Home / All / The Lost Angel / Chapter 4: Doubt, shy, encounter

Share

Chapter 4: Doubt, shy, encounter

Author: Trinity
last update Last Updated: 2021-06-07 21:17:55

[Talitha P.O.V]

"Anak, sigurado ka ba'ng hindi na kita ihahatid sa school mo?" Bagamat nag-aalala sa akin si tatay ay hinid pa rin nawawala sa kaniyang mga mata ang saya. 

Hinawakan ko ang balikat ni tatay. "Opo tay. Okay na okay lang po sa akin. Huwag ka po masyadong mag-alala sa akin, tay."

Pinatong ni tatay ang kaniyang kamay sa aking ulo at marahan niya itong hinaplos. "Nag-aalala lang ako sa'yo dahil baka awayin ka ng mga spoiled brat sa eskwelahan na 'yon. Alam ko ang galaw ng mga anak mayaman, anak."

Hinalikan ko na agad sa pisngi si tatay. "Hindi ko po hahayaan na saktan nila ako, tay. Pangarap ko po na makapag-aral sa University na 'yon kaya hindi po nila ako mahahadlangan." Nakangiti kong sabi kay tatay.

"Sige na, tay. Aalis na po ako. Paalam!" At mabilis akong lumabas ng bahay para iwasan ang pag-aalala ni tatay. 

Napabuntong hininga na lang ako habang naglalakad ako sa kalsada papunta sa terminal ng jeep. Hindi ko mapigilang hindi mapangiti. Ito na 'yon! Ito na 'yong matagal ko ng dinarasal at talagang ibinigay sa akin ng Diyos. Excited ako na kinakabahan kasi lumipas na ang isang linggo nang magsimula ang klase. Sana magawa kong makahabol.

Nang makita kong mabilis na nagsakayan ang mga estudyante sa isang jeep na dadaan sa eskwelahan ko ay patakbo akong nagtungo ro'n. Saktong-sakto ang pagdating ko dahil isang pasahero na lang, aalis na ang jeep. Nagbayad ako sa driver bago tuluyang sumakay ng jeep. Sa loob pa lang ng jeep ay pinagtitinginan na ako ng mga kapwa ko estudyante.

Nang mapagtanto ko kung ano ang pinagtitinginan nila ay bigla na lang ako nahiya. Ang gaganda nila sa unipormeng suot nila. Halata ang hugis ng kanilang katawan sa blouse na suot nila. Halos pare-pareho sila ng size ng uniporme samantala ako, ang hahaba ng suot ko. Hindi naman ako nainform ng school na kailangan ganoon ang size ng uniporme, e. Basta tinanong lang ako kung anong size ng uniporme ang gusto ko, sinabi ko lang naman na dapat lagpas sa tuhod ang palda ko at mahaba ang manggas ng blouse ko at hindi hapit.

Hindi ko na pinansin ang mga tingin nila sa akin kaya naman tahimik lang akong nakaupo sa jeep at hinihintay na huminto ito sa harap ng school namin. Lumipas ang kinse minuto, nakarating na rin kami. Nagunahan ang mga iilang mga estudyante pababa dahilan para maipit ako sa kanila. Nakahinga naman ako nang malalim nang makababa nang tuluyan sa jeep.

Masaya akong pumasok ng University. Grabe. Napakalaki niya! Ilan beses ko pang nilingon-lingon ang paningin ko dahil sa mga naglalakihang mga arko. Ang lalaki ng mga building at talaga naman nakakamangha ang taas ng mga 'yon. Kakaiba ang bawat estraktura ng school kumpara sa dati kong eskwelahan bagamat pampubliko. Iba talaga kapag mga mayayaman ang nagpapatakbo ng paaralan.

Mabilis kong nakita ang building ng Grade 12 - Senior High. May mga malalaking letra kasing nakalagay sa tuktok ng building kaya hindi talaga maliligaw. Malayo nga lang ito sa entrance ng school kaya na-realize ko na bawal akong ma-late.

Takbo-lakad ang ginawa ko para lang makapunta sa harap ng classroom namin. Kinakabahan ako. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon sa akin ng mga bago kong mga kaklase lalo na sa suot ko pero ayos lang. Pangarap ko ito kaya hindi dapat ako magpapaapekto sa kanila.

"Excuse me? Are you a new student?" Tanong sa akin ng isang magandang babae. Nakasuot siyang pang-teacher na uniform pero malayong-malayo sa uniporme ng dati kong school. Masyado siyang sexy tingnan.

"Ah, y-yes po," nahihiya kong tanong sabay napayuko.

"Are you Ms. Talitha Garcia?"

Mabilis kong iniangat ang ulo ko at nakangiting tumango-tango sa kaniya. 

"Alright," sabi niya nang matapos tingnan ang hawak-hawak niyang papel. "I'm your adviser. I'm Ma'am Lalaine," pagpapakilala niya sa sarili. 

"Maganda umaga po," nakayukong bati ko naman.

Pinihit niya ang doorknob ng pinto at doon naglakad papasok.

"Good morning, class," rinig kong bati ng adviser namin sa mga magiging kaklase ko.

Hindi ako agad nakasunod sa kaniya dahil nangunguna ang kaba sa dibdib ko. 

"Good mmorning, ma'am."

