komportable ako sa paggalaw.
“Wow fresh na fresh ang datingan natin, ah” nginisian ko lang si duke ng mapadaan ako sa pwesto nya.
“Baka wala tayong maging customer kung musmusin ang datingan ko hahaha” pagsakay ko sa sinabi nya.
Sya ang katuwang ko sa pagluluto. Sikat kasi ang tapsihan na ito bukod sa talagang masarap ang pagkain ay nasa gitna ng mga bahayan kaya madalas ay dito sila pumupunta kapag tinatamad na silang magluto ng hapunan. Hindi naman pwedeng ako lang ang magluto dahil hindi ko kakayanin.
“3 order ng tapsi at 2 tocilog” sigaw ni jess na syang tagakuha ng mga order.
Nagkatinginan kami ni duke at sabay ng tumango. Nagpainit muna ako ng mantika at naglagay ng sinangag na kanin sa isang malaking kawali. Kailangan talagang mabilis ang kilos namin dahil dadami na ang mga customers maya-maya lang. Pagabi na kasi at tiyak na dito kakain yung mga uuwing trabahador.
“Ano kaya pa?” natatawang puna ni duke ng mapansing nakatulala lang ako.
“Ako pa ba?” mayabang na wika ko at tinaas ang manggas ng damit para ipakita ang aking muscle. “Tsk easy”
“Wag ka nga hahaha. Akala mo naman may muscle talaga” napanguso nalang ako at muling binaba ang manggas ng aking damit.
Mabilis kaming nag-ayos ng sinabing magsasara na daw kami. Sa tagal ng pagluluto namin hindi ko na namalayang tapos na pala ang oras ng trabaho. Libre kain naman kami kaya okay lang na hanggang gabi kami dito.
Pauwi na ako ng maalala kong wala na pala akong stock sa bahay. Dumaretso ako sa tindahan ni ate tess para bumili ng kaunting pagkain. Konting de lata at noodles lang naman ang bibilhin ko dahil sa linggo pa ng umaga ang sahod ko. May natira naman sa sinahod ko noong isang linggo kaya ito ngayon ang ginagastos ko.
“Tagay ka muna kai!” tawag pansin sakin ni mang bert.
Sila ang numero unong lasinggero dito sa amin pero kahit ganon ay mababait naman ang mga yan. Lasinggero pero talagang maaasahan. Tambay lang kasi sila dyan kaya minsan ay sila ang pinagbabantay ko saking bahay.
“Oo nga naman kai, palagi mo nalang kaming tinatanggihan”
“Ayy hahaha salamat nalang po. Makita ko lang kayong nag-iinom ay lasing na din ako” natatawang wika ko. “Jusko ang tatanda na!” naibulong ko nalang.
Katabi lang ng bahay ko ang pinag-iinuman nila kaya sa tuwing mapapadaan ako ay palagi nila akong inaalok. Walang araw ata na hindi sila nag-iinum. Ako tuloy yung naaawa sa mga lamang loob nila. Tsk tsk puro alak nalang ang nalalasahan.
Naglinis lang ako ng katawan dahil nakaligo na naman ako kanina bago umalis. Pabagsak akong nahiga sa aking kama at tumitig sa bubong na yero. Maganda sanang mag-emote kung kisame ang makikita ko tapos may mga glow in the dark na stars.
“Really kai? Sa tagal mong naninirahan dito ngayon mo lang yan napansin” mahinang bulong ko bago natawa.
Iniisip ko kung saan ako makakakuha ng trabaho na malaki ang sweldo. Hindi naman sa nagrereklamo ako sa sinasahod ko ngayon pero kasi gusto kong makapagpatayo ng coffee shop. Baka abutin nyang hanggang playwood lang ang maging pader ng aking coffee shop.
Mabilis kong kinuha ang aking perahan sa ilalim ng aking kama. Dito ko kasi itinatago yung perang natitira sa sinahod ko. Hinipan ko muna upang maalis ang mga gabok at saka sinusian.
“1000....4000....8000....20,500”
“Jusko magkano pa kaya ang kulang? Baka bago ko maipundar ang coffee shop ay uugod-ugod na ako sa pagtatrabaho” nakangiwing wika ko at muling ibinalik ang pera sa lalagyan.
Inayos ko na ang aking higaan dahil paniguradong sakit na naman ng katawan ang aking aabutin bukas. Hayyy! Idadaan ko nalang to sa alaxan fr.
“Kai! Hoy gaga ka gising!”
Naalimpungatan ako sa lakas ng boses ni sari. Pagtingin ko sa orasan ay 4:30 na kaya tumayo na ako. Pinagbuksan ko ng pinto si sari bago dumaretso sa banyo.
“Tangina! Ang lamig” naiusal ko nalang ng magbuhos ako ng tubig.
