Share

Ikalawang Kabanata

Author: Antar Bedouin
last update Last Updated: 2021-12-09 21:10:35

Thud!

Malakas ang lagabog ng nahulog na cellphone ni Anna.

Nabitiwan niya ito sa sobrang pagkabigla.

Kakakausap pa lang niya sa boyfriend na si Glenn.

Itinanong niya kung maaari silang magkita ngayon.

Ang nais niya ay dalawin ito sa bahay.

Alam kasi niyang kalalabas lang nito ng ospital dahil sa fracture sa paa nang maaksidente sa larong basketball.

Nalungkot pa siya nang sabihin nitong huwag muna dahil naroon at nagbabantay ang Mommy nito.

For odd reasons kasi ay tutol sa kanya ang parents ng boyfriend.

Hindi niya talaga mahagilap hanggang ngayon ang dahilan kung bakit hindi sila malayang magkita ng nobyo.

Mula kasi nang malaman ng parents nito na may ugnayan na sila ng binata ay pinaghigpitan na ang binata ng kanyang Mommy.

Si Anna man ay tahasan na ring itinaboy nito nang minsang dumalaw siya upang magkaayos.

Wala itong sinabing dahilan.

Basta na lamang siyang winarningan na sa oras na subukan pang muli na bumalik roon ay ipapadala na ang nobyo sa States para doon na mag-aral.

Maganda naman si Anna, ayon sa pagkakakilala sa sarili.

Tatlong magkakasunod na taon siyang itinanghal na muse noong high school.

Matalino rin siya at galing pa sa buena pamilya.

Haciendera ang kanyang mommy.

Napakalawak ng lupain nila sa Zambales. May export business sila na kasalukuyang mina-manage ng kanyang daddy.

Beauty and brain, idagdag pa ang yaman ng pamilya ay halos perpekto na siya.

Kay naman ay takang-taka sya kung bakit ayaw ng mga magulang ng lalaki sa kanya sa unang pagkikita pa lamang.

Isang principal ng exclusive Elementary School ang kanyang soon-to-be mother in-law. Ang Amerikano namang ama ng nobyo ay may sariling cafe business sa US.

May sinasabi rin ang pamilya nito, subalit mas mayaman pa rin naman ang pamilya Madera.

Naging magka-eskwela sila ng kanyang boyfriend first year college pa lamang sila. At the age of sixteen ay nahumaling na siya rito.

Mestisong gwapo kasi at napaka galante pa noong nanliligaw palang. Tuwang-tuwa siya noon lalo na sa tuwing nireregaluhan siya ng kung ano-anong mamahaling gamit sa tuwing sasapit ang kanilang monthsary.

Masaya silang magkasintahan kahit patago-tago lang palagi ang kanilang pagkikita.

Ayaw din kasi ng kanyang Mommy na makipagrelasyon muna siya dahil napakabata pa raw ng kaniyang edad.

Walang nakapigil sa mapusok na damdamin. Noong first year anniversary nila, at the age of seventeen years old ay nakuha na ng nobyo ang kanyang pagkababae.

Sumama kasi siya noon sa kanyang Daddy nang magka problema sila ng Mommy niya. Naging pagkakataon iyon upang magkasama sila ng nobyo dahil na rin sa basbas ng Daddy niya.

Nasundan pa iyon ng makailang ulit. Mabuti na lamang at maingat ang kanyang nobyo. Hindi siya nabubuntis na ayaw niya rin namang mangyari.

Wala siyang planong magkaanak sa murang edad. Alam niyang mahirap mag-alaga ng bata.

Isa pa ay hindi niya rin magagawa ang mga bagay na gusto nyang gawin tulad ng pagmomodelo. May nakilala kasi siyang recruiter ng isang teenage magazine. Nagandahan ito sa kanya at ninais na siya ay kunin na model.

Tuwang-tuwa siya noong ibinalita niya ito sa kanyang nobyo, ngunit nagulat siya sa naging reaksyon nito. Ayaw nito na mag model siya. Ang sabi niya ito ay masyado niyang ibinubuyangyang ang kanyang katawan sa harap ng maraming tao. Dahil sa pagmamahal sa kanyang nobyo at sinunod niya ito.

Kaya naman, umaasa siya na tutulungan siya nito ngayong siya naman ang nangangailangan. Ayaw niya nang umuwi sa kanyang Daddy.

Hindi niya matatanggap ng ma kasama niya sa iisang bahay ang babae na ipinalit nito sa kanyang Mommy.

