Home / YA/TEEN / The Lost Angel / Chapter 2: Meet Talitha

Share

Chapter 2: Meet Talitha

Author: Trinity
last update Last Updated: 2021-06-07 21:15:56

[Talitha P.O.V]

"Ate, nagugutom na ako," sabi sa akin ng bunso kong kapatid. Hindi pa kasi kami nag-aalmusal at kaunti lang ang nakain namin kagabi dahil pinagkasya lang namin ang kapuranggot na kanin at ulam na binili ni tatay.

Naaawa ako sa kapatid ko dahil wala akong maibigay na pagkain sa kaniya sa mga oras na 'to. Hanggang ngayon kasi ay wala pa rin si tatay galing trabaho. Mayroon lang kaming tutung na kanin na tira namin kagabi pa. 

"Samuel, hintayin lang natin si tatay, ha. Parating na rin siya." Binigyan ko na muna siya nang maligamgam na tubig.

Napakabigat sa loob ko para makita ang bunso kong kapatid na ganitong paraan.Sa edad na walo nararanasan na niya ang ganitong hirap ng buhay. Wala man akong magawa para sa kaniya kundi umasa rin sa tatay ko na hindi sumasapat ang sweldo sa pang-araw-araw namin. Ang nanay kasi namin ay iniwan kami at naghanap nang ibang pamamangasawa dahil nagsawa na sa tatay namin. Nagsawa na sa mga pangako niyang hindi natutupad.

"Ang hapdi na ate ng sikmura ko," naluluhang sabi sa akin ni Samuel. Hindi ko na tuloy napigilan ang sariling hindi mag-alala. Sobrang sakit sa loob kong nasa ganito kaming sitwasyon. 

Mabilis kong hinaplos sa tiyan niya ang efficacient oil na isang tungga na lang ay ubos na rin. Ganito lang palagi ang nangyayari sa amin kapag humahapdi ang sikmura namin. Efficacient oil lang hanggang sa makatulog.

At hindi nga ako nagkamali. Iniyak lang ni Samuel ang sakit ng sikmura niya hanggang sa makatulog na siya. Kahit ako ay nararamdaman ko na rin ang pagkurog ng aking tiyan pati ang paghapdi nang aking sikmura.

Ang hirap maging mahirap.

Habang natutulog ang kapatid ko ay nagbakasali akong maghanap ng mga kaibigan na pwedeng mahiraman ng pera. Susubukan ko rin manghiram sa mga kamag-anak namin. Sana lang talaga maawa sila ulit sa akin kahit na sandamakmak na ang mga utang namin sa kanila. 

Habang naglalakad ako ay hindi ko maiwasang hindi kausapin si God sa isip ko. Paulit-ulit kong hinihiling sa kaniya na sana makahanap ako ng pagkain namin dahil si Samuel ay gutom na gutom na. Mabilis kong pinupunasan ang mga luhang mabilis na nakakatakas sa aking mga mata habang naglalakad papunta sa isang kamag-anak namin.

Mabilis kong pinunasan ang aking mukha dahil sa mga luhang hindi nakatiis sa pagtakas atsaka ako huminga nang malalim at naglakas-loob na sumilip sa tindahan ni Tita Dal.

"Tita Dal, baka pwede po ako maka-utang ulit ng kahit isang pack lang po ng toyo?" pakiusap ko rito sa pinsan ni tatay na may sariling sari-sari store. 

Napakamot naman siya agad ng ulo nang mapagtanto kung sino ang nagsasalita. "Alam niyo, Talitha, ang dami niyo ng utang sa akin. Ni isa sa mga 'yon ay wala pa kayong binabayaran," inis na sambit niya sa akin. Napayuko na lang ako agad dahil alam kong hindi niya na ako papautangin.

"Pero dahil mabait ka naman bata at alam ko ang sitwasyon niyo, sige ito. Dalhin mo na itong isang kilong bigas, atsaka isang sardinas, ulam niyo. Baka gutom na rin si Samuel." 

Inabot agad sa akin ni Tita Dal ang mga ayudang binibigay niya sa akin. Umiiyak ko naman itong kinuha mula sa kaniya. 

"Huwag ka na umiyak diyan, Talitha. Kasalanan 'yan ng mga magulang niyo kung bakit kayo nagkakaganyan. Hindi sila nagsumikap noon. Kaya dapat ikaw, magsumikap ka mag-aral, ha. Para yumaman kayo at makahanap agad ng trabaho, ikaw ang magbigay ng magandang buhay sa pamilya mo," payo sa akin ni Tita Dal. 

Umiiyak naman akong tumatango sa kaniya. "S-salamat po, Tita D-Dal." Atsaka na ako tumakbo pabalik sa aming tahanan.

