“Ah, boss Jan, pwede ko po ba kayong makausap?”
Si Remwel Pascual iyon, ang isa sa mga mekaniko ni Janus sa shop. Silang dalawa na lamang ang naiwan roon pagsapit ng alas-siyete ng gabi.
Naghahanda na noon si Janus na magsara upang makauwi na. Lumapit ang mahiyain niyang tauhan bago pa niya mai-lock ang pinto ng kanyang opisina.
“Hindi, Wel, sorry ha. Wrong timing ka. Nagmamadali kasi ako. May lakad ako ngayon.”
Agad niyang nakita ang paglugmok ng mga balikat ng tauhan. Halatang nalungkot ito sa mga sinabi niya. Tinapik niya ito sa balikat.
“Puwede bang mauna na ako sa iyo? Ikaw na magsara dito.”
“Ah-eh, sige bossing. Ako nang bahala rito.”
Inilahad nito ang mga palad upang makuha ang susi sa padlock ng pinto. Iniabot ito ni Janus kasabay ng isang puting sobre na may lamang isandaang-libong piso.
Gulat na napamulagat ang tauhan. Ang kaninang malungkot na aura ay mababakasan na ngayon ng pag-asa.
“Hindi mo na kailangan magkwento sa akin. Nanggaling kanina ang bunso mong kapatid dito hindi ba? Narinig ko ang pinag-usapan ninyo kaya alam ko na ang tungkol sa problema mo. Basta bukas pumasok ka ng maaga at ikaw ang magbubukas ng shop ha.”
Mangiyak-ngiyak na tumango-tango si Remwel. Naantig siya sa ginawa ng amo.
Mag-iisang taon pa lamang siya sa pagtatrabaho sa shop ni Janus. Bago pa lang kung tutuusin pero nakita na niya agad ang kabutihan sa puso ng kanyang bossing.
“Sa-maraming salamat po, bossing. Hindi ko alam kung paano kayo mapapasalamatan.”
“Huwag mong isipin iyon. Ang mahalaga mapaopera mo na kaagad ang nanay mo. Sabihan mo na lang ako kapag kulang pa.”
“Naku, talagang hulog po kau ng langit. Hindi ko inaasahan ito. At ang bayad ko po, paano po kaya?”
“Hay naku, saka na natin pag-usapan at gusto ko nang makaalis. Gagabihin na ako.”
Sinadya ni Janus na lakipan ng pagka-irita ang tono ng boses niya. Alam niya kasing mapapahaba lang ang pasalamatan nila ng tauhan kung hindi pa siya magpakitang nagmamadali.
Agad naman itong na pick-up ni Remwel kung kaya’t ibinulsa na nito ang sobre at nagtungo na sa may bukana ng shop upang mag-lock.
Pinadaan muna niya ang bossing niya bago ibinaba ang aluminum door.
“Ingat kayo, bossing.”
“Salamat.”
Dinig ni Janus ang maingay na pagsasara ni Remwel sa steel door. Mabilis na siyang naglakad upang makalayo.
Sa totoo lang, ang problemang pampamilya ang isa sa pinakamaselang usapan para kay Janus. Tumutulo talaga ang luha niya kapag nakakarinig ng mga kuwentong pampamilya.
Iyon ang dahilan ng pagmamadali niya. Ayaw niyang ipakita sa tauhan ang napakalambot na bahagi ng pagkatao niya.
Totoong matulungin siya. Noon pa man ay iyon na ang isa sa mga katangian niya na tumatatak sa bawat taong nakakasalamuha niya.
Ngunit ayaw rin naman niyang maabuso. Hindi naman maitatanggi na may mga taong halang ang kaluluwa na tinulungan mo na ay sasamantalahin pa ang kabaitan mo.
Naranasan na niya iyon noong naghirap sila ng ama dahil sa sakit nito. May mga natulungan ang kanilang pamilya noon na sa halip na bumawi sa utang na loob ay nagawa pa silang gipitin.
Nakarating na si Janus sa tapat ng pinto ng kanyang apartment. Nasa bandang likuran lamang iyon ng shop kaya madali lang siyang nakauwi at nakapagbihis muna bago sumakay ng kanyang kotse. Patungo na siya sa Puregold upang bumili ng alak at yelong dadalhin niya sa kaibigan.