Mula nang mamatay ang kanyang Mommy, pakiramdam niya ay masyadong malungkot ang buong mansyon. Napakalamig sa loob nito dahil sa bukod pag-iisa niya ay napapaligiran pa iyon ng mga alaala ng namatay na mommy.

Madalas ay sinusundot ang kaniyang konsensya ng hapdi sa lahat ng mga pagkakamaling nagawa niya sa kanyang Mommy. But this time, aalagaan niya ang memories nito.

Iyon ang dahilan kung bakit siya nagpunta rito sa subdivision kung nasaan ang bahay ng kanyang nobyo. Nasa labas lamang siya sa may gilid ng kalsada noong tawagan ang nobyo.

Ang balak niya ay isumbong rito ang kanyang sama ng loob. Inisip niyang kusa itong mag-aalok na patirahin siya roon dahil sa pagmamahal sa kanya.

She got money with her. Kung sakaling hindi mapakiusapang ang mommy ng nobyo ay aayain niya itong umupa na lamang ng apartment.

Bukod sa nalungkot siya na hindi sumang-ayon sa plano niya ang naging sagot ng nobyo ay nagulat siya ng bumukas ang gate ng two-storey duplex na bahay nito.

Palabas ang kotse ni Mrs. Endersen, pero nagulantang siya nang makitang si Glenn ang nagda-drive ng kotse at may babae itong kasama na nakaupo sa passenger seat.

Kilala niya iyon, si Julianne Martin. Tisay at ka-eskwela niya noong hayskul. Ito ang palaging second placer kapag may beauty contest siyang nasasalihan sa school.

Napansin niya ang byenan niyang hilaw na masayang kumakaway pa sa papalayong sasakyan. Ang istriktang ina ng nobyo ay hinayaan itong mag-drive sa ganung kalagayan at mukhang napakasaya nito sa naging bisita.

May selos na agad na umusbong sa puso ni Anna.

Out of impulse dahil sa patong-patong ang naging problema ay iniharap niya ang kanyang sariling katawan sa gitna ng kalsada. Mabuti na lamang at nakapag preno kaagad si Glenn. Kita niya ang pagkagulat sa mukha nito at ang pamumutla rin ng kasama.

Nilinga niya si Mrs. Endersen. Bagamat nagulat ito ay kaagad na tumikwas ang mga kilay nito na para bang sya pa ang kini-question kung ano ang ginagawa niya sa gitna ng kalsada.

“Ano bang ginagawa mo? Sabihin mo nga, tinu-two time mo ba ako, hayop ka?”, hindi nito napigilang pagsisisigaw sa nobyo. Sa galit ay hinampas pa niya ang hawak na bag sa kotse nito.

Lumabas si Glenn na nakabawi na sa pagkagulat at ngayon ay galit na galit ang mukha.

“Buwisit kang babae ka! Ano bang ginagawa mo? Gusto mo lang magpakamatay nandadamay ka pa. Sinabi ko naman sa iyong huwag kang pumunta dito, hindi ba? Ngayon magagalit ka diyan sa natuklasan mo!”

Nagulantang si Anna.

“Ang kapal naman ng mukha ng lalaking ito. Ikaw na nga ang nahuling nagloloko ay ikaw pa itong may ganang magalit.,” pagsisi-sigaw ni Anna.

Sumambulat ang lahat ng kinikimkim na sama ng loob ni Anna. Sinugod niya ang lalaki at pinagsasampal.

Dinig niya ang pagsisisigaw ng ina nito, ngunit wala na siyang pakialam dito.

“Ang anak ko, bitiwan mo!”

Ngunit hindi niya hinayaang makalayo ang lalaki. Sinabunutan niya ito, at sa sobrang galit ay pinag-uuntog sa hood ng kotse.

Hindi siguro inakala ng nobyo na kakayanin niyang manakit. Sophisticated and elegant kasi siya sa tuwing kasama niya si Glenn. Ngayon niya pa lang ipinakita rito na pwede rin siyang maging tigre kapag galit.

Kung kaya nagulantang ito at hindi na nakuhang lumaban o gumanti. Halos ay hindi niya na makita ang pagmumukha mo nito. Wala na rin siyang maaninag sa paligid.

Ang tanging nararamdaman na lang niya ay ang buhok na nasa mga palad niya at ang paghila sa kanya ng kung sino palayo sa katawan ng kanyang nobyo.

“Aaahhh! Shit kayong lahat!”

Naramdaman niya ang tila pagkawala ng lakas sa kanyang mga binti. Nahihilo siya at tila ba ay hinihila ng kung sino patungo sa kadiliman.