Mas lalo akong kinabahan nang marinig ko ang mga boses nila.

"How are you, everyone? I hope you are doing well and nakapagpahinga kayo nitong weekends. By the way, I want to introduce to you, your new classmate. Ms. Garcia, you may enter to the classroom."

Nagbigay lang ako nang mabigat na buntong hininga para pakawalan ang kaba sa dibdib ko. Dahan-dahan naman akong naglakad papasok sa classroom at isinara ang pinto.

"Hello..." kinakabahan na bati ko sa kanila. "I'm Talitha Garcia, seventeen years old. Hmmm. Ano... taga Dolores, San Fernando po ako. Transfeeree. 'Yon lang po, ma'am." Isa-isa ko silang pinagmamasdan pagkatapos ay napayuko na lang ako sa hiya.

Sa mga itsura pa lang ng mga kaklase ko mukha na talaga silang mga bigatin. Halos sa kanila ay may mga istura at mukhang matatalino. 

"What's your hobbies. Ms. Garcia?" sunod na tanong sa akin ng adviser namin.

Napaisip naman ako saglit bago nagsalita. "I love praying."

Nakarinig naman ako ng tawanan mula sa mga kaklase ko.

"Ssssh! Shut-up guys," bawal sa kanila ng teacher namin.

"You may now take your seat, Ms. Garcia," rinig kong sabi sa akin ni Ma'am L.

Dahan-dahan kong inangat ang aking ulo at nagpalinga-linga sa paligid. Napabuntong hininga ako nang makitang nasa dulo pa ang bakanteng upuan. 

"Talitha! Dito ka na lang, ako na lang do'n sa sa dulo." 

Napalingon ako sa kaklase kong lalaki na nagbigay ng kaniyang pwesto. Nagtataka ko siyang tinitingnan habang lumilipat ng upuan at ganoon na lang kalaki ang ngiti niya sa akin.  Hindi ko tuloy maiwasan na mapangiti rin nang palihim. Ramdam ko rin ang bulungan ng mga kaklase ko, maliban sa pangungutya nila sa suot ko ay tingin kong mas lalong nakaagaw ng atensyon nila ang ginawa ng kaklase ko.

"Salamat po." Ito na lang ang nasabi ko.

Gusto kong malaman ang pangalan niya para sana makipagkaibigan sa kaniya kaso hindi ko na nagawa. Umatras ang dila ko para kausapin siya kaya tahimik na lang akong umupo.

Nag-umpisa agad ang klase namin kay Ms. L. Noong una hindi ako makasabay sa discussion dahil medyo naging bakante ang isip ko. Pinagsisihan ko pa hindi ko nagawang mag-review sa mga dati kong notes noong Grade 11.  Mabuti na lang at may stock knowledge ako.

Natapos ang klase namin kay Ms. L. Ang subject namin sa kaniya ay Oral Communication. Sumunod na pumasok naman ang isang professional na lalaki na may dala-dalang laptop. Pagkatapos niyang ayusin ang laptop at i-connect ito sa smart t.v. na napakalaki ay doon na niya sinimulan ang pagpapakilala ng sarili kasabay ng discussion niya sa amin.

"I'm Harold Chua, your professor in Business Finance," saglit niyang nilingon-lingon ang kaniyang mga singkit na mata sa amin nang hindi ginagalaw ang kaniyang ulo. Nakakaba kung paano siya tumingin sa amin pero kalaunan ay ngumiti siya sa amin upang tanggalin ang mabigat na atmosphere.

"Transferee, can you tell me about your idea when you hear the word Business Finance?" sabi nito habang ang atensyon ay abala sa pag-aayos ng wire ng laptop. Kaya naman hindi na ako nagdalawang-isip na tumayo pero laking gulat ko nang may kasabay akong tumayo sa upuan.

Nagkatinginan naman kaming dalawa ng katabi ko pero siya ang unang umiwas ng tingin. Nilingon naman kami ni Mr. Chua at gulat na mapansin na dalawa kaming nakatayo.

"Ow, we have two transferees?" nagpapalit-palit ang kaniyang paningin sa aming dalawa. 

"Yes, sir, " sabay-sabay naman tugon ng mga kaklase ko.

"Miss, your name and in what school are you from?" baling sa akin ni Mr. Chua.

Yumuko naman ako bago sumagot, "I'm Talitha po. Galing po ako sa public school." Narinig kong nagtawanan na naman ang iilan sa mga kaklase ko pero hindi ko 'yon binigyan ng pansin. Ano kayang nakakatawa sa sinabi ko? Psh.

"If I am not mistaken, ikaw ang mabutihing nagsauli ng wallet ng CEO ng school, tama ba?" Tumango-tango naman ako.

"Keep it up," dagdag niyang komento dahilan para mapangiti ako ng palahim. 

"How about you?" tukoy naman niya sa lalaking kasabay kong tumayo. 

"I'm Adem from Angeles University."

"Why did you transfered? Angeles University is one of the best school here in Pampanga." Halata na curious si Mr. Chua sa kaklase ko.

"I want new environment," maiksing tugon nito agad habang na sa akin ang paningin. 