Pagkarating ko sa bahay ay tulog pa rin si Samuel at wala pa rin ang tatay kaya agad-agad ay  sinaing ko na ang isang kilong bigas na binigay ni Tita Dal. Kasyang-kasya na ito sa amin hanggang mamayang gabi. 

Habang hinihintay ko tuloy maluto ang kanin namin ay hindi ko magawang magpasalamat agad-agad kay God kasi agad-agad din dininig niya ang dasal ko. Sobra-sobra pa ang binigay sa akin.

Nang maluto ito ay masaya kong ginising si Samuel sa pagkakatulog at nakangiti siyang sinalubong ng yakap. "Samuel, kain na," aya ko.

Naguguluhan naman aniya kong pinagmamasdan.

"May pagkain na tayo," dagdag ko.

Pagkasabing-pagkasabi ko no'n ay mabilis siyang tumayo at agad na pumunta sa lamesa na may mga nakahapag na kanin at sardinas na nakalagay sa maliit na mangkok.

"Sardinas!" masayang sabi ni Samuel. Iyan kasi ang paborito niyang ulam.

"Oo, bigay sa atin ni Tita Dal. Kaya kapag napadaan ka sa kaniya, magpa-thank you ka rin, ha."

"Opo, ate!"

Masaya kaming kumain ni Samuel ng tanghalian. Nagtira pa kami ng kaunting ulam para pagdating ng gabi may ulam pa rin kami. Idadagdag na lang namin ang dala-dala ni tatay mamaya.

Nagpaalam muna ako kay Samuel na may pupuntahan kaya naman kasalukuyan akong nasa kalsada ngayon at nagbabakasali na makahanap ng trabaho sa murang edad. Labing-pitong gulang pa lang ako pero kailangan ko na magtrabaho imbis na mag-aral.

Palinga-linga ako sa mga tindahan na naghahanap ng mga tindera kahit sales lady lang sana. Pati na rin sa mga karinderia kahit tagahugas lang ng pinggan kaso dumating ang dapot-hapon ay wala akong nahanap na maaaring maging trabaho ko. 

Kaya naman nagbalak ako agad pumunta sa Blessed Sacrament sa isang cathedral dito sa bayan namin para lubos na magpasalamat sa Diyos sa natanggap namin biyaya. Masaya kong hinubad ang aking tsinelas at tahimik na lumuhod sa luhuran at payapang nagpapasalamat sa harap ng Holy Eucharist. Maya-maya lang ay nakaramdam ako na tila may nakatingin sa gawi ko kaya agad kong binuksan ang aking mga mata at nakita ko sa tabi ko ang isang napakagwapong nilalang. 

Hindi naalis sa akin ang kaniyang paningin kaya naman naglakas-loob na akong tanungin siya.

"Bakit po?"

Mukhang doon lang siya agad natauhan. "N-nothing," nauutal na sabi niya sa akin.

Napangiti pa ako sa kaniya dahil sa linis ng mukha niya. Mukha siyang galing sa mayaman na pamilya. Nakita ko pa na ginaya niya ang pagkalapat ng aking mga kamay at sabay pumikit tsaka tahimik na nagdasal. 

Mga ilang minuto pa ako nagstay sa loob ng Blessed Sacrament at napansin kong nananatili pa rin ang gwapong nilalang sa kaniyang pagdarasal. Hindi ko tuloy maiwasang pagmasdan siya at iniisip kung ano rin ang kaniyang kinukwento sa Diyos, Kaya naman nang maramdaman kong kailangan ko na umalis ay mabilis din akong lumabas at nagpatuloy sa paghahanap ng trabaho.

Dumating ang gabi ay wala talaga akong nahanap na trabaho. Umupo ako sa isang bench na gawa sa semento. Pagkaupo ko nahagip agad ng mata ko ang isang eskwelahan na noon pa lang ay hinahangaan ko na, Ang University of Pampanga.

Kaso iniisip ko pa lang na gusto ko mag-aral dito ay napapailing na lang ako dahil mukhang hindi ko kakayanin ang tuition lalo na ay para lang ito sa mga mayayaman. Napabuntong hininga na lamang ako.

"Gusto ko mag-aral dito," wala sa sariling sabi ko habang pinagmamasdan ang aratula ng paaralan. Ang taas ng main gate niya. Napakaganda ng bakod niya na gawa sa mga kakaibang mga bato. Naiiyak ako kasi hanggang pangarap na lang ako. 