She’s losing her consciousness.

Kahit anong pigil ang gawin niya ay wala siyang nagawa. At tuluyan nang nagdilim ang kanyang paningin.

Tila ba ay nasa bangungot si Anna at hindi magawang magising. Sa isang iglap lang ay nawala sa kanya ang lahat.

Luhaan siyang binabagtas ang madilim nang kalye. Tahimik ang paligid at walang dumaraang sasakyan.

Kani-kanina lamang ay nakita niyang lumampas ang nagrorondang guwardiya mula sa subdivision.

Nagawa niya itong iwasan dahil siniguro niyang hindi siya nito makikita. Alam niyang ipa-pupulis siya ni Mrs. Endersen dahil sa ginawa niyang pananakit sa nobyo.

Naalimpungatan siya sa loob ng vacant room sa clubhouse ng residential  subdivision kanina. May naririnig siyang nag-uusap sa labas, or rather tumatawag ng pulis, at hindi niya iyon nagustuhan.

Kung kaya dali-dali siyang hinagilap ang mga gamit at tumalon sa bintana na hindi naman kataasan.

Nagtatatakbo siya. Iniwasan niya ang mga sasakyang nagdaraan na maaaring kakilala ni Mrs.Endersen at magsuplong sa kanya sa mga pulis.

Sa ginawa niyang eskandalo kanina, marahil ay kalat na ang balita, lalo pa nga at nakita niya ang mga guwardiyang mahigpit na nagmamasid sa paligid.

Sa kabutihang-palad ay nakalusot siya sa mga ito. At ngayon nga ay nasa kalagitnaan na siya ng malawak na lupaing sumasakop sa katabing residential subdivision.

May nakita siyang nakaupong dalawang lalaki na madadaanan niya. Napatigil siya at nagmanman na muna.

Mukhang nag-iinuman kasi ang mga ito sa tabi ng kalsada. Nagda-dalawang isip siya kung tutuloy ba o maghihintay na lang muna hanggang sa umalis ang mga lalaki.

Inisip niyang makabubuti na maghintay at magmasid muna siya. Hindi siya puwedeng magtiwala kahit kanino, lalo na at wala siyang makitang ibang tao sa paligid.

Habang nakasalampak sa kalsada sa dilim ay hindi maiwasan ni Anna na umiyak. Kusang tumulo ang mga luha niya sa mata nang maalala ang miserableng kinahantungan ng two years na relasyon nila ni Kenneth Glenn Endersen.

Sa kanyang pag-iyak ay nanumbalik ang galit. Wala na siyang nobyo.

At dahil ayaw na niyang bumalik sa piling ng daddy niya, kailangan niyang matutong mabuhay mag-isa.

Biglang may maingay na kung anu ang bumulong bulong sa tainga ni Anna. Napabalikwas siya ng tayo at ipinagpag ang sarili. Napakarami palang lamok sa lugar na iyon.

Hindi niya na matiis. Nagugutom na rin siya at sa wari niya ay wala pang balak umalis ng mga tambay na iyon.

“Bahala na! Kaya mo ito, Anna. Laban lang!”

Huminga muna siya ng malalim bago humakbang patungo sa direksiyon ng nag-iinumang tambay. Taas-noo siya at ang balak ay huwag pansinin ang dalawa, kung sakali mang magtangka ang mga ito na kausapin siya.

Subalit habang papalapit siya ay nakita niya ang mukha ng mga ito.

Ang isa ay malaking tao, mukhang suki sa gym dahil sa naglalakihang muscles nito. Pangkaraniwan ang mukha at may kaitiman ang balat.

Ang isa naman ay maputi, iyong saktong puti lang at hindi tisoy na tulad sa ngayon ay ex na niyang si Glenn. Hindi gaanong malaki ang muscles nito ngunit mukhang makisig rin dahil sa mga nagiigtingan nitong ugat sa kamay.

Mukhang mas matangkad ito kesa sa kainuman kahit pareho silang nakaupo. Mas malapad din ang balikat at d****b nito.

At wow! Napaka guwapo nitong tingnan habang tumatawa. Nangungusap ang mapupungay nitong mga mata. Napatitig siya rito.

May kung anong kumudlit sa puso ni Anna ng sandaling iyon. Ngayon pa lang siya naka-appreciate ng lalaking hindi tisoy. Iyon kasi ang standard niya ng guwapo.

Ngunit habang papalapit siya sa kinaroroonan ng walang kamalay-malay na estranghero ay lalo lang siyang naaakit rito.

