Eighteen year old kolehiyala Anna Eleonora Azores-Madera left home dahil sa pagrerebelde sa ama at sa sobrang galit sa two-timer na nobyo. She met Janus Buergo, a compassionate autho shop owner, and cohabitate with him. Nang mamatay ang kambal na bagong silang niya ay naghiwalay sila. Nagkita silang muli after five long years and won simultaneously sa grand lotto. Sign ba ito ng tadhana na sila ang itinakda para sa isat-isa? Or badya ng panganib at magdudulot ng trahedya sa kanilang mga buhay?
Lihat lebih banyakPrologue
“Pilipinas, Grand Million Combination ang unang bibida sa pagpapapremyo. Tonight’s jackpot price is three hundred seventy six million, two hundred seven thousand, and one hundred fifty-five pesos, net of the agent’s price commission. Sige, sir! Please press that button and let’s play Grand Lotto Six Fifty-five!”
Umaalingawngaw sa malamig na kwarto ang pormal ngunit masiglang boses ng announcer sa TV.
Itinaas ni Janus ang basong may lamang emperador palapit sa labi nya.
Mistula ba ay biglang natuyuan siya ng laway sa sobrang nerbyos na nararamdaman niya, habang nakatutok sa telebisyon ng kanyang nanlalaking mga mata.
Isang mabilisang higop at lunok ang ginawa niya bago muling ibinaba ang baso sa lamesa sa harapan.
Maingat niyang hinawakan ang papel na pinagsulatan niya ng kombinasyon ng numerong tinayaan niya sa lotto. Ramdam niya ang panginginig ng kanyang mga kalamnan, hindi dahil sa lamig na dulot ng aircon, kundi sa excitement na bumabalot sa buo niyang pagkatao.
Kaninang umaga ay tumaya siya sa lotto gaya ng araw-araw na niyang ginagawa mula ng maghiwalay sila ni Anna.
Ang babae kasi ay minsang nagalit ng malamang tumataya siya sa lotto. Ayaw na ayaw nito na magsusugal siya.
Naintindihan naman niya ang babae noon.
Malalim ang pinaghuhugutan ni Anna ng galit sa sugal kahit pa nga ikinatwiran ni Janus na legal naman ang lotto. Pero para wala na lang silang pagtalunan ay sumunod siya sa kahilingan nito.
Subalit ng magkahiwalay sila at malaman ang mabigat na problemang pinagdadaanan ng ama nito ay lotto na lang ang pinanghawakan ni Janus na pag asa upang makatulong.
At heto nga.
Umiikot-ikot na ang mga dilaw na bola na may nakatatak na numero sa loob ng draw machine. Alam niyang nagsasalita pa rin ang announcer sa TV, subalit wala na siyang naririnig.
Nakatitig na lamang siya at inaabangan ang paglabas ng mga bolang babago sa takbo ng buhay niya.
Napahigit siya ng hininga ng lumitaw ang unang numero.
Number 19.
“Yes,meron ako nyan!”, sa isip-isip niya.
Second number 27.
Nanganatog ang tuhod na napahawak ng mahigpit si Janus sa papel. Pinakalma niya ang sarili upang hindi ito mapunit.
Biglang lumitaw ang third number na 21.
“Meron din ako nyan!”, sa isip-isip ni John. Napalunok siya ng sunod-sunod ng lumabas ang ika apat na numero.
Number 25.
“Meron din!”
At napatayo pang biglang sigaw niya. Kung pwede lang sana ay papatigilin niya muna ang oras.
Hihinga muna siya ng kaunti dahil parang sumikip bigla ang kanyang d****b.
Technically, pwede naman. May replay button naman ang Smart TV niya. Pero hindi niya na nagawa dahil lumitaw na agad ang kasunod na numero.
Number 16.
Napalundag ng hindi sinasadya si Janus, dahilan upang mabangga ang center table at matapon ang alak mula sa natumbang baso.
Tumulo ang maitim na likido sa puting carpet at pihadong magma mantsya iyon kapag hinayaan niyang matuyo.
Ngunit sa wari ay nawala na sa sarili ang binata. Nakatayo na lamang siya ng parang tuod. Nakatitig sa TV kung saan ay naka flash ang huling numero.
Number 33.
Iyon ang kumumpleto sa set ng jackpot lotto numbers para sa araw na iyon.
Panalo siya!
Confirmed!
Nanalo nga talaga siya!