Napasimangot na lang ako. Iba talaga kapag mayayaman, lahat na lang ng gusto nila nakukuha nila, ultimong new environment, pwede nilang makuha anytime. Samantala ako na laki sa mahirap, kailangan pang makapulot ng wallet ng mayaman na tao at naging mapalad dahil nakapasok ako sa mamahaling eskwelahan katulad nito. 

"Miss Talitha, can you answer my question a while ago?"

Nagulat ako agad dahil hindi ko inaasahan sa akin mapupunta talaga ang tanong. Akala ko ay doon na sa may pangalan ng Adem niya ipapasagot.

Hindi ako makasagot kasi hindi ko alam ang isasagot ko. Hinahanap ko sa isipan ko ang stock knowledge ko pero bakit parang hindi ko mahagilap kung saan part ng brain ko ito nakatago?

"Ano po sir... Ano, ammm," kinakabahan na panimula ko. Nakaabang lang si Mr. Chua sa sasabihin ko. Nang mapagtanto niya na hindi ko ito magawang masagot ay doon na niya ibinaling sa nakasabay kong tumayo kanina.

"Mr. Adem, what's your idea?" 

Saglit ko siyang nilingunan at ganoon na lang siya makatitig sa akin sabay napangiti. "Business Finance is responsible for allocating the funds of a corporate business, creating an economic forecast and reviewing the opportunities of equity and debt financing." Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay naupo na lang siya.

Muli na naman akong napasimangot. Ang galing niyang sumagot at talagang napaka-confident niya. Malayong-malayo sa mga ordinaryong estudyanteng nakilala ko noon sa dati kong school. 

"Exactly. Thank you Mr. Adem."

Pagkatapos no'n ay nagtuloy-tuloy na si Sir Chua sa discussion at hindi na muling nagtanong. Simula pa lang ng araw niya sa amin ang dami na agad niyang mga formula na ipinakita na sobrang nakakasakit talaga ng ulo.

Tumunog ng malakas ang bell. Hudyat na tapos na ang klase at lunch time na. Mabilis na naglabasan ang mga kaklase ko sa room namin hanggang sa lima na lang kaming natira. Sikreto kong sinusulyapan ang apat na lalaking kaklase ko at ganoon na lang ako namangha sa kani-kanilang mga istura. Tindig pa lang nila at makikita mo pa lang sa mukha nila na sigurado lang na mayayaman sila.

Hindi ko na hinintay pa na huli akong makalabas ng room. Nang maging ayos na ang kagamitan ko ay agad kong sinabit ang aking bag sa balikat ko at  naglakad palabas ng classroom. Kasalukuyan akong naglalakad ngayon papuntang cafeteria. Ngayon ko na naiitindihan kung bakit sila nagpapaunahan dahil sobrang dami ng mga nakapila.

Iaapak ko na sana ang aking paa sa hagdan para makapasok nang tuluyan sa cafeteria nang biglang may bumangga sa akin dahilan para matapon ang tray ng pagkain niya.

"Hala, sorry!" mabilis kong paghingi ng paumanhin nang makitang natapon ang kaniyang pagkain. 

"You bitch, how dare you to hit my shoulder!" inis na rinig ko mula sa isang babaeng nakabangga sa akin.

Ano raw? Ako ang bumangga sa kaniya? Samantalang siya ang nakabangga sa akin. Tinitigan ko nang masama ang babaeng namumula ang mukha dahil sa galit. Ang kapal ng make-up niya. Hindi tuloy bumagay sa kaniya. Nang mapansin niya ang pagkakatitig ko sa kaniya nang masama ay bigla niyang kinuha ang baso na may lamang tubig sa katabi niyang makapal din ang make-up atsaka niya ito ibinuhos sa akin dahilan para mabigla ako at ang mga nakakakita sa amin.

"Whoa!"

Dahil sa kahihiyan ay nanlambot bigla ang aking dalawang tuhod para mapaupo ako sa sahig. Naramdaman kong nag-init ang gilid ng aking mga mata para pagpatuloy sa pag-agos ang aking mga luha. Gusto ko siyang sigawan dahil hindi ko naman kasalanan kung bakit natapon ang pagkain niya! Pero imbis na gawin 'yon ay pinili ko na lang na manahimik.

Hindi ko inaasahan sa unang araw ng pagpasok ko ito na agad ang mapapala ko.

"Natapon tuloy ang pagkain ko!" maarteng sabi niya sa akin. 

"S-sorry... h-hindi ko naman s-sinasadya..." umiiyak na paghingi ko ng paumanhin.

"Sorry your face! My goodness! Argh!" Atsaka inis na umalis ang babae at padabog na itinapon ang tray sa daan. Inaasahan kong tatama sa akin ang tray kaya napapikit na lang ako agad ngunit wala akong naramdaman na dumapo ang tray sa akin. Dahan-dahan ko naman minulat ang aking mga mata at sumalubong sa akin ang pamilyar na lalaki.

May pag-aalala ang kaniyang mga matang nakatingin sa akin. Mas lalong binuhay ng kulay abo niyang mga mata ang napakaganda niyang awra. Bagay na bagay sa mukha niyang napakakinis sa puti. Nang mapagtanto ko ang sarili na matagal nang nakatingin sa lalaking ito ay mabilis kong iniiwas ang sarili at dahan-dahan na tumayo. Naramdaman ko naman ang kaniyang kamay na umalalay sa aking siko dahilan para makaramdam ako ng kiliti kaya mabilis ko itong tinanggal sa kaniya.