Buti sana kung shower ang gamit ko at least yon may heater. Hindi kasi kaya ng sahod ko kaya hanggang tabo at timba lang ang gamit ko hahaha. Mabilis kong binuksan ang sunsilk na shampoo at pinahid sa aking buhok. May natira pa namang safeguard na sabon nung huli kong gamit kaya yon na ang ginamit ko. Mamaya nalang ulit ako magbubukas ng panibago.
“Ano ba yon? Yang bunganga mo, ha. Pinanindigan mo na ang pagiging alarm clock ng bayan” inismidan ko sya at nagbihis na.
“May nakita kasi akong fliers dyan. Naghahanap daw sila ng katulong” nakangiting wika nya.
Sinuklay ko lang ang mahaba kong buhok bago patungan ng sumbrelo. “Oh anong gusto mong gawin ko?”
Napatirik ang mata nya. Animo’y iritang-irita sakin. “Edi mag-apply ka!” yugyog nya sakin.
“Ha! Sa ganda kong ito magiging katulong lang? Tsk tsk no way” naiiling na wika ko.
Napamaang sya sa narinig. Halatang hindi makapaniwala. “Yang pagiging mahangin mo ginawa mo ng hobby, ano? Bakit ba kasi ayaw mo?”
Tinaasan ko lang sya ng kilay. “Ayaw ko nga! Bakit ba pilit ka ng pilit?”
“Sayang pa naman yung sahod” wika nya at tinalikudan na ako.
“Hinayang na hinayang ka eh, ano?” natatawang saad ko. “Magkano ba yung sahod?”
“10 million yata?” parang wala lang na sabi nya.
“10 million?!” gulat kong wika. Mabilis ko syang hinila pabalik. “Bakit hindi mo sinabi kaagad?”
“Aray naman! P*****a” naiinis na wika nya. “Ano bang problema mo?”
“Saan mo ba nakita yang fliers na yan? Sigurado ka ba? Baka naman scam lan---”
Mabilis nyang tinakpan ang aking bibig. “Isa-isa lang mahina ang kalaban hahaha. Nakita ko lang yon dyan sa kanto, eh hindi ko naman naisip na dalhin baka kako hindi ka interesado” paliwanag nya.
“Bwiset ka! 10 million na yon, sino pang aayaw? Oh e may number bang nakalagay?” naiintriga kong tanong.
May kinuha syang papel sa bulsa. “Syempre meron! Nanghingi pa nga ako ng papel dyan sa tindahan ni ate tess hahaha. Tm yata yan bestfriend” tiningnan ko ang number na nakalagay sa papel.
“Tm nga. Saglit kukunin ko lang yung cp ko” nagmamadali akong pumasok sa kwarto ko at kinuha ang aking cp.
Nokia. Luma na ito pero matagal ko ng nagagamit kaya may centimental value nato. Ayaw ko namang bumili ng bago dahil bukod sa mahal ay hindi naman ako marunong gumamit ng touchscreen na cellphone. Okay na ako sa di-keypad hahaha.
“Idikta mo nga” saad ko.
Isinave ko muna ang number saking cp. ‘Maid for hire’ ang aking inilagay para hindi ako malito. Niyakag ko na si sari dahil unti-unti ng sumisilip si haring araw. Linggo na ngayon kaya alam kong mas magiging busy kami. Mas madami kasing tao pag linggo dahil yon talaga ang free day ng lahat.
“Hoy bestfriend focus ha? Yang utak mo mamaya mo na palipadin” agaw atensyon sakin ni sari ng magsimula na kaming mag-ayos.
“Epal ka eh, no?” tinaasan ko sya ng kilay.
“Alam mo ah”
Nagsimula ng magdaksaan ang mga tao kaya inayos ko na ang sarili ko. Kahit naman nagtitinda lang ako ng isda ay kailangan ko paring mag-ayos ng sarili ko. Baka sa halip na dito bumili ang mga tao ay magtakbuhan pa sila pag nakita ang mukha ko. Gosh! Haggard wag ngayon, sa ibang araw nalang.
“Ate magkano po yung kilo ng bangus?” wika nung lalake. Palagay ko ay hindi nagkakalayo ang edad namin. Mas matanda lang siguro ako ng isa o dalawang taon.
“200 nalang yan”
“Wala na po bang bawas?” ngumiti sya kaya kita ko ang paglabas ng dimple sa kaliwa nyang pisngi.
“Oh sige 190” mahinahon kong wika.
Kamot ulong tumingin sya sakin. “Lower?”
“Oh sige palit tayo ng pwesto. Ako yung bibili ikaw ang magtinda” tinaasan ko sya ng kilay.
“1 kilo nga po” ngumiwi sya ng iabot sakin ang bayad.
Mabilis kong kinilo ang bangus at iniabot sa kanya. May itsura nga kuripot naman! Napailing nalang ako at pinagtuunan ng pansin yung ibang bumibili.
“Aray ko po! Kailangan ko na yatang magpamasahe” reklamo ni sari habang nagliligpit kami.