Marami pa ring tao sa grocery ngunit hindi iyon nakasagabal kay Janus. Diretso kasi siya sa Liqour and Spirits section ng grocery kung saan ay mas kaunti ang namimili.
Kabisado na niya ang pasikot sikot roon kaya hindi na siya nahirapang hanapin ang brand na gusto niya. Agad naman siyang inasistehan ng isang salesboy roon. Ito na rin ang nanguha ng cube ice na ni request niya.
Sa counter ay nagbayad siya ng dalawang libo. Dinamihan na kasi niya ang biniling alak. Ang matitira mula sa inuman nila ay maiiwan sa kaibigan upang may maiinom ito kahit mag-isa lang sa baraks.
Pagkalagay ng mga pinamili sa loob ng kotse niya ay nagbigay siya ng isandaang pisong tip sa salesboy na tumulong pang maglagay ng kanyang pinamili sa loob ng sasakyan.
Magaan ang takbo ng trapiko going Makati ng gabing iyon. Bihira itong mangyari lalo na at Friday night, araw ng kalayaan ng mga empleyadong buong linggong nakasubsob ang ulo sa pagta trabaho.
Hind man niya alam ang dahilan sa mabilis na daloy ng mga sasakyan ay nagpatuloy na lang si Janus sa pagda-drive. It took him only half an hour bago nakarating sa bukana ng Sta. Monica Subdivision sa bahaging iyon ng Makati District.
Exclusive for the rich ang village at ang katabi namang subdivision ay for middle class family. Ilang metro lang ang layo mula sa gate ay naroon ang baraks na tinutuluyan ng kaibigan. Doon na siya nag parking.
Naroon na sa labas ang ‘punggok hulk’ niyang kaibigan. Si Ronaldo Pajo ay tubong Bulacan. Naging close sila ni Janus noon sa TrueTek, ang auto shop na pinagtrabahuan nila pareho.
Tapos na noon ng mechanical engineering si Ronaldo, may asawa’t isang anak na, at matatag na ang puwesto bilang top mechanic sa branch na iyon.
Nang matanggap at magtrabaho roon ang bagito at nag-aaral pa lamang na si Janus ay naging malapit sila sa isa’t isa. Siya ang tumayong training coach ng binata na itinuring na siyang kuya dahil sa agwat ng edad nila at estado sa kompanya.
Natuwa noon si Ronaldo kay Janus dahil bukod sa madaling turuan at masunurin ay napakasigasig pa nito. Masipag ito sa trabaho at kahit pa nga nag aaral ay nagagawang pumasok sa tamang oras.
Magaling din makisama si Janus sa mga katrabaho kaya naman ng makatapos ay doon pa rin ito nagtrabaho at naging permanente na.
Ganun pa man ay hindi talaga nawawala ang mga pagsubok sa buhay. Minsan ay isang working student din ang nagtrabaho roon.
Ngunit sa kasamaang-palad ay hindi ito kasing galing at kasing sipag ni Janus. Palagi itong late at napakahirap matutunan maging ang mga simpleng instructions. Madalas itong mapagalitan.
Minsan ay ipinahiya ito ng manager at sinesante pa dahil sa pagkakamali. Nabalitaan na lang nilang nagpakamatay ito. Malaki pala ang naging problema nito sa pamilya at dumagdag pa ang gastusin sa pagaaral at pagkatanggal sa trabaho.
Nakaramdam noon si Ronaldo ng awa para sa kawawang bata ngunit malaki pala ang naging epekto noon kay Janus. Higit sa awa ay sinisisi nito ang sarili na hindi nagawang tulungan ang isang kasamahan sa trabaho.
Kaya naman lalo ng humanga si Ronaldo kay Janus ng mag desisyon na itong magtayo ng sariling autoshop. Ang dahilan nito- makapag hire ng mga mechanic wannabe. Iyong mga working student na aakayin nito sa pagtupad ng mga pangarap.
Maging si Ronaldo ay nag resign na rin sa trabaho. Hindi niya kasi nagustuhan ang maaanghang na salitang binitiwan ng dating boss kay Janus. Kesyo wala raw itong utang na loob.
Nakipagsagutan si Ronaldo noon upang ipagtanggol ang kaibigan, at ang resulta, pati siya ay tinanggal. Kaya dalawa silang nagtulungan sa pagtatayo ng auto shop na iyon.