Inabutan niya ako agad ng panyo. Nagdadalawang isip pa ako kung kukuhanin ko ito or hindi.

"Cover your chest," sabi niya habang nasa ibang direksyon ang kaniyang paningin.

Taka ko namang tiningnan ang dibdib ko at muntik ng lumuwa ang dalawang eye-ball ko nang makita ang kalagayan ko kaya mabilis kong kinuha sa kamay niya ang kaniyang panyo nang makitang nakabakat ang bra sa blouse ko. Mas lalong nangibabaw ang kahihiyan ko. Napapikit na lang ako.

"Talitha!" 

Nabaling ang atensyon ko sa sumigaw ng pangalan ko. Nagtataka ko naman siyang pinagmasdan. Kung hindi ako nagkakamali nakita ko rin siya kanina sa classroom namin.

"Are you okay?" nag-aalalang tanong sa akin noong lalaking nag-offer ng upuan sa akin kanina nang makalapit sa kinaroroonan ko. 

"What happened?" dagdag naman ng isang kasama nila. 

Kung hindi ako nagkakamali, mga kaklase ko sila pero hindi ko alam mga pangalan nila maliban sa may Adem ang pangalan.

Pinagmamasdan nila ako nang may pag-aalala kaya naman hindi ko na nakayanan pa ang kanilang mga tingin at mabilis na tumakbo palayo sa kanila. Hindi ako sanay na kinaaawaan ako ng ibang tao dahil alam kong lumaki akong matapang.

Pero hindi sa ganitong pagkakataon. 

Takbo at lakad ang ginagawa ko papuntang rest room. Hindi ko na nagawang magpasalamat pa sa kanila dahil sobrang akong nahihiya sa istura ko. 

"Ano na lang ang gagawin ko nito?" nag-aalalang sabi ko habang abala sa pagtakbo habang tinatakpan ng panyo sa dibdib ko. 

Nang makarating ako sa restroom ay ganoon na lang bumagsak ang dalawa kong balikat nang makita kung gaano kadungis ang istura ko. 

"Paano na lang ako papasok sa next subject ko?" mangiyak-iyak na sabi ko sa sarili habang nakaharap sa isang malaking salamin. 

Pansamantala ko munang kinalma ang aking sarili at ipinikit ang sarili atsaka lang ako nanalangin na bigyan ako ng lakas na loob at baliwalain ang mga taong nangungutya sa akin.

"Love your enemy," pabulong na sabi ko sa sarili ko. "Huwag na huwag kang makikipag-away," muli kong bulong sa sarili ko. "Hindi ka pwedeng magka-record sa school na 'to. Pangarap mo 'to, hindi ba?" Ngayon ay nakadilat na ang aking mga mata at matapang na nakatitig sa aking sarili sa salamin.

Muli kong ipinikit ang aking mga mata at muling nagdasal, "Panginoon, kailangan ko po ng lakas ng loob Mo, ng Tapang Mo para humarap sa mga mayayamang tao na 'to." Dinilat ko ang aking mga mata at marahan na hinaplos ang krus na kwintas na suot-suot ko. Galing pa ito sa lola ko na pina-bless pa niya sa pari para lang maging gabay ko.

Nagbuga ako ng malalim na hininga at matapang na lumabas ng restroom. Isinabit ko ang panyo sa aking dibdib at naghanap ng bakanteng classroom para doon ko palihim na patuyuin ang blouse ko. Bago pa man ako makapasok sa classroom na 'yon ay may agad-agad namang humila sa kamay ko.

Pagkatingin ko siya 'yong kaklase kong lalaki na nag-offer sa akin ng upuan. Ang bilis niyang maglakad habang hila-hila ang kamay ko dahilan para maging takbo na ang ginagawa ko. 

"T-teka, saan mo ako d-dalhin?" nauutal na tanong ko pero hindi niya ako pinansin at diretso lang ang tingin sa daan. Pinagbubulungan na tuloy kami ng mga estudyanteng nakakakita sa amin.

Huminto kami sa harap ng isang pinto. NIlibot ko ang aking paningin at nasa pinakadulo na kami ng hallway. Ibinaling ko ang paningin sa harap ng pinto at may nabasa akong 'Laundry Shop'.

May laundry shop dito sa loob ng school?

"Here." May inaabot siyang paper bag sa akin ngayon. Nagtataka ko naman siyang pinagmamasdan.

"It's a blouse, atsaka mo na diyan ilaundry ang nabasa mong blouse para agad matuyo," nakangiti niyang sabi sa akin. Hindi ko tuloy maiwasang pagmasdan ang kaniyang istura. Bakit sa school na 'to ang daming mala-anghel ang itsura? Naiinggit ako sa kinis ng mukha niya, kulay tsokolate naman ang kaniyang mata at bilugin ito. Maliit lang ang ilong niya pero matangos. Mas nakakaagaw ng atensyon ang nunal niya sa leeg. Para tuloy natunaw ang puso ko sa ginawa niya. Mabilis kong iniling-iling ang aking ulo. 

"Hindi na, papatuyin ko na lang 'to sa electric fan," nahihiya kong pagtanggi. 

Muli na naman siyang ngumiti sa akin at kinuha ang kamay ko atsaka niya binigay ang paper bag na dala niya. "It's okay." 