Tatayo na sana ako nang may dumaan na isang matandang lalaki sa harapan ko at nahulog ang kaniyang wallet. Nagulat pa ako kung ano ang dapat kong unang gawin. Pinulot ko naman ito agad. Wala akong balak buksan ang wallet pero awtomatikong gumalaw ang aking mga kamay dahilan para makita ko kung gaano kalaking pera ang laman nito.

Napatakip pa ako ng bibig. Unang pagkakataon kong makakita ng ganitong kakapal na pera. Nagpalingon-lingon pa ako sa paligid kung may ibang tao ang nakakita sa ginawa ko pero iilan lang naman ang mga dumaraan. Biglang nanginig ang mga kamay ko. Naguguluhan ang isip ko kung isasauli ko ba sa may-ari itong wallet na ito na maaaring magsalba sa amin sa gutom o itatakbo ko na lang ito at gagastusin para sa pangangailangan namin.

Sobrang laking halaga. Siguro ilang buwan na ang lumipas hindi pa namin ubos ang pera na ito, e. Pero sa huli ay pinili kong habulin ang may-ari ng wallet. Mabilis na takbo ang ginawa ko parang lang mahabol ang manong.

"Kuya!" tawag ko sa kaniya pero hindi niya ako naririnig. 

"Kuya!" sigaw ko ulit sa gitna nang pagtakbo ko. Hingal na hingal na ako pero hindi pa rin ako nililingunan no'ng manong kaya naman mas lalo kong binilisan ang takbo ko at pinigilan si manong sa kaniyang paglalakad.

Kaya pala hindi niya ako marinig. Naka-earphone pala siya.

"Mah-manong, wah-llet niyo po nah-hulog," hingal na hingal kong sabi habang inaabot sa kaniya ang wallet niya. Mabilis niyang kinalap ang kaniyang bulsa at gulat na mapagtanto na wala nga sa bulsa niya ang kaniyang wallet. 

"Oh my goodness!" wika sa akin ni manong nang makuha niya ang kaniyang wallet at makita ang pera na kumpleto pa rin.

"Thank you, iha!" maiyak-iyak na sambit ni manong.

"Wala po 'yon, ingat po sa pag-uwi." Atsaka na ako tumakbo palayo kay manong.

"Iha!" Pigil sa akin ni manong dahilan para lingunin ko siya ulit.

"Ikaw ba ay enroll na?"

Umiling naman ako agad.

"Magta-trabaho po ako," sabi ko nang ikagulat niya.

"Ilang taon ka na ba?"

"Seventeen po,"

"Sa edad mo dapat nag-aaral ka."

Umiling ako ulit. "Wala pong pang-aral sa akin ang tatay ko." Lumungkot naman ang mukha ni manong. 

Huminga siya nang malalim bago muling nagsalita. "Isa ako sa mga may-ari ng eskwelahan na 'yon." Nilingon ko naman agad kung saan siya nakaturo at laking gulat ko nang makitang ang eskwelahan na dati ko pa noon pinapangarap.

"Narinig kasi kita na gusto mo mag-aral diyan kaya naman hinulog ko ang sariling wallet ko para i-test ko ang character mo. Sabi ko kasi kapag sinauli mo sa akin ito, ako ang magpapa-aral sa'yo sa eskwelahan na 'yan through full scholarship," nakangiting sabi sa akin ni manong.

Ngayon ay nagtuloy-tuloy agad sa pagpatak ang aking mga luha. Seryoso ba itong naririnig ko? O baka nanaginip lang ako?

"Seryoso po ba 'yan?" Bagamat naguguluhan ay hindi ko maiwasang hindi mapaiyak. Tumango-tango naman ang manong. 

"Ibigay mo sa akin ang address mo, Iha. May papapuntahin ako sa mga tauhan ko para interview-hin ka sa mga personal details mo."

Hindi na maawat sa pagluha ang aking mga mata. Kaya habang umiiyak ay hindi maitatago ang sayang nararamdaman ko. 

"I am Sir Paul, iha. Ikaw ano pangalan mo?"

Mabilis naman akong sumagot, "Talitha po. Talitha Garcia."

Sabay kaming nag-shake-hands.

"Sa susunod na linggo siguro ay pwede ka na pumasok. Ipapaasikaso ko muna lahat ang mga papeles mo ngayong linggo," nakangiting sabi sa akin ni Sir Paul. "Kaya mag-aral ka ng mabuti. Malayo ang mararating mo." Ginulo muna ni Sir Paul ang buhok ko bago tumalikod sa akin at naglakad papalayo. 

Kaya naman umuwi ako ng bahay na maga ang aking mga mata. Nadatnan ko na rin doon si tatay at sabay na silang kumakain ni Samuel.