“Mas guwapo pa siya kesa kay Glenn kung tutuusin.”

Hindi niya inaasahang masasabi iyon malakas, bagay na hindi nakaligtas sa pandinig ng dalawang nagiinumang tambay.

Kumabog sa matinding kaba ang d****b ni Anna. Natakot siya sa maaaring kahinatnan nang nagawa niya pagkakamali.

Ngunit tila ba ay wala siya sa sarili na tuloy pa rin ang paglakad palapit sa dalawa. Nahigit niya ang sariling hininga ng matitigan ng malapitan ang tambay na umakit sa atensiyon niya.

“My God! Mas gwapo siya sa malapitan. Makinis, neat-looking, at mukhang mabango! Wait, what?!”

Napahinto siya sa paglakad sa mismong tapat pa ng kinakikiligang lalaki. Nabigla kasi siya sa mga naiisip. Ito pa lamang ang unang pagkakataon na kinilig siya sa isang lalaki maliban kay Glenn.

Mula kasi ng maging boyfriend niya ito ay buong atensiyon niya ang itinuon lamang sa boyfriend lalo na ng malamang seloso ito. Kahit sa artistang lalaki ay hindi na rin siya naging interesado.

Sa madaling sabi ay umikot ang mundo niya sa palikerong ex niya.

Naramdaman niya muli ang pamilyar na galit sa ginawa nito. At isang ideya ang biglang pumasok sa nagugulumihanan niyang isip.

Gagantihan niya si Glenn. Ipapakita niya ritong hindi siya ang nawalan. Papatunayan niyang nagkamali ito sa ginawa nitong panloloko sa kanya.

Hindi niya alam kung saan siya humugot ng lakas ng loob o kapal ng mukha.

Ngumiti si Anna nang pagkatamis-tamis sa estrangherong gwapo na ngayon ay matamang nakatitig sa kanya.

“Mind if I join you, cutie pie?”

At nakuha niya pang kumindat na ikinagulat ng kaharap. Nagtitigan sila nang matagal bago nag-muwestra ang lalaking pumapayag ito. Umusog ito upang bigyan siya ng pwesto sa tabi nito.

Pagkaupo ay agad na nalanghap ni Anna ang perfume nito na hindi nagawang tabunan ng amoy ng alak.

She loved the oozing masculine aroma coming from the stranger's well-built physique.  And subconsciously, or not, she has the feeling this would be a long, steamy, and wonderful night!

Related chapters

  • The Lotto Winners are Ex-Lovers    Ikatlong Kabanata

    Napakalakas ng lagabog na nilikha ng bumagsak na repair tools. Ikinagulantang ito ng nasa pitong tao na nasa loob ng auto repair shop and carwash na iyon sa kanto ng E. Revertes Avenue.Si Janus Buergo ang may gawa niyon, ang may-ari ng hindi pa kilalang business establishment sa siyudad ng Manila.Sinadya niyang ibagsak ang mabigat na bakal na pinaglalagyan ng mga tools na ginagamit niya sa pagrerepair ng mga sirang sasakyan sa kanyang autoshop. Hindi niya kasi nagustuhan ang mga naririnig niya sa isang customer.Sinisigaw sigawan nito ang kanyang tauhan sa isang bagay na imposible namang madaliin lalo pa nga at may mga nauna ng mga customer.Napangisi siya nang makita ang mayabang na customer na nakatuwad sa basang sahig habang nakataklob ang dalawang kamay nito sa ulo. Marahil ay dahil iyon sa sobrang takot sa pag-aakalang may kung anong sumabog malapit sa kinatatayuan nito.Napangiti ng nakakaloko si Janus ngunit ikinubli niya ito upang hindi m

    Last Updated : 2021-12-15
  • The Lotto Winners are Ex-Lovers    Ikaapat na Kabanata

    “Ah, boss Jan, pwede ko po ba kayong makausap?” Si Remwel Pascual iyon, ang isa sa mga mekaniko ni Janus sa shop. Silang dalawa na lamang ang naiwan roon pagsapit ng alas-siyete ng gabi. Naghahanda na noon si Janus na magsara upang makauwi na. Lumapit ang mahiyain niyang tauhan bago pa niya mai-lock ang pinto ng kanyang opisina. “Hindi, Wel, sorry ha. Wrong timing ka. Nagmamadali kasi ako. May lakad ako ngayon.” Agad niyang nakita ang paglugmok ng mga balikat ng tauhan. Halatang nalungkot ito sa mga sinabi niya. Tinapik niya ito sa balikat. “Puwede bang mauna na ako sa iyo? Ikaw na magsara dito.” “Ah-eh, sige bossing. Ako nang bahala rito.” Inilahad nito ang mga palad upang makuha ang susi sa padlock ng pinto. Iniabot ito ni Janus kasabay ng isang puting sobre na may lamang isandaang-libong piso. Gulat na napamulagat ang tauhan. Ang kaninang malungkot na aura ay mababakasan na ngayon ng pag-asa. “Hindi mo na kai