Pagkatapos niyang iabot 'yon sa akin ay naglakad na siya agad palayo sa kinaroroonan namin. 

"Teka lang!" wala sa sariling sabi ko.

Huminto naman siya agad sa paglalakad at nakangiting lumingon sa gawi ko. 

"Ano pa lang ... pangalan mo?" nahihiya kong tanong. Humigpit ang pagkakahawak ko sa tali ng paper bag dahil sa kahihiyan.

Tuluyan siyang humarap sa gawi ko at nakangiting nakatingin sa akin. Napakamot pa siya sa batok bago muling nagsalita. "Aerol, Aerol Tiamzon."

Sa tamis ng ngiti niya ay nagawa ko na tuloy mahawa. "Salamat dito, Aerol." Tukoy ko sa blouse na binigay niya sa akin.

Ngumiti lang siya sa akin ulit bago patakbong umalis. Nakakasilaw ang puti niya sa araw. 

Binuksan ko ang paper bag na binigay niya at ganoon na lang ako napangiti ng may sulat pa siyang iniwan para sa akin.

'Nice to meet you, Talitha.'

>>> to be continued...

Related chapters

  • The Lost Angel   Chapter 5: First Conversation

    [Adem P.O.V] I was so shocked when I saw her wet blouse stuck to her chest. I could not look directly at her that’s why I immediately took my handkerchief at my pocket and handed it to her. "Cover your chest,” I commanded her. Nagtataka naman niya akong tiningnan pero when she realized the reason why I commanded her to cover her chest, she was also shocked and grabbed it immediately and suddenly felt embarrassed. "Talitha!" Mark called her name when he finally reaches out in our place. “Are you okay?” Aerol asked with his worried eyes. “What happened?” Agustin asked. She stayed silent. Hindi niya nasagot ang mga sunod-sunod na tanong ng mga kaibigan ko. We are worried about her. Kita ko sa mga mata niya na gusto na niyang umalis sa kinatatayuan niya pero hindi niya alam kung paano. Unti-unti na rin niyang nakukuha ang atensyon ng iba pang mga studyante sa paligid. La

    Last Updated : 2021-08-17
  • The Lost Angel   Chapter 6: Reporting

    [Talitha P.O.V] “Here,” sabi sa akin ng may pangalang Adem. Nagtataka ko naman siyang tinitingnan habang papalit-palit ang tingin sa kaniya at sa paper bag na inaabot niya sa akin. Dito ko lang din napagmasdan na mayroon pala siyang napakagandang kulay abong mga mata. “Ano ‘yan?” Nagtakaka kong tanong. Kukunin ko na sana ang paper bag sa kaniya nang bigla niyang ipinatong ‘yon sa ibabaw ng waching machine. Natawa pa ako sa kilos niya dahil para syang natataranta at kinakabahan. “Kung hindi mo kasya, pwede mo siyang ipamigay,” sabi niya sa akin. Natawa naman ako ng mahina sa sinabi niya. Sinilip ko ang laman ng paper bag pero nananatili pa rin sa akin ang pagtataka. Narinig namin pareho na tumunog ang machine hudyat na tapos na itong malabhan. Mabilis naman kinuha ni Adem ang damit niya at naiwan ang akin atsaka lumabas ng laundry room.Teka? Gano’n lang ‘yon? Pagkatapos nito, okay na ‘yong damit? Wo

    Last Updated : 2021-08-23
  • The Lost Angel   Chapter 7: A day to Remember

    [Adem P.O.V] The class was ended and I can’t believe that Talitha will become my member. I am currently walking towards at the terminal, smiling under the sun. Paulit-ulit na nagrereply sa isip ko ang lahat ng mga nakita kong reaksyon sa kaniya. ‘Yong mga ngiti niya nang makita ko kung gaano siya kasaya na nakatanggap na regalo. ‘Yong pagtataka kung bakit kusa na lang ako napangiti kanina sa harapan niya, kahit ‘yong gulat niya nang bulungan ko siya. Ginawa ko ‘yon para madistract siya at para hindi niya magawang makapag-focus sa jack and poy. Mabuti na lang at pumabor ang tadhana sa akin. Bigla akong napalingon sa paligid ko at lahat ng mga kasama ko rito sa jeep, nagtataka sa akin. Napansin ko na lang bigla na nakangiti pala ako nang wala sa sarili kaya mabilis kong inayos ang sarili ko at pinigilan ko muna ang ngumiti pero at the end hanggang sa makababa ako ng jeep, nakangati pa rin ako. “Mom! Pa! I’m home!” I imm

    Last Updated : 2021-09-04
  • The Lost Angel   Chapter 7.1

    [Talitha's P.O.V]Nagtataka kong pinagmamasdan ang cellphone na hawak ko ngayon. Bagamat hindi ko alam ang dahilan ni Adem bakit pinahiram niya sa akin ang sarili niyang phone ay hindi ko mapigilang mamangha sa ganda at laki nito.May tatlong camera sa likod. Kulay itim naman ang case nito. Mas malaki pa ang phone na 'to kaysa sa mga palad ko.Napalunok pa ako nang mapagtanto kung gaano ito kamahal. Kaya imbis na gamitin ito, maingat kong inilagay sa bag ang cellphone niya. Mahirap na baka magasgasan at mawala ko pa, wala akong ipambabayad.Inabala ko na lang ang sarili ko sa paglalakad. Nagbabakasali akong makahanap ng isang lugar dito sa university na walang gaanong mga tao. Lunch time kasi namin ngayon at nahihiya akong kumain sa cafeteria baka pagtawanan nila ako dahil isang piraso lang ng tinapay ang dala ko habang sila masasarap ang mga kinakain.Umupo ako agad sa isang malapad na upuan malapit dito sa field at pasik