"Ate, sabay ka na sa amin ni tatay kumain," aya sa akin ni Samuel. 

Isa-isa kong pinagmamasdan sina tatay at Samuel habang sila ay kumakain. Ang dami kong naiisip na pangarap para sa kanila. Pinigilan kong huwag tumulo ang aking mga luha bago magdesisyon na sumabay sa kanila sa pagkain.

Ilang araw lang ang lumipas ay totoo ngang may pinapunta sa bahay namin si Sir Paul. Babae siya. Hindi katangkaran pero napaka-ingat niya sa bawat galaw niya. Professional na professional katulad ni Sir Paul. Isa raw siya sa mga Admission Staff ng school. Gulat akong pinapasok siya sa loob at nahihiya sa gulo ng bahay pero hindi niya ito alintana.  

"Hello po, I am Ms. Fuentes from admission office po ng University of Pampanga," pagpapakilala niya sa sarili sa amin bago siya makaupo sa upuan na hinanda namin sa kaniya.

Si tatay, hindi makapaniwala sa narinig nang malaman niya ang dahilan ng pagpunta ni Ms. Fuentes dito sa bahay. Hindi ko kasi agad sinabi kay tatay baka kasi mamaya prank lang pala 'yon kahit malakas ang pakiramdam ko na totoo ang inalok sa akin ni Sir Paul.

Naging abala kaming pare-pareho nang kuhanin niya ang mga personal details ko. Si tatay ay hindi na nagawang makapag-trabaho sa araw na ito dahil sa saya.

"Ganoon po kasi talaga si Sir Paul, naghahanap po talaga siya ng mga deserving na mga bata na pwede niyang tulungan sa edukasyon," nakangiting kwento niya nang matapos niya akong kuhanan ng mga impormasyon. "At napaka-swerte po ng anak niyo dahil isa siya sa mga natagpuan," masayang sabi niya sa tatay ko.

Kami naman ni tatay ay hindi na mawala ang ngiti sa aming mga mukha.  "Anak, makakapag-aral ka na rin ulit sa wakas," mangiyak-iyak na sabi ni tatay sa akin sabay halik niya sa noo ko.

"Ang kailangan mo lang gawin, Talitha. I-maintain mo lang ang mga grades mo. Hindi dapat bababa sa 85 ang grades bawat subjects. Tandaan mo, Talitha. Mahal na school ito kaya dapat ipakita mong worth it ang igagastos saiyo ni Sir Paul."

Nakaramdam ako nang takot at kaba. Takot baka madisappoint ko si Sir Paul pero pinilit ko na manguna sa akin ang pagiging positibo.

"Huwag po kayo mag-alala. Matalino po ang anak ko. Kung hindi lang siguro kami kapos sa pera ay baka lagi siyang may medalya," pagmamalaki sa akin ni tatay.

"Opo! Gagalingan ko po sa pag-aaral ko," desidido kong sabi na nagpangiti sa babeng nagpunta rito sa bahay. 

"Sige mauna na po ako, ang uniform, kami na rin po bahala magpatahi. Nakuha ko na rin naman ang size ng katawan mo, Talitha kaya hintayin mo na lang na ma-deliver dito sa bahay niyo."

"Opo!"

Pagkaalis na pagkaalis ng bahay ni Ms. Fuentes ay hindi na kami nahinto sa kakatalon ni tatay dahil sa saya. "Hindi talaga ako nagkamali sa pagpapalaki saiyo anak." Atsaka paulit-ulit na hinalikan ni tatay ang aking noo sabay yakap. Ganoon din ang ginawa ko sa kaniya. Nakita ko naman si Samuel na inosenteng nakangiti sa amin ni tatay.

"Salamat po, Panginoon. Salamat po."

to be continued...

Related chapters

  • The Lost Angel   Chapter 3: Second Encounter

    [Adem P.O.V] After the day when I saw a girl wearing a long sleeve and simple skirt while praying at the Blessed Sacrament, I could not have a chance to see her again. Lumipas na ang ilang araw na pagdaan-daan ko sa church na 'yon pero hindi ko na siya nakita ulit. But I tried to didn't pay too much attention to her pero lagi akong umaasa na makita siya. Normal lang naman siguro itong nararamdaman ko, hindi ba? Once na ang isang lalaki nakakakita ng isang magandang babae? Will I be going to? No way! Hindi ako pwedeng maging katulad ni Mark. "Son? Are you okay?" My mom came into my room and placed the food on my table. "He looks frustra

