Share

Chapter 4

YVETTE CASSIDY ARMANI

"Dad, what if magbukod na ako ng bahay?" sabi ko kay Daddy while we are all eating. Lahat ng mga mata nila ay sa akin nakatingin. Bakit? May mali ba sa sinabi ko? Malay ko, papayagan na ako ngayon ni Daddy. Never mind, kung ano ang opinyon ni Mommy.

"My princess, how many times do I have to tell you that I will not let you to stay alone. You know that" sagot ng aking ama. I just pout my lips as usual. Yan naman talaga ang palaging rason ni Daddy, kesyo ganito, kesyo ganyan. Urgghhh!!! Nakakarindi na din.

"Yvette, hanggang ngayon ba---" I glared at my sister na isa ring bida-bida. Pareho lang sila ng kuya ko pero mas malala to.                                                                                                                                       "Oo na! Come on, bawal na mag ask?" hindi ko na mapigilan ang inis ko. Feeling ko talaga kasi piangkakaisahan nila ako.

"Yvette! respeto lang sa ate mo. Ate mo parin yan!" that was Mom.  See? kasalanan ko na naman? Palagi nalang ako ang may mali? Kung pwede ko lang din sanang irapan mom ko, ginawa ko na.

Tumingin ako kay Daddy, I know na siya sa akin kampi. I smiled at him bitterly and I know that he knows my feeling right now. He smiled back at me.

"Para ano? Para magawa mo na ang gusto mong gawin? Like pakikipag-usap sa stranger?" si Kuya ko naman ngayon ang umextra. Papansin din to eh. Isa din eh. Tulad ng ginawa ko sa ate ko, inirapan ko lang din.

"That's not what I want. All I want is to lived by myself. Meron namang malapit lang sa clinic na condo. Pwedeng-pwede ako dun" pagdadahilan ko which is true naman. 

"Don't me Yvette, I know what you're doing when you don't have our eyes on you. Like yesterday" pang-iinis pa niya lalo. Ano namang meron kahapon?

"Can you shut up kuya?" nainis na talaga ako ng tuluyan. Pati ba naman siya kontrabida? Sabagay dati pa naman ba't ngayon lang ako magtataka?

"See? Ganyan ka mag react dahil totoo? Para ano?" nanlaki pa ang kanyang mga mata na tila ba hinahamon niya ako. 

"Bakit ba ang laki ng problema niyo sa akin? Bakit ba napaka advance niyo mag-isip? Marami akong dahilan kung bakit gusto kong umalis sa mansion, gusto niyo isa-isahin ko pa?" nanggagalaiti kong hamon sa kanilang lahat.

"Dad, I'm begging you please" pagmamakaawa ko na sa aking ama. He cleared his throat pero wala akong nakuhang sagot mula sa kanya and I knew it. 

Tumayo na ako, nawalan na ako ng ganang kumain. Sorry sa pagkain but I can't hold my anger that is why, halos pabagsak kong binitawan ang nakasukbit na napkin sa aking dibdib. Yes, nag walk out ako kasi diko na makaya ang masamang tingin sa akin nina Kuya, ate at Mom. Baka kung ano lang ang masabi ko na hindi maganda.

"Yvette!" rinig ko ang tawag sa akin ni Dad pero hindi ko na pinansin at deretso lang ako sa aking kwarto.

Pagkarating ko sa aking kwarto, I locked the door and grab my phone. Gusto kong sumigaw pero baka isipin na naman nila na over acting na naman ako.

"Naiinis ako ngayon at the same time nalulungkot ako" sent to Aiden Garcia. Ewan ko bakit kay Aiden ako nag message e hindi naman ako kilala ng taong yun. I mean, we're just met yesterday.

"Why? What happened? Are you okay?" that was his reply that made me smile. I don't know but I feel safe to him, I feel comfortable talking to him even we didn't know each other deeper like a common friend.

"I have an arguments with my family awhile ago. They didn't want me to live by myself" pagoopen ko ng aking problem. Gusto ko lang naman maglabas ng hinanakit ko na hindi ko mailabas-labas.

"Why you want to lived alone?" reply niya tapos may emoji pang smile. Mariin akong napatingin sa kisame. Just like I said, I have many reasons to go out in the mansion and lived alone, number one na diyan kay Daddy, ang ginagawa niya and the more.

"Tsk, many reasons that I know na hindi mo rin maiintindihan" sagot ko nalang.

"How can I understand if you won't tell me what it is? Care to share?" reply din niya. Humugot muna ako ng aking hininga. Did I trust him? Hindi basta-basta ang trabaho ni Daddy and first and foremost di'ko pa masyadong kilala si Aiden. What if?

"I will tell you if ready na'ko and in the right time maybe?" patanong ko pang reply. Mahirap na, at baka dito pa mapapahamak ang aking pamilya especially my Dad.

I know na mali but just like I said, sino ba naman ako sa kanila? Galit at ayaw nga nila sa akin e. Tsk! That was the saddest part of my life. Gusto kong alisin o umalis si Daddy to the organization where he belong but I don't know how?