    Last Updated : 2021-10-04
  • The Lost Angel   Chapter 7.2

    [Talitha's P.O.V]"Kapag ako ang kausap mo, Tali. Do not be afraid to show who you really are."Paulit-ulit na nag-e-echo ang mga salitang 'yan na sinabi niya sa akin kanina. Hindi ko alam kung ano ang ibig niyang sabihin pero may part sa sistema ko ang naging masaya."Talitha!" bungad sa akin ni Mark nang tuluyan kaming makapasok ni Adem sa bahay nila.Halatang kumportable siya rito sa bahay nila Adem at kilalang-kilala na siyaHindi ako makapaniwala sa laki ng bahay nila. Ang daming babasagin, ni pati ang inaapakan ko ay gawa sa salamin. Ang taas ng bubong nila. Ang daming magandang mga paintings ang nakasabit sa dingding. Tapos ang ganda pa ng ilaw nila."Wow." Hindi ko na napigilan ang sarili ko na mamangha sa ganda ng bahay na 'to. Pakiramdam ko nasa palasyo ako na madalas kong nakikita sa T.V."Bahay niyo talaga 'to, Adem?" tanong ko sa kaniya habang abala ako sa pagmamasid sa paligid.

    Last Updated : 2021-11-18
  • The Lost Angel   Chapter 8: She's Making a Friend

    [Talitha's P.O.V]Mabilis na dumating ang lunes. Wala kaming ibang ginawa ng mga ka-grupo ko kundi mag-usap-usap sa phone. Mabuti na lang talaga pinahiram sa akin ni Adem and kaniyang extra phone para sa group project na 'to. Naging mas madali para sa amin ang communication."Tay! Alis na po ako!" Atsaka mabilis na tumakbo palabas ng bahay. Ilan beses ko pa minememorize ang mga linya ko para sa reporting namin this day. Kailangan ma-perfect ko ang lahat para worth it lahat ng pinagpaguran namin ng kagrupo ko.Mabilis din akong nakarating sa terminal at nagabayad ng pamasahe. Kahit nasa-jeep ay wala pa rin akong tigil sa pagme-memorize kahit alam ko naman na memorize ko na. Habang papalapit nang papalapit ako sa school, pabilis naman nang pabilis ang tibok ng puso ko dahil sa kaba. 'Yong eksena pa lang namin ni Adem as a couple, kinakabahan na ako na baka imbis na magkaroon sila ng interest na makinig baka ituloy lang nila ang pambaba-bash sa akin.

    Last Updated : 2021-11-22
  • The Lost Angel   Chapter 8.1

    [Talitha's P.O.V]Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Hindi ako makatingin ng diretso sa mga kaklase kong masasama na ang tingin sa akin mula rito sa kinauupuan ko dahil hanggang ngayon ay nahihiya pa rin ako sa nangyari. Pagkatapos kasi akong yakapin ni Adem sa harap ng klase namin, sabay niya akong nginitian at kininditan na para bang sinadya niya ang mga nangyayari.“I didn’t expect to see those kinds of performance, class. Good job!” masayang puri sa amin ng aming prof. “I’ll announce now your grades. The group of Aerol got 97, while the group of Adem got 99.”Mabilis akong napatayo at napasigaw dahilan para lumingon sa akin ang mga kaklase ko. “Nanalo tayo…” mahinang bulong ko sa katabi kong si Adem. Nakita ko lang siyang napangiti at namula ang pisngi pero hindi ko na ‘yon pinansin. Mabilis kong binalingan ng tingin si Mark na masaya ring nakangiti sa akin.“Class dismisses.&r

    Last Updated : 2022-01-19
  • The Lost Angel   Chapter 9: Sunday

    [Adem's P.O.V]"Adem!" I heard my mom shouting outside of my bedroom.Hindi ko 'yon pinansin. Masyado akong pagod sa buong linggo namin sa school. Kaya ang gusto ko lang ay matulog nang buong araw."Adem! Isa pang tawag sa'yo!""Mom! Why!" sigaw ko habang may inis.Narinig kong bumukas ang pinto at paglingon ko ay bumungad sa akin si mom na naka-dress."It's Sunday, anak. Come with me. Wala akong kasamang magsisimba. Wala ang daddy mo, may appointment daw," abalang sabi niya habang kinakabit ang kaniyang mga hikaw."Mom, I wanted to sleep all day," nakasimangot na pagmamaktol ko.Huminto si mom sa ginagawa niya at masama na ang tingin sa akin. Hindi na ako natangkang magsalita pa at tumayo na nang kusa para maligo."Dalisan mo, ha!" Atsaka na lumabas ng kwarto ko si mom.Honestly, hindi ako talaga mahilig magsimba. Monday to Saturday ang klase ko at linggo na lang ang pahinga ko. Sina mom and dad nam