Hindi kapani-paniwala ngunit nag-flash sa screen na may dalawang lucky winners para sa araw na ito. May kahati siya. Okay na rin dahil napakalaki na ng mahigit sa isandaang milyong makukuha niyang kahati sa jackpot win.
Matutupad na ang lahat ng mga pangarap niya!
Napatawa't iyak na lang siya sa sobrang tuwa!
Pagkaraan ng tatlong araw nang mabusising pagpaplano sa mga dapat niyang gawin sa perang mapapanalunan ay maagang bumangon si Janus.
Naghanda siya ng almusal habang masayang pumipito-pito ng paborito niyang kanta. Pagkatapos kumain ay naligo na siya at nagbihis. Habang tinitingnan ang kanyang sarili sa salamin ay hindi niya mapigilang mapangiti.
“Parang napaka gwapo mo naman ngayon, Mr. Janus Buergo.”
Palatak niya.
“Milyonaryo ka na kasi!”
Para siyang timang na kinakausap ang sarili.
Nagpalipas pa siya ng ilang minuto ng pagpapa ikot ikot. Sinisigurado niyang kumpleto ang dokumentong dadalhin niya.
Inihanda na niya ang lahat ng inaasahan at maaaring gamiting mga papeles na maaaring hilingin sa kanya sa opisina ng PCSO bilang katunayan ng kanyang pagkakakilanlan.
Maingat niyang itinabi sa bulsa ng body bag ang lotto ticket. Naroon na rin ang mga ID, ang kanyang passport, at pati birth certificate at kung anu-ano pang mga papel. Mas mabuti nang sigurado. May mai papakita kaagad siya kung saka-sakali man.
Isinukbit na niya ang body bag ng kanyang mga gamit at kinuha ang susi ng kotse mula sa drawer.
Pagsakay niya ng kanyang kotse ay binuksan niya muna ang radyo. Hindi siya music lover. Katunayan ay ayaw niya ng maingay. Pero sa espesyal na araw tulad ngayon ay nasa mood siya na magpatugtog ng mga kanta habang nagbabyahe.
Wala pang traffic sa kalsada dahil alas-kuwatro pa lamang na madaling araw. Madalang pa ang mga nakakasabayan niyang biyahero. Sigurado naman siyang maya-maya lamang ay magsisimula nang kumapal ang mga sasakyan at pihadong bibigat na ang daloy ng trapiko.
Ganun pa man ay hindi siya nag-aalala. Aabot siya ng maaga sa opisina ng PCSO sa Mandaluyong. Doon na lamang siya mag aabang ng pagbubukas nito.
Alas-otso impunto ay nakita niyang ibinaligtad na ang signage sa glass door ng opisina mula sa closed to open.
Humigit muna ng malalim na hininga si Janus mula sa pagkakaupo niya sa loob ng kanyang kotse. Naka-park siya sa McDo sa kabilang kalsada. Mula roon sa kinaroroonan niya ay tanaw niya ng maigi ang katapat na building kung nasaan naroon ang opisina ng PCSO.
Tinanggal na niya ang seatbelt at inayos ang suot na polo shirt bago bumaba. Nakasukbit ang kanyang body bag sa kanyang balikat at hinigpitan ang pagkakahawak rito paglabas ng sasakyan.
Tumingin tingin siya sa paligid bago tumawid. Mula pa ng dumating siya ay pinagmamasdan na niya ang mga taong nasa paligid niya.
“Mabuti na rin ang nag-iingat.”, wika niya sa kanyang sarili.
Diretso siya sa tapat ng dalawang gwardya na nakatayo sa labas ng pinto.
Pinigilan niya ang kanyang sariling ngumiti. Nais niya magpaka pormal. Ayaw niya magpakita na sobrang excited na siya.
Tumitig muna ng mataman ang mga gwardya bago tumango. Wari ba ay alam na nila ang dahilan ng pagpunta niya roon sa opisina. Bahagyang yuko at simpleng ngiti lang ang ibinigay niya sa mga ito. Gayundin naman ang naging reaksiyon ng dalawa na halatang propesyonal sa kanilang trabaho.
“Sir, check lang po namin ang bag ninyo, protocol lang po, sir!”
“Sure, of course, I understand.”, at ibinaba niya ang bag upang masusing ma inspeksyon ng mga gwardiya.
Matapos nito ay bahagya siyang kinapkapan na mahinahon naman niyang pinaunlakan. Iyon lang at pinatuloy na ng mga guwardiya si Janus.