    Last Updated : 2021-12-16
  • The Lotto Winners are Ex-Lovers    Ikalimang Kabanata

    Una niyang napansin ang mabangong amoy ng pambabaeng pabango. Amoy ng bulaklak ng patay. Literally, the lush and habit forming floral scent of kalachuchi with a hint of orchid and jasmine wafted in the air, at unang reaksiyon ni Janus ay kilabutan.Napatingala siya at nasilayan ang napaka among mukha ng isang anghel.“Kung ganito kagaganda ang mga ‘sundo’ ay wala ng lalaking matatakot mamatay”,sa isip-isip ng binata.Napahumindig siya sa pumasok na ideyang iyon sa isip niya. Kamatayan nga ba ang hatid ng babaeng ngayon ay nakangiti na ng kaakit-akit sa kanya,? Pero bakit tila may nabuhay na kung ano sa kanyang katawan at biglang nagkaroon ng sigla ang kanyang mga kalamnan.“Mind if I join you, cutie pie?”Nabigla si Janus sa boses ng babae. Matinis ito at parang labas sa ilong. The lady was forcing herself to sound and look sensual at hindi ito bumagay sa napaka among mukha.Kumunot ang noo n

    Last Updated : 2021-12-17
  • The Lotto Winners are Ex-Lovers    Ikaanim na Kabanata

    Naiwan pa ang kaakit-akit na amoy ni Anna sa kama. Sininghot ito ni Janus.Nakakahiya kapag may nakakita sa hitsura niya ngayon habang parang asong ina-amoy amoy ang kumot na ibinalot niya sa katawan ng magandang dilag na kaniig niya sa magdamag.Totoong amoy kalachuchi iyon. Pamilyar siya sa amoy ng nasabing bulaklak dahil sa lingu-linggo niyang pagdalaw sa puntod ng kanyang mga magulang sa Garden of Memories Pateros. Humahalimuyak ang amoy nito sa buong paligid lalo na kapag buwan ng Nobyembre kung kailan naman full bloom na ang mga bulakak.Janus found its scent intoxicatingly addictive. It reminds him of his departed loved ones.Kaya naman talagang nag enjoy siya kagabi. It was the best night he ever had! Halos nga ay hindi na niya bitawan ang babae.Si Anna Madera, as she introduced herself, ang pinakamabangong babaeng nakatabi niya sa pagtulog. At kahit wala na ito pagmulat niya ng mga mata kinaumagahan ay alam niyang hinding-hindi niya basta

    Last Updated : 2021-12-18
  • The Lotto Winners are Ex-Lovers    Ikapitong Kabanata

    “Si Anna iyon!”, sigaw ng puso at isip niya.Paano nga ba siya magkakamali samantalang nakatatak ang buong anyo nito sa kanyang diwa?!Bukod pa roon ay nakita niyang suot pa rin ng babae ang damit nito kahapon.Wait! Hindi pa siya nagpapalit? It has been hours since she left him asleep in his room. Mahaba na ang time na iyon to freshen up.He took his careful step towards Anna’s direction, wary of his overwhelming swarm of emotions na ngayon niya lang naramdaman sa tanang buhay niya. Para bang natatakot siyang magkamali sa paghakbang, thinking the girl would just disappear if he took a wrong move.Naka sideview ang babae at nakatingin sa kung saan. Her shopping bags fell down the tiled floor with a thump. At noon napansin ni Janus ang pagtulo ng luha sa mga mata ng dalaga.Agad ay nakaramdam siya ng pangamba. Binilisan na niya ang paglakad sa pinto at mapuntahan ang tila ay humihikbi ng dalaga. May ilan na ring shoppers ang

    Last Updated : 2021-12-18
  • The Lotto Winners are Ex-Lovers    Ikawalong Kabanata