Si Ronaldo bilang simpleng empleyado na walang ipong pera ay hindi nakasabay sa mabagal na pagunlad ng negosyo. Kung kaya nagpasya itong umiba ng landas at naging head security na nga ng Sta. Monica Subdivision.
Nagkalayo man ay hindi naputol ang komunikasyon at maging ang kanilang pagkakaibigan. At ngayon nga ay nagkita silang muli.
“Tol, meron pa sa loob, iyon ang iwan mo dito sa labas ng mainom. Ipapasok ko na lang muna itong dalawang kahon.”
“Hmm, bakit naman napakarami ata? Nag buy one take ba?”, tanong ni Ronaldo habang hinihila palapit sa kanya ng dalawang kahon pa ng beer sa loob ng backseat ni Janus.
Hindi sila palainom na magkaibigan. Isa iyon sa mga pinagkasunduan nila. Bihira silang magpakalasing, in fact, wala pa sa kanila ang umuwing susuray suray pagkatapos ng inuman.
They were both responsible drinkers. Ang isang kahon ng beer na ito ay naglalaman ng twenty-four piraso. Kadalasan ay hindi nila ito nauubos.
Takang-taka na ibinaba ni Ronaldo ang mga beer sa tabi ng maliit na lamesang inihanda niya upang pagtagayan nila sa labas ng baraks niya. Maliit at masikip kasi sa loob kaya dito sila sa tabing kalsada nag-iinuman minsan sa isang buwan.
“Hayaan mo lang. Hindi naman mapapanis iyan. He he he!”
Puno ng siglang sagot ni Janus mula sa loob ng baraks. Paglabas nito ay agad na naupo sa upuang nasa gilid ng pinto. Dumaklot ito ng isang beer mula sa loob ng cooler.
Binuksan niya ito at tinungga agad kahit hindi pa malamig. Kasalukuyan pa lang kasing inilalagay ni Ronaldo ang yelo. Walang ref sa baraks.
“Mukhang may problema ah! Bigat ba?”
“Tsk!”
Umiling muna si Janus. Muli siyang tumungga at tuluyan nang sinaid ang beer. Pagkababa ay muli siyang nagbukas ng isa pa na tila ba ay uhaw na uhaw sa alak.
“Hoy, hinay hinay naman. Mabilaukan ka pa niyan sa ginagawa mo eh. Chill lang.”
Bumuntung hininga ng napakalalim si Janus. Sa isip niya ay nagtataka rin siya sa sarili.
Para bang may napakabigat na bagay na nakadagan sa kanyang d****b. Hindi niya maintindihan kung bakit bigla ay nakaramdam siya ng napakatinding lungkot.
Ang huling beses na naramdaman niya ito ay ng mabalitaan ang trahedyang sinapit ng dati niyang kasamahan sa trabaho. Nagpakamatay ito.
Napakabata pa. Working student. Alam niyang nagsisikap ito para makapagtapos ng pag aaral kahit na nahihirapang makisama sa kanila noon.
Na guilty siya sa sinapit nito. Noon kasing nabubuhay pa ito ay hindi niya pinagtuunan man lang ng pansin. Inakala niyang magiging okay ang lahat at masasanay rin ito sa trabaho nilang mga mekaniko.
Subalit minsan aymukhang nasobrahan sa pagsesermon ang manager ng autoshop. Napahiya ng husto noon ang katrabaho at sinesante pa. Iyon naman pala ay kakamatay lang ng ina nitong na hit and run.
Wala silang alam noon sa pinagdadaanan ng kasamahan sa trabaho. Nagulantang na lang sila ng malamang nagpakamatay ang kaawa awang binata.
Parang may pumipiga sa puso ni Janus ngayon. Naaalala niya ang malungkot na mukha ni Remwel kanina ng marinig ang balitang nanghihingi ng downpayment na 30k pesos ang ospital bago operahan ang inatake sa pusong nanay nito.
Kaya naman agad siyang nag withdraw sa savings niya at ipinasyang ipahiram iyon sa tauhan. Marahil ay iyon ang dahilan ng nararamdaman niya ngayon.
“Tol, akala ko kasi mauulit na naman ang nangyari noon kay Bokyo. May isang tauhan ako sa shop na inatake sa puso ang nanay.Kinakailangan nila ng malaking halaga para sa operasyon. Pang down payment pa lang ang naibibigay ko.”