    Last Updated : 2021-06-07
  • The Lost Angel   Chapter 4: Doubt, shy, encounter

    [Talitha P.O.V] "Anak, sigurado ka ba'ng hindi na kita ihahatid sa school mo?" Bagamat nag-aalala sa akin si tatay ay hinid pa rin nawawala sa kaniyang mga mata ang saya. Hinawakan ko ang balikat ni tatay. "Opo tay. Okay na okay lang po sa akin. Huwag ka po masyadong mag-alala sa akin, tay." Pinatong ni tatay ang kaniyang kamay sa aking ulo at marahan niya itong hinaplos. "Nag-aalala lang ako sa'yo dahil baka awayin ka ng mga spoiled brat sa eskwelahan na 'yon. Alam ko ang galaw ng mga anak mayaman, anak." Hinalikan ko na agad sa pisngi si tatay. "Hindi ko po hahayaan na saktan nila ako, tay. Pangarap ko po na makapag-aral sa University na 'yon kaya hindi po nila ako mahahadlangan." Nakangiti kong s

    Last Updated : 2021-06-07
  • The Lost Angel   Chapter 5: First Conversation

    [Adem P.O.V] I was so shocked when I saw her wet blouse stuck to her chest. I could not look directly at her that’s why I immediately took my handkerchief at my pocket and handed it to her. "Cover your chest,” I commanded her. Nagtataka naman niya akong tiningnan pero when she realized the reason why I commanded her to cover her chest, she was also shocked and grabbed it immediately and suddenly felt embarrassed. "Talitha!" Mark called her name when he finally reaches out in our place. “Are you okay?” Aerol asked with his worried eyes. “What happened?” Agustin asked. She stayed silent. Hindi niya nasagot ang mga sunod-sunod na tanong ng mga kaibigan ko. We are worried about her. Kita ko sa mga mata niya na gusto na niyang umalis sa kinatatayuan niya pero hindi niya alam kung paano. Unti-unti na rin niyang nakukuha ang atensyon ng iba pang mga studyante sa paligid. La

    Last Updated : 2021-08-17
  • The Lost Angel   Chapter 6: Reporting

    [Talitha P.O.V] “Here,” sabi sa akin ng may pangalang Adem. Nagtataka ko naman siyang tinitingnan habang papalit-palit ang tingin sa kaniya at sa paper bag na inaabot niya sa akin. Dito ko lang din napagmasdan na mayroon pala siyang napakagandang kulay abong mga mata. “Ano ‘yan?” Nagtakaka kong tanong. Kukunin ko na sana ang paper bag sa kaniya nang bigla niyang ipinatong ‘yon sa ibabaw ng waching machine. Natawa pa ako sa kilos niya dahil para syang natataranta at kinakabahan. “Kung hindi mo kasya, pwede mo siyang ipamigay,” sabi niya sa akin. Natawa naman ako ng mahina sa sinabi niya. Sinilip ko ang laman ng paper bag pero nananatili pa rin sa akin ang pagtataka. Narinig namin pareho na tumunog ang machine hudyat na tapos na itong malabhan. Mabilis naman kinuha ni Adem ang damit niya at naiwan ang akin atsaka lumabas ng laundry room.Teka? Gano’n lang ‘yon? Pagkatapos nito, okay na ‘yong damit? Wo

    Last Updated : 2021-08-23
  • The Lost Angel   Chapter 7: A day to Remember

    [Adem P.O.V] The class was ended and I can’t believe that Talitha will become my member. I am currently walking towards at the terminal, smiling under the sun. Paulit-ulit na nagrereply sa isip ko ang lahat ng mga nakita kong reaksyon sa kaniya. ‘Yong mga ngiti niya nang makita ko kung gaano siya kasaya na nakatanggap na regalo. ‘Yong pagtataka kung bakit kusa na lang ako napangiti kanina sa harapan niya, kahit ‘yong gulat niya nang bulungan ko siya. Ginawa ko ‘yon para madistract siya at para hindi niya magawang makapag-focus sa jack and poy. Mabuti na lang at pumabor ang tadhana sa akin. Bigla akong napalingon sa paligid ko at lahat ng mga kasama ko rito sa jeep, nagtataka sa akin. Napansin ko na lang bigla na nakangiti pala ako nang wala sa sarili kaya mabilis kong inayos ang sarili ko at pinigilan ko muna ang ngumiti pero at the end hanggang sa makababa ako ng jeep, nakangati pa rin ako. “Mom! Pa! I’m home!” I imm