Ipinagbukas pa siya ng pinto ng isa samantalang ang isa naman ay sinamahan naman siyang pumasok sa loob. Dumiretso sila sa isang silid na may sign na conference room.
Walang tao sa loob ng pumasok sila, subalit paglingon ni Janus ay may dalawang empleyado na napapalapit.
Nagtanguan lang ang mga empleyado at gwardiya saka ito umalis.
Isang babae at isang lalaki na mga mukhang matataas na opisyal sa opisinang iyon ang kaharap niya.
“Upo po kayo, sir. Would you like some refreshments?”
“Cold bottled water will do, thank you!”
Tumalikod na ang babaeng nag aassist upang kumuha ng inumin para sa kanya.
“Good morning, sir. My name is Luisito Falsario, General Manager ng Philippine Charity Sweepstakes Office. Congratulations on your winning!”
“Thank you!”
“May I see the ticket, please. We need it verified for authenticity. I hope you would not mind.”
“Sure, it’s here!”
Iniabot ni Janus ang pirmado at maayos na nakatagong lotto ticket. Maingat itong tinanggap ng opisyal at matamang tiningnan.
“Maiwan ko muna kayo dito, sir, ah-Mister?”
“Janus Buergo, Mr. Falsario.”
“Nice to meet your, Mr. Buergo. Here is Mrs. Felicidad Reyna, our Assistant General Manager. She will assist you and give explanation on the claim proceedural process.”
Pagkaalis ng manager ay nagusap na ng masinsinan si Janus at ang kaharap.
Ipinapaliwanag nito ang proseso ng sweepstakes, kung paano makukuha ang pera, at iba pang detalye. Mahabang oras ang ginugol nila sa paguusap.
Hindi naman naiinip ang binata bagkus ay naaaliw pa. Masaya kasing kausap si Mrs. Reyna. Sa edad nito 52 ay masigla at pala kuwento ito.
Magtatanghalian na ng matapos ang proseso at iniabot na kay Janus ang tsekeng naglalaman ng kulang sa Dalawang Daang Milyong Peso!
Sinabi niyang gusto niyang balatuhan ang mga tao sa opisinang iyon ngunit tinanggihan siya. Sinabi nilang bawal tumanggap ng anumang uri ng pera man o kahit ano mula sa winner ng lotto.
Masaya pa silang nagtatawanan habang papalabas.
Tiningnan ni Janus ang masasayang mukha ng mga nagta trabaho roon. Bihira sa isang opisina ng gobyerno ang makakita siya ng ganito kasayang atmospera. Wari ay kontento ang lahat na gawin ang kani kanilang trabaho.
Napatingin naman siya sa pinto nang bumukas iyon. Papasok ang guwardyang naghatid sa kanya kanina. Kasunod nito ang magandang babaeng pamilyar nang husto sa kanya.
Napatulala si Janus.
Napatingin din ang babae sa kanya at agad din siyang nakita. Katulad ni Janus ay napatulala rin ito.
Bakas ang pagkabigla sa maamong mukha. Hindi maaaring magkamali si Janus.
Iisang babae lamang ang kilala niyang nag mamay-ari ng pinakamagandang pares ng mata sa buong daigdig.
Walang iba kundi si Anna Eleonora Azures-Madera. Ito ang babaeng dahilan ng kanyang kaligayahan at kalungkutan.
Dahil sa babaeng ito, nagkakulay ang dati niyang malamlam na mundo.
Si Anna, ang kanyang TOTGA, ang hinahanap-hanap niyang ex-lover!
Sila ang dalawang maswerteng nanalo sa Grand Jackpot!