    “Salamat naman at nakatulog na rin siya.”Malalim na napa buntung hininga si Janus. Kalalapag niya pa lamang sa dalaga sa ibabaw ng kama niya.Kinumutan niya ang ngayon ay naka fetus style na babae habang mahimbing na natutulog.“Napagod na rin siya sa kakaiyak. Kawawa naman. Sleep well, my dear! Andito lang ako. Aalagaan kita from now on!”Marahan niya itong dinampian ng halik sa noo. Malamig ang katawan ng babae kaya hininaan niya ang air-con.Walang ingay siyang lumabas ng kuwarto at bahagya lang na isinara ang pinto. Ayaw niya itong i-lock.Kapag kasi magising si Anna ay baka mag panic na naman ito. He wants to be there for her kapag nag-iiyak na naman ito.For now, bumaba siya sa kitchen. Magluluto siya ng rice at sausage para sa dalaga. Pihadong gutom ito paggising mamaya.Nagpakulo muna siya ng tubig para sa kape. Bigla kasi siyang nag-crave sa coffee na isa sa mga comfort foods/drinks niya.

    Last Updated : 2021-12-19
  • The Lotto Winners are Ex-Lovers    Ika-siyam na Kabanata

    It has been two weeks. Time has passed na hindi namalayan ni Anna.Nag-stay na siya sa apartment ni Janus after ng hysterical day niya. And boy, she enjoyed every minute of it! The man literally treated her like a queen.Everyday, he makes sure to make feel special, from serving her delicious breakfast in bed in the morning hangang sa relaxing massage nito sa gabi.He proposed to give her a lofty allowance for shopping which she gratefully accepted kahit pa nga may sarili naman siyang pera. Siya nho?! Malas kaya ang tumatanggi sa grasya!She spent most of her days kaka-shopping. Mostly ay personal abubots niya at kung anek-anek. She even purchased her own vanity table complete with branded make-up kits.Living in with him, marami siyang nakitang kakaiba pero kahanga-hangang habits and attitude ng binata.First ang pagka neat-freak nito. Laging naka-ready na linisin ang paligid. Ayaw nito ng kalat at alikabok, to the point na in just five day

    Last Updated : 2021-12-20
  • The Lotto Winners are Ex-Lovers    Ika-sampung Kabanata

    She thought she was dreaming pa rin. Nakikita niya sa balintataw si Janus habang abalang nagluluto sa kusina.It has been more than a month na mula ng magsama sila, but still, walang ipinagbabago ang binata. Palagi pa rin itong pinagsisilbihan siya. Ngayon nga ay guwapong-guwapo ito sa suot na pink apron na sinadyang bilihin ni Anna for him.Sa imagination niya lang iyon, dahil naririnig niya lang ang kalampag ng mga kagamitang panluto sa kitchen habang siya ay nakapamaluktot pa sa higaan kahit mag-a-alas-singko na ng madaling araw.Maagang bumabangon si Janus para maipagluto muna siya ng breakfast bago ito pumasok sa autoshop upang mag trabaho.Kinikilig na napatigilid si Anna mula sa pagkakahiga sa kama na muntik na niyang ikahulog. Tuluyan na siyang nagising ngunit hindi pa rin siya bumabangon.Any moment from now, alam niyang biglang bubukas ang pinto at papasok si Janus dala ang tray ng kanyang special breakfast in bed. Nakasanayan na niya ang

    Last Updated : 2021-12-21

Latest chapter

  • The Lotto Winners are Ex-Lovers    Kabanata Limampu't Anim

    “Janus!”“Anna!”Bakas ang pagkagulat sa kanilang mga mukha. Hindi nila akalaing magtatagpo silang muli sa isang pambihirang pagkakataon. Nakatunghay lamang at nagmamasid din ang mag-inang Madera. Sila man ay nabigla rin sa mga pangyayari.Wala sa sariling biglang nahimas ni Anna ang umbok ng kanyang tiyan. Hindi na niya maitatago ang pagdadalang-tao at itanggi man niya ay sigurado siyang malalaman din ni Janus ang totoo.“Let me explain.” Iyon na lamang ang nasabi niya.“No need. May tatawagan lang muna ako.” Nakaturo pa sa pintong sagot ni Janus. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan nito bago tumalikod. Mula sa pinto’y bumaling uli ito kay Anna. “I’ll just be right outside. Don’t you dare leave this room.”Ikinabigla ni Anna ang may pagbabanta na tono ng pananalita ni Janus. It stirred something familiar yet unwelcoming inside of her. Ganun pa ma’y tumango na lamang siya. Pagkalabas ni Janus ay napahigit siya ng hiningang pinipigilan niya kanina pa. “Sit down, Anna. Her