Iiling-iling ng ulo at napapbuntung hininga pa si Janus habang nagkukwento sa kaibigan. Sa hitsura nito ngayon ay aakalain ninumang makarinig na isang kapamilya nito ang dahilan ng pamomoroblema nito.
“Tsk! Pustahan tayo, daang libo ang halaga ng sinasabi mong down payment!”
Napatingala si Janus.
“Paano mo naman nalaman?”
“Tol, kilala kita. Kapag ganyang sitwasyon talaga ang pinaguusapan natutuliro ka. Kung milyonaryo ka nga lang, iisipin ko talaga na milyon agad ang itinulong mo eh.”
“Baka nga kulangin pa ang 100k pesos, tol. Alam mo naman ngayon. Sa gamot pa lang at ibang gastusing sa ospital ay masakit na talaga sa bulsa.”
“Naiintindihan naman kita. Alam ko gusto mo lang makatulong. Pero hindi naman tama na obligahin mo ang sarili mo sa problema ng ibang tao. Tulad niyan, napakalaking halaga na ang walang pagda dalawang isip na ibinigay mo, tama na iyon. Ipanatag mo na ang loob mo. Napakalaking tulong na iyon sa pamilya ng tauhan mo.”
“Alam kong kulang pa iyon.”, muli itong tumungga ng beer bago pabulong na nagsalita, “Hay, sana naman manalo na ako sa lotto.”
Biglang napahagalpak ng tawa si Ronaldo. Kakaiba talaga ang kaibigan niyang ito. May dugong bayani.
“Kung sakali mang manalo ka nga ng milyon sa lotto,naku tol please lang ha, unahin mo na akong balatuhan. Alam mo na, para makasigurado. Kasi palagay ko kapag nangyari iyon ay halos wala ka ring ititira sa sarili mo. Ipambabalato mo lang din sa lahat ng kakilala at kaibigan mo.”
“Syempre naman, di ba nga may kasabihan, share your blessings! Kaya tama lang naman na mamahagi sa mga nanganagilangan.”
“Ah basta unahin mo ako. Siguro pwede na forty percent. Yun kasing ten percent ay ipantatayo ko ng rebulto mo sa harap ng bantayog ni Rizal. Malaki dapat at gawa sa gold tapos may dalampung gwardiya araw at gabi. Ha ha ha ha!”
“Loko ka, ‘tol. Sasayangin mo lang ang pera sa ganun? Eh kung i-donate mo na lang sa charity nakatulong ka pa.”
“Ewan ko sayo! Gawin mo na lang kung anong gusto mo. Baka nga maging tiket mo yan sa langit!”
Naging masaya na ang usapan nilang magkaibigan pagkatapos ng kantiyawan. Maingay sila at punum puno ng kasiyahan sa pagbabalik tanaw sa mga kanya kanya nilang buhay.
Hindi nila namalayan sa isang madilim na sulok ang isang imaheng nagaatubiling lumapit sa kanila. Maya maya pa ay napaupo ito sa gilid ng kalsada na tila ba ay naghihintay ng oras o ng kung anu pa man.
Si Anna iyon, ang magandang dilag na parang sinakluban ng kamalasan sa araw na iyon!