Ramdam ko din ang pananakit ng aking likod pero hindi na ako nagsalita pa. Lalagyan ko nalang ng salonpas pag-uwi ko ng bahay. Marami akong stock dahil yon lagi ang inilalagay ko pagsumasakit ang aking likod.
“Kain na tayo kai. Kanina pa nagrereklamo ang mga bulate ko sa tyan” naluluhang wika nya habang hinihimas ang tyan.
Marahan akong natawa. “Tara na. Baka mamaya nyan ay mamatay ka pa sa gutom hahaha”
“Ipapalibing mo naman ako, diba?” kapagkuwan ay tanong nya.
“Bakit ko naman gagawin yon? Bestfriend lang kita pero hindi mo ako nanay” saad ko.
Tumigil sya sa paglalakad at humawak sa dibdib. Animo’y nasasaktan. Oa talaga ang gaga!
“Ano?! Magkalimutan na tayo kung ganon”
Pigil na pigil ko ang matawa. “Pero ako ang sasagot sa pakape at tinapay mo” mabilis na bawi ko.
“Walang juice?”
“Syempre meron! Sasamahan ko narin ng mga candy” dagdag ko.
“Meron pa” biglang wika nya.
“Ang demanding mo naman! Mamatay kana’t lahat ang dami mo pang gusto” salubong ang kilay ng wika ko. “Oh sya ano ba yon?”
“Gusto ko ng Eugene!” masiglang wika nya na ikinataka ko.
“Eugene? Yung sa ghost fighter?” nagtataka kong tanong.
Mabilis syang umiling bilang sagot. “Yun bang sinasabi kapag ibuburol na. Yung letter?”
“Putangina hahahah” hindi ko na napigilan ang tawa ko. “Eulogy yata ang tinutukoy mo sari”
Excited syang tumango. Tama nga ako, yon ang tinutukoy nya. “Yon nga! Paano mo yon nalaman?”
“Pinag-aralan namin yon nung elementary. Alam mo namang meron akong photographic memory kaya imposibleng makalimutan ko yon” paliwanag ko.
“Oo nga pala” natampal nya ang noo sa naalala. “Basta gusto ko may eulogy ka sakin. Parang ang astig kasi tingnan”
Napangiwi ako sa narinig. Anong astig don? Buti sana kung yung kabaong nya lumilipad, yon ang astig. Isa pa hindi rin naman nya yon maririnig kaya ano pang silbi ng eulogy? Minsan talaga ay hindi ko maintindihan ang takbo ng utak ni sari.
“Wag kang mag-alala at gagawan kita non. Gusto mo yata isang buong pad ang gawin ko, eh” natatawang wika ko.
“Grabe ka naman bestfriend! Baka pati pagtae ko ay banggitin mo pa hahaha” natawa kami sa sarili naming joke.
Nakarating kami sa kalinderya nina flynn. As usual ay marami na namang tao. Malapit lang kasi sa palengke kaya dito madalas kumakain ang mga tao. Malawak naman ang space kaya hindi problema kung maraming kakain.
“Araw-araw ay gumaganda ka kai, ah” bati agad ni flynn ng makaupo kami.
“Kung yang pambobola mo ay inililibre mo kami flynn...matutuwa pa kami sayo, ano?” singit ni sari.
“Kung kasama ka lang rin sa ililibre ay wag nalang sari. Sa dami mong kumain? Ubos ang pera ko sayo” sakay ni flynn.
Napailing nalang ako sa narinig. “Ganon nalang ulit flynn. Yung sabaw ha, wag mong kakalimutan” bilin ko bago sya umalis.
“Alam mo sayang ka” napapailing na wika nya. “Jackpot kana kay flynn, oh. May itsura, kaya kang buhayin, at pwed---”
“Pwede bang tumahimik ka na? Yang bibig mo nagsisimula na naman” pasiring kong inalis ang tingin sa kanya.
“Lagi mo nalang pinupuna ang bibig ko”
“Paanong hindi ko mapupuna? Nangunguna pa yang bibig mo kesa sa mukha”
Mabilis nyang tinakpan ang bibig at sinamaan ako ng tingin. “I’m no duck”
“H-hoy itigil-tigil mo yang pag-ienglish mo, ha? Tama na. Hindi bagay” tumatawang saad ko.
“Akala mo naman kung sinong magaling sa english! Hoy para sabihin ko sayo parehas lang tayong nosebleed pag english na ang usapan, tsk” nakanguso nyang sabi.
“At least ako hindi ako nag-ienglish. Tsaka yung english word na sinasabi ko ay stock knowledge ko yon” pinanlakihan ko sya ng mata. “Wag mo nga akong itulad sayo. Psh walang knowledge na ma-istock”
Nakipagsukatan sya ng tingin sakin pero sya rin ang unang umiwas. Ha! Hindi nya ako madadaan sa tingin nya at hindi sya mananalo.