  • The Lotto Winners are Ex-Lovers    Kabanata Limamput Lima

    “Tita Myra, please!” Halos ay magmakaawa na si Anna sa madrasta.Nakahinga lang siya ng maluwag nang bahagya itong tumango. Tanda na hindi pa rin ito kumbinsido sa plano niyang itago ang pagbubuntis niya kay Janus, ngunit minabuting intindihin na lamang ang kanyang desisyon.Niyakap na niya ang ngayon ay itinuturing na niyang ina. “Thank you, Tita! I know it’s hard to understand, pero buo na ang desisyon ko. Magpapakita lang uli ako kay Janus pagkapanganak ko. I just wanted to make sure na malusog na bata ang lalabas sa sinapupunan ko.”“Alright, I promise. Hindi ko sasabihan si Janus. Now, stop crying. Baka makasama pa sa baby.” Pinunasan nito ang luhang walang tigil sa pagdaloy mula sa mga mata ni Anna.“I am glad that you are here with me, Tita Myra. Napakabuti mo sa akin, like a real mother, kahit pa hindi naging maganda ang pagtrato ko sa iyo before. I am so sorry! Nagkamali ako sa pagkilala ko sa inyo.”Napaiyak bigla ang kanyang madrasta dahil sa tuwa. At last, tuluyan na silang

  • The Lotto Winners are Ex-Lovers    Kabanata Limampu't Apat

    Anna stood idly by her brother’s hospital bed, looking totally flabbergasted to react. After a few seconds ay awtomatikong humawak sa kanyang tiyan ang dalawa niyang kamay. Napansin niya ang pagsunod ng paningin ni Janus at panlalaki ng mga mata nito nang makita ang umbok na iyon na hindi niya nagawang itago sa suot na jacket over her maternity dress. She’s nine months pregnant. She’s bound to give birth any moment now. May manaka-nakang cramping na siyang nararamdaman this past few days. Iyon ang bagay na sinusubukan niyang itago kay Janus. She got pregnant after their steamy one-night stand! Katulad nito ay hindi niya rin na-anticipate na mangyayari ang bagay na ito. They did it for one night, well to be precise, a day and a night without using protection. Nawala sa isip niya. That’s it! They missed each other so much that they care less for such a menial thing called ‘condom’.

  • The Lotto Winners are Ex-Lovers    Kabanata Limamput Tatlo

    Almost 200M pesos ang napanalunan ni Janus sa grand lotto. Tamang-tama iyon para sa plinaplano niyang resort-hotel na ipapatayo niya doon banda sa Norte.Noong unang linggo matapos nang masinsinan nilang kasunduan ni Anna, bumalik siya ng Davao City para sunduin ang madrasta at nakababatang kapatid ni Anna.He feel it in his heart na responsibilidad na niya ang mag-ina buhat nang mamatay si Mr. Madera. Sila na ang itinuturing niyang pamilya.Nagtungo siya roon bitbit ang magandang balita tungkol sa pagkapanalo ng lotto number combination na parang naiwang pamana ng tatay ni Anna.Nais niya ring balikatin ang mga bayarin sa dating kaso ng padre de pamilya sa mga pinagkakautangan nito.Bagamat nabigong maabutan ang mag-ina ay laking tuwa niya ng tumawag si Mrs. Madera.Masayang-masaya ito sa pagkapanalo nila ni Anna. At higit siyang napanatag dahil sinundo pala ito ni Anna.Magkakasama na silang t

  • The Lotto Winners are Ex-Lovers    Kabanata Limamput Dalawa

    Napakadali para kay Janus na ipakita at iparamdam kay Anna kung gaano niya ito kamahal. He doesn’t shy away kahit pa magmukha siyang t*ng* at katawa-tawa sa mata ng ibang tao.Holding her in his tight and warm embrace while confessing how much he loves her sa kabila ng lahat ng ginawa niyang pasakit rito, Anna could only held her breath in.Pakiramdam niya ay hindi siya karapat-dapat sa pagmamahal na iyon. Hindi niya mapilit ang sariling paniwalaan na magiging maayos para sa kanila ang lahat.Not with her. Janus deserves better.May tumikhim sa kanilang likuran at namula ang mga pisngi ni Anna sa hiya ng makita ang ilang empleyado ng PCSO na nakamasid sa kanila. Nagpumilit siyang kumawala kay Janus.“Ready na ang prize mo, Ms. Madera. Care to follow me sa opisina ko?!” Pormal ang pagkakasabing iyon ni Mr. Falsario kaya naman walang imik na sumunod si Anna rito.She could feel Janus’ burning stares behind