Una niyang napansin ang mabangong amoy ng pambabaeng pabango. Amoy ng bulaklak ng patay. Literally, the lush and habit forming floral scent of kalachuchi with a hint of orchid and jasmine wafted in the air, at unang reaksiyon ni Janus ay kilabutan.Napatingala siya at nasilayan ang napaka among mukha ng isang anghel.“Kung ganito kagaganda ang mga ‘sundo’ ay wala ng lalaking matatakot mamatay”,sa isip-isip ng binata.Napahumindig siya sa pumasok na ideyang iyon sa isip niya. Kamatayan nga ba ang hatid ng babaeng ngayon ay nakangiti na ng kaakit-akit sa kanya,? Pero bakit tila may nabuhay na kung ano sa kanyang katawan at biglang nagkaroon ng sigla ang kanyang mga kalamnan.“Mind if I join you, cutie pie?”Nabigla si Janus sa boses ng babae. Matinis ito at parang labas sa ilong. The lady was forcing herself to sound and look sensual at hindi ito bumagay sa napaka among mukha.Kumunot ang noo n
Naiwan pa ang kaakit-akit na amoy ni Anna sa kama. Sininghot ito ni Janus.Nakakahiya kapag may nakakita sa hitsura niya ngayon habang parang asong ina-amoy amoy ang kumot na ibinalot niya sa katawan ng magandang dilag na kaniig niya sa magdamag.Totoong amoy kalachuchi iyon. Pamilyar siya sa amoy ng nasabing bulaklak dahil sa lingu-linggo niyang pagdalaw sa puntod ng kanyang mga magulang sa Garden of Memories Pateros. Humahalimuyak ang amoy nito sa buong paligid lalo na kapag buwan ng Nobyembre kung kailan naman full bloom na ang mga bulakak.Janus found its scent intoxicatingly addictive. It reminds him of his departed loved ones.Kaya naman talagang nag enjoy siya kagabi. It was the best night he ever had! Halos nga ay hindi na niya bitawan ang babae.Si Anna Madera, as she introduced herself, ang pinakamabangong babaeng nakatabi niya sa pagtulog. At kahit wala na ito pagmulat niya ng mga mata kinaumagahan ay alam niyang hinding-hindi niya basta
“Si Anna iyon!”, sigaw ng puso at isip niya.Paano nga ba siya magkakamali samantalang nakatatak ang buong anyo nito sa kanyang diwa?!Bukod pa roon ay nakita niyang suot pa rin ng babae ang damit nito kahapon.Wait! Hindi pa siya nagpapalit? It has been hours since she left him asleep in his room. Mahaba na ang time na iyon to freshen up.He took his careful step towards Anna’s direction, wary of his overwhelming swarm of emotions na ngayon niya lang naramdaman sa tanang buhay niya. Para bang natatakot siyang magkamali sa paghakbang, thinking the girl would just disappear if he took a wrong move.Naka sideview ang babae at nakatingin sa kung saan. Her shopping bags fell down the tiled floor with a thump. At noon napansin ni Janus ang pagtulo ng luha sa mga mata ng dalaga.Agad ay nakaramdam siya ng pangamba. Binilisan na niya ang paglakad sa pinto at mapuntahan ang tila ay humihikbi ng dalaga. May ilan na ring shoppers ang
“Salamat naman at nakatulog na rin siya.”Malalim na napa buntung hininga si Janus. Kalalapag niya pa lamang sa dalaga sa ibabaw ng kama niya.Kinumutan niya ang ngayon ay naka fetus style na babae habang mahimbing na natutulog.“Napagod na rin siya sa kakaiyak. Kawawa naman. Sleep well, my dear! Andito lang ako. Aalagaan kita from now on!”Marahan niya itong dinampian ng halik sa noo. Malamig ang katawan ng babae kaya hininaan niya ang air-con.Walang ingay siyang lumabas ng kuwarto at bahagya lang na isinara ang pinto. Ayaw niya itong i-lock.Kapag kasi magising si Anna ay baka mag panic na naman ito. He wants to be there for her kapag nag-iiyak na naman ito.For now, bumaba siya sa kitchen. Magluluto siya ng rice at sausage para sa dalaga. Pihadong gutom ito paggising mamaya.Nagpakulo muna siya ng tubig para sa kape. Bigla kasi siyang nag-crave sa coffee na isa sa mga comfort foods/drinks niya.