"Okay no problem. I'm just here" reply niya na siyang nagpangiti sa akin.  Ramdam ko at hindi ako pwedeng magkamali na mabait ang taong ito. From his smile na kahit tipid, doon ko nakita na he is kind, he is different.

Magrereply pa sana ako ng muling may message siya saying na "and just tell me kung kailan ka lilipat, I will help you" pahabol pa niya na ikinabilis ng tibok ng puso ko. Anong nangyayari na ba sa akin?

"Sure Aiden, I will inform you" nakangiting reply ko.                                                                                    "Okay. You will count on me"reply din niya. Kaya hindi maalis-alis ang ngiti ko dahil hindi mawala-wala ang emoji smile sa bawat message niya. He looks like a happy and good person. I hope so.

Nilapag ko na ang aking cellphone at humiga na ako sa aking kama at nagmuni-muni. Kailan kaya ako makaka-alis dito sa mansion? Yung tipong di'ko na kailangang ipagsiksikan ang sarili ko sa bahay na ito. 

Yung hindi ko na araw-araw makikita ang mga pagmumukha ni ate at kuya. At hindi na din nila kailangang makipag plastikan sa akin just to be Daddy not to get mad to them. When? When Yvette Amari?

After a minute, I heard a knock from the door and it was Daddy. Tamad akong tumayo at ginulo ko ang aking buhok bago ko siya pinagbuksan.

"What for Dad?" too lazy for me to ask.  "May I come in?" malapad niyang ngiti sa akin kaya naman linuwagan ko ang pagkakabukas ng pintuan to give him access.

He sat on my bed while he has smile on his face habang ako ay tamad lang na nakatayo.

"You sure you want to live alone?" panimula niya na ikinangiti ko kaagad. He is the best! 

"Yes dad! I am hundred percent sure!" masaya at excited kong sagot. He sighed at first pero sa bandang huli ngumiti din ito.

"Yvette, my princess, promise me that you are safe always. Hindi ko kakayanin kung may mangyaring masama saiyo iha" puno ng pag-aalala ang kanyang mukha. 

"Promise Dad, I will be safe for you" pampagaan ko sa kanyang loob.    Ngumiti siya ng pilit and I know it. There is hint of sadness on his face. Sadyang nag-aalala lang siya sa kaligtasan ko. Pero buo na ang desisyon ko. Magsosolo ako ng bahay.

"So you allow me to live alone Dad?" paninigurado ko. He just nod and I saw the smile yet a concern on his face. I sighed.

"Dad, alam ko na ayaw mo na magbukod ako at napipilitan ka lang. Bakit mo'ko pinapayagan ngayon?" takang tanong ko.

"Because I love you. I want to make you happy and living alone makes you happy so I allow you to live by yourself" madamdamin niyang sagot na ikinalambot ng puso ko. 

God is great because He give me a father like my Dad, caring, understandable and a loving father. I love him so much!

"Thank you daddy and I love you too" maluha-luha kong sabi.                 

"I love you more princess. Always remember that, you will do what makes you happy and I'm just here to support you" dagdag pa niya na ikinakurot ng puso ko. He always like this!

"Thank you so much my daddy!" excited kong sabi saka ko siya niyakap ng mahigpit na ikinatuwa din niya and we both laughed.

HENDRIX ANDERSON

"Rainer, aalis muna ako. Important matters." sabi ko kay Rainer at nasa mukha nito ang pagtataka. 

"Saan ang punta mo sir? Sasamahan ba kita?" tanong pa niya na ikinailing ko. Hindi naman kailangan na may kasama ako dahil hindi naman tungkol sa work o operation ang pupuntahan ko kundi tutulungan ko lang si Yvette na maglipat at mag-ayos sa kanyang bagong condo. Important matters nga! F*ck sh*t!

"No need. I can go alone. Just message me or call me when there are important news coming to the office. Kung hindi importante at kaya mo naman, better not to disturb me okay?" bilin ko na ikinangisi lang niya, mean he got it!

Dali-dali na akong umalis. Yvette send me her location and I know this place. If I'm not mistaken, dito ako nag stay dati but in different room of course way back 2015, bagong labas ako ng academy. No doubt, the palce is good and beautiful.

"Hey Yvette, how may I help you?" tanong ko sa nakatayong babae sa may gilid ng kalsada kung saan tila ba'y she's waiting someone. Maybe she's waiting for me? C'mon Hendrix! Kailan kapa nag-isip sa mga ganyang bagay?

"Oh gosh! Aiden! Tinotoo mo talaga ang pagpunta? But anyway, thank you" malapad na ngiting sabi niya.                                                                                                                                                                          "Of course" ngiting sagot ko din. F*ck! Bakit parang umaatras ang dila ko kapag kausap ko siya? At kailan pa ako ngumingiti habang kinakausap? Ngayon lang Hendrix! 