“Janus!”“Anna!”Bakas ang pagkagulat sa kanilang mga mukha. Hindi nila akalaing magtatagpo silang muli sa isang pambihirang pagkakataon. Nakatunghay lamang at nagmamasid din ang mag-inang Madera. Sila man ay nabigla rin sa mga pangyayari.Wala sa sariling biglang nahimas ni Anna ang umbok ng kanyang tiyan. Hindi na niya maitatago ang pagdadalang-tao at itanggi man niya ay sigurado siyang malalaman din ni Janus ang totoo.“Let me explain.” Iyon na lamang ang nasabi niya.“No need. May tatawagan lang muna ako.” Nakaturo pa sa pintong sagot ni Janus. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan nito bago tumalikod. Mula sa pinto’y bumaling uli ito kay Anna. “I’ll just be right outside. Don’t you dare leave this room.”Ikinabigla ni Anna ang may pagbabanta na tono ng pananalita ni Janus. It stirred something familiar yet unwelcoming inside of her. Ganun pa ma’y tumango na lamang siya. Pagkalabas ni Janus ay napahigit siya ng hiningang pinipigilan niya kanina pa. “Sit down, Anna. Her
“Tita Myra, please!” Halos ay magmakaawa na si Anna sa madrasta.Nakahinga lang siya ng maluwag nang bahagya itong tumango. Tanda na hindi pa rin ito kumbinsido sa plano niyang itago ang pagbubuntis niya kay Janus, ngunit minabuting intindihin na lamang ang kanyang desisyon.Niyakap na niya ang ngayon ay itinuturing na niyang ina. “Thank you, Tita! I know it’s hard to understand, pero buo na ang desisyon ko. Magpapakita lang uli ako kay Janus pagkapanganak ko. I just wanted to make sure na malusog na bata ang lalabas sa sinapupunan ko.”“Alright, I promise. Hindi ko sasabihan si Janus. Now, stop crying. Baka makasama pa sa baby.” Pinunasan nito ang luhang walang tigil sa pagdaloy mula sa mga mata ni Anna.“I am glad that you are here with me, Tita Myra. Napakabuti mo sa akin, like a real mother, kahit pa hindi naging maganda ang pagtrato ko sa iyo before. I am so sorry! Nagkamali ako sa pagkilala ko sa inyo.”Napaiyak bigla ang kanyang madrasta dahil sa tuwa. At last, tuluyan na silang
Anna stood idly by her brother’s hospital bed, looking totally flabbergasted to react. After a few seconds ay awtomatikong humawak sa kanyang tiyan ang dalawa niyang kamay. Napansin niya ang pagsunod ng paningin ni Janus at panlalaki ng mga mata nito nang makita ang umbok na iyon na hindi niya nagawang itago sa suot na jacket over her maternity dress. She’s nine months pregnant. She’s bound to give birth any moment now. May manaka-nakang cramping na siyang nararamdaman this past few days. Iyon ang bagay na sinusubukan niyang itago kay Janus. She got pregnant after their steamy one-night stand! Katulad nito ay hindi niya rin na-anticipate na mangyayari ang bagay na ito. They did it for one night, well to be precise, a day and a night without using protection. Nawala sa isip niya. That’s it! They missed each other so much that they care less for such a menial thing called ‘condom’.
Almost 200M pesos ang napanalunan ni Janus sa grand lotto. Tamang-tama iyon para sa plinaplano niyang resort-hotel na ipapatayo niya doon banda sa Norte.Noong unang linggo matapos nang masinsinan nilang kasunduan ni Anna, bumalik siya ng Davao City para sunduin ang madrasta at nakababatang kapatid ni Anna.He feel it in his heart na responsibilidad na niya ang mag-ina buhat nang mamatay si Mr. Madera. Sila na ang itinuturing niyang pamilya.Nagtungo siya roon bitbit ang magandang balita tungkol sa pagkapanalo ng lotto number combination na parang naiwang pamana ng tatay ni Anna.Nais niya ring balikatin ang mga bayarin sa dating kaso ng padre de pamilya sa mga pinagkakautangan nito.Bagamat nabigong maabutan ang mag-ina ay laking tuwa niya ng tumawag si Mrs. Madera.Masayang-masaya ito sa pagkapanalo nila ni Anna. At higit siyang napanatag dahil sinundo pala ito ni Anna.Magkakasama na silang t