    Last Updated : 2021-09-04
  • The Lost Angel   Chapter 7.1

    [Talitha's P.O.V]Nagtataka kong pinagmamasdan ang cellphone na hawak ko ngayon. Bagamat hindi ko alam ang dahilan ni Adem bakit pinahiram niya sa akin ang sarili niyang phone ay hindi ko mapigilang mamangha sa ganda at laki nito.May tatlong camera sa likod. Kulay itim naman ang case nito. Mas malaki pa ang phone na 'to kaysa sa mga palad ko.Napalunok pa ako nang mapagtanto kung gaano ito kamahal. Kaya imbis na gamitin ito, maingat kong inilagay sa bag ang cellphone niya. Mahirap na baka magasgasan at mawala ko pa, wala akong ipambabayad.Inabala ko na lang ang sarili ko sa paglalakad. Nagbabakasali akong makahanap ng isang lugar dito sa university na walang gaanong mga tao. Lunch time kasi namin ngayon at nahihiya akong kumain sa cafeteria baka pagtawanan nila ako dahil isang piraso lang ng tinapay ang dala ko habang sila masasarap ang mga kinakain.Umupo ako agad sa isang malapad na upuan malapit dito sa field at pasik

    Last Updated : 2021-10-04
  • The Lost Angel   Chapter 7.2

    [Talitha's P.O.V]"Kapag ako ang kausap mo, Tali. Do not be afraid to show who you really are."Paulit-ulit na nag-e-echo ang mga salitang 'yan na sinabi niya sa akin kanina. Hindi ko alam kung ano ang ibig niyang sabihin pero may part sa sistema ko ang naging masaya."Talitha!" bungad sa akin ni Mark nang tuluyan kaming makapasok ni Adem sa bahay nila.Halatang kumportable siya rito sa bahay nila Adem at kilalang-kilala na siyaHindi ako makapaniwala sa laki ng bahay nila. Ang daming babasagin, ni pati ang inaapakan ko ay gawa sa salamin. Ang taas ng bubong nila. Ang daming magandang mga paintings ang nakasabit sa dingding. Tapos ang ganda pa ng ilaw nila."Wow." Hindi ko na napigilan ang sarili ko na mamangha sa ganda ng bahay na 'to. Pakiramdam ko nasa palasyo ako na madalas kong nakikita sa T.V."Bahay niyo talaga 'to, Adem?" tanong ko sa kaniya habang abala ako sa pagmamasid sa paligid.

    Last Updated : 2021-11-18
  • The Lost Angel   Chapter 8: She's Making a Friend

    [Talitha's P.O.V]Mabilis na dumating ang lunes. Wala kaming ibang ginawa ng mga ka-grupo ko kundi mag-usap-usap sa phone. Mabuti na lang talaga pinahiram sa akin ni Adem and kaniyang extra phone para sa group project na 'to. Naging mas madali para sa amin ang communication."Tay! Alis na po ako!" Atsaka mabilis na tumakbo palabas ng bahay. Ilan beses ko pa minememorize ang mga linya ko para sa reporting namin this day. Kailangan ma-perfect ko ang lahat para worth it lahat ng pinagpaguran namin ng kagrupo ko.Mabilis din akong nakarating sa terminal at nagabayad ng pamasahe. Kahit nasa-jeep ay wala pa rin akong tigil sa pagme-memorize kahit alam ko naman na memorize ko na. Habang papalapit nang papalapit ako sa school, pabilis naman nang pabilis ang tibok ng puso ko dahil sa kaba. 'Yong eksena pa lang namin ni Adem as a couple, kinakabahan na ako na baka imbis na magkaroon sila ng interest na makinig baka ituloy lang nila ang pambaba-bash sa akin.

    Last Updated : 2021-11-22

Latest chapter

  • The Lost Angel   Chapter 10: The Prof vs. The Four Boys

    [Talitha's P.O.V]"Talitha? Bakit ka nagmamadali?" bungad sa akin ni tatay nang makita akong natataranda sa pag-aayos ng gamit at ng sarili."Tay, ma-le-late na po ako sa klase," mangiyak-iyak na sagot ko kay tatay.Mangiyak-iyak ako dahil ang first subject namin ngayong umaga ay Conceptual Framework at at ang mas malala, terror pa naman ang prof namin dito. Sobrang ayaw na ayaw niya sa mga na-le-late na estudyante."Kumain ka na muna, anak."Mabilis kong sinuot ang I.D ko at ganoon din ang medyas. Natutumba-tumba akong lumabas ng bahay habang minamadaling isuot ang sapatos ko."Hindi na po tay."Dali-dali akong tumakbo papuntang terminal ng jeep nang makapkap ko ang bulsa ko, napansin ko na wala pala akong pamasahi ngayon!"Kainis," bulong ko sa sarili ko."Manong, anong oras na po?" Natataranta kong tanong sa lalaking matandang kasabay kong naghihintay din ng jeep."7:40," sagot naman ni manong pagkatapos tumingin ng oras sa relo niya.Agad naman akong napasapo ng noo. 20 minutes n