It has been two weeks. Time has passed na hindi namalayan ni Anna.Nag-stay na siya sa apartment ni Janus after ng hysterical day niya. And boy, she enjoyed every minute of it! The man literally treated her like a queen.Everyday, he makes sure to make feel special, from serving her delicious breakfast in bed in the morning hangang sa relaxing massage nito sa gabi.He proposed to give her a lofty allowance for shopping which she gratefully accepted kahit pa nga may sarili naman siyang pera. Siya nho?! Malas kaya ang tumatanggi sa grasya!She spent most of her days kaka-shopping. Mostly ay personal abubots niya at kung anek-anek. She even purchased her own vanity table complete with branded make-up kits.Living in with him, marami siyang nakitang kakaiba pero kahanga-hangang habits and attitude ng binata.First ang pagka neat-freak nito. Laging naka-ready na linisin ang paligid. Ayaw nito ng kalat at alikabok, to the point na in just five day
She thought she was dreaming pa rin. Nakikita niya sa balintataw si Janus habang abalang nagluluto sa kusina.It has been more than a month na mula ng magsama sila, but still, walang ipinagbabago ang binata. Palagi pa rin itong pinagsisilbihan siya. Ngayon nga ay guwapong-guwapo ito sa suot na pink apron na sinadyang bilihin ni Anna for him.Sa imagination niya lang iyon, dahil naririnig niya lang ang kalampag ng mga kagamitang panluto sa kitchen habang siya ay nakapamaluktot pa sa higaan kahit mag-a-alas-singko na ng madaling araw.Maagang bumabangon si Janus para maipagluto muna siya ng breakfast bago ito pumasok sa autoshop upang mag trabaho.Kinikilig na napatigilid si Anna mula sa pagkakahiga sa kama na muntik na niyang ikahulog. Tuluyan na siyang nagising ngunit hindi pa rin siya bumabangon.Any moment from now, alam niyang biglang bubukas ang pinto at papasok si Janus dala ang tray ng kanyang special breakfast in bed. Nakasanayan na niya ang
“Ready ka na, hon?”, magiliw na tanong ni Janus sa buntis na babaeng halos ay isang oras nang nakaupo sa harap ng salamin at nag-aayos ng sarili.Hindi naman sa naiinip na siya sa paghihintay rito, pero parang ganoon na nga. Naka-apat na beses na kasing nagpapalit ng hairdo niya si Anna simula pa nang maupo siya sa vanity table. Everything she did was perfect in his eyes!Tulad ngayon, bagay na bagay sa suot nitong knee-length Summer O-neck long maternity dress ang messy bun with braid hairstyle. At dahil sleeveless ito ay litaw na litaw ang sexy neck and shoulders na lalong nagpatingkad sa taglay na kagandahan ng babae.“That’s the best one, honey! You look... divine!”Lumingon si Anna kay Janus. Sinisipat niya kung seryoso ito sa sinasabi. Sa apat na beses niyang pagpapalit ng hairstyle ay ngayon lang ito nagtangkang magbigay ng comment.She saw genuine affection in his eyes. Masyadong transparent ang lalaki sa emoti
Sa loob ng isang maliit na maternity room ay nakahigang mag-isa si Anna sa kama. Nakatakip ng puting kumot ang ibabang bahagi ng kanyang katawan.Tumingin siya sa bandang kaliwa at naroon sa doctor’s table si Janus. Seryoso ang mukha nito habang may pinipirmahang papel. Halata na kinakabahan ito samantalang siya naman ang nakahiga sa kama at nakasalang para sa check-up.Hindi tuloy mapigilang mapangiti si Anna. Paano naman kasi ay ngayon niya pa lang napansin na mas guwapo pa lang pagmasdan ang lalaki kapag seryoso. Palagi kasi itong nakangiti kapag nakatingin sa kanya.“Nakakakilig naman kayo! Mukhang inlove na inlove kayo sa isa’t isa. Ang swerte naman ng baby niyo.”Si Doctora Esmeralda S. Pepito iyon, ang inirekomendang doktor para sa mga buntis ng kaibigan nitong doktor sa Hospital of the Infant Jesus. Mabait at palabiro ang doktora kaya nakapalagayang loob na nilang dalawa ni Janus mula pa sa unang beses ng pagp