Napakadali para kay Janus na ipakita at iparamdam kay Anna kung gaano niya ito kamahal. He doesn’t shy away kahit pa magmukha siyang t*ng* at katawa-tawa sa mata ng ibang tao.Holding her in his tight and warm embrace while confessing how much he loves her sa kabila ng lahat ng ginawa niyang pasakit rito, Anna could only held her breath in.Pakiramdam niya ay hindi siya karapat-dapat sa pagmamahal na iyon. Hindi niya mapilit ang sariling paniwalaan na magiging maayos para sa kanila ang lahat.Not with her. Janus deserves better.May tumikhim sa kanilang likuran at namula ang mga pisngi ni Anna sa hiya ng makita ang ilang empleyado ng PCSO na nakamasid sa kanila. Nagpumilit siyang kumawala kay Janus.“Ready na ang prize mo, Ms. Madera. Care to follow me sa opisina ko?!” Pormal ang pagkakasabing iyon ni Mr. Falsario kaya naman walang imik na sumunod si Anna rito.She could feel Janus’ burning stares behind
“What? I’ve won?” Gulantang na sigaw ni Anna habang hawak sa kabilang kamay ang tiket ng lotto at sa kabila ay ang cellphone niya kung saan naka-display sa screen ang lotto number combination na nanalo ng grand prize noong isang araw.Palipat-lipat ang tingin niya at hindi makapaniwala sa nakikita. Hindi niya ito inakala!That day na iniwan niya si Janus sa kanyang apartment sa bayan ng Magdalena ay sobrang desperado niyang makaalis at magpakalayo-layo. During her departure ay naalala niya ang huling habilin ng kanyang amang namayapa na tayaan ang lotto numbers sa sulat nito.It was just her being a righteous daughter for once, obligingly fulfilling her father’s death wish. Ni sa hinagap ay hindi niya inakalang tatama siya sa lotto.She have forgotten about it completely the moment na itinago niya ito sa kanyang wallet. Kanina na lang niya uli ito napansin nang naglilinis siya ng mga kalat sa kanyang bag
“But we can’t. Kahit pa magkunwari tayo, o kahit subukan pa nating ibaon sa limot ang lahat, hindi natin maitatanggi ang mga pagkakamali. Hindi natin matatalikuran ang nakaraan, Janus.”“But we can still choose to be together.”“No. Wala nang future para sa atin. We can’t be happy the way we were, Janus. I am now broken, wretched, and my life is a mess. Hindi na ako ang babaeng una mong nakilala.” Umiiyak na pag-amin ni Anna.Tumayo siya at lumakad na palayo. Agad na sumunod sa kanya si Janus.“Nothing happened, Anna. I was there. Mula nang mamatay ang daddy mo, nasa tabi mo na ako. Hindi lang ako nagpapakita dahil nahihiya ako. I was wrong to let you go. At nagsisisi akong ipinaramdam ko sa iyo na sinisisi kita. It wasn’t in my intention at all,” humihingal si Janus sa pagpapaliwanag sa ngayon ay yakap na niyang si Anna, “nandoon ako nang pagtangkaan ka ni
They missed each other so much!Halos ay mapugto na ang mga hininga nila sa hindi matapos-tapos na halikan.Everything else matters no more.Maghapon at buong magdamag nilang muling ipinadama ang pagmamahal sa isa’t-isa.Nagising si Anna sa init ng araw na tumatama sa kanyang balat sa bandang balikat. Tumatagos ang sinag mula sa salaming bintana na hindi niya namalayang nakabukas ang kurtina kagabi.‘Oh my God! Somebody might have seen us with that open view.’ Namumula ang mukha niyang bulong sa sarili.Napatakip siya ng kumot at binalot ang sarili. Sa tabi niya ay ang himbing pa ring si Janus.‘Ah, mabuti na lang pala at hindi namin nabuksan ang ilaw.’Bahagyang napangiti si Anna nang maalala ang mainit na pinagsaluhan nila ni Janus. Kahit noong nagsasama pa sila ay hindi nila nagawa ang mga bagay na nagawa nila kagabi.Iba’t ibang posisyon. Walang tigil na
Natulala si Anna.‘How did this happen? Lumayo na ako para hindi na muling makita si Janus, but why is Tita Myra telling me casually na si Janus ang nagligtas sa akin kagabi?’Gulong gulo ang isip ni Anna. Mas may takot siyang nararamdaman ngayon kesa sa pangamba niya nang magbago ng pakikiharap sa kanya si Jerome.No. Not yet. Hindi pa siya handa na makaharap ito. Wala siyang mukhang maihaharap sa lalaking nagmahal ng lubos sa kanya ngunit nagawa niyang talikuran dahil lamang sa maliit na tampuhan.At nadisgrasya siya dahil sa maling desisyon na iyon sa kanyang buhay. Nakulong siya nang walang kalaban-laban.Now, kung kailan niya inakalang magiging maayos na uli siya ay sa ganitong sitwasyon pa siya makikitang muli ni Janus. At lalo lang siyang napapahiya sa sarili dahil nagawa niyang isiping pwede niyang matutunang mahalin si Jerome.Ang lalaking iyon! Napakagaling umarte! Sa isip ni Anna ay nai-imagine niyang sin
Komen