  • The Lost Angel   Chapter 9: Sunday

    [Adem's P.O.V]"Adem!" I heard my mom shouting outside of my bedroom.Hindi ko 'yon pinansin. Masyado akong pagod sa buong linggo namin sa school. Kaya ang gusto ko lang ay matulog nang buong araw."Adem! Isa pang tawag sa'yo!""Mom! Why!" sigaw ko habang may inis.Narinig kong bumukas ang pinto at paglingon ko ay bumungad sa akin si mom na naka-dress."It's Sunday, anak. Come with me. Wala akong kasamang magsisimba. Wala ang daddy mo, may appointment daw," abalang sabi niya habang kinakabit ang kaniyang mga hikaw."Mom, I wanted to sleep all day," nakasimangot na pagmamaktol ko.Huminto si mom sa ginagawa niya at masama na ang tingin sa akin. Hindi na ako natangkang magsalita pa at tumayo na nang kusa para maligo."Dalisan mo, ha!" Atsaka na lumabas ng kwarto ko si mom.Honestly, hindi ako talaga mahilig magsimba. Monday to Saturday ang klase ko at linggo na lang ang pahinga ko. Sina mom and dad nam

  • The Lost Angel   Chapter 8.1

    [Talitha's P.O.V]Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Hindi ako makatingin ng diretso sa mga kaklase kong masasama na ang tingin sa akin mula rito sa kinauupuan ko dahil hanggang ngayon ay nahihiya pa rin ako sa nangyari. Pagkatapos kasi akong yakapin ni Adem sa harap ng klase namin, sabay niya akong nginitian at kininditan na para bang sinadya niya ang mga nangyayari.“I didn’t expect to see those kinds of performance, class. Good job!” masayang puri sa amin ng aming prof. “I’ll announce now your grades. The group of Aerol got 97, while the group of Adem got 99.”Mabilis akong napatayo at napasigaw dahilan para lumingon sa akin ang mga kaklase ko. “Nanalo tayo…” mahinang bulong ko sa katabi kong si Adem. Nakita ko lang siyang napangiti at namula ang pisngi pero hindi ko na ‘yon pinansin. Mabilis kong binalingan ng tingin si Mark na masaya ring nakangiti sa akin.“Class dismisses.&r

  • The Lost Angel   Chapter 8: She's Making a Friend

    [Talitha's P.O.V]Mabilis na dumating ang lunes. Wala kaming ibang ginawa ng mga ka-grupo ko kundi mag-usap-usap sa phone. Mabuti na lang talaga pinahiram sa akin ni Adem and kaniyang extra phone para sa group project na 'to. Naging mas madali para sa amin ang communication."Tay! Alis na po ako!" Atsaka mabilis na tumakbo palabas ng bahay. Ilan beses ko pa minememorize ang mga linya ko para sa reporting namin this day. Kailangan ma-perfect ko ang lahat para worth it lahat ng pinagpaguran namin ng kagrupo ko.Mabilis din akong nakarating sa terminal at nagabayad ng pamasahe. Kahit nasa-jeep ay wala pa rin akong tigil sa pagme-memorize kahit alam ko naman na memorize ko na. Habang papalapit nang papalapit ako sa school, pabilis naman nang pabilis ang tibok ng puso ko dahil sa kaba. 'Yong eksena pa lang namin ni Adem as a couple, kinakabahan na ako na baka imbis na magkaroon sila ng interest na makinig baka ituloy lang nila ang pambaba-bash sa akin.

  • The Lost Angel   Chapter 7.2

    [Talitha's P.O.V]"Kapag ako ang kausap mo, Tali. Do not be afraid to show who you really are."Paulit-ulit na nag-e-echo ang mga salitang 'yan na sinabi niya sa akin kanina. Hindi ko alam kung ano ang ibig niyang sabihin pero may part sa sistema ko ang naging masaya."Talitha!" bungad sa akin ni Mark nang tuluyan kaming makapasok ni Adem sa bahay nila.Halatang kumportable siya rito sa bahay nila Adem at kilalang-kilala na siyaHindi ako makapaniwala sa laki ng bahay nila. Ang daming babasagin, ni pati ang inaapakan ko ay gawa sa salamin. Ang taas ng bubong nila. Ang daming magandang mga paintings ang nakasabit sa dingding. Tapos ang ganda pa ng ilaw nila."Wow." Hindi ko na napigilan ang sarili ko na mamangha sa ganda ng bahay na 'to. Pakiramdam ko nasa palasyo ako na madalas kong nakikita sa T.V."Bahay niyo talaga 'to, Adem?" tanong ko sa kaniya habang abala ako sa pagmamasid sa paligid.