    Last Updated : 2022-03-16

Latest chapter

  • The Lost Angel   Chapter 10: The Prof vs. The Four Boys

    [Talitha's P.O.V]"Talitha? Bakit ka nagmamadali?" bungad sa akin ni tatay nang makita akong natataranda sa pag-aayos ng gamit at ng sarili."Tay, ma-le-late na po ako sa klase," mangiyak-iyak na sagot ko kay tatay.Mangiyak-iyak ako dahil ang first subject namin ngayong umaga ay Conceptual Framework at at ang mas malala, terror pa naman ang prof namin dito. Sobrang ayaw na ayaw niya sa mga na-le-late na estudyante."Kumain ka na muna, anak."Mabilis kong sinuot ang I.D ko at ganoon din ang medyas. Natutumba-tumba akong lumabas ng bahay habang minamadaling isuot ang sapatos ko."Hindi na po tay."Dali-dali akong tumakbo papuntang terminal ng jeep nang makapkap ko ang bulsa ko, napansin ko na wala pala akong pamasahi ngayon!"Kainis," bulong ko sa sarili ko."Manong, anong oras na po?" Natataranta kong tanong sa lalaking matandang kasabay kong naghihintay din ng jeep."7:40," sagot naman ni manong pagkatapos tumingin ng oras sa relo niya.Agad naman akong napasapo ng noo. 20 minutes n

  • The Lost Angel   Chapter 9: Sunday

    [Adem's P.O.V]"Adem!" I heard my mom shouting outside of my bedroom.Hindi ko 'yon pinansin. Masyado akong pagod sa buong linggo namin sa school. Kaya ang gusto ko lang ay matulog nang buong araw."Adem! Isa pang tawag sa'yo!""Mom! Why!" sigaw ko habang may inis.Narinig kong bumukas ang pinto at paglingon ko ay bumungad sa akin si mom na naka-dress."It's Sunday, anak. Come with me. Wala akong kasamang magsisimba. Wala ang daddy mo, may appointment daw," abalang sabi niya habang kinakabit ang kaniyang mga hikaw."Mom, I wanted to sleep all day," nakasimangot na pagmamaktol ko.Huminto si mom sa ginagawa niya at masama na ang tingin sa akin. Hindi na ako natangkang magsalita pa at tumayo na nang kusa para maligo."Dalisan mo, ha!" Atsaka na lumabas ng kwarto ko si mom.Honestly, hindi ako talaga mahilig magsimba. Monday to Saturday ang klase ko at linggo na lang ang pahinga ko. Sina mom and dad nam

  • The Lost Angel   Chapter 8.1

    [Talitha's P.O.V]Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Hindi ako makatingin ng diretso sa mga kaklase kong masasama na ang tingin sa akin mula rito sa kinauupuan ko dahil hanggang ngayon ay nahihiya pa rin ako sa nangyari. Pagkatapos kasi akong yakapin ni Adem sa harap ng klase namin, sabay niya akong nginitian at kininditan na para bang sinadya niya ang mga nangyayari.“I didn’t expect to see those kinds of performance, class. Good job!” masayang puri sa amin ng aming prof. “I’ll announce now your grades. The group of Aerol got 97, while the group of Adem got 99.”Mabilis akong napatayo at napasigaw dahilan para lumingon sa akin ang mga kaklase ko. “Nanalo tayo…” mahinang bulong ko sa katabi kong si Adem. Nakita ko lang siyang napangiti at namula ang pisngi pero hindi ko na ‘yon pinansin. Mabilis kong binalingan ng tingin si Mark na masaya ring nakangiti sa akin.“Class dismisses.&r

  • The Lost Angel   Chapter 8: She's Making a Friend

    [Talitha's P.O.V]Mabilis na dumating ang lunes. Wala kaming ibang ginawa ng mga ka-grupo ko kundi mag-usap-usap sa phone. Mabuti na lang talaga pinahiram sa akin ni Adem and kaniyang extra phone para sa group project na 'to. Naging mas madali para sa amin ang communication."Tay! Alis na po ako!" Atsaka mabilis na tumakbo palabas ng bahay. Ilan beses ko pa minememorize ang mga linya ko para sa reporting namin this day. Kailangan ma-perfect ko ang lahat para worth it lahat ng pinagpaguran namin ng kagrupo ko.Mabilis din akong nakarating sa terminal at nagabayad ng pamasahe. Kahit nasa-jeep ay wala pa rin akong tigil sa pagme-memorize kahit alam ko naman na memorize ko na. Habang papalapit nang papalapit ako sa school, pabilis naman nang pabilis ang tibok ng puso ko dahil sa kaba. 'Yong eksena pa lang namin ni Adem as a couple, kinakabahan na ako na baka imbis na magkaroon sila ng interest na makinig baka ituloy lang nila ang pambaba-bash sa akin.