“Janus!”“Anna!”Bakas ang pagkagulat sa kanilang mga mukha. Hindi nila akalaing magtatagpo silang muli sa isang pambihirang pagkakataon. Nakatunghay lamang at nagmamasid din ang mag-inang Madera. Sila man ay nabigla rin sa mga pangyayari.Wala sa sariling biglang nahimas ni Anna ang umbok ng kanyang tiyan. Hindi na niya maitatago ang pagdadalang-tao at itanggi man niya ay sigurado siyang malalaman din ni Janus ang totoo.“Let me explain.” Iyon na lamang ang nasabi niya.“No need. May tatawagan lang muna ako.” Nakaturo pa sa pintong sagot ni Janus. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan nito bago tumalikod. Mula sa pinto’y bumaling uli ito kay Anna. “I’ll just be right outside. Don’t you dare leave this room.”Ikinabigla ni Anna ang may pagbabanta na tono ng pananalita ni Janus. It stirred something familiar yet unwelcoming inside of her. Ganun pa ma’y tumango na lamang siya. Pagkalabas ni Janus ay napahigit siya ng hiningang pinipigilan niya kanina pa. “Sit down, Anna. Her
“Tita Myra, please!” Halos ay magmakaawa na si Anna sa madrasta.Nakahinga lang siya ng maluwag nang bahagya itong tumango. Tanda na hindi pa rin ito kumbinsido sa plano niyang itago ang pagbubuntis niya kay Janus, ngunit minabuting intindihin na lamang ang kanyang desisyon.Niyakap na niya ang ngayon ay itinuturing na niyang ina. “Thank you, Tita! I know it’s hard to understand, pero buo na ang desisyon ko. Magpapakita lang uli ako kay Janus pagkapanganak ko. I just wanted to make sure na malusog na bata ang lalabas sa sinapupunan ko.”“Alright, I promise. Hindi ko sasabihan si Janus. Now, stop crying. Baka makasama pa sa baby.” Pinunasan nito ang luhang walang tigil sa pagdaloy mula sa mga mata ni Anna.“I am glad that you are here with me, Tita Myra. Napakabuti mo sa akin, like a real mother, kahit pa hindi naging maganda ang pagtrato ko sa iyo before. I am so sorry! Nagkamali ako sa pagkilala ko sa inyo.”Napaiyak bigla ang kanyang madrasta dahil sa tuwa. At last, tuluyan na silang
Anna stood idly by her brother’s hospital bed, looking totally flabbergasted to react. After a few seconds ay awtomatikong humawak sa kanyang tiyan ang dalawa niyang kamay. Napansin niya ang pagsunod ng paningin ni Janus at panlalaki ng mga mata nito nang makita ang umbok na iyon na hindi niya nagawang itago sa suot na jacket over her maternity dress. She’s nine months pregnant. She’s bound to give birth any moment now. May manaka-nakang cramping na siyang nararamdaman this past few days. Iyon ang bagay na sinusubukan niyang itago kay Janus. She got pregnant after their steamy one-night stand! Katulad nito ay hindi niya rin na-anticipate na mangyayari ang bagay na ito. They did it for one night, well to be precise, a day and a night without using protection. Nawala sa isip niya. That’s it! They missed each other so much that they care less for such a menial thing called ‘condom’.
Almost 200M pesos ang napanalunan ni Janus sa grand lotto. Tamang-tama iyon para sa plinaplano niyang resort-hotel na ipapatayo niya doon banda sa Norte.Noong unang linggo matapos nang masinsinan nilang kasunduan ni Anna, bumalik siya ng Davao City para sunduin ang madrasta at nakababatang kapatid ni Anna.He feel it in his heart na responsibilidad na niya ang mag-ina buhat nang mamatay si Mr. Madera. Sila na ang itinuturing niyang pamilya.Nagtungo siya roon bitbit ang magandang balita tungkol sa pagkapanalo ng lotto number combination na parang naiwang pamana ng tatay ni Anna.Nais niya ring balikatin ang mga bayarin sa dating kaso ng padre de pamilya sa mga pinagkakautangan nito.Bagamat nabigong maabutan ang mag-ina ay laking tuwa niya ng tumawag si Mrs. Madera.Masayang-masaya ito sa pagkapanalo nila ni Anna. At higit siyang napanatag dahil sinundo pala ito ni Anna.Magkakasama na silang t
Napakadali para kay Janus na ipakita at iparamdam kay Anna kung gaano niya ito kamahal. He doesn’t shy away kahit pa magmukha siyang t*ng* at katawa-tawa sa mata ng ibang tao.Holding her in his tight and warm embrace while confessing how much he loves her sa kabila ng lahat ng ginawa niyang pasakit rito, Anna could only held her breath in.Pakiramdam niya ay hindi siya karapat-dapat sa pagmamahal na iyon. Hindi niya mapilit ang sariling paniwalaan na magiging maayos para sa kanila ang lahat.Not with her. Janus deserves better.May tumikhim sa kanilang likuran at namula ang mga pisngi ni Anna sa hiya ng makita ang ilang empleyado ng PCSO na nakamasid sa kanila. Nagpumilit siyang kumawala kay Janus.“Ready na ang prize mo, Ms. Madera. Care to follow me sa opisina ko?!” Pormal ang pagkakasabing iyon ni Mr. Falsario kaya naman walang imik na sumunod si Anna rito.She could feel Janus’ burning stares behind