  • The Lost Angel   Chapter 7.1

    [Talitha's P.O.V]Nagtataka kong pinagmamasdan ang cellphone na hawak ko ngayon. Bagamat hindi ko alam ang dahilan ni Adem bakit pinahiram niya sa akin ang sarili niyang phone ay hindi ko mapigilang mamangha sa ganda at laki nito.May tatlong camera sa likod. Kulay itim naman ang case nito. Mas malaki pa ang phone na 'to kaysa sa mga palad ko.Napalunok pa ako nang mapagtanto kung gaano ito kamahal. Kaya imbis na gamitin ito, maingat kong inilagay sa bag ang cellphone niya. Mahirap na baka magasgasan at mawala ko pa, wala akong ipambabayad.Inabala ko na lang ang sarili ko sa paglalakad. Nagbabakasali akong makahanap ng isang lugar dito sa university na walang gaanong mga tao. Lunch time kasi namin ngayon at nahihiya akong kumain sa cafeteria baka pagtawanan nila ako dahil isang piraso lang ng tinapay ang dala ko habang sila masasarap ang mga kinakain.Umupo ako agad sa isang malapad na upuan malapit dito sa field at pasik

  • The Lost Angel   Chapter 7: A day to Remember

    [Adem P.O.V] The class was ended and I can’t believe that Talitha will become my member. I am currently walking towards at the terminal, smiling under the sun. Paulit-ulit na nagrereply sa isip ko ang lahat ng mga nakita kong reaksyon sa kaniya. ‘Yong mga ngiti niya nang makita ko kung gaano siya kasaya na nakatanggap na regalo. ‘Yong pagtataka kung bakit kusa na lang ako napangiti kanina sa harapan niya, kahit ‘yong gulat niya nang bulungan ko siya. Ginawa ko ‘yon para madistract siya at para hindi niya magawang makapag-focus sa jack and poy. Mabuti na lang at pumabor ang tadhana sa akin. Bigla akong napalingon sa paligid ko at lahat ng mga kasama ko rito sa jeep, nagtataka sa akin. Napansin ko na lang bigla na nakangiti pala ako nang wala sa sarili kaya mabilis kong inayos ang sarili ko at pinigilan ko muna ang ngumiti pero at the end hanggang sa makababa ako ng jeep, nakangati pa rin ako. “Mom! Pa! I’m home!” I imm

  • The Lost Angel   Chapter 6: Reporting

    [Talitha P.O.V] “Here,” sabi sa akin ng may pangalang Adem. Nagtataka ko naman siyang tinitingnan habang papalit-palit ang tingin sa kaniya at sa paper bag na inaabot niya sa akin. Dito ko lang din napagmasdan na mayroon pala siyang napakagandang kulay abong mga mata. “Ano ‘yan?” Nagtakaka kong tanong. Kukunin ko na sana ang paper bag sa kaniya nang bigla niyang ipinatong ‘yon sa ibabaw ng waching machine. Natawa pa ako sa kilos niya dahil para syang natataranta at kinakabahan. “Kung hindi mo kasya, pwede mo siyang ipamigay,” sabi niya sa akin. Natawa naman ako ng mahina sa sinabi niya. Sinilip ko ang laman ng paper bag pero nananatili pa rin sa akin ang pagtataka. Narinig namin pareho na tumunog ang machine hudyat na tapos na itong malabhan. Mabilis naman kinuha ni Adem ang damit niya at naiwan ang akin atsaka lumabas ng laundry room.Teka? Gano’n lang ‘yon? Pagkatapos nito, okay na ‘yong damit? Wo

  • The Lost Angel   Chapter 5: First Conversation

    [Adem P.O.V] I was so shocked when I saw her wet blouse stuck to her chest. I could not look directly at her that’s why I immediately took my handkerchief at my pocket and handed it to her. "Cover your chest,” I commanded her. Nagtataka naman niya akong tiningnan pero when she realized the reason why I commanded her to cover her chest, she was also shocked and grabbed it immediately and suddenly felt embarrassed. "Talitha!" Mark called her name when he finally reaches out in our place. “Are you okay?” Aerol asked with his worried eyes. “What happened?” Agustin asked. She stayed silent. Hindi niya nasagot ang mga sunod-sunod na tanong ng mga kaibigan ko. We are worried about her. Kita ko sa mga mata niya na gusto na niyang umalis sa kinatatayuan niya pero hindi niya alam kung paano. Unti-unti na rin niyang nakukuha ang atensyon ng iba pang mga studyante sa paligid. La

DMCA.com Protection Status