"I'm waiting for my small drawer to be delivered." sabi niya saka nagpunas ng kanyang noo gamit ang kanyang kamay. Sh*t! mainit nga pero fresh siya sa paningin ko. F*ck! Bakit ba ako sa labi niya nakatingin? Why is just like that, I want to taste those lips. I think masarap at malambot. 

"Here, take this" sabay abot ko sa aking panyo. I saw the surprise written on her face. Bakit naman kasi padalos-dalos ako?

"Huh?" tanong niya. "Thank you Aiden but I ahve tissue here" sabi pa niya ng may ngiti sa labi. Holy sh*t! Help me to control my emotion please.

I chuckled like nothing happened at binulsa ko nalang muli ang aking panyo. Sayang naman, hindi ko pa naman nagamit kaya mabango pa.

After more minutes, duumatong din ang deliver niyang drawer at ako na ang nagbuhat paakyat sa kanyang room. She's in the last floor of this building at hanggang fifth floor lamang ito.  We took the elavator of course para mas madali. 

Pagkabukas palang niya sa magiging kwarto niya ay agad ng naupo sa kama and she spread her arms while her eyes are closed. Napangiti ako. Maybe this is she wanted to live by herself. I see happiness on her face.

"Did you know that I am very happy today?" pagkatapos ay iyan ang tanong niya sa akin.                 

"I know, based on your face" sagot ko na ikinatuwa niya while she caressed her cheek. She giggled.

"This is all I want Aiden, to live alone, to have my own privacy, decisions and everything" she proclaimed, pero biglang nagbago ang masaya niyang mukha kumakailan lang. Nabahala ako. Why I got affected when she is sad? Ayaw ko siyang nakikitang malungkot. No! I don't like it.

I approached her and ask "Hey, what's wrong?" pinakatitigan ko ang kanyang maganda at maamong mukha. 

"I'm thinking about my Daddy. I left him" malungkot niyang saad.                                                             "So why you choose to separate with him and live alone?" sh*t! ito na ang pinakamabait kong boses in my whole life!

"Ka-kasi gusto ko. Para hindi ko na makikita ang kuya at ate ko" she pouted her lips. Holy mother f*cker! help me to contro not to ravish those lips! I cleared my throat.

"Getting wild in life?" pabiro kong tanong pero umiling siya.                                                                          "They hate me. Only my father who cared for me" madamdamin niyang sabi. I don't know who command me to hug her basta nakita ko nalang ang sarili ko na nakayakap sa kanya and it make me stiffened when she hugged me back! 

I help her to clean and design her room. Ang mga mabibigat na gawain ay ako na ang nag-ayos. I'm happy to help her.

LAX DORSEY

"What is the hell happening to Kapitan?" yan ang tanong sa kanyang sarili. Gulong-gulo ang isip nito. Kasali ba ito sa mission nila? Kasali kaya sa target ang babaeng kasama niya ngayon?

Well, hindi ko naman talaga sila sinundan, nagkataon lang na nakita ko sila. Nakapagtataka lang at nakakapanibago na babae ang kasama ni kapitan ngayon at hindi kami ni Rainer. Anong meron? I want more chismiss please!

At kailan ko pa nakita si Kapitan na panay ang ngiti? Di kaya he is courting that woman? Gosh! Di na rin masama , maganda ang babae. So mala diyosa pala ang type ni Kapitan huh?

Hayyst! Kahit pa nililigawan niya yan, I still need to follow them in case of emergency. Ang sabihin mo Lax, chismoso ka! 

Ano kaya ang ginagawa nila sa taas? At bakit sumama si Kapitan? Ang tagal naman ni Kapitan bumaba. Nakailang kape at sinabayan ko na din ng softdrinks at biscuit dito sa 7/11 pero hindi pa siya bumababa. Baka naman? Okay lang yun, he needs that as a man. 

Bigla akong nataranta at binabaan ko ang aking suot na sumbrero dahil hindi ko namalayan na nakababa na si Kapitan kasama ang babae kanina. Sh*t! Nakita ba niya ako? Tapos kana Lax!

Nagkunwari ako na busy sa aking phone para di ako mahalata la na't nakaharap na siya sa bandang gawi ko habang kinakausap padin ang babae. Holy sh*t!

What the?? He hug the girl at nakangiti pa ito! Oops! Iba na ito Kapitan! Siya na ba? I smiled sa isipin na nililigawan nga niya ang babae pero kailan pa? Ang misteryoso mo naman Capt? 

Maya-maya lang ay nakatanggap ako text message fro Capt.  What? Wa-wait from Capt!?                   

"I'm done. You can go home now before I will kill you Lax. F*ck you!" iyan lang naman ang message niya. Napatutop nalang ako ng aking bibig. 

Pagtingin ko sa gawi niya ay siyang pagwagayway niya ng kaniyang kamay. Dang! Napakamot nalang ako sa aking batok and no chooce but to smiled at him. Wala e! Nahuli na tayo. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status