  • The Lotto Winners are Ex-Lovers    Kabanata Limamput Isa

    “What? I’ve won?” Gulantang na sigaw ni Anna habang hawak sa kabilang kamay ang tiket ng lotto at sa kabila ay ang cellphone niya kung saan naka-display sa screen ang lotto number combination na nanalo ng grand prize noong isang araw.Palipat-lipat ang tingin niya at hindi makapaniwala sa nakikita. Hindi niya ito inakala!That day na iniwan niya si Janus sa kanyang apartment sa bayan ng Magdalena ay sobrang desperado niyang makaalis at magpakalayo-layo. During her departure ay naalala niya ang huling habilin ng kanyang amang namayapa na tayaan ang lotto numbers sa sulat nito.It was just her being a righteous daughter for once, obligingly fulfilling her father’s death wish. Ni sa hinagap ay hindi niya inakalang tatama siya sa lotto.She have forgotten about it completely the moment na itinago niya ito sa kanyang wallet. Kanina na lang niya uli ito napansin nang naglilinis siya ng mga kalat sa kanyang bag

  • The Lotto Winners are Ex-Lovers    Kabanata Limampu

    “But we can’t. Kahit pa magkunwari tayo, o kahit subukan pa nating ibaon sa limot ang lahat, hindi natin maitatanggi ang mga pagkakamali. Hindi natin matatalikuran ang nakaraan, Janus.”“But we can still choose to be together.”“No. Wala nang future para sa atin. We can’t be happy the way we were, Janus. I am now broken, wretched, and my life is a mess. Hindi na ako ang babaeng una mong nakilala.” Umiiyak na pag-amin ni Anna.Tumayo siya at lumakad na palayo. Agad na sumunod sa kanya si Janus.“Nothing happened, Anna. I was there. Mula nang mamatay ang daddy mo, nasa tabi mo na ako. Hindi lang ako nagpapakita dahil nahihiya ako. I was wrong to let you go. At nagsisisi akong ipinaramdam ko sa iyo na sinisisi kita. It wasn’t in my intention at all,” humihingal si Janus sa pagpapaliwanag sa ngayon ay yakap na niyang si Anna, “nandoon ako nang pagtangkaan ka ni

  • The Lotto Winners are Ex-Lovers    Kabanata Apatnaput Siyam

    They missed each other so much!Halos ay mapugto na ang mga hininga nila sa hindi matapos-tapos na halikan.Everything else matters no more.Maghapon at buong magdamag nilang muling ipinadama ang pagmamahal sa isa’t-isa.Nagising si Anna sa init ng araw na tumatama sa kanyang balat sa bandang balikat. Tumatagos ang sinag mula sa salaming bintana na hindi niya namalayang nakabukas ang kurtina kagabi.‘Oh my God! Somebody might have seen us with that open view.’ Namumula ang mukha niyang bulong sa sarili.Napatakip siya ng kumot at binalot ang sarili. Sa tabi niya ay ang himbing pa ring si Janus.‘Ah, mabuti na lang pala at hindi namin nabuksan ang ilaw.’Bahagyang napangiti si Anna nang maalala ang mainit na pinagsaluhan nila ni Janus. Kahit noong nagsasama pa sila ay hindi nila nagawa ang mga bagay na nagawa nila kagabi.Iba’t ibang posisyon. Walang tigil na

  • The Lotto Winners are Ex-Lovers    Kabanata Apatnaput Walo

    Natulala si Anna.‘How did this happen? Lumayo na ako para hindi na muling makita si Janus, but why is Tita Myra telling me casually na si Janus ang nagligtas sa akin kagabi?’Gulong gulo ang isip ni Anna. Mas may takot siyang nararamdaman ngayon kesa sa pangamba niya nang magbago ng pakikiharap sa kanya si Jerome.No. Not yet. Hindi pa siya handa na makaharap ito. Wala siyang mukhang maihaharap sa lalaking nagmahal ng lubos sa kanya ngunit nagawa niyang talikuran dahil lamang sa maliit na tampuhan.At nadisgrasya siya dahil sa maling desisyon na iyon sa kanyang buhay. Nakulong siya nang walang kalaban-laban.Now, kung kailan niya inakalang magiging maayos na uli siya ay sa ganitong sitwasyon pa siya makikitang muli ni Janus. At lalo lang siyang napapahiya sa sarili dahil nagawa niyang isiping pwede niyang matutunang mahalin si Jerome.Ang lalaking iyon! Napakagaling umarte! Sa isip ni Anna ay nai-imagine niyang sin

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status