“What? I’ve won?” Gulantang na sigaw ni Anna habang hawak sa kabilang kamay ang tiket ng lotto at sa kabila ay ang cellphone niya kung saan naka-display sa screen ang lotto number combination na nanalo ng grand prize noong isang araw.Palipat-lipat ang tingin niya at hindi makapaniwala sa nakikita. Hindi niya ito inakala!That day na iniwan niya si Janus sa kanyang apartment sa bayan ng Magdalena ay sobrang desperado niyang makaalis at magpakalayo-layo. During her departure ay naalala niya ang huling habilin ng kanyang amang namayapa na tayaan ang lotto numbers sa sulat nito.It was just her being a righteous daughter for once, obligingly fulfilling her father’s death wish. Ni sa hinagap ay hindi niya inakalang tatama siya sa lotto.She have forgotten about it completely the moment na itinago niya ito sa kanyang wallet. Kanina na lang niya uli ito napansin nang naglilinis siya ng mga kalat sa kanyang bag
“But we can’t. Kahit pa magkunwari tayo, o kahit subukan pa nating ibaon sa limot ang lahat, hindi natin maitatanggi ang mga pagkakamali. Hindi natin matatalikuran ang nakaraan, Janus.”“But we can still choose to be together.”“No. Wala nang future para sa atin. We can’t be happy the way we were, Janus. I am now broken, wretched, and my life is a mess. Hindi na ako ang babaeng una mong nakilala.” Umiiyak na pag-amin ni Anna.Tumayo siya at lumakad na palayo. Agad na sumunod sa kanya si Janus.“Nothing happened, Anna. I was there. Mula nang mamatay ang daddy mo, nasa tabi mo na ako. Hindi lang ako nagpapakita dahil nahihiya ako. I was wrong to let you go. At nagsisisi akong ipinaramdam ko sa iyo na sinisisi kita. It wasn’t in my intention at all,” humihingal si Janus sa pagpapaliwanag sa ngayon ay yakap na niyang si Anna, “nandoon ako nang pagtangkaan ka ni
They missed each other so much!Halos ay mapugto na ang mga hininga nila sa hindi matapos-tapos na halikan.Everything else matters no more.Maghapon at buong magdamag nilang muling ipinadama ang pagmamahal sa isa’t-isa.Nagising si Anna sa init ng araw na tumatama sa kanyang balat sa bandang balikat. Tumatagos ang sinag mula sa salaming bintana na hindi niya namalayang nakabukas ang kurtina kagabi.‘Oh my God! Somebody might have seen us with that open view.’ Namumula ang mukha niyang bulong sa sarili.Napatakip siya ng kumot at binalot ang sarili. Sa tabi niya ay ang himbing pa ring si Janus.‘Ah, mabuti na lang pala at hindi namin nabuksan ang ilaw.’Bahagyang napangiti si Anna nang maalala ang mainit na pinagsaluhan nila ni Janus. Kahit noong nagsasama pa sila ay hindi nila nagawa ang mga bagay na nagawa nila kagabi.Iba’t ibang posisyon. Walang tigil na
Natulala si Anna.‘How did this happen? Lumayo na ako para hindi na muling makita si Janus, but why is Tita Myra telling me casually na si Janus ang nagligtas sa akin kagabi?’Gulong gulo ang isip ni Anna. Mas may takot siyang nararamdaman ngayon kesa sa pangamba niya nang magbago ng pakikiharap sa kanya si Jerome.No. Not yet. Hindi pa siya handa na makaharap ito. Wala siyang mukhang maihaharap sa lalaking nagmahal ng lubos sa kanya ngunit nagawa niyang talikuran dahil lamang sa maliit na tampuhan.At nadisgrasya siya dahil sa maling desisyon na iyon sa kanyang buhay. Nakulong siya nang walang kalaban-laban.Now, kung kailan niya inakalang magiging maayos na uli siya ay sa ganitong sitwasyon pa siya makikitang muli ni Janus. At lalo lang siyang napapahiya sa sarili dahil nagawa niyang isiping pwede niyang matutunang mahalin si Jerome.Ang lalaking iyon! Napakagaling umarte! Sa isip ni Anna ay nai-imagine niyang sin