  • The Lost Angel   Chapter 7.2

    [Talitha's P.O.V]"Kapag ako ang kausap mo, Tali. Do not be afraid to show who you really are."Paulit-ulit na nag-e-echo ang mga salitang 'yan na sinabi niya sa akin kanina. Hindi ko alam kung ano ang ibig niyang sabihin pero may part sa sistema ko ang naging masaya."Talitha!" bungad sa akin ni Mark nang tuluyan kaming makapasok ni Adem sa bahay nila.Halatang kumportable siya rito sa bahay nila Adem at kilalang-kilala na siyaHindi ako makapaniwala sa laki ng bahay nila. Ang daming babasagin, ni pati ang inaapakan ko ay gawa sa salamin. Ang taas ng bubong nila. Ang daming magandang mga paintings ang nakasabit sa dingding. Tapos ang ganda pa ng ilaw nila."Wow." Hindi ko na napigilan ang sarili ko na mamangha sa ganda ng bahay na 'to. Pakiramdam ko nasa palasyo ako na madalas kong nakikita sa T.V."Bahay niyo talaga 'to, Adem?" tanong ko sa kaniya habang abala ako sa pagmamasid sa paligid.

  • The Lost Angel   Chapter 7.1

    [Talitha's P.O.V]Nagtataka kong pinagmamasdan ang cellphone na hawak ko ngayon. Bagamat hindi ko alam ang dahilan ni Adem bakit pinahiram niya sa akin ang sarili niyang phone ay hindi ko mapigilang mamangha sa ganda at laki nito.May tatlong camera sa likod. Kulay itim naman ang case nito. Mas malaki pa ang phone na 'to kaysa sa mga palad ko.Napalunok pa ako nang mapagtanto kung gaano ito kamahal. Kaya imbis na gamitin ito, maingat kong inilagay sa bag ang cellphone niya. Mahirap na baka magasgasan at mawala ko pa, wala akong ipambabayad.Inabala ko na lang ang sarili ko sa paglalakad. Nagbabakasali akong makahanap ng isang lugar dito sa university na walang gaanong mga tao. Lunch time kasi namin ngayon at nahihiya akong kumain sa cafeteria baka pagtawanan nila ako dahil isang piraso lang ng tinapay ang dala ko habang sila masasarap ang mga kinakain.Umupo ako agad sa isang malapad na upuan malapit dito sa field at pasik

  • The Lost Angel   Chapter 7: A day to Remember

    [Adem P.O.V] The class was ended and I can’t believe that Talitha will become my member. I am currently walking towards at the terminal, smiling under the sun. Paulit-ulit na nagrereply sa isip ko ang lahat ng mga nakita kong reaksyon sa kaniya. ‘Yong mga ngiti niya nang makita ko kung gaano siya kasaya na nakatanggap na regalo. ‘Yong pagtataka kung bakit kusa na lang ako napangiti kanina sa harapan niya, kahit ‘yong gulat niya nang bulungan ko siya. Ginawa ko ‘yon para madistract siya at para hindi niya magawang makapag-focus sa jack and poy. Mabuti na lang at pumabor ang tadhana sa akin. Bigla akong napalingon sa paligid ko at lahat ng mga kasama ko rito sa jeep, nagtataka sa akin. Napansin ko na lang bigla na nakangiti pala ako nang wala sa sarili kaya mabilis kong inayos ang sarili ko at pinigilan ko muna ang ngumiti pero at the end hanggang sa makababa ako ng jeep, nakangati pa rin ako. “Mom! Pa! I’m home!” I imm

  • The Lost Angel   Chapter 6: Reporting

    [Talitha P.O.V] “Here,” sabi sa akin ng may pangalang Adem. Nagtataka ko naman siyang tinitingnan habang papalit-palit ang tingin sa kaniya at sa paper bag na inaabot niya sa akin. Dito ko lang din napagmasdan na mayroon pala siyang napakagandang kulay abong mga mata. “Ano ‘yan?” Nagtakaka kong tanong. Kukunin ko na sana ang paper bag sa kaniya nang bigla niyang ipinatong ‘yon sa ibabaw ng waching machine. Natawa pa ako sa kilos niya dahil para syang natataranta at kinakabahan. “Kung hindi mo kasya, pwede mo siyang ipamigay,” sabi niya sa akin. Natawa naman ako ng mahina sa sinabi niya. Sinilip ko ang laman ng paper bag pero nananatili pa rin sa akin ang pagtataka. Narinig namin pareho na tumunog ang machine hudyat na tapos na itong malabhan. Mabilis naman kinuha ni Adem ang damit niya at naiwan ang akin atsaka lumabas ng laundry room.Teka? Gano’n lang ‘yon? Pagkatapos nito, okay na ‘yong damit? Wo

  • The Lost Angel   Chapter 5: First Conversation

    [Adem P.O.V] I was so shocked when I saw her wet blouse stuck to her chest. I could not look directly at her that’s why I immediately took my handkerchief at my pocket and handed it to her. "Cover your chest,” I commanded her. Nagtataka naman niya akong tiningnan pero when she realized the reason why I commanded her to cover her chest, she was also shocked and grabbed it immediately and suddenly felt embarrassed. "Talitha!" Mark called her name when he finally reaches out in our place. “Are you okay?” Aerol asked with his worried eyes. “What happened?” Agustin asked. She stayed silent. Hindi niya nasagot ang mga sunod-sunod na tanong ng mga kaibigan ko. We are worried about her. Kita ko sa mga mata niya na gusto na niyang umalis sa kinatatayuan niya pero hindi niya alam kung paano. Unti-unti na rin niyang nakukuha ang atensyon ng iba pang mga studyante sa paligid. La

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status